若い人たちの周りには
危険がいっぱいです。
Maraming panganib sa paligid ng mga kabataan.
タガログ語版 Bersyong Tagalog
Ilegal / Pekeng Paniningil
Mapanlinlang na Pagtitinda
相談員 山田さん Tagapayo Mr. Yamada
Bago ng kontrata, Teka muna!
Sa kasamaang palad, may masamang negosyante sa lipunang naghahangad na lokohin ka at kunin ang iyong pera. Nagbabalak silang linlangin ka sa masamang pakanâ. Maraming tao ang naaagawan ng mahalagang ari-arian at maginhawa at ligtas na pamumuhay dahil sa masamang scheme.
Anupaman, bakit kaya naloloko sa masamang scheme?
Dahil iyan sa kulang ang pag-uunawa sa “kontrata”.
● Ganap ang kontrata kahit sa pasalitang pangako
Kung may pagsasang-ayunan, kahit walang kasulatan ng kontrata, kahit sa telepono lang, o pasalitang pangako lang, naisasaganap ang kontrata. ● Hindi mapapawalang-bisa ang naisaganap na kontrata
Sa patakaran, hindi maaaring mapawalang-bisa sa pagnanais ng isang partido ang kontratang napagkasunduan. Pag-isipan nang mabuti bago makipagkontrata. ● May kasong maaaring i-cancel kung may problema sa paraan ng pagtitinda
May “sistema ng cooling off” kung paraan ng transaksyong nakatakda sa batas. Makipagkonsulta sa tanggapang pangkonsultasyon. ● Pag-cancel ng kontrata ng taong wala pa sa wastong edad
Maaaring i-cancel ang kontratang walang pagsasang-ayon ng taong may karapatan bilang magulang o iba pa. Ngunit sa kontratang isinagawa sa pagsisinungaling ng mismong taong wala pa sa wastong edad, hindi maaaring i-cancel kahit kontrata ng taong wala pa sa wastong edad.
Ipinakikilala rito ang masamang scheme at problema ng consumer upang hindi kayo masangkot sa ganitong trahedya.
2 Kaso ng Problema ① One-click Billing
4 Kaso ng Problema ② Online Dating Website
6 Kaso ng Problema ③ Ilegal / Pekeng Paniningil
8 Kaso ng Problema ④ Mail Order / Online Shopping / Internet Auction
10 Kaso ng Problema ⑤ Mapanlinlang na Pagtitinda
12 Kaso ng Problema ⑥ Appointment Sales
14 Kaso ng Problema ⑦ License Scheme
16 Kaso ng Problema ⑧ Pyramid Scheme
18 Kaso ng Problema ⑨ Pagsasauli ng Security Deposit (Shikikin)
20 Dapat Malamang Púnto ① Isang “utang” din ang pamimili sa credit!
24 Dapat Malamang Púnto ② Sistema ng Cooling Off
28
Listahan ng mga Tanggapang Pangkonsultasyon
32 Kaalaman para sa Consumer
Kung may problema, makipagkonsulta muna!
Nilalaman
- 2 -
Sa pag-click lang, narehistro sa adult site, at sisingilin ng bayad sa pagrehistro at bayad sa impormasyon, ganito ang pakanâ ng one-click billing. Dahil hindi dumaan sa wastong pamamaraan ng kontrata, hindi kailangang magbayad. Maaaring kumalat sa ibang site ang impormasyong inirehistro, at makatanggap ng email na parang pagbabanta. May ganitong problema rin sa cellphone o smart phone.
Kaso ng Problema ①①①①
One-click Billing
Púnto ng pag-iwas sa problema
○ Huwag magpaloko sa “Libre”.
○ Huwag buksan ang hindi naiintindihang email, o mag-access sa nakasulat na URL dahil lang sa kuryosidad.
○ Bago makipag-ugnayan sa negosyante o magbayad ng pera, makipagkonsulta sa tanggapang pangkonsultasyon.
○ Pag-isipan din ang pagpapalit ng email address.
- 4 -
Lalapit sa SNS, mang-aakit sa matatamis na salita, magpaparehistro sa online dating website, at sisingilin ng bayad sa pagrehistro at bayad sa kailangang points para sa pagpapalitan ng email address, ganito ang pakanâ ng online dating website.
