Download - UBD Reading Articles v.E. II 2
FIRST GRADING
Pamilya, Bilang Isang Natural na Institusyon
Bakit itinuturing ang pamilya bilang natural na institusyon ng lipunan?
Maituturing na una at mahalagang bahagi ng lipunan ang pamilya dahil ito ang
orihinal na pinagmulan ng bawat tao. Sa pamilya, sumisibol ang bawat indibidwal na
bumubuo ng lipunan. Ang bawat kasapi ng iba’t ibang sektor ng lipunan ay miyembro ng
pamilya.
Maituturing na natural na institusyon ang pamilya sapagkat ito ay nabuo dahil sa
pagmamahalan ng dalawang taong nagpasyang magpakasal at magsama nang habang
buhay. Mula rito ay sisibol ang mga anak na magpaparami ng miyembro ng pamilya. Ang
pamilya lamang ang tanging samahan na hindi dapat piliin, ihalal o iboto ang mga
namumuno. Sa pamilya, kinikilala ang pamumuno ng ama at ina. Hindi rin kailangang
manghikayat ng mga miyembro upang dumami ang mga kasapi ng pamilya. Likas na
dumadami ang mga kasapi nito.
Ayon sa isang babasahin, sa panahon na kahit ang lipunang Pilipino ay nagiging
hindi na maka-kapwa, kumakatawan ang pamilya bilang isang hindi mapapalitang
paaralan sa pagpapaunlad, pangangalaga at paghahatid ng mga mabuting asal na
panlipunan at mga pagpapahalaga tulad ng paggalang, talakayan, bukas-palad na
paglilingkod, katarungan at pag-ibig. Sa pahayag na ito, maituturing na ang pamilya ay
isang institusyong hindi magmamaliw sa paghubog ng mga pangunahing pagpapahalaga
magbago man ang panahon. Sa pamilya pa rin umuusbong ang pagkatao ng bawat
miyembro ng pamilya at ng lipunan.
Upang umunlad ang pamumuhay, kailangan ng pamilya na makipag-ugnayan sa iba
pang pamilya at sa iba pang sektor ng lipunan. Sa pakikipag-ugnayan ng pamilya o ng
mga miyembro nito sa iba pang pamilya at iba’t ibang sektor ng lipunan, nagkakaroon sila
ng mga gampanin sa lipunan. Hindi lamang sila ama, ina o anak kundi tinatawag silang
mamamayan na maaaring maging prinsipal, guro, janitor, mag-aaral, at iba pang papel sa
lipunan.
Ang Batas ng Malayang Pagbibigay (Law of Free Giving) at Pagmamahal na Walang
Hinihintay na Kapalit (Unconditional Love)
Ang mga karanasan ng pakikibahagi at pakikipag-isa sa araw-araw na pamumuhay
ng pamilya sa lipunan ay nagpapatunay ng kanilang partisipasyon sa lipunan. Ang
relasyon sa pagitan ng pamilya, iba pang pamilya at mga miyembro ng lipunan ay
ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving)1. Ang paggalang at
pagpapatatag ng sariling dignidad ng bawat kasapi ng pamilya ang nagiging batayan
upang ang malayang pagbibigay sa iba ay buong pusong tanggapin at magkaroon ng
pagkakaisa.
Malayang ibinibigay ng ama ang kanyang kakayahan sa paghahanapbuhay upang
matutustusan niya ang pangangailangan ng kanyang mga anak. Malayang ibinigay ng ina
ang pag-aasikaso sa kanyang asawa at mga anak. Malayang ibinibigay ng mga anak ang
pagsunod sa kanilang mga magulang. Narinig ninyo na bang siningil ng ama sa kanyang
mga anak dahil sa pagpapakain niya sa kanyang asawa at anak? May nabalitaan na ba
kayong ina na naningil sa pag-aasikaso sa kanyang mga anak? Meron bang anak na
humihingi ng sweldo tuwing tumutulong siya sa mga gawain sa bahay?
Higit na nagiging matatag ang dignidad ng ama kung nasusustetuhan niya ang
pangangailangan ng kanyang pamilya. Kaya malungkot para sa isang ama na mawalan
siya ng trabaho. Alam niyang malaking pasanin ng pamilya kung siya ang aasa sa
kanyang asawa at anak. Ito ang dahilan kung bakit nararapat na nasa wastong gulang at
may matatag na trabaho ang lalaki bago siya magpasyang magkaroon ng pamilya.
Higit na matatag ang dignidad ng ina kung nasubaybayan niya ang pag-uugali ng
kanyang mga anak. Masakit sa dibdib ng ina na mapariwara ang kanyang anak dahil
inisip niyang maaaring naging bahagi siya ng kasawian nito. Ang ina ay laging
nananalangin na maging mabuti ang buhay ng kanyang mga anak. Siya rin ay kumikilos
1p. 88 Familiaris Consortio
nang naaayon sa moralidad upang siya ay pamarisan o gawing modelo ng kanyang mga
anak.
Higit na matatag ang dignidad ng mga anak kung magalang siyang sumusunod sa
kanyang mga magulang. Nahihiya ang isang anak kung nabigo niya ang ekspektasyon ng
kanyang mga magulang sa kanya. Sinisikap ng anak na masunod niya ang lahat ng
tagubilin ng kanyang mga magulang. Minamahal niya ang kanyang mga magulang dahil
alam niyang katuwang ng Diyos ang kanyang mga magulang sa paglikha niya bilang tao.
Ito ang batas ng malayang pagbibigay. Ito ang isa sa dahilan kung bakit tinawag na
likas na institusyon ang pamilya.
Ang pamilya ay likas na institusyon dahil ito ay panlipunang yunit na hindi nakabatay
sa prinsipyo ng paggamit lamang. Sa pamilya, binibigyang halaga ang bawat miyembro
hindi dahil sa kanyang kontribusyon o magagawa, kundi dahil sa pagiging tao niya at sa
pagmamahal na walang hinihintay na kapalit (unconditional love).
Dahil ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pag-ibig, dito matatagpuan ang
pagmamahal na walang kapalit. Kahit na nawalan ng trabaho ang ama, magsisikap ang
buong pamilya na matugunan ang pangangailangan ng bawat isa. Kahit na magkamali
ang anak, kaya itong patawarin ng kanyang mga magulang. Ang lahat ng ito ay dahil sa
pagmamahal na walang hinihintay na kapalit.
Isa pang katangian ng pagmamahal na walang kapalit ay ang pagsasakripisyo para
sa minamahal. Maaari pa ring ihatid ng ama ang kanyang anak sa paaralan kahit pa siya
ay pinuno ng isang malaking kumpanya. Maaari par ing ipagluto at ipagbaon ng ina ang
kanyang anak kahit pa siya ay prinsipal ng isang paaralan. Ganoon din ang mga anak,
dapat pa rin niyang sundin ang mga payo ng kanyang mga magulang kahit sila makatapos
ng pag-aaral at maging matagumpay sa kanilang hanapbuhay.
Bilang natatanging miyembro ng pamilya, hindi siya basta pinapalitan kung hindi niya
magampanan nang maayos ang kanyang pananagutan. Samantalang sa isang kumpanya
o samahan, kung hindi tutupad sa kanyang tungkulin ang isang kasapi maaari siyang
palitan ng taong may higit na katangian at makagaganap ng nasabing pananagutan. Ito
ay hindi maaaring gawin sa miyembro ng pamilya. Ang ama kung mawalan ng trabaho ay
hindi pwedeng pagpasyahan ng mag-iina na alisin na siya bilang ama. Siya pa rin ang
ama at ang paggalang sa kanya ay hindi mababawasan kung wala siyang trabaho.
Ganoon din, hindi rin nababawasan ang kanyang dignidad kung wala siyang trabaho.
Kaya nga, kahit sa panahon ng materyalismo na kung saan pinahahalagahan ng ilan ang
pakinabang na makukuha sa tao kaysa sa halaga niya bilang tao, dapat makintal sa isip
ng bawat miyembro ng pamilya na bigyang halaga ang kapamilya kahit ito ay hindi
makasunod sa bawat inaasahan sa kanya.
Ang bawat kasapi ng pamilya ay itinuturing na mahalaga dahil sa prinsipyo ng
personal na ugnayan at sa prinsipyo ng etika na ang tao ay dapat mahalin para sa
kabutihannito (the ethical principle that a person ought to be loved for his own sake).2 Ito
ang dahilan kung bakit ang ama ay kayang magsakripisyo para sa kanyang mga anak. Sa
katunayan, masaya siya sa kanyang ginagawa. Malugod ang kanyang pakiramdam at
masaya na natupad niya ang kanyang tungkulin bilang isang ama. Gayundin ang isang
ina. Minsan, kayang iwan ng ina ang kanyang kinalakihang buhay o kanyang magandang
trabaho upang maging isang simpleng may-bahay. Handang magsakripisyo ang isang ina
para sa kapakanan ng kanyang anak at masaya siya sa kanyang ginagawa. Samantala,
ang anak ay masunurin sa kanyang mga magulang. Kung sasabihin ng magulang na
hindi pa panahon upang siya ay mag-isa at kailangan pa rin niya ang gabay, malugod niya
itong susundin. Malaki naman ang kanyang pasasalamat kung hinahayaan siyang
magpasya para sa kanyang sarili at hindi niya inaabuso ang ibinibigay na karapatang ito.
Maituturing din na parang sarili (another self) ang mga kapamilya dahil sa ugnayang
dugo (blood relationship) na namamagitan sa bawat kasapi ng pamilya. Palasak ang mga
katagang “kapamilya” at “kadugo.” Kung maririnig ng anak na pinipintasan ang kanyang
ama o ina, masakit ito para sa kanya. Kung nakikita ng mga magulang na nilalait ng iba
ang kanilang anak, masakit ito para sa kanila. Ito ay dahil sa kapamilya at kadugo nila
ang pinipintasan o nilalait. Ang sakit na kanilang nararamdaman ay kasing sakit ng
nadarama ng kasapi ng pamilya na pinipintasan o nilalait. Sa kabilang dako, kung
pinupuri ang isang kasapi ng pamilya, pakiramdam ng buong pamilya ay kabahagi sila sa
papuring ito.
2 p. 112, Conjucal Communion
Kaya mapapansin sa mga dingding ng sala o silid-tulugan ang mga larawan ng iba’t
ibang kasapi ng pamilya. Idinidikit sa mga album ang mga larawan ng buong pamilya at
bawat kasapi ng pamilya sa mahahalagang okasyon ng kanilang buhay. Naroon sa album
ang mga larawan ng kasal ng mag-asawa, binyag ng mga anak, pamamasyal o pagpunta
sa ibang lugar, pagdalo sa pagtitipon o reunion ng pamilya at maging ang paglisan o
pagkamatay ng isang kasapi ng pamilya. Kahit kumupas na ang mga larawan, ang mga
ito ay kayamanan para sa isang pamilya.
Higit pa rito, ang alaala ng isang kasapi ng pamilya kahit ito ay namayapa na ay hindi
malilimutan. Kaya kapag araw ng mga patay, ang mga kamag-anak ay nasa sementeryo
upang gunitain ang mga alaala ng kanilang mahal sa buhay na namayapa na. Sa mga
pagtitipon, ginagawang trivia ang mga nakakatuwang pangyayari sa pamilya kahit pa ang
kwentong ito ay paulit-ulit nang pinag-uusapan. Mahalaga ang pagsasama-sama sa araw
ng Pasko ng mag-anak. Patuloy pa rin ang tradisyong pagsasama-sama ng pamilya.
Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay (the
first and irreplaceable school of social life)3. Ang pakikitungo ng lalaki sa kanyang
maybahay, ang pag-aasikaso ng babae sa kanyang asawa at ang pagtrato ng ama o ng
ina sa kanyang mga anak ay pinag-uugatan ng iba’t ibang pagpapahalagang panlipunan.
Ang amang mahinahon sa pagsasalita sa kanyang maybahay at anak, at ang ina na
nakikinig sa hinaing ng asawa at anak ay mabubuting pag-uugali at pagkilos na
nasasaksihan ng kanilang mga anak. Ang suri ng samahan at pakikitungo ng bawat isa sa
pamilya ay pagsasanay ng kanilang pakikitungo sa ibang tao. Sa araw-araw na samahan
sa pamilya, ang kanilang mga pag-uugali at pagpapahalaga ay nagiging repleksyon ng
bawat isa na nakikita ng ibang tao. Kung nagagalit ang ama at magagalit din ang ina,
nasasaksihan ng anak ang kawalan ng pasensya ng bawat isa. Sa pamilya unang
natutuhan ang mga pagpapahalagang panlipunan.
Ang mga pagpapahalagang panlipunang ito ang kanilang ginagamit sa pakikitungo
sa ibang tao. Maririnig sa mga magulang ang mga katagang, “Maging magalang sa
pakikipag-usap sa ibang tao.” Maririnig din ang mga salitang, “Maganda ang turo ng mga
magulang sa batang iyan, magalang at mahinahon.” Ang paraan ng pakikitungo sa ibang
tao o ang pakikipagkapwa ay masasabing nagmula sa pamilya. Kapag may natatanging
3 p.88, Familiaris Consortio
talino ang mga anak, ipinagmamalaki ito sa ibang tao. Makikita ang mga magulang na
ipiniprisinta pa ang mga anak na umawit, sumayaw o tumula sa palatuntunan sa kanilang
barangay o pamayanan. Kung minsan, kahit pa ang isang tugtog na sikat sa panahong
iyon ay maririnig nang paulit-ulit dahil ang mga anak ng mag-kakapitbahay ay may kanya-
kanyang bersyon ng kanilang sayaw
Ang mga kapitbahay ang unang mga taong nakikilala ng mga anak. Nagkakaroon sila
ng mga kababata na kapag lumaon, kanilang kabarkada. Ang mga kapitbahay ang mga
saksi kung paano nagdalaga o nagbinata ang isang musmos na anak ng kanilang kumare,
kumpare o simpleng kapitbahay. Ang mga kapitbahay ang magsasabing “naku, bukod sa
matalino ang batang iyan, napakabait pa” o kaya naman, “ewan ko ba bakit nagkaganyan
ang batang iyan, eh mabait naman iyan noong bata pa.” Ang kapitbahay na rin ang ninong o
ninang ng batang kanilang pinag-uusapan. Kung minsan, ang mga kapitbahay na rin ang
pinagbibilinan ng kanilang mga anak kung ang ina ay nagtatrabaho rin o kung ang ina ay
aalis ng bahay. Dito binibilinan ng ina ang anak na maging mabait at huwag malikot habang
nasa ibang bahay.
Pagtutulungan ng Pamilya
Ang pagtutulungan sa Pamilya ay natural sapagkat kaligayahan ng bawat kasapi na
makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya. Kahit nasa bahay at walang trabaho ang
ina, tumutulong siyang magkaroon ng kaunting kita sa pamamagitan ng pagtitinda,
paglalabada o kahit na anong gawaing magkakaroon siya ng pagkakataong kumita ng pera.
Kapag walang klase, ang mga anak ay tumutulong sa mga gawaing bahay. Ganoon din ang
ama, tumutulong din siya sa mga gawaing bahay. Sa pag-aaral naman, tinutulungan ng mga
magulang ang anak sa paggawa ng mga takdang aralin.
Isa ring magandang pag-uugali ng pamilyang Pilipino ang sakrispisyong ibinibigay ng
mga panganay na anak. Kapag nasa gawain o umaalis ng bahay ang mga magulang,
karaniwang ibinibilin ang mga kapatid sa panganay na anak. Kapag nakatapos ng pag-aaral,
ang panganay na anak ay tumutulong sa pag-papaaral sa mga nakababatang kapatid.
Sa panahon ng kagipitan, ang mga kapamilya ang karaniwang tinatakbuhan upang
hingan ng tulong. Karaniwan na makitang ang mga pamangkin ay nakikipanuluyan at pinag-
aaral ng mga tiyahin o tiyuhin. Kung sino rin ang nasa ibang bansa o nakaririwasa sa buhay
ay ang madalas na hinihingan ng tulong ng mga kapamilya. Sinasabing ang pagtulong sa
kapamilya ay pagkakataon upang maibahagi ang sarili. Sa pamilya higit na nagiging totoo
ang pagbibigay na walang hinihintay na kapalit.
Pananampalataya ng Pamilya
Ang pananampalataya ng isang tao ay karaniwang nakagisnan niya sa kanyang
pamilya. Mula sa pagkabata, iminulat na siya na mayroong Diyos na gumagabay sa kanya.
Sinasabihan siyang magdasal kung nais niyang humiling o makuha ang nais niya. Itinuro ng
mga magulang na dapat matakot gumawa ng masama sapagkat ang Diyos ay nagpaparusa
rin sa mga taong masasama. Ang konsensya ay nahuhubog dahil
Ang sama-samang pagsimba o pagsamba ay makikita sa pamilya. Madalas sabihin ng
ina sa mga anak kapag umaalis ng bahay na ”Pagpalain ka nawa ng Diyos” na ang ibig
sabihin ay gabayan at iligtas ka sa iyong paglalakbay at makarating sa pupuntahan ng
maayos.
Ang pagsasama-sama ng pamilya sa hapag-kainan ay itinuturing na malaking
pagkakataon ng pagpapasalamat. Ipinagpapasalamat ng pamilya ang pagkakataong buo at
sila ay sama-samang nagsasalo sa grasya o biyayang kaloob sa kanila.
Dahil sa mataas na pananampalataya ng pamilya, nahuhubog ang mga pagpapahalaga
tulad ng paggalang, pagpapakumbaba, pag-asa, katatagan at pagtitimpi. Sa loob ng bahay
dalanginan, simbahan, moske o sambahan, ang mga anak ay tinuturuang magbigay galang
sa Diyos o kay Allah. Ang mga anak ay tinuturuang magpakumbaba at humingi ng
kapatawaran sa kanilang mga kasalanan. Tinuturuan din ang mga anak na humiling sa
Diyos o kay Allah na magkaroon ng pag-asa na ibibigay ang kanilang kahilingan. Kung
dumaranas naman ng paghihirap ang pamilya, sinasabihan ang mga anak na maging
matatag dahil ang Diyos o si Allah ay gumagabay sa kanila. Ganoon din, sa panahon ng
mga tukso, pinapayuhan ang mga anak na maging mapagtimpi at magtiis upang malagpasan
ang mga ito.
Ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan at
pananampalataya na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa pakikipagkapwa.
Halaga ng Komunikasyon sa Pamilya
Sa modernong panahon, abala ang karamihan sa mga makabagong teknolohiya
tulad ng paggamit ng computer at cellular phones, nalilimitahan ang pagkakataong mag-
usap ng personal ang bawat miyembro ng pamilya. Ang harapang pag-uusap ng
magulang at anak, anak at anak at ng iba pang miyembro ng pamilya ay nababawasan.
Higit sa lahat, kumusta ang komunikasyon ng mga miyembro ng pamilya na hindi
maaaring magkita dahil ang ibang miyembro ay nasa ibang lugar o nasa ibang bansa?
Komunikasyon ng Mag-anak na Pinaglayo ng Trabaho sa Ibang Bansa
Ayon sa ulat ni Augustus T. Anonuevo, Understanding the Duality of Overseas
Filipino Migration, mayroong humigit kumulang sampung porsyento (10%) ng populasyon
ng Pilipipinas ang nagtatrabaho sa ibang bansa. Mayroong halos 8.2 milyong Pilipino na
nakatira at nagtatrabaho sa 193 bansa at sa mga barkong naglalayag sa buong mundo.
Mula naman sa ulat ni Estrella “Mai” Dizon-Anonuevo, Migration and Its Impact on
the Children Left Behind, marami sa mga anak ng mga manggagawa sa ibang bansa ang
hindi nakababatid ng tunay na kalagayan ng pagtatrabaho ng kanilang mga magulang.
Kung alam man nila ang trabaho ng kanilang mga magulang, hindi naman nila alam ang
hirap at pagdurusang kanilang dinadanas dahil sa impresyong nasa ibang bansa ang
kanilang mga magulang kaya kumportable ang buhay nila roon.
Ayon pa kay E. Anonuevo, ipinaaalam lamang ng mga magulang ang positibong
larawan ng lugar ng kanilang trabaho. Hindi nila sinasabi ang diskriminasyon o anumang
hirap nilang dinaranas. Inilalarawan nila ang mga magagandang bahay, mamahaling
sasakyan, marangyang handaan, at pagbisita sa magagandang lugar. Dahil dito
mayroong mga anak na ang kanilang pakiramdam ay iniwan sila sa isang miserableng
buhay dito sa ating bansa habang nabubuhay ang mga magulang sa marangyang lugar.
Ang mga anak, anuman ang edad ay nararapat na mabigyan ng tamang
impormasyon tungkol sa kalagayan ng kanilang pamilya. Sa tamang paraan ng
komunikasyon, kayang tanggapin ng mga anak na hiwalay na ang kanilang mga
magulang, nasa ibang bansa ang kanilang mga magulang o napakahirap ng kanilang
buhay.
Minsan daw ay tinanong ni E. Anonuevo ang isang migranteng nagtatrabaho sa
Hong Kong kung bakit hindi niya sinasabi sa kanyang pamilya ang kanyang problema.
Ang tugon daw sa kanya ay dahil wala namang maitutulong ang kanyang pamilya sa
kanyang sitwasyon at suliranin. Ngunit ayon sa kanya, kahit ano pa man ang sitwasyon ng
manggagawa sa ibang lugar, nararapat na alam ito ng kanyang mga kamag-anak.
Ganoon din, kung may suliranin ang mga kaanak dito sa Pilipinas, hindi nila ito
pinararating sa mga nasa ibang bansa. Iniisip nila na hindi na dapat mag-alala ang
kamag-anak na nagtatrabaho sa ibang bansa. Kaya kung minsan, kapag umuwi na
lamang sa Pilipinas, nalalaman ang tunay na sitwasyon o kalagayan ng mga kaanak na
naiwan.
Ayon pa sa ulat, ang komunikasyon sa pagitan ng mga kaanak ay nasa pinansyal
na aspeto lamang. Ang kawalan ng bukas at maayos na komunikasyon ay nananatili
hanggang dumaan ang mahabang panahon. Bagama’t sinasabing moderno at mura na
ang paraan ng komunikasyon, ang mahabang pag-uusap sa telepono ay nakasentro pa rin
sa pagpapadala ng pera. Nawawala na ang kalidad komunikasyon.
Ang komunikasyon ay mahalaga sa paghubog ng mabuting relasyon ng mga
magulang at mga anak lalo na kung sila ay magkalayo. Nararapat nilang pag-usapan ang
kanilang mga suliranin, alalahanin at paghihirap. Higit sa lahat, nararapat na himukin ang
mga anak na magsabi sa mga magulang ng kanilang mga hinaing at damdamin kahit
gaano pa man ito kahirap. Himukin ding ibahagi sa kanila ang kanilang mga tagumpay at
kasiyahan. Ang pagsulat sa bawat isa ay kailangan ding gawin upang higit na masabi ang
kanilang mga saloobin kaysa sa simpleng tawagan lamang.
Higit sa lahat, hinihimuk din ang mga manggagawa sa ibang bansa na ibahagi sa
kanilang mga kaanak ang lahat ng kanilang karanasan. Ang ganitong komunikasyon ay
naglalapit sa bawat isa.
Komunikasyon ng Mag-anak na nasa Iisang Tahanan
Ang layunin na maibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga anak ay ang
pinagkakaabalahan ng mga magulang. Abala sila sa paghahanap ng ikabubuhay ng
kanilang mga anak. Dahil dito, nagkakaroon ng pagkakataong magamit ang mga
makabagong paraan ng komunikasyon. Ano-ano ang mabuti at di-mabuting dulot ng mga
makabagong paraan ng komunikasyon?
Ipinapalagay ng bawat kasapi ng pamilya na maayos ang komunikasyon ang bawat
isa dahil maaari namang mag-usap sa pamamagitan ng cellular phone. Maaaring
ipadaan sa makabagong telepono ang mensahe ng bawat kasapi ng pamilya. Ang sabi
nga raw sa patalastas ng isang sikat na prankisa ng telepono, higit na nagkakaugnay-
ugnay at nagkakalapit ang bawat kasapi ng pamilya at kaibigan kahit na sila ay nasa
magkakaibang panig ng daigdig dahil sa lakas ng signal ng kanilang telepono.
Subalit maaari na ba talagang ipalit ang pag-uusap sa telepono sa harapang pag-
uusap? Mapapansin na sa pag-uusap gamit ang telepono, nagiging teknikal ang bawat
galaw. Minamadali at pinapasimple ang bawat salita kaya importanteng mensahe na
lamang talaga ang naipararating dahil ang bawat piso ay mahalaga. Ang pag-uusap sa
telepono ay binabayaran. Kung wala kang pera, hindi ka makapagpapadala ng mensahe.
Kaya kapag tinanong ang anak kung bakit ito hindi nagpadala ng mensahe na hindi pala
siya makauuwi sa takdang oras, malamang ang isagot ay wala siyang pambili ng load.
Kapag naubos ang karga ng baterya at naiwan ang baterya, malamang walang
mensaheng matanggap o maipadala. Kung mapunta sa lugar na walang signal,
malamang hindi rin makatatanggap o makapagpadala ng mensahe.
Libre lamang ang harapang pag-uusap subalit bakit madalang itong nagaganap sa
ilang pamilya? Ang isasagot kapag ganito ang iyong tanong ay malamang na, ang bawat
miyembro ay walang panahon o abala kaya higit na maginhawa ang pagpapadala ng
mensahe sa telepono.
Harapang Pag-uusap at Usapan sa Telepono, Sulat o Internet
Ang pag-uusap ng harapan ay mayroong mga mabubuting dulot tulad ng
sumusunod:
1. Naipakikita ng angkop na emosyon sa harapang pag-uusap. Kung natutuwa
ang anak na ibalita ang kanyang pagpasa sa pagsusulit, makikita ang saya sa
mukha at ang sigla sa kanyang kilos. Kapag narinig naman ito ng kanyang mga
magulang at kapatid, ganito ring emosyon ang makikita. Kung malungkot
naman ang sasabihin ng isang miyembro ng pamilya, madarama rin ng mga
kasapi ang kalungkutang ibinahagi.
2. Walang gastos sa harapang pag-uusap. Hindi kailangang gumasta sa harapang
pag-uusap. Basta naroon ang mga miyembro ng pamilya, malaya ang bawat
isa na mag-usap.
3. Malawak ang paksang maaaring pag-usapan sa harapang pag-uusap. Kapag
nagkaharap-harap ang mga miyembro ng pamilya, maaari nilang pag-usapan
ang lahat ng bagay tungkol sa kanilang pamumuhay. Kung minsan, hindi nila
napapansing humahaba at napupunta sa ibang paksa ang kanilang pag-uusap.
4. Maaaring itakda sa anumang bahagi ng tahanan ang pag-uusap. Kapag
samasama ang buong pamilya sa sala, kainan o tulugan, maaaring silang mag-
usap.
5. Higit na nagkakalapit ang samahan ng bawat miyembro ng pamilya sa harapang
pag-uusap. Dahil bukas ang komunikasyon, nagkakaroon ng pagkakataong
mapatibay ang samahan ng bawat miyembro ng pamilya. Hindi nahihiyang
magtapat ng suliranin ang mga magulang sa kanilang mga anak at ganoon din
ang mga anak sa mga magulang. Malayang sinasabi ng anak ang lahat ng
nararamdaman at ang lahat ng kanyang mga suliranin. Walang itinatago o
sekreto ang bawat miyembro ng pamilya.
6. Nagiging isang mahalagang okasyon para sa buong pamilya ang harapang pag-
uusap. Ang lahat ng kasapi ay naglalaan ng panahon para sa sama-samang
pag-uusap ng pamilya na tinatawag nilang “bonding moment”.
Kung ang ibang miyembro ng pamilya ay nasa ibang bansa o nasa malayong
probinsiya, maaaring ang telepono, sulat at internet ang paraan ng kanilang
komunikasyon. Kung ganito ang sitwasyon ng pamilya, sikaping maging makabuluhan
ang bawat pag-uusap. Dapat pa ring ipahayag ang nilalaman ng damdamin ng bawat isa.
Sikapin na ang mga dulot ng harapang pag-uusap ay makamit rin sa komunikasyon sa
telepono, sulat at internet.
Ayon kay Leandro C. Villanueva, may mga hadlang sa komunikasyon. Maraming
dahilan kung bakit may mga taong nauumid makipag-usap sa kapwa, at may pag-
aasawahang hindi nakararating sa lalong malamim na ugnayan o sagarang komunikasyon.
Binanggit nya ang mga sanhi, dahilan o hadlang sa komunikasyon.
1. Umid o walang kibo. Ang pagkaumid o pagtatago ng saloobin ay parang
pagbabakod ng sarili – hindi ito mapapasok ng iba. Ayon kay Villanueva,
mahirap umunlad ang pagkatao at pakikisama ng taong ayaw magpahayag
ng sariling kaisipan at damdamin o tumanggap ng saloobin ng kapwa.
Mayroong mga taong pinipili ang manahimik kaysa magsalita ng masakit sa
kapwa. Subalit dahil sa kanyang pananahimik nagkakaroon naman ng
pagtatampo o hindi mabuting saloobin ang taong hindi niya kinakausap.
Sinasabi na karamihan sa kalalakihan ay ganito. Matipid sila sa pananalita
samantalang karamihan sa kababaihan ay ipinahahayag ang kanilang
damdamin. Sa ganitong pagkakataon, kailangang unawain ng bawat isa
ang kanilang sitwasyon. Maaaring hintayin ang tamang pagkakataon
upang mag-usap at bigyan ng solusyon ang kanilang suliranin.
2. Mali o Magkaibang pananaw. Kung ang pagpapahalaga at pananaw ng
bawat isa ay magkakaiba, nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Kung
tinitingnan ng isa na higit siyang tama o higit siyang magaling, maaaring
hindi sila magkaunawaan lalo na kung nararamdaman ng taong kausap na
siya ay minamaliit o hinahamak. Halimbawa, higit na mataas ang pinag-
aralan ng babae kaysa sa lalaki. Kung ipinamumukha at sinasabi sa lalaki
na mali at hindi niya alam ang kanyang ginagawa, masasaktan ang
kanyang damdamin. Kung ganito palagi ang pangyayari, magkakaroon sila
ng suliranin. Ayon kay Villnueva, sa ganitong pagkakataon, kailangang
manaig at pahigitin ang pag-ibig.
3. Inis o ilag sa kausap. Mayroong mga taong tila namimili ng kausap. Kapag
pakiramdam nila, wala sila sa kondisyon makipag-usap, hindi sila kumikibo.
May mga taong umiiwas na makipag-usap lalo na kung pakiramdam nila ay
wala sa katwiran ang kausap. Ayon kay Villanueva, ang kasiraan o
kapintasan ng kabiyak ay hindi dapat suklian ng kapwa sira at kamalian.
Kung umiiwas ang mag-asawa na mag-usap dahil pakiramdam niya ay
hindi mabuti itong kausap, pairalin ang pagmamahal. Isipin na nang
pakasalan ang taong ito, pinakasalan na rin niya ang kanyang kapintasan at
kamalian. Kung nais naman itama ang kamalian o kapintasan ng kabiyak,
bukas at maayos na pag-uusap pa rin ang magiging solusyon.
4. Daramdamin o Diribdibin. Iniisip minsan ng tao na magdaramdam o
diribdibin ng kausap ang maaari niyang sabihin kaya nananahimik na
lamang siya. Ang halimbawa na ginamit ni Villanueva ay kung sisitahin ni
Mister si Misis sa kanyang pag-susugal, iniisip niyang baka isumbat ni Misis
ang kanyang pag-iinom ng alak. Huwag paabutin na lumala ang pareho
nilang bisyo. Kailangan nilang mag-usap at makaunawaan ang mag-
asawa. Sikaping mangibabaw sa sitwasyon at huwag pairalin ang pagiging
maramdamin. Itaguyod ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa
pamilya.
Nagpahayag si Villanueva ng limang paraan para sa mabuting komunikasyon.
1. Mapanlikha o malikhain (creativity). Kailangang gamitin ng tao ang
kanyang talino at mapanlikha o malikhaing isipan sa pagtuklas ng mabuting
paraan ng pagpapahayag ng kanyang sasabihin. Maghintay ng tamang
panahon at ng wastong lugar, at itaon din na nasa magandang pakiramdam
ang sarili at ang kakausapin. Kung may dinaramdam naman ay maghunos-
dili at ilagay muna sa kondisyon ang sarili, gayundin ang kakaharapin.
Maaaring magbigay ng bulaklak kung nagtatampo ang kakausapin.
Maaaring ipagluto ng masarap na ulam ang kakausapin upang mabawasan
ang kanyang galit o tampo.
2. Alaala at malasakit (care and concern). Magkaroon ng malasakit at galang
sa kausap sinuman o anuman ang kanyang katayuan o nalalaman. Kahit
na bata, katulong sa bahay o pulubi ang kausap, isiping mayroong kayong
pantay na dignidad at karapatan. Kahit itinuturing na mababa ang kanilang
kalagayan sa lipunan, humingi ng paumanhin sa kanila kung nasaktan mo
ang kanilang damdamin.
3. Hayag o bukas (co-operativeness/openness). Sa pakikipag-usap, maging
bukas lagi at manatiling tapat lalo na sa mag-asawa. Huwag hanapin ang
sariling katangian sa kausap. Huwag sukatin ang kausap sa kanyang
kapintasan at kamangmangan. Tanggapin ang kausap bilang isang taong
mayroong dignidad at karapatan. Halimbawa, nasira ng inyong katulong
ang inyong computer dahil pinakialaman niya ito. Huwag magbitaw ng
masasakit na salita. Bigyan siya ng pagkakataong magpaliwanag at kung
mayroon siyang pinsalang nagawa, pag-usapan kung ano ang dapat gawin.
4. Atin-atin (personal). Mabuti sa magkakasambahay ang pagkakaroon ng
sama-samang usapan at pagpapalitan ng kuro o magkaroon ng masayang
balitaan at pagbabahaginan ng karanasan na maaaring pag-usapan ng
pamilya at kaibigan. Subalit mayroong mga suliraning sa pamilya lamang
dapat pag-usapan. Kung ang suliranin ay para sa mag-asawa lamang at
ang pagsasabi nito sa mga anak ay magdudulot lamang ng kalituhan,
kailangan na lutasin ito nang palihim sa mga kasambahay. Ang “atin-ating”
usapan ay hindi pagsasangkot o paninisi sa ibang tao.
5. Lugod o Ligaya (cheery). Ang kaligayahan o lugod ng isang tao sa
pakikipag-usap ay nakaaakit sa pagtitiwala ng kaharap. Ang masayang tao
ay nakagaganyak sa kapwa na makipagpalagayang-loob, magtiwala at
maging bukas sa pakikitungo. Kailangang maging masigla sa pakikipag-
usap lalo na sa kabiyak.
Isang karagdagang impormasyon galing kay Rev. Fr. Luis A. Tolentino at Zenaida
Batac-Catalan tungkol sa isa sa mga paraan upang tumibay ang pagtitiwala ng
pagsasama ng mag-asawa. Ayon sa kanila, ang paghingi ng paumanhin ng tapat ay isa
sa paraan upang tumibay ang pagtitiwala sa isa’t isa ng mag-asawa. Kapag buong-puso
ang paghingi ng paumanhin, pinalalakas nito ang pagtitiwala ng kabiyak. Mga salitang
tulad ng, “Nagkamali ako”, Naging marahas ako sa iyo”, Hindi kita pinakitaan ng
paggalang”, “Hiniya kita sa harap ng iyong mga kaibigan”, Hindi ko dapat ginawa iyon”, ay
mga pahayag ng pag-amin ng kasalanan. Dapat ang mga ito ay bahagi ng usapan kung
nagkakaroon ng suliranin lalo na sa komunikasyon.
Ayon pa sa kanila, mga taong may integridad at may lakas na loob (courage)
lamang ang maaaring magsabi ng mga ito at humingi ng kapatawaran. Ang
pagpapatawad ay importanteng birtud sa pagsasama ng mag-asawa. Kailangan ding
marinig at maramdaman ng kabiyak ang pagpapatawad upang ganap niyang
maramdaman ang pagbabalik ng tiwala ng asawa.
Sa kabuuan, ang bukas na komunikasyon ay mahalaga sa pamilya. Dito
nagkakaroon ng pagkakataong magkaunawaan at maipadama ang pagmamahal sa bawat
isa. Hindi dapat pabayaan na gawing prayoridad ang pagsasabi ng katotohanan sa iba
kaysa sa kapamilya. Ang mga sekreto at konpidensyal na mga bagay ay nararapat pag-
usapan sa loob ng pamilya kaysa sa labas ng tahanan.
