DULA: SA PANAHON NG AMERIKANO
(1900-1941)
Patuloy na pumailanlang ang mga tema ng nasyonalismo at pagmamahal sa bayan sa lahat ng anyo ng mga akdang panliteratura sa panahon ng pagdating ng mga Amerikano. (Espina, et.al, 2009)
Sa dulang Pilipino higit na sumingaw ang diwang makabansa. Ang mga mandudulang Pilipino ay nakaranas na maaresto, mabilanggo, at mabigyan ng babala.
SEVERINO REYES Severino Reyes Siya ay mas kilala bilang Lola Basyang, ay itinuturing na Ama ng Sarsuwela. Isa siyang mahusay na direktor at manunulat ng dula.
Nang itinatag ang Liwayway noong 1923, si Reyes ang naging unang patnugot nito. Siya rin ay nagsilbing pangulo ng Aklatang Bayan at ginawang kasapi ng Ilaw at Panitik.
SEVERINO REYES Sa edad na 41, siya’y nagsimula na magsulat ng mga dula. Ang R.I.P., noong 1902 ang una niyang dula. Sa parehong taon, isinulat niya ang Walang Sugat, na masa- sabing isa sa mga pinakaki- lala niyang akda.
SI LOLA BASYANG Nagsimula ang Lola Basyang noong siya ay naging punong-
patnugot sa Liwayway. Naalala niya ang matandang babae na kapitbahay ng kanyang kaibigan sa Quiapo Ang pangalan ng babae ay Gervacia Guzman de Zamora o mas kilala sa Tandang Basyang.
AURELIO TOLENTINO Aurelio Tolentino mandudula,nobelista, at orador sa wikang
Espanyol, Tagalog, at Pampango, bukod sa pagiging katipunero.
Kasama ni Tolentino si Andres Bonifacio sa paghahanap ng kanilang
mga lihim na kuta sa kabundukan. Bumuo siya ng samahan na Junta de Amigos.
MGA TANYAG NA DULA Aurelio Tolentino “Sumpaan”- sarsuwelang may tatlong yugto. “Filipinas at España”- dulang makabayan
na may dalawang yugto. “Rizal Y Los Dioses”- isang operang Tagalog
na puno ng sagisag na pambansa. “Sinukuan”- isang sarsuwela ng may tatlong yugto at ang paksa ay politika.
MGA TANYAG NA DULA Aurelio Tolentino “Ang Makata” – sarsuwelang may isang yugto
at ang paksa ay politika. “La Rosa”- sarsuwelang may isang yugto. “Manood Kayo”- mga awit at mga
pangyayaring pinag-ugnay sa tatlong yugto. “Bagong Kristo” –dulang may paksang panlipunan. “Luhang Tagalog”- dulang pangkasaysayan at obra maestra niya.
MGA ANYO NG DULAAN SA PANAHON NG AMERIKANO
DULANG SEDISYOSO O DULANG MAKABAYAN- Dulang politikal na namalasak noong
panahon ng Amerikano. - Ang “Tanikalang Ginto” ni Juan K. Abad(ang
unang pagtatanghal ay noong 1902) ay kumakatawaan sa protesta laban sa imperyalismong Americano.
- Tungkol sa temang pag-iibigan na may trahedyang katapusan. Dalita-simbolo ng Pilipinas, Maimbot- Amerika.
Naging bahagi ito ng kasaysayan ng dula sa Pilipinas nang pigilin ng puwersa-militar ng mga Amerikano ang pagtatanghal ng dulang nabanggit sa Batangas noong Mayo 10, 1903.
Siya ay pinaratangan ng salang sedisyon at nahatulang magbaad ng multang 2,000 dolyares at mabilanggo nang dalawang tao.
Subalit binago ng Korte Sumprema ang hatol noong 1906 at pinawalang sala ang mandudula.
PAGSUSURI
WALANG SUGATNi: SEVERINO REYES
PAGSUSURI
BUOD REAKSYON KATANUNGAN
PAGSUSURI
WALANG SUGATNi: SEVERINO REYES
NOBELA: SA PANAHON NG MALAYA
(1900-1941)
Sinasabing ang nobela ay nababahiran ng kultura’t lipunang Pilipino.
Ito’y unang lumabas nang paserye sa mga unang pahayagan tulad ng “Ang Kapatid ng Bayan”, “Ang Kaliwanagan” at “Muling Pagsilang”.
Mula sa unang dekada ng ikadalawampung taon, ang nobela o kathambuhay ay tinangkilik na ng mga mambabasa lalo na nang dumami ang mga mamamayang natutong bumasa’t sumulat dahil sa pagbubukas ng mga paaralang publiko.