Pangalagaan ang Iyong Diyabetis: IsangSaklaw
PPPPPaaaaannnnngggggaaaaalllllaaaaagggggaaaaaaaaaannnnnaaaaannnnng Ig Ig Ig Ig IyyyyyooooonnnnngggggDiDiDiDiDiyyyyyaaaaabbbbbeeeeetttttiiiiisssssIsang Libretin DagdagKaalaman Para sa mgaTaong May Diyabetis
Layunin at Pasasalamat
Ang payak at maikling saklaw na nilathala ng CDC nuong taong 1997,Pangalagaan ang Iyong Diyabetis, ay ginawa para sa mamamayan ng Islasa Pacific Basin at maari itong gamitin kaugnay sa lathala nuong 1997.Ang lathalang ito ay hindi magagawa kung hindi sa tulong ng Programa saPagpigil ng Diyabetis sa ilalim ng Kagawaran ng Bayan ng Haway saPangkalusugan, at ang Purok sa Pagkain at Gawaing Pangkatawan sailalim ng Sangay sa Serbisyo ng Pansawata sa Kalusugan, at angKapisanan sa Haway ng mga Nagtuturo tungkol sa Diyabetis. Mgadagdag na tulong teknikal ay binigay ng mga Programa sa Pagpigil ngDiyabetis ng Amerikan Samoa, Guam, ang mga Bayang Pederal ngMicronesia, mga Isla sa Marshall, mga Isla sa Hilaga ng Marianas, at angPalau. Ang mga kawani sa Sentro sa Pagpigil at Pagsawata ng mgaSakit, Sangay sa Pagsalin Ukol sa Diyabetis ang nagbigay ng pansin saproyektong ito.
Ang larawan sa pabalat: Sa kagandahan-loob ng Kagawaran ng Bayan saHaway sa Pangkalusugan - ang Purok sa Pagkain at GawaingPangkatawan.
Ang paglalathalang ito ay walang kopirayt.Kahit na sino ay maaring kopyahin ang alinman o lahat ng nilalaman nito.
Pangalagaan ang Iyong Diyabetis: IsangSaklaw
1. PasimulaSinasaling ng diyabetis ang buong parte ng iyong buhay. Ito ayisang malubha at panghabambuhay na kalagayan ngunit maramikang magagawa upang mapangalagaan mo ang iyong kalusugan.Maaalagaan mo ang iyong kalusugan hindi lang ngayon kungdi sahinaharap rin.
Ang salitang �paninimbang�ang kasagutan sa pamumuhayng maayos kahit na maydiyabetis. Sikapin mongmanimbang sa lahat ngparte ng iyong buhay.Kailangan mong timbanginang iyong pagkain, mgagawaing pangkatawan, atang paggagamot. Maarimong mapamahalaan angiyong diyabetis, katulongang iyong pamilya at mgakaibigan, ang pangkat sapangangalaga sa iyong kalusugan, at ang iyong mga kanayon.
Ano ang Diyabetis?Karamihan ng kinakain natin ay nagiging glukosa (asukal) saating katawan upang pasiglahin ang ating katawan. Ang lapay,isang bahagi ng katawan na malapit sa sikmura, ay gumagawa ngisang hormon na kung tawagin ay insulin, na siyang tumutulongsa glukosa upang makarating sa selula ng ating katawan. Kungikaw ay may diyabetis, ang iyong katawan ay hindi gumagawa ngtamang insulin o hindi niya magamit ang kanyang insulin ngmaayos. Ang suliraning ito ang siyang dahilan kung bakitdumadami ang glukosa sa iyong dugo.
1
Gumawa kasama ang pangkat sapangangalaga sa iyong kalusugan
sa pamamahala ng iyong diyabetis.
Mga Palatandaan at Sintomas ng Diyabetis
Nakalista sa ibaba ang ilang mga palatandaan at sintomas ngdiyabetis. Maaring mayroon ka nang mga palatandaan bago monalaman na may diyabetis ka.
