Hunyo-Setyembre 2012
Buwan ng Wika 2012, Patok!
AMBAG-SALITA:
linangin {pandiwa} [Tagalog]:
pahusayin ang kalidad; idebelop Hal. Linangin natin
ang industriya ng
langis.
Mga guro ng departamento sa pangunguna ni Dr. Mangahis sa Talastasang Wika 2012
Sundan sa pahina 18
Kumbaga sa pelikula,
“patok sa takilya” ang pagdiriwang
ng Buwan ng Wikang Pambansa
2012 sa De La Salle University
(DLSU)-Manila na pinamunuan ng
Departamento ng Filipino.
Daan-daang estudyante
ang nakilahok sa iba‟t ibang mga
patimpalak at aktibidad na inihan-
da ng departamento sa
pangunguna ni Dr. Josefina Man-
gahis, tagapangulo ng departa-
mento, at ng Komite sa Wikang
Pambansa 2012 na pinamunuan
ni Dr. Dolores Taylan, tagapangulo
ng komite, at Prop. David Michael
San Juan at Prop. Voltaire Villanue-
va, mga katuwang na tagapangulo
ng komite.
Sinimulan ang pagdiriwang
ng Buwan ng Wika 2012 sa pa-
mantasan sa pamamagitan ng
isang banal na misa na isinagawa
sa Pearl of Great Price Chapel
noong Agosto 2, mula 12:00 nt
hanggang 1:00 nh. Pinangasiwaan
nina Dr. Fely Herrera at Dr. Ert As-
torga ang paghahanda para sa
nasabing misa ng dinaluhan ng
mga guro ng Filipino at estudyan-
teng kumukuha ng mga asignatur-
ang Filipino.
Noong Agosto 2 din ay
isinagawa naman sa kauna-
unahang pagkakataon ang Ta-
lastasang Wika sa Bulwagang
Yuchengco 408-409, mula 1:00-
2:30 nh. Ang Talastasang Wika ay
isang panel discussion hinggil sa
mga kontemporaryong isyung
pangwika at pangkultura. Naging
bahagi ng panel sina Dr. Emma
Basco, Prop. Mirylle Calindro,
Prop. David Michael San Juan, at
Prop. Voltaire Villanueva. Naging
aktibo rin sa pagbibigay ng kanil-
ang kuru-kuro at katanungan ang
mga mag-aaral ng Filkomu at
Fildlar na lumahok sa Ta-
lastasang Wika.
Nagtanghal naman ang
Mabuhay Singers sa isang patok
na konsyerto noong Agosto 3 sa
Teresa Yuchengco Auditorium,
mula 1:00-3:00 nh. Si Dr.
Lakanggiting Garcia ang
koordineytor ng aktibidad na
ito. Inawit nila ang mga popu-
lar na himig Pilipino at ilang
awiting Ingles.
Bahagi rin ng pagdiri-
wang ng Buwan ng Wika 2012
ang iba‟t ibang patimpalak.
Nagsagawa ng paligsahan sa
pagsulat ng TexTulang Diona,
Tanaga at Malaya. Daan-daang
lahok ang tinanggap ng mga
koordineytor ng patimpalak na
sina Prop. San Juan at Prop.
Villanueva mula Hunyo hang-
*Tomo 5, Bilang 1* ISSN 2094-9332
Pinagpupugayan din natin
ang mga beterano ng panahong
iyon na nakapag-ambag ng napa-
karaming salita sa leksikon ng
wikang pambansa gaya ng
“tibak” (pinaikling “aktibista”);
“tortyur”; “makibaka” (hindi ito gi-
nagamit na pandiwa bago ang
panahong iyon); “pasista”;
“detenidong politikal”; “plakard”;
“desaparecido” at iba pa.
Ang mga salitang ito‟y humi-
hiwa at nag-iiwan ng marka sa ating
pambansang kamalayan at humu-
hubog din sa ating kamalayang
makabansa sa pamamagitan ng
pagpapaalaala sa atin na ang
bawat mamamayan ay may
tungkuling pangalagaan ang
kalayaan ng kanyang bayan. Sa
ganitong diwa, umaasa tayong
magiging maliwanag ang bukas ng
bayan sa mga susunod pang deka-
da. ~~~
EDITORYAL
2
Noong ika-21 ng Setyem-
bre 2012, ginunita ng ng sam-
bayanang Pilipino ang deklara-
syon ng Batas Militar sa ilalim
ng diktadurang Ferdinand Mar-
cos.
Dose-dosenang aklat na
ang inilimbag ng mga aktibi-
stang “beterano” ng nabanggit
na panahon upang ipaalala sa
madla ang masasaklap na aral
at pangyayari ng panahong iyon.
Naririyan ang “Tibak Rising: Ac-
tivism in the Days of Martial
Law” (Anvil Publishing), isang
koleksyon ng 46 salaysay ng 39
na manunulat. Nariyan din ang
kahawig na antolohiyang “Not
on Our Watch: Martial Law Real-
ly Happened. We Were There”
na sinulat naman ng 14 na be-
terano na ngayo‟y abala na sa
iba‟t ibang larangan.
Marami na ring programa
ng paggunita sa Batas Militar
ang isingawa mula sa mga fo-
rum sa iba‟t ibang unibersidad
gaya ng Unibersidad ng Pilipi-
nas, Ateneo de Manila, Polytech-
nic University of the Philippines,
at Bulacan State University,
hanggang sa mga demonstra-
syon sa lansangan ng Ka-
maynilaan.
Mabuti ang lahat ng ak-
tibidad na ito sapagkat gaya nga
ng sinabi ng manunulat na si
Milan Kundera, “Ang pakikibaka
laban sa diktadura ay pakikiba-
ka ng gunita laban sa
pagkalimot.” Kailangan nating
gunitain ang madilim na
panahon ng Batas Militar upang
maging gising at mulat tayo sa
tuwing may magtatangkang
buhayin ang mga multo nito.
Punong-Patnugot: David Michael M. San Juan
Lupon ng Tagapayo: Dr. Ernesto Carandang II, Prop. Ramilito Correa,
Dr. Feorillo Demeterio, Dr. Teresita Fortunato, Dr. Fanny Garcia, Dr. Lakangiting
Garcia, Dr. Josefina Mangahis, Dr. Rhoderick Nuncio, Dr. Raquel Sison-Buban,
Dr. Dolores Taylan
Kontribyutor (Lathalain, Sanaysay Atbp.): Dr. Ruby Alunen, Dr. Josefina Mangahis, at Prop. Voltaire Villanueva
Kontribyutor (Larawan): Ms. Marilou Bagona, Dr. Josefina Mangahis, Ms. Maureen Roraldo
Lay-out: David Michael M. San Juan
Puno ng Departamento ng Filipino: Dr. Josefina Mangahis
Pamuhatan: Departamento ng Filipino, Rm. 401 William Hall, 2401 Taft Avenue,
De La Salle University / Telepono: (02) 524-4611 lokal 509 / Email: [email protected]
Website: http://www.dlsu.edu.ph/academics/colleges/cla/filipino/
Gunita, Wika, at Kinabukasan
ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 5, Bilang 1* ISSN 2094-9332
3 ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 5, Bilang 1* ISSN 2094-9332
Mga guro ng departamento, panalo sa Palanca at Gawad KWF
Nagwagi ng Unang Gantimpala Kategoryang Tu-
lang Pambata sa prestihiyosong Carlos Palanca Memori-
al Awards for Literature si Prop. John Enrico C. Torralba
para sa kanyang lahok na “Gusto Ko Nang Lumaki.” Ang
kanyang maybahay na si Prop. Elyrah L. Salanga-
Torralba ay nagwagi naman ng Ikalawang Gantimpala
sa Kategoryang Sanaysay para sa lahok na “Utang Ina.”
Samantala, nagwagi naman ng Ikatlong Gantim-
pala sa Gawad Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa
Sanaysay si Prop. David Michael M. San Juan para sa
kanyang lahok na “Pedagohiyang Mapagpalaya at
Makabansa sa Wikang Filipino: Pagpapatatag ng
Kaakuhang Pilipino Tungo sa Bansang Ating Pinapan-
garap” at Karangalang-Banggit naman si Prop. Ramilito
Correa para sa kanyang sanaysay na “Ang Pagsasa-
Filipino ng mga Panoorin sa Daigdig ng Telebisyon, Pag-
da-dub ng Anime at Paglaganap ng Wikang Filipino sa
Bawat Sulok ng Mundo: Mga Patunay na „Moog‟ ng
Pagka-Pilipino.” Mas kilala noon sa tawag na Gawad
Surian sa Sanaysay-Gantimpalang Collantes ang patim-
palak na ito. Ang nagwagi ng Unang Gantimpala sa
Gawad KWF sa Sanaysay at itinanghal na Mananaysay
ng Taon 2012 ay si Dr. Leticia Pagkalinawan, na nag-
tapos ng Doctor of Arts in Language in Literature sa
DLSU-Manila at kasalukuyang nagtuturo sa University
of Hawaii-Manoa. Si Prop. Romeo P. Peña naman ng
Polytechnic University of the Philippines, ang nagwagi
ng Pangalawang Gantimpala, at sina Prop. Jonathan V.