Napatatatag ng pakikipagkapwa ang pamilya
Mula sa Moral Recovery Program na pinamunuan ng dating senador Leticia R.
Shahani, kabilang ang pakikipagkapwa-tao at pagiging makapamilya sa pitong lakas ng
pag-uugali ng mga Pilipino. Talakayin natin ang dalawang ito at suriin kung paano
naiimpluwensyahan ng pagiging makapamilya ang pakikipagkapwa nating mga Pilipino.
Pagiging Makapamilya
Ang mga Pilipino ay nagtataglay ng tunay at malalim na pagmamahal sa pamilya.
Ang pagiging makapamilya ay hindi lamang nakasentro sa asawa, anak, magulang at
kapatid kundi sa lolo, lola, tiyahin, tiyuhin, pinsan, ninong at iba pang itinuturing na
kamag-anak sa dugo at seremonya. Para sa Pilipino, ang pamilyA ang
pinanggagalingan ng personal na pagkakakilanlan, suportang emosyonal at materyal, at
ng pangunahing komitment at pananagutan.
Ang malasakit sa pamilya ay makikita sa pagbibigay-dangal at paggalang sa mga
magulang at nakatatanda, pag-aaruga sa mga anak, pagiging mapagbigay sa mga
kamag-anak sa oras ng kanilang pangangailangan, at sa malaking sakripisyo para sa
kapakanan ng kanilang pamilya.
Ang ganitong pakiramdam na suportado at mahal ka ng iyong pamilya ang
nagiging daan upang magkaroon ka ng tiwalang kabilang ka, may pinagmulan ka at
ikaw ay ligtas o may seguridad.
Pakikipagkapwa
Ang mga Pilipino ay bukas sa iba at may pakiramdam na kabilang sa ibang tao.
Itinuturing ng mga Pilipino na ang ating kapwa ay mayroong dignidad at kagalang-
galang na dapat pakitunguhan bilang tao. Ang pangunahing manipestasyon ng
mabuting pakikipagkapwa-tao ng mga Pilipino ay ang pagtingin sa halaga ng
katarungan, pagiging patas at pagmamalasakit sa kapwa. Naipakikita ang mga
pagpapahalagang ito sa kakayahan ng mga Pilipinong makisimpatya sa paghihirap ng
iba, pagiging matulungin at mapagbigay sa oras ng pangangailangan (pakikiramay),
pagsasagawa ng bayanihan o pagtulong at ang mabuting pagtanggap sa bisita o ibang
tao.
Sensitibo ang mga Pilipino sa nararamdaman ng ibang tao kaya meron tayong
mga pagpapahalagang tulad ng pakikiramdam, pagtitiwala, at pagtanaw ng utang na
loob. Dahil sa pakikipagkapwa-tao, ang mga Pilipino ay higit na sensitibo sa kalidad ng
pakikitungo sa kapwa at umaasa rito. Kung mabuti ang ating relasyon sa ating kapwa,
masaya at may pakiramdam na ligtas tayo.
Ang pakikipagkapwa-tao ay nagreresulta sa pagiging malapit ng bawat Pilipino.
Ito ang nagiging pundasyon ng pagkakaisa at pagpapahalaga sa katarungang
panlipunan.
Paano napatatatag ng pakikipagkapwa ang pamilya at ng pagiging makapamilya ang
pakikipagkapwa?
Mula sa mga nabanggit na dalawang lakas ng pag-uugali ng mga Pilipino,
mahihinuha na ang pagmamahal at pagmamalasakit na ipinamamalas natin sa ating
kapwa ay nag-ugat sa pamilya. Ang pakiramdam na ikaw ay protektado at may mataas
na tiwala sa sarili ay mula sa uri ng pagtratong nakuha mo sa iyong pamilya. Ang uri ng
pagtratong mula sa pamilya ang siya ring batayan ng iyong pagtrato sa kapwa.
Ang mga magulang, kapatid, lolo, lola, tiyahin, tiyuhin, ninong, ninang, at iba
pang itinuturing na kamag-anak sa dugo at seremonya ang mga unang taong
nakahalubilo mo. Mula sa pagmamahal at malasakit na ipinamalas ng iyong mga mahal
sa buhay ay naramdaman mo ang seguridad. Masdan mo ang sanggol na mula sa
pagsilang niya ay pinagkakaguluhan siya ng lahat ng nagmamahal at nagmamalasakit
sa kanya. Binabantayan lahat ng progreso ng kilos at galaw ng sanggol. Sa munting
iyak ng sanggol, ang lahat ay natataranta at sa munting ngiti ng sanggol, ang lahat ay
napapatawa o napapasaya. Kapag ang sanggol ay lumalaki na at nag-uumpisa ng
magsalita at maglakad, ang lahat ay nakabantay kung siya ay madadapa o
masasaktan. Ang lahat ng pakikitungong ito ay nararamdaman ng bata at nagkakaroon
siya ng matibay na tiwala sa kanyang sarili at kapwa.
Sa paglaki ng bata, natututo siyang makihalubilo sa ibang bata at makikita sa
batang ito kung paano niya ipinamamalas sa kapwa niya bata ang naramdamang
pagmamahal mula sa pamilya. Makikita mong inaaabot niya ang kanyang laruan sa
kanyang kalaro. Makikita mong niyayakap niya ang kanyang kalaro. Dito masasabing
kung puro pagmamahal at pagmamalasakit ang naramdaman at natutuhan ng bata,
ganito rin ang kanyang ipakikita sa kapwa. Ngunit paano kaya kung pasakit, gutom,
takot at kalungkutan ang nagisnan ng bata? Paano kung ang bata ay lumaking
sinasaktan, sinisigawan at hinihiya?
Paano Ipinamamalas ang mga Pagmamahal at Malasakit ng Pamilya sa Kapwa
ang ng Kapwa sa Pamilya?
Mahalaga para sa pamilyang Pilipino ang pakikipagkapwa. Maraming
pagpapahalagang Pilipino na kaugnay ng pagpapahalaga ng pamilya sa
pakikipagkapwa. Naniniwala ang mga Pilipino na kung merong tutulong sa iyo sa
kagipitan bukod sa iyong mga kamag-anak, sila ay ang iyong kaibigan o kapitbahay.
Narito ang ilang patunay ng pagpapahalaga ng pamilya sa pakikipagkapwa.
• Ang malapit na kaibigan o kapitbahay ay kinukuhang ninang o ninong ng
kanilang mga anak. Kumare at kumpare ang kanilang tawagan. Sa mga
Pilipino ang ninang o ninong ay katumbas ng pagiging pangalawang mga
magulang. Mahalaga para sa ninong o ninang na bigyan ng gabay ang
kanilang inaanak lalo na sa aspetong ispiritwal.
• Kung ang mag-asawa ay parehong may trabaho at nawalan sila ng
katulong o tagapag-alaga ng kanilang anak, karaniwang iniiwan ang mga
anak sa kapitbahay. Kung malalaki na at kayang mag-isa ng mga anak sa
kanilang tahanan, ibinibilin sa kapitbahay na subaybayan o tingnan ang
mga ito habang sila ay nasa trabaho.
• Tinatawag na magkababata ang mga batang lumaking sabay.
Magkasama silang naglalaro at nagkukwentuhan. Halos kapatid ang
kanilang turingan. Hindi nila pansin kung meron mang agwat ang kanilang
pamumuhay. Ibinabagi ng nakahihigit ang kanyang gamit o anumang pag-
aari sa kanyang kababata at kaibigan. Halos sabay din silang mag-aaral.
Malungkot sila kung magkaiba sila ng paaralan o hindi sila naging
magkamag-aral. Kapag lumipat ng tirahan ang kanyang kababata,
nalulungkot siya at hindi niya ito malilimutan.
• Sa panahon ng kagipitan, nariyan ang mga kapitbahay na handang
tumulong. Nakikiramay ang kapitbahay kung mayroong namatayan o
nasaktan.
Paano Mapayayabong ng Pamilya ang Mabuting Pakikipagkapwa?
Ang mabuting pakikipagkapwa ay higit pang mapayayabong sa pamilya kung sa
pamilya mismo ay matutuhan ang pagpapahalaga at birtud ng pagmamahal,
pagmamalasakit, pagtulong, pakikiramay, pakiki-angkop, pakikitungo at mabuting
pakikisama.
Dahil kasama mo sa tahanan ang iyong mga magulang, kapatid, lolo, lola,
tiyuhin, tiyahin at pinsan, nasusubok ang pagsasabuhay ng mga pagpapapahalagang
nabanggit mula pa sa iyong pagkabata. Mula sa pamilya, mapauunlad mo ang iyong
pakikipagkapwa. Kung nakita mong mabuti ang pagpapalaki sa iyo ng iyong mga
magulang, matuwa ka dahil magiging maayos din ang iyong pakikipagkapwa. Subalit
kung sa iyong palagay ay mayroon kang nakitang hindi mabuti sa inyong pamilya,
huwag kang malungkot sapagkat maaari mo pa rin maitama at mapabuti ang iyong
pagkatao at ang pakikitungo sa iyong kapwa.
Bagama’t sinasabing mula sa pamilya ang lahat ng pagpapahalagang
natutuhan, kung sakaling kulang ang mga ito, maaari ka pa ring maging mabuting tao.
Kailangan mo lamang isipin kung ano ang mabuti at isabuhay ito. Suriin ang mga
pangyayari sa iyong paligid at huwag hayaang maimpluwensyahan ng masama.
Alalahaning, ang iyong buhay ay nasa iyong pagpapasya at ang resulta ng iyong pasya
ay nararapat mong harapin
Ang Pamilya sa Pamayanan
Natural sa mga Pilipino ang pagiging makapamilya. Natural na tulungan ang mga kamag-
anak, lalo na ang mga kapuspalad. Sana, ang pagmamalasakit sa kamag-anak ay maitawid
hanggang sa kapitbahay at sa pamayanan.
Ang lakas ng bawat pamayanan ay makikita sa pagkakasundo ng bawat pamilya. Walang
pamayanan ang magiging maunlad kung walang pagkakaisa ang bawat pamilya.
May mga pamilyang pinipiling magdaos ng kaarawan ang isa sa miyembro ng pamilya sa
bahay ampunan o magbigay ng donasyon sa isang institusyon. Sa halip na bumili ng
mamahaling damit at magkaroon ng malaking selebrasyon, pinipili nilang ipagluto, pakainin at
bigyan ng regalo ang mga batang ulila sa bahay ampunan. Nagiging masaya ang mga bata sa
ampunan kapag nakakasama nila ay ang isang buong pamilya. Bagama’t malungkot para sa
kanila dahil wala silang mga magulang, nagkakaroon naman sila ng ideya kung paano
magkaroon ng isang buong pamilya. Magiging inspirasyon ito sa kanila.
Maraming pagkakataong nasubok ang pagtutulungan ng mga Pilipino. Sa bawat
kalamidad at sakunang nagaganap sa ating bansa, mga kapwa Piipino ang nagtutulungan
upang mailigtas; mabigyan ng lunas; mabigyan ng pagkain at damit; at mabigyan ng bagong
tahanan.
Bakit kailangang tumulong ng pamilya sa pamayanan? Ayon sa isang babasahin, may
tatlong dahilan kunga bakit dapat tumulong ang pamilya sa pamayanan.
1. Mabuti ang pakiramdam ng tumutulong. Ang pakiramdam na nakatulong ka sa iba ay
may dulot na kaligayahan.
2. Napatatatag ang pamayanan. Kung ang mga samahan at ahesya ay may mga
boluntaryong naglilingkod sa pamayanan, nagkakaroon ng pagkakataong umunlad
ang pamayanan.
3. Napatatatag ang pamilya. Nagiging higit na malapit ang pamilya sa tuwing sila ay
tumutulong sa pamayanan. Ang libreng oras ng pamilya ay nagugugol sa pagsama sa
mga boluntaryong gawain para sa pamayanan.
Maging inspirasyon sa iba, lalo na sa kapareho mong kabataan. Sa halip na gugulin ang
libreng oras, yayain ang iyong kapamilya na tumulong sa pamayanan. Kahit na munting
donasyon sa inyong barangay o simbahan, makakatulong ito ng malaki sa mga
nangangailangan.
SECOND GRADING
ANG PAKIKIPAGKAPWA
Ang tao ay likas na panlipunang nilalang. Kailangan niyang mamuhay kasama ang
kapwa tao dahil may mga pangangailangan siyang dapat niyang tugunan upang makamit
niya ang kanyang tunguhin bilang tao. Ang pamumuhay kasama ang ibang tao ay likas na
katangian na pinagkakaiba ng tao sa ibang nilalang. Hindi niloob ng Diyos ang tao na
maging nilalang na nag-iisa (solitary being), ngunit nilikha siya bilang ‘panlipunang nilalang’.
Kaya ang buhay panlipunan ay hindi labas sa tao. Sa pamamagitan ng paglilingkod sa
kapwa at dayalogo, nalilinang ng tao ang kanyang mga talento, uunlad siya at matatamo ang
kanyang bokasyon bilang tao.
Ang panlipunang aspeto ng pagkatao ng tao ay nagpapakita ng paglinang sa sarili at
pag-unlad ng lipunan. Kailangan niya ang mamuhay sa lipunan upang mabigyan siya ng
proteksyon laban sa likas at iba pang uri ng kapahamakan. May mga pangkultural din siyang
pangangailangan na hindi niya matutugunan kung siya ay nag-iisa lamang. Kasama sa
aspetong ito ang sining, musika, panitikan, kasaysayan, pilosopiya, at relihiyon. Ngunit ang
pinakamalaking patunay na siya ay panlipunang nilalang ay ang kakayahan niyang magsalita
(speech) o ang kakayahan niya sa komunikasyon. Kung siya ay nakatakdang mapag-isa,
hindi sana siya pinagkalooban ng kakayahang magsalita. Kung nagkaganoon, hindi na niya
kailangang ibahagi ang kanyang mga iniisip at damdamin.
Ang Kahalagahan ng Pagkakaisa, Komunikasyon at Kooperasyon sa Pakikipagkapwa
Ang panlipunang aspeto ng pagkatao ng tao ay hindi nangangahulugang
magbubunga sa pakikiisa ng tao sa kanyang kapwa. May inklinasyon ang tao na maging
mapag-isa at dominahin ang kanyang kapwa dahil sa kayabangan o pagmamalaki at
pagdaramot. Kaya mahalaga ang pagsisikap na makamit ang kabutihang panlahat.
Nakikipag-ugnayan ang mga tao sa isa’t isa dahil sa pagmamahal at ang layuning makamit
kung ano ang makabubuti sa isa’t isa. Kaya mahalagang pairalin ang pagkakaisa (solidarity),
komunikasyon at kooperasyon o pagtutulungan.
Ang Kahalagahan ng Pagbubuo ng mga Samahan
Ang panlipunang aspeto ng pagkatao ng tao ay ipinakikita sa iba’t ibang paraan.
Ang bawat komponent ng lipunan ay may tungkulin na bumuo ng nagkakaisa at kaiga-
igayang kabuuan. Magagawa ito sa paraang malilinang ang mga bukod-tanging katangian at
kakayahang pamahalaan ang bawat isa. Ang ibang komponent tulad ng pamilya at
pamayanan ng mga laiko at relihiyoso ay direktang tumutugon sa mga pangangailangan ng
tao, samantalang sa boluntaryong paraan lamang tumutugon ang ibang komponent tulad ng
mga samahan (associations). Upang mapaunlad ang pakikilahok ng maraming tao sa buhay
panlipunan, mahalaga ang pagbubuo ng boluntaryong samahan sa loob at labas ng bansa,
na tutugon sa sa mga pangangailangang pangkabuhayan at panlipunan, pangpolitikal,
pangkultural at paglilibang, ng isports, ng mga propesyon. Ang pakikilahok na panlipunang
ito (socialization) ay paraan ng pagtugon sa mga pangangailangang hindi matatamo ng tao
kung siya ay nag-iisa lamang. Kung pipiliin niya o kung pilitin siya, may kakayahang
mamuhay ang tao nang nag-iisa. Ngunit mayroon siyang mga likas na magagawa o
kakayahan na hindi malilinang o mapauunlad kung mangyayari ito. Dito nalilinang ang mga
pagpapahalaga ng tao – lalo na ang pagkukusa at pagtupad ng tungkulin at naipahahayag
niya ang kanyang mga karapatang pantao.
Batay sa ating mga talento at pagkakataon sa buhay, may pananagutan ang bawat
isa sa atin na makapagbahagi sa pag-unlad ng pamayanan sa aspetong panlipunan, politikal,
pangkabuhayan, at pang-ispiritwal. Sakop ng pamayanang ito ang ating pamilya, simbahan o
samahan, lipunan o bansa at ang kalipunan ng mga bansa. Ang layuning moral ng
pakikipamuhay sa kapwa ay ang pagtatayo ng pandaigdigang pamayanan batay sa dignidad
at pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao. Ang pagkakaisa o solidarity o pagkakapatiran
(brotherhood) ang dapat makamit ng lipunang Pilipino.
Isang hamon sa ating mga Pilipino ang pagkakaisang ito – kahit na isa sa mga
kalakasan natin ang pakikipagkapwa. Ayon kay Licuanan, naipamamalas natin ito sa
pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba (empathy), sa pagiging matulungin, pakikiramay
at sa bayanihan (mutual assistance). Dahil sa ugaling pakikipagkapwa, sensitibo tayo sa
ating pakikipag-ugnayan at maligaya at panatag tayo kung maayos at matiwasay ang ating
mga ugnayan. Mayroon tayong kakayahan na magpakita ng malasakit at pagmamahal sa
iba.
Sa kabilang dako, ang ating pakikipagkapwa ay maaaring maging dahilan ng
kawalan ng katarungan at ng walang pagsasaalang-alang sa mga tuntunin at hakbangin. Sa
pag-iinagt nating makasakit ng damdamin ng ating kapwa, di tuloy nakapagbibigay ng
konstruktibong puna at mahirap pairalin ang mga pamantayan.
Mahalagang isaalang-alang ang resulta ng pananaliksik ni Licuanan tungkol sa
kahinaan nating mga Pilipino sa pagpapaunlad ng ating pakikipagkapwa. Ikaw, bilang
nagdadalaga o nagbibinata, paano mo mapauunlad ang pakikipag-ugnayan mo sa iyong
kapwa? Narito ang ilang prinsipyo na makatutulong tungo dito:
Mga Prinsipyo sa Pagpapaunlad ng Pakikipag-ugnayan sa Kapwa
1. Paggalang sa Pagiging Indibidwal ng Kapwa. Mahalagang kilalanin at igalang ang
pagkabukod-tangi ng kapwa. Bawat isa ay may pagangailangan sa aspetong
pangkatawan, intelektwal, emosyonal, panlipunan, pangkabuhayan at pang-
ispiritwal. Kailangang maging sensitibo sa kanyang pangangailangan. Ang kusang
pagbabahagi ng talento at kagamitan lalo na sa panahon ng mahigpit na
pangangailangan ay nagpapaunlad ng pakikipagkapwa.
Narito ang mga paraan ng pagpapamalas nito:
a. Makinig at sumagot nang ayon sa kanyang sinasabi.
b. Tumugon nang may pagdama at pakikiisa sa kanyang damdamin (empathy).
c. Ipadama ang pagmamalasakit at maging maaalahanin.
d. Gawin ang mga bagay na magbibigay ng kasiyahan at kapayapaan.
Halimbawa, iwasan ang pakikipagtalo.
2. Pagpapahayag ng mga Damdamin. Kung ipinahahayag sa kapwa nang maayos at
nang angkop sa panahon ang damdamin, napauunlad ang pagkakaunawaan sa isa’t
isa. Nakapagbibigay ito nang suportangb emosyonal at pinaglalapt ang nasa
ugnayan.
Sa kabilang dako, kapag hindi ipinahahayag ang tunay na damdamin, nagkaka-agwat
at nasisira ang ugnayan. Kaya mahalaga ang dayalogo upang makapag-usap nang
mahinahon. Mahalaga ang pakikinig nang obkektibo at nang walang paghuhusga.
Paano ito maipamamalas?
a. Ihanda ang sarili bago ang dayalogo. Manalangin at magrelaks muna bago
humarap sa kapwa. Gawing layunin ang pagkakasundo. Sabihin ang sitwasyon
ng di pagkakaunawaan at banggitin ang epekto nito sa iyo. Halimbawa:
Sitwasyon: Hinintay kita nang matagal. Umuwi ka na pala nang di mo man lang
sinabi. Di ka man lang nag-text.
Epekto sa akin: “Pakiramdam ko, wala kang malasakit sa damdamin ko at hindi
mo pinahalagahan ang pagiging magkaibigan natin.”
Tandaan na mas positibo ang ugnayan kapag nagsisimula sa pagsasabi ng iyong
damdamin sa sitwasyon kaysa akusahan o husgahan mo siya ng di maganda
dahil sa pananaw mo sa ginawa niya.
b. Makinig nang matama (attentive). Maging handa rin sa damdaming sasabihin
niya, maging negatibo man ito. Mas uunlad ang pang-unawa mo sa ibang tao
kung sasanayin mo ang iyong kakayahan sa pakikinig.
3. Pagtanggap sa Kapwa. Ito ay ang pagtanggap ng kanyang kalakasan at kahinaan,
ng maganda at di magandang katangian at saloobin at asal. Ibig sabihin, di natin
hinuhusgahan ang kapwa batay sa ating mga pamantayan o tuntunin. Ang kanyang
pagkatao ang ating tinatanggap, hindi ang kanyang di magandang asal at saloobin.
Di rin natin siya babaguhin batay sa mga pamantayang ito. Mas madali itong sabihin
o isulat kaysa isagawa, ngunit mahalagang may kamalayan ka sa kahalagahan nito
sa pagpapanatili ng mabuting ugnayan.
Kapag tinanggap mo ang iyong kapwa, may inkliknasyon din siyang tanggapin ka.
Ngunit mangyayari lamang ito kung may pagtangggap ka rin sa iyong sarili. Nakasalalay ang
mabuting ugnayan sa kapwa sa pag-unlad ng kamalayan at pagtanggap sa sarili.
Nakapaloob dito ang paniniwala at pag-asa na mapabubuti pa ang bawat tao anuman ang di
magandang nangyari sa kanyang buhay; at sa tulong ng pagninilay at pagkilala sa sarili,
mababago ang pagtingin niya sa sarili. Kapg nangyari ito, mapapabuti rin ang pagtanggap
niya sa kanyang kapwa.
Paano ito maipamamalas? Iwasan ang paghuhusga at ang pagpilit na sundin niya
ang iyong pamantayan at sumang-ayon sa iyong pananaw. Maaaring ang mga bagay na
inaakusa o hinuhusgahan natin sa ating kapwa ay taglay din natin. Matutuklasan natin ito sa
pagninilay. Ang paghuhusga ay ang kabaligtaran ng pagtanggap.
4. Pag-iingat sa mga Bagay na Ibinahagi ng Kapwa (Confidences). Ito ang isa sa mga
napakahalagang prinsipyo ng pagpapaunlad ng pakikipagkapwa. Habang lumalalim
ang ugnayan sa pakikipagkapwa, nagkakaroon ng pagbabahagi ng mga personal o
sensitibong bagay sa sarili. Mahalagang ingatan ang mga ito sa pamamagitan ng di
pagbabahagi o pagkwento nito sa iba. Kapag ginawa mo ito, mawawala ang tiwala
sa iyo ng iyong kapwa at baka tuluyan ng masira ang inyong ugnayan o
pakikipagkaibigan.
Ang pag-iingat sa mga bagay na ibinahagi sa iyo (keeping confidences) ay
nagpapakitang kamalayan sa pangangailangan ng kapwa na ingatan ang aspeto ng
kanyang sarili na maaaring magdulot ng kahihiyan o maglagay sa kanya sa
kapahamakan. Ito rin ay ang pag-iwas sa padalus-dalos na pagbabahagi ng
ganitong mga sensitibo o personal na impormasyon tungkol sa kapwa, kahit hindi
niya sinabi sa iyo na “Huwag mong sabihin kahit kanino.”
Kapag nangyari ito, magsisimula ang tsismis o pagkukwento ng mga personal na
aspeto ng tao na pinag-uusapan o pinagbubulungan ng marami. Ito ay nakasisira ng
pagkatao hindi lamang ng taong pinag-usapan kuni ng mismong taong nagbahagi.
Paano maipamamalas ito? Iwasan ang pagrerelakmo sa ibang tao tungkol sa
kahinaan ng kapwa. Mahirap gawin ito, ngunit sa pagsisikap na magkaroon ng
panahon para sa regular na pagninilay at panalangin, magkakaroon ka ng lakas na
paglabanan ang kahinaang ito.
Ang paglinang ng sarili upang maging mabuting kapwa ay isang prosesong
pinagdaraanan ng bawat isa araw-araw; kaya bawat araw binibigyan tayo ng pagkakataong
baguhin natin ang ating sarili. Sabi nga ni Gorospe sa “Moral Philosophy in a Philippine
Context”, ang pagmamahal sa kapwa, kapag pinagsikapang makamit ng bawat Pilipino, ay
kakalat sa buong kapuluan. Maidaragdag natin na: Maipamamalas din ito sa buong daigdig
sa gabay ng Diyos at ng mabuting tunguhin at sa tulong ng mga makabagong teknolohiya.
1. Matapos ang babasahin ay itanong sa mga bata ang mga sumusunod:
a. Bakit kailangan ng tao ang mamuhay sa lipunan?
b. Anu-ano ang mga pangangailangan ng tao na natutugunan dahil sa kanyang
pakikipagkapwa? Ipaliwanag ang bawat isa.
c. Anu-ano ang mga pangkultural niyang pangangailangan na hindi niya matutugunan
kung siya ay nag-iisa lamang?
d. Ipaliwanag: “Ang pinakamalaking patunay na ang tao ay panlipunang nilalang ay
ang kakayahan niyang magsalita (speech) o ang kakayahan niya sa komunikasyon.”
e. Ipahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa pangungusap: “Ang panlipunang aspeto
ng pagkatao ng tao ay hindi nangangahulugang magbubunga sa pakikiisa ng tao sa
kanyang kapwa.”
f. Bakit kailangan ng taong mapabilang sa mga samahan? Patunayan batay sa iyong
karanasan.
g. Anu-ano ang mga likas na magagawa ng tao na hindi malilinang o mapauunlad kung
hindi siya nakikipamuhay kasama ang kanyang kapwa? Ipaliwanag.
h. Paano nalilinang ang mga pagpapahalaga sa pamamagitan ng pakikipagkapwa?
i. Ipaliwanag kung bakit ang pakikipagkapwa ay kalakasan at kahinaan din ng mga
Pilipino.
Pakikipagkaibigan
Maliit na bagay lamang iyon, ngunit lubhang naging napakahalaga para kay Tricia.
Malaki ang suliranin niya noon. Dalawang mahahalagang pagsusulit ang kanyang kukunin
kinabukasan – ang dalawang huling eksamen sa taon – ngunit ilang araw din siyang liban sa
klase kung kaya’t hindi siya nakapag-aral para dito. Lubhang napakaraming araling kailangan
pang basahin. Hindi sya dapat lumagpak dito. Kagagaling man nya sa sakit kinakailangan
niyang mag-aral – sa buong magdamag.
Isang buntong libro ang kaharap ni Tricia ng tumunog ang telepono nang alas-dose ng
gabi. Si Gina iyon. Bago pa nag haiskul si Tricia ay matalik nyang kaibigan si Gina.
Nagkahiwalay sila dahil lumipat na sa probinsya si Gina. Magkalayo man madalas naman silang
magtawagan. Kaya nga’t naibulalas ni Tricia kay Gina ang lahat ng sama ng loob nito at pag-
aalala. Matapos silang mag-usap ay nagbalik ito sa pag-aaral ng leksyon. Nagulat si Tricia ng
muli’y tumunog ang telepono makalipas lamang ang isang oras.
Si Gina muli ito. Tumawag siya upang tiyaking gising ang kaibigan at upang bigyan ito
ng lakas ng loob na magpatuloy. Paulit-ulit itong tumawag tuwing makaisang oras sa buong
magdamag.
Habang papalapit na ang madaling araw ay masayang nagpatuloy ng pag-aaral si Tricia.
Inaabangan ang mulit-muling pagtawag ng kaibigan. Kaya nga nang oras na ng eksamen ay
handang handa si Tricia para dito.
Walang maisip na maitulong si Gina para kay Tricia sa gabing iyon liban sa pagpapakita
nya dito ng suporta. At ito nga ang kanyang ginawa. Dahil alam niyang may nag-aalala sa
kanya ay masayang nagpatuloy sa pag-aaral si Tricia buong magdamag. Sino pa nga ba liban
sa isang matalik na kaibigan ang magpupuyat sa buong magdamag dahil lamang sa pag-aalala
sa isang taong nasa kabilang dulo ng bansa?
Pagpapatunay ng Kaibigan
Noong panahon ng digmaang sibil sa Amerika, ang pangulo noon na si Abraham Lincoln
ay nakatanggap ng napakaraming apela upang maggawad ng kapatawaran sa mga sundalong
nahatulang mamatay dahil sa desersyon o pagtakas sa gitna ng digmaan. Ang bawat pakiusap
ay may kalakip na mga sulat na nagpapatunay na ang sundalo ay karapat dapat sa
klemensiya . Ang mga sulat ay mula sa kanilang mga kaibigan o mga taong nasa
kapangyarihan.
Isang araw ay nakatanggap ang pangulo ng isang apela na kakaiba sa lahat. Dumating
ito na wala ni isa mang kalakip na sulat na nagbibigay tetimonya sa kabutihan ng sundalo. Si
Pang. Lincoln ay nabagabag sa sitwasyong ito kung kaya’t agad niyang tinanong ang
nakakataas na opisyal ng naturang sundalo. Hindi makapaniwala si Pang. Lincoln nang sabihin
ng opisyal na ang sundalo ay wala nang natitirang mga kaibigan at nangamatay na rin ang lahat
nitong kamag-anakan sa digmaan. Sinabi nitong sa susunod na araw na nya ito
pagpapasyahan.
Lubhang naging mahirap sa pangulo ang magpasya tungkol dito. Ang disersyon ay hindi
birong krimen sa panahon ng digmaan. Kung patatawarin niya ito, maaring magbigay ito ng
maling impresyon sa iba pang mga sundalo. Ngunit hindi niya maiwasang mabagbag ang
damdamin para sa isang taong wala ni isang kaibigan.
Kinaumagahan, laking pagkagulat ng opisyal ng sundalo nang sabihin ng pangulo na
isang testimonya ng kaibigan ng sundalo ang nagligtas dito sa sentensyang bitay. Ipinaalala ng
opisyal na walang sino mang kaibigan ang sundalong ito at walang sumulat para siya ipakiusap.
Sumagot ang pangulo, “Ako ang magiging kaibigan niya, “ at nilagdaan nito ang klemensya
para sa sundalo.
PAKIKIPAGKAIBIGAN
Isang batang lalaki ang gumawa ng kanyang unang tula tungkol sa pakikipagkaibigan.
Mahalaga ang Aking Aso sa Akin
Ang aking aso ay tahimik at mabait na kasama
Hindi niya sinasabing Gawin Mo!…, tulad ni ina
Hindi niya sinasabing Huwag mong gawin!…, tulad ni ama
Hindi niya sinasabing Tigil!, tulad ni kuya
Ang aking asong si bantay at ako ay tahimik lamang na nakaupo sa isang sulok ng
mundo
Gusto ko siya at gusto nya rin ako!
Matalik na magkaibigan si bantay at ako
Ito ang pakahulugan ng isang paslit sa pakikipagkaibigan. Ikaw ba ano ang
pakikipagkaibigan para sa iyo? Nakalulungkot ngunit tunay na kakaunti ang mga ginagawang
pag-aaral tungkol sa napakahalagang bahaging ito ng ating buhay.
Ayon sa Wikipedia ang pakikipagkaibigan ay isang higit na malalim na uri ng pakikipag-
ugnayan sa kapwa kaysa karaniwan. Ang halaga ng pakikipagkaibigan ay nababatay sa
pagpapakita ng mga sumusunod na pagpapahalaga ng magkaibigan sa isa’t isa: 1) ang
pagnanais ng makabubuti para sa kaibigan; 2) pakikiramay at pakikiisang damdamin; 3)
pagiging totoo; 4) pagiging maunawain at mapag-alala; 5) pagtitiwala (na hindi huhusgahan ng
kaibigan); 6) pagbibigayan.
Higit na malalim ang pakahulugan sa pakikipagkaibigan ng isang taong nakaranas nang
mabiyayaan ng tunay na kaibigan. Ayon nga kay Emily Dickenson, isang sikat na Amerikanang
manunula, “Para sa akin ang larawan ng Langit ay isang malawak at bughaw na kalangitan…
malawak pa sa pinakamalawak na nakikita ko tuwing tag-araw – at sa loob nito ay naroroon ang
lahat ng aking mga kaibigan – bawa’t isa sa kanila.” Para kay C.S. Lewis isang manunulat na
Ingles at makabagong pilosopo, “ang pakikipagkaibigan ay hindi natin pangunahing
pangangailangan, tulad ng pilosopiya, mga likhang-sining…hindi ito kinakailangan upang
mabuhay; bagkus isa ito sa mga bagay na nagbibigay halaga sa buhay.” Si George Santayana
naman, isang Español na manunula, ay isinulat na “ang isang kaibigan ay ang bahagi ng
sangkatauhan kung saan maari kang maging (totoong) tao.” Tulad din ito ng sinabi ni Ralph
Waldo Emerson, isang manunulat na Amerikano, “sa harap ng tunay na kaibigan ay maari
akong maging totoo, sa harap niya ay maari kong ibulalas ang aking mga iniisip.”
Maging si Aristotle ay nagsabi na “walang tao na pipiliing mabuhay na walang mga
kaibigan.” Ayon pa sa kanya habang tumataas tayo ng estado sa buhay lalo lamang umiigting
ang pagnanais nating magkaroon ng kaibigan. Sabi naman ni Plato, ang kanyang guro, “Ang
tunay na pagkakaibigan ay walang wakas at imortal.”
Kung nais natin ng mas malalim pang pag-unawa sa pakikipagkaibigan, kailangan
nating maintindihan ang nagbabagong pananaw tungkol dito sa paglipas ng panahon.
Ang Pananaw ng mga Sinaunang Pilosopo
May tatlong pilosopiya tungkol sa pakikipagkaibigan ang kumakatawan sa tradisyunal na
kanluraning pananaw sa pakikipagkaibigan: ito ang pilosopiya ni Aristotle, ang paglalarawan ni
Cicero at ang ispiritwal na pagpapakahulugan dito ni San Agustin. Si Aristotle ay isang
pilosopong Griyego na nabuhay noong 384 B.C. hanggang 332 B.C. o bago pa ipinanganak si
Kristo; si Cicero naman ay isang Italyanong politiko at pilosopo na nabuhay din noong bago
ipanganganak si Kristo; si San Agustin, ay kinikilalang isang maimpluwensyang manunulat sa
pilosopiyang Kristiyano noong 354 hanggang 386 A.D. at magpahanggang sa kasalukuyang
panahon.
Ayon kay Aristotle ang tunay na pakikipagkaibigan ay maari lamang mangyari sa pagitan
ng mabubuting tao. Ang bawat isa ay naghahangad ng ikabubuti ng kaibigan sapagkat mabuti
ang pagkatao nila. Hinahangad nila ang ikabubuti ng kaibigan dahil lamang sa malasakit dito at
hindi dahil sa kasiyahang naidudulot o silbi nito sa kanila. Pinahahalagahan ang kaibigan tulad
ng pagpapahalaga sa sarili. Samakatwid, ang taong ito ay naghahangad din ng pansariling
ikabubuti kung kaya’t mahalaga sa kanya ang ikabubuti ng kaibigan.
Gayon pa man, may tatlong uri daw ng pakikipagkaibigan. Ang una ay ang
pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan. Kaibigan lamang ang turing sapagkat
kailangan niya ito. Sa oras na matapos na ang pangangailangan dito ay natatapos na rin ang
pagkakaibigan. Madalas ang ganitong ugnayan daw ay sa pagitan ng dalawang matatanda.
Karaniwang ang ganitong pagkakaibigan ay dala lamang ng pangangailangan upang
magkaroon ng kasama o kaagapay sa buhay.
Ang ikalawang uri ay ang nakabatay sa pansariling kasiyahan. Karaniwan daw ito sa
mga kabataan dahil ang damdamin at kapusukan ang namamayani sa buhay ng mga ito.
Habang sila’y tumatanda at lumalago, nagbabago din ang mga bagay na nagpapasaya sa
kanila; kaya nga kasabay nito’y maaring magbago na rin ang damdamin sa kaibigan. Sa
kabataan din nararamdaman ang umibig sa katapat na kasarian. Sa panahong ito ay maaring
piliin nila ang makapiling palagi ang kanilang iniibig.
