kung may anumang tadhana - saint agnes medical · web viewlahat ng serbisyong kinakailangan...

33
Tulong na Pampinansyal sa Mga Pasyente Trinity Health - Kanlurang Rehiyon PETSA NG MAY-BISA: Nobyembre 1, 2016 LAYUNIN: Ang Trinity Health ay isang komunidad ng mga taong magkasamang naglilingkod sa diwa ng Ebanghelyo bilang isang nagmamalasakit at nagpapabagong-anyong tagalunas sa loob ng mga komunidad. Alinsunod sa aming mga Pangunahing Pagpapahalaga, lalong-lalo na ang pagpapahalaga ng Pagtatalaga sa Mahihirap, inaalagaan namin ang mga taong nangangailangan at binibigyan namin ng espesyal na pagsasaalang-alang ang mga pinakamahina. Kabilang dito ang mga taong hindi kayang magbayad pati na rin ang mga tao na, dahil sa kanilang mga limitadong kabuhayan, ay higit na mahihirapang bayaran ang mga gastos sa pangangalagang pangkalusugan. Ang Trinity Health ay nakatalaga sa: Pagbibigay ng mga de-kalidad na serbisyo ng pangangalagang pangkalusugan nang may pagmamalasakit, dignidad at paggalang para sa mga pinaglilingkuran namin, lalong-lalo na ang mahihirap at mga kahabag-habag sa aming mga komunidad; Pagbibigay ng pangangalaga para sa lahat ng tao, nang walang pag- aalintana sa kanilang kakayahang magbayad para sa mga serbisyo; at Pagtulong sa mga pasyenteng hindi kayang bayaran ang isang bahagi o lahat ng pangangalagang natanggap nila. Ang Trinity Health ay iginagalang ang kabanalan at dignidad ng bawat tao, sumusunod sa mga naaangkop na pederal na batas sa karapatang sibil, at hindi nagdidiskrimina batay sa mga protektadong klase, na kabilang nguni't hindi limitado sa, lahi, kulay, lipi, edad, kapansanan o kasarian. Mayroong mga libreng tulong at serbisyo para sa mga taong may kapansanan pati na rin ang mga libreng serbisyong pang-wika para sa mga taong hindi nagsasalita ng Ingles bilang kanilang pangunahing wika. (Tingnan ang Eksibit A.) FAP ng Kanlurang Rehiyon ng Trinity Health (11/2016) Pahina 1

Upload: vuongdan

Post on 31-Jan-2018

251 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Tulong na Pampinansyal sa Mga Pasyente

Trinity Health - Kanlurang Rehiyon

PETSA NG MAY-BISA: Nobyembre 1, 2016

LAYUNIN:

Ang Trinity Health ay isang komunidad ng mga taong magkasamang naglilingkod sa diwa ng Ebanghelyo bilang isang nagmamalasakit at nagpapabagong-anyong tagalunas sa loob ng mga komunidad. Alinsunod sa aming mga Pangunahing Pagpapahalaga, lalong-lalo na ang pagpapahalaga ng Pagtatalaga sa Mahihirap, inaalagaan namin ang mga taong nangangailangan at binibigyan namin ng espesyal na pagsasaalang-alang ang mga pinakamahina. Kabilang dito ang mga taong hindi kayang magbayad pati na rin ang mga tao na, dahil sa kanilang mga limitadong kabuhayan, ay higit na mahihirapang bayaran ang mga gastos sa pangangalagang pangkalusugan. Ang Trinity Health ay nakatalaga sa:

Pagbibigay ng mga de-kalidad na serbisyo ng pangangalagang pangkalusugan nang may pagmamalasakit, dignidad at paggalang para sa mga pinaglilingkuran namin, lalong-lalo na ang mahihirap at mga kahabag-habag sa aming mga komunidad;

Pagbibigay ng pangangalaga para sa lahat ng tao, nang walang pag-aalintana sa kanilang kakayahang magbayad para sa mga serbisyo; at

Pagtulong sa mga pasyenteng hindi kayang bayaran ang isang bahagi o lahat ng pangangalagang natanggap nila.

Ang Trinity Health ay iginagalang ang kabanalan at dignidad ng bawat tao, sumusunod sa mga naaangkop na pederal na batas sa karapatang sibil, at hindi nagdidiskrimina batay sa mga protektadong klase, na kabilang nguni't hindi limitado sa, lahi, kulay, lipi, edad, kapansanan o kasarian. Mayroong mga libreng tulong at serbisyo para sa mga taong may kapansanan pati na rin ang mga libreng serbisyong pang-wika para sa mga taong hindi nagsasalita ng Ingles bilang kanilang pangunahing wika. (Tingnan ang Eksibit A.)