Geronimo ng Unibersidad ng Sto. Tomas, at G. Fermin
S. Salvador naman ay nagkamit din ng karangalang-
banggit.
Community Engagement ng Departamento, Tuluy-tuloy
Alinsunod sa misyon at bisyon ng paman-
tasan na nagbibigay-diin sa gampanin ng mga
institusyong pang-edukasyon sa pagbabagong
panlipunan, tuluy-tuloy ang pagsasagawa ng
community engagement ng Departamento ng
Filipino.
Humigit-kumulang 300 aklat ang naibigay
ng departamento sa Samahang Sining at Kultura
ng Pilipinas (SSKP), isang organisasyon na nag-
mamantini ng isang pampublikong aklatan na
matatagpuan sa Sto. Nino Parish Church com-
pound sa Pandacan, Maynila. Pinangunahan ni
Dr. Rowie Madula ang nasabing inisyatiba.
Samantala, kabahagi rin ang ilang mga guro
sa departamento sa pangunguna ni Dr. Raquel
Sison-Buban sa proyektong pagsasalin mula Ingles
tungong Filipino ng mga artikulo mula sa Wikipedia.
Ang mga awtput sa nasabing proyekto ay gagamitin
sa patuloy na pagpapabuti ng isang machine transla-
tion program na dinedebelop ng College of Computer
Studies ng unibersidad.
Nakatakda ring magsagawa ng mga libreng
seminar at worksyap sa pagtuturo ng Filipino ang
departamento ngayong Oktubre sa inisyatiba ni Dr.
Ruby Alunen. Partner ng departamento sa nasabing
gawain ang ilang publikong paaralan sa Maynila.
Mga nagwagi sa Gawad KWF kasama ang tagapangulo ng CCP.
4 ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 5, Bilang 1* ISSN 2094-9332
Nagbasa ng papel si Dr. Tess Fortunato at ilan pang guro ng departamento sa Ikatlong Kumperensyang Internasyunal sa Filipino Bilang Wikang Global na ginanap sa CSB Ho-tel International Conference Center, Malate, Maynila noong Agosto 3-5, 2012. Ang nasabing kumperen-sya na may te-mang “Ang Wika at Kulturang Filipino: Iba’t Ibang Isyu at Hamon ng Siglo 21” ay isina-gawa ng Global Consortium for the Advance-ment of Filipino Lan-guage and Culture (GLOCAFIL), Pam-bansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF), National Commission on Cul-ture and the Arts (NCCA), University of Hawaii Filipino and Philippine Literature Program (UH-FPLP) at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Ang naunang dala-wang kumperensyang internasyunal sa Filipino bilang wikang global ay isinagawa sa Hawaii noong 2008, at sa San Diego, California na-man noong Enero 2010. Dumalo sa nasabing kumperensya ang humigit-kumulang 200 kalahok mula sa iba’t ibang institusyon at unibersidad sa Pilipinas,
Dr. Fortunato at iba pa, nagbasa ng papel sa
Kumperensyang Internasyunal sa Filipino
Estados Unidos, Brunei, Malaysia, Hapon, at Pransya. Kabilang sa mga tagapagsalita sa mga sesyong plenary ang mga kinatawan ng Depart-ment of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at mga propesor mu-
la sa mga banyagang unibersidad sa Amerika at Asya. Samantala, narito ang mga pama-gat ng mga papel na binasa ng mga guro at estudyante ng departamento sa nasa-bing kumperensya: “Pag-uulat ng Katoto-hanan sa mga Balitang Tabloid sa Filipi-no Gamit ang Wikang Eupemistiko” (Dr. Tess Fortunato); “Mula sa Sining ng Pakikipagtalastasan Hanggang sa Sining ng PakikipagCHAT-an: Paano Sasa-lubungin ng Wikang Filipino ang mga Wika at Imahen ng Facebook at Twit-ter?” (Dr. Marvin R. Reyes);
“Awitalakay: Estilong Kahulugan, Kasaysayan, Kabuluhan at Kaugnayan/4K Tungo sa Multidisiplinaring Pagtuturo ng/sa Filipi-no” (David Michael M. San Juan); Voltaire M. Villanueva (Panimulang Pag-Aral sa Varayti ng Tagalog-Pateros sa Domeyn ng Balutan); Dr. Ma. Crisanta Flores (Wikang Global sa Panahon ng Internasy-onalisasyon); “Pagsipat sa Gamit ng Wikang Filipino sa Iba’t Ibang Pasulat na Ad-bertismo Gamit ang Tuntuning
Retorika at Ortograpiyang Filipino” (Vasil Agong Victoria); “Online Materials para sa Teksbuk sa Filipino bilang Pangalawang Wika” (Ralph Vin-cent Regalado); at “Kaso ng Kunwari at Si-ya” (Dr. Maria Fe Gannaban). Maaaring basahin at/o idownload sa www.kumperensya.wordpress.com ang mga papel na binasa sa kumperensyang ito.
Mga delegado sa kumperensyang internasyunal sa Filipino
Mula sa kanan: Dr. Galileo Zafra ng Osaka University, Dr. Fortunato, delegadong Hapones, at Dr. Aurora Batnag
5 ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 5, Bilang 1* ISSN 2094-9332
“Wang-wang,” “pagpag” at “level-up”:
Mga Salita ng Taon 2012
~~~ MGA KIDLAT-BALITA ~~~ Prop. Madula at Prop. Orellana,
nagkamit ng mga bagong degri
Noong unang termino ng
Taong Panuruan 2012-2013 ay nag-
tapos ng PhD sa Araling Filipino sa
pamantasan si Prop. Rowie Madula
at MA sa Araling Filipino naman si
Prop. Joel Orellana.
“Rampa sa paglaya : pagla-
lakbay ng mga bakla sa Sangandaan
ng pag-ibig at pakikibaka” ang
pamagat ng disertasyon ni Dr.
Madula at “Sports, isports at pala-
kasan: ang kategorisasyon ng
Sports Jargon sa mga piling tab-
loid” naman ang tesis ni Prop. Orel-
lana. Ginawaran din ng permanent
status si Dr. Madula kamakailan.
Dr. Taylan at iba pa, pinarangalan
Pinarangalan ng pamantasan
noong Agosto si Dr. Dolores
Taylan, tagapayo ng Plaridel na
opisyal na pahayagang pang-
Dr. Nuncio, itinalagang
OIC ng SRDC
Itinalagang officer-in-
charge si Dr. Rhoderick Nuncio
ng Social Development Research
Center (SRDC), isa sa mga in-
stitusyong pampananaliksik ng
unibersidad. Sa kasalukuyan ay
nanunungkulan din siyang puno
ng Research & Advanced Stud-
ies Office ng Kolehiyo ng Mala-
layang Sining.
Departamento ng Filipino, nag-
aplay para muling maging
“sentro ng kahusayan”
Isinumite ng departamento
ngayong Setyembre ang mga
dokumento kaugnay ng aplikasyon
para muling maging “sentro ng
kahusayan” o “center of excel-
lence” (COE) ito. Circa 2000 nang
DLSU, sa pamamagitan ng pagbib-
igay sa kanya ng Gawad Lasalyano
2012 sa kanyang pagiging
“namumukod-tanging katuwang sa
Lasalyanong misyon.”
Samantala, pinarangalan
din ng pamantasan ang iba pang
guro ng departmento dahil sa ka-
nilang subok na paglikingkod sa
DLSU: Dr. Josefina Mangahis, Dr.
Rhoderick Nuncio at Dr. Ruby
Alunen (10 taon); Dr. Dolores
Taylan (15 taon); at Dr. Lakangit-
ing Garcia (25 taon).
maging “sentro ng kahusayan” sa
Filipino ang departamento.
Nag-aplay rin para maging
COE o kaya nama’y “center of
development” (COD) ang iba
pang departamento sa ilalim ng
Kolehiyo ng Malalayang Sining
gaya ng Agham Pampulitika
(Political Science), Kasaysayan,
Literatura, at Pilosopiya.
Itinanghal na Mga Salita ng Taon 2012 ang
“Wang-wang" (Unang Gantimpala), “Pagpag,” at “Level-
Up” (kapwa Pangalawang Gantimpala) sa nakaraang
Pambansang Kumperensiya sa Wika at Sawikaan 2012
na ginanap noong Setyembre 21 sa Bulwagang Leong,
Ateneo de Manila University.
Ang Sawikaan 2012 ay kumperensyang isinasa-
gawa tuwing makalawang taon. Idinepensa ni Prop. Da-
vid Michael M. San Juan ang salitang “wang-wang” ha-
bang si Prop. John Enrico Torralba naman ang nagde-
pensa sa salitang “pagpag” at kay Prop. Joselito de los
Reyes naman ang salitang “level-up.” Itinanghal ding
“People‟s Choice” ang “level-up.”
Kabilang sa finalists sa Sawikaan 2012 ang
mga sumusunod na salita na idinepensa ng mga
propesor at mananaliksik mula sa Ateneo de Manila
University, Unibersidad ng Pilipinas at Unibersidad ng
Sto. Tomas: “trending," “SALN," “impeachment," “pick-
up line," “palusot," “wagas," “android," “wifi," at“fish
kill."Pinangasiwaan ng Filipinas Institute of Translation
(FIT) sa pangunguna nina Pambansang Alagad sa Si-
ning Virgilio S. Almario, Prop. Romulo Baquiran at Dr.