� Higit na pagkauhaw
� Madalas na pag-ihi
� Malabong paningin
� Nakakaramdam ng pagkapagod
� Pagbawas ng timbang
� Tuyot na balat
� Mga sugat na hindi gumagaling
� Madalas na may impeksiyon
� Pamamanhid o pangingilig sa paa
� Pagsusuka
Mga Uri ng Diyabetis
Ang dalawang mahalagang uri ng diyabetis:
� Uri 1
� Uri 2
Ang taong may Uri 1 na diyabetis ay karaniwang natutukala-sang may diyabetis nang sila ay bata pa. Ang lapay ng mgataong may Uri 1 na diyabetis ay hindi gumagawa ng insulin okaunti lamang, at ang insulin ay kailangan iturok araw-arawupang mabuhay.
2
Pangalagaan ang Iyong Diyabetis: IsangSaklaw
Karamihan ng mga taong may diyabetis ay Uri 2 ang diyabetis.Ang lapay ng mga taong may diyabetis Uri 2 ay laginggumagawa ng insulin ngunit hindi magamit ng katawan ito.Natutuklasan nilang may diyabetis sila pagnagka-edad na ng 30o 40 taong gulang. Ngunit mas maraming mga bata ngayon angmay Uri 2 na diyabetis.
Ang ilang panganib na maaring dahilan upang mauwi sa Uri 2na diyabetis ay:
� Ang kasaysayan ng diyabetis sa pamilya
� Kakulangan sa gawaing pangkatawan
� Labis sa timbang
� Diyetang nakakasama sa katawan (ehemplo: mgapagkaing mataas sa taba o sobrang kain)
� Dahil Asyano, Tagapulo sa Pasipiko, Hawayanong Tubo,Amerikanong Indiyan, Espanyol, Latino, o nanggaling saAprikanong Amerikano
3
2. Pagsupil sa DiyabetisA. DiyetaAng iyong layunin sa pagkaing pampalusog ay:
� Ipanatili ang malusog na asukal sa dugo
� Ipanatili ang malusog na timbang sa katawan
� Kumain ng tamang dami ng malusog na pagkain
Patnubay sa Malusog na Pagkain:
1) Kumain Tatlong Beses Isang ArawKumain ng kahit man lang tatlong beses sa isang araw kasamaang mga pampalusog na meryenda, o magkaroon ng 5-6 namaliliit na pagkain sa buong araw upang ipanatili ang asukal sadugo sa malusog na kapatagan.
2) Bigyan-pansin ang mga Pagbahagi ng PagkainMaglagay ng limitasyon sa pagbahagi ng pagkain; magiging masmaayos ang pagsupil ng asukal sa iyong dugo.
3) Piliin ang Pagkain Mula sa Tatlo o Higit pa saGrupo ng mga Pagkain sa Tuwing Kakain
Sa pamamagitan ng pagkain ng nakalista sa tatlo o higit pa sa
Sa kagandahan-loob ng Kagawaran ng Bayan sa Haway sa Pangkalusugan - ang Puroksa Pagkain at Gawaing Pangkatawan.
4
Pangalagaan ang Iyong Diyabetis: IsangSaklaw
grupo ng pagkain, maari mongmaipanatili ang kapatagan ngiyong asukal sa dugo. Mgaehemplo ay tulad ng: arina(isang maputi at walang-lasangsustansiya ng pagkain), gulayat protena.
4) Piliin ang mga Pagkain na Mababa sa Taba
Bawasan ang pagkaing pinirito atang paggamit ng mantika.Limitahan ang mantikilya,margarin, langis ng niyog,mantika, mayonesa, mga de-latangkarne, mga pagkaing nakapakete,at ang iba pang mga pagkain namataas sa taba.
5) Piliin ang mga Pagkaing Mahimaymay
Pumili ng mga pagkaing gaya ng kanin na kulay kayumanggi,mga tinapay na yari sa trigo, mga lentehas, at mga sariwanggulay at prutas.
