Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Pagkasira ng Likas na Yaman
at Climate Change
10
ii
Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Pagkasira ng Likas na Yaman at Climate Change Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD.
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Maricris G. Malang
Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag PhD
Virgilio L. Laggui PhD
Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD
Romeo P.Lorido /Anastacia M.Victorino PhD
Tagasuri sa ADM: John Paul C. Paje
Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jay Ahr E. Sison
Tagaguhit: Maesie T.dela Peña/ Vincent D. Robles
Tagalapat: Maricris G. Malang /Joyce O. Saraza
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Nestor Nuesca EdD
Gregorio C. Quinto, Jr. EdD
Rainelda M. Blanco PhD
Agnes R.Bernardo PhD
Virgilio L. Laggui PhD
iii
10
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 3:
Pagkasira ng Likas na Yaman
at Climate Change
iv
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagkasira ng Likas na Yaman at Climate
Change.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagkasira ng Likas na Yaman at Climate Change!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.
Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
v
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
vi
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
1
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito
ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 10.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung
pangkapaligiran ng Pilipinas.
Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:
Leksyon 1 – Pagkasira ng Likas na Yaman
Leksyon 2 – Climate Change
Leksyon 3 – Coral Bleaching
Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. natutukoy ang mga suliraning pangkapaligirang kinahaharap ng Pilipinas;
2. naipaliliwanag ang dahilan at epekto ng pagkasira ng likas na yaman, climate
change at coral bleaching sa Pilipinas;
3. natutukoy ang mga batas at kautusan ng pamahalaan sa pangangalaga ng
mga kagubatan sa Pilipinas; at
4. nakapagbibigay ng mga paraan kung paano mapangangalagaan ang mga likas
na yaman ng bansa.
Mga Tala para sa Guro Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito. Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.
2
Subukin
Panuto: Tukuyin ang isinasaad sa bawat bilang. Piliin ang wastong sagot mula sa
mga pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaang sagutang papel.
1. Ito ay tumutukoy sa matagalan at permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot
ng gawain ng tao at natural na kalamidad.
A. Ilegal na pagpuputol ng puno C. Deforestation
B. Pagguho D. Reforestation
2. Natural na pangyayari na dulot ng pagkaubos o pagkakalbo ng kagubatan.
A. Climate Change C. Polusyon
B. Pag-init ng panahon D. El Niño
3. Ang sumusunod ay epekto ng climate change sa Pilipinas maliban sa _________.
A. labis na pag-ulan C. tagtuyot
B. pagkasunog ng kagubatan D. pagtaas ng populasyon
4. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng puno bilang panggatong.
A. Mabilis na pagtaas ng populasyon C. Ilegal na pagmimina
B. Fuel wood harvesting D. Illegal logging
5. Layunin nito na mapasidhi ang mga programa para sa reforestation ng bansa.
A. Reforestation Administration C. Community Forestry
B. Deforestation Administration D. Forest Sector Project
6. Ang illegal na pagpuputol ng mga puno ay ipinagbawal sa bisa ng anong Atas
Tagapagpaganap?
A. Atas Tagapagpaganap 771 C. Atas Tagapagpaganap 772
B. Atas Tagapagpaganap 277 D. Atas Tagapagpaganap 273
7. Ang sumusunod ay mga dahilan at epekto ng deforestation sa Pilipinas
maliban sa _________.
A. Migrasyon C. Ilegal na pagmimina
B. Fuel wood harvesting D. Polusyon sa hangin
8. Sa bisa ng Republic Act na ito, muling sumigla ang mga gawain para sa
reforestation.
A. Republic Act 117 C. Republic Act 171
B. Republic Act 151 D. Republic Act 115
9. Ang sumusunod ay suliraning naidudulot ng walang tigil na pagpuputol ng puno
maliban sa _________.
A. Pagguho ng lupa C. Weathering
B. Pagkasira ng tirahan ng hayop D. Pagbaha
3
10. Ito ay tumutukoy sa paglipat ng pook panirahan.
A. Migrasyon C. Caravan
B. Bakasyon D. Lakbay-aral
11. Isa sa mga dahilan ng pagbabago ng klima ay ang patuloy na pag-init ng daigdig
dahil sa mataas na antas ng konsentrasyon ng ___________ na naiipon sa
atmosphere.
A. Oxygen C. Carbon Dioxide
B. Hydrogen D. Helium
12. Sa nakalipas na taon unti-unting nasisira ang likas na yaman ng bansa.
Kasabay nito ang mabilis na paglaki ng populasyon ng bansa na
nangangahulugan ng mataas na demand sa mga pangunahing produkto.