Michael Coroza, katuwang ang Wika ng Kultura at
Agham (WIKA), Inc, National Commission for Culture
and the Arts, (NCCA), Paaralan ng Humanidades ng
Ateneo de Manila University, National Book Develop-
ment Board (NBDB), at Commission on Higher Educa-
tion (CHED), ang Sawikaan 2012.
6 ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 5, Bilang 1* ISSN 2094-9332
Pinasiyaan ng departamento ang Ser-yeng Panayam Magdalena C. Sayas 2012-2013 sa pamamagitan ng lektura ni Dr. Lakangiting C. Garcia na pinamagatang “Guro at Mag-aaral sa Pamamahala sa Klase” noong Agosto 16, 2012 mula 9:40 - 11:10 nu sa Bul-wagang Ariston Estrada. Ang Ser-yeng Panayam ay taunang ak-tibidad ng de-partamento na naglalayong parangalan ang mga guro at manunulat na nagging bahagi ng DLSU at nagtaguyod ng wika, kultura at panitikang Pili-pino. Layunin din ng Seryeng Panayam na itanghal sa madla ang mga lektura at pananaliksik ng mga kasa-lukuyang guro ng departamento. Ipinangalan kay Dr. Magdalena C. Sayas, dating tagapangulo ng departamento, ang Seryeng Panayam 2012-2013. Narito naman ang mga lektura sa Ser-yeng Panayam Clemencia Espiritu 2011-2012: “Bakit Ganyan Ka: Isang Interaktibong
Seryeng Panayam 2012-2013, pinasinayaan
Pag-alam sa Pag-uugali sa Komunikasyon” ni Dr. Lakangiting C. Garcia, at “Huwag Susuko”: Isang Pakikipagtunggali sa Proseso ng Pagsasalin ng Tulang Don’t Quit” ni Prop. Ramilito B. Correa noong Marso 27, 2012sa Bulwagang Ariston Estrada;
“Pagdidisenyo ng Silabus para sa Banyaga o Dayuhang Mag-aaral ng Pamatasang De La Salle-Maynila” ni Dr. Felicitas B. Herre-ra noong Marso 20, 2012 sa Bulwagang Ariston Estrada; “Wikang Filipino bilang Wikang Global” ni Dr. Ma. Crisanta Flores noong Marso 12, 2012 sa Yuchengco 407; “Mga Panlapi, Mga Salitang Ugat at mga Kaku-wanan ng/sa Wikang Filipino” ni Dr. Aurora E. Batnag at “Varayti ng Pateros-Tagalog sa Domeyn ng Balutan” ni Prop. Voltaire M. Villanueva noong Pebrero 28, 2011 sa Yuchengco 407;
“Dalawang Kaso: Kunwari o Halimbawa? Alin sa Dalawa? Sinong Siya? Tao o Bagay?” ni Dr. Ma. Fe A. Gannaban noong Oktubre 5, 2011 sa Tereso Lara Seminar Room; at “Alternatibong Pagbasa sa mga Nobela ni Jose Rizal: Ambag sa Pedagohiyang Pampani-tikan” ni Prop. David Michael San Juan noong Agosto 18, 2011 sa Yuchengco 407. ~~~
Si Dr. Garcia habang naglelektura tungkol sa peda-gohiya at personalidad
Si Dr. Sayas ay dating tagapangulo ng Departamento
ng Filipino at Pangalawang Dekana ng Kolehiyo ng Mala-
layang Sining ng Pamantasang De La Salle at editor ng Malay,
isangn dyornal na multidisiplinari sa Filipino. Si Dr. Sayas ay
may doktorado sa literatura mula sa Manuel L. Quezon Uni-
versity. Marami siyang nailathalang mga pag-aaral tungkol sa
literatura at lenggwaheng Filipino, kabilang na rito ang mga
librong Cuento/Kwento (1997) at FILITWO: Retorikang Filipino
(1993; ko-awtor). NaisaFilipino niya ang mga akdang Antigone,
Arte de la Lengua Tagala y Manual Tagalog para Los Sacra-
mentos, at ang Con la Vara Con Que Midos ni Serafin En-
riquez. Natapos na rin niya ang teksbuk para sa FILITWO na
pinamagatang Filipino sa Mundo ng Syensya at Inhenyeriya.
~~~
~~~ BIONOTE ni Dr. Magdalena C. Sayas ~~~
7 ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 5, Bilang 1* ISSN 2094-9332
Higit sa 100 inimprenta at elektronikong aklat, inilunsad;
mga akda ng guro sa departamento, tampok
Tampok sa mahigit 100 inimprenta at elektroni-
kong aklat (e-book) na inilunsad ng De La Salle University
(DLSU) Publishing House ang ilang aklat na sinulat sa Fili-
pino ng mga guro sa Departamento ng Filipino.
Kabilang sa enggrandeng lunsad-aklat na ito na
ginanap sa International Conference Center ng CSB Hotel
noong Hunyo 11, 2012 ang “Pamilya, Migrasyon, Disinte-
grasyon,” (creative nonfiction, tungkol sa isang pamilyang
ang maybahay/ina ay isang OFW sa Middle East.),
“Surinaysay: Wika-Panitikan-Malikhaing Pagsulat-
Feminismo-Midya” (sanaysay na nagsusuri kaugnay ng
mga nasabing paksa/larangan), at “Ang Tinig ni Genoveva
Edroza-Matute: Mga Piling Interbyu” (librong alay at pag-
bibigay-pugay kay GEM) ni Dr. Fanny Garcia.
Inilunsad din sa nabanggit na pagtitipon ang “100
Tinig sa Iisang Himig” (antolohiya ng mga sanaysay na
isinulat ng mga estudyanteng frosh o nasa unang taon sa
DLSU) na pinamatnugutan ni Dr. Lhai Taylan; “100 Bago
sa DLSU” (antolohiya hinggil sa mga kontemporar-
yongh inobasyon sa loob o kaya’y kaugnay ng DLSU)
na pinamatnugutan ni Dr. Rhod Nuncio et al.; “100
Salin” (antolohiya ng iba’t ibang akda at teskto na isina-
lin ng mga Lasalyanong guro at mag-aaral) na
pinamatnugutan nina Dr. Rakki E. Sison-Buban at Joey
Stephanie C. Chua.
Bukod sa mga nabanggit na inimprentang aklat,
inilunsad din sa pagtitipong iyon ang mga sumusunod
na e-book: “Sanghiyang sa Mundo ng Internet” ni Dr.
Rhoderick Nuncio; “Mga Pangunahing Etnolinggwis-
tikong Grupo sa Pilipinas” ni Dr. Teresita F. Fortunato;
“Mga Tanong sa Sagot: Pitong Iisahing-Yugtong Dula,”
“Green Cupid Romances 1: Isang Puso sa Dalawang
Dibdib at Bilanggo sa Salaming Ginto,” at “Green Cu-
pid Romances 2: Walang Tinig ang Pagluha at Hang-
ga’t Makatitiis ang Puso” ni Dr. Lakangiting C. Garcia.
~~~
8 ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 5, Bilang 1* ISSN 2094-9332
Titser-titseran, Naging Totohanan
ni Prop. Voltaire M. Villanueva
GURO AT BAYAN
Sundan sa pahina 9
Tila isang pagkaligaw sa
aking tinatahak na landas ang
aking napatunayan at
nasaksihan. Mistulang
naligaw lamang sa
isang tindahan at doon
ng napagpasyahan na
bumili ng isang balot
na tinapay at isang bo-
teng pepsi para pama-
tid-uhaw dala nang
pagkalito sa walang
katapusang paglala-
kad, pagtakbo at sabi-
hin na nating isang paglalakbay
sa tagumpay. Ang akin palang
narating na lugar ay hindi isang
maling pagkaligaw o pagkaka-
mali bagkus ito ay isang pag-
tutuwid. Isang lugar na masasa-
bing paraiso para sa
pagpapanday ng musmos na
isipan at pagpupunla ng binhi ng
karunugan.
Marahil kung ang mga
batang nasa edad lima hang-
gang sampu ay ating tatanungin
sa kung anong propesyon ang
nais nila sa kanilang paglaki ay
hindi mawawalan ng sasagot na
nais nilang maging titser balang
araw. ”Upang turuang bumasa at
sumulat ang mga bata. Ganun
kasimpleng sagot!” Madali nila
itong masabi sapagkat idolo nila
ang kanilang guro. Maraming
pagkakataon na kasa-kasama nila
ang kanilang guro sa kanilang
kamus-musan. Maliban sa bahay-
bahayan, na ako ang tatay at ang
aming kapitbahay na kaedad ko
ang nanay na pinagtutulungan
namin ang pagluluto mula sa
aming mga nakuhang sangkap sa
aming mga totoong tahanan at
munting tindahan ng aming mga
ina, pagtatayo ng munting kubo
gamit ang sasa, palapa ng niyog,
at mga dahon ng saging sa aming
likod bahay. Isang laro na mistu-
lang isang pamilya ang binubuo
at nais mapalitaw. Naranasan
ko rin ang maging isang munting
guro sa aming laro. Ang pagga-
wa ng isang kunwaring klasrum
na minsang naging kulungan ng
mga panabong na manok ng
aking gurong tatay. Sa kabila ng
kitid at baho ay ginawan ko ng
paraan upang ito'y maging ma-
kulay, kaaya-aya at kahali-halina
upang pumasok ang aking mga
magiging estudyante. Mistulang
totoong paaralan nga ang aming
nabuo sa tulong ng aking mga
munting magiging kaguro. May
kunwaring lugar para sa pag-
tataas at pagbababa ng wa-
tawat at ang hudyat nito ay
manggagaling sa aming pi-
naglumaang arenola at mga
kaserola. Nakagawa rin ako ng
mga kunwaring I.D. at report
kards ng aking mga mag-aaral.