6) Limitasyon sa Matatamis at AlkoholAng mga ganitong klaseng pagkain aynakakaapekto sa kapatagan ng iyongasukal sa dugo at dapat may limitasyon.
Makipag-usap sa tagabigay ngpangangalaga sa iyong kalusugan kung gaanokadami ang pagkaing ihahanda, mga tataksa pagkain, at ang pagkain-kain sa labas.
5
Sa kagandahan-loob ng Kagawaran ngBayan sa Haway sa Pangkalusugan -ang Purok sa Pagkain at GawaingPangkatawan.
Sa Kagandahang-loob ng Programang Pagsupil sa Diyabetis ng mgaBayan Pederal ng Micronesia
B. Gawaing Pangkatawan
Ang gawaing pangkatawan ay isang mahalagang instrumentoupang pamahalaan ang iyong diyabetis sa pamamagitan ngpagtulong sa iyo upang masupil ang asukal sa iyong dugo atpagbigat ng iyong timbang. Ang gawaing pangkatawan aynakakatulong rin upang hadlangan ang mga suliranin tungkol sakalusugan ng puso.
Ang gawaing pangkatawan ay:
� Nagpapalakas sa puso, baga, at mga buto
� Binubuhay ang kalamnan, lakas at tatag
� Sinusupil ang timbang at taba sa katawan
� Pinabababa ang presyon ng dugo
� Pinabubuti ang kakayahan ng katawan upang maiwasanang sipon
� Dinadagdagan ang sigla
� Maaring bawasan angdosis ng insulin sa mgaaraw ng pag-ehersisyo
� Pinagbubuti ang seks
� Pinabubuti ang pagtulog
� Pinagagaan ang diin
� Pinabubuti ang iyongpakiramdam
6
Ang paglalakad ay isang mabuting gawain sa iyo
Pangalagaan ang Iyong Diyabetis: IsangSaklaw
C. Ilang mga Bagay Tungkol sa Gamotng Diyabetis
Kung ikaw ay umiinom ng tabletas o iniiksiyonan ng insulinupang masupil ang iyong diyabetis, seguruhin lamang naipinaliwanag sa iyo ng tagabigay ng iyong alagangpangkalusugan kung paano ito nagagawa. Tanungin mo silakung hindi mo naintindihan ito.
D. Mga Tanging Pahiwatig:� Uminom ng maraming tubig. Pinapayo ang walong (8)
baso ng tubig sa isang araw.
� Gumamit ng kuwintas, etiketa, o pulseras namakikilalang ikaw ay may diyabetis.
� Gumawa ng gawaing pangkatawan kasama angisang kaibigan.
� Magsuot ng medyas at angkop na sapatos.
� Tingnan araw-araw ang mga paa kung ito ay may mgapaltos, namumula, may hiwa, o sariwang sugat.
� Kung hindi mahusay ang iyong pakiramdam, itigil angmga gawain, tingnan ang kapatagan ng iyong glukosa,at tawagan ang iyong doctor o pangunahing tagabigayng pangangalaga.
� Inumin ang gamot na inireseta sa iyo.
7
3. Pagsubaybay sa Kapatagan ngAsukal sa Iyong Dugo
Maari mong supilin ang kapatagan ng asukal sa iyong dugo sapamamagitan ng:
� Pagsuri araw-araw ng asukal sa iyong dugo.
� Magpasuri ng hemoglobin A1c sa tagabigay ng iyongalagang kalusugan tuwing tatlong buwan kung ikaw aytumatanggap ng insulin at tuwing 6 na buwan kung ikaway umiinom ng mga gamot sa diyabetis.