Ang ikatlong uri ay ang pakikipagkaibigan na nakabatay sa kabutihan. Ang
pakikipagkaibigan sa antas na ito ay nananatili hanggang nanatiling mabuti ang magkaibigan; at
ang pagiging mabuti ay isang katangiang tumatagal. Ang isang taong naghahangad ng
ikabubuti ng kapwa ay tunay na nakatutulong at may silbi sa kaibigan. Gayun din napasasaya
ng magkaibigan ang isa’t isa sa kanilang pagiging magkaibigan; sapagkat anumang lubos na
mabuti ay nakapagbibigay ng kasiyahan. Masasabing pambihira ang ganitong uri ng
pagkakaibigan. Natural ito sapagkat bihira din naman ang lubos na mabuting tao. Ang ganitong
uri ng pakikipagkaibigan din ay nangangailangan ng panahon at pagkakataong lubos na
makilala ang isa’t isa. Mahirap matanggap ang isang tao bilang kaibigan hanggang hindi pa nito
napatutunayang siya ay karapat-dapat sa pagkakaibigang ito. Ang pagnanais na
makipagkaibigan ay higit na mabilis kaysa sa pagiging tunay na magkaibigan.
Hindi rin naman nalalayo ang pananaw ni Cicero kay Aristotle. Ayon sa kanya may isang
batas ang pakikipagkaibigan- “na dapat nating hilingin mula sa kaibigan at gawin para sa kanya
yaong makabubuti lamang.” Kung maari nga daw ay huwag na nating hintayin pang hilingin sa
atin ito ng kaibigan. Dapat ay buong puso nating gawin ang makabubuti sa kanya. Huwag din
daw tayong magkulang sa pagpapayo. Kung maari’y maging mapanindigan sa pagbibigay nito
lalo’t hinihingi ng mga pagkakataon. Dapat ding tayo’y maging karapat-dapat sa
pakikipagkaibigan. Nararapat na nagtataglay tayo ng mga katangiang kaibig-ibig. Mahalin natin
ang ating kaibigan na wari ba’y ikalawang sarili natin. Kaya nga mahalaga rin na mahalin natin
ang ating sarili.
Para kay Cicero, mga birtud ang nagbibigay daan at nagpapanatili ng pagkakaibigan.
Kinakailangan sa pakikipagkaibigan ang pagkakatulad ng interes, katapatan at tibay. Hindi rin
niya inihihiwalay ang pag-ibig sa pakikipagkaibigan. Ang dalawa daw ay may iisang salitang-
ugat sa Latin – am; amiticia ang Latin para sa salitang kaibigan at amor naman ang sa pag-
ibig. Para sa kanya ang mga salitang pakikipagkaibigan at pag-ibig ay ang pagkaakit at pagkasi
o pagmamahal sa isang tao na hindi dahil lamang sa pagkagiliw dito o sa hinahangad na
makamit dito. Ipinayo niya na sa mundong ito, dahil ang lahat sa huli ay nagwawakas o
namamatay, patuloy tayong maghanap ng mamahalin at magmamahal sa atin; dahil kung
mawawala ang pagmamahal at kabutihan sa ating buhay, ay mawawala riin ang sanhi ng
pagnanais na mabuhay.
Ang pananaw ng mga Kristiyano sa pakikipagkaibigan
Malaki ang pagkakaiba ng pananaw na Kristiyano sa pagmamahal (agape) sa naunang
pananaw nina Aristotle at Cicero. Ang pakikipagkaibigan, ayon sa dalawang pilosopo ng
lumang panahon, ay pinipili o may pagkiling at kailangang sinusuklian din ng pakikipagkaibigan.
Samantalang, ayon sa mga turo ni Kristo, nararapat nating mahalin ang ating kapwa tulad sa
ating sarili. Ang pagmamahal na ito ay walang pinipili – kaibigan, hindi kaibigan o maging
kaaway man. Nakabase din ang uri ng pakikipagkaibigang ito sa pagpapatawad.
Si San Agustin na marahil ang pilosopong Kristiyano na nagpatunay at nagbigay ng
mataas na pagpapahalaga sa pakikipagkaibigan. Ayon nga kay Edward Sellner (1991), si San
Agustin ay tunay na malapit sa kanyang mga kaibigan at saan mang dako at ano mang yugto
sa kanyang buhay ay palagi siyang napaliligiran ng mga ito.
Ayon sa Kristiyanong pananaw, “hindi magkakaroon ng tunay na pagkakaibigan kung
ang magkaibigan ay hindi pinag-isa ng pagmamahal ng Diyos na pinalalaganap sa ating mga
puso sa pamamagitan ng ispiritu santo.” (Confessions, IV, 73)
Kung ang pakikipagkaibigan ay inilalarawan ng mga klasikong manunulat bilang – ang
makaagapay na paghahanap ng kagandahan, katotohanan, at karunungan; sa Kristiyanong
pananaw, ang paghahanap na ito, sa huli, ay maghahatid sa atin sa pinagmumulan ng
Kagandahan, Karunungan, Katotohanan, at Pag-Ibig; ang Diyos.
Mahalaga rin ang konsepto ng pagpapatawad sa pakikipagkaibigan. Ayon nga sa
Lumang Tipan, sina Moses at Abraham ay tinawag na mga kaibigan ng Diyos. Sa bagong tipan
sinabi ni Kristo na ang pakikipagkaibigan sa Diyos ay hindi nakareserba sa iilan o sa mga pinili
lamang. Sino mang sumunod kay Kristo, nagmahal sa kapwa ay maari Niyang maging kaibigan.
Ayon sa Juan 15:15 “hindi ko na kayo tatawaging mga utusan sapagkat hindi nalalaman
ng utusan ang ginagawa ng kanyang panginoon, tinawag ko kayong kaibigan sapagkat ang
lahat ng narinig ko sa aking Ama ay ipinaalam ko sa inyo.” Ibinigay ni Kristo ang kanyang buhay
upang mapatawad tayo sa ating mga kasalanan. Gayon din sinabi niya sa Marcos 11:25 “At
kung kayo’y nakatayong nanalangin, magpatawad kung kayo’y may sama ng loob sa kanino
mang tao, upang patawarin naman kayo ng inyong Amang nasa langit sa inyong mga
kasalanan.
Modernong Pananaw
Maraming manunulat sa kasalukuyan ang naglalarawan sa pakikipagkaibigan bilang
isang ugnayang pinili ng dalawang taong kapwa may kalayaang magpasya para sa sarili.
Inilalahad ito bilang isang espesyal na ugnayan sa pagitan ng dalawang nilalang na may pantay
na katayuan o kalagayan sa buhay. (Bell at Coleman, 1999) Gayun pa man may mga
tumutuligsa sa pananaw na ang pagiging magkaibigan ay malayang pinipili at isang personal na
pasya. Ito ay sapagkat lahat ng pakikipag-ugnayan sa ating kapwa ay nangyayari sa loob ng
hangganang idinidikta ng katayuan sa buhay, edad, lahi, at kinalalagyan o lugar. (Graham Allan,
1989)
Si C.S. Lewis ang nagsabi na ang pakikisama o maging ang pakikihalubilo ay mga
sitwasyong maaring pag-ugatan ng pakikipagkaibigan. Madalas nga ang iba ay
pinagkakamalang pakikipagkaibigan ang pakikisama. Nagiging magkaibigan ang dalawang
magkasama, hallimbawa sa trabaho o sa libangan, kung sa kanilang madalas na pagsasama ay
natuklasan nilang mayroon pala silang pagkakapareho na wala sa iba. Madalas ang tunay na
pagkakaibigan ay nagsisimula sa mga katagang – “Ang ibig mong sabihin ay ikaw rin… akala
ko ako lang…!” Hindi lamang ito basta pagkakatulad sa relihiyon, pag-aaral, propesyon o
karera, o pinaglilibangan. Sa ganitong uri ng pagtitinginan, ang pagtatanong ng “Mahal mo ba
ako?” ay pagtatanong din ng “Nakikita mo ba ang nakikita ko?” o kaya’y Mahalaga ba sa iyo
ang mahalaga sa akin?
Gaya nga ng nabanggit, ang pakikipagkaibigan ay nakapaloob sa iba pang aspeto ng
pamumuhay ng tao. Sa ating kultura, madalas masasabi natin na tunay nga nating itinuturing na
kaibigan ang isang kasama kung siya ay ating isinasama sa ating tahanan at ipinakikilala sa
ating mga kaanak. Ang isang katrabaho halimbawa ay maaring sa trabaho lamang natin
kasabay kumakain, naghihintay ng sasakyan, o maaring kakwentuhan at kabiruan pero hindi
natin siya matatawag na kaibigan kundi kasama lamang sa trabaho kung hindi sya nagiging
bahagi ng mahahalagang kabanata sa ating buhay, lalo na ang buhay pamilya. Halimbawa’y sa
kasal, luksa at paglilibing, pagbibinyag, mga anibersaryo at kaarawan, at maging sa pasko,
bagong taon at iba pang katulad na kasayahan. Sinang-ayunan din ang obserbasyong ito ng
pag-aaral ni Allan (1996).
KOMUNIKASYON SA PAKIKIPAGKAPWA
Dati, kapag may gusto kang sabihin sa isang tao, kailangan mo siyang puntahan,
gaano man siya kalapit o kalayo sa iyo. Mahalaga man o hindi ang sasabihin mo,
kailangan mong maglaan ng pagod upang ito ay maibahagi. Ngayon, ilang pindot na
lang sa telepono, masasabi mo na ang iyong nais sabihin, ilang tipa na lamang sa
keyboard ng computer at maibabahagi mo na ang iyong kaisipan at damdamin sa isang
tao. Nakabalita ka na ba ng isang kakilala na nagkakilala dahil sa cellphone, nagligawan
dahil sa cellphone, nagkaroon ng malapit na ugnayan dahil sa cellphone o maaaring
nagpakasal dahil sa cellphone? Ang lahat nga naman ay napadadali ng teknolohiya.
Ngunit sa kabila ng ginhawang ito ay may natatagong epekto ito sa pakikipagkapwa ng
tao.
Ang komunikasyon ay napakahalaga sa anomang pakikipag-ugnayan.
Nagagawang posible ng komunikasyon ang relasyon o pakikipag-ugnayan,
pagkakaibigan, at pagiging malapit ng mga kasapi ng pamilya. Mahalagang mahubog
ang kakayahan ng isang tao na gamitin at unawain ang iba’t ibang uri ng komunikasyon.
1. Pasalita. Ito ang pangunahing uri ng komunikasyon. Kasama rito ang pasalita
(oral) at pasulat (written) na komunikasyon. Sa ganitong uri ng komunikasyon
mahalagang tandaan na ang iyong salita at pagpapaliwanag ay nakaaapekto
sa kaisipan at damdamin ng taong tatanggap nito. Kailangan din ng pag-
iingat sa mga salitang gagamitin upang hindi makasakit ng damdamin ng
kapwa.
2. Di-Pasalita. Ito ay mahalagang uri ng komunikasyon. Mas masasalamin ang
totoong damdamin sa ekspresyon ng mukha o sa galaw ng katawan. Kapag
nakikipag-ugnayan tayo sa ibang tao, tayo ay nakapagbibigay at
nagkatatanggap ng hindi mabilang na di pasalitang hudyat (signals). Ang
lahat ng ating mga di-pasalitang gawi – ang galaw, maging ang paraan ng
pag-upo, kung gaano kalakas o kabilis ang pagsasalita, gaano tayo kalapit sa
ating kausap, ang pagtingin sa mata n gating kausap – ay nagpapadala ng
mahahalagang mensahe sa ating kausap. Ipinahihiwatig sa atin na higit sa
salita ang makabubuo ng isang mabuting at matatag na ugnayan o relasyon.
Makatutulong ito sa iyo upang:
a. Mabasa nang tama ang isang tao, maging ang kanyang damdamin at ang
mga di- pasalitang mensahe na nais niyang iparating
b. Makalikha ng tiwala at pagiging bukas sa isang ugnayan
c. Makatugon sa mga d-pasalitang hudyat (cues) na nagpapahiwatig sa iba
na nakauunawa ka, napapansin mo ito at iniintindi mo ang kanilang
mensahe
3. Virtual. Ang virtual na komunikasyon ay dulot ng makabagong teknolohiya
kung saan ang paghahatid ng impormasyon o aksyon ay naipahahatid saan
mang lokasyon gamit ang information technology. Dahil sa patuloy na
paglago ng teknolohiya sa mundo, marami na ang naging pagbabago. Sabi
nila dahil sa teknolohiya nagkalapit ang mundo. Naging madali ang
komunikasyon para sa lahat. Ngunit kailangang isaisip na hindi nito
mapapalitan ang personal na interaksyon. Mas malallim na pakikipag-
ugnayan ang nabubuo ng personal na pakikipag-ugnayan.
Mahalagang maunawaan ang lahat ng uri ng komunikasyon upang mapaunlad ang
kakayahan sa pakikipagkapwa. Bahagi ito ng ating buhay sa araw-araw kung data itong
paunlarin. Kasabay ng pagpapaunlad ng paggamit ng iba’t ibang uri ng komunikasyon ay
mahalaga ring maunawaan ang mga antas nito.
Limang Antas ng Komunikasyon
1. Pakikipag-usap sa isang simpleng kakilala (Level of Acquaintance). Ang ganitong uri
ng pakikipag-usap ay pinakamababaw ngunit sa ating mga Pilipino, madalas natin
itong ginagamit. Halimbawa sa mga pagkakataon na ikaw ay kumakain at mayroong
dumaang kakilala o kaibigan, tatawagin mo ito at aalukin ng pagkain ngunit alam mo
naman na sapat lamang ito para sa iyo. Inaanyahan mo siya para lang masabi na
nag-anyaya ka ngunit kulang sa sinseridad. Maraming salita na nakagawian na
lamang nating sabihin at para bang awtomatiko nang lumalabas sa ating bibig ngunit
salat sa lalim. Halibawa, “Kumusta?” … “OK lang”. Hindi na natin nabibigyan ng
malalim na pansin ang tunay na kahulugan nito. Hindi makabubuti kung ang lahat ng
tao ay iyong kakausapin sa ganito lamang na antas.
2. Pakikipag-usap upang magbahagi ng makatotohanang impormasyon (Reporter’s
Talk). Ito ay pagbabahagi ng mga impormasyon na tumutugon sa tanong na Ano,
Sino, Saan, Kailan at iba pa. Ibinahagi mo lamang sa ibang kung ano ang iyong
nakita o narinig at kung saan at kailan ito naganap. Sa ganitong antas ng
komunikasyon, wala tayong ibinabahaging malalim tungkol sa ating sarili at wala
tayong hinihingi tungkol sa ating kausap. Dito, hindi hinihingi ang opinyon o ng
ekspresyon ng damdamin. Hindi ito bumubuo ng intelektwal, emosyonal, ispiritwal o
pisikal na pagkakalapit (intimacy).
3. Pakikipag-usap upang magbahagi ng ideya o opinion (Intelllectual talk). Sa
pagkakataon na ito, hindi na lamang mga impormasyon ang ating ibinabahagi kundi
nagbabahagi na rin tayo ng ating opinyon, mga pakahulugan o interpretasyon, at
mga paghatol (judgements). Hinahayaan na natin na makita ng tao ang ating iniisip
at kung paano pinoproseso ang mga impormasyon na nakakalap nito. Sa antas na
ito, may mga posibilidad na magdulot ng pagsasalungatan, kung kaya nga ang taong
nagsasalita ay nagiging maingat na sa mga salitang kanyang bibitawan.
Nagsasagawa muna siya ng obserbasyon sa reaskyon ng kanyang kausap bago
niya ipagpatuloy ang pagsasalita. Kung nakikita ang positibong tugon sa kanyang
sinasabi, nagbibigay ito ng hudyat na maaari niyang ipagpatuloy ang pagbabahagi
ng kanyang iniisip.
4. Pakikipag-usap upang magbahagi ng sariling damdamin (Emotional Talk). Sa antas
na ito, malaya na na naibabahagi ang iyong sariling damdamin sa iba. Mas mahirap
magbahagi ng damdamin kaysa sa iniisip dahil itinuturing natin na ang ating
damdamin ay pribado. Maituturing na malayo ang agwat nito sa ikatlong antas dahil
malalim na bahagi ng ating sarili ang ibinabahagi sa ibang tao. Mas madaling
tanggapin ang pagsalungat sa opinyon o ideya ngunit hindi sa damdamin. Maaaring
isipin na kaya sinasalungat ang iyong damdamin ay dahil may itinatagong sama ng
loob sa iyo ang isang tao o kaya naman ay malalim na galit. Kapag nangyari ito,
hindi mo na hahayaang muling maibahagi sa kanya ang iyong damdamin,
maglalagay na iyo ng pader sa inyong ugnayan. Kung kaya mahalaga ang pagiging
maingat sa paggamit ng antas na ito. Ngunit kapag napagtagumpayan ito, mas
malalim na uri ng pakikipag-ugnayan ang maaaring mabuo rito.
5. Pakikipag-usap upang ibahagi ang totoong sarili na ginagabayan ng pagmamahal
(Loving, Genuine, Truth Talk). Ito ang pinakamtataas na antas ng komunikasyon. Sa
pagkakataong ito, ibinabahagi na natin sa ibang tao ang ating mga
pangangailangan, mga alalahanin, pangarap, takot o pag-asa. Nasasabi natin ang
lahat ng ito nang buong katapatan at wala tayong inhibisyon o pag-aalinlangan. Sa
bahaging ito, mahalaga ang pagtanggap, pag-unawa at paggalang. Huwag
kakaligtaan na mapagtatagumpayan lamang ito kung ito ay gagabayan ng tunay na
pagmamahal.
Ang pagkakaroon ng kamalayan sa limang antas na ito ay makatutulong upang
mapahusay ang kalidad ng ating pakikipag-ugnayan o komunikasyon sa ating kapwa. Habang
tumataas ang antas ng komunikasyon na ating ginagamit, mas lumalalim ang pakikipag-
ugnayan na matatamo. Hindi imposibleng makamit ang ika-limang antas. May mga sagabal na
maaaring kaharapin sa proseso nito. Narito ang ilan hango sa internet.
Mga Hadlang sa Epektibong Komunikasyon:
1. Pagtanggi (Denial) – May mga pagkakataon na ang tao ay tumatangging
ibahagi lalo na yaong mga bagay na hindi tayo komportableng ibahagi sa
ating kapwa. Lalo na kung mga bagay na hindi natin masabi nang harapan o
kaya naman ay mga bagay na hindi tayo komportableng ipagtapat sa kanila
nang harap-harapan.
2. Pagpapalit (Substitution) – May mga pagkakataon na naibabaling natin sa
ibang tao ang mga bagay na hindi natin masabi sa taong nararapat na
makatanggap nito. Hal. mayroon kang sama ng loob sa iyong ina, sa halip na
kausapin mo siya upang ibahagi ang iyong damdamin ay sinasabi mo ang
lahat ng ito sa iyong kaibigan. Nakahahadlang ito sa epektibong
komunikasyon dahil hindi makatutulong ang pagbaling sa ibang tao upang
mabigyang-solusyon ang suliranin.
3. Di-pagkakapareho o di-pagkakaangkop (Incongruence) – Nangyayari ito sa
mga pagkakataon na ang pasalitang paraan ng komunikasyon ay di
tumutugma sa ekspresyon ng mukha, tono ng pananalita, lakas o hina na
boses at iba pa. Ang taong tumatanggap ay magbibigay ng kaniyang sariling
interpretasyon sa iyong ipinahihiwatig. Minsan halimbawa, mas
pinaniniwalaan ng tao ang ekspresyon ng mukha kaysa sa sinasabi ng tao.
Sa pagkakataon na sinasabi nating masaya tayo ngunit mas lungkot ang
mababakas sa ekspresyon ng mukha, mas paniniwalaan nila na hindi totoo
ang saya na iyong sinasabi.
4. Pagbabawal (Inhibition). May mga pagkakataon, lalo na sa tahanan kung
saan pinagbabawalan ang ilang kasapi na magbahagi ng ilan sa kanilang
mga ideya at damdamin. Kapag nakasanayan, magiging balakid ito sa ganap
na pagiging bukas sa komunikasyon sa loob ng pamilya.
Sa lahat ng pagkakataon ay mahalagang pairalin ang katatagan at ang pagiging
maingat. Maging sa komunikasyon sa pakikipagkapwa ay kailangan itong ilapat. Akala natin
sapat na na nasasabi natin ang ating iniisip at nadarama ngunit mahalagang magsikap upang
ito ay magkaroon ng positibong bunga sa pakikipagkapwa. Simulan mo na ang pagsusuri sa
iyong kakayahan sa komunikasyon sa pakikipagkapwa upang mapagsikapan mong baguhin
ang mga mali at mas paunlarin ang ginagawa mo nang tama.
ANG EMOSYON
Sabi nila ang vetsin, pampalasa ng pagkain. Itaktak mo lang sa pagkain
malalasahan na ang linamnam nito. Yan ang naririnig lagi sa isang patalastas sa
telebisyon. At kung gagamitin ang pagtutulad, dito natin maihahalintulad ang
emosyon ng tao. Ito ang vetsin ng buhay. Ito ang nagbibigay ng buhay, kulay at
saysay sa buhay ng isang tao. Masarap maging masaya hindi ba? Yung saya na
parang walang anoman na pwedeng mangyari na makapapawi nito. Yung hindi
maalis-alis sa mukha mo ang ngiti, nagniningning ang iyong mga mata at magaan na
magaan ang iyong pakiramramdam. Ang sarap balika-balikan ng ganitong mga
pagkakatao. Isa lamang itong halimbawa ng nakapakaraming iba’t ibang emosyon na
maaari mong maramdaman. Makatutulong sa iyon ang babasahin na ito upang
maging mas malalim ang iyong pag-unawa tungkol sa emosyon. Handa ka na ba?
Ayon sa etika, ang tao ay biniyayaan ng dalawang uri ng kakayahan o
pakultad na mas madaling maipakikita sa pamamagitan ng isang tsart na hango sa
aklat ni Esther Esteban (1990) na Education in Values, What, Why and for Whom.
Kalikasan ng Tao Kakayahang Makaalam
(Knowing Faculties)
Kakayahang Maghangad
(Appetitive Faculties)
Materyal Panlabas na pandamdam
Panloob na pandamdam
Emosyon
Ispiritwal isip (intellect)
(konsensya)
Kilos loob
Nangangahulugan ito na ang emosyon ay isang biyaya. Ito ay natural na
sangkap sa pagiging isang tao. Ang emosyon, na madalas na tinatawag na
damdamin, ay galing sa salitang latin na “emovere” na nangangahulugang pagpukaw
(to excite) o paggising. Ito ay may kaugnayan, ngunit iba, sa mood ng tao. Ang
emosyon ay tiyak na tugon sa isang partikular na pangyayari na mas madalas ay
panadalian lamang. Bakit nga ba mayron emosyon ang tao? Mayroong pisikal at
sikolohikal na layunin ang emosyon. Naniniwala ang ilang siyentipiko na ang
emosyon ang isa sa pinakapangunahin o pinakamahalagang katangian (trait)
nakagnay ng pagiging tao. Ito ang nagbibigay ng kulay sa buhay ng tao, ang
nagbibigay sa kanya ng lalim at ang dahilan ng kanyang pagiging katangi-tangi.
Ayon sa aklat ni Adele Lynn (2005) na The EQ Difference, mayroon daw
tatlong pangunahing sangkap o bahagi ang emosyon ng tao.Mahalagang maunawaan
natin ang lahat ng ito upang maging ganap ang ating pag-unawa tungkol sa emosyon.
Tatlong Pangunahing Sangkap ng Emosyon
1. Nagbibigay-malay o kognitibo (cognitive component). An gating mga pananaw,
iniisip, paniniwala, at mga inaasahan ang bumubuo sa bahagi o sangkap na ito ng
emosyon. Sabi nga sa isang aklat, ayon kay Shakespeare sa kanyang aklat na
Hamlet, “walang mabuti o masama, ngunit ang isip ang nagpapabuti o
nagpapasama dito”. Ang ating pananaw, iniisip, paniniwala at mga inaasahan na
nananahan sa ating utak ay nakatutulong sa pagdidkta ng ating emosyon.
Halimbawa, mula sa pagkabata ay pangarap mo ng maging guro, nakahanda na
ang iyong sarili na ito ang kursong iyong kukunin pagdating sa kolehiyo, labis labis
ang iyong paghanga sa iyong mga guro dahil nakikita mo na ang iyong sarili sa
kanila sa hinaharap. Ang lahat ng iyong pagsisikap ay iniaalay mo sa pangarap na
ito. Ngunit kinakausap ka palagi ng iyong mga magulang at kanilang sinasabi sa
iyo na mas maganda kung isaw ay magiging nurse dahil mas maganda ang
kinabukasan na naghihintay sa iyo. Sinabi nila na may pag-asa ka pang
makarating ng ibang bansa. Nanghihnayang daw sila sa iyong katalinuhan kung
ikaw ay magiging guro lamang. Sa bawat pagkakataon na kayo ay magkikita ay
lagi nilang sinasabi ito sa iyo. Ikinukwento pa nila sa iyo palagi ang mga kakilala
niyang nurse na nasa ibang bansa at ang napakaganda ng katayuan nila sa
buhay at ng kanilang pamilya. Kung kaya habang tumatagal din ay napansin mo
na rin ang pagbabago sa pagtingin at pakikitungo mo sa iyong guro at hindi na
katulad ng dati ang iyong ang iyong tuwa kapag naiisip mo na ikaw ang magiging
guro. Dahil nababago na ang iyong pananaw at naaapektuhan nito ang kalagayan
ng iyong emosyon.
2. Pisyolohikal (Physiological component). Paano kaya kung minsan isang
hatinggabi at naglalakad ka sa daan ay biglang may nakita kang tao sa iyong
harapan at nakita mong tumatakbo patungo sa iyo, ano kaya ang iyong
mararamdaman? Malamang labis labis ang iyong nadaramang takot. Ang takot
na ito ay awtomatikong magdudulot ng reaksyon pisyolohikal katulad ng mabilis
na pagtibok ng puso, panunuyo ng lalamunan, mabilis o hindi regular na
paghinga, panginginig ng katawan o malamang pagpapawisan ka. Ang mga
pisyolohikal na reaksyon na ito ay nakatutulong sa atin upang protektahan tayo at
kontrolin ang ating kilos, tumutulong ito upang awtomatikong tumugon an gating
isip kung sa panahon ng panganib tayo na ay aatake, poprotektahan ang ating
sarili o uurong na lamang. Ito ay kontrolado ng ating limbic system, partikular ang
hypothalamus at amygdala. An gating katawan ay naglalabas ng mga malalakas
na hormones na nagpapatalas ng ating pakiramdam, nagpapatatag ng ating
muscle at nagpapalakas ng tibok ng ating puso. Ang iyong kakayahan na kilalanin
ang mga pisikal na reaksyon na ito ng iyong katawan ay makatutulong sa iyo
upang ganap mo ring makilala ang iyong emosyon. Hindi ito nagsisinungaling. Sila
ang pinaka kapani-paniwalang mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa iyong
emosyon.
3. Behavioral. Kasama rito ang iba’t ibang anyo ng ekspresyon na maaaring
maidulot ng ating emosyon. Halimbawa, ekspresyon ng ating mukha (facial
expression), tindig ng ating katawan, galaw, o tono ng boses na lahat ay
nagbabago kung tayo ay nakararamdam ng kagalakan, takot, galit o lungkot. Ang
mga reaksyon na ito ang nagbibigay sa ibang tao ng clue o palatandaan sa kung
ano ang tunay na nararamdaman.
Malaki ang maitutulong ng pag-unawa sa mga sangkap na ito upang ganap na
makilala ng tao ang mga emoson na kanyang nararamdaman. Ano-ano nga ba ang
iba’t ibang emosyon ng tao? Ito naman ang susunod na tanong na bibigyan natin ng
kasagutan. Ayon kay Esteban (1990), mayroong mga pangunahing emosyon ang tao.
Pangunahing Emosyon
Pagmamahal (love)
Paghahangad (desire)
Kagalakan (joy)
Pag-asa (hope)
Tapang (courage)
Pagkamuhi (hatred)
Pag-ayaw (aversion)
Pighati (sorrow)
Kawalan ng pag-asa
(despair)
Takot (fear)
Galit (anger)
Ikaw, naramdaman mo na ba ito? Huwag kang mag-alala kung hindi mo
pa ganap na nauunawaan ang mga emosyon na ito. Maraming tao ang
nakararanas ng ganito. Hindi lahat ng tao ay ganap ang kaalaman sa kanyang
emosyon, hindi lahat ay may sapat na kakayahan upang kilalanin ang kanyang
tunay na nararamdaman. Sa maniwala ka o sa hindi, kailangan ding pag-aralan
ang emosyon ng tao. Marahil itatanong mo, Kailangan pa ba yon? Ano naman
ang tulong nito sa akin?
Noon, ang sukatan ng galing ng tao ay nakabatay sa kanyang katalinuhan,
sa kakayahan ng kanyang isip. Sabi nga nila, nakakainggit naman ang taong
mataas ang IQ. Ngunit sa paglipas ng panahon at nakikita nila na sa maraming
mga institusyon, mayroon pa ring kulang sa katalinuhan na nagiging balakid
upang hindi maging ganap ang kanilang tagumpay. Maraming matatalinong tao na
hindi pa rin nahahanap ang kakuntentuhan sa buhay. Kaya nilang bigyang
katwiran ang maraming bagay ngunit bakit hindi pa rin sapat. Dahil sa maraming
pangyayaring katulad nito, nakita ng maraming siyentipiko ang halaga ng
emosyon at ang kapangyarihan ng pangangalaga rito.
Nakakita ka na ba ng isang lalaki na sa sobrang galit ay sinusuntok ang
pade o kaya naman ay nag-aamok sa daan? Nakarinig ka na ba ng balita na may
isang tao na inatake sa puso nang malaman na nanalo siya sa lotto? O ng isang
kabataan na sa labis napaghahangad na mahalin ng isang babae ay gumawa ng
paraan upang ito ay paniwalain sa maraming mga kasinungalingan? Ilan lamang
ito sa mga patunay na maraming mga pagkakataon na hindi napanghahawakan
ng tao ang kanyang emosyon at nagdadala ito ng hindi magandang bunga sa
kanyang sarili at maging sa kanyang pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa. Ito
ang dahilan kung bakit kailangan ng tao ng literasiya (literacy) sa kanyang
emosyon. Kung titingnan mo ang katumbas na salita sa Filipino ng literacy,
makikita mo na ito ay karunungang magbasa at magsulat. At sa pakahulugan ni
Francis Seeburger (1997) sa emotional literacy, inihalintulad niya ito sa
karunungan ng tao sa pagbasa. Dahil ito ay ang pagkakaroon ng tao ng sapat na
karunungan upang basahin ang kanyang emosyon. Dalawa ang kakayahan na
binanggit ni Seeburger sa kanyang aklat:
1. Linangin ang kakayahan ng tao na maramdaman ang lahat ng mga
emosyon at,
2. Pag-aralang maramdaman ang emosyon na akma sa totoong
sitwasyon na ating kinasasangkutan.
Para sa kanya kailangan munang pag-aralan na basahin ng isang tao ang
mga emosyon. Katulad ng isang batang nagbabasa, kailangan muna niyang
mabasa ang bawat isang salita, kailangan munang malaman ng tao ang bawat
isang emosyon at maramdaman ito at makita ang pagkakaiba nito sa iba pang
emosyon. Sa ganitong paraan mas madali na para sa atin na malaman kung ano
ang nararapat na emosyon sa bawat pangyayari na kinakaharap natin sa araw-
araw. Hindi tayo aabot sa pagkakataon na parang wala tayong maisagot kundi,
“Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman”. Kapag
napagtagumpayan ito, magiging madali na ang pagsisimula sa pag-aaral ng
pamamahala sa emosyon.
Mahalaga rin na matutunan na magkaroon ng kamulatan sa sariling
emosyon. Ito ay nangangahulgang pagkilala sa kung paano nakaaapekto ang
ating emosyon sa ating pagganap ng ating mga gampanin at ang ating kakayahan
na gamitin ang ating mga pagpapahalaga upang gabayan tayo sa ating mga
pagpapasya. Ang mga taong mayroong ganitong kakayahan ay (Goleman, 1998):
1. Nakikilala kung ano ang emosyon na kanilang nararamdaman at mulat
sa dahilan
2. Nakikilala ang kaugnayan ng kanyang damdamin at ng kanyang iniisip,
ginagawa at sinasabi
3. Nakikilala kung paano naaapektuhan ng kanilang damdamin ang
kanilang pagganap o paggawa
4. Mayroong kamulatan sa kanilang pagpapahalaga at mithiin
Ayon kay Goleman, ang taong may kagalingan sa kakayahan na ito ay
mulat sa kanyang emosyon sa lahat ng pagkakataon – madalas na napupuna
kung ano ang pisikal na pakiramdam na kaakibat nito. Nasasabi niya ang mga
damdamin na ito at naipakikita ang niya ng wastong ekspresyon nito. Hindi ito
mahirap, lalo na kung pagtutuunan ng pansin at pagsisikap. Kapag
napagtagumpayan mo ito, masasabi na na mataas ang iyong EQ o Emotional
Quotient, mas kilala itong Emotional Intelligence. Ito ang nakita ng mga siyentipiko
na pantapat sa IQ, ito ang nakikita nilang kakulangan ng mga taong mataas ang
IQ ngunit hindi pa rin masaya at ganap na nagtatagumpay. Ayon pa rin ay
Goleman, mahalagang mapagyaman ng tao ang kanyang kakayahang emosyonal
at sosyal upang ganap na mapangasiwaan ang iyong emosyon.
Limang pangunahing kakayahang emosyonal at sosyal
1. Pagkilala sa Sarili (Self-awareness). Pag-alam sa kung ano ang ating
kasalukuyang nararamdaman at gamitin itong gabay sa ating mga
pagpapasya; pagkakaroon ng makatotohanang pagsusuri sa ating mga
kakayahan at makatwirang tiwala sa sarili
2. Pangangasiwa sa Sarili (Self-regulation). Pangasiwaan ang ating
damdamin upang ito ay makatulog sa halip na maging sagabal sa ating
mga kasalukuyan gawain; pagpapairal ng katapatan sa halip na
pagtugong sa pansariling kasiyahan sa pagkamit ng mga mithiin; at
magiting na pagbangon mula sa dalamhati, sakit o pangamba
3. Motibasyon. Gamitin ang ating kakayahang mamili upang makatulong sa
pagkamit ng ating mga mithiin, tulungan tayong magsimula at magsikap
na pagyamanin ang sarili at magtiyaga sa kabila ng mga sagabal at
kabiguan
4. Pagdama at Pag-unawa sa Damdamin ng iba (Empathy). Pagdama sa
kung ano ang nararamdaman ng kapwa, maunawaan ang perspektibo ng
ibang tao at pagyamanin ang pakikipag-ugnayan at pakikiisa sa iba-
ibang uri ng tao
5. Kakayahang sosyal. Napamamahalaan nang mahusay at wasto ang
emosyon sa pakikipag-ugnayan gamit ang kakayahang basahin ang
sosyal na sitwasyon at maayos na pakikipag-ugnayan; ginagamit ang
mga kakayahan na ito upang makahimok at mamuno, makipagkasundo,
at magsaayos ng hindi pagkakaunawaan para sa pagtutulungan at
teamwork.
Ang ilan sa mga pangunahing hinahangad ng tao ay ang magtagumpay sa
buhay, maging masaya kasama ang pamilya at ang magkaroon ng mabuting
pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang lahat ng ito ay makakamit kung tunay na
pagsisikapan at kung ilalapat natin ang mga kaalaman ukol sa pamamahala ng ating
emosyon at kung gagamitin mong gabay ang mga pagpapahalaga at birtud. Lagi
mong tatandaan, hindi makatutulong kung lagi susunod lamang ang iyong katawan sa
digta ng iyong emosyon. Kailangang laging isaisip na kailangan mong ipakita ang
tamang damdamin sa tamang lugar, tamang pagkakataon at sa tamang tao.
Huwag mong talikuran ang hamon upang mapataas ang iyong EQ. Makikita
mo na sa pagtatagumpay mo, hindi matutumbasan ng anomang halaga ang premyo
na iyong makukuha. Ngayon pa lang. Simulan mo na.
