diptonggo at klaster
TRANSCRIPT
![Page 1: Diptonggo at Klaster](https://reader031.vdocuments.net/reader031/viewer/2022012305/55cf9bf2550346d033a7f586/html5/thumbnails/1.jpg)
1. Diptonggo – alinmang patinig na sinusundan ng malapitinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig. Ang mga diptonggo sa Filipino ay iw, iy, ey, oy, at uy.Halimbawa: Sayaw giliw langoy aruy
Gayunman, kapag ang /y/ o /w/ ay napapagitan sa dalawang patinig ito ay napasasama na sa sumusunod na patinig kaya’t hindi na maituturing na diptonggo.
Halimbawa ng Diptonggo: Ang aw sa sayawan ay hindi na maituturing na diptonggo sapagkat ang w ay nakapagitan na sa dalawang patinig. Ang pagpapantipg sa “sayawan" sa-ya-wan at hindi sa-yaw-an
2. Klaster o Kambal Katinig – magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang patinig. Ang klaster ay maaaring matagpuan sa unahan o inisyal, at sa hulihan o pinal na pusisyon ng salita.
Halimbawa: Klaster sa unahan trabaho plano braso Klaster sa hulihan kard nars relaks
Pares Minimal – pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon Halimbawa: Pala – bala Pana – mana Patas- batas
Ponemang Malayang Nagpapalitan – magkaibang ponemang matatagpuan sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nagpapabago sa kahulugan ng mga salita. Halimbawa: Lalaki- lalake Totoo – tutoo Noon – nuon
![Page 2: Diptonggo at Klaster](https://reader031.vdocuments.net/reader031/viewer/2022012305/55cf9bf2550346d033a7f586/html5/thumbnails/2.jpg)