A. Mga Palatandaan na Mababa ang Asukal sa Dugo
Sakop sa palatandaan na mababa ang asukal sa dugo ang:
� Nakakaramdam ng nerbiyos, panginginig, o pamamawis
� Nakakaramdam ng pagkapagod
� Nalilito
� Nawawalan ng malay
� Nanginginig
Para walang-panganib, laging suriin ang kapatagan ng asukal saiyong dugo bago gawin ang mga bagay na ito:
� Magmaneho ng sasakyan
� Gumamit ng mabibigat na gamit
� Gumawa ng mga masiglang gawaing pangkatawan
� Maging maliksi at masigla ng matagal
8
Pangalagaan ang Iyong Diyabetis: IsangSaklaw
9
Kung ikaw ay may mgapalatandaan na ang
kapatagan ng asukal sa iyongdugo ay mababa ngunit hindi
mo kaagad masuri ito...
...uminom ng katas ng prutasna hindi nilagyan ng matamis
o asukal!
Uminom ng katas ng prutastuwing 15 minuto hanggang sa
ang kapatagan ng asukal saiyong dugo ay maging normal.
B. Palatandaan na Mataas ang Asukalsa Dugo
Ang mga palatandaan na mataas angasukal sa dugo ay:
� Panunuyo ng bibig
� Pagka-uhaw
� Laging umiihi
� Nakakaramdanng pagkapagod
� Malabong paningin
� Pagbawas ng timbang
� Sumasakit angsikmura, nasusuka.
Kung ikaw ay may mgapalatandaan na mataas angasukal sa dugo, suriin angiyong dugo o pumunta saiyong doktor o isang klinikangpambayan sa kalusugan.
10
Ang pag-ihi ng madalasay isang palatandaan
na mataas ang glukosasa dugo.
Baka kailanganin mo angtumawag sa iyong doktor araw-araw habang ikaw ay maysakit.
BABAE
Pangalagaan ang Iyong Diyabetis: IsangSaklaw
11
Kung ikaw ay naliligalig sa iyongpaningin, makipag-usap sa pangkatng iyong alagang pangkalusugan o
sa doktor sa mata.
4. Sakit sa Mata Dahil sa Diyabetis
Mga Palatandaan ng Sakit sa Mata Dahilsa Diyabetis
Ugaliin ang magpa-iksamin sa mata upang kung mayproblema dahil sa diyabetis, matutuklasan ito habang maagapa. Dapat mong sabihin sa pangkat ng iyong alagangpangkalusugan o sa doktor sa mata kung ikaw ay mayroonmga suliranin ukol sa mata.
5. Mga Problema sa Bato
12
Alagaan ang iyong bato sapamamagitan ng pagsupilng asukal sa iyong dugo at
presyon sa dugo.Magpasuri sa dugo taon-taon at magpasuri ng ihiupang masiyasat kung
nagtatrabaho ng mahusayang bato.
Sabihin sa tagabigay ng iyongalagang pangkalusugan kung may
palatandaan ng impeksiyon sabato o pantog.
MgaPalatandaanng Impeksiyonsa Bato:Pananakit nglikod, giniginaw,nilalagnat
Mga Palatandaanng Impeksiyon saPantog:Malabo o ihingmay dugo, nanakakaramdam ngmadaliang pag-ihi
Pangalagaan ang Iyong Diyabetis: IsangSaklaw
6. Mga Problema sa Puso at Daluyanng Dugo
Ang mga taong may diyabetis ay karaniwan nagkakaroon ngproblema sa kanilang puso at nerbiyos kung ang asukal sakanilang dugo ay hindi masupil.
Ang problema sa puso at daluyan ng dugo ay ang pangunahingsanhi ng pagkakasakit, kawalang-lakas at kamatayan sa mgataong may diyabetis. Ang mga problema sa puso at daluyan ngdugo ay sanhi rin ng hindi mainam na sirkulasyon ng dugo samga binti at paa.
Ikaw ay malamang nasa panganib na magkaroon ng problemasa puso at daluyan ng dugo, gaya ng atake sa puso, pagsisikipat paghina ng puso, o atake serebral, kung ikaw nananinigarilyo, mataas ang presyon ng dugo, o sobra angkolesterol o taba sa iyong dugo. Ang pangkat ng iyongalagang pangkalusugan ay makakatulong sa iyo upangmabawasan ang panganib sa mga problema sa puso at daluyanng dugo at sasabihin sa iyo kung gaano kadalas ang pagsuri ngiyong presyon sa dugo at kolesterol.