PAMAMARAAN:

Ang Tulong na Pampinansyal sa Mga Pasyente (FAP) na pamamaraang ito ay idinisenyo upang tugunan ang pangangailangan ng mga pasyente para sa tulong na pampinansyal habang tumatanggap sila ng mga serbisyo sa pamamagitan ng Panrehiyon na Ministeryo ng Kalusugan (RHM) ng Trinity Health. Ito ay sumasaklaw sa lahat ng karapat-dapat na serbisyo ayon sa naaangkop na pang-estado o pederal na batas. Ang pagiging karapat-dapat sa tulong na pampinansyal at suporta ay pagpapasiyahan sa pang-indibiduwal na basehan gamit ang mga tiyak napamantayan at pag-aaralan batay sa pagsusuri ng mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan, pinansyal na pagkukunan at obligasyon ng pasyente at/o ng pamilya.

I. Mga Pamantayan sa Pagiging Kwalipikado para sa Tulong Pinansyal

a. Mga serbisyong karapat-dapat para sa Tulong na Pampinansyal:

i. Lahat ng serbisyong kinakailangan para sa pag-iwas, pagsusuri, diyagnosis o paggamot ng isang kondisyong medikal at hindi lamang sa kaginhawahan ng pasyente o tagabigay ng pangangalagang medikal.

ii. Bibigyan ng mga pang-emerhensiyang serbisyo ng pangangalagang medikal ang lahat ng pasyenteng pupunta sa departamento ng emerhensiya ng RHM, nang walang pag-aalintana sa kakayahang magbayad ng pasyente.

b. Mga serbisyong hindi karapat-dapat para sa Tulong na Pampinansyal:

i. Mga serbisyong pang-kosmetiko, paggamot sa pagkabaog at iba pang mga opsyonal na pamamaraan at serbisyo na hindi medikal na kinakailangan.

ii. Mga serbisyong hindi ibinibigay at sinisingil ng RHM (hal. mga panlabas na serbisyo ng doktor kabilang ang mga pang-emerhensiyang doktor, nakatalagang pribadong nars, sasakyan ng ambulansiya, mga pantinging medikal na supply, mga serbisyo ng panghaliling ina, patologo, laboratoryo, atbp.).

iii. Maaaring hindi isama ng mga RHM ang mga serbisyong sakop ng isang programa ng seguro sa iba pang lugar ng tagabigay ng serbisyo nguni't hindi sakop ng mga RHM ng Trinity Health pagkatapos na magsagawa ng mga pagsusumikap na turuan ang mga pasyente tungkol sa mga limitasyon ng pagsakop ng programa ng seguro, habang ang mga obligasyon sa ilalim ng pederal na Emergency Medical Treatment and Active Labor Act (EMTALA) ay natutugunan.

iv. Ang Bahagi sa Gastusin ng Medicaid, Medi-Cal o iba pang pampublikong programa sa tulong ay itinuturing na mahalagang bahagi ng Mga Programa ng Pamahalaan na iyon. Ang Suportang Pampinansyal ay hindi maaaring gamitin sa mga balanse ng Bahagi sa Gastusin.

c. Pag-apply sa Tulong na Pampinansyal

Maaaring makakuha ng mga aplikasyon sa FAP sa mga RHM bilang bahagi ng proseso ng pagpasok o paglabas, at matatagpuan din ang mga ito sa mga departamento ng emerhensiya, mga lugar para sa pagpaparehistro ng pasyente, mga tanggapan ng tagapayong pampinansyal at mga tanggapan sa pagsingil sa loob ng mga pasilidad. Matatagpuan din ang mga dokumento sa pangunahing wika ng lokal na populasyon na bumubuo ng higit sa 5 porsiyento ng mga residente ng komunidad, o higit sa 1,000 taong pinaglilingkuran ng RHM.

Maaari ring i-download ang mga aplikasyon mula sa website ng RHM o ipadala bilang sulat sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Customer Service department ng RHM na nakalista sa website.

May mga tagapayong pampinansyal sa bawat RHM, pati na rin mga Customer Service Representative sa telepono, na handang tumulong para kumpletuhin ang aplikasyon. Mayroon ding suportang pang-wika kung kinakailangan ito ng mga pasyente.

Ililista ng mga RHM ang mga pangalan ng mga indibiduwal na doktor, practice group o alinmang ibang mga entidad na nagbibigay ng pang-emerhensiya o medikal na kinakailangan na pangangalaga sa pasilidad ng RHM sa pamamagitan ng pangalang ginamit para makipagkontratra sa ospital o singilin ang mga pasyente para sa ibinigay na pangangalaga. Bilang alternatibo, maaaring tukuyin ng isang pasilidad ng ospital ang mga tagabigay ng serbisyo sa pamamagitan ng pagbanggit sa isang departamento o uri ng serbisyo kung malinaw na isinasaad ng pagbanggit kung aling mga serbisyo at tagabigay ng serbisyo ang sakop sa ilalim ng FAP ng RHM. (Tingnan ang Eksibit B.)