Kaso ng Problema ②②②②
Online Dating Website
May kaso ng madalas na pag-email at pagpapabayad ng malaking halaga ng bayad sa paggamit, o kaso ng pagkalat ng inirehistrong address sa walang kaugnayang site at pagdating ng email mula sa online dating website, nagiging masama ang mga pakanâ.
May ganito rin!
Púnto ng pag-iwas sa problema ○ Huwag madaling maniwala sa taong kausap o
kaugnay sa online dating website.
○ Huwag pansinin ang site na hindi ninyo nalalaman o nakikilala.
○ Kaduda-duda ang site na sunod-sunod na nanghihimok para bumili ng points para kunwari maayos ang lumilitaw na titik.
○ Bago magbayad, makipagkonsulta sa tanggapang pangkonsultasyon.
- 6 -
Darating ang paniningil ng bayad sa paggamit ng site na hindi ninyo nalalaman o nakikilala sa email, telepono o postcard, ganito ang pakanâ ng ilegal/pekeng paniningil. Marami ang may nakasulat na mga pagbabanta tulad ng “Pupunta para maningil sa lugar ng trabaho o bahay,” “Magsasagawa ng paglilitis/ pagreremata,” at may taong nababalisa rito at nakikipag-ugnayan sa kabilang partido o nagbabayad kung maliit ang halaga.
Kaso ng Problema ③③③③
Ilegal / Pekeng Paniningil
Púnto ng pag-iwas sa problema
○ Huwag pansinin kung hindi nalalaman o nakikilala.
○ Huwag na huwag makipag-ugnayan sa kabilang partido dahil malalaman ang personal na impormasyon.
○ Huwag matakot sa nilalaman ng email o postcard, kundi makipag-ugnayan sa tanggapang pangkonsultasyon.
○ Alalahaning mabuti ang ginamit na site.
- 8 -
Sa mail order kung saan titingnan, mago-order at bibili ng produkto sa TV, patalastas sa magasin, katalogo, flyer atbp, madaling magkaroon ng problema dahil hindi nakikita ang mismong produkto. Kung mamimili, kinakailangang i-check nang husto ang kondisyon sa pagsasauli ng produkto at iba pa.
Kaso ng Problema ④④④④
Mail Order/Online Shopping/ Internet Auction
Púnto ng pag-iwas sa problema
Sa online shopping at internet auction din, madalas mangyari ang problema ng hindi pagdating ng produkto kahit binayaran ang halaga para rito, o hindi pagpayag sa pagsasauli ng produkto, pagsasauli ng pera o pagpapalit ng produkto.
○ Tiyakin nang mabuti ang nilalaman ng patalastas, at itabi ang patalastas ng produkto atbp.
○ Tiyakin kung may pangalan at contact number/address ang tindahan o site, at alamin din ang reputasyon nito.
○ Tiyakin ang paraan ng pagbabayad, kondisyon sa pagsasauli ng produkto atbp. (Hindi maaaring mag-cooling off!)
○ Mas mababa ang panganib kung umiwas sa transaksyon sa individual seller sa internet auction.
May ganito rin!
- 10 -
Babatiin kayo sa kalye, dadalhin sa opisina o iba pang lugar at itutulak sa kalagayang hindi makakatanggi at pabibilhin kayo ng mamahaling produkto, ganito ang pakanâ ng mapanlinlang na pagtitinda. Marami lalo na ang biktimang babaeng nasa 20s, ngunit may biktimang lalaki ring nauulat.
Kaso ng Problema ⑤⑤⑤⑤
Mapanlinlang na Pagtitinda
Púnto ng pag-iwas sa problema
○ Huwag madaling sumama.
○ Maliwanag na tanggihan ang mapilit na pag-alok.
○ Huwag basta-bastang ibigay ang contact number/address.
○ Huwag magpadala sa matamis na salitang “Ngayon lang” o “Ikaw lang.”
Bibilhin ko!!
- 12 -
“Congratulations! Pumunta kayo para kunin ang premyong napanalunan ninyo” ang pang-akit sa telepono o email, at pagagawan kayo ng kontrata para bumili ng mamahaling produkto o serbisyo, ganito ang pakanâ ng appointment sales.