A. Ang una at ikalawang pangungusap ay mali.
B. Ang unang pangungusap ay tama at ang ikalawa ay mali.
C. Ang unang pangungusap ay mali at ang ikalawa ay tama.
D. Ang dalawang pangungusap ay tama.
13. Ilegal na pagpuputol ng puno: pagguho ng lupa, __________________: tagtuyot at
pagkasunog ng kagubatan.
A. Ilegal na pagmimina C. Global Warming
B. Climate Change D. Migrasyon
14. Ang sumusunod ay deposito ng mineral na matatagpuan at makukuha sa
pagmimina maliban sa _________.
A. dyamante C. nikel
B. limestone D. tanso
15. Ito ay tumutukoy sa Atas ng Pangulo kung saan ipinag-utos sa lahat ng
mamamayang 10(sampung) gulang pataas na magtanim ng 12 seedling bawat
taon sa loob ng limang taon.
A. Presidential Decree 5311 C. Presidential Decree 1153
B. Presidential Decree 3151 D. Presidential Decree 5113
Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay
madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa
naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan
pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasa ng mabuti sa mga teksto at
pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.
4
Aralin
1 Pagkasira ng Likas na
Yaman at Climate Change
Pagbati! Ang ikatlong paksa sa ating modyul ay tungkol sa pagkasira ng likas
na yaman, climate change at coral bleaching. Iyong naunawaan ang suliraning
kinakaharap ng bansa tungkol sa solid waste o basura. Ipagpatuloy ang iyong
pakikibahagi sa paksa sa pamamagitan ng pag-aaral sa ikatlong paksa.
Hagdan-Ugnayan
Panuto: Upang matiyak kung natutuhan at naunawaan mo ang nakalipas na aralin,
narito ang isang gawain na susubok sa iyong kakayahan. Itala sa hagdanan ang mga
hakbang na maaari mong gawin upang mabawasan ang suliranin sa solid waste.
Kung ang sagot mo sa ladder web ay magtapon ng basura sa tamang tapunan,
waste segregation, magresiklo ng mga bagay o basura na maaari pang gamitin, at
pagkikibahagi sa mga programang ipinatutupad ng barangay ukol sa solid waste
management, ay binabati kita sapagkat tunay ngang naunawaan mo ang nakalipas
na aralin!
Ang patuloy na paglala ng problema sa basura ng Pilipinas ay mas lalong
nagpapalala sa iba pang suliraning pangkapaligirang kinahaharap ng ating bansa.
Bukod sa problema sa basura ay isa rin sa malaking suliranin ng bansa ay ang
pagkasira ng kapaligiran, climate change at coral bleaching.
Balikan
5
Tuklasin
Suri-Larawan
Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat
ang nagawang pagsusuri sa sagutang papel.
1. Ano ang iyong napansin sa una at ikalawang larawan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Ano kaya ang posibleng dahilan ng mga ganitong pangyayari?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Paano kaya maiiwasan ang mga ganitong suliranin?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Unang Larawan
Ikalawang Larawan
6
Magaling! Kung ang sagot mo sa gawain ay pagkakalbo ng kagubatan at
pagbaha na dulot ng walang habas na pagpuputol ng mga puno at pagkasira ng
kagubatan. Ang mga ganitong suliranin ay maiiwasan sa pamamagitan ng pag-iingat
sa ating kalikasan. Handang-handa ka ng matutuhan ang mga araling kaugnay nito.
.
Suriin
Pagkasira ng mga Likas na Yaman
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa daigdig na mayaman sa likas na yaman.
Ang likas na yaman ay anomang bagay na nagmumula sa kalikasan katulad ng
kagubatan, kabundukan, lupa at mga anyong tubig. Ito ay nagsisilbing batayan ng
lahat ng ating pangangailangan sapagkat ito ang pinagkukunan natin ng pagkain,
hilaw na materyales na pinoproseso upang maging produkto at nagbibigay ng
pangunahing hanapbuhay sa mamamayan ng bansa. Ang mga likas na yamang
nabanggit ay mahalaga rin para sa ekonomiya ng bansa. Ngunit sa kabila ng
biyayang ipinagkakaloob sa atin ng mga likas na yaman, may mga tao pa rin na
inaabuso ang paggamit dito. Ang kapabayaang ito ang nagpapalala sa mga natural
na kaganapan tulad ng pagguho ng lupa, pagkakaroon ng malakas na bagyo at
malawakang pagbaha.