THIRD GRADINGPasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa
Ang pagpapasalamat, madaling sabihin pero bakit parang sa ilan napakahirap itong
bitawan. May mga pagkakataon marahil na may nakaharap ka na isang bata o mas
nakatatanda sa iyo na hindi mo ikinatuwa dahil sa kabila ng kahit maliit lamang na bagay na
nagawa mo para sa kanya ay hindi man lamang nagpakita ng damdamin ng pasasalamat.
Parang wala lang… Nakalulungkot di ba? Minsan nga nakakaiinis. At sinabi mo sa sarili mo na
kahit na kailan hindi mo na siya tutulungan ulit.
Ano nga ba ang kahalagahan ng pagpapasalamat? Bakit nga ba marami nang tao sa
ngayon, lalo na mga kabataan, ang nakalilimutan na yata ang magpasalamat? Tama bang
pangangatwiran na hindi ka na tumulong dahil hindi ka napasalamatan? Bago natin sagutin ang
mga tanong na ito, linawin muna natin kung ano nga ba ang kahulugan ng pasasalamat.
Ang salitang pasasalamat na sa salitang Ingles ay “gratitude” ay ngangahulugang
damdamin ng pasasalamat at katuwaan bilang tugon sa pagtanggap ng isang regalo o kaloob –
karapat-dapat man ito o hindi para sa iyo, materyal man o simpleng kabutihan mula sa iyong
kapwa. Ang pasasalamat ay isang pagpapasya. Ito ay laging nariyan, hindi nawawala o hindi
namamatay, ngunit ang tao pa rin ang mamimili kung lagi itong isasama bilang bahagi ng
kanyang buhay.
Paano nga ba taglayin ang damdamin ng pasasalamat? Mahalagang simulan ito sa
ating sarili. Minsan kasi masyado tayong sensitibo sa paghahangad ng pasasalamat mula sa
iba ngunit hindi tayo sensitibo sa pagbibigay ng pasasalamat sa ating kapwa. Tandaan mo na
hindi mo kayang ibigay ang anomang wala sa iyo. Kung kaya sa araling ito sisimulan natin ang
pagtuturo sa ating sarili na maging mapagpasalamat. Ang asal at kilos ng isang tao ay
naiimpluwensyahan ng kanyang pansariling mga pananaw. Sumusunod ang ating kilos batay sa
takbo ng ating isip. Kung mulat ang ating mga mata at isipan sa dami ng mga magagandang
bagay na mayroon tayo sa araw-araw: pagkain sa mesa, damit na maisusuot, pamilya,
kaibigan, kalusugan at edukasyon, saka pa lamang natin mapahahalagahan ang pagiging
mapagpasalamat. Kaya lang kung minsan, marami tayong hinahangad, masyadong malayo ang
ating paningin kung kaya nalalampasan natin ang mga tao at bagay na malapit sa atin. Sa
ganitong mga pagkakataon, nakaliligtaan natin ang magpasalamat. Huwag mo sanang
kalilimutan na ang tunay na kasiyahan at kaligayahan ay hindi nakabatay sa yaman o kasikatan.
Kasi kung ang mga ito ang nakapagpapaligaya sa tao, bakit maraming milyonaryo at mga
artista ang nagpapakamatay, nalululong sa droga at nasisira ang pamilya? Nabubulag ang
maraming tao sa kinang ng salapi at nalulunod sa ibinibigay na paghanga kung kaya
nakalilimutan nilang pahalagahan ang maliliit ngunit makabuluhang bagay sa kanilang paligid.
Hindi natin maitutuon ang ating pansin sa halaga ng pagiging mapagpasalamat kung ang ating
isip at puso ay puno ng mga paghahangad at kagustuhan. Kailangan natin maging masaya sa
kung ano ang mayroon tayo ngayon upang magkaroon tayo ng pagkakataon na makita ang
tunay na ganda ng buhay. Ang lahat ay dito nagsisimula. Dito nakasalalay kung paano rin tayo
magiging mapagpasalamat sa anomang bagay na ginagawa sa atin ng ating kapwa.
Isa ka ba sa mga bulag sa ganda ng buhay? Hindi ba maganda ang iyong pananaw sa
mundo kung kaya hindi rin maganda ang pananaw mo sa mga tao sa iyong paligid? Kailangang
mabago ito, kung ang iyong nais ay tunay na maging makabuluhan ang iyong buhay. Narito
ang ilang mga mungkahi upang mabago ang ating pananaw at asal gamit ang pasasalamat
(gratitude).
1. Gamitin mo ito upang hindi mabigyang-puwang ang anomang negatibong
damdamin. Minsan, hindi maganda ang gising mo sa umaga, parang wala kang
gana kumilos, mag-isip at makihalubilo. Upang mawala ang damdaming ito, mag-isip
ka ng kahit isang bagay lang na dapat mong ipagpasalamat. Ang simpleng magising
ka pa para sa isa na namang araw ay napakalaking biyaya na dapat ipagpasalamat.
Dito mo madalas na ituon ang iyong pansin sa buong araw, lalo na kung bumabalik
na naman ang damdamin ng pagkabagot at kawalang-gana. Hayaan mong burahin
ng pagpapasalamat ang anomang hindi magandang damdamin. Ikaw lamang ang
makagagawa nito, ikaw ang magdidikta sa iyong isip ng kung ano ang iyong iisipin.
2. Simulan mong magpasalamat sa lahat ng tao na iyong nakasasalamuha sa bawat
araw. Mayroon ka bang kaklase na sa iyong palagay ay sinusubok ang iyong
pasensya sa madalas na pagkakataon? Kapag may ganito kang damdamin, mag-
isip ka ng anomang bagay na taglay ng taong ito na karapat-dapat mong
ipagpasalamat. Lagi mong ipaalala sa iyong sarili na ang lahat ng tao ay mayroong
positibo at negatibong katangian. Lagi mong ituon ang iyong pansin sa mga
positibong katangian ng iyong kapwa at mapapansin mong mababago nito ang iyong
paraan ng pakikitungo sa kanila.
3. Sa tulong ng pagiging mapagpasalamat mas matutuon ang iyong pansin sa mga
mabubuting bagay sa iyong paligid. May mga pagkakataon ba na tinatalo ng
negatibong pag-iisip ang iyong tiwala? Kahit pa naglaan ka ng sapat na panahon sa
pag-eensayo, kapag nakita mo ang iyong mga makakalaban sa paligsahan,
natatakot ka na matalo. Hindi ito magandang palatandaan. Sa halip dapat mong
isipin na, “ginagawa ko ang lahat upang ako ay maging mahusay. Ang lahat ng aking
sakripisyo ay magbubunga. Ako ay labis na nagpapasalamat sa ganitong talentong
ibinigay sa akin ng Diyos. Sa tulong ng ganitong pag-iisip matutuon lamang ang
iyong pansin sa pag-iisip na magandang pagkakataon ito upang ibahagi sa iba ang
iyong talento na biyaya ng Diyos. Mawawala ang pag-aalinlangan. Mapapawi ang
takot.
Sa ganitong proseso, magiging malaking bahagi ng iyong pang-araw-araw na buhay ang
pagpapasalamat. Tandaan mo na ito ay pinipili, ikaw lamang ang magpapasya kung talagang
nais mong maging ganito ang takbo ng iyong buhay. Lagi mong isaisip at isapuso ang
dalawang mahalagang bagay kung iyong mapagpasyahang simulan na gawing bahagi ito ng
iyong buhay. Una, ilagay mo sa gitna ng iyong buhay ang pagiging mapagpasalamat at
pangalawa, hanapin mo ang kahit pinakamaliit na bagay na dapat mong ipagpasalamat sa
iyong pag-iral, lahat ng iyong karanasan at pakikipag-ugnayan.
Maging Mapagpasalamat
Ipagpasalamat mo dahil wala pa sa iyo ang lahat ng iyong hinahangad,
Kasi kung nasa iyo na ang lahat ng bagay, ano pa ang papangarapin mo para sa hinaharap?
Ipagpasalamat mo kapag may mga bagay na di mo pa nalalaman,
Dahil ito ang nagbibigay sa iyo ng pagkakataon upang matuto.
Ipagpasalamat mo ang mga pagkakataong may dumarating sa iyong mga pagsubok,
Dahil sa mga pagkakataon na ito, lumalago ka bilang tao.
Ipagpasalamat mo ang iyong mga limitasyon,
Dahil ang mga ito ay nagbibigay sa iyo ng pagkakataon upang patuloy na umunlad.
Ipagpasalamat mo ang bawat hamon,
Dahil ito ang magbibigay sa iyo ng lakas at bubuo sa iyong pagkatao.
Ipagpasalamat mo ang iyong mga pagkakamali,
Ang mga ito ang nagtuturo sa iyo ng mga ginintuang aral.
Ipagpasalamat mo kapag ikaw ay pagod o napapagal
Dahil nangangahulugan ito na may nagawa kang kapaki-pakinabang.
Madaling ipagpasalamat ang mga magagandang bagay na nangyayari sa iyong buhay
Ngunit ang buhay na tunay na puno ng kabuluhan at matatawag na ganap ay nagmula sa
pagpapasalamat maging sa mga sagabal sa patuloy mong paglago.
Sa pasasalamat ang negatibo ay maaaring maging positibo.
Sikapin mong ipagpasalamat maging ang iyong mga suliranin at sa huli, ito ay magiging isang biyaya.
Ngunit kung minsan siguro naiisip mo, paano ako magpapasalamat kung ang lahat na
yata ng nangyayari sa buhay ko ay
hindi naaayon sa gusto ko? Paano
kung parang mali yata ang maraming
aspeto sa aking buhay? Ayon kay
Terrance McConnel, ang
pinakamahalagang bagay na
nararapat mong gawin ay ang
tanggapin ang pananagutan sa kung
anoman ang nangyayari sa iyong
buhay. Ikaw lang naman talaga ang
nagpapatakbo ng iyong buhay. Hindi
tama na iasa mo na lamang lahat sa
ibang tao ang mga pagpapasya mo
sa buhay at ang isisi mo sa ibang tao
ang iyong mga pagkakamali. Anoman
ang mali sa buhay mo ngayon ay
bunga ng mga pagkakamali mo sa
nakaraan. Ito ay bunga ng hindi mo
pagiging maingat sa iyong mga
pagpapasya at kilos. Kung ikaw ang
dahilan sa anomang bagay na
nangyayari sa iyo sa kasalukuyan,
ikaw din ang maaaring makapag-
ayos nito. Ang kailangan lamang ay
tanggapin mo ito.
Ang bawat pangyayari o karanasan sa iyong buhay ay parang isang “guidepost” na
nagsasabi sa iyo kung ikaw ba ay nasa tamang landasin patungo sa iyong mithiin. Ito rin ang
nagsasabi sa iyo kung mayroong kailangang mabago sa iyong mga pananaw upang iwasan na
ang makagawa pa ng isa pang pagkakamali. Mahalagang kilalanin at ipakita mo ang
pagpapasalamat dahil ang lahat ng nangyayari sa iyong buhay ay isang milagro, ito ay isang
likha na walang ibang gumawa kundi ikaw lamang.
Nakapupukaw ng pansin ang nilalaman ng tulang ito mula sa internet na isinalin sa ating
wika. Pagnilayan mo ang mensahe nito at gamiting gabay sa araw-araw. Makatutulong ito sa
iyo lalo na sa mga pagkakataong iniisip mo na parang wala ng magandang nangyayari sa iyong
buhay.
Bahagi na ng ating pagkabata ang pagtuturo sa atin ng ating mga magulang na maging
mapagpasalamat sa mga ginagawang mabuti sa atin ng ating kapwa. Kung kaya mabilis para
sa atin ang magsabi ng SALAMAT dahil ito ay bahagi ng turo sa atin ng kagandang-asal. Ang
ating kakayahang magpasalamat kahit na sa napakaliit na bagay na nagawa para sa atin ng
ating kapwa ay palatandaan tayo ay nahubog ng ating mga magulang na taglay ang
pagpapahalaga. Mahalagang ibalik natin ang nararapat para sa taong nagbigay ng tulong sa
atin; makasarili ang taong ipagsasawalang-bahala ang tulong na ibinibigay ng kapwa.
Ang ating mga magulang halimbawa, alam natin na ang kanilang ginagawa para sa atin
ay hindi naghihintay ng anomang kapalit o kabayaran. Taos sa kanilang puso ang tayo ay
paglingkuran bilang kanilang anak. Ngunit hindi ito nangangahulugan na sila ay hindi na
pasasalamatan. Mas nararapat na sila ay pasalamatan dahil sa kanilang pagmamahal at pag-
aaruga sa atin hanggang sa ating paglaki. Makatataba ng kanilang puso ang makitang
sinusuklian mo ang kanilang pagmamahal at pag-aaruga. Narito ang ilan sa mga makabuluhang
paraan kung paano mo maipakikita ang iyong pasasalamat sa loob ng tahanan: (International
Association of Character Cities, 2000)
Paggawa ng mga gawain sa tahanan nang kusa o kahit hindi inuutusan. Ito ay
makababawas sa gawain ng iyong mga magulang. Ang panahong gugugulin nila
para rito ay maaari nang ilaan para sa iba pang gawain o sa pagpapahinga.
Tandaan lamang na ito ay dapat na ginagawa nang may pagmamahal at
pananagutan
Pagsasabi sa mga magulang at kapamilya ng pagkalugod dahil naging bahagi
sila ng iyong buhay. Sa paraang ito, maipadarama mo sa kanila na hindi ka
magiging buo kung wala sila sa iyong buhay
Pagsasabi ng salitang “salamat” sa bawat masarap na pagkain na kanilang
niluto, sa mga damit na kanilang nilabahan, sa regalong iyong natanggap noong
iyong kaarawan at marami pang iba
Pag-alala at pagpaplano para sa kaarawan ng kahit na sinong miyembro ng
pamilya. Mahalaga ang araw na ito para sa lahat ng tao, kung kaya siguradong
makalulugod sa kanila kung iyong inalala ang napakahalagang araw na ito. Sa
ganitong paraan, mararamdaman nilang sila ay pinahahalagahan at minamahal
Pagpapakita ng pagpapahalaga sa pamamagitan ng paggawa ng anomang
bagay na mahalaga sa isa’t isa. Kung mahalaga para sa iyong ina at ama ang
pagsimba nang sama-sama tuwing linggo, huwag mo itong ipagkait sa kanya.
Maging sa labas ng pamilya, may mga taong naglilingkod sa iyo na hindi mo nabibigyan
ng tuon upang pasalamatan. Sila rin ay marapat sa iyong taos-pusong pasasalamat. Maaring
para sa iyo, ginagawa lamang nila ito dahil ito ay kanilang trabaho, ngunit ang pagganap nila ng
kanilang tungkulin ay matapat at taos sa kanilang puso. Katulad ng iyong guro na hindi alintana
ang pagod masiguro lamang na maayos na naibibigay an edukasyon na iyong kailangan.
Marami sa kanila ay walang hinihintay na kapalit mula sa iyo kundi ang makita ikaw ay natuto.
Nararapat na tayo ay magpasalamat sa mabubuting bagay na nagawa sa atin ng ating
kapwa. Kailangan na mas mangibabaw ito kaysa ang mga sakit na minsan nilang naibigay sa
iyo. Hindi dapat ituon ang tingin sa maliit na tuldok sa gitna ng isang malinis na papel. Anoman
ang kabutihang natanggap natin mula sa kanila ay kailangan nating ibahagi rin sa iba. Ang
panahon na ibinigay sa iyo ng iyong kaibigan upang pakinggan ang iyong mga suliranin, ang
salita ng iyong kaklase na nagbigay sa iyo ng pag-asa, ang suporta ng iyong mga kakilala sa
gitna ng isang pagsubok ay mga bagay na madaling ipasa sa iba. Huwag mong sarilinin ang
napakagandang pakiramdam sa pagtanggap nito. Huwag mong hayaang huminto ang gawaing
katulad nito na tunay na nakapagpapaangat ng iyong kabuuan.
Ang pagiging mapagpasalamat ay mayroong dalawang mahalagang gantimpala sa tao.
Una, Walang katumbas na kagalakan at ikalawa, tunay na pagkakaibigan. Mga bagay na hindi
kailanman matutumbasan ng halaga, hindi maaaring ipagpalit sa kahit na pinakamahal na
dyamante. Hindi magiging mahirap ang gawaing ito para ito ay iyong matanggap.
Ngunit huwag nating kalilimutan na higit sa kanino pa man, ang ating higit na
pasasalamat ay nararapat para sa Diyos. Anoman o sinoman ang mayroon ka sa buhay mo
ngayon ay biyaya mula sa Kanya. Hindi ikalulugod ng Diyos na manatiling hindi maging kapaki-
pakinabang ang anomang biyaya mula sa kanya. At mas higit na hindi ikalulugod ng Diyos
kung hindi natin pahahalagahan ang mga ito. Halimbawa, ang sirain natin ang ating katawan
dahil sa bisyo o pagpupuyat ng walang magandang dahilan, ang abusuhin natin ang kalikasan
dahil sa ating kasakiman, ang sirain natin ito dahil sa ating kapabayaan at ang sirain natin ang
ating kapwa dahil sa ating pagiging makasarili. Ang pagpapasalamat sa Diyos ang magtuturo sa
ating magpasalamat sa ating kapwa.
Ang pagpapasalamat ay isang moral na obligasyon. Ang sinomang nagbibigay ay
nararapat lamang na pasalamatan. Kailangan nating ibalik sa ating kapwa ang nararapat
lamang para sa kanya. Hindi ito namimili, hindi nakabatay sa kalagayan sa buhay o sa estado
sa lipunan. Asahan mo na ang lahat ng ito ay babalik sa iyo. Sabi nga ni McConnel ang
pagpapasalamat ay parang isang malaking magnet na mag-aanyaya pa ng maraming biyaya na
iyong ipagpapasalamat. Ikaw, nakahanda ka na bang tumanggap ng maraming mga biyaya
mula sa pasasalamat?
Pagsunod at Paggalang sa Magulang, Nakatatanda at nasa Kapangyarihan
Ikaw ay napaliligiran ng tao. Kahit saang panig ka tumingin, makikita mong
napakaraming iba-ibang tao ang iyong nakasasalamuha sa bawat araw. May
kanya-kanyang ugali, asal, pangangailangan, gusto, pangarap at pananaw. Isa sa
kasanayan na dapat mong matutuhan ay ang pakitunguhan ang bawat isa sa
kanila na walang pagkiling at diskriminasyon. Ito ay sa pamamagitan ng
pagsasaalang-alang na ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa lipunan at sa
paningin ng Diyos; na ang lahat ay kailangang makatanggap ng paggalang mula
sa kanyang kapwa. Sapat na ba ang paggamit ng “po” at “opo” upang ikaw ay
matawag na magalang? Ito ba ay sa pamamagitan ng pagmamano at paghalik sa
noo? Kailangan mong maunawaan na hindi sapat ang ganitong mga pamamaraan
upang maipakita ang paggalang. Sa araling ito, mauunawaan mo kung gaano
kahalaga ng birtud na ito. Ang birtud na kinikilala bilang pinakamahalaga at
pinakamakapangyarihan at itinuturing na ina ng lahat ng iba pang mga birtud.
Sa yugto ng pagbibinata/pagdadalaga mas nagkakaroon ng malalim na
kahulugan at kabuluhan ang kanilang pagtingin sa paggalang. Ito ay dahil unti-unti
nagiging malinaw sa kanila ang kanilang pagkakakilanlan, nagsisimula na nilang
maunawaan kung ano ang kahulugan ng paggalang sa ibang tao at paggalang sa
kanilang sarili. Kaya lamang, may mga pagkakataon na labis ang pagnanais ng
isang kabataan na siya ay igalang ng kanyang kapwa. Lagi nila itong hinahanap
mula sa mga tao sa kanilang paligid. Gusto nila na laging igalang ang kanilang
mga pagpapasya, ang kanilang pag-iisa, ang kanilang pribadong buhay. Ngunit
kapansin-pansin naman na hindi sila sensitibo sa kanilang pagkukulang na ipakita
ang paggalang sa kanilang kapwa. Ang paggalang ay hindi patungo lamang sa
iisang direksyon. Kung gusto itong makamit kailangang matutuhan muna itong
ibigay sa ibang tao. Mahalagang maunawaan na ang pagbibigay sa isang tao ng
paggalang o respeto ay katumbas ng pagpapahalaga sa kanila bilang tao at sa
kanilang kaisipan at damdamin. Kasama rin dito ang pagkilala sa kanila, pagiging
tapat sa kanila at pagtanggap sa kanila bilang sila, sa kabila ng kanilang mga
kahinaan at pagkakamali.
Kailangan din na maging malinaw na ang bawat isa ay may karapatan na
ituring at kilalanin ng kanyang kapwa bilang siya, bilang anak ng Diyos. Ito ay
pagkilala na ang lahat ng tao ay pantay-pantay. Kasabay din na dapat isaalang-
alang na ang bawat indibidwal ay may pansariling katayuan sa lipunan at
kalagayan at dahil dito dapat na igalang siya ng ibang tao sa paraang nararapat
para sa kanya.
Makatutulong sa iyo ang babasahin na ito upang magabayan ka sa tamang
pamamaraan ng paggalang sa ilang mahahalagang tao sa iyong paligid.
PAGGALANG SA MAGULANG
Ang iyong mga magulang ay kaparat-dapat sa iyong paggalang dahil
sila ang nagdala sa iyo dito sa mundo, nagbigay sa iyo ng edukasyon at sila
ang binigyan ng Diyos ng awtoridad upang iyong sundin at igalang. Ngunit
dumarami pa rin ang mga kabataan na hindi na kakikitaan ng paggalang sa
kanilang mga magulang. Anak na sumasagot nang pabalang, hindi
tumutugon sa mga utos o tagubilin, walang pagsasaalang-alang sa kanilang
damdamin, walang pakundangang pagbabahagi sa kanyang kaibigan ng
kahinaan ng sariling mga magulang at marami pang iba.
Natural lamang na dadaloy ang paggalang sa pagitan ng magulang at ng
kanilang mga anak kung nasa kanilang gitna ang tunay at wagas na pagmamahal.
Kung wala ang pagmamahal, imposibleng maisabuhay ang birtud ng paggalang.
Ang paggalang sa kapwa ay maituturing lamang na dalisay kung ito ay
isinasagawa dahil sa pagkilala na ang tao ay anak ng Diyos. Iginagalang ng mga
anak ang kanilang mga magulang dahil alam nilang sila ang pinili ng Diyos upang
mapunta sa posisyon na ito. Sila ang pinagkatiwalaan ng Diyos upang magpalaki
at mag-aruga sa kanya. Alam ng lahat na ang ating mga magulang ay katulad ng
kahit na sinong pangkaraniwang tao, hindi sila perpekto. Sila rin ay nagkakamali
dahil sa kanilang mga kahinaan. Ang mga bagay na ito ang dapat na maisapuso
ng lahat ng anak. Oo nga at hindi tayo binigyan ng pagkakataon ng Diyos na
mamili ng ating sariling mga magulang. Ngunit hindi sapat na dahilan na dahil hindi
sila ang mga magulang na ating hinahangad na maging upang hindi na natin sila
igalang at mahalin. Hindi ang katangian ng ating mga magulang ang sukatan ng
lalim ng pagmamahal at paggalang natin sa kanila kundi ang pagkilala sa kanila
bilang biyaya ng Diyos na binigyan Niya ng awtoridad upang hubugin, bantayan at
palakasin ang ating mga halaga.
Ang mga kabataan sa kasalukyan ay madalas na nag-iisip na mayroon
silang karapatan na mag-isip at ikilos ang kahit ano na kanilang nais sa harap ng
kanilang mga magulang. Kung minsan naabuso ng mga kabataan ang kahulugan
ng kalayaan. May mga pagkakaton pa na mapapansin na talagang hinahamon ng
mga kabataan ang kanilang mga magulang upang magalit at masaktan, ito ay
isang gawaing tunay na nagpapakita ng kawalan ng paggalang. Kailangang
maging malinaw para sa isang kabataan na katulad mo na, habang ikaw ay
nakatira sa iisang bubong kasama ang iyong mga magulang, mayroon kang
tungkuling igalang at sundin ang mga ito. Kapag naabot mo na ang sapat na
gulang, ang tungkuling upang sila ay sundin ay maaaring humihinto ngunit ang sila
ay igalang ay mananatili.
Ang paggalang at pagsunod sa magulang ay kinakailangang laging nasa
isip at puso ng lahat. Hindi ibinibigay lamang kapag sila ay nariyan at tatalikuran sa
mga pagkakataong sila ay wala na sa ating harapan. Ang paggalang at pagsunod
sa ganitong paraan at mapagpaimbabaw, kulang ng sinseridad at maituturing na
walang kabuluhan. Halimbawa, sa kasalukuyan, palaki nang palaki ang bahagdan
ng mga magulang na napipilitang maghanap-buhay sa ibang bansa para
matustusan ang pangangailangan ng pamilya. Sa mga pagkakataong ganito,
nawawala na ba ang tungkulin ng isang anak na igalang at sundin ang kanyang
sariling mga magulang? Sa ganitong mga pagkakataon, mas kailangan na
iparamdam ng mga anak ang kanilang paggalang at pagsunod sa kanilang mga
magulang. Hindi biro ang sakripisyo na ibinibigay ng mga magulang para sa
kapakanan ng kanilang pamilya, lalo’t higit para sa kanilang mga anak. Hindi biro
ang malayo sa pamilya at hindi magkaroon ng pagkakataon na masubaybayan
ang paglaki ng kanilang mga anak. Ang tanging kapalit na maibibigay ng isang
anak sa ganitong pagkakataon ay ang kapanatagan ng damdamin ng kanilang
mga magulang kahit na sila ay nasa malayong lugar na ang kanilang mga tagubilin
ay buong katapatang sinusunod ng kanilang mga anak.
Upang manatili ang paggalang sa loob ng pamilya, mahalaga na palaging
bukas ang komunikasyon. Ang mga miyembro ng pamilya ay kailangang matapat
sa isa’t isa at bukas sa pagsasabi ng totoo kahit pa masakit ito. Kung palagiang
bukas ang komunikasyon at buhay ang pagtitiwala sa lahat ng pagkakataon mas
magiging madali para sa isang pamilya ang isabuhay ang paggalang sa bawat isa.
Madalas na nagiging suliranin sa loob ng pamilya sa pagitan ng magulang at ng
anak ay ang kakulangan sa komunikasyon. Halimbawa, Madalas na iniisip ng mga
bata ang hindi patas na pagtingin ng mga magulang. Marahil, nagkakaroon ng
paghahambing sa pamamaraan ng pagdisiplina ng mga magulang ng kanilang
mga kaibigan o kamag-aral o maging sa iba pang mga kapatid. Sa halip na ito ay
iparating sa kanyang mga magulang ay nagkikimkim ng sama ng loob sa kanyang
dibdib na sa paglipas ng panahon ay lumalalim at nagiging galit. Hindi
nauunawaan ang panig ng kanyang sariling mga magulang dahil hindi naman ito
nabigyan ng pagkakataon upang ipaliwanag ang kanilang panig. May mga
sitwasyon kasi na kaya ganito kahigpit ang mga magulang ay dahil ayaw nilang
mangyari sa kanilang mga anak ang mga pagkakamaling kanilang nagawa noong
sila ay mga bata pa. Kung ang ganitong sitwasyon ay madadaan sa maayos na
usapan sa pagitan ng magulang at mga anak, hindi magkakaroon ng puwang ang
pagkawala ng paggalang sa isat’ isa. Huwag hayaang mawala ang sigla at liwanag
sa loob ng tahanan dahil lamang sa hindi pagkakaunawaan. Kung nais mong ikaw
ay igalang matuto ka ring ibigay ito at huwag ipagkait sa sarili mong mga
magulang.
PAGGALANG SA NAKATATANDA
Sinoman na nakatatanda sa iyo ay kailangang igalang. Isa ito sa
napakagandang bahagi ng kultura ng mga Pilipino. Ang lahat ng bata sa simula pa
lamang ay tinuturuan na na gumamit ng po at opo sa kanilang pakikipag-usap sa
sinomang nakatatanda. Ito ay ginagawa hindi lamang sa mga kapamilya kundi sa
lahat ng tao. Ang pagmamano ay isa ring katangi-tangi kaugaliang Pilipino na
nararapat na manatiling buhay hanggang sa kasalukuyan. Ang gawaing ito ay
isang palatandaan ng pagkilala sa kanila bilang mahalagang bahagi ng iyong
buhay at ng lipunan.
Lalo’t higit na nangangailangan ng iyong paggalang ang mga matatanda.
Ano na nga ba ang kalagayan ng matatanda sa ating lipunan?
Nakalulungkot na sa kasalukuyan ang silbi ng tao sa lipunan ay nakabatay
na lamang yata sa magiging kontribusyon niya sa pagpapa-unlad ng kalagayan ng
ekonomiya. Kapag tumatanda na at wala nang kakayahang maghanap-buhay at
kumita para sa kanyang pamilya, lumalamlam na ang paggalang sa kanila. Kapag
may matanda sa daan para bang hindi man lang sila paglalaanan ng pangalawang
tingin ng mga taong nagdaraan. Sa pagsakay sa jeep, nilalagpasan na lamang,
ang katwiran, sagabal dahil mabagal kumilos, ang mga tao tuloy natatakot nang
tumanda. Tama ba na ganito ang maging damdamin ng tao sa pagtanda? May
hangganan ba ang pagbibigay ng paggalang?
Nakapupukaw ng damdamin ang isang sulat na mula sa isang social networking
site tungkol sa hinaing ng nanay at tatay sa kanilang pagtanda. Basahin mo ito at
damhin upang maunawaan ang tunay na damdamin na kaakibat ng pagtanda.
Ang sulat ni Nanay at Tatay
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan, kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako
ng pinggan. O nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda;
naaawa ako sa sarili ko sa tuwing sinisigawan mo ako. Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang
sinasabi mo, huwag mo naman sana ako sabihang bingi. Pakiulit na lang ang sinasabi mo o pakisulat na lang.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan
ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtitiyagaan kitang habulin sa
ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pasensya ka na anak, matanda na talaga ako. Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-
alalay ko sa iyo noong nag-aaral ko pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo na lang ako.
Huwag mo sana akong pagtawanan o pagsawaang pakinggan Natatandaan mo anak nung bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo yong
sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtitiyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin ako. Kapag
may konti kang panahon magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy
ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka. Kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.
Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear. At kapag dumating
ang sandali na ako’y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsasawaang alagaan.
Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan. Pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking
buhay. Tutal hindi naman ako magtatagal. Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay. At bigyan mo ako ng
lakas ng loob na harapin ang kamatayan At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa Kanya na pagpalain
Madamdamin ang kanilang mensahe, tunay na sumasalamin sa totoong
mga pangyayari. Ipinararating na para bang kapag tumatanda na ang tao
nakalilimutan na ang mahahalagang bagay na kanilang nagawa at naibahagi
noong sila ay malakas at bata pa. Nagiging pabigat na sa kanilang pamilya at sa
lipunan. Hindi masyadong nabibigyan ng pansin at marapat na pagpapahalaga.
Lagi nating tatandaan, na kung wala sila, wala tayo sa mundo. Kung hindi dahil sa
kanilang mga ibinahaging karunungan at mga karanasan, hindi mabubuo ang ating
pagkatao.
Lahat ng tao ay patungo sa pagtanda. Huwag na nating hintayin na maging
matanda na rin tayo bago natin sila maunawaan nang lubusan. Kinailangan natin
sila noong tayo ay bata pa, ngayon kailangan nila tayo sa kanilang tabi upang
patuloy na iparamdam ang paggalang at pagmamahal.
PAGGALANG SA NASA KAPANGYARIHAN
Walang lipunan ang maaaring mabuhay o umiral kung walang awtoridad.
Ang lahat ng tao ay napasasailalim sa mga taong nasa
kapangyarihan. Kahit pa ang pinakamataas na tao sa lipunan ay
nasa ilalim ng isang makapangyarihan. Ngunit may mga
pagkakataong nakalilimutan na yata ng tao ang paggalang sa
mga nasa kapangyarihan. Madalas lalo na sa edad mo ngayon,
ayaw mo na mayroong tao na magdidikta sa iyo kung ano ang
iyong nararapat na gawin at kung paano gagawin ang mga
bagay-bagay. Sa iyong palagay ay sapat na ang iyong
nalalaman upang makapagpasya ka para sa iyong sarili. O kung minsan ang
pinaniniwalaan mo lamang ay yaong mga taong nagbibigay ng mga
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan
ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtitiyagaan kitang habulin sa
ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pasensya ka na anak, matanda na talaga ako. Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-
alalay ko sa iyo noong nag-aaral ko pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo na lang ako.
Huwag mo sana akong pagtawanan o pagsawaang pakinggan Natatandaan mo anak nung bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo yong
sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtitiyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin ako. Kapag
may konti kang panahon magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy
ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka. Kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.
Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear. At kapag dumating
ang sandali na ako’y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsasawaang alagaan.
Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan. Pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking
buhay. Tutal hindi naman ako magtatagal. Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay. At bigyan mo ako ng
lakas ng loob na harapin ang kamatayan At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa Kanya na pagpalain
pagpapasyang naaayon sa iyong kagustuhan. Hindi ganito ang nararapat na
maging paniniwala.
Maraming mga tao ang inatasan ng Diyos at binigyan ng kapangyarihan
upang ikaw ay gabayan. Inaasahan Niya na ibibigay mo ang iyong paggalang at
pagsunod sa kanila. Hindi naman ito nangangahulugan na kinakailangan mong
sundin ang lahat ng kanilang mga iniuutos o itinatagubilin at makiayon sa lahat ng
kanilang mga pagpapasya. Pero ito ay nangangahulugan na kailangan mong
ipakita ang iyong paggalang lalo na sa kanilang posisyon at karugtong nito ang
taong may hawak ng posisyon na ito. Kailangan mong tanggapin na ang sinomang
tao na may kapangyarihan ay may kakayahang mag-utos at magdikta at may
karapatang humingi ng paggalang mula sa mga tao sa ilalim ng kanyang
kapangyarihan. Ang pagsunod sa kanila ay nararapat na dahil sa paggalang at
hindi sa takot o pagbibigay lamang.
Ngunit sa paglipas ng panahon, marami na ang nababago, lalo na sa pananaw
at paniniwala ng mga tao. Sa kasalukuyan ang mga tao ay labis ang paglaban
para sa kanilang kalayaan upang ipahayag ang kanilang damdamin. Kung minsan
ay nawawalan na ng konsiderasyon sa damdamin ng taong tatanggap nito. Sa
mga nagdaang panahon, nakikita natin ang mga taong tahasan ang binibigay na
pagpuna sa mga pinuno ng pamahalaan, sa sistema ng pamahalaan, sa
kalagayan ng bansa at kahit ano pa na hindi naaayon sa kanilang sariling
paniniwala. Kung minsan, nakalulungkot isipin na lumalagpas na sila sa nararapat
at nawawala ang konsiderasyon sa paggalang sa kanila bilang isang taong may
damdamin at anak ng Diyos. Hindi naman sinasabi na mali ang ipahayag ang
damdamin ngunit ang mahalaga, sa pagsasagawa nito lagi pa ring may
pagsasaalang-alang sa kanilang pagkatao bilang tao.
Paano nga ba lubos na maipakikita ang paggalang sa mga nasa kapangyarihan?
Narito ang ilan sa mga pamamaraan (Wolff)
1. Magbasa at pag-aralan ang tunay na tagubilin ng Diyos sa paggalang sa nasa
kapangyarihan. Pinagkatiwalaan ng Diyos ang mga taong nasa kapangyarihan
dahil alam ng Diyos ang kanilang mga kakayahan at ang malaki nilang magiging
kontribusyon sa iyo at sa lipunan. Kung uunawain mo ang mga bagay na ito, mas
magiging maluwag sa iyo na tanggapin na karapat-dapat sila sa iyong lubos na
paggalang.
2. Lagi mong ipagdasal ang lahat ng tao na may kapangyarihan sa iyo. Sila ay tao rin
na katulad mo. Ang pagkakaiba lamang ay may nakaatas sa kanilang balikat na
mga tungkulin na napakahalaga upang ikaw ay gabayan tungo sa iyong paglago.
Katulad mo, mas kailangan nila ng gabay mula sa Diyos upang maisakatuparan
nila nang maayos ang kanilang mga tungkulin at upang kanilang maunawaan ang
napakahalaga at napakakritikal nilang tungkulin sa paghubog ng iyong kabuuan.
3. Maging isang buhay na halimbawa sa mga tao sa iyong paligid. Ipakita mo sa lahat
kung paano ang tamang paggalang sa mga nasa kapangyarihan. Huwag mong
ipakita sa iyong mga kamag-aral ang pakikipagtalo sa iyong mga guro, ang
pagsuway sa mga panuntunan ng paaralan, ang pagsasalita ng masama laban sa
guwardiya ng paaralan at marami pang iba. Lagi mong tatandaan na maliit lamang
ang pagitan ng pagbibigay ng puna at kritisismo sa kawalan ng paggalang. Ang
pagsasabi ng iyong puna o kritisismo ay maaaring maisagawa na hindi nawawala
ang paggalang. Kailangang siguraduhin na masabi ito sa maayos na
pamamaraan, na laging isinasaisip ang magiging damdamin ng taong tatanggap
nito.
