Download - Tungkulin ng Pamahalaan - chatphils.com
Ang pamahalaan ay isang
institusyong kumikilos upang
maisakatuparan ang lahat ng mga
adhikain ng bansa at ng
mamamayan.
1. Pangangalaga at pagpapanatili
ng katatagan at katahimikan ng
bansa- Tungkulin ng pamahalaan
ang matiyak ang kaligtasan ng
taong bayan sa anumang uri ng
karahasan mula sa loob at labas ng
bansa.
2. Pagpapaunlad ng kabuhayan at
kaunlaran ng bansa- Gampanin ng
pamahalaan na mapangalagaan at
magsagawa ng masusing pagpaplano upang
malinang ang likas na yaman ng bansa.
Tinitiyak din nito ang pagpapaunlad ng
transportasyon, komunikasyon, imraestraktura
at maging ang pagtataguyod ng
pandaigdigang kalakalan.
3. Pagpapabuti sa panlipunang kalagayan ng mga mamamayan- Nagsasagawa ng malalaking paglilingkod pangkalusugan, pabahay, panlipunan, pagpapatupad ng repormang pansakahan at pagpapaunlad ng sistemang pang- edukasyon.
Pamahalaang Demokrasya- ang mga
mamamayang may sapat na gulang ay
maaaring makapamili kung sino ang
nais nilang mamuno sa pamahalaaan.
May karapatan ding makialam o
pumuna sa paraan ng pagpapatakbo
ng pinuno sa pamahalaan.
Sangay ng Tagapagbatas- Pinangungunahan ng Kongreso na
binubuo ng Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan na ang pangunahing
tungkulin ay bumuo ng mga batas para sa higit na ikabubuti ng mga
mamamayan at ng bansa sa pangkalahatan.
Sangay ng Tagapagpaganap-
Pinangungunahan naman ng Pangulo
ng bansa kasama ang ikalawang-
pangulo at kanyang gabinete na
binubuo ng mga kalihim ng ibat- ibang
kagawaran. Ang sangay na ito ang
nagpapatupad ng mga batas sa
bansa.
Sangay ng Tagapaghukom- Ito naman ang sangay ng pamahalaang
may kapangyarihang dinggin at lutasin ang mga suliraning may kaugnayan sa
pagpapatupad ng batas. Ang kapangyarihan nito ay nasa kamay ng
Korte Suprema at sa Mababang Hukumang Itinatag ng batas.
1. Kontrolado ang pamamahala sa
lahat ng kawanihan at tanggapan
ng pamahalaan. Maaaring
humirang at magtiwalag sa
tungkulin ng mga pinuno ng mga
ahensya at tanggapan ng
pamahalaan.
2. Tumatayong “Commander-in-Chief” o kataas-taasang pinuno ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Dahil dito maari niyang atasan ang sandatahang lakas na pigilin o sugpuin ang karahasan, pagsalakay o paghihimagsik (Article 2, sec 3 ng 1987 Constitution).
3. Maaaring magpalugit,
pumigil, magpahaba o
magpawalang- halaga ng
hatol o ibinigay na
kaparusahan.
4. Magharap ng
pambansang badyet sa
Kongreso ng Pilipinas
1. Department of Labor and Employment
2. Department of Education
3. Department of Tourism
4. Department of Environment and Natural Resources
5. Department of Agriculture
6. Department of Transportation
7. Department of Health
8. Department of Agrarian Reform
9. Department of Social Welfare and Development
10. Department of Trade and Industry