7
Suliranin sa Yamang Gubat
Ang ating bansa ay sagana sa yamang gubat. Napakaraming benepisyo ang
nakukuha ng mga tao mula rito. Noong 2010, tinatayang 15 % ng kabuuang kita ng
Pilipinas ay nagmula sa direktang paggamit ng mga likas na yaman, halimbawa nito
ay ang pangingisda at pagtatanim. Ang kagubatan ang siyang nagsisilbing tahanan
ng iba’t ibang hayop at organismo na nagpapanatili ng balanse sa kalikasan. Dito
rin nagmumula ang iba’t ibang mga produkto tulad ng tubig, gamot, damit at iba
pang pangunahing pangangailangan ng tao. Dahil sa yamang nakukuha mula rito,
mayroong mga industriya na nakapagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan
(Philippine Tropical Forest Conservation Foundation, 2013). Ang patuloy na
pagkasira ng ating kagubatan ang siyang pinakamalaking suliraning kinahaharap
ng Pilipinas kung hindi matitigil ang deforestation.
Ang deforestation ay tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng
kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o ng mga natural na kalamidad
(FAO,2010). Ang deforestation sa Pilipinas ay nagsimula pa noong 1500s kung saan
ang dating 27 milyong ektarya ng kagubatan ay naging 7.2 milyong ektarya na
lamang (Philippine Climate Change Commission, 2010). Ayon sa ulat na inilabas ng
European Union Joint Research Centre gamit ang satellite-based image, kanilang
nasabi na mayroon na lamang 19% ang kagubatan ng Pilipinas (Country Delegate
to the European Commission, 2009).
Ang mga sumusunod ay dahilan at epekto ng deforestation sa Pilipinas ayon
sa ulat na pinamagatang Status of Philippine Forests (2013).
8
Larawan Gawain Epekto
Illegal logging ang tawag
sa ilegal na pagputol sa
mga puno sa kagubatan.
Ito ay pinalubha ng
kawalan ng ngipin sa
pagpapatupad ng mga
batas sa illegal logging sa
bansa.
Nakapagdudulot ng mga
suliranin tulad ng
pagbaha, pagguho ng
lupa at pagkasira ng
tahanan ng mga ibon at
hayop.
Migration- tumutukoy sa
paglipat ng mga tao sa
ibang lugar upang doon
manirahan.
Ang mga lumilipat sa
kagubatan at
kabundukan ay
nagsasagawa ng kaingin
(slash-and-burn farming)
na nagiging dahilan ng
pagkakalbo ng
kagubatan at pagkawala
ng sustansya ng lupain
dito.
Mabilis na pagtaas ng
populasyon.
Dahil sa mabilis na
paglaki ng populasyon ang
mga dating kagubatan ay
ginawang plantasyon,
subdivision, paaralan at
iba pang imprastruktura
upang matugunan ang
mataas na demand sa
pangunahing
pangangailangan.
Fuel wood harvesting o
ang paggamit ng puno
bilang panggatong.
Ang mataas na demand
sa mga uling sa pagluluto
at kahoy sa paggawa ng
produkto ay nagiging
dahilan ng pagputol ng
mga puno sa kagubatan.
Ilegal na Pagmimina
Sa mga kagubatan
kadalasang matatagpuan
ang deposito ng mga
mineral tulad ng
limestone, nickel, copper
at ginto dahil dito
kinakailangang putulin
ang mga puno upang
maging maayos ang
operasyon ng pagmimina.
9
Ang mga mahihirap na umaasa lamang sa kagubatan ang labis na
nakararanas ng epekto ng deforestation dahil nalilimitahan ang kanilang kabuhayan
dulot ng pagliit ng forest cover.
Sa mga nakalipas na panahon ay mayroong iba’t ibang mga batas, kautusan,
programa at proyekto ang pamahalaan na isinagawa sa Pilipinas upang
mapangalagaan ang kagubatan sa tulong na rin ng iba’t ibang sektor ng lipunan.
Ang mga datos sa ibaba ay hango sa aklat na pinamagatang One Century of
Forest Rehabilitation in the Philippines (Chokkalingnam et al., 2006), sa ulat na
Philippine Forest and Wildlife Law Enforcement (Oliva, 2007) at sa opisyal na website
ng Forest Management Bureau.
Panahon ng Pananakop (1940-1945)
1910 Naitayo sa Los Baños, Laguna ang kauna-unahang Forestry School
(College of Forestry and Natural Resources sa ngayon) .
1916 Isinabatas ang Talisay- Minglanilla Friar Lands (Republic Act 2649) na kung saan naglaan ng sampung libong piso para sa reforestation sa Cebu.