4. Alamin at unawain sa una pa lamang na hindi lahat ng pagpapasya ay magiging
kaaya-aya para sa iyo upang ito ay iyong sundin. Hindi perpekto ang lahat ng
taong nasa kapangyarihan. May kapasidad silang magkamali paminsan-minsan.
May mga pagkakataon na talagang magkakabanggaan ang inyong mga prinsipyo
at hindi magiging kapaki-pakinabang at katanggap-tanggap para sa iyo ang
kanilang mga pagpapasya. At sa ganitong mga pagkakataon madalas na
nakaliligtaan ang paggalang sa kanilang kapangyarihan at sa kanila bilang tao.
Walang bagay na hindi madadaan sa maayos at mahinahon na usapan. Ang
paraan ng pagbabahagi ng iyong reaksyon sa mga maling pagpapasya ay
mahalagang laging bigyan ng tuon upang hindi masakripisyo ang paggalang sa
isa’t isa.
Darating at darating ang panahon na ikaw naman ang bibigyan ng Diyos ng
kapangyarihan sa ibang tao. Hindi mo rin nanaisin na hindi makuha ang paggalang
mula sa mga tao na nasa ilalim ng iyong kapangyarihan. Hindi mo makakayang
ibigay ang isang bagay na wala sa iyo. Kung kaya ngayon pa lamang simulan mo
ng pag-aralang tumugon, sumunod at gumalang.
Ngunit paano nga ba natin maisasabuhay ang paggalang na ginagabayan
ng katarungan at pagmamahal? Ang mga sumusunod ay mga mungkahi mula sa
aklat ni Isaacs na Character Building:
1. Panatilihing buhay at nag-aalab ang pagkakaunawaan at pagtanggap sa pamilya
at sa lipunan. Maraming mga maliliit na pamamaraan upang mapagtagumpayan
ang layuning ito. Halimbawa, pakikinig nang mabuti habang may nagsasalitang
ibang tao, pag-iwas sa mga hindi naman makatutulong na mga puna, pagiging
maingat sa pananalita at kilos upang hindi makasakit ng damdamin ng kapwa.
Gawin mo ang iyong kontribusyon upang maakit ang iba na ibalik din ito sa iyo.
2. Kilalanin na ang lahat ng tao ay may kakayahang umunlad. Lahat ng tao bata man
o matanda ay may kapasidad na magkamali. Palatandaan lamang na ang tao ay
hindi perpekto. Lahat ng tao ay mayroong mga kahinaan. Dahil dito ang lahat ng
tao ay binigyan ng Diyos na pagkakataon na umunlad. Ang paghusga sa isang tao
dahil sa kanyang mga pagkakamali ay nagpapahiwatig na hindi mo na binibigyan
ng pagkakataon ang iyong kapwa na magbago at umunlad. Ikaw din ay
nagkakamali, at hindi rin magiging kalugod-lugod sa iyo kung ikaw ay basta na
lamang huhusgahan dahil dito. Marapat lamang na ang lahat ay bigyan ng
pagkakataon upang itama ang kanyang mga pagkakamali. Mahalaga ang
kakayahan na ito para sa ganap na pagsasabuhay ng paggalang.
3. Kumilos na ang palaging layunin ay ang makatulong sa kapwa. Nilikha tayo ng
Diyos bilang isang panlipunang nilalang. Pahiwatig ito na kailangan natin ang isa’t
isa upang mahanap ang kaganapan ng pagkatao. Sa ating pagkilos, kailangan na
ang ating layunin ay nakatuon sa pagtulong sa ating kapwa. Nakalulugod isipin na
ikaw ay kabahagi ng ibang tao sa paghahanap ng bahagi ng kanyang sarili. Hindi
mo dapat tinitingnan ang iyong kapwa bilang balakid sa iyong paglago. Nariyan
sila dahil may bahagi silang gagampanan sa iyong buhay at nariyan ka dahil may
bahagi kang gagampanan sa kanilang buhay.
4. Gawin lamang ang anomang kilos na hindi makasasakit ng kapwa. Lahat ng tao ay
may damdamin na nasasaktan. Sabi nga nila mas madaling maghilom ang sakit na
dulot sa katawan kaysa sa damdamin. Kung kaya bilang isang kabataan
kailangang laging isaalang-alang sa bawat pananalita at kilos ang pagiging
maingat upang hindi makasakit ng kapwa. Minsan, dahil sa kakulangan sa pag-
iingat, hindi na tayo nagiging sensitibo sa damdamin ng ating kapwa. Halimbawa,
sa silid-aralan lalo na sa mga oras na wala ang guro, may mga mag-aaral na
sasamantalahin ang pagkakataon upang makuha ang atensyon ng marami. Ang
kanyang intensyon ay ang makapagpasaya ngunit ang kanyang pamamaraan ay
ang gawing tampulan ng tawanan ang kahinaan ng isang kamag-aral. Maaaring
nakapagpapasaya ito ng marami ngunit ito ay labis na kawalang paggalang sa
isang taong labis na nasasaktan. Hindi ito makatarungan, ito ay tunay na dapat
ikondena. Ngunit minsan din naman may mga pagkakataon na maganda ang ating
layunin sa ating kapwa ngunit hindi natin alam na makasasakit pa rin ito.
Halimbawa, Nabalitaan mo na ang isa mong kamag-aral ay may tubercolosis.
Naawa ka sa kanya at nais mo siyang tulungan. Naisip mong magpunta sa lahat
ng silid-aralan upang sabihin ang kalagayan ng iyong kamag-aral, na ang layunin
ay makakalap ng tulong pinansyal mula sa mga ito. Ngunit ang naging bunga nito
ay iniiwasan na siya ng maraming mga mag-aaral dahil nalaman ng mga ito ang
kanyang karamdaman. Marahil ay makararamdam ka ng pagsisisi dahil sa iyong
ginawa ngunit alam mo naman na wala kang anomang masamang intensyon.
Marahil, nakaligtaan mo lamang na isipin nang mabuti ang maaaring maging
kahihinatnan ng iyong pagtulong. Sa ating mga pananalita at pagkilos, kailangang
laging isaalang-alang ang prudensya upang matiyak natin na hindi tayo
makasasakit ng ating kapwa.
5. Unawain na ang lahat ng tao ay magkakaiba kung kaya nagkakaroon din ng
pagkakaiba sa paraan ng pagpapakita sa kanila ng paggalang. Iba ang paraan ng
paggalang na iyong ibinibigay sa iyong mga magulang kaysa sa iyong mga guro.
Iba para sa nakatatanda at iba rin para sa mga taong nasa kapangyarihan.
Halimbawa, maaaring sapat na para sa isang guro ang batiin mo siya ng
magandang umaga sa tuwing makakasalubong mo siya at ang ibigay mo sa kanya
ang iyong buong atensyon sa oras ng kanyang klase. Hindi lamang ganito ang
paraan ng pagpapakita mo ng paggalang sa iyong mga magulang, kailangan
mong sundin ang kanilang mga paala-ala at utos, igalang ang kanilang mga
pasya, mahalin sila ng walang kondisyon at marami pang iba. Kailangang maging
mulat ka sa iba’t ibang mga pamamaraang ito upang hindi ito magdulot ng
suliranin sa hinaharap.
6. Bago mag-alay ng tulong sa kahit na sinoman, siguraduhin na ganap na
nauunawaan kung ano ang kanilang tunay na kalagayan. Mulat ka ba sa tunay na
pangangailangan ng taong nais mong tulungan? Kailangan mong alaming mabuti
ang kanilang tunay na sitwasyon o kalagayan bago mo isagawa ang pagtulong sa
kanila. Ito ay upang masiguro mo na tama at tunay na makatutulong sa kanya ang
anomang iyong ibibigay. Ang isang pulubi sa lansangan halimbawa ay hindi
nararapat na bigyan ng pera bilang limos. May mga sitwasyon kasi na hindi nila ito
ginagamit upang ipambili ng pagkain bagkus upang ipambili ng rugby o kaya
naman ay upang ibigay sa kanyang mga magulang upang gamitin sa pagsusugal.
Sa ganitong pamamaraan, hindi natin tunay na natulungan ang bata, mas naakay
pa siya sa kasamaan.
7. Ibigay sa sinoman ang paggalang na nararapat lamang para sa kanya. Ang
paggalang ay walang pinipiling tao, lugar, oras o pagkakataon. Lahat ng tao ay
anak ng Diyos na karapat-dapat sa paggalang ng sinoman. Maaaring magkakaiba
ang pamamaraan ng pagpapakita ng paggalang sa kapwa, nakabatay sa kanyang
posisyon sa lipunan ngunit mula sa pinakamataas hanggang sa pinakapayak na
tao sa lipunan marapat sila sa iyong paggalang.
8. Sa pakikipag-usap sa ibang tao, iwasan ang paglalahat sa paghuhusga sa tao,
walang pagsasaalang-alang na kritisismo at anomang uri ng diskriminasyon.
Madalas kapansin-pansin ang kawalan ng paggalang sa kapwa sa paraan ng
pakikipag-usap sa mga ito. Masyado tayong mabilis na magbitaw ng mga salita.
Hindi na natin naipagsasaalang-alang ang damdamin ng ating kausap;
humuhusga tayo sa ating kapwa nang hindi natin ganap kakilala, nagbibigay tayo
ng ating puna na hindi naman kailangan at hindi naman nakatutulong, minamaliit
natin ang ating kapwa dahil lamang sa katayuan niya sa buhay. Nakalulugod ang
isang taong mas pinipiling manahimik kaysa sa magbitaw ng masamang salita sa
kanyang kapwa.
9. Isipin kung paano maibibigay ang pinakamahusay na paglilingkod sa kapwa na
may pagsasaalang-alang na walang iisang tuntunin na maaaring sundin na
aangkop para kanino man. Hindi tayo dapat na masiyahan sa “pwede na”.
Madalas, kapag nagbibigay tayo sa ating kapwa tinitingan lang natin ito bilang
isang obligasyon na kailangang isakatuparan. Ang pagtulong na hindi nilakipan ng
pagmamahal ay walang kabuluhan. Kailangang siguraduhin na ang
pinakamahusay ang laging ibigay para sa kapwa. Ngunit kailangan ding bigyan ng
tuon ang pagkakaiba-iba ng bawat tao. Kailangang bigyan ng paggalang ang
kanilang indibidwalidad. Kailangang bigyan din ito ng konsiderasyon dahil may
mga pagkakataon na ang sapat para sa isa ay maaring hindi sapat para sa iba.
Gawin mo sa iyong kapwa ang nais mong gawin sa iyo. Mahalaga ang
kawikaang ito upang ipaunawa sa bawat isa na ang paggalang ay nararapat na
nagmumula sa iyo. Hindi ito hinihingi bilang limos at hindi ito nabibili ng anomang
halaga. Ito ay makukuha lamang kung ikaw ay karapat-dapat, kung ikaw ay
marunong ding gumalang sa iyong kapwa. Walang pinakamagandang regalong
makukuha mula sa ibang tao kundi ang kanilang taos-pusong paggalang.
Nakahanda ka na bang makatanggap ng regalong ito?
PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWAAng buti mo naman… Sana kunin ka na ni Lord… Nakasasakit sa
damdamin na biro ng marami sa isang batang nakita nilang gumawa ng mabuti
para sa ibang tao. Minsan tuloy hindi maiwasang maisip na santo o santa lamang
ba ang may kapasidad na gumawa ng mabuti sa kapwa? o kaya naman iyong
taong malapit ng mamatay at wala ng ibang magawa kundi ang gumawa ng mabuti
para masigurong maaalala siyang mabuti kapag siya ay nawala na sa mundo.
Kung minsan tuloy itong mga reaksyon na ito ng tao ang nagiging balakid upang
gumawa ng mabuti ang ilang tao sa kanyang kapwa. Bakit nga ba tila nagiging
masama pa ang tingin ng kabataan sa paggawa ng kabutihan?
Ikaw, natatandaan mo pa ba kung kailan ka gumawa ng kabutihan para sa
iyong kapwa? Ano ang sinabi o ginawa mo para sa kanya? Maituturing na ba itong
tunay na kabutihan? Madalas, mulat tayo na dapat na maging mabuti ang ating
kapwa sa atin, ngunit hindi naman tayo mulat sa kabutihang nararapat din nating
ibahagi sa ating kapwa. Ang ating tuon ay laging para sa ating pansariling
kabutihan. Masyadong makasaril at masyadong maramot. Maraming mga
pagkakataon na nakakakita tayo ng pagkakataon na makatulong sa ating kapwa
ngunit lagi tayong nangangatwiran na sa kasalukuyan ay wala pa tayong
kakayahan na gawin ito. Wala pa naman kasing trabaho para pagkunan ng pera.
Lagi tayong nagpapakita ng awa sa ating kapwa na nangangailangan, ngunit
humihinto na lamang ito sa pagkakaroon ng damdamin ng awa ngunit walang
pagkilos bilang pagtugon sa kanilang mga pangangailangan. Pamilyar ba sa iyo
ang mga sitwasyong ito? Nasubukan mo na bang ilagay ang iyong sarili sa
katayuan ng iba? Nagawa mo na bang ilagay ang sarili mo sa katayuan ng isang
pulubi sa lansangan? O kaya naman ay sa isang matandang nanghihina at walang
tumutulong? Ang ganitong gawain ang magpapaunawa sa iyo ng halaga ng
pagtulong sa kapwa. Sa mga pagkakataon lamang na nauunawaan mo ang hirap
na pinagdaraanan ng isang nangangailangan ay saka mo lamang makikita ang
halaga ng makagawa ka ng kahit na maliit na kabutihan para sa kanila at sa kung
papaanong paraan ka makatutulong. Sa ganitong pamamaraan magiging madali
na para sa iyo ang mapakita ng kabutihang-loob sa iyong kapwa.
Ano nga ba ang kabutihang-loob? Ang kabutihang-loob ay isang personal
na katangian na nagtutulak sa isang indibidwal upang maging sensitibo sa
pangangailangan ng iba at upang gumawa ng personal na pagkilos upang
pagsikapang matugunan ang pangangailangang ito. Sabi naman ni Strait (World
Mission, 2010) ang kabutihang loob ay higit kaysa sa gawa, ito ay saloobin,
pagpapahayag, pagtingin, pagdama. Ito ay anoman na nakapag-aangat sa isang
tao.
Ginagawang kaaya-aya ng kabutihang-loob ang buhay at ang anomang
pakikipag-ugnayan. Sa gitna ng anomang hirap o kagipitan, ito ang nakatutulong
upang mapagaan ang hirap sa pagharap sa hamon. Kung walang kabutihang-loob
ang buhay ay pawang pakikibaka, pagtutunggali o pakikipaglaban. Walang sigla at
walang pagmamahal. Sa mga pagkakataon na may mga kalamidad, nababawasan
ang bigat na dinadala ng mga nasalanta nito dahil sa tulong na ibinibigay,
pinansyal man, pagkain at pagdamay, mula sa mga taong mas madalas ay hindi
naman nila kakilala. Sa ganitong mga pagkakataon tunay na nararamdaman ang
tunay na pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa.
Ang kabutihang-loob ang pumapawi sa galit. Gaano man naging mapagbiro
ang tadhana sa iyo dahil sa dami ng mga pagsubok na dumarating sa iyong
buhay, mapapawi ito kapag naramdaman mong may mga taong laging nandiyan at
nakahandang dumamay.
Ito ay isang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa lahat ng kabutihang
ginawa ng Diyos para sa atin. Tama lamang na ipasa natin sa ating kapwa ang
mga kabutihang ating natanggap mula sa Kanya. Ang pagbibigay ng anomang
bagay at ng kanyang sarili para sa kanyang kapwa ay kasing dalisay ng
pagmamahal na hindi naghihintay ng anomang kapalit. Katulad ng halimbawa sa
atin ng Diyos. Ang hangarin ang kabutihan para sa kapwa na hindi naghihintay ng
anomang kapalit ay ang uri na pagmamahal na hindi makasarili (selfless).
Kailangang maunawaan at isabuhay ang pagmamahal na ang tanging hangad ay
ang kabutihan ng kapwa na hindi naghihintay ng anomang kapalit (agape).
Marahil nauunawaan mo na kung gaano kadalisay ang kabutihang-loob.
Kung ano ang maitutulong sa iyo ng paggawa ng mabuti sa kapwa. Hindi ito
patungo sa iisang direksyon, mas malalim ang kabuluhan na naibibigay sa buhay
ng taong nagbabahagi kaysa sa binabahaginan. Pero katulad ng alinmang birtud,
hindi ito madaling makamit. Kailangan ng mahabang proseso upang maituro mo sa
iyong sarili na gawin itong bahagi na ng iyong buhay.
Paano nga ba matuturan ang sariling gawing bahagi ng pang-araw-araw na
buhay ang paggawa ng mabuti para sa kapwa? Nasa ibaba ang ilan sa mga
pamamaraan:
1. Ito ay nagsisimula sa pagkakaroon ng pagmamalasakit. Sabi nga nila ang taong
malambot ang puso at maawain ay laging handang tumugon. Ngunit kailangang
maging malinaw na hindi ito ginagawa dahil lamang sa awa kundi dahil sa tunay
na pagmamalasakit at taos-pusong hangaring makatulong. Lalo na sa ngayon na
nakikita natin sa telebisyon ang maraming mga taong labis-labis ang luho na
ibinibigay sa kanilang mga alagang hayop. Ibinibigay ang kanilang pag-aaruga rito
na katumbas ng pag-aaruga para sa kanilang sariling mga anak. Kaya kaya nila
itong gawin sa isang taong hindi nila kilala ngunit mas nangangailangan?
2. Kailangang gawin na nating layunin at gawi ang aktibong maghanap ng
pagkakataon upang makagawa ng mabuti sa kapwa. Kung may pagkakataon,
kumilos na kaagad upang tumugon, kung may kakayahan din lamang. Huwag
hintaying ito ay maglaho at pagsisihan ang hindi pagkilos. Hindi naman lahat ng
pagtulong ay nangangailangan ng salapi kaya hindi kailangang maging balakid ito
sa hangaring makatulong.
3. Ang kabutihan ay may kalakip na pagkilos. Sabi nga ni Josemaria Escriva, hindi
sapat na maging mabuti ang tao, kailangang ipakita ito. At ang pagkilos ay may
kalakip na pagsasakripisyo, kailangang mayroon kang ibigay, lalong-lalo na ang
iyong panahon. Ngunit hindi sinasabi na wala ng saysay ang mga salita. Ang
kabutihang maaari nating magawa sa kapwa ay maaaring sa pamamagitan
lamang ng salita. Halimbawa, mga salitang maaring makapawi ng lungkot ng
kapwa, mga salitang maaaring makapagbigay sa kanila ng lakas ng loob, mga
salita ng paggalang, pagbibigay ng matapat na papuri at malumanay na
pagtatama sa pagkakamali ng kapwa.
4. Ang hangarin sa paggawa ng mabuti ay hindi upang maghanap ng paghanga mula
sa ibang tao. Ang pinakamataas na antas ng pagtulong ay sa mga pagkakataon
ginagawa ito ng buong kababaang-loob, matahimik at kung kinakailangan ay hindi
na magpakilala pa. Kaya nga ang mga taong tunay at taos sa puso ang pagtulong
ay hindi sumisikat o nakikilala sa mundo. Madalas nagugulat na lamang ang
marami na malaman ang napakaraming kabutihan nagawa ng isang tao sa mga
pagkakataon patay na ito. Ito ay ibinabahagi na lamang ng mga taong kanyang
natulungan bilang pag-alala sa kanya. Ano man ang ginawa sa kapwa na may
layunin para sa sariling kapakinabangan ay hindi tunay na kabutihan. Ang tunay
na kabutihan ay ang pagbibigay na walang hinihintay na anomang kapalit.
5. Kailangang magsimula ito sa mga kasapi ng pamilya. Minsan napakabuti natin sa
pakikitungo sa ibang tao ngunit hindi sa mga kasapi ng ating pamilya. Hindi
katanggap-tanggap ang ganitong pagpapaimbabaw/pagkukunwari. Ang
pagmamahal ay kailangang nagsisimula sa tahanan. Tunay at dalisay ang
kabutihan na ibabahagi sa iba kung ito ay natutuhan sa sariling tahanan.
6. Gumawa ng kabutihan kahit sa iyong kaaway. Sabi nga, mahalin mo ang iyong
mga kaaway, gumawa ka ng kabutihan kahit sa mga taong galit sa iyo, pagpalain
mo ang mga taong sumusumpa sa iyo at ipagdasal mo ang mga taong walang
ibang hangad kundi ang galitin ka. Ang gumawa ka ng kabutihan para sa isang
taong gumawa rin ng kabutihan para sa iyo ay hindi puro. Kayo ay dalawang taong
nagbibigayan lamang ng pabor sa isa’t isa na maituturing na makasarili.
Ang paulit-ulit na pagsasabuhay nito ang magtuturo sa iyo upang ito ay gawing
bahagi na ng iyong buhay. Di ba nakalulugod naman na isipin na ang pagtulong
para sa isang tao ay kasing dali na lamang ng paghinga? Hindi na kailangang pag-
isipan. Hindi na kailangang mag-alinlangan pa. Magagawa mo ito kung kalilimutan
mo ang pagiging makasarili. Kung ilalagay mo ang iyong sarili bilang anak ng
Diyos na may tungkulin para sa kanyang kapwa.
Ano ba ang kinakailangan kasanayan sa paggawa ng kabutihan sa kapwa?
Gamitin mong gabay ang ang mga sumusunod:
Tatlong pangunahing kasanayan na kailangan sa paggawa ng mabuti sa
kapwa
1. Ito ay nangangailangan ng pag-unawa sa iyong tungkulin sa lipunan. Ang lahat ng
tao ay kasapi ng isang komunidad, ito ay binubuo ng pangkat ng mga tao na
nagtutulungan sa bawat isa upang mabuhay nang matiwasay. Ito ay
nagpapahiwatig sa atin na bilang kabahagi ng komunidad na ito, ang isang
indibidwal ay may mga karapatan at pananagutan. Habang lumalalim ang
pagtanggap ng tao na siya ay may karapatan at pananagutan lalo ring lumalalim
ang kanyang pagnanais na maisakatuparan ang paggawa ng mabuti sa kanyang
kapwa.
2. Ito ay nangangailangan ng pagtitiyaga. Dahil sa mabilis na takbo ng buhay sa
kasalukuyan, isa ang pagtitiyaga sa mga katangian na unti-unting namamatay sa
mga Pilipino lalo na sa mga kabataan. Ang kawalan ng pasensya ang isa sa
pangunahing balakid sa paggawa ng mabuti sa ating kapwa. Nakahanda ka bang
iwanan sandali ang mabilis na buhay at ibigay ang iyong panahon para sa taong
nangangailangan? Handa ka bang magsakripisyo para tulungan ang isang taong
hindi mo naman kakilala? Handa ka bang maglaan ng pagod para sa isang taong
naghihintay ng tulong? Ito ay mga sakripisyo na tunay na nangangailangan ng
pagtitiyaga.
3. Ito ay nangangailangan ng pagsisikap na mailagay una ang kapwa bago ang sarili.
Mapagtatagumpayan lamang ang layuning makagawa ng kabutihan sa kapwa
kung nakahanda ang isang tao na ipagpaliban ang pansariling mga
pangangailangan at paghahangad para sa isang tao na mas nangangailangan.
Ang isipin ang kabutihan ng iba bago ang pagtiyak sa pansariling kabutihan.
Magagawa ito sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng pagiging mapagpakumbaba.
Ano ba ang maaari mong magawa para sa iyong kapwa. Kailangan bang ito ay
magarbo? Kailangan bang ibigay ang sarili mong buhay para lang matawag na
tunay na kabutihan. Gaano man kasimple ang iyong ginawang kabutihan sa iyong
kapwa, ang mahalaga ito ay kusang-loob at puno ng pagmamahal. Bilang isang
nagdadalaga/nagbibinata narito ang halimbawa ng ilang simpleng kabutihan na
maaari mong magawa para sa iyong kapwa.
1. Gawing mas madalas ang pagngiti sa ibang tao. Nasubukan mo na bang gawin
ito. Nakatutuwa na kapag ginawa mo ito mas madalas na ngumingiti din sila sa iyo.
Sabi nila pinakamabuti itong ehersisyo sa mukha ng tao. Mas madalas daw na
pagngiti ang dahilan kung bakit hindi kaagad nagmumukhang matanda ang isang
tao. Kita mo, hindi lamang ibang tao ang nakinabang sa iyong pagngiti, maging
ikaw ay may malaking benepisyo din mula rito. Ang sabi nga, ngumiti ka at
siguradong ngingiti rin sa iyo ang mundo.
2. Magbigay ng matapat na papuri sa araw-araw. Subukan mo kahit tatlong beses
mo lang gawin ito sa bawat araw. Maging mapagmasid ka sa iyong paligid at lagi
mong hanapin ang mga magagandang bagay na ginagawa ng iyong kapwa na
karapat-dapat papurihan. Gawin mo ito na puno ng sinseridad. Mahalaga ito dahil
kapag nakikita natin ang mabuti sa ating kapwa, magsisimula tayo na makilala ang
mabuti sa ating sarili.
3. Mag “volunteer”. Kung darating ang pagkakataon at talagang nasa iyo ang
pagnanais na makatulong sa kapwa sa paraang iyong nais, maghanap ka ng isang
naaangkop na lugar o samahan upang maging isang volunteer. Mas makabubuti
kung mahanap mo ang gawaing angkop sa iyong interes upang mas madagdagan
ang iyong motibasyon sa pagsasagawa nito. Makakikilala ka na ng mga bagong
kaibigan, labis pa ang mararamdaman mong kaligayahan.
4. Gumawa ng anomang kabutihan na hindi pinagplanuhan o kusang dumarating sa
araw-araw (random acts of kindness). Walang hangganan ang kabutihang maaari
mong magawa para sa iyong kapwa. Maraming pangangailangang maaaring
matugunan sa iyong paligid sa araw-araw. Ang kailangan lamang ay buksan mo
ang iyong mga mata at ang iyong puso para sa iyong kapwa. Ang tumulong sa
isang matanda sa pagtawid sa daan, ang pag-alalay sa isang nagdadalang-tao sa
pag-akyat sa jeep, ang pagtuturo sa isang estranghero ng daan patungo sa
kanyang patutunguhan ay mga simpleng bagay na maaaring kusang dumating sa
iyong harapan at mangailangan ng pagtugon. Hindi naman mahirap di ba?
Ang simple-simple hindi ba? Hindi naman nangangailangang maging
komplikado muna ang lahat bago ka makagawa ng kabutihan sa iyong kapwa.
Mga simpleng gawa na maaaring magdulot ng hindi masukat na benepisyo para
sa iyong kapwa at maging para sa iyong sarili. Ano nga ba ang bunga ng paggawa
ng mabuti sa kapwa?
Bunga ng Paggawa ng Mabuti sa Kapwa
1. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay makatutulong para sa lahat. Ang pagtulong
ay hindi lamang nakatutulong sa taong tumanggap nito. Malaki rin ang maitutulong
nito sa mga taong nakasaksi ng ginawang kabutihan. Maaari itong makapukaw ng
damdamin ng taong nakakita at magsilbing inspirasyon upang ang katulad na
gawain ay kanila ring isagawa sa ibang pagkakataon.
2. Gaano man kalaki o kaliit ang ginawang kabutihan para sa kapwa nakababawas
ito ng stress at nakadadagdag sa kapayapaan sa pang-araw-araw na buhay.
Hindi sinusukat ang laki o ang liit ng kabutihang ginagawa sa kapwa. Malaki man o
maliit pareho lamang ang dulot na kaligayahan nito para sa taong gumawa ng
mabuti sa kanyang kapwa. At ayon sa isang site sa internet, nakatutulong din ito
upang tumugon ang katawan ng tao sa mga “endorphins” na nakababawas sa
stress.
3. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay libre ngunit ang kapalit nito ay hindi
matutumbasan ng ano mang halaga. Higit na lahat malaki ang maitutulong ng
paggawa ng mabuti sa kapwa para sa taong nagsagawa nito, walang katulad ang
kaligayahan na dulot sa damdamin ng isang taong nakatugon sa pangangailangan
ng kanyang kapwa. Hindi mabibili ng ano mang halaga ang kaligayahan na bigay
nito. Isama pa ang damdamin ng kapanatagan na hindi kailanman mararanasan
ng mga taong walang iniisip kundi ang pansariling kapakanan.
4. Napatataas nito ang antas ng halaga ng sarili (level of self-worth). Ang simpleng
ngiti ay maaaring makapagbago ng buhay ng kapwa. At sa pagkakataong
mangyari ito ramdam mo sa iyong sarili ang pag-angat ng antas ng iyong halaga
bilang tao. Narito ka sa mundo upang hanapin ang tunay na layunin ng Diyos para
sa iyo at malaki ang maitutulong ng paggawa ng mabuti sa iyong kapwa upang
unti-unti mong maabot ang kaganapan bilang tao.
Ang gumawa ng isang bagay para sa kapakanan ng ibang tao ay may iba’t
ibang uri; pagbibigay ng mga bagay, magpahiram, magpatawad, ang ialay ang
panahon para sa isang tao, pakikinig, pagbati sa mga tao, ang imbitahin sila sa
iyong tahanan, at marami pang iba. Ang lahat ng ito ay nangangailangan ng
pagpapasya mula sa taong magsasagawa ng kilos na ito. Ang pagbibigay ay
nangangahulugang sadyang paggamit ng ating kilos-loob para sa isang bagay na
mahalaga.
Mahalagang maunawaan na mas mahalaga ang ialay natin ang bahagi ng
ating sarili para sa ating kapwa kaysa ang magbigay ng ano mang bagay. Ang
pagbibigay ng sarili ay hindi nangangahulugan na pagbibigay ng iyong kabuuan,
hindi nangangahulugang pagbibigay ng lahat ng mayroon tayo sa lahat ng
nangangailangan sa lahat ng pagkakataon. Kapag ginawa ito, ito ay
kasingkahulugan na hinayaan na lamang natin na nakawan ang ating sarili ng
walang pag-iingat, na para bang wala na tayong halaga at pagpapahalaga sa ating
sarili. Kung minsan kasi ang ganitong pag-iisip ang nagiging balakid sa paggawa
natin ng mabuti sa ating kapwa. Sa paggawa ng mabuti sa ating kapwa,
nagbibigay tayo ng bahagi ng ating sarili
Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay pagpapakita ng pagmamahal sa
kapwa at sa Diyos. Maraming tao ang tumutulong at nagmamalasakit ngunit ang
bawat isa ay mayroong magkakaibang mga motibo. Ito ay mahirap na basta
makita sa isang tao. Kailangang maging malinaw sa lahat na ang tunay at dalisay
na hangarin sa pagtulong sa kapwa ay dahil dapat sa pagmamahal sa kapwa at sa
Diyos. Ang pagiging makasarili ng tao, ang pamumuhay ng puno ng luho o rangya
at ang pagpapabaya sa sarili ay nararapat na malabanan ng katatagan at ng
walang pasubaling pagbibigay ng sarili ng sino man na may hangaring kumilos ng
mapanagutan at puno ng pagbibigay.
Bakit ba natin kailangang maging mabuti sa ating kapwa? Mayroon isang
napakagandang tugon si Marc Estrin (World Mission, 2010). Ang kabutihan ang
bumubura sa kasakiman o sa pagiging makasarili dahil ito ay humihingi ng
pagababahagi. Ang kabutihan ang bumubura sa takot dahil ito ay nag-aanyaya ng
pagpapasalamat at pagmamahal. Ang kabutihan ang bumubura kahit sa
kahangalan dahil sa pagbibigay at pagmamahal natututo ang isang tao.
Ito ay isang pagpapasya. Nasa tao kung ito ay nais niyang isabuhay. Kung
ikaw ang tatanungin, pipiliin mo bang gumawa ng mabuti sa kapwa at
makatanggap ng walang hanggang biyaya? Nasa iyo ang pagpapasya.
Pakikipagkaibigan sa Katapat na Kasarian
“Posible ba na hindi ma-develop ang magkaibigan na babae at lalaki?” Tanong na
marahil mahirap din basta masagot. Marami na kasing mga pagkakataon na
ginagamit ang pagkakaibigan upang maging tuntungan para sa isang romantikong
relasyon.
Mas madalas, iba nga naman ang tingin nang marami kapag nakakita ng isang babae
at isang lalaki na matalik na magkaibigan. Madalas sentro ng panunukso ng mga
kakilala at may malisyang pagtingin ng mga hindi kakilala. Hindi kasi
pangkaraniwan. ”Kunwari lang ‘yan… Kapag tumagal ‘yan magiging sila rin.” Mga
linyang madalas na maririnig na reaksyon mula sa ibang tao. Paano nga ba pag-
iingatan ang ganitong uri ng pagkakaibigan upang ito ay mapanatili at
mapatatag?
Natalakay sa mga nagdaang aralin na upang umusbong ang
pagkakaibigan kailangang mayroong pagkakaisa sa interes o hilig,
sa mga taong nais na kahalubilo at mga paksa na kanilang pag-
uusapan. Kung ang ganitong mga nagkakaisang interes ay may
kalakip na pagkakaroon ng interes sa bawat isa at kung resulta ng
pagsasama ay may nabuong personal na paglago, nagsisimula ang
pagkakaibigan na makikita sa pagkakaroon ng pagnanais na magbahagi
sa isa’t isa ng kanilang mga karanasan , damdamin , kaisipan at mga
plano.
Katulad ng ano mang pagkakaibigan ang pagkakaibigan sa pagitan ng isang babae at
lalaki ay natural na umuusbong. Maari nilang makita ang isa’t isa nang
madalas,maaaring umusbong ang pagkakaroon ng simpatiya at koneksyon at ang
bawat isa ay kapwa magkaroon ng interes sa kanilang pagbabago o pag-unlad.
Ayon sa pag-aaral na ginawa nina Laura Guerrero at Alan M. Chavez (2005) tungkol
sa pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian (cross-sex friendship) ito raw ay
mayroong iba’t ibang uri:
1. Kapwa nagnanais na matungo ang pagkakaibigan sa isang romantikong relasyon
(examined mutual romance). May mga pagkakaton talaga na ginagamit na
tungtungan ang pagkakaibigan patungo sa isang romantikong relasyon. Ginagamit
ito upang mas makilala ang isa’t isa. Sa pagkakatong ito, nakikita kung may
posibilidad na lumago ang kanilang ugnayan patungo sa isang romantikong
relasyon o kung ito ba ay mananatili na lamang sa pagkakaibigan.
2. Kapwa nagnanais na mapanatili ang pagkakaibigan (strictly platonic). Sa
pagkakaibigang ito, naninindigan ang bawat isa na mapatatag ang kanilang
ugnayan bilang magkaibigan. Magagawa ito sa pamamagitan ng pag-uusap upang
(1) iwasan ang pagiging labis na malapit (pisikal) at ang pagkakaroon ng dahilan
upang makaramdam ng pisikal na atraksyon at (2) iwasanng pag-usapan ang mga
sensitibong isyu, lalo na ang may kaugnayan sa estado ng kanilang relasyon kung
ito ay magiging banta sa pananatili ng pagkakaibigan
3. Ang isa sa magkaibigan ay naghahangad ng isang romantikong pakikipag-
ugnayan (desires or rejects romance). Nangyayari ito sa mga pagkakataong ang
isa sa dalawang magkaibigan ay nakararamdam ng atraksyon o maaaring
pagmamahal sa kanyang kaibigan ngunit pilit niyang pinagtatakpan ang kanyang
damdamin dahil naniniwala siyang hindi kapareho ang nararamdaman ng kanyang
kaibigan para sa kanya. Ipinakikita ang labis na pag-iingat dahil sa takot na masira
ang pagkakaibigan dahil sa kanyang nararamdaman.
Sa mga uri na natalakay sa itaas ang pinakamalaking hamon ay hinaharap ng
dalawang taong nais na mapanatili ang kanilang pagkakaibigan. Ito ay dahil sa
pagitan ng isang babae at lalaki, naroon ang posibilidad na makaramdam sila ng
atraksyon sa isa’t isa at mauwi ito sa malalim na relasyon. Ayon kay J. Donald
O’meara (1989) mayroong apat na hamon na kinakaharap ng pakikipagkaibigan sa
katapat na kasarian.