Kaso ng Problema ⑥⑥⑥⑥
Appointment Sales
Mayroon ding scheme ng pag-date kung saan magiging malapít sa telepono at email, gagamitin ang romantikong damdamin ng babae at lalaki, pararamdaming nagde-date, isasama sa opisina o iba pa, at pabibilhin ng mamahaling produkto.
Púnto ng pag-iwas sa problema
○ Kailangang mag-ingat sa komunikasyon mula sa hindi kilalang babae/lalaki o partido.
○ Huwag basta-bastang makipagkita sa hindi kilalang tao.
May gan ito rin!
- 14 -
Sasabihing “Mapapakinabangan ito sa paghahanap ng trabaho at pagpapalit ng trabaho,” “Kapag nakakuha ng lisensya, bibigyan ng trabaho” atbp, pababayarin ng gastusin sa kurso ng correspondence o bayad sa pag-aaral para sa pagkuha ng lisensya, ganito ang pakanâ ng license scheme. Mayroon ding pangalawang pambibiktima kung saan tinatarget ang minsan nang nabiktima sa license scheme, pagagawan ng panibagong kontrata, at lolokohin para makuha ang bayad sa pagrehistro.
Kaso ng Problema ⑦⑦⑦⑦
License Scheme
Púnto ng pag-iwas sa problema
○ Malinaw na tumanggi at sabihing “Hindi.”
○ Alamin kung mapagkakatiwalaang lisensya.
○ Kahit may matanggap na kasulatan ng pagsingil, huwag magpadala ng pera sa bangko, kundi makipag-ugnayan sa tanggapang pangkonsultasyon.
Hindi
- 16 -
Sa pyramid scheme, papasok ang consumer sa sales group bilang tagatinda
(miyembro), pararamihin ang tagatinda (miyembro) sa ilalim niya upang
mapalaki ang sales group. “Madaling kumita” ang pang-akit na salita, ngunit
sa katunayan hindi nakakapagtinda ng ayon sa nais ang karamihan.
Kaso ng Problema ⑧⑧⑧⑧
Pyramid Scheme
May kaso rin ng pagkakaroon ng problema dahil sa
pagpapasali sa kaibigan o kakilala. Kamakailan,
mayroon ding patalastas sa internet na ipinapakita
na parang home business na madaling pagkitaan.
Púnto ng pag-iwas sa problema
○ Walang pagkikitaang “Sigurado,” “Madali” o “Kaya ng kahit sino.”
○ Kung maisip na “Kaduda-duda” o “Medyo kataka-taka,” huwag sumunod.
○ Kung maisip na hindi kailangan, malinaw na tumanggi.
May ganito rin!
- 18 -
Sa pag-alis sa inupahang apartment o mansion, kahit wala namang pinsala o pagkasira dahil sa pagkahuli sa pagbabayad ng upa o pagpapabaya ng taong umuupa, sasabihang “Nadumihan ang kuwarto” “Nasira” o iba pa, at hindi lang ang hindi pagsasauli ng security deposit (shikikin), kundi sisingilin pa ng karagdagang gastusin sa pag-aayos.
Kaso ng Problema ⑨⑨⑨⑨
Pagsasauli ng Security Deposit (Shikikin)
Kung hindi makapayag sa pagkalkula ng security deposit (shikikin), tiyakin ang detalyadong ulat at pag-usapan ito. Sanggunian ang “Problema at Alituntunin ukol sa Pagpapanumbalik sa Orihinal na Kalagayan” ng Kagawaran ng Lupa, Imprastraktura, Transportasyon at Turismo.
Púnto ng pag-iwas sa problema
○ Tiyakin nang mabuti ang nilalaman ng kasulatan ng kontrata sa oras ng pagpasok sa tirahan.
○ Kunan ng litrato ang kuwarto sa oras ng pagpasok sa tirahan.
○ Sa harap ng kasero/kasera gawin ang pag-check sa oras ng pagpasok/pag-alis sa tirahan.
○ Alamin muna ang pag-iisip ukol sa “Pagpapanumbalik sa Orihinal na Kalagayan.”
- 20 -
●●●● Mekanismo ng Credit Card Bukod sa taong gumamit at tindahan, kasali rin ang credit company na paabonong magbabayad ng halaga kaya’t kontrata sa pagitan ng 3 partido ang pamimili sa credit card.
