Download - K-12 Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks
![Page 1: K-12 Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022050623/58f9ac66760da3da068b8d99/html5/thumbnails/1.jpg)
Aralin 1Kahulugan at Pag-aaral ng EkonomiksInihanda ni: ARNEL O. RIVERAwww.slideshare.net/sirarnelPHhistoryAng GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
![Page 2: K-12 Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022050623/58f9ac66760da3da068b8d99/html5/thumbnails/2.jpg)
Handa Ka na Ba?Katatapos mo lang maligo nang biglang mangyari ng sabay-sabay ang mga sumusunod. Ano ang iyong uunahin? Lagyan ng bilang 1 ang una hanggang 4 ang pinakahuli.
• Biglang umulan at nakasambay sa likod-bahay ang mga damit na iyong nilabhan.
• Naamoy mo na nasusunog ang sinaing.
• Narinig mo na nag-ring ang iyong celphone.
• Umiyak ang iyong inaalagaang sanggol na kapatid.
![Page 3: K-12 Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022050623/58f9ac66760da3da068b8d99/html5/thumbnails/3.jpg)
Araw-araw, ang tao ay laging nahaharap sa sitwasyong kailangan niyang pumili.
sitwason desisyon dahilan
Pinipili ng tao ang bagay na nagdudulot ng labis na kapakinabangan.
![Page 4: K-12 Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022050623/58f9ac66760da3da068b8d99/html5/thumbnails/4.jpg)
Kahulugan ng Ekonomiks• Ang ekonomiks ay pag-aaral kung paano
tutugunan ang walang katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao sa pinakamahusay na paggamit ng pinagkukunang-yaman.
• Nakatuon ito sa mapanuring pag-iisip at pagtugon sa mga pangyayari o suliranin mula sa tinatawag na economist’s perspective.
• Sinisikap nitong mapalawak ang kakayahan ng tao sa pagbuo ng matalinong desisyon.
• Pangunahing layunin nito ang pagtugon sa suliranin ng kakapusan.
![Page 5: K-12 Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022050623/58f9ac66760da3da068b8d99/html5/thumbnails/5.jpg)
Kaisipan sa Pag-aaral ng Ekonomiks• Ang kagustuhan at pangangailangan ng tao ay
walang katapusan.• Ang mga bagay na tumutugon sa kanyang
kagustuhan at pangangailangan ay may hangganan.• Kailangang gumawa ng matalinong pagpapasya
upang matugunan ng tao ang kanyang pangangailangan at kagustuhan gamit ang kanyang limitadong pinagkukunang-yaman.
• Ang di-matalinong pagpapasya ng tao ay nagdudulot ng suliranin ng kakapusan.
![Page 6: K-12 Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022050623/58f9ac66760da3da068b8d99/html5/thumbnails/6.jpg)
Mga Mahalagang Konsepto ng EkonomiksEfficiency• Masinop na pamamaraan ng paggamit sa
limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.
• Pangunahing tuon ng pag-aaral ng ekonomiks ang paglago ng ekonomiya (economic growth) ng bawat bansa.
![Page 7: K-12 Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022050623/58f9ac66760da3da068b8d99/html5/thumbnails/7.jpg)
Mga Mahalagang Konsepto ng EkonomiksEquality• Pantay-pantay ang mga karapatan ng tao at ang
distribusyon ng pinagkukunang yaman.• Ang yaman na mapapasakamay ng tao ay
nakabatay sa hirap at haba ng kanyang pagpapagod sa pagkamit nito.
![Page 8: K-12 Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022050623/58f9ac66760da3da068b8d99/html5/thumbnails/8.jpg)
Mga Mahalagang Konsepto ng EkonomiksSustainability• Ang paggamit ng mga pinagkukunang-yaman para
tugunan ang mga kasalukuyang pangangailangan at kagustuhan nang hindi nanganganip ang kakayahan ng susunod na henerasyon na tugunan ito.
![Page 9: K-12 Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022050623/58f9ac66760da3da068b8d99/html5/thumbnails/9.jpg)
Ekonomiks bilang Isang Agham Panlipunan• Ang agham panlipunan ay isang sangay ng
kaalaman kung saan pinag-aaralan ang mga pag-uugali ng tao habang siya ay nakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa at kapaligiran.
• Isang displina ng agham panlipunan ang ekonomiks. Nakatuon ang ekonomiks sa pagsasagawa ng tao ng mga desisyon bilang pagtugon sa suliranin ng kakapusan.
![Page 10: K-12 Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022050623/58f9ac66760da3da068b8d99/html5/thumbnails/10.jpg)
Ang Pamamaraang Siyentipiko
Paglalahad ng Suliranin
Pagbuo ng hinuha (Hypothesis)
Aktwal na pagpapatunay o pagsubok Pagbibigay ng
kongklusyon
PAGLALAPAT
![Page 11: K-12 Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022050623/58f9ac66760da3da068b8d99/html5/thumbnails/11.jpg)
Dibisyon ng Ekonomiks
• Ang ekonomiks ay nahahati sa dalawang dibisyon: maykroekonomiks at makroekonomiks.
![Page 12: K-12 Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022050623/58f9ac66760da3da068b8d99/html5/thumbnails/12.jpg)
Maykroekonomiks• Ang maykroekonomiks ay tungkol sa galaw
at desisyon ng bawat bahay kalakal at sambahayan. Ito ay tumitingin sa bawat indibidwal na yunit – sambahayan, bahay-kalakal at industriya. Ang mga desisyon ng bawat indibidwal ay napakahalaga sa pag-unawa ng ekonomiya.
![Page 13: K-12 Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022050623/58f9ac66760da3da068b8d99/html5/thumbnails/13.jpg)
Makroekonomiks
• Ang makroekonomiks naman ay tumitingin sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa. Sinusuri nito ang pambansang produksyon pati na ang pangkahalatang antas ng presyo at pambansang kita. Ito ay tumitingin sa kabuuan.
![Page 14: K-12 Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022050623/58f9ac66760da3da068b8d99/html5/thumbnails/14.jpg)
Paghahambing sa Dalawang Dibisyon ng Ekonomiks
Dibisyon ng Ekonomiks Produksyon Presyo Kita
Maykro-ekonimiks
Produksyon ng bawat industriya
Presyo ng bawat kalakal
Distribusyon ng kita ng bawat tao
Makro-ekonomiks
Pambansang Produksyon
Kabuuang lebel ng presyo
Pambansang kita
![Page 15: K-12 Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022050623/58f9ac66760da3da068b8d99/html5/thumbnails/15.jpg)
Bilang Pagtatapos…..• Ang pag-aaral ng ekonomiks ay
nakatutulong upang magkaroon ng tamang pagpapasya at pagpili ang tao.
![Page 16: K-12 Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022050623/58f9ac66760da3da068b8d99/html5/thumbnails/16.jpg)
• Mahalaga pa ba para sa mga kabataan ang
pag-aaral ng ekonomiks? Bakit?
PAGPAPAHALAGA
![Page 17: K-12 Aralin 1 ang kahulugan ng ekonomiks](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022050623/58f9ac66760da3da068b8d99/html5/thumbnails/17.jpg)
References:• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para
sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 • Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI