Download - Short stories

Transcript

Short Stories

Bakit Mas Mahaba ang kay KuyaNi Ax Realm

Mahaba ang gabi. Ang dilim! Unti unting nasisilaw ang aking mga mata kahit nakapikit na ang mga ito. Umaga na pala. Kailangan ng bumangon ng isang bata. Ako si Kaito, isang limang taong gulang, at paborito ko ang araw ng Sabado!

Bumangon na si kuya at bumangon na rin ako! Sinundan ko si kuya papunta sa palikuran at kitang kita ko.. mas mahaba ang kay kuya! Nagtaka ako kung bakit mahaba ang kay kuya kumpara sa akin. Bakit mas mahaba ang tootbras niya? Pero masaya pa rin ako dahil sabay kaming nagtootbras ni kuya, paramihan kami ng bula at paputian ng ipin.

Kainan na! Ang aking baso ay mayroon ng gatas at ang aking pinggan ay mayroon ng tinapay! Kakainin ko na ang aking tinapay ng mapansin kong bakit mas mahaba yung tinapay ni kuya? Oo, sinukat ko! Ang daya naman. Ang dami dami kong gutom tapos mas mahaba yung kay kuya. Pero nagdasal pa rin ako dahil mayroon kaming pagkain ni kuya.

Tinawag ako ng mga kapitbahay ko! Maglalaro daw kami ng tagu-taguan. Saan kaya ako magtatago? Ah! Alam ko na. Magtatago ako sa likod ng bakod namin. Nakita ko si kuya, maglalaro sila ng basketbol. Gusto ko na tuloy maglaro ng basketbol para magkakampi kami ni kuya.

“Boom Kaito!”

Yay. Hindi ko namalayan naghahanapan na pala.

Pero tinawag ako ni Mommy. Sabi ni Mommy, “Kaito, kailangan mo na mag-aral kung paano magbasa.” Bakit ganun? Mas mahaba ang oras ng paglalaro ni Kuya.

Bakit ako kailangan pa mag-aral? Ayoko na nga magtagutaguan o mag-langit lupa. Ayoko na rin kumain ng tinapay. Ayoko na rin magtootbras. Bakit laging lamang si Kuya?

“Mommy, bakit mas mahaba ang tootbras ni kuya?”

“Kaito, kase mas matanda si Kuya kaysa sa iyo.”

“Daddy, bakit mas mahaba yung tinapay ni kuya?”

“Alam mo Kaito, mas malaki si Kuya kaya kailangan niya ng mas maraming pagkain!”

Ganoon ba ang sukatan? Kapag mas malaki at mas matanda, mas mahaba na ang kay kuya? Ganito ba talaga ang tunay na buhay.. Nakakalungkot naman ang ganito. Hindi ba pantay ang pagmamahal ni Daddy at ni Mommy sa akin at kay Kuya. Siguro nga mas mahaba ang kanilang pag-aalala kay Kuya kaysa sa akin.

Nakatitig ako sa bintana namin at dumating si Kuya.

“Bakit ka malungkot, Kaito?”

“Eh kase, mas mahaba ang tootbras mo. Mas mahaba ang tinapay mo. Mas mahaba ang oras mo ng paglalaro. Mas mahal ka nila Mommy at Daddy.”

Inakbayan ako ni kuya. Tumatawa.

“Kumuha ka ng diyaryo, ng walis tingting. Kukuha ako ng pisi at ng pandikit.”

At kinuha ko ang mga sinabi ni Kuya. Dalawang pisi ang kinuha niya. Yung isa mas mahaba. Yung isa mas maikli. Siguro sa akin yung mas maikli.

Ang galing galing ni Kuya pero hindi ko alam ang ginagawa niya. Para siyang inhinyero.

“Kaito, tapos na. Tera, pumunta tayo sa labas at paliparin natin itong mga ‘to. Eto ang sa iyo. Mas mahaba ang pisi na gagamitin mo. Eto ang sa akin, maikli lang.”

“Kuya, bakit?” ng may halong pagtataka. “Bakit mas mahaba ang pisi ko kaysa sa iyo?”

“Mas mahaba ang sa iyo para makarating ng langit. Haha.. Kaito, tera. Paliparin na natin itong saranggola natin.” pero napatigil siya, at winika niya ang..

“Kaito, kase ako ay Kuya mo. Mas malaki ako at mas matanda ako sa iyo. Kung mahaba ang pagmamahal mo sa akin, mas mahaba ang pagmamahal ko sa iyo.

Bilang Kuya, aalagaan kita at proprotektahan kita. Pag ikaw ay naging kuya na rin, gagawin mo rin ito ha.”

KWEN-TONG (ang kwentong may   Bugtong) Posted by non-sense etc...

 KWEN-TONG (ang kwentong may Bugtong)

 ni Bevs

 

Paunawa: Ang kwentong ito ay binubuo ng mga bugtong. Nangangailangan ng sintido-kumon at masusing pagsasaliksik upang masundan at makita ang kabuluhan.  Hinihiling ang  pang-unawa sa kakayahan ng may akda.

 

         Maliit pa si Nene marunong ng manahi..Ito ang palagi  niyang ginagawa sa ilalim ng manok kong pula, inutusan ko ng umaga, nang umuwi’y gabi na.  Hindi naman siya nagsasawa sapagkat ito ang kanyang tirahan. Dun siya kalimitang humahabi sa puno ng isang prinsesang nakaupo sa tasa.  Habang nagtatrabaho lagi niyang kasama ang kanyang kaibigang makikita kahit saan na gayang- gaya ang lahat ng kanyang ginagawa. Nagsisisilbi niya itong salamin na kanyang kinatutuwaan. Isang araw habang nagpapahinga nakita ng kanyang dalawang bolang sinulid, abot hanggang langit ang isang buto’t balat, lumilipad. Namangha siya sa ganda ng kulay at sa taas ng naabot nito. Naisip din niya kung paano nakararating ang isang tulad nito sa kalangitan. Saan kaya ito nanggaling at parehas kaya sila ng tinitirahan?

               Dahil sa mga katanungan ninais niya itong hanapan ng kasagutan. Bumaba siya sa kinalalagyan at nagsimulang maglakbay upang alamin ang mga bagay na di niya nalalaman. Sa kanyang paggagapang napadaan siya sa hindi hari hindi pari ngunit damit ay sari sari. Nakita niya ang isang bata at duon ay kumuha ng isang pinasukan, tatlo ang nilabasan. Sinundan niya kung saan pumunta ang bata suot ang kinuha at inaayos ang  suot ng dumaan si tarzan nasira ang daan. Pumasok ang bata sa loob ng tahanan at paglabas nito naupo sa may hagdan. Hawak na nito ang isang makulay na papel at hayan na si kaka, bubukabukaka habang kinukurtehan ang papel katabi nito ang kapiraso ng  matapang ako sa dalawa, takot ako sa isa, na kanyang biniyak at pumiraso ng upang gamitin dito at  pagkatapos ay ikinabit ang napakahabang tali. Nagpatuloy sa panunood ang maliit na nilalang na ito habang nakapwesto sa yumuko man ang reyna, di malalalag ang korona at matiim nitong pinagmamasdan ang batang kanina pa pawis na pawis sa pagbuo ng buto’t balat, lumilipad. Dahil tutok ang kanyang

konsentrasyon di niya namalayan ang pagdaan ng kaibigang larawan ng kabagalan, uliran ng kasipagan pasan  ang pagkaing iniimpok sa pagdating na tag-ulan. At dito nya naisip na di hadlang ang kaliitan sa pag-abot ng kayaman.

               Natapos ng bata ang binubuong laruan. Mabilis itong tumayo patungo sa my bakuran. Tag-araw noon at malakas ang ihip ng hayan na, hayan na di ko pa makita kung kaya’t  mabilis na pumataas ang nabuong laruan. Sumayaw-sayaw ito sa itaas hanggang sa maabot ang bulak na bibitin-bitin, di puwedeng balutin. Parang walang nararamdaman kundi kaligayahan at kalayaan. Animo’y agila na may malalakas na bagwis at di napapagod sa pagkampay. Namangha ang maliit na nilalang sa nasaksihan at kanyang naisambulat “Kaya ko rin kay lumipad at mangingibabaw sa karamihan?”.

               Nagpatuloy sa paglakad ang maliit na nilalalang hanggang makarating sa punong kabit-kabit na uling, tingna’t bibitin-bitin. Sa pinakatuktok nito naisipan niyang maghabi ng napakalaking tirahan. Mahirap sa kanyang pakiramdam subalit my pagpupursigi siyang ito ay makamtan. Nais niyang siya ay tingalain ng mga kasamahan kung kaya sa pinakamataas at lantad na lugar niya ito inilagay.  Natapos niya ang pinakamalaking  bahay  na inaasam subalit  walang makaabot sa kanyang kaibigan. Sa sobrang tayog ng kanyang kinalalagyan ultimo munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas ay hindi maabot ang kanyang tirahan.

                Isang gabing tahimik, nagtatago ang isang pinggan, laganap sa buong bayan. Masungit ang panahon  biglang pumatak ang malalakas na baston ni San Juan, hindi mahawakhawakan. Kasabay ang pagdagundong ng baka sa palupandan, ang unga ay nakakarating kahit saan. Ang malaking tirahan biglang natamaan at ang pobreng naghangad ng katayugan ngayo’y basang sisiw at walang masilungan.  Noon niya na naisip na kung nakatago sana sa mga malalapad na dahon ang ginawang bahay, sana ito ay matibay at di agad mapapawi  anumang unos ang dumaan. Kanya ring napagtanto na hindi parepareho ang ating kakayahan. Kung  buto’t balat, lumilipad ay kayang lumipad, ito naiibang katangian at kakayahan na nababagay sa kanyang kaanyuan. Ang pagmamataas ng hindi karapat-dapat ang siyang agad na kinababagsak. Hindi masamang maghangad at mangarap ng mataas kung abot ng iyong makakaya at limitasyon. Huwag ikumpara ang sarili sa iba at sa nagagawa nila sapagkat tayo’y nilikha ng Diyos na hindi pare-pareho at may ibat-ibang katangian na dapat linangin at pagyamanin. Kumapit sa matatag na pundasyon ng hindi madaling mabuwal.

               Sa aral na nakuha muling nagtayo ng tirahan ang maliit na nilalang dun sa sanga na na may malalapad na dahon nakubli subalit siguradong matatag, mapayapa at angkop sa kanyang laki. Nang gabing iyon mayapa siyang nahimlay sa sapot niyang tirahan habang iniilawan ng  liwanag sapagkat eto na si bayaw dala-dala’y ilaw.              

 

 

 

BUGTONGni carnivalesque

Pinaka-paunang salita

Maaaring ito na nga ang aking pormal na unang subok sa maikling kuwentong metapiksyon. Anumang kaganapan o detalyeng kapara ng akdang ito ay pawang nagkataon lamang. Matapos ang mahaba-habang sarilinang pagdedeliberasyon, gusto ko ring malaman (at subukan) kung paano ito tatanggapin ng Saranggola Blog awards.

“Bugtong” ang pamagat ng maikling-kuwento, bagaman gusto kong ibilang na kabahagi rin ng kuwento ang Pauna at Panghuling Salita.

Paunang salita

16 Hulyo 2019, Pambansang Aklatan. Kasalukuyan akong nananaliksik ng aking disertasyon na gagamitin sa aking tesis, “Ang Sosyolohikal na Pagpapahalaga ng mga Tribong Filipino, Katagalugan at Kabisayaan, sa Animismo ng Ibon at ang Kaugnayan nito sa Sikolohikal na Pag-iisp ng Katutubong Filipino,” nang matunghayan ko ang isang manipis na manuskritong nakaipit sa isang librong aking hiniram. May wawalong pahina ito, 6×11 pulgada ang dimensyon, at sulat-kamay lamang ang teksto. Walang pamagat ang manuskrito bagaman may porma at kabuuan ang nilalaman nito. Minarapat kong sipiin ang ilan sa mga bahagi nito upang magbigay-detalye sa kuwentong ito. Minarapat ko ring ilagay ang  iba pa sa aking sanggunian, maliban sa detalyeng aking nalikom gamit ang panayam at pagtatanung-tanong.

Bugtong

Humigit kumulang dalawang dekada na rin ang nakalilipas mula nang matuklasan ni Alessio Venerani, isang Italyanong ornitologo ang ibong Sinarat. Makikita lamang ito sa hilagang-kanlurang bahagi ng Quezon na pinagigitnaan ng Cordillera at Sierra Madre. May mga nagpatotoong kanilang namataan ang parehong ibon sa Sorsogon, ngunit hindi pa ito napatutunayan. Kadalasan, napagkakamalang Maya (Oriolus steerii) ang mga Sinarat sapagkat kapuwa sila maliit at may manilaw-nilaw na balahibo.  Sa katotohanan, may malaki-laking pagkakaiba ang dalawa; endemiko lamang ang Sinarat sa kabundukan

ng Quezon (gayong ibong-bukid naman ang Maya) at kung pakasusuriing maigi, kakikitaan ang Sinarat ng  mga pulang batik sa may puwitan nito.

Bago pa man mataguriang Sinarat, kilala na ang Sinarat bilang Dinaging sa isang tribong namamahay sa bulubundukin kung tawagi’y Parlaki-i. Kaunti pa lamang ang nalalaman ng mga antropologo ukol sa tribong Parlaki-i. Sa katunayan, maaaring hindi matutuklasan ang Parlaki-i kundi dahil sa Dinaging. Madalas hinuhuli ng mga Parlaki-i ang Dinaging bilang pagkain. Sa kabutihang palad, naidokumento ni Venerani ang kanilang paraan ng pagluto nito, mula sa pagbanli gamit ang sabaw ng labong hanggang sa pagsahog ng laman ng bukong malauhog sa karne ng Dinaging. Ayon pa sa mga nuno ng tribo, malinamnam at makatas ang laman ng Dinaging at nakapagpapainit ng katawan. Dinaging daw ang dahilan kung bakit “nananatiling buhay ang kanilang tribo 3.”

Limang buwan lamang matapos matuklasan ang Sinarat, bigla na lamang hindi nakita ang mga ibon, na magpasahanggang ngayo’y palaisipan pa rin sa mga ornitologo. Kasabay nito, at ang mas nakapagtataka, mistulang nalipol rin ang Parlaki-i. Nang balikan ni Venerani ang tribo upang muling makapanayam, matagal nang naabo ang kanilang mga kubo, at walang nadatnan ang kawawang Italyano.

Dito na nagsimulang umugong ang mga anas-anasan. May mga nagsasabing natalo ang mga Parlaki-i sa pakikidigma sa mga Italwag, isang tribo sa kabilang bundok. May mga nagsasabi ring nagpakalayo ang tribo matapos matuklasan ni Venerani. Bagaman maaaring may katotohanan sa likod nito, hindi pa rin naipaliliwanag ng mga teorya ang pagkawala ng mga Sinarat. Ito’y hanggang sa naglakas-loob ang isang magsasakang itatago natin sa panaguring M.  Nananahan si M hindi malayo sa kabundukang minsang tinirhan ng Parlaki-i at ng Sinarat. May nakahihilakbot na patotoo si M.

(Ang mga sumusunod ay sipi mula sa panayam kay M);  “Naniniwala ang mga Kinamyas, taguri ng mga Parlaki-i sa kanilang mga pantas, na may angking kapangyarihan ang pagkain ng laman ng Dinaging. May tinago ang Parlaki-i kay Venerani noong una niya itong makapanayam. Hindi sinabi ng tribo na piling tao lamang sa kanilang tribo ang talagang nakakakain ng laman ng Dinaging. May kakaibang epekto sa tao, at pagkatao, ang pagkain ng Sinarat.”

“Kadalasan, nakaririnig ako ng ungol mula sa kabundukan, matinis ang timbre ng palahaw at animo’y nauupos. Maya-maya, iihip ang malakas na hanging mula sa kabundukan na nakapagtataka sapagkat hindi pa naman panahon ng Amihan. Nang dungawin ko ang kabundukan, may natatanaw akong aninong lumilipad, animo’y naliligo sa kariktan ng buwan. Maaaring ibon, ngunit hindi maitatanggi ng mata ko na pambihirang ibon iyon kung sakali. Noon lamang ako nakakita ng ibong ganoon kahaba ang dipa ng mga pakpak, at mistulang may mga galamay. Anong kagustuhan kong nagloloko sana ang aking mga mata, sapagkat hindi rin ganoon kahaba ang paa ng ibon. Kapuwa isang pagtataksil at pagbibiro sa katotohan na sabihing hindi iyon tao.”

Indaray, iyan ang tawag ng Parlaki-i sa taong-ibon. Tulad ng mga Ifugao, may pagsamba ang mga Parlaki-i sa mga hayop na lumilipad. Naniniwala silang ang  mga  ibon ang

kanilang paraan upang matunton ang langit. Higit pa riyan, tanging ang pagsasanib ng tao at ibon, pagiging Indaray, ang paraan upang malalang ang kanilang tagapagligtas. Noong gabing iyon, nakatunghay si M ng Indaray. Upang makalipad, pinagkakaitan ng mga Kinamyas ng makakain ang napiling maging Indaray sa loob ng dalawang linggo. Tubig lamang ang bumubuhay sa napiling Indaray hanggang sa matutunan niyang ipagaspas ang kaniyang bagong lalang na pakpak. Oras na mapagpasiyahan ng mga Kinamyas na hinog na ang panahon para sa Indaray, kanilang itatali ang isang paa nito gamit ang hibla ng abaka at itatali ito sa punong kung tawagin ay Alug. Lilipad ang Indaray upang “pakinggan ang mensahe ng pagliligtas mula sa langit.”

Buto’t balat lumilipad.

Sanggunian

1 Ang ornitolohikal na paglalarawan sa Oriolus steerii ay hango sa International Bird Collection. http://ibc.lynxeds.com/species/philippine-oriole-oriolus-steerii.  Sinangguni noong 14 Pebrero 2006.

2 Mendez, R. et al. Kalipunan ng mga katutubong sibilisasyon sa Luzon. 2nd ed. pp67-98.

3 Venerani A. Encyclopaedia Ornitologo. translated to English by Ross, M. 4th ed. pp 7899-7909.

Panghuling Salita

Isa akong akademiko at bagaman likas sa aming tumunghay sa mga panayam at detalyeng naipapasa mula sa mga patotoo, batid naming hindi pa rin (at hindi yata) talaga masisiguro ang mismong katotohanan. Hindi ko na balak dumako pa sa pilosopiya ng katotohanan (Ipaubaya na natin ito sa mga dalubhasa.)  Magkagayunman, tulad nga marahil ng realidad ng bugtong – mga nakakubling katotohanan -  tila may mga bagay talagang mananatiling bugtong sa ating haraya sa matagal na panahon, kung di man magpakailanman.

Kasihan nawa tayo ng Panginoon.

Batang SementeryoNi Cedrix Barton

Noong 2006, may naging barkada akong taga-north cementery. Isang araw ng magkita kami sa tambayan namin sa may Baywalk Malate. Napag-usapan namin na pumunta sa kanila. Sabi niya sa loob daw siya ng sementeryo siya nakatira. Kaya sinabi namin sa

kanya kung maaari bang pumunta sa kanila upang makaranas naman kung papano tumira sa loob mismo ng sementeryo. Sabi naman niya ay maaari naman at yaon araw din iyon ay nagpunta kami sa kanila at doon namin naranasan ang matulog sa loob mismo ng sementeryo.

Inabot kami ng tanghali dahil sa sobrang antok namin sa kakatambay namin sa baywalk dahil gabi lang ang life namin doon. Sa loob ng sementeryo, halos lahat ng mga nakatira doon ay mga taga-pag-alaga ng mga musileyo ng mga patay at ibang nga nitso doon. Ang mga nakatira doon ay nakatira mismo sa mga musileyo na kanilang inaalagaan. Syempre mayroon ding mga eskwater roon. Sila yung mga walang tirahan sa lungsod kaya naninirahan na lamang sila sa loob ng sementeryo.

Sa mga taga-sementeryo, basket ball lamang ang kanilang libangan at mga ibang larong pinoy para sa mga bata. Syempre may mga adik sa droga at adik sa sugal kaya hindi maiiwasan ang iba’t ibang uri ng sugal at droga doon.

Sa tuwing sasapit ang panahon na malapit na ang araw ng patay, maraming mga taga-roon ang nagpapalipad ng saringgola. Mayroon ding mga dayo ang nagpapalipad ng saringgola dahil malawak ang lugar na iyon. Dito ko unang nakita kung papano gumawa ng sobrang ganda at matibay na uri ng saringgola. Ang naging ka-barkada naming mga taga-roon ang nagturo sa akin kung papano gumawa ng matibay at magandang saringgola, mula mismo sa saringgola hanggang sa pisi. Dito ko rin nalaman kung papano maglagay ng bubog sa pisi ng saringola para sa panlaban. Hindi naman sa hindi ako marunong gumawa ng saringgola, hindi lamang ako marunong gumawa ng sobrang ganda at sobrang tibay na saringgola.

Kapag nagpapalipad sila ng saringgola kadalasan ay nakikipag-laban sila sa ibang kapwa may saringgoila na nagpapalipad din sa oras din yaon. Ang labanang ito ay patiran ng pisi. Dito mo malalaman kung sino ang magaling gumawa ng matibay na saringgola at pisi. Sa pisi naman nilalagyan nila ito ng subog upang maging matalas para kung may lumaban sa kanila ng patiran ng saringgola, makakalaban sila. Minsan nagkakaroon din ng pustahan kung sino ang unang mapatid siya ang talo. May iba naman kapag maganda at matibay ang kanilang saringgola sila ang hari sa oras na yaon sa ere. Kaya may mga mayayabang din dito. Kapag may napatid na saringgola dahil sa labanan may mga batang nag-aabang sa ibang ibayo ng sementeryo upang kunin nila ang napatid na saringgola at maging kanila na. Kaya para silang mga unggoy at aso na talon ng talon sa ibabaw ng mga nitso at bubong musileyo. Dito napa-bilib nila ako kung gaano sila kaliksi dahil simple lamang sa kanila ang ganitong gawain at laro.

Sabi ng kabarkada ko, sa loob lamang ng sementeryo yaon makikita ang mga matitibay na saringgola. Subalit, hindi ako kumbinsido sa mga sinabi niya dahil may mga nakikita rin ako sa mga telebisyon at ibang mga larawan sa mga aklat at peryodiko. Kaya hindi lamang sa loob ng sementeryong yaon makikita ang magaganda at matitibay na saringgola. Siguro isa lamang sa mga lugar na maaaring magkaroon ng magaganda at matitibay na saringgola.

Sinabi ko naman kung bakit hindi sila sumali sa mga paligsahan ng saringgola. Isa lamang ang narinig ko sa kanila, wala silang sapata na pera upang masali sa ganung paligsahan. Kung sabagay halos lahat ng mga nakatira doon ay mga mahihirap nating mga kababayan. Umaasa lamang sila sa mga dalaw at libing ng mga patay upang kumita sila. Kumita lamang sila sa pamamagitan paggawa ng nitso at musileyo ng mga patay. Ang iba naman ay umaasa sa sahod mula sa kanilang mga inaalagang musileyo at nitso. Dahil sa kahirapan ng buhay may mga kababayan tayo ang nakatira mismo sa loob ng sementeryo.

Tag-araw

Lagi kitang iuugnay sa tag-araw. Ang pamumulaklak ng mga halaman ay larawan ng kamay mong may hawak na rosas nang batiin mo ang iyong ina sa kanyang kaarawan. Ang halakhak ng mga batang naghahabulan ay ang iyong halakhak sa pangunguha natin ng mga prutas sa looban ng Ka Simo. Ang init ng araw, ang maaliwalas na kalangitan, ang mga ulap, ang Flores de Mayo, ang saranggola. Ang larawan ng tag-araw ay larawan ng aking bunso.

Puputok pa lang ang Mayo nang dumating ka sa buhay namin. Wala kaming pagsidlan ng kaligayahan sapagkat ikaw ang kasagutan ng sampung taong panalangin. Salamat na lamang at napapayag kami ng Ka Santi na  magsayaw sa Ubando. Ikaw ay talagang hulog ng Langit!

Isinunod kita sa aking pangalan. Roberto Jr. Ipinagyayabang kita sa lahat. Andun ako sa una mong pagdapa, pag- upo at paghakbang.  Gayundin, nang sambitin mo ang Mama at Papa na talagang musika sa aming pandinig. Mabilis ang iyong pag-unlad at lagi kong sinasabi sa lahat ng kahuntahan, ikaw ay lalaking matalino, mabait at makisig na bata.

Hindi naman ako nagkamali. Ikaw ay lumaking masiyahin at masiglang bata. Nasa kindergarten ka nang magsalita ka ng Ingles na  “A parrot can tot” at  “A bird kengkay”. Maraming natutuwa sa iyong kakulitan. Natatandaan ko rin nang maging Constantino ka  ng Flores de Mayo ng tag-araw na iyon. Ikaw ay aking anak!!

“Papa, Marunong ka hong gumawa ng saranggola? Gusto ko hong magpalipad ng saranggola, e.’ bungad mo sa akin isang umaga ng tag-araw.

“Aba, oo naman, anak. Sige, halika, gawa tayo ng saranggola. Tapos, samahan pa kitang magpalipad.” At pumunta tayo sa likod-bahay. Gamit ang papel, pisi, pandikit at patpat, naigawa kita ng saranggola sunod sa saranggolang ginagawa ko rin nung kasinggulang kita. Simula noon, magkasama tayong nagpapalipad ng saranggola. Tuwang tuwa ka

kapag matayog ang lipad ngunit nayayamot kapag sumasabit sa puno ang ating saranggola. Ikaw ay ako noong walong taong gulang.

Naisip ko, ang pagpapalipad ng saranggola ay para ding pagpapalaki ng anak. Ang saranggola ay ang anak sa kanyang paglalayag sa malawak na mundo, ang kamay na humahawak ng pisi ay ang mga magulang na gumagabay sa mga anak kapag malakas ang hangin. Ang kamay na muling nagtataas sa saranggola upang muling lumipad sa kabila ng kabiguan. Kamay na umaagapay upang di makawala at maligaw sa kalawakan ng buhay.

Dalawang tag-araw pa ang lumipas, ilang saranggola na rin ang ating nasira at napalipad. Natuto ka  ring magpalipad nang hindi ako ang kasama kundi ang iyong mga kaibigan. Ayos  lang iyon sa akin, ikaw ay isang bata.

Ngunit may bagyo rin palang dumarating kahit sa tag-araw. Bagyong kailangang harapin nang buong tatag ng ating pamilya. Bagyong susubok sa pagkatao namin ng Mama mo. Bagyong huhulma ng kapalaran mo.

Nagsimula iyon nang minsang ginising mo kami dahil umiiyak ka sa sakit ng ulo. Inalo at pinainom ka ng gamot ng iyong ina. Nakatulog ka pa nga sa pagitan naming mag-asawa.

Ngunit ang pagsakit ng ulo ay naging madalas. Naging mas masakit dahil nakikita kita kung paano magligalig, magwala at magbato ng unan o laruan. Nag-iba ang iyong ugali, naging bugnutin at nawalan ng ganang maglaro at kumain. Naging ibang bata ka sa aking paningin.

Dinala ka namin sa doktor. Hindi niya maibigay sa amin ang saktong sagot at pinayuhang magpunta sa kalapit na bayan kung saan mas may kagamitan daw para malaman ang iyong lagay. Natakot ang iyong Mama at agad na umiyak. Ako naman ay nanghina kaagad. Nangamba kaming baka delikado ang iyong sakit dahil kailangan pa naming magpunta sa mas malaking hospital.

May dahilan ang aming takot. Agad akong kinausap ng doktor nang masinsinan. Hindi ko na narinig ang iba pa niyang paliwanag. Nanlumo na ako. Parang pinagsakluban ng langit at lupa. Paulit ulit sa aking pandinig ang tinuran niya. May brain tumor ang anak ninyo! May brain tumor ang anak ninyo!!!

Hindi ko alam kung paano sumikat-lumubog ang araw. Nakituloy tayo sa Tiyo Isko mo sa Maynila para kumunsulta sa iba pang dalubhasa. Pero gayon din ang resulta. At mas masakit pa, binigyan ka nila ng taning. Sino sila para bigyan ng taning ang aking bunso?

Pinilit kong magpakatatag. Para sa ating pamilya. Para sa iyong ina. Ngunit hindi mo alam, sa cr ako humahagulhol kasabay ang lagaslas ng tubig sa gripo. Parang dinudurog ang puso ko kapag namimilipit ka sa sakit lalo na kapag inuuntog mo ang iyong ulo sa pader. Gusto kong humiyaw nang nagsimulang malagas ang buhok mo epekto ng

therapy. Nawala rin ang lupang pinaghirapan kong ipundar upang maipamana sa yo ngunit sa gamot mo nagasta. Lahat ay pinilit kong gawin para maisalba ka.

Nagtampo ako sa Diyos. Nagalit. Nagtanong. Bakit ka Niya ibinigay kung babawiin ka rin kaagad? Bakit ikaw pang musmos at madami bang tag-araw na mararanasan? Bakit ikaw pa na bago pa lang nangagarap? Bakit hindi na lang ako? Bakit ang bunso ko pa?

‘Pa, gusto ko magsaranggola,” paanas mong wika. Nagkatinginan kami ng Mama mo. Mahina na ang katawan mo. Ayaw ka naming mapagod.

“Pa, gusto ko magsaranggola,” muli mong usal. Wala akong magawa kundi kargahin ka kahit balot ka ng kumot. Pinakuha ko sa iyong ina ang huling saranggolang pinalipad mo. Pumunta tayo sa malawak na taniman ng tubo.

Karga ka sa likod, tumakbo ako upang umangat ang saranggola. Tangan ng mahina mong kamay ang pisi. Lumuluhang pinagmasdan tayo ng iyong ina.

Tumaas ang saranggola. Patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Basang basa ako ng luha.

Humagulhol ako nang makita kong tuluyang nabitawan mo ang pisi. Dumating na ang panahon mo.

“Maglayag ka anak sa dapat mong puntahan. Tandaan mong mahal na mahal ka namin ng Mama mo. Mahal na Mahal kita.”

Tulad ng pagpapakawala mo sa saranggola, pinaubaya ka na namin ng Mama mo sa Panginoon. Masakit subalit kailangan naming tanggapin. Iyon ang iyong tadhana. Iyon ang huli mong tag-araw.

Palagi kitang iuugnay sa tag-araw. Ang iyong ngiti, ang halakhak, ang ulap, ang langit, ang magagandang bulaklak, ang banderitas, ang Flores de Mayo, ang saranggola sa malawak na kalawakan.

Si   Maam July 27, 2009Filed under: kwentong unibersidad — jazzey @ 8:35 am

Alas-sais ng umaga. Simula na ng isa na namang araw sa buhay ng isang guro. Papasok na siya dala ang isang bungkos ng manila paper at isang tambak na libro. At dahil techie si Maam, nakasukbit sa kanan niyang balikat ang isang laptop bag. Sasalubungin siya ng kanyang mga estudyanteng nag-uunahan sa pagkuha ng mga gamit nya. (sumisipsip??)

 

Nag-ring ang bell dakong alas-sais y medya. Nagpapila na si Maam para sa flag ceremony.Isang linya para sa mga babae at isa rin para sa mga lalaki. Arms forward raise, sabi nya.

 

Medyo may pagka-istrikta si Maam.Nagsisimula at natatapos ang klase sa tamang oras. Ayaw nyang may nakikitang natutulog o epal sa klase.Pero lagi siyang nakangiti. Madalas siyang nakikipagbiruan sa mga estudyante lalo na kapag masyado nang nagiging seryoso ang usapan.Ang nakakatawa pa nito, kalaro nya sa Gun Bound ang mga bata kapag walang pasok. Ang iba naman, inaadd siya sa Friendster. Cool, pero galit sa makulit. At anong paboritong linya nya sa mga makukulit na bata? “Hindi joke time ngayon.”

Minsan iniisip ko, hindi siya bagay maging guro. Siguro ay dahil hindi ko nakita sa kanya ang mga bagay na nakasanayan ko. Hindi siya isang stereotypical na guro na nakakulong sa imahe ni Miss Tapia. Masarap siguro siyang maging ka-tropa.O siguro mas masayang maging katulad niya.

 

Pero bakit ganon? Bakit parang kakaiba yata siya ngayon? Maysakit ba siya? O may bumabagabag lang? Nag-break ba sila ng boypren nya? HIndi ko alam pero hindi ko pa yata nakikitang ngumiti si Maam. Kanina pa siya seryoso. Ano kayang problema? Hay…si Maam…Siguro masama lang ang gising nya. O baka bad trip lang siya sa mahabang litanya ng prinsipal sa flag ceremony?

 

Masayang bumalik ang mga bata sa silid-aralan. Mabilis niyang pinapasok ang mga bata dahil may sasabihin daw siyang importante. Normal ang lahat. Tuloy ang kwentuhan, ang kamustahan. Hanggang sa may inanunsyo si Maam.

 

Iyon na pala ang huling araw ng pagtuturo niya sa amin. Si Maam na isang intern o student teacher ay nagpapaalam na. Tapos na ang halos tatlong buwan niyang pagtuturo sa loob ng Lab School. Kailangan na niyang lumabas ng pamantasan para ituloy ang internship sa isang pampublikong paaralan. Maraming nalungkot, at isa na ako doon. Aalis na si Maam. Siya na naging inspirasyon ko para magustuhan ang subject na itinuturo nya. Siya na kalaro ko ng Gun Bound, ka-Friendster at ka-chat sa YM. Siya na katulong naming buuin ang saranggola ng aming mga pangarap,at siya mismong gumabay sa pisi ng saranggola upang abutin ang langit at sumabay sa hampas ng hangin. Si Maam.

 

Burol

Dalawang otso anyos na bata nag-uusap.

Jun-jun: Moy! Moy! Tara punta tayo sa burol! Lakas ng hangin palipad tayo   ng saranggola!

Moy: Ayaw ko nyan!  Pambata masyado. Punta nalang ako sa kompyuteran. Lalaro ako ng baril-barilan.

Jun-jun: Kaw naman diba paborito natin to tara na kasi kj mo ah!

Moy: (sabay turo sa nakababatang kapatid) sya nalang sama mo Counter ako.

Nagulat si Aling Bebang ng marinig ang anak na ipagpalit ang kanyang bespren sa kompyuter. Siguro nga lahat ng bagay ay parang ying and yang naisip niya. Tama nga

naman na ang pag-usad ng teknolohiya ay isang malaking hakbang sa ‘sang katauhan. Pero hindi rin naman natin maiwawaksi ang kabilang mukha nito.

“Sige hayaan mo’t pagsasabihan ko siya Jun-Jun,” ani ng ginang. Nagpasalamat si bespren at humayo mag-isa sa burol. Malaki na nga ang ipinagbago ni Moy simula ng matuto maglaro ng Counter Strike. Kung dati isa itong maliksing bata, ngayon siya’y palaisip at minsan pa nga’y bayolente.

Minsan, pag wala ng pera at bitin pa sa laro, pinagtritripan niya ang walis at itinututok sa mga pinsan at naghihiyaw ng “terrorists win”. Muntik pa nga siya mabarangay dahil hinabol nya ang kalaro ng kutsilyo. Katwiran niya nag-ri-real life Counter Strike sila.

Sa totoo lang, pati din naman si Moy napansin ang kanyang pagbabago. Sa gabi hindi na siya makatulog kakaisip kung pano maglelevel up o paano dudurugin ang kalaban niya sa Grade 3. Hindi naman niya maiwan ang laro, kelangan imaintain ito kundi mapag-iiwanan siya. “Tska di na ko bata para magsaranggola, walang thrill yan! Di gaya ng Counter,” sabi niya sa sarili.

Mag-aalas siyete na ng umuwi si Moy. Galit na galit at walang pera. Natalo sa pusta. Nadurug ang kanyang kupunan. Counter terrorists win. Agad siyang nilapitan ni Aling Bebang at marahan nitong tinanung ang anak kung nais nitong kumain. At dahil badtrip nga siya, nagdabog nalang at sinabing “wala ‘kong gana”.

“Pag sabihan mo yang anak mo lumalaking bastos,” sabi ni Mang Berto, tatay ni Moy. Napipikon na rin pala ang ama niyang minsan lang niyang makita. Napaisip ng mataimtim si Aling Bebang.

Kinabukasan, muling nagyaya si Jun-Jun maglaro. Sinalubong siya ni Aling Bebang. Magalang niya itong binati at ngiting ngiting kinuha ang alok na tinapay.

“Bakit hindi ka nahuhumaling sa kompyuter gaya ni Moy?” ani ng ginang. “’Yoko nun tita. Masaya lang yun laruin paminsan-minsan ‘pag palagi na masakit sa ulo at nakakaubos ng pera. Masaya na po ako sa saranggola ko,” sabi ng bespren ng kanyang anak.

“Ano ka nakakarelaks kaya ang kompyuter,” sabi ni Moy na nakikinig pala sa usapan ng dalawa. “Ano nakakarelaks dun e nag-iisip ka kung paano ka papatay tsaka masakit sa mata yung nakatitig ka lang sa TV. Di gaya ng saranggola naeenjoy mo yung hangin habang pinapanood mo siyang lumipad sa langit,” tanggol ni Jun-Jun.

Inawat na ni Aling Bebang ang dalawa bago pa mag-away. Si Jun-Jun dumertso sa burol at si Moy sa kompyuteran.

Malaki ang naipusta ni Moy sa laro kaya maaga itong nakauwi. Sa daan nakita niya ang bespren tumatakbo sa burol hawak ang saranggola. Kahit anong pilit niyang pigilan ang paglingon, para bang may magnet na humahatak sa kaya upang manood. Ang ganda ng saronggola ni Jun-Jun. Iba’t ibang kulay ang ginamit niyang papel at may buntot pa na mahabang-mahaba. “Hindi ba’t ako pa nga ang tumatakbo para sa kanya?” bulong ni Moy sa sarili.

Nakita siya ni Jun-Jun. Malakas ang hangin. Iniabot niya ang sinulid kay Moy. Nag-alangan man, hinawakan niya ito’t minanipula ang saranggola. Maya-maya lang siya na ang nagpapalipad ng saranggola. Isang malaking ngiti ang nakita ni Jun-Jun sa labi ni Moy. Umaliwalas ang mukha niya na para bang bumata ulit ito. Kahit si Moy naramdaman niya ang kakaibang gaan ng loob di lang dahil sa malamig na haplos ng hangin. Relaks siya. At LIBRE pa. Siya ngang napakaganda ng luntiang langit sa kabila ng madungis na tanawin ng Payatas.

Maniwala ka lang..Aug 24th, 2009 by pReCiOuS

Nay, bakit po wala akong tatay? tinig ng mag-aapat na taong gulang na batang si Teng isang hapon.  Natulala ang inang si Etang ng marinig ang anak, waring hindi mahagilap sa kawalan ang isasagot.  “Bakit mo naman naitanong yan anak? Hindi pa ba ako sapat para sa’yo?” 

 “Hindi po sa ganoon inay..” sabay yakap sa ina “..nagtataka lang po ako kasi ang iba kong mga kalaro buhat ng mga tatay nilang pumupunta sa parke na parang ang saya nila” tinig ng inosenteng batang mapaghanap.  “Anak, hayaan mo’t bukas na bukas din ipapasyal kita sa parke at may gagawin tayong tiyak mong ikasisiya” tugon ng ina.“Sige po ina!” nagtataka ngunit masayang tugon ng anak.Kinabukasan sa parke, nagtataka si Teng sa hawak ng kanyang ina na mga makukulay na papel, tingting, at pisi.  “Para saan po ang mga iyan, inay?”

“Hindi ba’t hinahanap mo ang iyong ama?”“Opo.  Darating po ba siya ngayon?  Magkakakilala na po ba kami?” sabik na tugon ni Teng.Nangilid ang luha ni Etang ngunit lakas na loob na tumugon, “Hindi anak, ang totoo kasama niya si Papa Jesus sa langit simula noong sanggol ka pa lamang.  Kaya ako may dalang mga gamit upang gumawa ng saranggola.”“Ganoon po ba? Ano po ba ang saranggola, inay?”

“Isa itong laruan na pinapalipad sa himpapawid at…”

“Mararating po ba nito si itay?” putol ng anak

tango lamang ang naisagot ng ina.. “ganon po ba? sige po, pangako ko po magiging mabait akong bata, hindi ako iiyak!” ani ng bata.  Pagdaka’y hinarap ng ina ang mga dalang gamit.

 “Sige anak, halina’t gawin na natin ang saranggola”“Una, gumawa tayo ng korteng diyamanteng hugis na gawa sa makukulay na papel.  Alam mo ba Teng, ang mga papel na ito ay sumisimbulo rin sa’yo sa pagiging mabuti mong bata.“Salamat po inay.”

 

“Pangalawa, putulin natin ang tingting, gumawa tayo ng korteng krus at ilagay ito sa ibabaw ng korteng diyamanteng makulay na papel.  Dito naman anak, ang tingting ay ang iyong ama na haligi ng ating tahanan.”

 

Sumunod, baluktutin natin ang tingting na parang pabaliktad na titik ‘U’.  Pagsamahin natin ito gamit ang pisi na tila ako, na hinding-hindi magsasawang mahalin kayo ng iyong ama…”

 

“Ayan, tapos na ang ating saranggola!  Mas maganda anak kung lalagyan natin ito ng buntot para mabalanse ang kanyang paglipad at deretso kay Papa Jesus.” ani ng ina.

 Nag-uumapaw sa galak si Teng, nangingislap ang mata na hinawakan ang pisi na pinagkakabitan ng saranggola.  “Weeee! Lipad! Lipad pa!  Pumunta ka kay Papa Jesus, sabihin mo ihalik ako kay itay! Taas! Taas pa!” tuwang-tuwa ang bata habang ang ina ay hindi na napigilang mapahagulgol.

 

Pagdaka’y  napalingon si Teng sa ina “Inay, wag kang umiyak kasi alam ko masaya si itay saan man siya naroroon, tinitingnan niya tayo mula sa langit!”

 Ilang sandali pa at humina ang hangin, nagbabadyang bumagsak ang saranggola. Minsan pa’y tinangka ni Teng at ng ina na itaas ang lipad nito ngunit sadyang mailap ang kapalaran.  Bumagsak ito sa di kalayuan.  Dali-daling nagtungo ang mag-ina at nasilayan ang isang imaheng dinampot ito.

 

“Berto? Ikaw nga ba yan?” tining ni Etang na matagal na nangulila sa kabiyak.“Napawalang-sala ako at ng magtungo ako sa bahay….Ang sabi sakin ni Aling Pasing narito raw kayo sa parke at…ito na ba si Teng?” tinig ng imaheng dayuhan sa paningin ni Teng sa dali-daling nagtago sa likod ng ina.tumango si Etang sa kabiyak.“Ako ang iyong ama…Patawarin mo at matagal akong nawala.  Teng, pwede mo ba akong yakapin?”  ani ng dayuhan.tumingin ang bata sa ina at tumango ang ito bilang pagsang-ayon.

 

Dali-daling ngumiti at yumakap ang bata at tumingin sa likod ng ama..“Tay, wala po ba kayong kasama?” tanong nito.nagkatinginan ang nagkaiyakang mag-asawa..“Bakit anak?” tanong ng ama.“Hindi niyo po ba kasama si Papa Jesus?” tanong ni Teng.nagkatawanan ang mag-asawa at sinabi ng ina, “Naroon siya sa langit para bigyang katuparan ang mga pangarap ng mga taong nawawalan ng pag-asa!”

 

“Ibig po bang sabihin nuon ay maraming batang magkaka tatay kung mananalangin sa Kanya?” urirat nito.

“Maniwala ka lang anak.  Maniwala ka..”  sabay-sabay na nagtungong pabalik ang mag-anak sa kanilang tahanan bitbit ang pag-asa ng bagong simula ng kanilang buhay…

 

Saranggolang Pag-ibig

"Unti-unting nabubuo ang saranggolang pinagtiyagaang gawin ni Dekdek."

Hangal nga talaga siguro ang pag-ibig. At kahit ano, gagawin ng isang tao ang lahat makuha lang ang kahangalang iyon. Ang kahangalang magmahal at may magmahal sa iyo. Ang pagmamahal at ang kaligayahang ito'y masuklian. Hangal nga rin sigurong maituturing si Dekdek at ang lihim niyang pagmamahal kay Jessan.

"Tapos na ba iyan?" Si Jessan.

"Malapit na ito, sandali nalang at gawa na ang saranggola mo." Si Dekdek

Tulad ng pagkakabuo ng saranggola, unti-unting nabubuo ang pagtitinginan ng magkababata. Ang pundasyon ng kanilang pagkakaibiga'y subok na noon pa man. Ngunit ang pagtitinginan sa bawat isa'y papausbong pa lamang. Susukan pa lamang ng panahon.

"At nagsimulang lumipad ang saranggola.."

Tulad ng matagumpay na pag-angat ng saranggola sa marubdob na hangin; dahan-dahang nabuo ang pagmamahalan kina Jessan at Dekdek. Ang pagmamahalan na noo'y bubot at musmos ngayo'y tumutubo at tumitibay. Katulad ng unti-unting pag-angat ng isang simpleng saranggola at ang matagumpay na paglipad nito sa hangin. Ganun ang pag-ibig na nararamdaman ng dalawa. Yumayabong..lumalakas... ngunit may mga panahon na gaano man katibay at kalakas ang isang bagay, dumarating ang panahon na ito'y naluluma,naghihina at nasisira.

"At ang mapagparusang hangi'y unti-unting ginugulo ang tahimik at matayog na paglalakbay ng saranggola."

"Jessan, tapatin mo nga ako.May iba ka na ba?"

"Huh? Anong sinasabi mo Dekdek?"

"Sagutin mo na lang Jessan, nakita ko kayo kanina...kayo ni Josh..magkahawak -kamay kayo!"

At napagtanto ni Dekdek ang mga nagyayari. Unti-unting lumilinaw na sakanya ang lahat.Kaya pala parang nanlalamig na ito. Kaya pala hindi na ito nagteteks. Kaya pala ayaw nitong makipagkita sa kanya.Kaya pala... Masakit ang katotohanang hindi na siya nito mahal dahil may iba na ito.

At hindi matanggap ni Dekdek ang sinungaling na pagmamahal ni Jessan na pilit na umaalingawngaw sa buo niyang pagkatao. Masaklap na katotohanan.Masakit. Hindi niya akalaing ang pag-ibig na akala niyang tunay at wagas ay dahan-dahan ng gumuguho tulad ng mga pangarap na sabay nilang binuo at pilit na tinutupad.

"At biglang bumagsak sa matayog na pagkakalipad ang matibay ngunit ngayo'y sira-sira ng saranggola."

"Jessan, parang awa mo na...'wag mo kong iiwan..."

"Dek, patawad pero hindi na kita mahal..wala na tayong patutunguhan pa."

"Jessan, 'wag naman...'wag mong gawin ito.."

"Sori, malilimot mo din ako.Paalam."

Naiawang bagsak si Dekdek. Luhaan. Durog ang puso. Bagsak ang dating makulay na mundo nito tulad ng bumagsak na saranggola. Wala na ang saranggolang pag-ibig nila ni Jessan; ang pag-ibig nilang tulad ng isang saranggola na noong una'y kay tayog at maayos ang lipad ay sinubok ng mapagparusang hangin at ng mapaglarong tadhana. Ang saranggolang pag-ibigan nila'y unti-unting bumagsak..Nawalan ng balanse sa ihip ng kahinaan at mapanirang tukso..pinasuko ng panahon..Ang saranggolang pag-ibig ng dalawa na dati'y puno ng pag-asa, pagmamahalan at pangarap ay unti-unting pinabagsak ng galit, pagdududa, kasinungalingan at kahinaan.

Sayang.

Saranggolang Mababa ang Lipad

Gabi-gabi ay laging nakikita sa isang di-kilalang bar sa Malate ang dating sexy star na nagkaroon ng anak sa dating matinee idol. Katulad ng mga nalaos na sexy star, pagpuputa ang kinabagsakan ni Ester.

Hindi porket puta si Ester ay hindi na sya magaling. Isa syang huwarang magulang. Mayroon silang maayos na natutuluyan ng kanyang anak, napag-aaral sa isang magandang paaralan, hindi nagtatapon ng kalat kung saan lang at nagbabayad ng tamang buwis. Bago sya pumunta sa suking bar ay pakakainin muna nya ang kanyang junakis, tinutulungan sa mga assignments at hindi umaalis ng hindi nasisiguradong ayos na naiiwan sa katulong ang bahay.

Yun nga lang, pagpuputa lang ang alam para kumita. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Ester ngunit meron syang maalindog na katawan na kanyang tanging puhunan sa industriyang kanyang napili. Sulit ang bayad kay Ester. Magaling sa chupaan, tuwaran, kabayuhan at tamblingan. Kaya nyang magpaligaya ng bata, matanda, puti at negro. Kaya din nyang makadalawa o makatatlo para sobra-sobra ang maiuwi niyang pera. Kung sinuswerte Umaabot siya ng P100,000 kada gabi.

Ang saranggola ay simbolo ng kinabukasan. Gamit ang mga pinagtagpitagping patpat, dyaryong pakalatkalat ay binibigkis ito ng pising nangangarap ng isang matayog na paglipad. Tayong lahat ay may mataas na pangarap, ngunit paano kung hindi natin ito nakuha? Hanggang pangarap na lang ba?

Hindi kailangang laging mataas ang paglipad ng saraggola, minsan kailangan lang nating mag-effort lumipad. Kahit mababa.

Be The Best Of Whatever You AreIf you can’t be a pine on the top of a hill

Be a scrub in the valley, but be the best little scrub on the side of the hillBe a bush if you can’t be a tree,

If you can’t be a bush be a bit of the grassAnd some highway happier make.

If you can’t be a muskie, then just be a bass,

But the liveliest bass in the lake.We can’t all be captains, we’ve got to be crew,

There’s something for all of us here.There’s big work to do and there’s lesser work, too,

And the thing we must do is the nearIf you can’t be a highway, then just be a trail.

If you can’t be the sun, be a star.It isn’t by size that you win or you fail.

Be the best of whatever you are.- Douglas Maloch

Be the best of whatever you are.. kung sa pagpuputa ka magaling .. edi be the best puta ever! P100,000 kada gabi?! Chos!

Ang Saranggola

(naka right protect, hindi makopya, please follow this link)

http://angtangingyaman.com/2009/07/19/ang-saranggola/

2010

"Sigurado ka bang tatakbo ka sa Mayo?", tanong ni Tiyo Berto sa kanya.

"Opo", marahan niyang tugon, "matagal kong pinag-isipan, at desidido na ako alang-alang sa mga kababayan nating humihimok sa akin para tumakbo".

"Eh, paano baga? Dalawang bigating pulitiko yang babanggain mo, at pareho pang naka-partido. Si Mayor Dizon eh, panigurado nang may mga hawak na tao yan. Si Atty. Baltazar, mayaman at maimpluwensiya. Paano ka sasabay sa kanila? Atsaka sinong partido ang kukupkop sa'yo?".

"Suporta ho ng mga tao ang pinanghahawakan ko", ani Juan Dela Cruz. "Alam kong kung sa yaman at impluwensiya eh wala akong pangtapat sa kanila. Pero sa tingin ko ho eh tama ang mga kababayan natin. Kailangan na ng pagbabago, kailangan nang may tumayo para subukang harapin ang mga dating lider na wala namang nagawa sa bayan. At hindi ko ho kailangan ng partido para gawin yan. Mag-i-indipendiente ho ako".

"Diyos ko, ikaw bata ka", alalang sabi ni Tiyo Berto, "eh yaman din lang at napagdesisyunan mo na eh, alangan namang hindi ka namin suportahan. Nandiyan na 'yan. Eh, sige, gawin natin ang magagawa natin".

At pumutok na ang balita sa buong bayan.

Tatlo ang maglalaban sa pagka-alkalde sa bayan ng San Felipe!

Malakas ang kumpiyansa ng kasalukuyang Mayor Arnulfo Dizon na siya pa rin ang iboboto ng taongbayan. Kung kailangang idaan sa dahas at pananakot ay gagawin niya, bagay na ginagawa na ng angkan niya, sa loob ng ilang taong paghahari sa bayan.

Tiwala naman si Atty. Ramon Baltazar na siya ngayon ang mananalo. Ilang taon ding sinikap niyang magkaroon ng kung sinu-sinong koneksiyon, kadalasa'y mga maimpluwensiyang taong nabigyan niya ng pabor sa mga kasong kinakaharap ng mga ito. At kung sa yaman at impluwensiya rin lamang, kaya niyang tapatan si Mayor Dizon.

Sa isang banda'y tila isang nuisance o panggulong kandidato lang si Juan Dela Cruz. Oo nga't nakatapos siya ng kursong agrikultural sa pampublikong unibersidad ngunit saan siya kukuha ng perang gagamitin sa pangangampanya, gayong ang tanging suweldong nakukuha niya sa pagtulong sa mga magsasaka ay pakilo-kilong aning palay lang?

Sa kanilang bayang San Felipe, mababa ang tsansang umunlad silang mga mahihirap dahil ang tanging yumayaman ay iyong dati nang mayayaman.

Ngunit dahil na rin sa udyok ng mga magsasakang nakakausap niya sa kanyang paglilibot sa mga bara-barangay, natagpuan ni Juan ang sarili na tumayo at maghangad ng pagbabago para sa bayan. Sa panahon na kailangan ng San Felipe ang isang mabuting lider, ipinasya niyang tanggapin ang hamon at sumabak sa larangang hindi siya bihasa.

Makulay, masaya ang kampanya.

Paroo't parito ang mga sasakyang nag-iingay sa kalsada, "Iboto si Mayor Dizon!!! Matapang na Lider!!!!

Samantalang ang mga poste at pader ay napuno ng bigotilyong mukha ni Atty. Baltazar, Hangad ang Kalayaan laban sa nakaupo!!!

Habang doon sa mga bukirin, sa mga barangay, at sa mga sitiong baku-bako ang kalsada ay tahimik na nagbabahay-bahay si Juan Dela Cruz gamit ang lumang bisikleta.

At dumating ang isa sa mga importanteng parte ng kampanya- ang paghaharap ng mga kandidato sa iisang entablado para sa pagpapahayag ng kanilang mga plataporma-de-gobyerno. Imbitado ang lahat na makinig at dumalo, alas siyete ng gabi sa liwasang-bayan ng San Felipe, saksi ang inaalikabok na rebulto ni Gat Jose Rizal.

Matapos ang pagsasayaw ng mga kabataang masiglang umindak sa saliw ng kantang Umbrella at Spaghetti Pababa, inumpisahan na ang talumpati.

Nagsimula ang tunggalian sa tanong ng host: "Sa anong bagay mo ihahalintulad ang iyong pamamahala kung ikaw ang magiging Mayor ng San Felipe?".

Bilang incumbent, ay naunang nagsalita si Mayor Dizon. Matapos ang pagpalakpak ng tatlumpung bodyguard na sinabayan pa ng pagsirit ng kuwitis sa kalangitan, sinimulan ni Mayor ang talumpati:

Katulad ng mahigit dalawampung taong paghahari, este, pamamalakad ng aming pamilya sa bayang ito, muli kong ipatutupad ang aking pamamalakad gamit ang Kamay na Bakal! Dahil alam kong kailangang maging matapang at matatag ang isang lider upang labanan ang mga taong gustong mag-aklas laban sa administrasyon ko!!!

At muling nagpalakpakan ang tatlumpung bodyguards habang nangakangisi.

Nagsimula ang talumpati ni Atty. Baltazar sa pagbanggit sa mga taong kakilala at kaibigan- si Dr. Ganito na nabigyan niya ng tulong, si Mr. Ganyan na natulungan niyang lumusot sa kaso, at kung sinu-sino pa, sabay baling sa host ng programa at sinabing,

"Ano nga ba ang tanong?"

Matapos maalala ang tanong ay sinimula na niya ang litanya.

Lalabanan ko ang kamay na bakal ng kasalukuyang administrasyon! Ang aking pamamahala ay ihahalintulad ko sa isang Puting Kalapati na malayang lumilipad sa kalawakan! Babawasan natin ang mga batas, bagkus ay hahayaan nating magkaroon ng kalayaan ang bawat tao na abutin ang kanyang mga naisin sa bayang ito!

At habang sinasabi niya ito ay naglalaro sa isip ni Atty. Baltazar ang mga yamang masasamsam mula sa mga mahihirap na magsasaka.

Sumunod na tumayo sa harap ng madla si Juan Dela Cruz, tangan ang isang Munting Saranggola.

"Ang inyo po bang gustong sabihin ay ihahalintulad ninyo ang pamamahala ninyo sa isang laruang saranggola?", patawang sabi ng host ng programa, na sinundan ng mapanlibak na tawa ni Mayor Dizon, at ng matunog na halakhak ng mga bodyguards, at ang patuyang tingin ni Atty. Baltazar.

"Opo", marahan ngunit matatag na sabi ni Juan Dela Cruz na ikinatahimik ng buong madla.

Hindi po dahas ang kailangan ng bayan upang umunlad, sapagkat napatunayan na

nating ang mariing pagsiil sa kapakanan ng mamamayan ay hindi kailanman naging susi upang kanilang maabot ang minimithing kaunlaran. Gayundin ay ang pagbibigay naman sa mga mamamayan ng maalwang kalayaan ay hindi rin naman makabubuti sapagkat maaari silang masadlak sa maling gawain.

Ihinahalintulad ko ang pamamahala ng bayan sa pagpapalipad ng saranggola sa kalangitan. Kailangan mong bigyan ng kaunting kalayaan ang katawan nito sa pamamagitan ng paglarga ng pisi upang patuloy itong tumaas at sumayaw-sayaw sa hangin. Ngunit kailangan mo ring ituon ang iyong isip sa paghawak sa natitirang pisi sa iyong kamay upang hindi ito tuluyang kumawala sa hangin. Kailangan ding gamitin ang iyong kamay upang gabayan ang saranggola kung saan ito tutungo upang maiwasang sumabit ito sa mga puno sa paligid.

Gayundin naman ang bayan at ang mga mamamayan. Bigyan sila ng kalayaang gawin at tuparin ang kanilang mga pangarap. Ibigay sa kanila ang yaman na dapat ay para sa kanila. Ngunit kaakibat nito ay itatag at ipatupad ang mga batas ng bayan upang maiwasan ang kaguluhan at mapanatili ang kaayusan ng komunidad.

Matapos ang talumpati ay tahimik ang madla. Hanggang sa isang miron ang sumigaw, "Mabuhay si Juan Dela Cruz!!!!"

Tapos na ang botohan, tapos na ang bilangan.

"Kailangan nating magdiwang dahil nanalo ka, nanalo ang taongbayan", masayang sabi ni Tiyo Berto, habang nakapalibot sa kanila ang ilang magsasakang tumulong sa kampanya. "Paano ba ang gusto mong selebrasyon?"

Masayang tumugon si Juan Dela Cruz, "Magsasalu-salo tayo sa gitnang bukid. Imbitado ang lahat, ipagdiriwang natin ang pagkapanalo ng bayan".