1919 Naitatag sa Arayat, Ilocos at Zambales ang Magsaysay Reforestation Project
1927-1931 Itinatag ang Cinchona Plantation sa Bukidnon
1937-1941 Itinatag ang Makiling Reforestation
Kalagitnaan ng dekada 70 hanggang sa kasalukuyan
1975 Ang Presidential Decree 705 ay nilagdaan kung saan ay ipinag-utos ang pagsasagawa ng reforestation sa buong bansa kasama ang pribadong sektor at ipinagbawal ang pagkakaingin.
1977
Ipinag-utos sa lahat ng mamamayang 10 taong gulang pataas na
magtanim ng 12 seedling bawat taon sa loob ng limang taon sa bisa
ng Presidential Decree 1153.
Panahon matapos ang digmaan (1946-kalagitnaan ng dekada 70)
1946-1948 Hindi gaanong naisakatuparan ang mga programa dahil limitado
lamang ang pondong inilaan ng pamahalaan para sa reforestation.
1948 Sa bisa ng Republic Act 115 muling sumigla ang mga gawain para sa
reforestation.
1960
Sa bisa ng Republic Act 2706 naitatag ang Reforestation
Administration na ang layunin ay mapasidhi ang mga programa para
sa reforestation ng bansa.
10
1980s Sinimulan ang people-oriented programs tulad ng Social Forestry
Program (1982) at Community Forestry Program (1987)
1987 Ipinagbawal ang Illegal Logging
Sinimulan ang Forest Sector Projects (FSP) I at II
1992
Isinabatas ang Republic Act 7586 (National Integrated Protected
Area System) na ang pangunahing layunin ay mapangalagaan ang
mga protected areas.
1995
Pinasimulan ang National Forestation Program (NFP) na may
layuning magsagawa ng rehabilitasyon ng 1.4 milyong ektarya ng
kagubatan sa buong bansa.
1997 Naisabatas ang Republic Act 8371 o Indigenous People’s Right Act
2001 Naisabatas ang RA 9072- National Cave and Resources
Management and Protection Act
2004
Ang Proclamation No. 643 na humikayat sa partisipasyon ng lahat
ng ahensya ng gobyerno, pribadong sektor, paaralan, NGO at mga
mamamayan na makilahok sa tree planting activities.
2011
Nilagdaan ang Executive Order No. 23 na nagdeklara sa
moratorium sa pagputol ng puno sa natural at residual na
kagubatan.
2015 Nilagdaan ang Executive Order No. 193 na ang layunin ay
palawakin ang sakop ng National Greening Program
Sa
Kasalukuyan
National Greening Program
National Forest Protection Program
Forestland Management Project
Isa sa maituturing na tagumpay ng pagtutulungan ng pamahalaan, pribadong
sektor, non-governmental organization/s (NGOs) at mga mamamayan sa
kasalukuyan ay ang unti-unting pagbuti ng kalagayan ng kagubatan ng bansa.
Noong 2015, ayon sa ulat ng United Nations Food and Agriculture Organization
(FAO) panlima ang Pilipinas sa 234 na bansa na mayroong malawak na lupaing
napapanumbalik sa kagubatan (Galvez, 2016).
Climate Change
Ang Pilipinas ay naitala bilang pang-apat sa sampung bansa na pinaka-
naapektuhan ng Climate Change ayon sa 2016 edisyon ng Global Climate Risk Index
(Sönke, Eckstein, Dorsh, & Fischer, 2015). Dahil sa climate change mas lumakas,
dumalas, at nagiging unpredictable ang pagkakaroon ng mga natural na kalamidad
tulad ng bagyo, pagbaha at malalakas na ulan na nararanasan sa Pilipinas.
11
Ang climate change ay maaaring
isang natural na pangyayari o kaya ay
maaari ding napapabilis o napalalala dulot
ng gawain ng tao ayon sa Intergovernmental
Panel on Climate Change (2001). Ang
patuloy na pag-init ng mundo o ang global
warming ay isa sa sinasabing dahilan ng
climate change dahil sa mataas na antas ng
konsentrasyon ng carbon dioxide na
naiipon sa atmosphere. Ang mga ito ay
nanggagaling sa mga usok ng pabrika, iba’t
ibang industriya at pagsusunog ng
kagubatan.
Nararanasan na sa Pilipinas ang epekto ng climate change ayon sa pag-aaral
nina Domingo at mga kasama (2008). Ilan sa epekto ng climate change na
nararanasan sa Pilipinas ay ang madalas at matagalang kaso ng El Niño at La Niña,
malalakas na bagyo, malawakang pagbaha, pagguho ng lupa, tagtuyot at forest fires.