At sa labas ng dating tangkal ng
mga manok, mabababasa ang
aking pangalan na guro ng
unang baitang pangkat- maga-
lang. Kaya't batid ng aming mga
kapit-bahay na ang aming laro
9
Titser-titseran...mula p. 8
ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 5, Bilang 1* ISSN 2094-9332
ay skul-skolan. Mayroong mga ba-
on na pagkain at pera. At ang
aming magsisilbing kantina ay
ang tindahan ng aking ina.
Ngunit sa aking paglaki tila
hindi na pumapasok sa aking
isipan na maging isang guro. Tila
nakalimutan ko na ang aking li-
bangan at ambisyon na maging
guro at napapalitan na ito ng
ibang propesyon, na mismong ang
aking ina't ama na pawang mga
guro ay inililihis ako sa mundo ng
pagtuturo. Ito ang katotohanang
bihira na ang nais at taal na mag-
ing isang guro ngayon, kundi ang
nais ay maging isang nars para
makapunta sa ibang bansa, mag-
artisa o maging pulitiko para sa
mabilisang pera at kita o ang pu-
masok sa call centers para sa ka-
kaibang karanasan, o kung anong
usong kurso ay iyon na lang. Pero
ang katotohanan at ang kataka-
takang naging kaganapan ay nag-
ing isang guro ako. Bagama't
ako'y nasa Pamantasang Normal
ng Pilipinas, isang prestihiyosong
institusyon sa mga nagpapaka-
dalubhasa ng edukasyon o para
sa mga magiging guro. Ito raw ang
kusina ng mga magiging guro
kase lahat ng kurso na ibinibigay
ng paaralan ay para lamang sa
pagtuturo ang ipinagkaiba lamang
ay kung anong uri ng asigna-
tura o konsentrasyon at edad
ang nais mong turuan. Kung
nais mong magturo para sa
mga may kapansanan may-
roon dito sa normal, kung gus-
to mong pumasok sa call cen-
ter at ayaw mong magturo
mag-English major ka. Kung
gusto mong maging caregiver
mag Special Education ka.
Maging titser sa Canada, USA
at tutor ng mga Koreano, mag
BSMT ka o Math major. Mag-
ing isang aktibista at kritiko ng
mga pulitiko mag SOC. SCI. ka.
Nais mo ring maging artista o
mananayaw , mag-P.E major o
Speech at Theater Arts ka. Tila
isang maling kalituhan na sa
kabila na ang lahat ng kurso
ay para maging isang guro
kung kaya't ang pamantasan
ay tinaguriang “Center of Excel-
lence in Teaching Education” ay
bakit ibang propesyon ang aking
nababanggit.
Marahil ito ang kalimitang
ginagawa ng mga mag-aaral dito
sa Normal o kahit saan pang pa-
mantasan na binabalak ko ring
gawin noon. Ang magtapos at
maging skolar ng bayan at sa pag-
tatapos ay hindi naman
ipagpapatuloy at paninindigan
kung ano ang nararapat na pan-
gatawanan.
Hindi naman sa
ako'y hindi nagtaksil sa ating pa-
mahalaan at sa ating mga mama-
mayan sa pagpapaaral sa akin na
masasabi na nating libre mula sa
halos humigit-kumulang na tat-
Sundan sa pahina 10
long daang piso na
matrikula na masasa-
bing mas mahal pa ang
pang-load sa ating mga
cellphones ay bakit ko
tinupad ang misyon ni
Inang Pamantasan ang
rebulto at bantayog ng
aming paaralan na si-
nasabing naglalakad sa
gabi sa pamantasan, na
tuparin ang maging ilaw
para sa ating mga kabataan.
10
ALINGAWNGAW NG KAHAPON
Titser-titseran...mula p. 9
ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 5, Bilang 1* ISSN 2094-9332
Isang kataka-takang pang beau-
ty queen na sagot kapag ako ay
pinukol ng tanong na iyan.
“Bakit nais mong maging guro?”
Sapagkat ang guro ay hindi
lamang gabay ng mga kabataan
kundi kaibigan ng ating uhaw
na lipunan.
Siguradong kung mariri-
nig ito ng mga aking mga nag-
ing guro at masasabi na nating
institusyon sa larangan ng
edukasyon ay isang malutong
na tawa at nagpapalakpakang
mga tenga ang kanilang ibaba-
landra, at kung ito maaari ay
maririnig ng mga pulitikong
nasa posisyon ngayon ay baka
akalaing maging kakompetensi-
ya nila ako sa posisyon bilang
alkalde ng bayan o senador ng
bansa, at kung ito ay maririnig
ng ating mga musmos, mang-
mang, mga kabataan sa ating
inang bayan siguradong isang
matamis na ngiti bilang hudyat
ng pag-asa para sa ating kin-
abukasan na tila nababahidan
na ng dumi at dilim... Napag-
tanto ko malaon na ipagpapatu-
loy ko ang aking nasimulan hin-
di sa napipilitan lang kung hindi
gusto ko na at talagang napa-
mahal na ako. Naalis na sa isip
ko na magiging isang magaling
na mamamahayag tulad ng
aking kababayang Noli de Castro
na sana ngayon ay nasa Kath-
mandu, Nepal ako para ibalita
ang mga nakarating sa tuktok ng
Bundok Everest, na sana'y nasa
Taysan, Batangas ako para kapa-
nayamin ang mga kamag-anak ni
Titser Nelly, ang gurong naabo
habang nagseserbisyo para sa
pagboto na walang kaalam-alam
na mangyayari ang kalunus-lunos
na huling yugto ng buhay niya…
ang lahat ng sanang ito ay akin ng
nil imot o pansamantalang
isinangtabi sapagkat ang katoto-
hanan ay ginaya ko ang mga gu-
rong nagpuyat, nagpagod, nagu-
tom at sumakit ang katawan sa
banta ng kamatayan maipamalas
lamang ang serbisyo sa halalan at
pagmamahal sa bayan.
Nang mamatay ang aking
ama dahil sa kanser dito sa
Maynila ay napagdesisyunan ng
kanyang mga kapatid na sa
probinsya nila ito dalhin at hindi
sa lugar na aming kinalakihan
sapagkat wala raw na kamag-
anak na mag-aasikaso sa amin.
Sapagkat ang aking ina't ama ay
sabay na pumasok sa paaralan,
pareho silang dayuhan at ang
paaralang iyon ang naging saksi
sa kanilang pagmamahalan kung
kaya't kami ang naging produkto.
Ngunit isang tagpo ang naging
dahilan sa pagpapalimot sa
aking maraming sana. Isa
palang bayani ang tatay ko para
sa aming mga kababayan. Halos
umawas na ang mga bulaklak,
pagkain at mga nakikiramay sa
labi ng aking ama na ang
kanyang mga kapatid ay lubus-
ang hindi makapaniwala.
Maraming buhay pala ang
binago ni tatay na isang sim-
pleng guro lamang. Kaya't
buong tigas kong sinabi sa ataul
ni tatay na ipagpapatuloy ko ang
kanyang nasimulan. Buong
tapang kong haharapin ang mga
naghihintay na hamon, nauuna-
waan ko na kung bakit ayaw ni-
ya akong maging guro dahil sa
mga hirap na kanyang pinag-
daanan, pero ito ang naging bul-
wakan na dahilan kung bakit
ganun na lamang ang kanyang
pagpapahalaga sa edukasyon
upang kami ay paaralin at
bigyan ng isang napaka-
mahalagang pamana na kahit
sino ay walang makakakuha.
Ang aming diploma. Alam kong
sa araw-araw ng aking pa-
ghahanda para sa gagawing
pagtuturo ay nakamatyag ang
aking ama, buong sigasig at ti-
kas na inuusal na, anak ko yan!
isang guro! kagaya ko yan!
~~~
11 ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 5, Bilang 1* ISSN 2094-9332
Puso sa Puso: Mga Punto ng Pagninilay
Marami sa atin ang naghahangad ng maraming bagay. Ipad, bagong kotse, mga bagong sapatos, dam-it at limpak limpak na salapi. Kapag hindi naipagkaloob ang ninanais ay agad na nagtatampo sa Panginoon.
Napukaw ang aking damdamin sa narinig kong sermon ng pare sa aming parokya. Madalas daw siyang nakikipag-usap sa mga karaniwang tao sa paligid. Ang lagi niyang tinatanong sa bawat makasalamuha niya ay “Ano ang unang hiling mo kay Hesus kapag nagdarasal ka”?