1. Hamon sa emosyonal na pagkakabuklod (Emotional bond challenge). Mga
pagkakataong inaakalang ang labis na pagiging malapit nila sa isa’t isa at ang
kanilang pagkagusto sa ilang mga katangian ay nagpapahiwatig na ng isang
romantikong pakikipag-ugnayan. Mangyayari ito lalo na kung hindi bukas ang
magkabilang-panig na pag-usapan ang mga bagay na ito. Mahalagang maunawaan
ng bawat isa ang tunay nilang damdamin sa lahat ng pagkakataon upang
maiwasan ang pagkakaroon ng maling interpretasyon. Maaring kasi itong magdulot
ng pagkailang ng bawat isa sa kanilang kilos o pakikitungo na magiging daan
upang maputol ang pagkakaibigan. Mahalagang maging komportable ang
pakiramdam ng bawat isa upang magtagal ang kanilang ugnayan.
2. Hamon sa pagharap sa publiko (Public Presentation Challenge). Mahirap nga
mabasa ang magiging puna ng mga tao sa mga pagkakataong nakikita ang
dalawang magkaibigan sa magkatapat na kasarian na palaging magkasama at
magkausap. Mas madalas hindi sila nagtatanong, bagkus ay bumubuo ng kanilang
sariling konklusyon. Ito marahil ang isa sa maituturing na dahilan kung bakit
iniiwasan nang marami ang pagpasok sa ganitong uri ng pakikipag-ugnayan; dahil
sa takot na mahusgahan at makatanggap ng mga malisyosong pagtingin mula sa
ibang tao. Mahalagang pairalin ang katatagan upang hindi matalo ng mga maling
iniisip ng ibang tao. Kailangang maging ganap na maingat sa mga kilos lalo na sa
publiko upang hindi magdulot ng lalo pang maling interpretasyon.
3. Hamong sekswal (Sexual Challenge). Tunay na ang isang babae at lalaki ay nilikha
upang magbuklod bilang isa ngunit hindi ito angkop sa lahat ng pagkakataon. Sa
pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian, mayroong isang malalim na hamon na
maiwasan na magkaroon ng sekswal na ugnayan. Maaga pa lamang ay kailangang
mapag-usapan nang mabuti ang magiging hangganan ng kanilang ugnayan.
Kailangang laging pairalin ang prudensya at katatagan upang mapaglabanan ang
ano mang tukso na maaaring dumaan sa ugnayan.
4. Hamon ng pagkakapantay (Equality Challenge). Mananaig ang hamon na ito lalo
na sa isang uri ng lipunan na nananaig pa rin ang hindi pantay na pagturing sa
babae at lalaki. Kung minsan kasi dahil nakikita sa kanilang mga magulang ang
paghihiwalay ng tungkulin at katangian ng babae at lalaki (gender stereotyping) ay
nadadala ito sa pakikipag-ugnayan sa labas ng pamilya. Ito ay isa rin sa maaaring
maging dahilan upang hindi magtagal ang pakikipagkaibigan sa katapat na
kasarian. Kung kaya mahalagang panaigin lagi ang pagkakapantay sa ugnayan.
Kailangang maging bahagi ang bawat isa sa mga pagpapasya at mahalagang
ituring ang isa na kapantay ang halaga upang mapalago ang pagkakaibigan.
Ang mga hamon na natalakay sa itaas ang kailangang harapin ng sino man na
nagnanais na mapanatiling matatag ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian.
Katulad ng ano mang pakikipag-ugnayan, nangangailangan ito ng pagsasakripisyo
at pagsisikap sa magkabilang panig. Kailangan din ng pagtanggap na ang babae at
lalaki ay mayroong ilang mga pagkakaiba kung kaya kailangan ng kahandaan na
makibagay o makiangkop. May ilang mga payo sa ibaba na maaaring makatulong
upang mas mapatatag ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian.
1. Kailangang unawain ang tunay na kahulugang ng pagkakaibigan. Ito ay isang
ugnayan ng dalawang tao na maipakikita sa pamamagitan ng pagtutulungan,
pagtanggap at pagsuporta sa isa’t isa.
2. Isaisip na hindi sa lahat ng pagkakataon na ang dahilan ng pakikipagkaibigan ng
isang lalaki ay upang magkaroon ng tungtungan para sa isang malapit na ugnayan.
Marami ring mga lalaki ang may interes na makipagkaibigan sa katapat na kasarian
dahil nais nilang magkaroon ng pagkakataong makausap at makapagbahagi sa
isang babae na madalas ay hindi nila magawa sa kanilang mga kaibigang lalaki. Sa
mga kaibigang babae sila nakakaroon ng laya na ibahagi ang kanilang tunay na
nararamdam na walang takot na tuksuhin bilang mahina. Sa mga babae malaya
silang naipakikita ang mas malambot na bahagi ng kanilang sarili.
3. Kailangang maunawaan ang pantay na pagtingin na dapat at nakalaan sa isang
babae at lalaki sa lipunan sa kasalukuyan. Hindi na ito ang panahon na katulad
noon na ang babae at lalaki ay hindi masyadong nabibigyan ng pagkakataon ng
magsama o magkalapit. Sa kasalukuyan, maraming mga pagkakataon na
nagkakasama ang isang babae at lalaki na may magkaparehong interes at
pananaw kung kaya hindi imposible ang mabuo ang isang pagkakaibigan.
4. Maaaring hindi pa ganap na nabubura ang pananaw ng lipunan na ang nagsasama
lamang na babae at lalaki ay yaong mayroong espesyal na ugnayan, dumarami na
rin ang mga taong nagiging malawak ang pag-iisip sa posibilidad na magkarooon
ng relasyon bilang magkaibigan ang magkasalungat na kasarian.
5. Unawain na bahagi ng dahilan kung bakit nais na maging magkaibigan ng
dalawang taong nasa magkatapat na kasarian ay upang maunawaan ang
katangian na tangi para sa bawat isa. Halimbawa, ang mga babae ay nagnanais na
maunawaan ang dahilan ng kilos ng mga lalaki at kung bakit nila ito ginagawa. Ang
mga lalaki naman ay may interes na malaman kung ano ang halaga ng emosyon at
kung ano ang makapagpapasaya sa isang babae. Hindi imposible na mayroon
talagang makatotohanang pagnanais na mas malalim na maunawaan ang isa’t isa
at ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba.
6. Kailangan mong maunawaan na ang isang babae at lalaki ay magkaiba sa paraan
ng pakikipag-usap. Mas madalas na tungkol sa mga usaping makatotohanan at
may batayan. Samantalang ang mga babae naman ay mas gustong pag-usapan
ang kanilang mga damdamin at mga obserbasyon. Hindi ito paglalahat sa mga
babae at lalaki ngunit maari itong makatulong upang mas mapalago ang
pagkakaibigan sa pagitan ng isang babae at lalaki. Sa tulong nito mas
makapagtatakda ang sino man ng kanilang mga limitasyon sa mga paksang
kanilang pag-uusapan sa araw-araw.
7. Mas bigyan ng pagkakataon ang mga lalaki na magbigay ng mga solusyon sa mga
suliraning kakaharapin. Bigyan din sila ng pagkakataon na magpasya sa ilang mga
bagay na mas makapagpapalago sa pagkakaibigan. Sa lahat ng pagkakataon
dapat ay may nagbibigay at may tumatanggap. Ang ano mang relasyon ay
nangangailangan ng partisipasyon ng lahat ng taong sangkot sa pagpapasya para
sa ikalalago at ikatatatag ng pagkakaibigan. Kailangang maiparamdam na ang
lahat ng mga pasya ng bawat isa ay mahalaga at binibigyan ng puwang.
8. Kailangang maglaan ng panahon ang babae sa pakikinig sa mga hinaing o suliranin
ng lalaki. Ang mga kababaihan ang nararapat na pagmulan ng suporta at sila ang
makababawas ng bigat na nararamdaman ng kanyang kaibigan. Mas madalas na
hindi makapagpakita ng emosyon ang mga lalaki sa kapwa nila lalaking kaibigan.
Ito ang dahilan kung bakit mas naibabahagi nila ang kanilang mga hinaing o
suliranin sa mga kaibigang babae. Kailangang maging bukas sa pagpapakita ng
interes sa pakikinig at suporta sa pagbibigay ng payo na maaaring maging batayan
sa kanilang magiging pagpapasya.
9. Pag-usapan ang magiging limistasyon sa pagkakaibigan. Kailangang
mapagkasunduan na maging matatag sa pagpapanatili ng pagkakaibigan at laging
pagiging matapat sa isa’t isa. Panatilihing buhay ang pagtitiwala sa isa’t isa sa
pamamagitan ng pagpapanatiling bukas ng matapat na komunikasyon, pagsuporta
at pagpapairal ng kahinahunan. Palaging pag-usapan ang ano mang mga isyu na
darating at siguraduhing isasagawa ito sa maayos na pamamaraan. Kailangang
isaisip na hindi kailangang palakihin ang isang bagay na maliit lamang.
10. Kailangang maunawaan na ang mga lalaki ay maalaga at may posibilidad na
maging seloso. Hindi sa ano pa mang dahilan, ito ay sa dahilang ang mga lalaki ay
laging nagnanais na mapanatiling ligtas at malayo sa ano mang gulo ang taong
mahalaga sa kanilang buhay. Bilang babae, hindi ka dapat nagkakaroon ng maling
interpretasyon sa gawi na ito. Kumikilos lamang siya na parang isang
nakatatandang kapatid na lalaki.
Ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian ay nahuhubog at napananatili
na walang malinaw na natukoy na pamantayan. Kung kaya mas malaki ang hamon
na kinakaharap nito. Ang magiging mga karanasan ang unti-unting magiging mga
batayan upang ipagpatuloy ito ay mas mapatatag. Lahat naman ng tao ay natututo
sa kanyang mga karanasan; sa mga pagkakamali at sa kanyang mga pagkukulang.
Kailangang kapwa sila nakahandang tumanggap sa kanilang mga pagkakamali at
maging bukas sa pagbabago para sa ikatatatag ng pagkakaibigan.
Ang pagbuo ng pagkakaibigan sa katapat na kasarian ay magiging isang
mayamang karanasan kung ang katapatan at paggalang sa isa’t isa ay laging
nariyan. Kailangan ding tandaan na mahalaga na ang bawat isa ay magpakita ng
mataas na antas ng pagkahinog (maturity). Kailangang labis na maging maingat
upang hindi lumagpas sa kanilang mga limitasyon.
Sa pagdaraan sa prosesong ito, at habang naipakikita sa marami ang katatagan sa
pagkakaibigan, lalong magiging marami ang mga taong magnanais na subukin pa
ang ugnayan. Sa ganitong mga pagkakataon, mahalang maipaunawa sa kanila na
kapwa malinaw sa inyo na kayo ay mabuting magkaibigan at mananatiling
magkaibigan sa mahabang panahon.
KATAPATAN SA SALITA AT GAWA
Nakaranas ka na bang lumikha ng kwento sa harap ng iyong mga kaibigan?
Habang ibinibahagi mo ito sa kanila, marahil labis ang nararamdaman mong kagalakan
dahil nakikita mong naniniwala sila sa lahat ng iyong sinasabi. Nakukuha mo ang
kanilang pansin, ang kanilang paghanga. Ang mga ganitong pangyayari ang patuloy na
nagtutulak sa iyo upang gawin ito ng paulit-ulit, hanggang sa ito ay iyo nang
Teachers call it CHEATING.We call it TEAMWORK
makasanayan. Isa itong hindi magandang palatandaan. Ang hindi pagsasabi ng totoo o
panloloko ng kapwa ay parang isang bisyo. Kapag ito ay paulit-ulit na isinagawa,
nagiging bahagi na ng pang-araw-araw na buhay at magiging mahirap na para sa iyo
na ito ay maialis sa iyong sistema. Ito ay isa lamang sa mga halimbawa ng mga
nakaaalarmang sitwasyon lalo ng mga kabataan sa kasalukuyan.
May isang islogan nga mula sa isang social networking
site sa internet na tunay na nakaaagaw ng pansin ang
naglalaman ng ganito: “Teachers call it CHEATING. We call it
TEAMWORK”. Malikhain ang pagkakagawa nito ng isang mag-
aaral sa hayskul. Ang pangongopya sa klase sa oras ng
pagsusulit o ng mga takdang-aralin ay isa nang lumalalang
suliranin, hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong
mundo. Ito ay nakaaapekto, hindi lamang sa taong
nangongopya kundi mas higit sa mga taong napipilitang
makibahagi sa maling gawaing ito. Sa labis na pagiging laganap ng gawaing ito, hindi
na kinikilala ng mga mag-aaral na mali ito. Labis na nakagugulat at nakalulungkot kung
paano binibigyang katwiran ng mga kabataan sa kasalukuyan ang kanilang mga
pagkakamali. Ginagawa nilang tama ang mali at ang mali ginagawang tama.
Marahil, mula ng ikaw ay nasa elementarya hanggang sa kasalukuyan naririnig
mo ang mga katagang “Honesty is the best policy”. Mula pa sa simula ay itinatanim na
ito sa isipan ng isang bata upang kanyang isabuhay. Ngunit sa kabila nito, parami pa rin
nang parami ang bilang ng mga kabataan na para bang napakadaling paglaruan ang
isip at damdamin ng kanilang kapwa sa kanilang mga kasinungalingan. Sabi nga ng
marami, sa panahong ito, napakahirap nang malaman kung ano at sino ang
paniniwalaan. Kung sino ang may kredibilidad at katiwa-tiwala. Minsan tuloy, hindi
maiwasang maitanong, mahirap nga ba ang pagyakap sa tama at totoo?
KATAPATAN SA SALITA
Ang salita ng tao na tumutulong sa atin upang maging ganap ay ginagamit at
madalas na inaabuso; ang pagsisinungaling ay isang paraan ng pag-abuso rito. Ang
pagsisinungaling ay pagbaluktot sa katotohanan, isang panlilinlang. Ang
pagsisinungaling ay ang pagtatago ng isang bagay na totoo sa isang taong may
karapatan naman para rito. Hindi kailanman binigyan ng karapatan ang sino man na
ipagkait ang katotohanan lalo na kung karapatan naman niya na ito ay malaman. Ano
mang uri ng pagsisinungaling ay kalaban ng katotohanan at katapatan. Ayon sa isang
artikulo mula sa internet ang mga sumusunod ay ang iba’t ibang uri ng
pagsisinungaling.
a. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao (prosocial lying).
Madalas na nagagawa ito para isang taong mahalaga sa kanyang buhay.
Halimbawa, pumunta kayo sa isang pagdiriwang sa kaarawan ng isang kaklase
kasama ang inyong ibang mga kaibigan. Hindi nakapagpaalam sa kanyang mga
magulang ang iyong matalik nakaibigan dahil alam niya na hindi naman siya
papayagan. Ngunit dahil napasarap sa pakikipagkwentuhan, hindi na ninyo
namalayan na gumagabi na pala. Alam mo na pagagalitan siya ng kanyang
mahigpit na ama. Kung kaya kinausap ka niya upang magsinungaling sa mga ito
upang sabihin na ginabi kayo dahil sa paggawa ng proyekto sa inyong bahay.
Ginawa mo ito dahil ayaw mong mapahamak ang iyong kaibigan. Sa maraming
pagkakataon, hindi man natin ninanais, hindi natin mapabayaan ang taong
mahalaga sa atin kung kaya napipilitan tayong magsinungaling para sa kanila.
b. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o
maparusahan (Self-enhancement Lying). Marahil naoobserbahan mo ang ilang
mga kaklase na nakagawa ng pagkakamali sa paaralan. May mga pagkakataon
na ipinatatawag sa paaralan ang kanilang mga magulang. Ngunit sa halip na
sabihin sa mga magulang ay makikiusap sa isang kakilala upang magpanggap
na kaanak. Sa ganitong paraan, hindi siya mapagagalitan ng kanyang mga
magulang sa kanyang pagkakasala na nagawa. Dumarami ang taong kanyang
niloloko upang maisalba ang kanyang sarili sa anumang kahihinatnan ng
kanyang pagkakamali.
c. Pagsisinunaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao
(Selfish Lying). May mga taong labis na makasarili. Ang tanging iniisip ay ang
pansariling kapakanan at hindi na iniisip kung makasasakit ng kanyang kapwa.
Halimbawa, may isang kang kaklaseng lalaki na labis ang pagiging pilyo. Kahit
sa oras ng klase ay pinaiiral niya ang ugaling ito. Binato niya ang isang kaklase
ng bolang yari sa papel. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang tinamaan
nito ay ang kanyang guro na nakatalikod habang nagsusulat sa pisara. Sa
pagtatanong ng guro kung sino ang may kagagawan ay bigla na lamang niyang
ituturo ang isang tahimik na kaklase upang siya ang pagalitan ng guro. Hindi ba
nangyayari talaga ito sa silid-aralan?
d. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa (Antisocial Lying). Minsan
kapag may galit tayo sa isang tao, lumilikha tayo ng maraming kwento na
makasisira sa kanyang pagkatao. Ikakalat ito sa mga taong nakakikilala sa kanya
na may hangarin na sirain ang pagtingin ng mga ito sa kanya. Sa paraang ito
nakararamdam ng kasiyahan ang taong gumagawa nito. Ito ay dahil sa kanyang
palagay na makagaganti siya sa kanyang kaaway.
Marami pang ibang mga dahilan kung bakit nagsisinungaling ang isang tao. Ang
mga sumusunod ay ilan lamang sa mga ito.
Upang makaagaw ng atensyon o pansin.
Upag mapasaya ang isang mahalagang tao.
Upang hindi makasakit sa isang mahalagang tao.
Upang makaiwas sa personal na pananagutan.
Upang pagtakpan ang isang suliranin na sa kanilang palagay ay seryoso o
“malala”.
Ang pagsisinungaling sa edad na 6 na taon ay kailangang bigyan ng tuon. Sa
edad na ito, ang isang bata ay marunong nang kumilala ng kasinungalingan at
katotoanan. Sa edad na 7, napaninindigan na ng isang bata ang pagsisinungaling. Ang
mga bata sa edad na ito ay nakakikilala na ng pagkakaiba ng kanilang iniisip at kung
paano paglalaruan ang kilos ng ibang tao para sa kanyang sariling kapakanan.
Halimbawa, ang isang batang pitong taong gulang na nakasira ng kanyang laruan at
nananaig ang takot na mapagalitan ng kanyang magulang dahil sa kanyang
kapabayaan ay mas pipiliin na isisi ang pagkasira nito sa kanyang kalaro upang hindi
mapagalitan.
Ang maagang yugto na ito ang pinakakritikal, dahil kapag ito ay napabayaan,
magtutulak ito upang makasanayan na ang pagsisinungaling at maging bahagi na ito ng
kanyang pang-araw-araw na buhay. Kung kaya minsan, mahirap nang matukoy kung
ang isang bata ba ay nagsisinungaling o nagsasabi ng totoo. Sabi nga nila, marahil
hasang-hasa na.
Marahil dapat maunawaan ng bawat isa, gaano ba kahalaga ang mamuhay para
sa katotohanan? Sa ganitong paraan, mas magiging madaling ipaunawa sa mga bata
na mayroong kabuluhan ang pakikipaglaban para sa katotohanan, upang panindigan
ang katapatan sa kanyang salita at higit sa lahat sa gawa. Bakit nga ba kailangang
magsabi ng totoo? Narito ang walong pinakamahalagang dahilan sa pagsasabi ng
totoo.
1. Ang pagsasabi ng totoo ang natatanging paraan upang malaman ng lahat
ang tunay na mga pangyayari. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang hindi
pagkakaunawaan, kalituhan at hindi pagkakasundo.
2. Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksyon para sa mga inosenteng
tao upang masisi o maparusahan. Nangyayari ito sa mga pagkakataong
ginagamit ang ibang tao upang mailigtas ang sarili sa kaparusahan.
3. Ang pagsasabi ng totoo ang magtutulak sa tao upang matuto ng aral sa mga
pangyayari. Sabi nga nila, minsan masakit talaga malaman ang katotohanan
ngunit mas magiging masakit kung kung ito ay pagtatakpan ng
kasinungalingan.
4. Sa katotohanan, mas malaking suliranin ang ibubunga ng pagsisinungaling
kaysa sa pagsasabi ng totoo. Sabi nga nila, walang sikretong hindi
nabubunyag. At sa pagkakataong ito ay mabunyag, makasisigurong masisira
na ang pagtingin sa iyo ng iyong kapwa.
5. Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa. Ang tiwala ay inaani mula sa
patuloy na pagpapakita ng magandang halimbawa ng katapatan sa kanyang
kapwa. Hindi ito hinihingi dahil hindi naman din ito basta ibibigay sa hindi
karapat-dapat. Ito ay itinatanim at inaani sa tamang panahon. Isang
pagkakataon lamang na masira ang tiwala ng iyong kapwa sa iyo
napakahirap na itong mabawi, mabura. Ang isang saglit ng pagsisinungaling,
panloloko at pagnanakaw ay kapalit ng habang buhay na pagkasira ng iyong
pagkatao sa mata ng iyong kapwa.
6. Hindi mo na kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan para
lamang mapanindigan ang iyong nilikhang kwento. Sa mahabang panahon
gagawin mo ito para lamang mapagdugtong dugtong ang mga
kasinungalingang iyong kinatha.
7. Inaani mo ang reputasyon bilang isang taong yumayakap sa katotohanan –
isang birtud na pinahahalagahan ng maraming tao.
8. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam
ng seguridad at kapayapaan ng kalooban. Ang pagsisinungaling ay
nagdudulot ng bigat ng kalooban , isang digta ng konsensya na patuloy na
babagabag sa iyong kalooban. Ito ag magiging dahilan upang hindi ka
magkaroon ng katahimikan.
Ngunit may mga pangyayari na nagbubunsod sa tao upang itago ang
katotohanan. Ito ay bunga ng isang seryosong dahilan o obligasyon na kapag nilabag
ay mas lalong magdulot ng pinsala hindi lamang para sa sarili kundi maging sa ibang
tao. Ang pagtatago ng totoo ay hindi maituturing na kasinungalingan. May apat na
pamamaraan ayon sa aklat ni Vitaliano Gorospe (1974) ng pagtatago ng katotohanan.
1. Pananahimik (silence). Ito ay nangangahulugang pagtanggi sa pagsagot sa
anumang tanong na maaaring magtulak sa kanyan upang ilabas ang
katotohanan. Sa kabila ng pamimilit ng ilang tao na ang nais ay makialam sa
buhay ng iba ngunit wala namang karapatan sa katotohanan ay mas pinipiling
manahimik na lamang. Kaya lamang para sa maraming tao na hindi gaanong
malawak ang pag-iisip, sasabihin lamang nila ang kahulugan ng pananahimik
at pag-amin sa katotohanan.
2. Pag-iwas (evasion). Ito ay nangangahulugan ng pagligaw sa sino mang
humihingi ng impormasyon sa pamamagitan ng hindi pagsagot sa kanyang
mga katanungan. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng pag-iiba ng usapan,
pagbibigay ng ibang tanong, pagtrato sa tanong ng kausap bilang isang biro o
kung minsan ay pagpapakita na siya ay nasasaktan. Ang pag-iwas ay
nangangailangan ng bilis at talas ng pag-iisip.
3. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan
(equivocation). Ito ay pagsasabi ng totoo ngunit ang katotohanan ay
maaaring mayroong dalawang kahulugan o interpretasyon. Upang maging
lehitimo ang paraang ito, kailangan na ang parehong kahulugan ay pawang
magdadala sa kanila sa malalim na pag-iisip. Dahil dito, maaaring matuon
ang kanyang pansin sa isang kahulugan na magliligaw sa kanya sa
katotohanan lalo na kung hindi naging maingat sa kanyang mga paghuhusga.
4. Pagtitimping Pandiwa (Mental Reservation). Ito ay nangangahulugang
paglalagay ng limitasyon sa tunay na esensya ng impormasyon. Ito mag-
aakay sa taong humihingi ng impormasyon na isipin kung ano ang nais na
ipaiisip ng nagbibigay ng impormasyon. Ito ay nangangahulugang pagsasabi
ng totoo ngunit hindi ang buong katotohanan. Ang isang bahagi ng
katotohanan ay nananatili sa isip ng taong nagbibigay ng impormasyon
upang ang bahaging sinabi ay magdulot ng kalituhan.
Mahalagang tandaan na ang ganitong mga pamamaraan sa pagtatakip o
pagtatago ng katotohanan ay hindi ginagamit sa lahat ng pagkakataon o sa kahit na
anong dahilan. Ang hindi mapanagutang paggamit nito ay maituturing na rin na
pagsisinungaling, maaaring makasira ng panlipunang kaayusan at ng tiwala.
KATAPATAN SA GAWA
May kasabihan na, “action speaks louder than words”. Patunay na mas
binibigyan ng halaga ang gawa kaysa sa salita. Sa usapin ng katapatan minsan ay
natutuon lamang ang pansin nang marami sa kasinungalingan bilang paglabag sa
katotohanan. Nakaliligtaan na ang kilos din ng tao ay may kakayahang lumabag sa
katapatan.
Halimbawa, ang korapsyon o ang pagnanakaw sa kaban ng bayan ay isang
malalang suliranin sa bansa. Isa ito sa pangunahing itinuturong dahilan kung bakit
patuloy na naghihirap ang maraming mga mamamayan. Ito ay sa dahilang sa halip na
napupunta ang pera ng pamahalaan para sa serbisyo para sa mamamayan ay
napupunta sa iilang tao na nasa kapangyarihan na hindi yata nauunawaan ang halaga
ng katapatan. Ang pera ang isa sa pangunahing kalaban ng katapatan sa gawa.
Marami ang nabubulag sa maaaring maibigay na ligaya ng pagkakaroon ng maraming
pera kung kaya binabalewala ang pangangalaga sa sariling integridad. Mas higit na
hindi napahahalagahan ang moralidad ng kanilang kilos. Mulat ang iyong mga mata sa
ganitong mga gawain. Ngunit kailangang maging malinaw sa iyo na isa ito sa
pinakamasamang halimbawa ng paglabag sa katapatan sa gawa. Ito ay lubos na hindi
katanggap-tanggap. Tandaan mo na mas higit na nakamumuhi ang kawalan ng
katapatan sa gawa kaysa sa salita. Ipinagkakait ng taong gumagawa nito ang nararapat
para sa mga taong dapat na makinabang dito. Maraming tao ang nagtitiis sa hirap at
namamatay sa gutom dahil sa pagiging sakim sa pera ng iilan.
Kung minsan pa, masyadong mapagpaimbabaw ang mga taong ito, ang kanilang
mga pananalita at ang kanilang mga kilos ay kaya nilang gamitin sa panlilinlang ng
ibang tao. Marami ang naniniwala na sila ay mabuti at laging nakahandang tumulong sa
kanilang kapwa. Ngunit hindi alam ng marami na sa likod nito ay ang mga gawaing
bumabaluktot sa katapatan at katotohanan. Magiging ganap na matapat lamang ang
kilos ng tao kung tunay niyang isinasabuhay ang kanyang mga sinasabi.
Ang matapat na tao ay hindi kailanman magsisinungaling, hindi kukuha ng bagay
na hindi niya pag-aari at hindi manlilinlang o manloloko ng kanyang kapwa sa anomang
paraan. Ito ay ang pagkaka-ayon ng isip at ng katotohanan.
Ang bawat tao ay nararapat na magtaglay ng mataas na pamantayang moral
para sa kanyang sarili at maging tapat sa kanyang salita sa gawa. Maaaring madaling
sabihin ngunit mahirap na ganap na maisabuhay. Ganon naman talaga ang buhay,
hindi mo basta makakamit ang ganap na kabutihan nang hindi ka nagsasakripisyo para
sa isang bagay na nais mong makamit. Mahalaga ang pagiging matapat dahil ito ang
batayan ng pagtitiwala na nararapat na umiiral sa mga kasapi ng lipunan. Ito ang
pundasyon na maaaring magbuklod at magpatatag sa ano mang samahan. Hindi na
kailanman magkakaroon ng pagdududa tungkol sa integrdad at pagkakaisa dahil ang
birtud na ito ay walang iba kundi ang pagpapakita ng tunay na sarili sa ibang tao; sa
isip, sa salita at higit sa lahat sa gawa na walang halong takot o pag-iimbot. At sa
pagbabantay sa sarili laban sa panlilinlang, pagtatago at pagpapanggap. Kung talagang
nais nating mamauhay na may pagkakaisa, kailangang nating yakapin ang katotohanan
sa lahat ng pagkakataon. Ito ay batayan ng ano mang sibilisasyon at ng lipunan – ang
maging totoo sa sarili at sa kapwa. Ngunit kapansin-pansin na nagkukulang na ang
maraming tao sa birtud na ito. Parami nang parami ang taong namumuhay para sa
kasinungalingan, para sa panlilinlang at para sa pagiging makasarili.
Mahalaga na sa lahat ng ating iniisip, sinasabi, at ginagawa; malaking bagay
man ito o maliit, lagi nating sinisiguro na ito ay yumayakap sa katotohanan. Magagawa
natin ito sa pamamagitan ng pagsisimula sa maliliit na bagay. Katulad na lamang ng
tatlong maliliit na huwaran ng asal (behaviour patterns) na nagpapakita ng tatlong
malalaki at magkakaugnay na birtud. Una, Gumagawa ka ba ng tama at mabuting mga
pagpapasya at naninindigan para rito? (decisiveness) Ikalawa, Ikaw ba ay bukas sa
iyong kapwa. Sa pagbabahagi mo ba ng iyong sarili sinisiguro mo na ito ay may kalakip
na moral na awtoridad (moral authority). Ikaw ba ay marunong tumanggap ng
pagkakamali? (openness and humility) Ikatlo, Ang lahat ba ng iyong iniisip at ginagawa
ay sinisiguro mo na yumayakap sa katotohanan? (sincerity or honesty) Ang pagyakap
sa lahat ng mga ito ang maglalayo sa iyo sa sitwasyon na kakailanganin mong gumawa
ng mga bagay na labag sa katotohanan para lamang pagtakpan ang iyong mga
pagkakamali. Kailangang sa simula pa lamang ay gabay mo na ang mga ito upang
makapamuhay ka na puno ng katapatan.
Ang desisyon na yumakap sa katotohanan/ pagiging matapat ay bunga ng sarili
nating pagpapasya. Wala itong katumbas na halaga ngunit hindi kailanman mabibili ng
salapi. Makakaya nating palaguin ang birtud na ito kung tunay na sinusubukan nating
matapat na maisabuhay ito sa araw-araw. Katulad ng ano mang birtud, kailangan ang
paulit-ulit na pagsasabuhay nito upang ito ay ganap na maangkin.
Laging tandaan na ang katotohanan ay hindi nililikha ng tao, nag-iisa lamang ito
at hindi kailanman mababago ng panahon o ng lugar.
Upang mahubog ang karangalan, katapatan at integridad kailangang mamuhay
sa katotohanan at ipanig mo ang iyong sarili sa kung ano ang tama. Mas magiging
madali para sa iyo ang sumunod sa batas ng pamahalaan, ng iyong pananampalataya
at sa iyong pamayanan kung iyong mauunawaan na sila ay nariyan para sa iyong
proteksyon at para sa kaayusang pansarili (well-being).
Ito ay isang hamon na hindi madaling harapin kung hindi taos sa iyong puso ang
pagnanais na ito ay makamit. Ngunit ang pangako nito para sa patuloy na paglago ng
iyong pagkatao bilang tao ay hindi matutumbasan ng ano mang yaman o kasikatan.
Ikaw, tinatanggap mo ba ang hamon na ito?
FOURTH GRADING
Biktima
Determinado ako na kitlin ang aking sarili. Ako ay 12 taong gulang, nasa ika
pitong baitang at ako ay nasa isang bitag – nakakulong sa isang nakatatakot na buhay-
paaralan na pinaghaharian ng isang grupo ng mga kabataang lalaki, na nasisiyahan sa
panggigipit at pananakit na pisikal at pasalita, sa bawat minuto ng aking buhay mula pa
nang ako ay tumuntong sa paaralan. Kaya nga sa kainitan ng araw na iyon, habang ako
ay marahang naglalakad pauwi ng aming bahay matapos tumunog ang huling bell sa
eskwelahan, napagpasyahan ko na tapusin na ang aking miserableng buhay.
Yan ay may dalawamput apat na taon nang nakalilipas. Noong ako ay isa
pang lampa, buto’t balat sa kapayatan, may makapal na salamin, may braces sa ngipin,
laman ng aklatan at may pagkamahinhin ang kilos. Ang aking pagiging bata ay parang
isang bangungot na hindi matapos. Wala silang pagod sa pangbubulas. Ang mga
batang lalaki sa paaralan na higt na malalaki at malalakas matapos makita ang aking
mga kahinaan ay walang patid akong pinarurusahan araw araw dahil lamang sa ako ay
iba sa kanila. Bago ko pa man lubos na naunawaan ang kahulugan nito ay isinisigaw
nila sa akin ang mga bansag na “bakla” at binabae. Parang lason sa aking puso ang
kanilang bawat sigaw. Payapa lamang ako sa piling ng aking koleksyon ng mga komiks
at ang aking tanging kasiyahan ay ang pagguhit habang nasa harap ng telebisyon.
Sa paaralan ako ay tila ba may nakahahawang sakit. Nilalayuan ng mga
kapwa ko lalaki dahil sa hindi pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili at sapat na
pagkalalaki upang mapabilang sa kanilang hanay. Kaiba ako sa mga kamag-aral kong
lalaki sapagkat ako ay tahimik at kaibigan ng lahat ng mga babae sa paaralan.
Kumikilos at nagsasalita na wari ba’y babae rin. Hindi ko maipagtapat sa iba ang
ginagawang pananakot at pananakit ng aking mga kamag-aral na lalaki. Hindi ko ito
masabi sa aking mga guro, magulang, mga kapatid, at maging sa napakarami at
napakalapit kong mga kamag-anakan at pininsan.
Ngayon ko naunawaan kung paanong ang mga biktima ng pambubulas ay nagdurusa
ng tahimik.
Labis na nakahihiya ang maging biktima ng pambubulas. Ako ay nahihiya sa
aking sarili, kung paanong hinahayaan kong saktan nila ako at maramdamang ako’y
walang kwenta. Nahihiya ako na hindi ko sila kayang labanan. Ipinaramdam nila sa akin
na may mali sa aking pagkatao. Nahihiya ako na malaman ito ng aking mga mahal sa
buhay. Nahihiya ako na malaman nila ang ibinabansag ng mga kapwa ko bata sa akin.
Nahihiya ako na malaman nila na ako ay isa ngang binabae.
Kaya’t tulad ng iba pang naging biktima nito, pinasan kong nag-iisa ang kahihiyan ng
ginagawa nilang pananakit sa akin.
Habang naglalakad ako papauwi nang araw na iyon na itinalaga ko nang
syang magiging huling araw ko, naalala ko nang ako’y gulantangin ng isang sasakyang
dumaraan.
“Hoy, bata!” sabi ng mamang noon ko lamang nakita, “Ayos ka lang ba?”
Naalala kong ako’y nabubulol pang tumugon na mabuti ang aking lagay.
“Sigurado ka ba? Baka may maitutulong ako? Mukhang malungkot ka.” Habang
tuluyan na nyang inihinto ang kanyang sasakyan natatandaan kong siya’y nakatingin sa
akin na puno ng pag-aalala.
Muli ay sinabi kong ako’y maayos at saka lamang siya nagmaneho papalayo.
Habang minamasdan ko ang papalayong sasakyan, bigla kong naramdaman ang init
nang panahong iyon. Noon ko lamang napansin ang liwanag ng nakatirik na araw. Hindi
ko malilimot ang mga sandaling iyon na tila ba napawi ng init ng araw ang lahat ng
aking kalungkutan sa puso.
May taong nagbigay pansin sa akin.
Isang taong noon ko lamang nakita at hindi na muli pang masisilayan, ang nag-
alala at nag-abala para sa akin – isang binabae, bakla, walang kwentang nilalang.
Nagbigay sya ng kanyang panahon upang alamin kung ako ay may dinaramdam.
Mahalaga ako; nagbago ang lahat sa akin.
Natapos ang aking balak na pagpapatiwakal noon din at hinding hindi ko na muli
ito binigyan ng pagkakataong guluhin ang aking isip. Kahit pa nagpatuloy ang
pagmamalupit ng aking mga kamag-aral na lalaki sa akin, hindi na ito naging
kasingsakit. Nang ako ay mapunta sa mataas na paaralan nakakilala ako nang mga
katulad ko rin – kakaiba man o hindi, bakla o tunay na lalaki may halaga kami.