Gagawin ng mga RHM ang mga hakbang upang ipagbigay-alam sa mga miyembro ng komunidad na pinaglilingkuran ng RHM ang tungkol sa FAP. Maaaring kabilang sa mga hakbang na ito ang, halimbawa, pagbabahagi ng mga information sheet na nilalagom ang FAP sa mga lokal na pampublikong ahensiya at hindi nagtutubong organisasyon na tumutugon sa mga pangangailangang pangkalusugan ng mga populasyong mababa ang kita ng komunidad.

Bibigyan ng mga RHM ang mga pasyente ng isang nakasulat na paunawa na nagsasabi na maaaring makatanggap ng tulong na pampinansyal ang mga karapat-dapat na pasyente, na tinutukoy ang Mga Katangi-tanging Aksyon ng Paniningil (ECA) na balak simulan ng RHM (oiba pang awtorisadong partido) upang makakuha ng bayad para sa pangangalaga, at nagbibigay ng taning, na hindi mas maaga kaysa sa 30 araw pagkatapos na ibinigay ang nakasulat na paunawa, kung kailan maaaring simulan ang ECA pagkatapos nito. Ilalakip ng mga RHM ang isang malinaw na salitang buod ng FAP kasama sa nakasulat na paunawa at makatwiran silang magsusumikap na pabigkas na ipagbigay-alam sa pasyente ang tungkol sa FAP ng RHM at kung paano siya maaaring makakuha ng tulong sa proseso ng aplikasyon sa FAP.

Sa kaso ng pagpapaliban, pagtanggi, o paghingi ng bayad sa pagbigay ng medikal na kinakailangan na pangangalaga dahil sa hindi pagbabayad ng pasyente ng isa o higit pang mga singil sa dating ibinigay na pangangalaga na sakop sa ilalim ng FAP ng RHM, maaaring ipagbigay-alam sa pasyente ng RHM ang tungkol sa FAP nito nang mas mababa sa 30 araw bago simulan ang ECA. Gayunpaman, upang magamit ang katiwalisan na ito, dapat matugunan ng isang RHM ang mga sumusunod na kondisyon:

Bigyan ang pasyente ng isang form ng aplikasyon sa FAP (upang tiyakin na agad-agad na maaaring mag-apply ang pasyente, kung kinakailangan). Ipagbigay-alam sa pasyente, sa pamamagitan ng sulat, ang tungkol sa posibilidad ng tulong na pampinansyal para sa mga karapat-dapat na indibiduwal at ang taning, kung mayroon man, pagkatapos ng alin hindi na tatanggapin at ipoproseso ng pasilidad ng ospital ang aplikasyon sa FAP na naisumite ng pasyente para sa dating ibinigay na pangangalaga. Ang taning na ito ay hindi maaaring maging mas maaga sa mas nahuhuli sa 30 araw pagkatapos ng petsa kung kailan ibinigay ang nakasulat na paunawa o 240 araw pagkatapos ng petsa kung kailan ibinigay sa pasyente ang unang pahayag ng pagsingil pagkatapos lumabas ng ospital para sa dating ibinigay na pangangalaga. Kaya, kahit na ang ECA para sa pagpapaliban o pagtanggi ng pangangalaga aymaaaring mangyari kaagad pagkatapos na ibinigay ang kinakailangang nakasulat (atbinigkas) na paunawa, dapat bigyan ang pasyente ng kahit man lang 30 araw pagkatapos ng paunawa para magsumite ng isang aplikasyon sa FAP para sa dating ibinigay na pangangalaga.

Ipagbigay-alam sa pasyente ang tungkol sa FAP sa pamamagitan ng pagbigay ng isang malinaw na salitang buod ng FAP at ng pabigkas na pagbigay-alam sa kanya tungkol sa FAP ng pasilidad ng ospital at kung paano siya maaaring makakuha ng tulong sa proseso ng aplikasyon sa FAP.

Iproseso ang aplikasyon nang madalian, upang tiyakin na ang medikal na kinakailangang pangangalaga ay hindi maantala nang hindi kinakailangan kung sakaling isumite ang isang aplikasyon.

Ang binagong makatwirang pagsusumikap na tinalakay sa itaas ay hindi kailangan sa mga sumusunod na kaso:

Kung nakalipas na ang 150 araw simula sa unang pahayag ng pagsingil pagkatapos lumabas ng ospital para sa dating ibinigay na pangangalaga at ipinagbigay-alam na ng RHM sa pasyente ang tungkol sa binabalak na ECA.

Kung dati nang napagpasiyahan ng isang RHM kung karapat-dapat ang pasyente sa FAP para sa dating ibinigay na pangangalaga batay sa isang kumpletong aplikasyon sa FAP o napagpasiyahan na nito na ang pasyente ay karapat-dapat sa FAP para sa dating ibinigay na pangangalaga.

Ang mga nakumpletong a