critique for 100

2
Filipino Ika-22 ng Agosto, 2011 SW#1 I-Tauhan * Joyce – Pinakabida; may cancer at malapit ng mamatay * Ruby –Matalik na kaibigan ni Joyce *Tessie Tomas – Ina ni Joyce * Emil- dating kasintahan ni Joyce na hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya * Me-An-katulong ng nanay ni Joyce *Rod - parang patagong kasintahan ni Joyce pero may asawa na *Marife – sekretarya ni Joyce na lagi niyang pinapagalitan *Gilbert-kuya ni Joyce II-Buod Si Joyce ay mayroong cancer at malapit ng mamatay. Gumawa siya ng listahan ng kanyang dapat gawin at nilagay ito sa mga “post-it”. Inayos niya ang mga bagay-bagay tulad ng kanyang pagpapalibing dahil ayaw na niyang asikasuhin pa ito ng mga tao. Kasama niya sa pagtupad ng kaniyang mga gustong gawin ay ang kaniyang matalik na kaibigan na si Ruby at kaniyang Ina’t kapatid. Tinapos niya ang kanyang relasyon kay Rod na mayroon ng asawa. Ginawa ni Joyce ang mga bagay na hindi pa niya nagagawa at mas lalo pa siyang napalapit sa kanyang pamilya. III-Kritiko Isang papuri dahil matagumpay na natapos ang pagtatanghal ng pelikula! Magaling ang mga artistang gumanap, damang-dama nila ang mga katauhan na kanilang ginampanan. Akmang-akma ang mga diyalogong kanilang binigkas sa bawat eksena. Napapanahon din naman ang paksa ng pelikula sapagkat maraming tao ngayon ang mas nalululong sa mga materyal na bagay dito sa mundo at hindi na nila iniintindi ang mga higit na mahahalagang bagay tulad ng pamilya at kaibigan. Nagkaroon nga lang ng kaunting diperensya sa tunog at linaw ng pelikula, ngunit hindi rin masisisi ang mga namuno sa programa dahil talaga ngang kulang tayo sa mga kagamitan.

Upload: theodoreestrada

Post on 17-Nov-2015

225 views

Category:

Documents


7 download

DESCRIPTION

summary

TRANSCRIPT

Filipino

Ika-22 ng Agosto, 2011SW#1

I-Tauhan* Joyce Pinakabida; may cancer at malapit ng mamatay

* Ruby Matalik na kaibigan ni Joyce

*Tessie Tomas Ina ni Joyce

* Emil- dating kasintahan ni Joyce na hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya* Me-An-katulong ng nanay ni Joyce*Rod - parang patagong kasintahan ni Joyce pero may asawa na

*Marife sekretarya ni Joyce na lagi niyang pinapagalitan

*Gilbert-kuya ni JoyceII-Buod

Si Joyce ay mayroong cancer at malapit ng mamatay. Gumawa siya ng listahan ng kanyang dapat gawin at nilagay ito sa mga post-it. Inayos niya ang mga bagay-bagay tulad ng kanyang pagpapalibing dahil ayaw na niyang asikasuhin pa ito ng mga tao. Kasama niya sa pagtupad ng kaniyang mga gustong gawin ay ang kaniyang matalik na kaibigan na si Ruby at kaniyang Inat kapatid. Tinapos niya ang kanyang relasyon kay Rod na mayroon ng asawa. Ginawa ni Joyce ang mga bagay na hindi pa niya nagagawa at mas lalo pa siyang napalapit sa kanyang pamilya.

III-Kritiko Isang papuri dahil matagumpay na natapos ang pagtatanghal ng pelikula! Magaling ang mga artistang gumanap, damang-dama nila ang mga katauhan na kanilang ginampanan. Akmang-akma ang mga diyalogong kanilang binigkas sa bawat eksena. Napapanahon din naman ang paksa ng pelikula sapagkat maraming tao ngayon ang mas nalululong sa mga materyal na bagay dito sa mundo at hindi na nila iniintindi ang mga higit na mahahalagang bagay tulad ng pamilya at kaibigan. Nagkaroon nga lang ng kaunting diperensya sa tunog at linaw ng pelikula, ngunit hindi rin masisisi ang mga namuno sa programa dahil talaga ngang kulang tayo sa mga kagamitan. Kung ako siguro si Rod, hindi ako magpapakasal at hihintayin ko na lang si Joyce na matanggap at mahalin niya ako. Alam kong mahirap at masakit na maghintay sa isang taong hindi ka naman mahal, pero mas mabuti na iyon kaysa naman yung may asawa ka na pero hindi mo naman mahal at nakikipagrelasyon ka pa sa iba. Bakit ka naman magpapatali sa taong hindi mo mahal? Nagpapakasal lang naman tayo dahil alam nating mahal na mahal natin yung tao at handa tayong mabuhay na kasama sila. Sa ginagawa ni Rod,pareho niya lang silang sinasaktan. Hindi yun isang pag-ibig kung hindi isang kasakiman. Kaya naman wala siyang karapatan na sabihing mahal niya si Joyce dahil sarili lang naman niya ang iniisip niya.