13
7. Pinsala sa Nerbiyos at Problema sa PaaPinsala sa nerbiyos,problema sa sirkulasyon,at mga impeksiyon nahindi gumagaling aymaaring maging daan ngmalubhang problema sapaa para sa mga taong maydiyabetis kasama na angposibilidad ngpagkakaputol nito.
Pangalagaan ang iyong paasa pamamagitan ng:
� Paghugas ng paaaraw-araw
� Pagsuri sa paa kungmayroon mga hiwa,biyak, o paltos
� Pagsupil sa kapataganng asukal sa dugo
� Hindi paninigarilyo opagnguya ng tabako
� Hindi dapat nagyayapak atlaging magsuot ngsapatos, bakya, medyas otsinelas
14
Tiyakin tuyo na ang mgadalire ng iyong paa bago
magsuot ng sapatos.
Ang tagabigay ng iyong alagangpangkalusugan ay dapat suriing
mabuti ang iyong mga paa atnerbiyos kahit na minsan sa
isang taon.
Pangalagaan ang Iyong Diyabetis: IsangSaklaw
8. Sakit sa NgipinAng mga taong may diyabetis aymaaaring magkaroon ngproblema sa kanilang ngipin atgilagid kung ang asukal sa dugoay hindi masusupil.
15
Ang malusog na ngipin atgilagid ay umaasa sa
palagiang pangangalagaat pagsupil sa asukal sa
iyong dugo.
Alagaan ang ngipin sapamamagitan ng
pagsesipilyo ng ngipin kahitna dalawang beses sa isangaraw at pagtanggal ng mga
sumingit sa ngipin sapamamagitan ng sinulid na
pantanggal araw-araw.
Magpatingin sa iyongdentista kahit na tuwing 6
na buwan.
Sinulidpara sangipin
9. PagbabakunaAng trangkaso at pulmonya ay mga malubhang sakit at maarikang ma-ospital dahil dito. Ang pagbabakuna taon-taon aymakakahadlang dito. Tanungin mo rin ang pangkat ng iyongalagang pangkalusugan o doktor tungkol sa bakuna laban sa sakitsa pulmon lalo na kung wala kang bakuna sa nakaraang 5 taon.
16
Pangalagaan ang Iyong Diyabetis: IsangSaklaw
Sangay sa Pagsalin ng DiyabetisPambansang Sentro para sa Talamak na Sakit
Paghadlang at Pagtaguyod sa KalusuganMga Sentro sa Pagsupil at Paghadlang ng Sakit (CDC)
Para sa Pagtatanong ng Madla at mga Lathalain:
Telepono: Tumelepono sa Hawaii State Diabetes Preventionand Control Program (HSDPCP)808-692-7462
Paksimile: 808-692-7461
E-mail: [email protected]
Koreo: HSDPCP601 Kamokila Blvd. #344Kapolei, Hawaii 96707
Ang libritong ito na nakasalin sa Ingles ay pinonduhan ng CDC atng National Diabetes Education Program.
Ang pagsasalin sa wika at paglalathala ng libritong ito ay itinaguyodng Cooperative Agreement ng HSDPCP, Numero: U32/CCU902712-15, na mula sa CDC.
Walang pagtatangi-tangi sa mga Paglilingkod: Nagbibigay kami ngmga paglilingkod nang walang pagtatangi sa lahi,kulay, katutubong pinagmulan (kasama na angwika), edad, kasarian, o kawalang-kakayahan.Makipag-alam sa HSDPCP sa teleponong808-692-7462, o sa aming pangkagawarangAffirmative Action Officer sa Box 3378, Honolulu,HI 96801-3345, o tumelepono sa 808-586-4616 saloob ng 180 na araw ng pagkakaroon ng problema.
17