demo 2014

11
Paksa: Karunungang Bayan (Salawikain, Sawikain at Kasabihan) Mga Kagamitan: Larawan, pantulong biswal, presentation, yeso, pisara Mga Kasanayan: Pakikinig, pagsasalita, pag-unawa, pagsusuri Inaasahang bunga: 1. Natutukoy ang iba’t ibang karunungang bayan sa pamamagitan ng kanilang dating kaalaman hinggil sa paksa. 2. Napahahalagahan ang karunungang bayan sa buhay ng isang tao. 3. Nakapagbibigay ng halimbawa sa mga karunungang bayan na tinalakay. 4. Napaghahambing ang salawikain, sawikain at kasabihan sa pamamagitan ng venn diagram. Mahalagang tanong: Masasalamin ba sa panitikan ang kultura o kalagayang panlipunan ng isang bansa sa panahon at lugar na isinusulat ito? INTRODUKSYON Paunahan ang mga bata na buuin ang mga salawikain at sawikain na inihanda ng guro gamit ang mga ginulong salita batay sa larawang nakikita.

Upload: wensore-cambia

Post on 14-Dec-2015

632 views

Category:

Documents


8 download

DESCRIPTION

karunungang bayan

TRANSCRIPT

Page 1: demo 2014

Paksa: Karunungang Bayan (Salawikain, Sawikain at Kasabihan)

Mga Kagamitan: Larawan, pantulong biswal, presentation, yeso, pisara

Mga Kasanayan: Pakikinig, pagsasalita, pag-unawa, pagsusuri

Inaasahang bunga:

1. Natutukoy ang iba’t ibang karunungang bayan sa pamamagitan ng kanilang dating kaalaman hinggil sa paksa.

2. Napahahalagahan ang karunungang bayan sa buhay ng isang tao.3. Nakapagbibigay ng halimbawa sa mga karunungang bayan na tinalakay.4. Napaghahambing ang salawikain, sawikain at kasabihan sa pamamagitan ng venn

diagram.

Mahalagang tanong: Masasalamin ba sa panitikan ang kultura o kalagayang panlipunan ng isang bansa sa

panahon at lugar na isinusulat ito?

INTRODUKSYON

Paunahan ang mga bata na buuin ang mga salawikain at sawikain na inihanda ng guro gamit ang mga ginulong salita batay sa larawang nakikita.

Mga Tanong1. Ano ang mga pahayag ang inyong nabuo?2. Anong mga uri ng pahayag ang inyong nabuo?3. Mabilis ba ninyong nabuo ang ginulong mga pahayag? Ipaliwanag.4. Kanino natin madalas na marinig ang ganyang mga pahayag? Bakit?5. Magbigay ng mga karunungang bayan na inyong alam.

INTERAKSYON

Page 2: demo 2014

Mga Tanong:

1. Ano ang karunungang bayan?2. Magbigay ng mga halimbawa ng karunungang bayan at ipaliwanag.3. Magbigay ng sariling halimbawa sa napiling karunungang bayan na tinalakay.

Matapos talakayin ang karunungang bayan, pagtibayin ang kaalaman at tamang pag-unawa sa paksang pinag-aralan sa pamamagitan ng isang gawain.

Suriin kung ang sumusunod ay salawikain, sawikain o kasabihan.

1. Ang magandang asal ay kaban na kayamanan.2. Kung maigsi ang kumot,

Matutong mamaluktot.3. Pusong bato4. Kung ano ang puno,

siya ang bunga.5. Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw minsan nasa ilalim.6. Itim na tupa7. Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw.8 Lahat ng gubat ay may ahas.

Pangkatang Gawain

Hahatiin ng guro ang klase sa tatlong pangkat, pipili at bubuo sila ng isang skit kaugnay sa mga salawikain, sawikain at kasabihan na kanilang alam. Matapos ipakita sa harapan ng klase ay ipapaliwanag ang ibig sabihin nito.

Pamantayan:

Diyalogo (Malinaw at maayos ang pagkakabigkas)…. 5

Karunungang Bayan

Salawikain- Karaniwang patalinghaga ang salawikain na may kahulugang nakatago. Ang salawikain ay karaniwang nasusulat ng may sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas.Mga Halimbawa:

a. ‘Pag ang tubig ay magalaw Ang ilog ay mababaw

b. Ang sakit ng kalingkingan Damdam ng buong katawan

Kasabihan-

Ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang ito’y hindi gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan.

Mga Halimbawa:a. Tulak ng bibig

Kabig ng dibdib.

b. Kasama sa gayak

‘Di kasama sa lakad.

Sawikain– Ang pagsasawikain o pagtatambis ay isang paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas na salita upang maiwasan ang makasakit ng loob.

Mga Halimbawa:a. parang natuka ng

ahas- natulala b. itaga mo sa bato-

pakatandaanc. malayo sa bituka-

hindi malubhad. mahaba ang

kamay- magnanakaw

Page 3: demo 2014

Pag-arte ………………………………….……………..5 Nilalaman……………………………………………….5 Presentasyon…………………………...……………….5

20 puntos

INTEGRASYON

Venn Diagram

Paghambing-hambingin ang salawikain, sawikain at kasabihan gamit ang graphic organizer at alamin ang pagkakatulad ng bawat isa.

Open Forum

Pagsagot sa mahalagang tanong.

Takdang-Aralin

Basahin ang “Mina ng Ginto”, isang alamat sa Benguet at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

a. Ano ang tawag sa ritwal na ginagawa ng mga Igorot bilang pasasalamat sa kanilang sinasamba?

b. Anong nangyari sa baboy na kanilang inialay sa kanilang bathala? c. Ano ano ang mga kahilingan ng matanda bago siya takpan ng malaking kawa?

Sanggunian

Modyul sa Filipino 8

Page 4: demo 2014

Banghay-Aralin

Sa

Filipino (8)

Paksa:

Karunungang Bayan

Inihanda ni:

Bb. Gesselle E. Salayong

Page 5: demo 2014
Page 6: demo 2014
Page 7: demo 2014
Page 8: demo 2014
Page 9: demo 2014