May nagsabing tumama sana siya sa Jackpot ng 6/55 lotto, may tumugon naman na magkaroon ng ma-gandang bahay at iba pa.
Paghahangad at Pasasalamat
Ni Dr. Josefina Mangahis
Madilim na ang gabi nang lapitan ni Fr. ang isang babae. Nilapitan niya habang ang kasa-mang pamilya ay naglalatag ng karton sa harap ng isang lumang gusali. Tinanong niya ang babae, Ano ba ang hinihiling mo kay Hesus. Ang tugon ng babae “Simple lang father. Huwag sana kaming paalisin sa gabi dito sa aming sinisilungan. At na-pakabait po ni Hesus at lagi niyang dinidinig ang aming samo.” Ano ang implikasyon nito sa atin?
Plano Natin, Interbensyon Niya
ni David Michael San Juan
Naranasan mo na bang magtampo sa
Diyos dahil di nasunod ang plano mo? Marami
sa atin ang dumaraan sa pagsubok sa iba‟t
ibang bahagi ng ating buhay. Kumbaga sa pagla-
lakbay ay maalong dagat ang pinaglalayagan
natin kung minsan.
Parang hindi natutupad ang gusto nating
mangyari. Tinatabangan tuloy tayong magpatu-
loy sa pagpaplano. „Yun tipong nagpapatianod
na lang tayo sa mga agos ng buhay. Come what
may. Que sera, sera.
Pagkatapos ng ilang araw, linggo, buwan,
at kung minsan, taon, maiisip natin at mara-
ramdaman natin na ayos lang pala na di natu-
pad ang orihinal nating plano.
Mas mainam pala ang interbensyon ng
langit. Nakabuti sa pangmatagalan ang pagkaanta-
la o kaya‟y di pagpayag ng Bathala sa orihinal
nating plano o hangarin.
Mantakin mong pasasalamatan mo rin pala
minsan ang mga bagyo sa buhay mo dahil ang mga
iyon din ang magpapakita sa iyo ng makukulay na
bahaghari. Mahiwaga ang buhay at isa lamang ito
sa mga hiwaga na hindi ganap na mauunawaan ng
tao maliban kung mayroon siyang pananam-
palataya. Ang pananampalataya ay ang simpleng
pag-asa na mayroong naghihintay na mabuti sa
atin sa kabila ng mga nagaganap o naganap na
kasawian sa ating nakalipas. Mahirap magkaroon
nito pero masarap ang pakiramdam kapag may-
roon.
12
ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 5, Bilang 1* ISSN 2094-9332
Gurong Partaymer
ni Dr. Ruby Alunen
Makulay, Masaya, masalimuot at
napakaraming paglalarawan ang
maaari kong ikabit sa aking mga
nagging karanasan bilang isang
gurong partaymer. Nais kong
ilahad ang ilan sa mga karanasan
ng buhay partaymer na tila ka-
wangis ng pagkain, bagay,
pangyayari, at marami pang iba.
Tiyak na makauugnay ang mga gu-
ro at iba pang manggagawa na ang
buhay ay inilaan sa pagpapartaym.
Naisip ko, parang pansit
ang buhay partaymer. Kapag
maiksi ito, ibig sabihin konti ang
load at mahaba naman ito kung
marami-raming load. May iba‟t
ibang kulay rin. Maputla ang kulay
kapag wala kang load dahil mal-
nourished ka na, kulang ang pera
kaya kulang din sa sustansya ang
kinakain mo. Pero kapag
maraming load, para kang ba-
haghari dahil nanariwa ka sa dami
ng pera mo. Sa pansit, may diretso
at may kulot din na tulad ng isang
partaymer.
Kung ang load na naibigay
sa iyo ay diretso, ibig sabihin wa-
lang break o butas sa iskedyul mo,
ibig sabihin tuloy-tuloy ang pagtutu-
ro na, palikuran lang ang pahinga.
Kapag kulot naman ibig sabihin
patlang-patlang ang load, makuku-
lot ang pilik-mata mo sa
kahihintay ng susunod na sabjek.
KUWENTONG-BUHAY
May pansit din na lutong-luto
at may ilang hilaw; minsan
kung sa timpla at ang iba na at
ang iba naman ay malasang-
malasa. Sa puntong ito, lutong
-luto ang pagtuturo mo kapag
pang-apat mo ng sabjek ang
itinuturo mo; kahit nakapikit
ka kaya mong ituro, kaya kung
minsan, napapanaginipan mo
na rin sa sobrang pagod. Kung
bago naman ang sabjek na
ituturo mo, kulang pa ito sa
timpla; mangangapa ka, kaya
kung minsan pati pagtuturo
mo hilaw rin.
Maihahalintulad din
ang buhay partaymer sa mga
holiday. Kung minsan ay puno
ng kalbaryo dahil sa hirap at
pagod. Kung minsa‟y gusto mo
nang gumulong at tumakbo dahil
baka mahuli ka sa susunod mong
klase sa ibang pamantasan kaya
para itong Mahal na Araw. Pero
may kaligayahan din ang pagiging
partaymer; parang Araw ng mga
Puso. Minsan kailangan mong
mainlove sa mga estudyante nang
sapilitan; maliban sa pagmama-
hal mo sa pagtuturo, dahil kung
wala kang pagmamahal mala-
mang hihimatayin ka dahil sa mga
estudyanteng pasaway pero sala-
mat na lang at may natitira pang
mabubuting estudyante. Nais ng
partaymer na madagdagan ang
kita niya, kaya siya rumaraket,
kaya kung hanap mo‟y pera dahil
salat ka nito, hintayin mo ang Pas-
ko. Maliban sa bonus na nata-
tanggap mo, makakahawak ka pa
ng mga bagong pera. Minsan
hanggang hawak lang dahil da-
daan lang ito sa iyong mga ka-
may. At kung gusto mo naming
maranasan ang panahon ng Un-
das, tumingin ka na lang sa sala-
min. Masayang-mahirap ang
buhay partaymer. Parang online
game kasi may hangganan. Ma-
saya habang nananalo ka, ibig
sabihin may load ka pa sa bawat
semester. Pero kung minsa, may
hangganan din ito: parang game
over na. Hindi lagging panalo lalo
na kapag dumating ang kaunting
Sundan sa pahina 13
Sundan sa pahina 14
Gurong Partaymer..mula sa pahina 12
13 ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 5, Bilang 1* ISSN 2094-9332
load dahil kakaunti ang nag-enroll
kaya kung minsan kailangang mag-
tanggal ng titser. At siyempre,
partaymer ang puntirya lasi nga hin-
di siya priority at ito ang pinaka-
masakit na bahagi ng kanyang
buhay.
Parang sugal ang pagiging
partaymer. Minsan panalo, minsan
talo. Minsan, tiba-tiba, minsan bawi
lang. Ang pinakamasakoit kapag
wala kang makuhang load dahil full-
time ang dapat magturo ng na-
titirang load. Ang mangyayari, pah-
inga ka muna at maghintay ng ta-
wag sa susunod na term.
Para rin itong cellphone na
nalolobat ka rin; hindi laging fully
charged. Minsan, kaunti ring load;
minsan, unli-, unlimited ang load
pero minsan unli-it ng sahod. Kung
minsan sa dami ng raket, unli-bag
ng katawan mo dahil sa mga
naipong pawis sa pagod. Dapat
ding unli-kot ng iyong imahinasyon
para sa mga ituturo mong iba-ibang
sabjek at sa iba‟t ibang aktibidad
na dapat mong ipagawa sa iba‟t
ibang klaseng estudyante.
Sa kabuuan, masayang ma-
hirap ang buhay-pakikibaka ng
isang partaymer dulot ng
pakikisama sa bagong sistema, ka-
paligiran, guro, at mag-aaral. Bukod
sa pagnanais na magkaroon ng
katugunan ang pangangailangan
dulot ng ganitong uri ng pagtatra-
baho, hangad ng isang partaymer
na masulit ang kanyang halaga sa
kabila ng limitasyong kaakibat ng
kanyang trabaho.
~~~
SIPAT-ISYU
Praymer Hinggil sa K to 12
(halaw sa artikulong ”The K to 12 Basic Education Program” mula sa Official Gazette ng Republika ng
Pilipinas, sa ”Tanong at Sagot Hinggil Sa K to 12 Program Ng Gobyerno ng Pilipinas” na inilabas ng Institute of
Nationalist Education and Republican Democracy/INERD at sa Kritik at Panawagan sa K to 12 ng Alliance of
Concerned Teachers/ACT)
TANONG: ANO ANG K TO 12 PROGRAM?
SAGOT: Ang K to 12 Program ng gobyerno ng Pilipinas ay tumutukoy sa
pagkakaroon ng mandatory o required na kindergarten at karagdagang 2
taon sa dating 10-year Basic Education Cycle. Noon, pagkatapos ng anim
na taon sa elementarya at apat na taon sa hayskul (kabuuang 10 taon) ay
maaari nang makapagkolehiyo ang mga estudyante. Sa ilalim ng K to 12,
bago makapagkolehiyo, kailangan pa nilang dumaan sa karagdagang 2
taon ng edukasyon pagkatapos ng apat na taong hayskul. Sa bagong siste-
ma, tinatawag na senior high school o junior college ang karagdagang 2
taon sa lumang 10-year Basic Education Cycle. Ang apat na taon ng
hayskul sa lumang sistema ay tinatawag na ngayong junior high school. Sa
kabuuan, Grades 1-12 ang opisyal na tawag sa 12 taon ng Basic Education
sa ilalim ng K to 12.