Makalipas ang dalawamput apat na taon masasabi kong nagiging maayos ang
lahat sa paglipas ng panahon. Maaring hindi na ako lampa at patpatin gaya ng dati,
hindi na rin nagsasalamin dahil sa Lasik Eye Surgery, magaganda na rin at tuwid ang
aking mga ngipin, ako pa rin ang dating batang mahinhin ang kilos na tulad sa isang
babae. At hindi ko ito ikinahihiya. Ito’y bahagi ng aking pagkatao.
Ako ay may halaga, tulad din ng maraming mga batang nagiging biktima ng
pambubulas. Lahat ay may karapatang makita na bumubuti rin ang lahat sa huli.
KARAHASAN SA PAARALAN
Nakababahala ang ilang mga napababalitang karahasang nagaganap sa
paaralan. Kamakailan lang ay isang mag-aaral ng mataas na paaralan ng Manuel L.
Quezon sa Lungsod ng Kalookan ang napabalitang nanaksak ng isa sa kanyang mga
guro dahil lamang sa pagsita nito sa kanyang mahabang buhok. Noong 2006, isang
mag-aaral na nakatakda na sanang magtapos sa Philippine Science High School ang
nilason ng kanyang kamag-aral sa pamamagitan ng paglalagay ng mercury sa kanyang
inumin. Inaakalang ito ay dahil sa katunggali nito ang kamag-aral sa pangunguna sa
klase. Hindi rin mabilang ang ilang insidente ng pagpapatiwakal ng mga kabataan tulad
na lang noong isang taon, laman ng mga pahayagan si Mariannet Amper, isang 12
anyos na batang babae sa Lungsod ng Davao. Siya’y nagpatiwakal dahil umano sa
labis na kahirapan nila sa buhay. Gayon din sa Iloilo isang 14 anyos na batang lalaki
ang tumalon mula sa flyover doon dahil naman sa pag-abuso sa rugby. Si Kristen
Ariane Cuenca, isang batang nasa ikatlong baitang ang tumalon mula sa ikaapat na
palapag ng kanilang paaralan matapos makakuha ng mababang marka sa report card.
Laman din ng pahayagan ang mga insidente ng pagkamatay ng mga kabatan matapos
maging biktima ng hazing sa mga gang o fraternity. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng
mahigpit na batas laban dito sa ating bansa. Si Glacy Monique Dimaranan 15 anyos na
kabataang babae ay namatay dahil sa aksidenteng napaputok ang baril na itinutok sa
kanyang ulo. Ang pagtutok ng baril ay bahagi ng ilang pagsubok upang makapasok sa
grupong Royal Scout Brotherhood. Si John Daniel L. Samparada, 18 anyos at nag-aaral
sa Lyceum of the Philippines sa General Trias, Cavite ay namatay dahil sa matinding
pagkabugbog ng kanyang mga binti. Bahagi ito ng pagsubok upang makapasok sa Tau
Gamma Phi Fraternity. Maraming iba pang mas kontrobersyal na mga kaso ng hazing
na naging laman ng balita nitong mga nagdaang taon. Nitong huli’y balitang-balita ang
pagpapasabog ng granada sa harap ng DeLa Salle University sa Taft Avenue, matapos
ang pagsusulit sa abogasya o bar exam. Apatnapu’t apat ang naging biktima ng
pagsabog na ito. Karamihan sa kanila ay mga mag-aaral ng abogasya. Hinihinala na
kaugnay ng mga alitan ng fraternity ang dahilan ng pagpapasabog na ito.
Nitong mga nakaraang dekada naging malaking suliranin na ang karahasan sa
paaralan sa maraming bansa. Karaniwan na ang paggamit ng armas tulad ng baril o
patalim. Kabilang dito ang karahasan sa pagitan ng mga mag-aaral at ang karahasan
laban sa mga nanunungkulan sa paaralan, lalo na sa mga guro.
Sa bansang Australya, sa taong 2009 lamang ay may 55, 000 na mag-aaral ang
naparusahan ng suspension dahil sa paglabag sa regulasyon sa paaralan kaugnay ng
karahasan. Sa Timog Australya, 175 na kaso ng pananakit laban sa kapwa mag-aaral o
sa mga guro ang naitala noong 2008. Sa bansang Belgium, marami ang nagbibitiw sa
pagiging guro dahil sa karahasan laban sa kanila na gawa ng mag-aaral doon. Sa
Bansang Bulgaria, dahil sa maraming insidente ng karahasan sa loob ng paaralan ay
minabuti ng Puno ng Kagawaran ng Edukasyon na higit pang maghigpit sa
pagdidisiplina sa mga mag-aaral. Dahilan upang mapatalsik sa paaralan ang
malaswang pananamit, pagpasok ng lango sa alak o droga at pagdadala at paggamit
ng mobile phones. Binigyan din ng karapatan ang mga guro na parusahan ang mga
mag-aaral na lumalabag sa mga regulasyon ng paaralan. Ayon sa pag-aaral ng
Kagawaan ng Edukasyon sa Pransya, noong taong 2000, 39 sa 75, 000 pampaaralang
pampubliko ang natatayang labis ang karahasan sa hanay ng mga mag-aaral at 300
naman ang natayang maraming napapaulat na karahasan. Sa bansang Hapon,
nagsagawa rin ng katulad na pag-aaral ang Kagawaran ng Edukasyon. Naitalang may
52, 756 na kaso ng karahasan sa mga pampublikong paaralan noong taong 2007 ang
kinasangkutan ng mga mag-aaral. Tumataas ang bilang na ito ng halos 8, 000 kada
taon. Pitong libo sa 8, 000 na kasong ito ay mga guro ang syang naging biktima. Halos
ganito rin ang sitwasyon sa iba pang mga bansa sa Europa.
Sa bansang Amerika, ayon sa National Center for Education Statistics, ang
karahasan sa paaralan ay isang seryosong usapin o isyu. Ayon sa pinakahuling datos
na natala, 5.9% ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan ang nagdala ng baril
o katulad na armas sa loob ng paaralan. Halos walong porsyento naman ng mga mag-
aaral dito ang naulat na naging biktima ng pananakot o pananakit gamit ang mga armas
na ito. Halos labintatlong porsyento naman ng mga mag-aaral ang nasangkot sa
pakikipag-away. Halos anim na porsyento naman ang umaming lumiban sa paaralan ng
isang araw o mahigit pa dahil sa matinding takot o dahil sa pakiramdam na ang
paaralan ay hindi ligtas na lugar para sa kanila. Hindi pa kabilang dito ang mga
naitalang kaso ng pambubulas at pagpapatiwakal.
Kung mapagbabatayan lamang ang mga balitang nababasa sa pahayagan at
napapanood sa telebisyon, maari nating sabihing hindi naman nalalayo ang kaso ng
karahasan sa ating bansa at sa ibang mga nabanggit na bansa. Maaring ang kaibhan
lamang ay marami ng pag-aaral at salapi ang iniukol upang lutasin ang suliranin o
isyung ito sa mga bansang ito.
Isang mahalagang pag-aaral ang isinagawa ng Kagawaran ng Edukasyon sa
ating bansa tungkol sa karahasan sa paaralan. Ito ay tinawag na PLAN Area Research
o Towards a Child-Friendly School Environment: A Baseline Study on Violence Against
Children in School. May 2,442 mga bata mula sa 58 paaralang pampubliko ng Masbate,
Northern Samar, at Camotes Island sa Cebu ang nasangkot sa pag-aaral na ito. Naging
bahagi rin ng pag-aaral ang mga guro, punong-guro, magulang at iba pang mga
kabilang sa mga komunidad sa mga naturang paaralan.
Ilan sa mahahalagang resulta ng pag-aaral ay ang mga sumusunod: Tinatayang
5 sa 10 batang mag-aaral sa ikatlong baitang, 7 sa 10 sa ika-apat hangagang ika-anim
na baitang, at 6 sa 10 mag-aaral sa sekondarya ang nakaranas ng karahasan sa loob
ng paaralan. Verbal abuse o pananakot at masasakit na pananalita ang karaniwang uri
ng karahasang nararanasan ng mga mag-aaral sa lahat ng baitang at taon. Kabilang
dito ang panlalait o panlilibak, panunudyo, paninigaw, pagmumura at masasakit na
salita. Karaniwang mga kamag-aaral din ang nambibiktima kaysa sa nakatatanda. Mga
kalalakihan ang karaniwang nagiging biktima ng pisikal na karahasan. Ang karaniwang
nagiging epekto ng karahasan ay pagbaba ng pagtingin sa sarili, pagkatakot,
pagkikimkim ng galit at kawalan ng pag-asa sa mga nagiging biktma. Ayon pa sa pag-
aaral ang mga karaniwang dahilan ng karahasan sa paaralan ay ang uri ng nilakihang
pamilya, impluwensya ng barkada at midya, kawalan ng kaalaman tungkol sa karapatan
ng kabataan, pagkatakot, kawalan ng kakayahan o kasanayan ng mga nasa
katungkulan upang tugunan ang mga suliranin sa karahasan, at kawalan ng mga
polisiya at pamantayan kaugnay nito.
Kahulugan ng Karahasan sa Paaralan
Ayon sa Center for Prevention of School Violence ng North Carolina Department
of Juvenile and Delinquency Prevention, ang karahasan sa paaralan ay ano mang kilos
na lumalabag sa misyong pang-edukasyon ng paaralan o lumalabag sa ugnayang nag-
uugat sa respeto sa kapwa o sumasalungat sa layunin ng paaralan na maging malaya
sa agresyon laban sa kapwa o pag-aari, sa droga o bawal na gamot, armas,
panggagambala at kaguluhan. Mahalagang maunawaan na ang karahasan ay
karaniwang may pinag-uugatang kilos o ugali na tulad sa sakit na hindi nalapatan agad
ng lunas, ay patuloy na lumulubha. Maaring ang mas malalang uri ng karahasan ay
nagsimula sa pangmamaliit, pang-iinsulto, pananakot, paninirang puri, pangbubulas o
panunulak. Habang namimihasa sa ganitong mga gawain pasama naman nang pasama
at palala nang palala ang uri nang karahasan. Maaring mauwi na ito sa pisikal na
pananakit o pakikipag-away, panggigipit na sekswal, pagnanakaw, pag-abuso sa
alcohol at droga, paggamit ng armas, paninira ng gamit ng kamag-aral o ng paaralan,
paggawa ng mga krimeng kaugnay ng diskriminasyon at pagkamuhi sa isang grupo ng
minorya, pagbuo ng gang, pambibihag o pagdukot, panggagahasa, pagpatay at sa
huli’y pagpapakamatay. Ang bahagdang ito ay ayon sa ginawang Violence Continuum
ni Jim Bryngelson ng CARE (Courtesy and Respect Empower).
Marami na tayong mga batas at polisiya sa Kagawaran ng Edukasyon na
nangangalaga sa mga kabataang mag-aaral laban sa karahasan na dulot ng mga
nanunungkulan sa paaralan o sa ng mga nakatatanda. Sa mga paaralan natin ngayon
ang mga karahasang dulot ng kapwa mag-aaral sa mga kabataan ay hindi masyadong
nabibigyan ng pansin o minamaliit ng mga kinauukulan. Bagama’t may anti hazing law,
karaniwang hindi napapansin ang paglaganap din ng fraternities at gangs sa mga
paaralang elementarya at sekundarya. Ang mga kolehiyo ang karaniwang napapabalita.
Bagamat mas marahas at minsa’y nakamamatay ang mga hazing na ginagawa sa
ikatlong antas, kung pagbabatayan ang Violence Continuum ni Bryngelson, may
posibilidad na ang mga mas mararahas na hazing na ginagawa sa ikatlong antas ay
nagsimula sa mga maliliit na pagsubok sa elementarya at sekondarya. Dalawang uri ng
karahasan na nararanasan ng mga mag-aaral sa kapwa mag-aaral ang nabilang sa uri
ng karahasang nagaganap sa ating mga paaralan ayon sa pag-aaral ng PLAN
Philippines (2008) ito ay ang pambubulas (bullying) at ang gangs o fraternities.
Ang Pambubulas
Ang pambubulas ay nagsisimula pa lamang mabigyang pansin bilang isyu ng
karahasan sa mga paaralan sa Pilipinas. Ito ay ayon sa World Report on Violence
Against Children (PLAN Philippines, 2008). Bagama’t ito ay matagal ng isyu sa ibang
bansa at marami na ring pag-aaral na isinagawa tungkol dito, kakaunti lamang ang
datos tungkol sa pambubulas sa Pilipinas. Marahil ito ay dahil na rin sa pananaw na
ang pambubulas tulad na rin ng pag-aaway, ay normal lamang sa mga kabataang mag-
aaral.
Ang pambubulas ay isang uri ng agresyon ngunit isang mas malupit na uri ng
agresyon sapagkat ito ay paulit-ulit na ginagawa sa isang biktimang karaniwang nag-
iisa, mas nakababata, mas mahina ang pangangatawan at kumpiyansa sa sarili. (Smith
and Morita 1991 hango sa PLAN Philippines, 2008) Sa pambubulas ay maaring pisikal
o pasalita ang pamamaraang ginamit bagama’t kadalasan ay pasalita ang ginagamit na
paraan sa mga paaralan. Higt na marami sa mga lalaki ang nakararanas ng pisikal na
pambubulas habang mas karaniwang ang mga babae naman ay nakararanas ng di-
tuwiran o pambubulas na may kinalaman sa pakikipag-ugnayan sa kapwa mag-aaral.
Karaniwan ding nagiging biktima ng pambubulas ang mga bakla at tomboy sa paaralan.
Ang pambubulas ay maaring ginagawa ng isang bata lamang o ng grupo ng mga
mag-aaral. Ang pangbubulas ay madalas ginagawa ng isang organisasyon o fraternity o
pangkat na kinikilala o popular sa paaralan sa kapwa mag-aaral kung nasa labas na ng
paaralan. Ang ilan sa karaniwang paraan ng pambubulas na ginagawa sa paaralan ay
ang pananakot, pangingikil, at pananakot sa pamamagitan ng armas tulad ng patalim.
Ayon sa mga kabataan ang mga salitang maaaring iugnay sa pambubulas ay ang pang-
aasar o pang-iinis, pagiging astig at pananakit.
Ang mga Gang at Fraternity
Sa resulta ng pag-aaral na isinagawa para sa PLAN Philippines, tinalakay ang
pag-aaral na ginawa ni Palcon (1992) sa mga mataas na paaralan sa lungsod. Ayon sa
pag-aaral ni Palcon, ang mga batang hindi napapansin o hindi nakakukuha ng matataas
na marka o minamaliit ng guro ang kakayahan ay karaniwang nagbubuo ng isang
pangkat na kumikilos na may iisang pagkakakilanlan. Maaring magbuo sila ng grupong
tulad ng Otso Kabaong, Trese Hudas, Tropang Alega Gang, Ten Pick Up Boys o
fraternity tulad ng AKHRO, SRB at Tau Gamma. Maaring upang ipakilala ang pangkat
sila ay may iisang istilo ng pananamit, sekretong paraan ng pagsulat o pananalita, may
marka o tattoo sa katawan. Upang suportahan ang mga gawain ng grupo at ang mga
pangangailangan ng miyembro nito sila ay nangangalap ng “pondo”. Karaniwang ito ay
mula sa pangingikil o maari ding ambag mula sa mga kasapi o “membership fee” na
sapilitang sinisingil sa mga kasapi nito. Karaniwang bahagi na ang karahasan sa
pagpapakilala ng mga grupong ito. Kadalasa’y nasasangkot ang ganitong mga pangkat
sa gulo (rumble) bunga nang pakikipagtunggalian sa karibal na grupo. Madalas, dahil
sa pagkakasangkot sa mga ganitong grupo ang isang mag-aaral ay napipilitang umalis
sa paaralan o mag drop-out dahil sa takot sa kalabang gang o maging sa
kinabibilangang grupo. Karaniwan din na ang mga gawain ng ganitong mga gang ay
hindi nakabubuti sa kasapi tulad ng pag-inom ng alak, paggamit ng droga, pagsusugal,
at pagliban o pag-alis sa oras ng klase upang ipakita ang pakikisama sa grupo. Tulad
din ng mga lehitimong fraternity na kinikilala ng pamunuan sa ilang unibersidad, ang
ganitong mga gang o grupo ay mayroong mga initiation rites na karaniwan ay labag sa
Anti-Hazing Law o Republic Act 8049. Ayon sa batas na ito ang hazing ay isang ritwal o
seremonya kung saan ay sinusubok ang isang nais maging miyembro upang
matanggap siya sa fraternity o sorority o organisasyon sa pamamagitan ng paglalagay
sa kanya sa isang nakakahiya o nakalilibak na sitwasyon tulad ng pagpapagawa sa
kanya ng kakatwa o nakatatawa o gawaing nakababa ng pagkatao o pagsasailalim sa
kanya sa pisikal o mental na paghihirap o pananakit. Ang pang-aabusong sekswal
bilang bahagi ng hazing ay pinarurusahan din ng batas na ito. Nakalulungkot na ang
batas na ito ay nakasasakop lamang sa mga lehitimo o kinikilalang fraternity at sorority.
Ang pagbubuo ng mga fraternity at sorority sa mga paaralang elementarya at
sekondarya ay mahigpit na ipinagbabawal ng Kagawaran ng Edukasyon alinsunod sa
DepEd Order No. 20 s. 1991.
Mga Pamamaraan Upang Maiwasan ang Karahasan sa Paaralan
Ang layunin ng iba’t ibang pamamaraan na nabuo bunga ng mga pag-aaral sa
ibang bansa pangunahin na ang Estados Unidos, ay pigilan ang pagkakaroon ng
karahasan sa paaralan. May apat na antas kung saan maaring pakilusin ang programa
laban sa karahasan sa paaralan: sa lipunan, sa paaralan, sa tahanan, at sa indibidwal.
Ang mga pamamaraan sa antas na panlipunan ay nakatuon sa sosyal at kultural
na pagbabago dito upang mabawasan ang karahasan saan man ito nagaganap.
Halimbawa ay ang regulasyon ng media upang mabawasan ang pagpapalabas at
paglalathala ng karahasan dito, ang paghuhubog ng mga pamantayang sosyal,
pagbabago sa sistema ng edukasyon. Ang mga programa sa antas na ito ay
nangangailangan ng mahabang panahon at higit na mahirap ipatupad kaysa sa
alinmang antas.
Ang programa sa antas na pampaaralan ay nakadisenyo upang baguhin ang
mga kalagayan sa paaralan na kaugnay ng karahasan. Ito ay maisasagawa sa
pamamagitan ng pagsasaayos at pagkakaroon ng sistema sa loob ng klase,
cooperative learning at wasto at sapat na pamamatnubay ng mga guro sa mga mag-
aaral. Sa mga paaralang elementarya ang pamamaraan o istratehiyang tinawag na
Good Behavior Game ay nakatutulong upang mabawasan ang pagkaantala ng klase at
magkaroon ng mabuting interaksyon sa loob ng klase. Nakatutulong naman ang
Second Step Curriculum upang sanayin ang mga mag-aaral sa ikalawa at ikatlong
baitang na magkaroon ng pagpipigil sa sarili at emphaty upang mabawasan ang
agresyon sa kanilang pagkilos at pakikitungo sa kapwa mag-aaral. Karamihan ng mga
programa sa paaralan upang mabawasan o mawala ang karahasan ay nakatuon sa
pagsugpo sa pambubulas sa loob ng paaralan. Gayun pa man napatunayan pa rin na
higit na mabisa ang mga programa na kaugnay ng pagpapalakas ng ugnayan sa
pamilya at mga programang nakapagpapataas ng kasanayang sosyal at akademik ng
mga kabataang nanganganib bumagsak o umalis sa paaralan. Sa makatwid ang mga
estratehiya at programa sa antas na pantahanan at indibidwal ay mas dapat na bigyan
ng tuon.
Lupa
Nagmula Sa Lupa, magbabalik Na Kusaang Buhay Mong Sa Lupa Nagmula
Bago Mo Linisin ang Dungis Ng 'yong Kapwahugasan Ang 'yong Putik Sa Mukha
Kung Ano Ang 'di Mo Gusto huwag Gawin Sa IbaHung Ano Ang 'yong Inutang ay S'ya Ring Kabayaran
Sa Mundo Ang Buhay ay Mayroong Hangganandahil Ay Lupa Lamang
kaya't Pilitin Mong Ika'y Magbago habang May Panahon Ika'y Magbago
pagmamahal Sa Kapwa Ay Isipin Mo
kung Ano Ang 'di Mo Gusto huwag Gawin Sa Ibakung Ano Ang 'yong Inutang ay S'ya Ring Kabayaran
sa Mundo Ang Buhay ay Mayroong Hangganandahil Ay Lupa Lamang
sa Mundo Ang Buhay ay Mayroong Hangganandahil Ay Lupa Lamang
kaya't Pilitin Mong Ika'y Magbago habang May Panahon Ika'y Magbagopagmamahal Sa Kapwa Ay Isipin Mo
kaya't Pilitin Mong Ika'y Magbago habang May Panahon Ika'y Magbagopagmamahal Sa Kapwa Ay Isipin Mo
Ako ay isang responsableng
babae…
Ako ay isang responsableng lalaki…
1. Ang aking mga halik ay di-hamak na mas matimbang kaysa anumang parti o sine
2. Ang aking katawan ay templo ng Diyos at hindi isang laruan
3. Ang unang “AYAW KO” ay mahirap ngunit ang mga susunod ay madali na
4. Ang pagkabirhen ay isang kanais-nais na katangian at halaga pa rin. Ang kahalayan ay kasalanang
1. Pinagkakatiwalaan ako ng mga magulang ng aking kasintahan at nang aking mga magulang. Hindi ko ito sisirain.
2. Igagalang ko ang aking nobya katulad ng pag-asa kong igagalang ng ibang lalaki ang aking kapatid na babae
Igagalang ko ang pagkababae niya dahil ang aking ina ay isang babae. Hindi ko hihilingin sa aking nobya na gumawa ng mga bagay na ikahihiya kong malaman ng aking ina.
4. Ikinararangal at ikinalulugod kong makasama ang aking nobya. Isang pagkakamali ang umasa nang higit pa bilang kabayaran sa pagtatagpong ito
5. Balang araw magiging isang ina at asawa ang aking nobya. Dapat syang magsilbing halimbawa sa kanyang mga anak at maipagmalaki ng kanyang asawa. Tutulungan ko syang maging malinis ang puso at
capital pa rin5. Ang aking pananamit,
pagkilos, at pananalita ay maaring magsilbing tukso sa aking kasintahan. Ako ay magiging mabini para sa aming proteksyon
6. Malaki na ang nagawa ng aking mga magulang para sa akin, nais kong lagi nila akong ikapuri
7. Ang nobyo ko ay magiging asawa at ama balang araw.
Kailangan siyang maging bayani sa mata ng kanyang asawa at mga anak. Hindi ako gagawa ng anumang bagay sa amng pagtatagpo na hahadlang sa katuparan niyon.
8. Gusto kong maging isang ina at asawa. Ilalaan ko ang aking puri at dadamdamin para sa aking magiging asawa’t anak.
9. Kung sakali, dahil sa aking kahinaan, ako’y magdalantao, hindi ko pipiliin ang “madaling solusyon” sa aking problema – ang pagpapalaglag ng aking di pa isinisilang na anak
maging disente gaya ng gusto ko sa mapapangasawa ko.6. Ang pagkalalaki ay nangangahulugan ng lakas ng karakter gayon din
ng katawan. Isang kahinaan ang kakulangan ng pagpipigil sa sarili. Gusto kong malaman ng aking kasintahan na ako’y tunay na lalaki.
7. Ang Panginoong Diyos ay nasa lahat ng lugar, nakikita ng lahat, at alam ng lahat. Maaring itago ako ng kadiliman ngunit hindi ako maitatago nito sa Diyos.
8. Kung dahil sa aking kakulangan ng control sa sarili ay mabuntis ko sya, hindi ko pipiliting magpalaglag ng aming di pa isinisilang na anak.
MGA MALING PANANAW SA SEKSWALIDAD
“Taong 2009, sa isang pampublikong paaralan sa Metro Manila tatlong
kabataang lalaki na nasa ikatlong taon ang inaresto ng mga pulis sa kasong
panghahalay sa isa nilang kamag-aral na babae. Matibay ang katibayan laban sa mga
kabataang ito sapagkat sila mismo ang kumuha ng video sa pamamagitan ng cellphone
ng ginawa nilang krimen. Ang naturang kamag-aral daw ay halinhinang hinalay
matapos itong painumin ng alak at malasing. Nang sumunod na araw ay ipinadala at
ipinalaganap ng mga kabataang ito ang video sa mga kamag-aral nilang mayroon ding
cellphone at tinawag nila itong NNHS scandal.
Nakalulungkot at kahambal-hambal ang nagawang krimen ng mga mag-aaral na
ito. Ngunit ang higit na nakalulungkot ay ang kawalan nila ng tunay na pagsisisi at ang
wari ba’y pangungunsinti ng kanilang mga magulang. Ayon sa kanila, hindi
panghahalay ang kanilang ginawa sapagkat kusang nagpunta ang biktima sa bahay ng
isa sa mga nanghalay at kusa rin itong uminom ng alak na sya niyang ikinalasing. Ang
totoo ay pagyurak sa dignidad ng tao ang naganap sa magkabilang panig. Ang
kabataang babae ay itinuring na isang gamit na pinaglaruan lamang. Ang mga
kabataang nagsagawa ng krimen ay animo mga hayop na nagpadala sa simbuyo ng
laman. Ang mga kabataang lalaking ito ay nagpapaalipin sa maling pananaw sa
sekswalidad.
Madaling sisihin ang pornograpiya o malalaswang babasahin o palabas sa mga
maling pananaw na ito. Papaano nga, ang karamihann ng mga kabataan ngayon ay
natututo tungkol sa sekswalidad sa kanilang mga kabarkada, mga palabas sa
telebisyon, pelikula o mga babasahin sa halip na sa kanilang sari-sariling tahanan o
mula sa kanila mismong mga magulang. Paano pa nga ba magagawa ng mga
magulang ang kanilang tungkulin nang pagtuturo sa kanilang mga anak ng mga halaga
at asal na dapat nilang matutunan, gayong sila’y laging abala sa paghahanap-buhay?
Dili kaya’y sila mismo ay may mali ring pananaw sa sekswalidad.
Tinedyer ka na, at tao ka, hindi ba? Mayroon kang sariling pag-iisip. Kung alam
mong makasasama sa iyo ang isang bagay, gagawin mo pa rin ba? Hindi ba’t ikaw ay
malaya? Mapanganib ang pagkakaroon ng maling pananaw tungkol sa sekswalidad.
Tunay ngang walang mabuting kinahihinatnan ito. At ang pinakamalalang
kahahantungan dito ay kamatayan.
Maraming bunga ang maling pananaw sa sekswalidad. Nagsisimula sa hindi
malusog na pakikipag-ugnayan sa katapat na kasarian hanggang sa pananakit sa
kapwa at sa sarili. Kabilang sa mga maling pananaw na ito ay ang pagtangkilik sa
pornograpiya o malalaswang babasahin at panoorin, ang paniniwala na bahagi ng
pakikipagrelasyon sa katapat na kasarian ang pakikipagtalik dito kahit hindi sila kasal,
ang paggamit ng malalaswang salita at mahahalay na pag-uusap, at ang paniniwalang
walang mawawala sa lalaki kahit na ito ay makipagtalik sa iba’t ibang babae.
Pornograpiya o Malalaswang babasahin at palabas
Marami nang naging pag-aaral tungkol sa masamang epekto nito sa kalusugan
ng isipan, lalung-lalo na sa mga kabataan. Ano ba ang pornograpiya? Ang pornograpiya
ay mga mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan o palabas) na layuning
pukawin ang sekswal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa. Ayon sa mga eksperto
ang epekto ng pornograpiya sa maraming tao ay nagsisimula sa mababaw hanggang
sa lumala at maging sugapa na dito.
Batay sa pag-aaral ni Iyoob (2008), ang maagang pagkahumaling sa
pornograpiya ay may kaugnayan sa pakikibahagi o paggawa ng mga abnormal na
gawaing sekswal, lalung-lalo na ang panghahalay. Kadalasang ang tema ng mga
mahahalay na palabas na ito ay nakapagpapababa sa pagkatao ng mga babae. Sila’y
sinasaktan o pinahihirapan sa karamihan nito. Wari ba’y kinamumuhian sila kung
tratuhin sa mga palabas na ito. Ang mga kalalakihang nanonood ng palabas na
malaswa ay nagkakaroon ng pagkamanhid sa pananaw nila sa mga kababaihan.
Nagiging animo’y mga bagay lamang ang mga ito. Nagiging mababaw din ang pagtingin
nila sa kasal. Ang pinakamalala, ang panghahalay ay hindi na nila tinitingnan bilang
isang krimen.
Ayon pa rin kay Iyoob (2008), may mga kalalakihan at kababaihan ding dahil sa
pagkasugapa sa pornograpiya ay nahihirapang magkaroon ng malusog na pakikipag-
ugnayan sa kanyang kabiyak o asawa. Ang mga taong sugapa sa pornograpiya ay
nakararanas lamang ng sekswal na kasiyahan sa panonood at pagbabasa ng
pornograpiya at pang-aabuso sa sarili (masturbation) at hindi sa normal na
pakikipagtalik. Sa America, isa sa itinuturong nagiging dahilan ng diborsyo o
paghihiwalay ang tinatawag na sexual dysfunction na kaugnay nito.
Pornograpiya din ang ginagamit ng mga pedophiles sa internet upang makuha
ang kanilang mga bibiktimahin. Ang pedophiles ay mga lalaki o babae na nasa hustong
gulang na nagnanasa at bumubiktima sa mga bata at paslit. Nilalason nila ang isipan ng
mga bata sa pamamagitan ng pornograpiya upang maging madali sa kanilang akitin ito
na pumayag sa kanilang mga sekswal na pagnanais.
Dagdag pa sa panganib ng pornograpiya sa internet at sa mga piniratang
palabas na tinda sa mga bangketa, karamihan ng mga pelikulang drama o aksyon na
ipinalalabas sa mga sinehan at sa telebisyon ay mayroong mahalay na eksena. Ito nga
ang nanghihikayat sa mga kabataan na panoorin ang mga ganitong palabas. Maging sa
pelikulang pampamilya tulad ng Titanic ay mayroong eksenang sekswal ang tema.
Maging ang mga cartoons na palabas mula sa Hapon ay mayroong malalaswang
paglalarawan sa kababaihan, halikan at mga eksenang sekswal ang nilalaman. Ang
mga mahahalay na eksenang ito ay pumupukaw ng mga damdaming sekswal sa mga
kabataang wala pang kahandaan para dito. Ang mga damdaming sekswal na ito ay
nakalilito at labis para sa kanilang murang edad.
Bukod pa dito, ayon kay Dr. Melvin Anchell, isang psychiatrist, sa edad na 8
hanggang 12 anyos ang ibang enerhiyang sekswal ng tao ay naibabaling at ginagamit
sa paglinang ng damdaming pagkamahabagin na kinakailangan para makontrol ang
simbuyo ng kalupitan. Ang pagkapukaw na sekswal sa murang edad na ito sa
pamamagitan ng pornograpiya ay nakasisira sa paglinang ng pagkamahabagin. Kung
wala ang pagiging mahabagin, ang mga kabataan ay nasusuong sa mga silakbo ng
bayolenteng asal.
Karamihan ng mga awitin ng mga kabataan ngayon ay nakabababa ng pananaw
sa mga kababaihan at sa sekswalidad. Nakasisirang-puri rin ito para sa mga
kalalakihan dahil sa ang mga awit na ito ay madalas na tungkol sa kung ano ang
kanilang makukuha at hindi ang kanilang maibibigay sa pakikipag-ugnayan sa
kababaihan. Maling pananaw sa pakikipag-ugnayan sa katapat na kasarian ang
mensahe ng mga awiting ito.
Habang paparami nang paparami ang mga kabataang nalululong sa
pornograpiya, isang mapanganib na mensahe ang nakikintal sa kanilang isipan: ang
pakikipagtalik nang walang kaakibat na responsibilidad o pagmamahal.
Pre-marital sex
Ang pakikipagtalik o pagkakaroon ng pakikipag-ugnayang sekswal sa labas ng
kasal ay may mga emosyonal at pisikal na epekto. Ang isang tinedyer ay hindi pa
handa sa mga suliraning maaring kahantungan ng pre-marital sex. Kabilang na sa mga
pisikal na epekto nito ang pagkakaroon ng nakahahawang sakit na nakukuha sa
pakikipagtalik sa iba’t ibang lalaki o babae. Gayundin maaring mabuntis ang babae
kung siya ay magkakaroon ng ugnayang sekswal.
Isa itong kwentong hindi kanais-nais, ngunit madalas nating marinig na
nangyayari maging sa ating mga kamag-aral: ang teenage pregnancy.
Ayon sa pinakahuling sensus, may 16.5 milyong Pilipino ang kabilang sa
grupong kinse hanggang bente kwatro anyos. Tatlumpung porsyento (30%) ng mga
sangol na ipinanganganak sa bansa ay isinisilang ng grupong ito. Nakapanlulumo na
napakaraming kabataan sa ngayon ang nagiging batang ina. Bago pa man sila
tumuntong ng bente anyos, dalawamputlimang porsyento (25%) ng mga kabataang
babae ay nagiging mga ina.
Maaring sabihin natin na ang mga pagbubuntis na ito ay bunga lamang ng
kapusukan ng kabataan. Kung inuna sana nila ang kanilang pag-aaral at hindi ang
pakikipagrelasyon ay hindi sana sila napahamak. Kung wala sanang naganap na pre-
marital sex o PMS, hindi sana mangyayari ang maagang pagbubuntis. Ngunit paghusga
ba ang kailangan nila? Sa sitwasyong ito marahil ay huli na para tayo ay manumbat pa.
Sapagkat dahil sa takot sa kahihiyan at mabigat na responsibilidad na kaakibat ng
maagang pagbubuntis nakagagawa ang maraming kabataang babae ng isang kalunos
lunos na krimen: ang pagpapalaglag o aborsyon.
Ayon sa statistika, taun-taon, halos 64, 000 na mga kabataang babae ang
nagpapalaglag sa ating bansa. Ang aborsyon ay illegal sa ating bansa at karamihan sa
atin ay mga Kristiyanong naturingan. Ano ba ang nagtutulak sa kanila na gawin ito?
Hindi kaya nila nauunawaan na sila ay kumikitil ng inosenteng buhay kung sila ay
nagpapalaglag? Maraming nagiging kumplikasyon sa kalusugan ng isang babae ang
pagpapalaglag. Tulad na lang halimbawa ng labis na pagdurugo dahil sa pagkasugat ng
matris, pagkabaog, pagkakaroon ng kanser sa matris at sa iba’y kamatayan.
Isa ring pangmatagalang epekto ng pagpapalaglag ang tinatawag na post
abortion syndrome o PAS. Isa itong karamdaman sa isip na maihahalintulad sa
depresyon. Ngunit di tulad ng karaniwang depresyon ang sakit na ito ay di maiibsan ng
gamot tulad ng anti-depressants. Sinasabing ito ay ‘di naiiwasan; maaring dumating
nang mas maaga o sa huling bahagi na ng buhay ng isang nagpalaglag o nasangkot sa
prosesong ito. Karaniwan nang nagiging sugapa sa alak o droga ang mayroong PAS.
Marami rin sa kanila ang nagpapapalit-palit ng karelasyon at hindi na muli pang
nagkakaroon ng malusog na ugnayan o relasyon sa katapat na kasarian.
Ang mga emosyonal at mental na epekto ng pre-marital sex ay nakababahala
din. Ang pakikipagtalik sa unang pagkakataon para sa isang babae ay maaaring
maging sanhi ng labis na emosyon at pakiramdam na siya’y mahina, ayon sa
sikolohistang si Joan Kinlan. Maraming kababaihan ang nagsisisi matapos gawin ito na
nagiging sanhi ng depresyon o labis na kalungkutan. Pakiramdam nila ay marumi sila at
nagamit. Maraming mga kabataan ang hindi nakakayanan ang ganitong pakiramdam
kung kayat nalululong sa alak o bawal na gamot. Mayroon ding ilan na nagtatangkang
magpatiwakal. Binabagabag sila ng kanilang konsyensya at ito ay may pangmatagalang
epekto. Karaniwang nahihirapan na silang magkaroon ng isang malusog na ugnayan sa
kabiyak o asawa pagdating ng panahon.
Ang pagkalito ay isa rin sa mga epekto ng pre-marital sex lalu na sa mga
kalalakihan. Nahihirapan na silang tukuyin kung sila nga ay tunay na nagmamahal o
mayroon lamang pagnanasa sa babaeng kanilang karelasyon.