Coral Bleaching
Isa sa mga suliraning kinahaharap ng
mga karagatan sa Pilipinas ay ang coral
bleaching. Ito ay ang pagkasira ng mga korales
sa karagatan na nagresulta sa pagkaunti ng
bilang ng mga isdang nahuhuli sa dagat at
pagkawala ng ilang mga species. Ang
pagkatunaw ng iceberg sa Antarctic ay
mayroon ding malaking epekto sa bansa
sapagkat maaaring malubog sa tubig ang mga
lugar na mabababa dahil sa patuloy na
pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat.
Ang panganib sa food security ay isa lamang sa epekto ng climate change sa
Pilipinas dahil sa malalakas na bagyo na namiminsala sa bansa pangunahing
naapektuhan nito ang sektor ng agrikultura. Ito ay nagdudulot ng pagkasira ng mga
pananim, mga kalsada, bodega, mga palaisdaan at maging ang pagkamatay ng mga
mangingisda at magsasaka. At dahil sa matinding init at pabago-bagong panahon
marami ang nagkakaroon ng sakit tulad ng dengue, malaria at cholera. Ang ilan sa
mga mamamayan ay napipilitang lumikas sapagkat ang kanilang mga tahanan ay
sinira ng bagyo o di kaya naman ay natabunan dahil sa pagguho ng lupa. Ang iba
naman ay kinain ng dagat ang lupang kinatatayuan ng tahanan.
12
Pagyamanin
A. Tsek o Ekis
Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang pahayag na nagsasaad ng dahilan ng suliraning
pangkapaligiran at ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
______1. Pagpapahalaga sa kalikasan
______2. Paglaki ng populasyon
______3. Ilegal na pagpuputol ng mga puno
______4. Pagtatanim at paglilinis kapaligiran
______5. Paglipat ng pook panirahan
______6. Pagsuporta sa mga programang pangkapaligiran
______7. Pag-recycle ng mga basura
______8. Coral Bleaching
______9. Waste segregation
______10. Ilegal na pagmimina
B. Tukuyin Mo
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin sa kahon ang
mga uri ng konsepto o termino na naaayon sa mga pangyayaring inilalarawan sa
bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
_________________ 1. Ito ay natural na pangyayari na dulot ng pagkaubos o
pagkakalbo ng kagubatan.
_________________ 2. Paglipat ng pook panirahan.
_________________ 3. Tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng
kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o ng mga natural
na kalamidad.
_________________ 4. Ilegal na pagputol sa mga puno sa kagubatan.
Likas na Yaman Climate Change Deforestation
Coral Bleaching Fuel wood harvesting Illegal Logging
Biodegradable Non-Biodegradable Migration
Kaingin
13
_________________ 5. Tumutukoy sa anomang bagay na nagmumula sa kalikasan
katulad ng kagubatan, kabundukan, lupa at mga anyong tubig.
_________________ 6. Ito ay ang mga basurang nabubulok at ginagamit bilang pataba
sa lupa.
_________________ 7. Ito ay pumapatay sa mga coral reef na tahanan ng mga isda at
iba pang lamang dagat.
_________________ 8. Ang paggamit ng puno bilang panggatong.
_________________ 9. Tumutukoy sa mga basurang di-nabubulok.
_________________ 10. Paraan ng pagsusunog at pagpuputol ng puno at halaman sa
kagubatan.
C. Pagsunurin Mo!
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga batas o programa ayon sa pagkakapasa nito
bilang batas. Lagyan ng kaukulang bilang 1-10 ang patlang. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.
______ Makiling Reforestation
______ Presidential Decree 705
______ Forest Sector Project
______ Republic Act 2649
______ Executive Order No. 193
______ Republic Act 115
______ Presidential Decree 1153
______ Republic Act 8371
______ Magsaysay Reforestation Project
______Republic Act 2706
D. Batas Ay Tukuyin
Panuto: Tukuyin ang mga batas at kautusan ng pamahalaan na may kinalaman sa
pangangalaga sa kagubatan na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
_________ 1. Ito ay isinabatas noong 1916, kung saan naglaan ng sampung libong
piso para sa reforestation ng Talisay-Minglanilla Friar Lands Estate
sa Cebu.
_________ 2. Sa bisa nito, itinatag ang Reforestation Administration na layuning
mapasidhi ang mga programa para sa reforestation ng bansa.
A. Republic Act 2706 B. Presidential Decree 1153
C. Proclamation No. 643 D. Executive Order 277
E. Republic Act 2649 F. Republic Act 7586
G Republic Act 115 H. Executive Order No. 193
I. Republic Act 8371 J. Presidential Decree 705
14
_________ 3. Sa bisa nito, ipinag-utos sa lahat ng mamamayang 10 gulang pataas
na magtanim ng 12 seedling bawat taon sa loob ng limang taon.