"At oo nga pala, magpapalipad tayo ng saranggola".

Mga Pusong Bilanggo

Nagising na lamang ako sa ingay ng mga batang masayang nagtatakbuhan sa may labasan. Sapagkat luma na at gawa lamang sa kahoy ang aming munting dampa, animo’y

nasa aking tabi lamang ang mga batang iyon. Ramdam ko ang kanilang kasiglahan sa kabila ng tindi ng sikat ng araw. Minsan din akong naging bata kaya’t alam ko kung

anong pakiramdam ng nasa gayong edad. Lahat ng naisin ay maaaring gawin. Katulad ng isang malayang ibon na hawig ng isang saranggola sa himpapawid. Saan ka man

magpunta ay may pising patuloy na gagabay sa’yo. Ngunit ang lahat din ay may hangganan. Sa minsang paglakas ng hangin ay bigla ka na lamang babagsak nang hindi mo namamalayan. Sinkwenta’y tres na ako ngayon pero hindi pa rin nabubura sa aking

memorya ang masayang alaala ng nakalipas, ang pait ng pagkalugmok at tamis sa pagkakamit ng tagumpay.

“Itay, Itay…” ang malakas na tawag sa akin ng aking kaisa-isang anak na si Jun-Jun. Siya na lamang ang natitirang alaalang iniwan sa akin ng sumakabilang-BAHAY kong kabiyak na si Mameng. Wala pang isang taong gulang noon si Jun-Jun nang pinili kaming iwan ni Mameng upang sumama sa bago niyang kasintahan. Matagal na rin ang nakalipas, maglilimang taon na rin si Jun-Jun ngayon at nagbabalak nang mag-aral sa darating na bukasan ng paaralan.

“Itay,” ang muling tawag sa akin ni Jun-Jun. “May maganda pong babaeng may magarang kotse na naghahanap sa inyo dito sa may labasan,” patuloy ni Jun-Jun na hindi man lang natitinag sa pagpapalipad ng kanyang munting saranggola. 

Bago tuluyang nakabangon sa papag na hinihigaan kung saan aking pinapalipas ang buong maghapon, ay akin nang nasilayan ang isang magandang dilag na akmang papasok sa aming tarangkahan. Kahit malabo na ang aking mata dala ng katandaan at sakit na katarata, namukhaan ko kaagad ang babaeng iyon-walang iba kundi si Mameng. Taglay pa rin niya ang kaakit-akit niyang kagandahan kahit medyo mahahalata mo na rin ang kanyang katandaan. Wala pa ring nagbabago sa kanyang itsura. Mapungay na mata, makinis na balat at makurbada niyang katawan. Parang walang nabura ang limang taon. Maging ang aking nararamdaman sa kanya ay hindi man lang din nabawasan. Sa loob ng limang taon na siya’y hindi ko kapiling ay hindi man lang lumaya ang aking damdamin. Limang taong bilanggo ang aking puso sa pag-ibig ko kay Mameng.  

“Magandang araw sa iyo, Tolome,” ang bati sa akin ni Mameng na nakapuknat sa aking pagbabalik-tanaw. Nais kong ibuka ang aking bibig upang tumugon sa kanyang pagbati ngunit hindi ko mawari ang kung anong masamang hangin ang pumasok sa aking lalamunan at ni isang salita ay wala akong mabigkas.

“Tolome, alam kong ikaw ay nabigla sa hindi inaasahang pagtungo ko dito. Hindi ako naparito upang ika’y muling saktan kundi narito upang makipag-ayos. Alam kong masama pa rin ang loob mo sa akin at nanatiling may poot diyan sa puso mo. Hindi ko ginustong mahulog sa iba noon. Ang nais ko lamang ngayon ay wakasan na ang sigalot na namamagitan sa ating dalawa. Hindi man naging maganda ang ating pagsasama, alam kong naging magkaibigan naman tayo noon at may malalim na pinagsamahan.” Ang mahabang litanya ni Mameng.   

“Ako’y lubos na naguguluhan sa iyong winika. Hindi ko alam ang iyong dahilan upang bigla-bigla na lamang ay makikipagkasundo sa akin. Kung ang iyong inaalala ay ang galit ko sa iyo noon, matagal na iyon. Pilit ko nang kinalimutan ang ating nakaraan, Mameng.

Maayos na kami ngayon. Huwag mo na kaming alalahanin. At sa nakikita ko naman sa’yo ngayon, kung hindi ako nagkakamali ay maayos na rin ang iyong kinalalagyan ngayon,” ang may bahid kasinungalingang sagot ko sa kanya.

“Oo, tama ka, naging matagumpay ako sa buhay kapiling si George. At ngayon ay niyayaya na niya akong magpakasal at sa Amerika na daw kami maninirahan. Ngunit bakit ganoon Tolome. Pakiramdam ko’y marami pa ring kulang sa buhay ko. Sa limang taon na pagsasama namin ni George, ni minsan ay hindi ko naramdaman ang ligayang ipinadama mo sa akin noong tayo’y nagsasama pa. Hindi ko maintindihan ang sarili ko Tolome.”

Sa kanyang inasal ay lalo lamang akong naguluhan. Ano ba talaga ang pakay ni Mameng sa pagdalaw niyang ito sa amin? Bakit hindi ko pa rin magawang sumaya sa kabila ng isipin na ito na ang pagkakataon upang kami’y magkaayos.  

“Tolome, hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. Gusto ko sanang makapiling ang ating anak na si Jun-Jun. Napag-isip-isip ko na siya ang tanging bubuong muli sa aking pagkatao. Napag-usapan na namin ni George ang tungkol sa bagay na iyan. Ipinagtapat ko ang lahat sa kanya na ako’y may anak sa iyo at hindi naman siya nagdalawang isip na ampunin ang bata dahil hindi na niya ako kayang mabigyan pa ng anak.”

Nagimbal ako sa mga huling salitang kanyang nasambit. Bakit pagkatapos ng lahat ay ganito pa ang igaganti niya sa akin. Hindi ako makapaniwalang kukuhanin niya sa akin si Jun-Jun. Lalong hindi ko makakayanan pa ang mawalan ng anak. 

“Patawarin mo sana ako Tolome,” pagsusumamo ni Mameng habang nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata. 

“Alam kong pinalaki mo ng maayos ang ating anak. Pero sa aking nakikita, hindi mo kayang mabigyan ng mas magandang kinabukasan si Jun-Jun. Sa Amerika mas marami ang kanyang makakasalamuha at hindi lang pagpapalipad ng saranggola ang larong maari niyang matutunan,” pagtatapos ni Mameng.

“Hindi ako sasama sa’yo kahit ikaw pa ang Nanay ko. Hindi kita kilala at wala akong pakialam kung mayaman kayo,” humihikbing singit naman ni Jun-Jun. Lingid sa aming kaalaman ay kanina pa pala nakikinig sa aming usapan si Jun-Jun.

“Hindi ko pinangarap na makatuntong ng Amerika. Kuntento na ako sa piling ni Itay dito sa bukid. Malaya kaming nakakagalaw ng walang nanghuhusga sa amin kahit gaano man kami kahirap. Hindi ko ipagpapalit ang paglalaro ko ng saranggola kasama ng mga tunay kong kaibigan dahil dito kami magsisimulang bumangon at bumuo ng mga pangarap.”

Pagkatapos na sabihin iyon ay patakbong yumakap sa akin si Jun-Jun. Ramdam na ramdam ko ang higpit ng kanyang pagkakayakap sa akin na nais magpahiwatig na huwag ko siyang ibigay kay Mameng. At sa mga sandaling iyon, nabuo kaagad sa aking isipan ang isang desisyon, hinding hindi ko siya ipapaubaya kay Mameng.

Hindi na rin nakayanan ni Mameng ang tagpong iyon kaya’t kaagad na rin siyang lumisan sa aming bakuran. Batid kong mabigat dalahin sa kanyang puso ang pangyayaring iyon sa kanyang buhay. Sa kanyang muling pag-alis, kapwa kami bilanggo ng aming nakaraan na kailanma’y hindi na muling mabibigyang laya pa.

Tanging si Jun-Jun na lamang ang magpapatuloy sa pagpapalipad, hindi lamang ng kanyang mumunting saranggola kung hindi maging ang kanyang adhikain sa buhay sa kabila ng kawalan ng isang taong lubos na makapagbibigay sa kanya ng gabay-si Mameng. Ngunit ako, bilang kanyang pisi na gagabay sa kanya sa pagkamit niya ng kanyang tagumpay ay patuloy na aagapay hanggang aking kamatayan sa kabila ng malalakas na hanging magiging sagabal sa kanyang pag-abot sa kaitas-taasan.


Top Related