Dapat Malamang Púnto
1. Isang “utang” din ang pamimili sa credit!
Maaaring bilhin ang gustong bagay kahit walang hawak na pera kaya’t napaka-convenient na bagay ang credit card. Ngunit mapanganib na bagay rin ito kung magkamali ng paggamit, mahuli sa pagbabayad ng utang at madagdagan nang madagdagan ang utang. Huwag kalimutang sa katunayan gumagawa ng “utang” kapag namili sa credit card, unawain nang mabuti ang mekanismo at gamitin ito nang mahusay at maingat.
- 22 -
<Paraan ng Pagbabayad ng Utang>
○○○○ Hulugang Pagbabayad Paraan ito kung saan hahatiin sa beses ng pagbabayad ang halaga ng itumpinamili upang mapasyahan ang halagang babayaran. Idadagdag ang bayarin sa hulugang pagbabayad at ibabayad sa credit company. Mag-ingat! Kapag marami ang beses ng pagbabayad, tumataas ang halaga ng bayarin sa hulugang pagbabayad.
○○○○ Painog na Pagbabayad (Revolving System) Paraan ito ng pagbabayad ng utang kung saan magbabayad ng parehong halaga o halagang may parehong porsyento buwan-buwan magkano pa man ang halagang ginamit. Pinaiksi, tinatawag din itong “Ribo-barai.” Kamakailan, mayroon ding slide method kung saan kapag malaki ang balanseng halaga, lumalaki rin ang halagang ibabayad para sa utang, at mahirap malaman ang halagang ibabayad para sa utang sa susunod na buwan.
●●●● Painog na Pagbabayad Mag-ingat dito! Maliit ang halagang ibabayad para sa utang buwan-buwan, kaya’t maaaring isiping madaling bayaran ngunit...
⇒ Tumatagal ang panahon ng pagbabayad ng utang, at maaari pang lumobo ang total na halagang babayaran
⇒ Magbayad man nang magbayad, maaaring hindi mabawasan ang prinsipal
⇒ Maaaring mapatungan pa ng panibagong utang para mabayaran ang utang
[Imagem]
- 24 -
● Listahan ng Cooling Off na nakasaad sa Batas
hinggil sa Partikular na Transaksyong Komersyal Transaksyon Sakop sa Pagtalaga Panahon
Door-to-door Sales Sa patakaran, lahat ng transaksyon ng produkto/serbisyo sa labas ng tindahan
8 araw
Telemarketing Sales Sa patakaran, lahat ng transaksyon ng produkto/serbisyo mula sa pagtawag sa telepono mula sa negosyante
8 araw
Pagbibigay ng Partikular at Patuloy na Serbisyo
Aesthetic treatment, pagtuturo ng wika, pagtuturo ng PC, serbisyong pagpapakilala ng asawa at iba pang transaksyong lampas ng ¥50,000 (kasama ang kontrata sa tindahan)
8 araw
Transaksyon ng Multilevel Marketing (Pyramid Scheme)
Lahat ng produkto/serbisyo (kasama ang kontrata sa tindahan)
20 araw
Transaksyon kaugnay sa Business Opportunity (Sideline/Monitor Scheme)
Lahat ng produkto/serbisyo (kasama ang kontrata sa tindahan)
20 araw
8 araw
Dapat Malamang Púnto
2. Sistema ng Cooling Off
Sa mga partikular na transaksyon tulad ng door-to-d oor sales, may “Sistema ng Cooling Off” kung saan binib igyan ng panahon ang consumer para huminahon at mag-isip nang mabuti, at kung sa loob ng panahong iyon, maaa ring bawiin ang aplikasyon o i-cancel ang kontrata ng co nsumer nang sarilinan at walang kondisyon.
Mail-order sales are not covered by the Act.
- 26 -
Maaaring hindi magamit ang cooling off. Ukol sa paraan ng cooling off, makipagkonsulta sa Tanggapang Pangkonsultasyon para sa mga Consumer.
- 28 -
May tanggapang pangkonsultasyon din sa pook ng inyong tirahan. Huwag maghirap nang mag-isa, makipagkonsulta muna!
Pangalan Lugar Telepono
Oras ng tanggapan atbp.