_________ 4. Ipinagbawal ang illegal logging sa bisa nito.
_________ 5. Hinihikayat ang partisipasyon ng lahat ng ahensya ng gobyerno,
pribadong sektor, paaralan, NGOs at mga mamamayan na
makilahok sa pagtatanim ng mga puno.
_________ 6. Sa bisa nito, muling sumigla ang mga gawain para sa reforestation.
_________ 7. Ipinag-utos ang pagsasagawa ng reforestation sa buong bansa
kasama ang pribadong sektor at ipinagbawal ang pagkakaingin.
_________ 8. Ang pangunahing layunin nito ay mapangalagaan ang mga protected
areas.
_________ 9. Naisabatas noong 1997, kilala bilang Indigenous People’s Right Act.
_________ 10. Ang pangunahing layunin nito ay palawakin ang sakop ng National
Greening Program.
E. Pagpuno Sa Tsart
Panuto: Punan ang talahanayan ng kinakailangang impormasyon. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
Suliraning
Pangkapaligiran
Dahilan
Epekto
Pagkasira ng Likas na
Yaman
1.
2.
3.
4.
1.
2.
Climate Change
1.
2.
3.
4.
1.
2.
3.
4.
Coral Bleaching
1.
2.
1.
2.
15
F. Tama O Mali
Panuto: Isulat ang salitang Tama kung wasto ang sinasaad ng pangungusap at ang
salitang Mali naman kung ito ay nagsasaad ng hindi wastong pahayag. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
_________ 1. Dahil sa climate change mas lumakas, dumalas, at nagiging
unpredictable ang pagkakaroon ng mga natural na kalamidad tulad
ng bagyo, pagbaha at malalakas na ulan na nararanasan sa Pilipinas.
_________ 2. Itinayo ang kauna-unahang Forestry School sa Montalban, Rizal.
_________ 3. Nagsasagawa ng kaingin ang mga lumilipat sa kagubatan at
kabundukan na nagiging sanhi ng pagkakalbo ng kagubatan at
pagkawala ng sustansya ng lupa dito.
_________ 4. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang biniyayaan ng maraming likas
na yaman.
_________ 5. Isa sa mga dahilan ng climate change ay ang patuloy na pag-init ng
daigdig dahil sa mataas na antas ng konsentrasyon ng nitrogen na
naiipon sa atmosphere.
_________ 6. Ang Pilipinas ay naitala bilang pang-lima sa sampung bansa na
pinaka naapektuhan ng climate change ayon sa 2016 edisyon ng
Global Climate Risk Index.
_________ 7. Sinimulan ang people-oriented programs tulad ng Social Forestry
Program (1982) at Community Forestry Program (1987).
_________ 8. Pinasimulan ang National Forestation Program (NFP) noong 2015, na
may layuning magsagawa ng rehabilitasyon ng 1.4 milyong ektarya
ng kagubatan sa buong bansa.
_________ 9. Ang mga mayayaman at mga negosyante ang labis na nakararanas
ng epekto ng deforestation.
_________ 10. Ang mataas na demand sa mga uling sa pagluluto at kahoy sa
paggawa ng produkto ay nagiging dahilan ng pagputol ng mga puno
sa kagubatan.
_________ 11. Nararanasan na sa Pilipinas ang epekto ng climate change.
_________ 12. Naitatag ang Magsaysay Reforestation Project sa Arayat, Ilocos at
Zambales noong 1997.
_________ 13. Napakahalaga ng mga likas na yaman sa ekonomiya ng isang bansa.
_________ 14. Ang patuloy na pag-init ng mundo o ay isa sa sinasabing dahilan ng
climate change.
_________ 15. Naisabatas ang Republic Act 7856, na ang pangunahing layunin ay
mapangalagaan ang mga protected areas.
16
Isaisip
Punan Ang Patlang
Panuto: Isulat sa patlang ang wastong salitang bubuo sa pangungusap. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang _________________ ay anomang bagay na nagmumula sa kalikasan katulad
ng kagubatan, kabundukan, lupa at mga anyong tubig.
2. Mula sa kapatagan lumipat ng tirahan sa kabundukan ang pamilya ni Mang
Pedro. Ang ginawang paglipat na ito ay tinatawag na _________________.
3. Nagpuputol ng puno sa kagubatan ang grupo ni Mang Jose upang ibenta at
gawing uling at panggatong. Ang ganitong gawain ay tinatawag na
_________________.
4. Kakaunti na lamang ang nahuhuling isda ng mga mangingisda sa mga dagat.
Ang isa sa mga dahilan nito ay ang _________________.