TANONG: AYON SA GOBYERNO, BAKIT DAW KAILANGANG MAG-
DAGDAG NG 2 TAON SA BASIC EDUCATION?
SAGOT: Mababa raw ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas at sa pama-
magitan daw ng K to 12 ay mapatataas ang kalidad ng edukasyon sa
bansa. Sa buong Southeast Asia raw, ang Pilipinas na lang ang may 10-
year Basic Education Cycle (ang ibang bansa ay may 11-12 taon sa Basic
Education Cycle). Sa buong mundo, ang Pilipinas daw ang isa sa 3 bansa
na may 10-year Basic Education Cycle. Sa lumang sistema raw, pagkagra-
duate ng hayskul ay di pa rin handa para magtrabaho ang mga estudyante
(masyado pang bata para makapagnegosyo at iba pa). Hindi rin daw han-
dang magkolehiyo ang maraming graduate ng hayskul sa lumang sistema.
14 ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 5, Bilang 1* ISSN 2094-9332
Dahil daw sa lumang 10-year
Basic Education Cycle ay hindi kinikila-
la o nirerecognize ng ibang bansa ang
mga propesyunal na grumaduate sa
Pilipinas. Sa Amerika, kailangan daw
ang 12 taon ng Basic Education para
sa mga engineer. Sa Europa naman,
kailangan daw ng 12 taon ng Basic
Education para sa mga gustong mag-
aral sa mga unibersidad doon at para
sa mga gustong magtrabaho bilang
propesyunal doon.
TANONG: KAILAN MAGSISIMULA
ANG K TO 12 PROGRAM?
SAGOT: Nagsimula noong School
Year 2011-2012 ang pagkakaroon ng
kindergarten sa mga pampublikong
paaralan. Ngayong School Year 2012-
2013 ay sisimulan na ang implementa-
syon ng K to 12 curriculum sa Grade 1
(elementarya) at Grade 7 (unang taon
sa junior high school). Unti-unting
ipapatupad ang K to 12 curriculum
hanggang sa tuluyan makagraduate
ang unang batch ng senior high school
sa School Year 2017-2018. Batay sa
plano ng gobyerno, sa School Year
2018-2019 pa lang makapagsisimulang
kumuha ng bachelor’s degree sa kole-
hiyo/unibersidad ang unang batch ng
senior high school na dumaan sa
Kto12.
TANONG: ANU-ANONG SULIRANIN
ANG KINAKAHARAP NG GO-
BYERNO HINGGIL SA IMPLEMEN-
TASYON NG K TO 12?
~~~ Praymer sa K to 12…mula p.13 ~~~
SAGOT: Maraming naging prob-
lema nang agad na ipinatupad ang
mandatory kindergarten: kulang ng
silid-aralan, kulang ng guro at
mababa lang din ang sweldo ng
mga guro sa kindergarten. Nga-
yong School Year 2012-2013, ayon
sa ACT Teachers Partylist, kulang
ng 132,483 guro, 97,685 silid-
aralan at 153,709 pasilidad sa
tubig at sanitasyon ang mga pam-
publikong paaralang elementarya
at hayskul sa Pilipinas. Mismong
ang Department of Education ay
umaamin na may kulang pa ring
guro at pasilidad ang mga pam-
publikong paaralan dahil sa kaku-
langan ng pondo.
Samantala, may problema
rin ang K to 12 curriculum na
ipapatupad ngayong School Year
2012-2013. Una, minadali ang pag-
gawa sa curriculum na ito
(ngayong summer lang ng 2012 ito
ginawa). Mas malala ang problema
sa hayskul dahil noong 2010 ay
may inilabas nang curriculum ang
DepEd. Kumbaga, mainit-init pa
ang 2010 curriculum ay may bago
na naman ngayon kaya laganap
ang pagkalito ng mga guro at mag-
ing ng mga administrador. Sa
katunayan, di pa tapos ang imple-
mentasyon ng 2010 curriculum sa
hayskul (ang curriculum na ito’y
tinatawag na 2010 Secondary Edu-
cation Curriculum o 2010 SEC).
Pinupuna rin ng ibang guro ang pag-
adopt ng ilang bahagi ng K to 12 cur-
riculum sa mga tema ng isang insti-
tusyong pang-edukasyon sa Amerika
gaya ng nangyari sa draft ng curricu-
lum para sa Araling Panlipunan gaya
ng ipinapakita sa larawang mula sa
Facebook account ni Robert Medrano
ng ACT Teachers Partylist.
As of May 28, 2012, tuma-
tanggap pa rin ng suhestyon atbp. ang
Bureau of Secondary Education ng
DepEd hinggil sa curriculum ng 3rd
Year sa hayskul sa ilalim ng 2010 SEC
na ayon sa website nila ay “DRAFT” pa
lang. Tumatanggap pa rin sila ng su-
hestyon hinggil sa K to 12 curriculum
para sa Grade 7-12 (samakatwid,
“draft” lang din ang K to 12 curriculum).
Sa kabuuan, ang prosesong sinunod
sa pagbubuo ng Kto12 curriculum ay
top-down: mga eksperto ang namama-
hala sa pagbuo ng curriculum at halos
walang malaking papel ang mga sim-
pleng gurong aktwal na nasa field.
Problematiko rin ang kasabay
na pagpapatupad ng Kto12 at ng Moth-
er Tongue-Based Multilingual Educa-
tion (MTB-MLE) ng DepEd: hati ang
oras at resources ng ahensya para sa
training ng mga guro.
TANONG: MAGKANO ANG MAGA-
GASTOS SA IMPLEMENTASYON NG
KTO12 AT SAAN KUKUHA NG PERA
ANG GOBYERNO PARA RITO?
Sundan sa pahina 15
Sundan sa pahina 16
15 ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 5, Bilang 1* ISSN 2094-9332
SAGOT: Tinatayang 150 bilyong piso
ang magagastos para sa karagdagang
guro, libro at klasrum pa lamang. Hang-
gang ngayon, di pa rin nililinaw ng go-
byerno kung saan kukunin ang ganitong
kalaking pera. Suportado (at talagang
matagal nang itinutulak) ng World Bank
ang K to 12 Program kaya may posi-
bilidad na sa karagdagang utang mang-
galing ang pera para sa Kto12.
Kamakailan, lumabas din ang balita na
inirerekomenda ng World Bank sa go-
byerno ng Pilipinas na magtaas at mag-
dagdag ng bagong buwis. Kung hindi
utang, karagdagang buwis ang posibleng
pagmumulan ng pondo para sa Kto12
dahil wala namang ibang source ang
Pilipinas.
TANONG: MAY PLANO NA BA ANG
GOBYERNO PARA SA MGA KOLE-
HIYO/UNIBERSIDAD NA POSIBLENG
MAWALAN NG ESTUDYANTE MULA
SCHOOL YEAR 2016-2017 HANG-
GANG 2017-2018 DAHIL SA KTO12?
SAGOT: Wala pang malinaw na plano
ang gobyerno hinggil dito. Gayunman,
ayon sa mga forum/talakayan, posibleng
gamitin ang pasilidad ng mga kolehiyo/
unibersidad na ito para sa implemen-
tasyon ng senior high school. Ang mga
guro ng mga institusyong ito ay pwede
ring pagturuin sa senior high school.
TANONG: MAAARI BANG MAGTURO
SA JUNIOR AT/O SENIOR HIGH
SCHOOL ANG MGA PROPESOR/
INSTRUKTOR NA WALANG LET O
HINDI KUMUHA/HINDI PASADO NG
LICENSURE EXAMINATION FOR
TEACHERS?
SAGOT: Wala pang malinaw na sagot
ang gobyerno hinggil dito. May mga
nagsasabing papayagan silang mag-
turo basta may sapat nang bilang ng
taon ng pagtuturo noon sa kolehiyo/
unibersidad.
TANONG: ANO ANG EPEKTO NG K
TO 12 SA KOLEHIYO/
UNIBERSIDAD, PARTIKULAR SA
MGA KURSO/COURSES?
SAGOT: Hanggang ngayon, wala
pang malinaw na detalye hinggil dito.
May nagsasabing iikli ang bilang ng
taon ng kolehiyo/unibersidad dahil ang
ibang General Education subjects
(gaya ng Filipino, English at History)
ay isasama/ililipat na sa senior high
school. May nagsasabing ganoon pa
rin ang bilang ng taon ng kolehiyo/
unibersidad pero mababawasan ng
ilang General Education subjects ang
kukunin ng mga estudyante roon.
TANONG: ANO ANG EPEKTO NG K
TO 12 SA GENERAL EDUCATION
SUBJECTS GAYA NG FILIPINO AT
KASAYSAYAN/HISTORY SA KOLE-
HIYO/UNIBERSIDAD?
