Transcript
Page 1: Original Filipino Declamation Piece

BONGGANG-BONGGA

Waaaah! Takbo! Bilis! Bilis! Waaaah! Tiyang naman oh! Ba’t mo pinatay ang tv? Binitin mo tuloy

ang panunuod ko ng horror film.

Aba! Hmm… Eh ano? Manunuod ka na lang ba ng tv habang ako naghihirap para may pang

bayad ka sa matrikula mo at para may lamunin ka? Aba, wala na tayong pera! At noong

namatay ang mga magulang mo, namatay na rin ang mga karapatan mong mamuhay prinsesa!

Pasalamat ka at pinayagan pa kitang mag-aral. Kaya Marielle, mag-sumikap ka! Hala! Lumarga

ka na at ilako mo na iyang mga anik-anik mo at maka-rami ka ng benta! Hmm…

Ah, sabi ko na nga po, opo! Hay naku! Grabe talaga itong si Tiyang, mala-tambutso ang

bunganga. Balot, penoy, kwek-kwek, butotay! Ah ilang balot ho?

Excuse me, Day! Dili ako mahilig sa itlog noh, asan ba dito ang bahay ni Winona? ‘Yung

manghuhula ba? Eh kasi, itong pepe’t bingi kong amo magpapahula. Ilang linggo na kasi dili

umuuwi ang asawa. Siguro may kabit, Day! Aysus! Bongga ‘yan mag bayad, Day!

Ha? Hmm… Aha! Bakit hindi? Ah, ale, ‘wag niyo na po siyang hanapin. Ako si Marielle, ang

batang pambansang manghuhula at mangkukulam ng Pilipinas!

Aysus ginoo! Balot at penoy na ba ang mga bagong bolang kristal Day?

Ha? Eh, sideline ko lang po ang pagbebenta. Eh kasi po, may tax na ata ang panghuhula

ngayon kaya pahinga muna.

Ok na daw Day sabi ng amo ko.

Itik-itik-itik… Espirikitum… Wakado… Estopado!

Ok na ba Day?

Page 2: Original Filipino Declamation Piece

Ha! Masama, masama! May babae nga! Maganda! Ang sekretarya nila ang kabit ng asawa ng

amo mo.

Hahaha! Jackpot! Simpleng esprikitik lang, bonggang-bongga ang dating! Oh diba? Eh anong

magagawa ko? Nagkataon na nagkatotoo ang mga hula ko sa asawa ng pipi at bingi. Hahaha!

Kaya naman, biglang dumami ang mga kliyente ko. Syempre, tuwang-tuwa ang tiyahin kong

mukhang pera. Araw-araw, iba’t-ibang tao ang dumarating sa bahay para sa pekeng serbisyo

ko.

Ako takon si Madonna. Gusto ko takon maman-an kung naka pasar man takon sa nursing

board.

Ni hao! Ako intsik tisoy. Ako gusto malaman kung aking negosyo successful o hindi.

Ako bigay sa’yo pirated dvd at maraming pera basta ikaw kulam mga tao di nagbabayad ng

utang sa aking 5-6.

Por fabor, senyora. Mi capricho malaman ang plano ng te amo esposo ko sa anibersaryo

namin. Que horror! Yo no qiero ng mga sorpresa!

O diba? Bonggang-bongga! Isang klik lang sa pag papanggap, sangkatutak na salapi agad!

Paano kaya na ayon lahat ng mga kasinungalingan ko?

Oh, Marielle, hmm… Heto na ang huling kustomer mo ngayong araw.

Desperadong-desperado na ko. Alam kong ikaw lang ang makakatulong sakin. Pabalikin mo

ang yumao kong atsay at may sasabihin ako sa kanyang importante. Maawa ka.

Ah, ale. Hindi po ako espiritista, manghuhula po ako.

Page 3: Original Filipino Declamation Piece

Maawa ka. Marami akong pera, magbabayad ako kahit magkano.

Magbabayad naman pala ng malaki eh. Hmm? Sige na Marielle. Hmm…

Ahoo… ahoo… Charing… Charot… Charito… Oh kaluluwa mo, Inday, tinatawag kita!

Oh ano? May nararamdaman ka na ba?

Wala pa eh. Pero… Ha! Ikaw na ba iyan Inday? Ang yumaong atsay ng, ng ginang na ito?

Tiyang, tiyang!

Diyos ko po! Hmm…Totoo ba ito? Hmm…

Kumusta ma’am? Na miss mo ba ko?

Inday, salamat at nagpakita ka. Patawarin mo ko sa mga nagawa kong pagkakamali sa’yo.

Nagsisisi na ko.

Nek-nek mo! Noong pinagbintangan mo kong nagnakaw ng arinola’t pustiso mo, naawa ka ba?

Binugbog mo ko hanggang sa nawalan ako ng malay at inilibing mo ko ng buhay! Ngayon,

ginulo niyo ko. Magbabayad kayong lahat!

Ah, eh, sandali lng po ha. Time out po muna sa drama! Inday, sorry po. Hindi ko po

sinasadyang guluhin ka. Inaamin ko na po, peke po ako, peke! Maawa po kayo, ayoko pang

mamatay. Wala pa kong boyfriend!

Tumahimik ka!

Diyos ko po! Hmm… Marielle, ale, hawak kamay. Manalangin tayo!

Page 4: Original Filipino Declamation Piece

At biglang lumiwanag ang kapaligiran na para bang may mga anghel na dumating sa lupa at

tinulungan ako. Malaki ang pasasalamat ko dahil walang masyadong masamang nangyari

sakin. Ang natutunan ko ay wala talagang mali na mananaig sa buhay. Sa ngayon…

Tiyang! Bilis! Lumarga na tayo at maka-rami pa tayo ng benta! Balot, penoy, kwek-kwek,

butotay!


Top Related