Hiroshima City Consumer Center AQ’A Hiroshima Center City 8F 082-225-3300
Araw-araw liban sa Martes (liban sa katapusan at simula ng taon) 10:00 am – 7:00 pm
Kure City Consumer Center Kure City Hall 1F Citizens Service Division 0823-25-3218
Lunes – Biyernes (liban sa Pista Opisyal, katapusan at simula ng taon) 8:30 am – 4:30 pm (sarado 12:00 – 1:00 pm)
Takehara City Consumer Counseling Room
Takehara City Hall 1F sa loob ng Industry Promotion Division
0846-22-6965
Lunes – Biyernes (liban sa Pista Opisyal, katapusan at simula ng taon) 10:00 am – 4:00 pm (sarado 12:00 – 1:00 pm)
Mihara City Consumer Center Mihara City Hall Annex 5F sa loob ng Commerce and Industry Promotion Division
0848-67-6410
Lunes – Biyernes (liban sa Pista Opisyal, katapusan at simula ng taon) 9:00 am – 4:00 pm (sarado 12:00 – 1:00 pm)
Onomichi City Consumer Center Onomichi City Hall Branch Office 2F sa loob ng Commerce and Industry Division
0848-37-4848
Lunes – Biyernes (liban sa Pista Opisyal, katapusan at simula ng taon) 9:00 am – 5:00 pm (sarado 12:00 – 1:00 pm)
Fukuyama City Consumer Center Fukuyama City Hall Main Building 1F 084-928-1188
Lunes – Biyernes (liban sa Pista Opisyal, katapusan at simula ng taon) 8:30 am – 4:30 pm
Fuchū City Consumer Center Fuchū City Hall Main Office South Building 1F 0847-43-7106
Lunes, Martes, Huwebes, Biyernes (liban sa Pista Opisyal, katapusan at simula ng taon) 10:00 am – 4:00 pm (sarado 12:00 – 1:00 pm)
Miyoshi City Consumer Center Miyoshi City Hall East Building 1F 0824-62-6222
Lunes, Martes, Huwebes, Biyernes (liban sa Pista Opisyal, katapusan at simula ng taon) 9:00 am – 4:00 pm (sarado 12:00 – 1:00 pm)
Shōbara City Consumer Center Shōbara City Hall Main Office 1F sa loob ng Citizens Life Division
0824-73-1228
Lunes – Biyernes (liban sa Pista Opisyal, katapusan at simula ng taon) 9:00 am – 4:00 pm (sarado 12:00 – 1:00 pm)
Ōtake City Consumer Center Ōtake City Hall 3F sa loob ng Industry Promotion Division
0827-57-3236
Martes, Biyernes (liban sa Pista Opisyal, katapusan at simula ng taon) 9:00 am – 4:00 pm (sarado 12:00 – 1:00 pm)
Higashihiroshima City Consumer Center
Higashi Hiroshima City Hall Main Building 2F sa loob ng Citizens Life Division
082-421-7189
Lunes – Biyernes (liban sa Pista Opisyal, katapusan at simula ng taon) 9:00 am – 5:00 pm (sarado 12:00 – 1:00 pm)
Hatsukaichi City Consumer Center Hatsukaichi City Hall 6F sa loob ng Commerce, Industry, Labor and Government Division
0829-31-1841
Lunes – Biyernes (liban sa Pista Opisyal, katapusan at simula ng taon) 9:00 am – 4:00 pm (sarado 12:00 – 1:00 pm)
Akitakata City Consumer Consultation Counter
Akitakata City Hall 2nd Office 1F sa loob ng Environment and Life Division
0826-42-1143
Miyerkules, Biyernes (liban sa Pista Opisyal, katapusan at simula ng taon) 9:30 am – 4:30 pm (sarado 12:00 – 1:00 pm)
Etajima City Consumer Consultation Counter
Etajima City Hall Annex 3F sa loob ng Commerce, Industry and Tourism Division
0823-40-2212
Lunes – Biyernes (liban sa Pista Opisyal, katapusan at simula ng taon) 10:00 am – 4:00 pm (sarado 12:00 – 1:00 pm)
Listahan ng mga Tanggapang Pangkonsultasyon para sa mga Consumer sa loob ng Hiroshima Prefecture
- 30 -
Pangalan Lugar Telepono
Oras ng tanggapan atbp.
Fuchū-chō Consumer Consultation Corner
Fuchū-chō Town Hall 4F sa loob ng Citizens Life Division
082-286-3128
Lunes – Biyernes (liban sa Pista Opisyal, katapusan at simula ng taon) 9:00 am – 4:00 pm (sarado 12:00 – 1:00 pm)
Kaita-chō Consumer Consultation Corner
Kaita-chō Town Hall Main Office 1F sa loob ng Community Safety Division 082-823-9219
Huwebes (liban sa Pista Opisyal, katapusan at simula ng taon) 9:30 am – 4:00 pm (sarado 12:00 – 1:00 pm)
Kumano-chō Consumer Consultation Counter
Kumano-chō Town Hall 2F sa loob ng Life and Environment Division 082-820-5603
Lunes, Miyerkules (liban sa Pista Opisyal, katapusan at simula ng taon) 10:00 am – 4:00 pm (sarado 12:00 – 1:00 pm)
Saka-chō Consumer Consultation Counter
Saka-chō Town Hall 3F sa loob ng Industry and Construction Division 082-820-1535
Miyerkules (liban sa Pista Opisyal, katapusan at simula ng taon) 9:00 am – 4:00 pm (sarado 12:00 – 1:00 pm)
Akiota-chō Consumer Consultation Office
Akiōta-chō Town Hall East Building 1F sa loob ng Industry Promotion Division 0826-28-1973
Lunes – Biyernes (liban sa Pista Opisyal, katapusan at simula ng taon) 9:00 am – 4:00 pm (sarado 12:30 – 1:30 pm)
Kitahiroshima-chō Consumer Counseling Room
Kita Hiroshima-chō Human Rights and Living General Consultation Center 1F 0826-72-5571
Huwebes (liban sa Pista Opisyal, katapusan at simula ng taon) 10:00 am – 4:00 pm (sarado 12:00 – 1:00 pm)
Ōsakikamijima-chō Consumer Consultation Counter
Ōsakikamijima-chō Town Hall 1F sa loob ng Industry and Tourism Division 0846-65-3123
Unang Biyernes ng Buwang odd number (liban sa Pista Opisyal, katapusan at simula ng taon) 10:00 am – 3:00 pm (sarado 12:00 – 1:00 pm) Sera-chō Community Safety Consultation Counter
Sera-chō Town Hall 1F sa loob ng General Affairs Division 0847-22-1111 (trunk line)
Lunes – Biyernes (liban sa Pista Opisyal, katapusan at simula ng taon) 10:00 am – 4:00 pm (sarado 12:00 – 1:00 pm)
Jinsekikogen-chō Consumer Consultation Counter
Jinsekikōgen-chō Town Hall Main Office 2F sa loob ng Community Development Division 0847-89-3088
Lunes – Biyernes (liban sa Pista Opisyal, katapusan at simula ng taon) 9:00 am – 4:00 pm (sarado 12:00 – 1:00 pm)
<Tanggapang Pangkonsultasyon ng Hiroshima Prefecture>
Pangalan Lugar Telepono
Oras ng tanggapan atbp.
Hiroshima Prefecture Consumer Affairs Center
Agriculture and Forestry Office 1F 10-52 Motomachi, Naka-ku, Hiroshima City 730-8511
(Konsultasyon para sa mga Consumer) 082-223-6111
Lunes – Biyernes 9:00 am – 5:00 pm
Tumatanggap din ng konsultasyon sa email. 広島県 メール相談 検索
Huwag maghirap nang mag-isa! Makipagkonsulta nang maaga upang madaling malutas ang problema!!
- 32 -
To prevent you from becoming
a victim of various scams...
[Kaalaman para sa Consumer]
①①①① Kapag hindi kailangan, tanggihan nang maliwanag
②②②② Pagdudahan ang sobrang matubong usapan
③③③③ Huwag magpaloko sa matamis na salita at mabait na asal
④④④④ Huwag magpapasok ng ibang tao sa loob ng bahay nang basta-basta
⑤⑤⑤⑤ Huwag ibunyag nang walang bahala ang personal na impormasyon
⑥⑥⑥⑥ Huwag makipagkontrata agad-agad
⑦⑦⑦⑦ Pag-ukulan ng pansin ang balita ukol sa masamang scheme atbp.
⑧⑧⑧⑧ Kilalaning “utang” ang pagbabayad sa credit
Hindi ko kailangan iyan!