Ang pananaw sa sekswalidad at ang lipunan.
Dahil sa tinatawag na “double standard of morality” sinasabing wala raw
nawawala sa lalaki sa pakikipagrelasyong sekswal, sa katunayan ang pagiging aktibo
sa relasyong sekswal ay tanda raw ng pagiging tunay na lalaki. Maling pananaw ito.
Ang pagkalalaki ay nangangahulugan ng lakas ng karakter at gayon din ng katawan.
Isang kahinaan ang kakulangan ng pagpipigil sa sarili. Hindi totoo na iba ang
pamantayan sa mga lalaki at mga babae pagdating sa sekswalidad. Ang lalaki at babae
ay kapwa tao na nararapat pangalagaan ang kanilang dignidad.
Ang sabi ng iba kung ika’y nagkaroon na ng karanasang sekswal, mahirap nang
pigilan ang simbuyong nito. Ito ay isang mito o maling paniniwala. Sa isang punto ng
kaguluhan ng iyong isip ay kailangan lamang ang iyong pagpapasya na talikuran na
ang mga maling gawain at maling paniniwala sa sekswalidad. Kung hindi babaguhin
ang landas ay maaring mahirapan nang makaahon at tuluyan ng masadlak sa
pagkasira ng pagkatao. Kung nanaisin at pagsusumikapan ay maari namang
magsimula muli sa isang mas matuwid na landas. Kapag nagawa mo ito, ikaw ay
magkakaroon ng higit pang tiwala sa sarili, pagpapahalaga, at pagpipigil sa sarili.
“Paano ito gagawin? “Unang-una, magdesisyong magbago. Pangalawa, lumayo
sa mga tao, lugar at mga nakagawiang gawin at mga sitwasyong magpapahina sa
iyong kontrol sa sarili. Pagkatapos ay subaybayan ang iyong mga asal at bilangin kung
ilang beses kang bumabalik sa dati. Ihambing kung ilang beses mo nang nakayanang
talikuran ang mga masamang nakagawian. Humingi ng payo para lalo pang mapatibay
ang iyong kapasyahan at hingin ang biyaya ng Diyos na panatilihin kang malakas at
may pananalig.”
“Ginagawa tayong alipin ng iba o mas malala pa ng ating simbuyo, takot, at nang
kawalang kakayahang tumutol ng mga simbuyong sekswal. Nabibitag tayo sa hungkag
na ugnayang sekswal na nagdudulot ng sariling pagkabigo. Kung ang pagtugon sa
bawat simbuyong sekswal ay hindi makabubuti, gayundin naman ang balewalain ang
mga ito. Kailangan nating kilalanin at bigyang pansin ang mga simbuyong sekswal na
ito at ibaling sa nakabubuting gawain ang enerhiyang dulot nito. Halimbawa ay ang
paglahok sa isports, sa pagsali sa teatro, pagbabasa ng magandang literatura, at iba
pa.”
Ayon sa ilang sikolohista ang pagnanasang sekswal ay kadalasang
nagbabalatkayong pagnanais na matanggap, ibigin at magkaroon ng seguridad. Maari
tayong magsanay na gamitin ang ating enerhiyang sekswal sa mga gawaing may
magandang hangarin. Tulad halimbawa ng isports o palakasan. Kung tayo’y
magtatagumpay, makakamtan natin ang higit pang respeto sa ating sarili at respeto
mula sa iba.
Ano ba ang tamang pananaw sa sekswalidad?
Ang pakikipagtalik ay isang ekspresyon ng sekswalidad ng tao. Ngunit dahil nga
tao ka ang pakikipagtalik ay higit pa dito. Ito ay mayrong espiritwal na kahulugan. May
dalawang aspeto ang pakikipagtalik. Ito ay mapagbuklod o nagbibigay pag-ibig. At ito
rin ay mapaglikha o nagbibigay buhay.
Para maging isang tunay na akto ng pag-ibig at isang karanasan ng pagbibigkis
at pagpapalago ng dalawang tao ang pakikipagtalik, dapat na palagiang iginagalang
ang dalawang aspeto nito. Upang maging mapagbuklod ang pagtatalik, kailangan ang
ganap na pagbibigay ng sarili nang walang alinlangan, kaya “kahit na ano pa ang iyong
nakaraan, basta’t mahal kita kalian pa man…mahal kita maging sino ka man…”, sabi
nga sa isang awit. Ito ay ganap na pagbibigay, isang emosyonal na pagbibigkis na
nangangailangan ng espiritwal, gayon din ng pisikal na pagbubuklod. Hindi ito simpleng
pagbubusog lamang sa gana ng katawan. Ito ay nagbibigay ng tunay na kaligayahan.
Hindi dahil sa masarap ang aking pakiramdam kundi dahil sa kaligayahang natatamo ko
sa pagbibigay ligaya sa aking minamahal.
Sa isang mundong mababa ang pagtingin sa sekswalidad, at sa gitna ng mga
taong ang pinagtutuunan ay ang mga makamundo at pisikal na aspeto at hindi ang
halaga nito, higit na kinakailangang maging tagapagpahayag at tagapagpatunay tayo
na ang sekswalidad ay isang regalo na nagkakaroon lamang ng kabuluhan kung tunay
itong pag-aalay ng sarili ng lalaki at babae sa isa’t isa. Ang tunay na pag-aalay ng sarili
ay ang panghabambuhay na pagiging isa ng lalaki at babae at ang di-pagtataksil sa
isa’t isa.
Babae: Narito ako ngayon upang ihandog sa iyo ang aking sarili, bilang iyong asawa. Ako ay nangangakong magiging tapat magpakailanman, daramayan ka sa panahon ng hinagpis, magbubunyi kasama ka sa panahon ng kaligayahan. Sa aking pag-ibig sa iyo, ako ay nangangakong magiging maunawain, matiyaga, at mapagmahal. Hahayaan kong lumago ang ating pagmamahalan nang may tiwala at paggalang sa pagkatao ng isa’t isa. Palalakihin ko ang ating magiging mga anak sa pagkakabuklod ng ating pag-ibig bilang isang mabuting pamilyang Kristiyano ng Diyos. Habambuhay kong mamahalagahin ang pangakong ito sa lahat ng araw ng aking buhay.
Lalaki: Narito ako ngayon upang ibigay sa iyo ang aking sarili, bilang iyong asawa, at upang hilingin sa iyong makibahagi sa aking buhay. Nangangako akong ibibigay sa iyo ang iyong mga pangangailangan, ipagsasanggalang ka laban sa lahat ng kapahamakan, iingatan ka ng aking pag-ibig, pagkakatiwalaan, mamahalin, at igagalang ka at magiging tapat sa iyo magpakailanman. Tinatanggap kita bilang ikaw at
yaong gusto kong maging ikaw. At aking mamahalagahin ang pangakong ito sa iyo, sa lahat ng araw ng aking buhay.
Pagsisinungaling
Tapat ka ba? Bilang mag-aaral lubhang napakaraming pagkakataon kung saan
nasusubok ang iyong katapatan. Halimbawa: may isang mahalagang pagsusulit na
hindi mo napaghandaan, o may isang kasayahan sa bahay ng iyong kamag-aral ngunit
alam mong hindi ka papayagan ng iyong mga magulang, o kaya’y naiwala mo ang
iyong bagong biling cellphone at alam mong pagagalitan ka ng iyong magulang.
Magsisinungaling ka ba?
Hindi lang minsan tayong nakakarinig ng mga pagsisinungaling sa ating mga
halal na opisyal ng gobyerno. Ang kakatwa pa rito hindi rin sila nahihiyang aminin na
sila nga ay nagsinungaling. Hindi rin naman iilan ang mga artistang nag-eendorso ng
mga produktong sa katotohanan ay hindi naman nila tinatangkilik o ginagamit.
Kung sila na tinitingala at inaasahang huwaran ng mabuting halaga at asal ay
nariringgan ng pagsisinungaling, hindi rin kataka-taka na talamak ang pagsisinungaling
saan mang dako.
Sa katunayan, naniniwala ang iba na may mga pagkakataong kinakailangang
magsinungaling ang isang tao. Halimbawa, ang isang tao na nagsinungaling sa totoong
kinaroroonan ng kanyang kaibigan upang iligtas ito sa tiyak na kapahamakan. O ang
pagsisinungaling ng isang duktor sa kanyang pasyente. Maaring sabihin na may pag-
asa pang gumaling ang pasyente kahit na ang totoo ay may taning na ang buhay nito;
upang maiwasang lumala ang depresyon nito na maaring maging sanhi ng kanyang
pagpapatiwakal. O ang isang anak na nagsinungaling sa kanyang inang may sakit sa
puso tungkol sa tunay na kalagayan ng kanyang kapatid na nasawi sa isang aksidente.
Ang Pilosopiyang Utilitaryanismo
Para sa marami ang kasinungalingan ay nagiging mali lamang kung
nakakapanakit ito o nakasasama ang kahihinatnan. Ito ang pinaniniwalaan sa
pilosopiyang utilitaryanismo. Ayon sa pilosopiyang ito nagiging katanggap-tanggap ang
pagsisinungaling kung ang kahahantungan ay para sa ikabubuti o ikaiiwas sa masama
ng higit na nakararami.
Nagbigay ng halimbawa ng sitwasyong ito si Tim Mazur: Ang isang ina na
nagnais na ibenta ang lahat ng kanyang ari-arian at isama sa kanyang hukay ang
napagbilhan dito at gayun din ang lahat ng kanyang mga kayamanan. Bagama’t
nangako ang anak na gagawin ito, nang mamatay ang ina ay ipinamigay niya sa
mahihirap at nanganga-ilangan ang kayamanan ng kanyang ina. Kung susuriin, higit na
naayon sa tamang pag-iisip ang pasya ng anak at nagdulot ito ng kabutihan sa higit na
nakararami.
Bagamat rasyonal ang pangangatwiran marami pa ring tumutuligsa sa
pilosopiyang utilitaryanismo. Maaring maabuso ang pagbibigay katwiran sa
pagsisinungaling sa pamamagitan ng pagtataya ng kahihinatnan nito. Ang pagtataya o
paghuhusga natin sa kahihinatnan ng pagsisinungaling ay kadalasang nalalambungan
ng ating sariling mga motibo, pananaw at damdamin. Hindi moral ang pagsisinungaling
sapagkat hindi natin matataya ang kahahantungan nito ng buong katiyakan.
Dapat ding isaalang-alang na mayroong epekto ang pagsisinungaling sa lipunan.
Maaring masira ang tiwala ng mga taong nakaalam ng pagsisinungaling sa taong
gumawa nito. Magbubunga ito ng paghihinala sa lahat ng ikikilos at sasabihin ng taong
nagsinungaling. Habang nababawasan ang pagtitiwala ng mga tao sa isa’t-isa
nadaragdagan ang paghihinala sa intension ng kapwa, sa gayon ang uri nang ating
pamumuhay ay magiging mababa.
Ang katwirang maaring magsinungaling kung ito ay makabubuti sa higit na
nakararami ay tila kumunoy na magiging sanhi ng paglubog sa higit pang mabigat na
pagkakamali. Ang hangganan sa paggitan ng moral na pangangatwiran at pagbibigay
katwiran sa sakim na layunin ay lubhang mahirap tukuyin kung kaugnay ng
pagsisinungaling. Halimbawa’y maaring sabihing makatwiran ang panlilinlang sa mga
mayayaman kung ang nakuhang salapi sa kanila ay ipamamahagi sa mahihirap. O dili
kaya’y ang pagtanggap ng payola sa huweteng dahil ang bahagi nito ay ipagpapagawa
ng ospital.
Kadalasan sa mga gipit na sitwasyon kung saan sinisikap nating gawin ang tama
ang pagsasabi ng totoo ay nagiging pangalawa na lamang sa mga halagang tulad ng
awa, paggalang, at hustisya. Gayun pa man ayon sa karamihan ng mga pilosopiya at
relihiyon, ang pagsisinungaling ay mali at masama sa ano mang sitwasyon.
Ano nga kaya ang katotohanan tungkol sa pagsisinungaling?
Ang isang kasinungalingan ay isang pahayag na alam ng nagsinungaling na
walang katotohanan at may intensyong linlangin ang tumatanggap ng pahayag. Ito ay
kahulugang ginamit ni Sissela Bok sa kanyang aklat at gayundin ng mga pilosopo mula
pa kay St. Agustine.
Ang isang mabuting tao ay hindi nagsisinungaling. Kaya nga’t hindi mahirap
ihanay ang pagsisinungaling kasama ng iba pang mga bagay na itinuturing na mali. Ito
ang paniwala nina Immanuel Kant, isang maimpluwensyang pilosopong Aleman noong
ika-18 siglo, at gayun din ni San Agustin, arsobispo ng Hippo Regius noong ikatlong-
siglo at isang maimpluwensyang pilosopo at teologo.
Ayon kay Immanuel Kant, ang pag-sisinungaling ay palaging masama. Ang tao
ay ipinanganak na may kakayahang mag-isip, gumawa ng malayang pagpapasya,
magtakda ng mga mithiin, at pamahalaan ng isip ang mga kilos. Ito ang nagbibigay sa
kanya ng dignidad. Samakatwid ang pagiging tao ay ang malayang paggamit ng mga
kakayang ito; at ang paggalang sa mga kakayahang ito ng sarili at kapwa ay pagiging
etikal.
Kung gayon, mali ang pagsisinungaling sa dalawang kadahilanan. Una, sinisira
nito ang pinakaimportanteng katangian ko bilang tao: ang aking kakayahang makagawa
ng malaya at pinag-isipang pasya. Bawat kasinungalingan ay pagsalungat sa bahagi ng
aking pagkatao na nagbibigay sa akin ng moral na halaga. Ikalawa, ang aking mga
pagsisinungaling ay pagkakait sa aking kapwa na mamili ayon sa dikta ng tamang pag-
iisip. Kung dahil sa aking kasinungalingan ay nagpasya ang aking kapwa nang taliwas
sa maaari niyang naging pasya kung nalaman nya ang katotohanan, ay sinikil ko ang
kanyang kalayaan at nilapastangan ko ang kanyang dignidad bilang tao.
Ayon pa kay Kant, kung pinahahalagahan natin ang ating sarili at kapwa bilang
tao, tayo ay may tungkulin na iwasan ang mapanira at di wastong paggamit ng ating
kalayaang magpasya.
Ayon naman kay San Agustin ang pagsisinungaling ay kasalanang mortal sa
Diyos kung kaya’t ito’y palaging mali sa ano pa mang kadahilanan o sitwasyon. Ito ay
kasalanan kung alam nang taong gumawa nito ang katotohanan ngunit sinadya nitong
taliwas ang ipahayag dahil sa pagnanais na manlinlang. Mas makikita ang katotohanan
nito sa ebanghelyo:
“Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa
malaking bagay; ang magdaraya sa maliit na bagay ay magdaraya rin sa malaking
bagay. Kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng sanlibutang ito,
sino ang magtitiwala sa inyo sa tunay na kayamanan? At kung hindi kayo
mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para
sa inyo?
Walang makapaglilingkod nang sabay sa dalawang panginoon. Sapagkat
kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at
hahamakin ang ikalawa. Hindi ninyo mapaglilingkuran ng sabay ang Diyos at
kayamanan”
Kaya nga masasabi na ang isang namumuno ay tulad sa isang bandila: inaalam
natin kung ano ang kanyang sinasagisag upang ito ay bigyang pugay natin. Nais nating
siya’y maging kapanalig na lulutas sa ating mga suliranin. Tayo ay ituturing niyang tao
at hindi mga bagay. At higit sa lahat nais nating igalang at tugunan niya ang ating mga
opinyon at saloobin. Ang kanyang katapatan ang ating magiging saligan; kung siya’y
matutuklasang nagsisinungaling sa atin, hindi natin matitiyak kung ginagampanan niya
ang mga tungkuling nais nating kanyang gampanan.
Ang katotohanan, bilang halaga ay walang pasubali o kundisyon. “Kung ang
pagbibigay halaga sa katotohanan ay nasira o bahagya mang humina, lahat ng mga
bagay ay magiging kahinahinala.” Ayon kay San Agustin (cited by Bok)
Ang tanong ni Sissela Bok, “Paano kaya mamumuhay ang mga tao sa isang
mundo na ang pagsasabi ng totoo ay hindi kinagawian? Sa gayong mundo hindi mo
mapananaligan ang ano mang sinabi sa iyo o nabasa mo. Kung nais mong malaman
ang katotohanan, kinakailangang ikaw mismo ang magsaliksik at makasaksi nito.
Kinakailangang pagbuhusan mo ng mahabang panahon ang pag-alam sa
pinakasimpleng bagay. Maging ang pormal na edukasyon ay wala ring saysay,
sapagkat ang pag-aaral sa klase ay nakabatay sa pagtanggap natin na katotohanan
ang nakasulat sa mga aklat at ang sinasabi o itinuturo ng ating mga guro.
Kung pagninilayan, makikita natin nang malinaw na ang pamumuhay natin sa
isang mundong pinamamayanihan ng pagtitiwala – isang mundo na ang pagsasabi ng
totoo ang siyang kinagawian at inaasahan sa lahat- ay tunay na kapakipakinabang. Ang
lahat ng mahalagang bagay na ating ninanais gawin ay nagiging posible sa isang
mundong pinangingibabawan ng pagtitiwala.
Sa huli sasabihin mo pa rin, may mga pagkakataon na mas madali ang
magsinungaling kaysa magsabi ng totoo lalo’t wala namang masasaktan o
mapapahamak. Ayon kay Bok, kung naiisip nating magsinungaling, ilagay natin ang
ating sarili sa kinalalagyan ng taong ating pagsisinungalingan. Papaano kung ikaw ang
pinagsisinungalingan? Mabago kaya ang iyong pananaw tungkol sa pagsisinungaling?
Gamitin nating halimbawa ang isang matalik na kaibigan. May isang kamag-aral
ka na alam mong may pagtingin sa iyong kaibigan. Hindi mo ibig ang lalaking ito para
sa kanya dahil sa sa iyong palagay hindi sya magiging mabuting impluwensya sa iyong
kaibigan. Upang layuan na nito ay minabuti mong sabihin sa kanya na mayroon nang
kasintahan ang iyong kaibigan kahit hindi ito totoo. Kung ilalagay mo ang iyong sarili sa
katayuan ng iyong kaibigan, maiibigan mo ba ang iyong ginawa?
Tulad din ito ng halimbawang ibinigay ni Bok sa kanyang aklat. Tungkol ito sa
isang ahenteng naghahanap ng mga mahusay na ehekutibo para sa malalaking
kumpanya. Ang ahenteng ito ay siyang-siya sa kanyang pamamaraan ng pangangalap
ng tumpak na rekomendasyon sa mga pinaglilingkuran ng kanilang mga aplikante.
Nagpapahayag ito ng isang tsismis o walang batayang usap-usapan tungkol sa
aplikante upang malaman ang magiging tugon ng taong nagrekomenda dito.
Halimbawa, “ Bali-balitang si Smith ay hindi gustong katrabaho ng kanyang mga
kaopisina,” o kaya’y, “ itong si Jones pala ay tumatanggap ng papuri para sa mga
gawang hindi kanya.” Sa pamamagitan ng pagtataya ng reaksyon sa mga tsismis na ito
ng nagrekomenda sa aplikante, nakakukuha ang ahente ng mas tumpak at higit na
mayamang ulat tungkol sa pagkatao at mga karanasan ng aplikante. Dahil dito inaakala
nya na nakatutulong ng malaki ang kanyang pagsisinungaling o pagpapalaganap ng
tsismis tungkol sa tao.
Ipagpalagay natin na ang isa sa mga aplikanteng ito, si Smith, ay binabalak na
itaas ng posisyon ng kanyang pinaglilingkuran. Dahil sa panayam sa nasabing ahente
maaring magdalawang isip ang kanyang amo at sa iba na lamang ibigay ang naturang
posisyon. Nakatulong man ito sa ahente ay nakasira naman ito sa reputasyon ng
aplikante. Sa huli’y nawalan kapwa ang aplikante at kanyang amo.
Kung baliktarin kaya ang sitwasyon at ang ahente naman ang gawan ng tsismis
upang tayain ang magiging reaksyon ng kanyang amo? Walang taong magnanais na
mabahiran ang karangalan dahil sa kasinungaliangan. Tiyak na hindi maiibigan ng
ahente ang maging tagatanggap sa ganitong sitwasyon.
Gayon din naman, sa unang halimbawa; paano kung makarating sa kanyang
mga magulang ang usap-usapan na ang iyong matalik na kaibigan ay mayroon ng
kasintahan at dahil dito sya ay makagalitan o kaya’y pahintuin sa pag-aaral?
Peer Pressure
Minamasdan ni Ruby ang kanyang mukha sa salamin. Papasok na ito sa
eskwelahan kung saan siya ay isang mag-aaral sa ikalawang taon. Pakiramdam niya’y
nakatago sa makapal na pulbos at lipstick na ipinahid nya sa kanyang mukha ang
kanyang tunay na pagkatao. Sinusuklay nito ang kanyang buhok na dati’y itim na itim
ngunit ngayo’y may mga bahagyang kulay blonde na. Kapansin pansin din ang kulay
itim na kuko nito. Iyon kasi ang uso. Naaalala pa ni Ruby noong siya ay nasa unang
taon. Wari ba’y masamang panaginip ito na nais na sana niyang kalimutan.
Pinagtatawanan sya noon dahil sa kanyang pananamit. Wala kasi sa uso ang
kanyang mga kasuotan. Luma ang uniporme at sapatos niyang isinusuot dahil ang mga
ito’y pinaglumaan na ng kanyang ate. Kadalasang simpleng nakatali lamang ang itim
nitong buhok. Marami rin ang nagtatawa sa kanyang makapal na salamin sa mata.
Walang sumasalo sa kanya sa pagkain ng recess at wala ring nais na pumili sa kanya
bilang kagrupo sa mga gawain sa paaralan.
Dahil sa kanyang pagnanais na mabago ang pakikitungo ng mga kamag-aral,
sinikap nitong baguhin ang kanyang sarili. Sinimulan niya ito sa kanyang pananamit.
Pinilit nya ang kanyang ina na ibili sya ng bagong uniporme. Kahit nahihirapan sa pag-
aaral ay hindi na nito muling isinuot ang kanyang makapal na salamin. Ginagaya niya
ang pananamit ng mga kamag-aral na sikat. Ginagawa niya na ang mga ginagawa nila.
Maging ang pagtambay sa tindahan sa labas ng paaralan matapos ang klase. Minsan
nga’y napilitan siyang uminom ng isang baso ng mapait na beer dahil lamang sa
pakikisama. Minsan din ay nag cutting classes sya kasama ang mga bagong kaibigan.
Masaya sya sa pakikitungo sa kanya ng kanyang mga bagong kaibigan. Sa wakas ay
kabilang na rin sya. Masaya sya sa pakikitungo sa kanya ng mga kamag-aral. Ngunit,
para bang hindi sya nasisiyahan sa Ruby na nakikita niya sa salamin. Wari ba’y hindi
nya ito nakikilala. Napakarami nya nang pagkukulang sa kanyang pag-aaral at sa
kanyang pamilya.
Ang mga ganitong kwento ay hindi na bago sa ating pandinig. Nangyayari itong
madalas lalo na sa mataas na paaralan. Sa bawa’t paaralan ay palaging mayroong
isang grupo ng mga mag-aaral na “sikat” o tinatawag nilang “cool group”. Kadalasan,
ang mga kabataang ito ay may dalawang uri. Yaong mga sikat dahil sa kanilang
reputasyon sa paggawa ng mga bagay na hindi nila dapat na ginagawa. Ang kanilang
kakayahan sa paglabag sa mga alituntunin nang walang pag-aalinlangan ay dahilan
para sila katakutan ng karamihan sa kanilang mga kamag-aral. Mayroon din namang
sikat dahil sila ay kilala sa pagiging higit na mahuhusay, matatalino, magaganda o mas
nakaaangat sa buhay. Sila’y karaniwang hinahangaan. Ngunit hindi lahat ng ganitong
pangkat ng kabataan ay may pantay na pakikisama sa lahat. Kadalasan sila’y namimili
lamang ng kanilang tatanggapin sa kanilang grupo. Natural lamang sa ibang mag-aaral
na hangaring mapabilang o kilalanin man lamang nang alin man sa mga pangkat na ito.
Ayon kay Esteban (1990), ang isang teenager na tulad mo ay tunay na madaling
maapektuhan ng impluwensya ng iyong mga kaedad, tinatawag itong peer pressure.
Sensitibo ang mga kabatang tulad mo sa peer pressure sapagkat sa yugtong ito ng
emosyonal at sosyal na paglago, ay karaniwang nakakaramdam ka ng matinding
pangangailangan upang mapabilang. Ninanais mong makilahok sa mga gawain,
maanyayahan, maramdamang ikaw ay gusto ng iba, at ninanais mong makahalintulad
nang mga nais mong makasama. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ka ng kumpiyansa
at pagpapahalaga sa sarili.
Gayon pa man mayroong negatibo at positibong epekto ang peer pressure. Ang
pagtukoy kung alin ang negatibo at positibong peer pressure ay nakasalalay sa
pagsusuri sa mga maaaring kahinatnan nang pagbibigay dito. Ang bulag na pagsunod
sa mga kaibigan ay maaring maging dahilan ng pagkasira ng iyong buhay. Subalit ang
mapanuring pagharap dito at paggawa ng matalinong pagpapasya ay maaring ikabuti
ng ating buhay.
Mga Negatibong Epekto ng Peer-Pressure
Kung hindi mo ibig ang isang ideya, hindi ba’t hindi ka sasang-ayon dito? Kapag
hindi mo hilig ang isang larangan, natural lamang na hindi ito ang larangang tatahakin
mo. Kadalasan ang mga kaibigan o kabarkada ang nagtutulak sa isang kabataan na
gumawa ng isang bagay na hindi nya nais. Kung nagkakagayon, malaki ang posibilidad
na hindi sya maging matagumpay sa larangang ito. Mahirap magtagumpay sa isang
gawaing hindi kanais-nais sa iyo. Hindi ba’t pagsupil sa iyong kaligayahan ang
pagbibigay sa peer pressure sa paggawa ng mga mahahalagang desisyon sa iyong
buhay.
Madalas ang uri ng pamumuhay na tinatahak ng mga kabataang tulad mo ay
bunga ng peer pressure. Maaring hindi mo ibig ang mga kasayahan at pagtitipon, ngunit
dahil sa ito ang nais ng iyong mga kaibigan ay napipilitan kang dumalo sa mga ito.
Maaring hindi mo naiibigan ang pag-inom ng alak at paninigarilyo, ngunit napipilitan ka
dahil sa lahat ng iyong mga kaibigan ay gumagawa nito. Maraming pagkakataon na
dahil sa matinding panggigipit ng mga kabarkada ay tumitikim ng droga ang ilan.
Maraming kabataan ang nalilihis ng landas dahil sa pagbibigay sa buyo ng barkada.
Karaniwang nawawala ang kakanyahan ng isang kabataan dahil sa peer-
pressure. Kapansin-pansin na sa isang barkadahang nakapangyayari ang peer
pressure, pare-pareho ang pananamit, pag-aayos ng sarili, pagkilos at pananalita ng
mga kasapi nito. Sila’y para bang mga “clone” ng isa’t isa. Nakalulungkot ito, sapagkat
ang tunay na pakikipagkaibigan ay ang pagtanggap sa kapwa ng walang paghuhusga.
Ang uri ng ugnayang dapat na matutunan ng isang kabataan upang maging produktibo
at mabunga ang pakikipagkapwa ay yaong magpapatingkad ng kanyang kakanyahan o
pagiging isang indibidwal.
Dahil sa peer pressure, hindi na nasusunod ang dikta ng ating konsensya sa
kung ano ang tama at mali. Nagiging tama na ang ano mang sinang-ayunan ng buong
barkada. Nawawala na ang mga sariling pagpapahalaga at mga katangian na
nagpapabukod-tangi sa iyo.
Anu-anong maling gawain nga ba ang maaring maging udyok ng peer pressure?
Ayon sa isang pag-aaral ng Center for Disease Control and Prevention (CDC) sa
Amerika, marami. Sa pinakahuling pag-aaral, pinatutunayan lamang na tunay nga na
dapat ikabahala ang peer pressure. Maraming mga kabataan ang sumusubok ng isang
bagay na maglalagay sa kanilang kalusugan sa panganib dahil sa peer pressure.
Kabilang sa lubhang mapanganib ang paninigarilyo, pag-inom ng alak, pag-abuso sa
droga at pre-marital sex. Hindi rin naman naiiba ang mga naging resulta ng pag-aaral
naman sa Pilipinas.
Ilan sa mga datos na nakuha nila ang mga sumusunod:
Paninigarilyo. Sa gulang na 13 anyos, isa sa limang tinedyer ang nakasubok na
ng sigarilyo. Dalawamputlimang (25%) porsyento ng mga mag-aaral sa mataas na
paaralan sa Amerika ay naninigarilyo na.
Pag-inom ng alak. Pitumput-limang porsyento (75%) ngmga kabataan sa
pagitan ng edad na 14 at 17 ay nakainom na ng alak. Sa mga kalalakihang kabataan na
sumubok nito, dalawampung porsyento (20%) ang labindalawang taong gulang lamang
ng unang tumikim nito. Sa edad ding ito nagsisimula na ang minsanang paglalasing.
Halos dalawamput limang porsyento (25%) sa mga umaming sila’y umiinom ng alak na
may gulang na 16 hanggang 21 ay umamin ding sila’y nagmamaneho ng sasakyan
kahit lasing.
Pag-abuso sa bawal na gamot. Mahigit sa dalawamput limang porsyento (25%)
n mga kabataang labing-apat na taong gulang hanggang labimpitong taong gulang ay
naagamit na ng bawal na gamot. Halos ikatlong bahagi ng mga regular na gumagamit
ng marijuana na nasa hustong gulang na ay nagsimulang gumamit ng sila ay labing-
apat na taong gulang lamang.
Pre-marital sex. Isa sa tatlong kabataang nasa labing-apat hanggang
labinlimang taong gulang ang naranasan na ang pakikipagtalik. Tatlumpung porsyento
(30%) ng mga kabataang aktibo sa ugnayang sekswal ay umaming hindi gumagamit ng
proteksyon.
Bukod pa sa mga naitala sa mga naging pag-aaral mayroon pang
nakababahalang epekto ang peer pressure. Bagamat hindi ito kasingdalas na nauulat
pataas naman ang bilang ng mga kabataang dahil sa udyok ng barkada at peer
pressure ay nagkakaroon ng sakit sa isip na tinatawag na “eating disorders”. Sakit ito sa
pag-iisip dahil sa ang taong mayroon nito ay may maling persepsyon o pagtataya sa
kanyang pangangatawan.
Isa pang nakatatakot na epekto ng peer pressure ang pananakit sa sarili. Ayon
kay Dr. Alec l. Miller, isang sikolohista sa Albert Einstein College of Medicine sa New
York, isa na ngayong kakaibang pamamaraan ng ilang kabataan upang maibsan ang
sakit ng mga mabibigat na emosyon tulod ng labis na kalungkutan o paghihinagpis, ang
pagsugat sa sariling katawan. Karaniwang ito ay sa pamamagitan ng paghihiwa sa
braso o iba pang paraan ng panankit sa sarili. Hinihikayat nila ang ilan nilang mga
kaibigan o kabarkada na gawin din ito bilang pakikisama o pakikiramay.
Sa Pilipinas, ayon sa Dangerous Drugs Board, gayun din halos ang datos lalo na
sa sigarilyo, alak at bawal na gamot. Karaniwang nagsisimula ang pag-abuso sa mga
sangkap na ito sa pagpasok sa mataas na paaralan. Ngunit isang sangkap na inaabuso
ng maraming mahihirap na kabataan ang wari’y sa Pilipinas lamang uso. Ito ay lubhang
mapanganib sa kalusugan. Ang pag-abuso sa solvent na karaniwang matatagpuan sa
rugby at paint thinner. Sa murang edad na walo hanggang labindalawang taon
karaniwang nagsisimula ang pag-abuso dito. Ayon sa dokumentaryong ginawa ni Karen
Davila para sa telebisyon, napakadali para sa sinumang kabataang Pilipino ang
makabili nito. Sa halagang trenta hanggang kwarenta pesos ay mayroon ka nang paint
thinner o rugby na mabibili sa hardware. Walang restriksyon sa pagbebenta nito maging
sa mga bata.
Ang Positibong Epekto ng Peer Pressure
Ang peer pressure ay hindi naman palaging nakasasama. Makatutulong ito sa
iyo upang linangin ang iyong kakayahan sa mapanagutang pagpapasya. Magkakaroon
ka ng pagkakataong mapagnilayan ang uri ng pamumuhay na mayroon ka. Mahalaga
rin namang makita natin ang ibang mukha ng buhay. Sa pamamagitan ng
paghahalintulad o pagkukumpara sa ating sarili sa iba ay mas higit nating makikilala
ang ating mga nais, mga interes, mga pagkukulang o kahinaan at mga kalakasan.
Maari rin namang makabuti ang impluwensya ng mga kabarkada. Ang pagtulad
sa mga mabubuting gawain ng mga hinahangaang kabataan sa iyong paaralan ay
maaring makapag-paunlad sa ating sariling pagkatao.
Kung tayo ay mapabilang sa isang mabuting barkadahan, magiging mabuti rin
ang kahihinatnan ng ating buhay. Sa isang mabuting barkadahan ang bawat miyembro
ay itinuturing na mahalaga. Binibigyang halaga ang kakayahan, interes, at kalakasan ng
bawat isa. Tumutulong din ang barkada na palakasin ang kahinaan nito. Sa isang
mabuting barkadahan lalong pinatitingkad ang kakanyahan o ang indibidwalidad ng
bawat isa. Ang kalakasan ng grupo ay ang pagkakaroon nito ng mga kasaping may
mataas na pagtingin at pagpapahalaga sa kanilang sarili.
Paano nga ba dapat harapin ang peer pressure?
Isa sa pinakamahirap na pinagdaraanan ng isang kabataan ang peer pressure.
Kung ang peer pressure ay maaring makabuti o makasama, paano malalaman ng isang
tinedyer kung dapat syang sumunod sa udyok nito. Makatutulong ang mga sumusunod
na tanong:
1. Papaano kaya tatanggapin ng iyong magulang ang iyong magiging desisyon? Sa
pag-iisip kung paano tatangagapin ng ating mga magulang ang ano mang
desiyon natin sa udyok ng peer pressure makikilala natin ang buti o samang
idudulot ng desisyong ito atin.
2. Isipin mo ang iyong sarili: maikararangal mo ba sa ibang tao ang pipiliin mong
desisyon? Ikahihiya mo ba ito? Madalas alam natin kung ano ang makabubuti o
makasasama sa atin.
3. Isipin mo ang mga kahihinatnan ng desisyong ito: ano ba ang makukuha mo
dito? May buti ba itong idudulot sa iyo?
Ayon sa mga pag-aaral tungkol sa peer pressure, may dalawang mabisang
kasanayan na makatutulong sa mga kabataan para harapin ang peer pressure: ang
kakayahan sa mapanindigang pagtanggi (assertive refusal) at kakayahan sa matalinong
pagpapasya (sound decision-making).
Sa pag-aaral na nalathala sa pahayagan ng Addictive Behaviors, halos 1, 500
mga kabataan sa mataas na paaralan ang siniyasat sa pamamagitan ng isang
talatanungan. Sinuri ang kasanayan ng mga kabataang ito sa pagtanggi at pagpapasya.
Kabilang sa mga tanong na ginamit dito ay kaugnay ng paghitit ng sigarilyo at
marijuana, pag-inom ng alak, paggamit ng ipinagbabawal na gamot ng kanilang mga
kaibigan at kasambahay, kabilang na ang kanilang mga magulang.
Napatunayang ang mga kabataang may mataas na kasanayan sa mapanindigang
pagtanggi at matalinong pagpapasya ay mas mababa ang posibilidad na gumamit din
ng mga sangkap na ito.
Tatlong taong sinundan ng mga nagsagawa ng pag-aaral na ito ang mga kabataang
nakabilang dito. Nakita nila na mahalaga ang kaalaman sa mga masasamang idudulot
ng sigarilyo, alcohol, at bawal na gamot. Wika nga ni Dr. Jennifer A. Epstein,
pangunahing tagapagtaguyod at propesor sa Weil Cornell, sa pamamagitan ng
kasanayan sa mapaninidigang pagtanggi at matalinong pagpapasya, kakayanin ng mga
kabataan ang paglabanan ang malakas na impluwensya ng mga kaibigan, kabarkada o
mga kamag-anak sa paggamit ng mga nakalalasong sangkap ng sigarilyo, alak, at
bawal na gamot.