SAGOT: Ayon sa mga umiiral na draft
ng Revised General Education Curric-
ulum (RGEC) para sa kolehiyo, maba-
bawasan (kundi man tuluyan nang
mawawala) ang mga General Educa-
tion subjects gaya ng Filipino at Ka-
saysayan/History sa kolehiyo/
unibersidad dahil ililipat diumano
ang mga ito sa senior high school/
junior college. Katunayan, tila wa-
lang asignaturang Filipino ang
maiiwan sa RGEC sa ilalim ng K
to 12. Kapansin-pansin na English
ang wika ng draft RGEC at Eng-
lish din ang mismong mga asigna-
tura/subject.
TANONG: SA PANGKALA-
HATAN, BAKIT NANININDIGAN
ANG DEPED, CHED AT ANG
ADMINISTRASYONG AQUINO
NA DAPAT IPATUPAD NA ANG
K TO 12?
SAGOT: Naninindigan ang De-
pEd, CHED at ang administra-
syong Aquino na dapat nang
ipatupad ang K to 12 upang
madaling magkaroon ng trabaho
ang mga kabataang Pilipino kahit
di na sila magkolehiyo. Sa ilalim
ng plano ng gobyerno, may five
tracks o pokus na maaaring piliin
ang mga mag-aaral sa senior high
school/junior college: Business
and Entrepreneurship; Humanities
and Social Sciences; Science,
Technology, and Engineering;
Sports; at Technical-Vocational.
Ayon sa mga sumusuporta sa K to
12 (kabilang ang mga pangkat ng
mga malalaking negosyante sa
bansa), ang mga track na ito sa
senior high school/junior college
~~~ Praymer sa K to 12…mula p.14 ~~~
16 ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 5, Bilang 1* ISSN 2094-9332
ay magbibigay ng sapat na kasa-
nayan o skills sa mga kabataang
Pilipino upang makapagtrabaho na
sila pagkagraduate ng high school.
Samakatwid, hindi na kakailanganin
ng mayorya ng mga estudyanteng
Pilipino na magkolehiyo o pumasok
sa unibersidad, kapag nakagraduate
na sila ng senior high school/junior
college sa ilalim ng K to 12.
TANONG: SA PANGKALAHATAN,
BAKIT NANININDIGAN ANG
ILANG MGA GURO AT MAMAMA-
YAN NA DAPAT MUNANG IHINTO
ANG IMPLEMENTASYON NG K TO
12?
SAGOT: Batay sa mga nabanggit na
problema at kawalan ng malinaw at
komprehensibong plano ng go-
byerno hinggil sa implementasyon
ng K to 12, naninindigan ang ilang
guro at mga mamamayan na dapat
pansamantala munang itigil ang im-
plementasyon nito para hindi ma-
sayang ang pera at pagod ng DepEd
at ng mga guro at iba pang mga ma-
mamayang kasangkot sa implemen-
tasyon nito. Iminumungkahi ng mga
iba’t ibang pangkat ng guro na dapat
unahin ng gobyerno ang mga kaku-
langan sa 10-year Basic Education
Cycle bago magdagdag ng taon da-
hil kung basta na lamang magdarag-
dag ng taon nang hindi pa naaayos
ang 10-year Basic Education Cycle
ay baka lalo lamang maging kump-
likado ang mga problema sa kasalu-
kuyang sistemang pang-edukasyon, at
baka nga lalo pang bumaba ang kali-
dad ng edukasyon sa bansa.
Kung tutuusin, wala ring sapat
na pera ang gobyerno para sa K to 12
sa panahong ito. Kapansin-pansin na
hindi nga mailaan ng gobyerno sa
edukasyon ang 6% man lamang ng
Gross Domestic Product ng bansa
para makasunod sa standard ng Uni-
ted Nations. Katunayan, mula noong
administrasyong Macapagal-Arroyo
hanggang sa panahon ng ikalawang
administrasyong Aquino, pagbabayad
ng utang at hindi edukasyon ang pra-
yoridad ng gobyerno sa National Bud-
get (bagay na maliwanag na lumala-
bag sa probisyon hinggil sa badyet
para sa edukasyon na nasa Artikulo
XIV Konstitusyon).
Gayundin, dapat bigyang-diin na
ang ibang dahilan sa pagpapatupad
ng Kto12 (halimbawa’y ang pagpapat-
tern ng ating education system para
sa pangangailangan ng Amerika at
Europa) ay nangangailangan pa ng
mas malalimang pagsusuri at panana-
liksik. Bakit dapat magproduce ng
mga propesyunal ang Pilipinas para
sa pangangailangan ng Amerika at
Europa lamang? Hindi ba dapat na
ang mga propesyunal na graduate sa
Pilipinas ay suitable ang skills sa
bansa nila mismo para makatulong
sila sa pag-unlad nito? Para saan nga
ba o para kanino ang edukasyon?
Iyon ang unang dapat sagutin at
isaisip sa tuwing may pagbabago sa
kurikulum na planong isagawa.
Nangangamba rin ang ilang
propesor sa kolehiyo/unibersidad na
ang K to 12 ay magdulot ng unti-
unting “pagpatay” sa General Educa-
tion o Liberal Arts Education na gaya
ng nangyari sa mga community col-
lege sa Estados Unidos mula dekada
90. Ayon sa kanila, ang pag-aalis/
pagbabawas/pagbubura ng mga Gen-
eral Education/Liberal Arts subjects sa
kolehiyo/unibersidad ay tila nag-aalis/
nagbabawas/nagbubura na rin sa
kahalagahan ng mga ito. Anila,
kailangan ang holistikong paghubog
sa mga mag-aaral lagpas pa sa mga
kasanayan o skills ng edukasyong
teknikal sa ilalim ng K to 12.
Kung ililipat lamang ang mga Gen-
eral Education/Liberal Arts subjects sa
senior high school/junior college, na-
pakalaki ng posibilidad na hilaw pa rin
ang holistikong paghubog sa mga
mag-aaral dahil labels o pangalan
lang ng antas ng edukasyon ang
nabago ngunit ang bilang ng yunit ng
mga asignatura ay halos ganoon din o
kaya’y kakaunti lamang ang nadag-
dag. May posibilidad din na psycho-
logically ay balewalain o di gaanong
seryosohin ng mga mag-aaral ang
General Education/Liberal Arts sub-
~~~ Praymer sa K to 12…mula p.15 ~~~
Sundan sa pahina 17
17 ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 5, Bilang 1* ISSN 2094-9332
jects gaya ng Filipino at Kasaysayan
kung ilalagay ito sa antas na “mas
mababa” pa sa kolehiyo/unibersidad -
alalaon baga’y sa senior high school/
junior college sa ilalim ng K to 12.
Upang higit na maunawaan ang
mga pangambang ito, makabuluhang
sipiin ang ilang bahagi ng artikulong
“Who Killed the Liberal Arts? And why
we should care” ni Joseph Epstein:
“The death of liberal arts education
would constitute a serious subtraction.
Without it, we shall no longer have a
segment of the population that has a
proper standard with which to judge
true intellectual achievement. Without
it, no one can have a genuine notion of
what constitutes an educated man or
woman, or why one work of art is su-
perior to another, or what in life is seri-
ous and what is trivial. The loss of lib-
eral arts education can only result in
replacing authoritative judgment with
rivaling expert opinions, the vaunting of
the second- and third-rate in politics
and art, the supremacy of the faddish
and the fashionable in all of life. With-
out that glimpse of the best that liberal
arts education conveys, a nation might
wake up living in the worst, and never
notice.”
Maganda ring pagnilayan ang wini-
ka ni Mr. Glenn Holland, isang guro sa
pelikulang “Mr. Holland’s Opus” (1995)
na tumatalakay rin sa unti-unting
pagkamatay ng General Education/
Liberal Arts subjects sa Estados
Unidos: “Well, I guess you can cut the
arts as much as you want, Gene
(school principal). Sooner or later, the-
se kids aren’t going to have anything to
read or write about...You people create
a new generation of children who will
not have the ability to think or create or
listen...”
Bunsod ng pagbibigay-tuon ng K
to 12 sa teknikal at komersyal na
aspekto ng edukasyon, makabuluhang
banggitin naman ang puna ni Mr. Chip-
ping, guro sa pelikulang “Goodbye Mr.
Chips” (1939) sa edukasyong robotiko
at komersyal: “I know the world’s
changing. I see old traditions dying one
by one. Grace, dignity, feeling for the
past. All that matters today is a fat
banking account. You’re trying to run
the school like a factory for turning out
moneymaking snobs.”
Sa pangkalahatan, ang isang
matibay at komprehensibong Gen-
eral Education/Liberal Arts Curricu-
lum (na taliwas sa layunin ng K to
12) ang makatutupad sa binabanggit
na adbokasiyang pang-edukasyon
nina Dr. Bienvenido Lumbera, Dr.