5. Si Salome ay 15 limang taong gulang at nakabilang sa utos ng pamahalaang
magtanim ng 12 seedling bawat taon sa loob ng limang taon. Ang kautusang ito
ay ang _________________.
6. Ang bagyong Yolanda ay isa sa pinakamalakas na bagyong naranasan sa bansa.
Ang mga ganitong pangyayari ay isa lamang sa mga epekto ng _________________.
7. Si Raul ay isang magsasaka na sa kasamaang palad ay hindi makapagtanim ng
palay dahil sa lubhang pagkatuyot at pagbibitak-bitak ng lupang kaniyang
sinasaka. Ang ganitong pangyayari sa kalikasan ay tinatawag na
_________________.
8. Ang pamilya ni Carmelita ay nakikiisa sa isinagawang programang ng
pamahalaan ang pagtatanim ng mga puno. Ito ay ayon sa bisa ng
_________________.
9. Ang patuloy na pag-init ng mundo o ang _________________ ay isa sa sinasabing
dahilan ng climate change dahil sa mataas na antas ng konsentrasyon ng carbon
dioxide na naiipon sa atmosphere.
10. Tuwing gabi itinatapon ni Aling Goreng ang kanilang sa basura sa ilog. Ang
ginawang pagtatapon na ito ay maaaring maging dahilan ng _________________.
El Niño climate change Presidential Decree 1153
likas na yaman water pollution Republic Act 8371
coral bleaching fuel wood harvesting global warming
migration
17
Isagawa
May Paraan
Panuto: Bumuo ng isang islogan na naglalaman ng mga paraan kung paano maiiwasan ang pagkasira ng mga likas na yaman at climate change sa Pilipinas. Gawin ang islogan isang bondpaper at idikit sa iyong sagutang papel.
Narito ang pamantayan sa pagmamarka para sa gagawing islogan:
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Nilalaman Malinaw na nailahad ang mensahe. 5
Pagkamalikhain Napakamasining ng pagkakagawa. 5
Kaangkupan sa paksa May malaking kaugnayan sa paksa ang
ginawang islogan. 5
Kalinisan Malinis na malinis ang pagkakabuo. 5
Kabuuan 20 puntos
Tayahin
Maraming Pagpipilian
Panuto: Tukuyin ang isinasaad sa bawat bilang. Piliin ang wastong sagot mula sa
mga pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaang sagutang papel.
1. Sa bisa ng Republic Act na ito, muling sumigla ang mga gawain para sa
reforestation.
A. Republic Act 117 C. Republic Act 171
B. Republic Act 151 D. Republic Act 115
2. Presidential Decree kung saan ipinag utos sa lahat ng mamamayang 10 gulang
pataas na magtanim ng 12 seedling bawat taon sa loob ng limang taon.
A. Presidential Decree 5311 C. Presidential Decree 1153
B. Presidential Decree 3151 D. Presidential Decree 5113
18
3. Ito ang tawag sa paggamit ng puno bilang panggatong.
A. Mabilis na pagtaas ng populasyon C. Ilegal na pagmimina
B. Fuel wood harvesting D. Illegal Logging
4. Ang sumusunod ay suliraning naidudulot ng walang tigil na pagpuputol ng puno
maliban sa _________.
A. Pagguho ng lupa C. Weathering
B. Pagbaha D. Pagkasira ng tirahan ng hayop
5. Ang sumusunod ay deposito ng mineral na matatagpuan at nakukuha sa
pagmimina maliban sa _________.
A. dyamante C. nikel
B. limestone D. tanso
6. Ang sumusunod ay mga dahilan at epekto ng deforestation sa Pilipinas maliban
sa _________.
A. Migrasyon C. Ilegal na pagmimina
B. Fuel wood harvesting D. Polusyon sa hangin
7. Ito ay tumutukoy sa paglipat ng pook panirahan.
A. Migrasyon C. Caravan
B. bakasyon D. Lakbay-aral
8. Ang sumusunod ay epekto ng climate change sa Pilipinas maliban sa _________.
A. labis na pag-ulan C. tagtuyot
B. pagkasunog ng kagubatan D. pagtaas ng populasyon
9. Isa sa mga dahilan ng climate change ay ang patuloy nap ag init ng daigdig dahil
sa mataas na antas ng konsentrasyon ng _________ na naiipon sa atmosphere.
A. Oxygen C. Carbon Dioxide
B. Hydrogen D. Helium
10. Layunin nito na mapasidhi ang mga programa para sa reforestation ng bansa.
A. Reforestation Administration C. Community Forestry
B. Deforestation Administration D. Forest Sector Project
11. Sa nakalipas na taon unti-unting nasisira ang likas na yaman ng bansa.
Kasabay nito ang mabilis na paglaki ng populasyon ng bansa na
nangangahulugan ng mataas na demand sa mga pangunahing produkto.
