Download - Pananampalatayang paganismo
PANANAMPALATAYANG PAGANISMO
Balitaan
Pagsasanay
Balik-Aral
Anong sistema o uri ng edukasyon ng sinaunang Pilipino?
Pagbuo ng tanaong
Ano ang paniniwalang taglay ng mga unang Pilipino bago dumating ang dayuhang mananakop?
Paglalahad
Bago pa man dumating ang mga Espanyol ay mayroon nang paniniwalang taglay ang mga unang Pilipino..
Pangkatang Gawain
Pagtalakay
Ang katutubong paniniwala ng ating mga ninuno ay tinatawag na paganismo o paniniwalang pagano. Ang ganitong uri ng pananampalataya ay may kaugnayan sa pagsamba sa kalikasan o mga bagay sa kalikasan gaya ng araw, bituin, puno, hayop, at iba pa. Ito ay may tatlong uri.
Pantheism
Animismo
Polytheismo
ANYO NG PAGANISMO
Pagtalakay
Pantheism- paniniwalang ang diyos at ang lahat ng bagay sa mundo ay iisa at pareho lamang
Animism- paniniwalang ang mga bagay sa kalikasan ay may kaluluwa at banal.
Polytheism- paniniwala o pagsamba sa maraming diyos.
Pagtalakay
Bukod kay Bathala ay sumasamba rin sila sa tinatawag na anito sa mga Tagalog o diwata sa mga taga- Visayas. . Nag-aalay sila ng mga pagkain at panalangin upang mapagbigyan ang kanilang mga kahilingan at magkaroon ng masaganang buhay.
Pagtalakay
Kabilang sa mga anito o diwatang kanilang sinasamba ay sina Idiyanale- diyos ng agrikultura; Sidapa- diyos ng kamatayan; Balangaw- diyos ng bahaghari; Mandarangan- diyos ng digmaan; Agni- diyos ng apoy; Magwayen- diyos ng ibang mundo; Lalahon- diyos ng pag-aani.
Pagtalakay
Diyan Masalanta- diyos ng pag-ibig; Dal’lang- diyos ng kagandahan; Kidul- diyos ng kidlat at iba pa.
Naniniwala rin silang ang mga pangyayari sa kanilang buhay ay bunga ng hagupit ng kalikasan. Sila ay nag-aalay ng pagkain o anumang ari-ariang mahalaga upang tugunin ang kanilang mga panalangin.
Pagtalakay
Ang kanilang sinasamba noon ay hindi laging mabubuti, may mga anito o diwatang sinasabing nagtataglay ng masasamang espiritu. Dito ay nananalangin din sila at nag-aalay upang makapaghiganti sa kanilang mga kaaway. Ang pag-aalay ay karaniwang pinangungunahan ng isang pinunong lalaki o babae na tinatawag na katalonan ng mga Tagalog at babaylan naman para sa Bisaya.
Pagtalakay
Pinaniniwalaan din nilang mayroon pang buhay matapos ang kamatayan. Para sa kanila, ang tao ay binubuo ng katawang-panlupang maaaring mamatay at kaluluwang walang kamatayan. Pagkamatay raw ng isang tao ay pupunta na siya sa ikalawang mundo at doon tatanggapin ang kanyang kapalaran.
Paglalahat
Pagano o paganismo ang pananampalataya ng mga unang Pilipino, ito ay pagsamba sa kalikasan o bagay na walang buhay.
Pagtataya
Takdang Aralin