Ramon Guillermo at G. Arnold Ala-
mon sa pambungad ng aklat na
“Mula Tore Patungong Palengke”:
“Tungkulin ng lahat ng progresibong
guro at mag-aaral ang
pagpapalaganap ng Makabayan,
Siyentipiko at Makamasang
Edukasyon sa loob at labas ng mga
pormal na institusyong pang-
edukasyon. Sa ganitong paraan ay
malilinang at maipapalaganap ang
isang edukasyon na nagtataguyod
ng kapakanan ng bansa, nagpapaya-
man ng diwang mapagtanong at
mapanlikha...” ~~~
MGA SANGGUNIAN:
http://www.weeklystandard.com/articles/who-killed-liberal-arts_652007.html?nopager=1
http://www.gov.ph/k-12/
http://www.scribd.com/doc/95041238/Tanong-at-Sagot-Hinggil-Sa-Kto12-Program-Ng-Gobyerno-ng-Pilipinas
http://www.scribd.com/doc/100173820/Alliance-of-Concerned-Teachers-ACT-Critique-of-and-Call-to-Action-on-PNoy-s-K-to-12
http://cnsupdiliman.weebly.com/uploads/4/7/1/0/4710922/mula_tore_patunong_palengke_-_neoliberal_education_in_the_philippines.pdf
~~~ Praymer sa K to 12…mula p.16 ~~~
18
DALIT SA KABABAIHAN NI EUROPA / BUWAN NG WIKA 2012..mula sa pahina 1
ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 5, Bilang 1* ISSN 2094-9332
gang Agosto 15. Ang patimpalak sa
TexTula Tanaga ay binuksan sa mga
klase sa Filkomu. TexTula Diona ang
para sa Fildlar. Samantala, bukas sa
lahat ng estudyante ng DLSU ang Tex-
Tula Malaya. Nasa pahina __ ang ta-
laan ng mga nagwagi sa Textula at iba
pang patimpalak.
Isinagawa naman ang patimpa-
lak sa pagsulat ng sanaysay para sa
mga kumukuha ng WikaKul noong
Agosto 15 sa Ariston Estrada Seminar
Room mula 1:00-2:30 nh.
Pinangasiwaan nina Dr. Rita Aranda,
Dr. Fanny Garcia, Dr. Tess Fortunato,
at Prop. Calindro ang nasabing ak-
tibidad.
Ang finals ng Lasalitaan, isang
patimpalak sa pagsulat ng panana-
liksik at paglikha ng video hinggil sa
mga salitang tumatak sa kamalayang
Lasalyano, ay naging bahagi ng
pangwakas na programa noong Agosto
17 sa DLSU Amphitheater. Sina Dr.
Rowie Madula at Dr. Maria Lucille Rox-
as ang mga koordineytor ng nasabing
patimpalak.
Isina-
gawa naman
ang Kumus-
tahan
(sesyong ka-
pihan at ma-
layang tala-
kayan kasa-
ma ang mga
personaheng
naging ba-
hagi ng de-
partamento) noong Agosto 13
mula 2:00-4:00 nh sa Bro. Con-
non Conference Room.
Pinangunahan nina Dr. Ruby
Alunen at Dr. Garcia ang pag-
sasagawa ng aktibidad na ito.
Ang Saloy 2012 ay idi-
naos noong Agosto 15, mula
1:00-5:00nh sa Bulwagang Wal-
do Perfecto. Ang Saloy ay isang
kumperensyang pangwika na
taunang di-
nadaluhan
ng mga
kinatawan
ng iba‟t
ibang kole-
hiyo at uni-
bersidad
mula sa
buong Lu-
zon.
Pinangasiwaan nina Dr. Maria
Fe Gannaban at Dr. Nestor de
Guzman ang Saloy 2012 na
dinaluhan ng mga kinatawan
mulan sa De La Salle Univer-
sity-Canlubang, Angeles Uni-
versity Foundation, Uniber-
sidad ng Sto. Tomas, Techno-
logical University of the Philip-
pines-Taguig, at DLSU-Manila.
Pinangunahan nina Matthew
Salegumba at Rhianna Flores-
ca, mga bagong graduate ng
AB-Philippine Studies major in
Filipino in Mass Media ng de-
partamento, ang mga lek-
tyurer sa Saloy.
Ipinagkaloob naman
ang Gawad Lasallian 2012
kina Prop. Michael Charles-
ton Xiao Chua (kategoryang
faculty) at Dr. Jesusa Marco
(kategoryang administrador)
noong Agosto 22, mula 1:00-
Sundan sa pahina 4
Di-mahulugang karayom ang Teresa Yuchengco Auditorium dahil
sa konsyerto ng Mabuhay Singers na pinangasiwaan ng
departamento, sa pakikipag-ugnayan ni Dr. Lakangiting Garcia
Ilan sa mga lumahok sa Saloy 2012 kasama si Dr. Taylan
3:00nh sa Ariston Estrada Seminar Room. Ang Gawad Lasallian ay
taunang ipinagkakaloob sa mga Lasalyanong aktibong nagtataguyod ng
wikang pambansa. Pinangasiwaan nina Dr. Rhod Nuncio at Dr. Yum De-
meterio ang Gawad Lasallian sa taong ito. Isinabay rin sa programa ng
Gawad Lasallian ang paggagawad ng sertipiko sa mga nagwagi sa iba‟t
ibang patimpalak na isinagawa.
Noong Agosto 17 naman isinagawa sa DLSU Amphitheater ang
Pangwakas na Programa ng Buwan ng Wika 2012 mula 1:00-4:00nh.
Tampok dito ang finals ng Lasalitaan, at ang Tulaan at Awitang Bayan
2012, mula 1:00-4:00nh.
Naghandog ng sariling awiting “Speak in English Zone” at “Awit
kay Macario Sakay” si Prop. Joel Costa Malabanan sa nasabing pro-
gramang. Si Prop. Malabanan ay nagtapos ng MA sa Philippine Studies
sa departamento, at kasalukuyang nagtuturo sa Philippine Normal Uni-
versity.
Nagtanghal naman ng sabayang bigkas ang mga estudyante ng
Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST)
sa pamumuno ni Dr. Astorga.
Samantala, nangagsitula naman sa nasabing programa sina
Prop. Ramilito Correa (Pag-ibig” ni Jose Corazon de Jesus); Dr. Rhod
Nuncio (“Mga Talimhaga”); Prop. Voltaire Villanueva (“Ang „Yong Ngiti”
salin ng tula ni Pablo Neruda); Dr. Maria Roxas at Prop. David Michael
San Juan (“Panata sa Kalayaan” at “Kung Tuyo Na Ang Luha Mo Aking
Bayan” ni Amado V. Hernandez); at Carlo Adriano (“Leon Guinto”). Si G.
Adriano ay estudyante ni Dr. Ma. Crisanta Flores. ~~~
BUWAN NG WIKA 2012..mula sa pahina 18 MGA NAGWAGI SA Textula-
MALAYA
Unang Gantimpala
- John Gilbert Ong
Ikalawang Gantimpala
- Arisa Ricelle Lazaro
Ikatlong Gantimpala
- Genevieve Justine L. Rubio
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
MGA NAGWAGI SA
PATIMPALAK SA PAGSULAT
NG SANAYSAY
Unang Gantimpala
- Marvin Mercado ("Ang Wika at Kulturang Filipino Kasabay ng Paggalaw ng Globalisasyon at Multikulturalismo: Isang Pakina-bang Kay Juan dela Cruz”)
Ikalawang Gantimpala
- Beneliza Polican ("Wika at Kulturang Atin, Higit na Pagyamanin at Paunlarin")
Ikatlong Gantimpala
- Shauka Mae Buenaventura ("Pilipino sa Iba't Ibang Sulok ng Mundo”)
MGA NAGWAGI SA
LASALITAAN 2012
Unang Gantimpala -
Juvhan Rebangcos ("NGANGA”)
Ikalawang Gantimpala - Lucibelle
T. Ong at Filmer L. See
("CENTENNIAL HALL"); at Darel
Angelo M. Pichay (“MASINLOK”)
Ikatlong Gantimpala - Mariel
Evangelista, Alison Galian, Ysh
Ysmael, Krizia Vargas, Arvin
Maghirang, at Francis Bernardo
("CHOS”)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
MGA NAGWAGI SA Textula-
TANAGA
Unang Gantimpala
- Ritchelle Anne Quiros
Ikalawang Gantimpala
- Lanie Angelee A. Calingasan
Ikatlong Gantimpala
- Valerie Ann Lopez
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
MGA NAGWAGI SA Textula-
DIONA
Unang Gantimpala -
Marlene Alcantara
Ikalawang Gantimpala
- Arra San Agustin
Ikatlong Gantimpala
- Genevieve Justine Rubio
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
19 ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 5, Bilang 1* ISSN 2094-9332
Si Prop. Chua, isa sa mga tumanggap ng Gawad Lasallian 2012 at ang
mga guro sa departamento
20
DALIT SA KABABAIHAN NI EUROPA / BALITA SA LARAWAN
ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 5, Bilang 1* ISSN 2094-9332
Ilan sa mga lumahok sa Saloy 2012 kasama si Dr. De Guzman at Dr.
Mangahis
Si Prop. Correa sa Tulaang Bayan 2012
Ilan sa mga nagwagi sa Lasalitaan 2012
< Si Prop. Correa at Dr. Madula kasama
ang kinatawan ng Samahang Sining at
Kultura ng Pilipinas (SSKP)
21 ALINAYA (Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Maynila) *Tomo 5, Bilang 1* ISSN 2094-9332
Talakayan ng Komite sa Community Engagement
Group picture pagkatapos ng Summer Workshop 2012
Mga produkto ng departamento sa Thanks and Farewell
< Kuha sa CLA Frosh Convocation 2012