A. Ang una at ikalawang pangungusap ay mali.
B. Ang unang pangungusap ay tama at ang ikalawa ay mali.
C. Ang unang pangungusap ay mali at ang ikalawa ay tama.
D. Ang dalawang pangungusap ay tama.
12. Ito ay tumutukoy sa matagalan at permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot
ng gawain ng tao at natural na kalamidad.
A. Ilegal na pagpuputol ng puno C. Deforestation
B. Pagguho D. Reforestation
19
Mga Paraan upang Mapangalagaan ang Likas na Yaman
1.
2.
3.
4.
5.
13. Ilegal na pagpuputol ng puno: pagguho ng lupa, __________________: tagtuyot at
pagkasunog ng kagubatan
A. Ilegal na pagmimina C. Global Warming
B. Climate Change D. Migrasyon
14. Natural na pangyayari na dulot ng pagkaubos o pagkakalbo ng kagubatan.
A. Climate Change C. Polusyon
B. Pag-init ng panahon D. El Niño
15. Ang illegal logging ay ipinagbawal sa bisa ng anong Executive Order?
A. Executive Order 772 C. Executive Order 772
B. Executive Order 277 D. Executive Order 277
Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo sinukuan ang
ikatlong paksa sa ating aralin. At handa ka ng harapin ang susunod na paksa sa
ating modyul. Kung iyong nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa
karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa sa aralin. Muli ang
aking pagbati!
Karagdagang Gawain
Mga Paraan, Ilista Mo
Panuto: Magtala ng limang paraan kung paano mo mapangangalagaan ang mga likas
na yaman ng bansa upang maiwasan ang pagkasira nito, climate change at coral
bleaching. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
20
SUBUKIN
A.C
B.A
C.D
D.B
E.A
F.B
G.D
H.D
I.C
J.A
K.C
L.D
M.B
N.A
O.C
TUKLASIN
A.pagkakalbo ng
kagubatan at
pagbaha o
malakas na bagyo
B.ginagawang
panggatong ang
mga puno,
deforestation,
climate change
C.magtanim ng mga
puno at
pangalagaan ang
kalikasan
BALIKAN
A.magtapon ng basura
sa tamang tapunan
B.waste segregation
C.mag-recylce ng mga
bagay o basura na
maaari pang gamitin
D.pagkikibahagi sa mga
programang
ipinatutupad ng
barangay ukol sa solid
waste management
TSEK O EKIS
1.
2.X
3.X
4.
5.X
6.
7.
8.X
9.
10.X
TUKUYIN MO
1.Climate Change
2.Migration
3.Deforestation
4.Illegal Logging
5.Likas na Yaman
6.Biodegradable
7.Coral Bleaching
8.Fuel Wood
Harvesting
9.Non-
Biodegradable
10.Kaingin
PAGSUNOD
-SUNURIN
1.3
2.6
3.8
4.1
5.10
6.4
7.7
8.9
9.2
10.5
KARAGDAGANG
GAWAIN
Nasa restriksyon
ng guro ang
pagwawasto
PAGPUNO SA TSART
1.Pagkasira ng likas na yaman
Dahilan: illegal logging, fuel
wood harvesting, forest fire
at illegal na pagmimina
Epekto: Landslide, pagbaha,
global warming, El Niño,
La Niña
2.Climate Change Dahilan: illegal logging, illegal
na pagmimina
Epekto: El Niño, La Niña,
landslide, malakas na
bagyo at tagtuyot
3.Coral Bleaching Dahilan: pag-init ng tubig sa
karagatan, paggamitng
dinamita sa pangingisda
Epekto: kakaunti ang
nahuhuling isda,
pagkawala ng ilang mga
species
TAMA O MALI 1.TAMA 2.MALI 3.TAMA 4.TAMA 5.MALI 6.MALI 7.TAMA 8.MALI
9.MALI 10.TAMA 11.TAMA 12.MALI 13.TAMA 14.TAMA 15.MALI
ISAISIP
1.likas na yaman
2.migration
3.fuel wood
harvesting
4.coral bleaching
5.Presidential
Decree 1153
6.Climate change
7.El Niño
8.Proclamation
No. 643
9.global warming
10.water pollution
TAYAHIN
1. D 6. D 11. D
2. C 7. A 12. C
3. B 8. D 13. B
4. C 9. C 14. A
5. A 10. A 15. B
BATAS AY
TUKUYIN
1. E
2. A
3. B
4. D
5. C
6. G
7. J
8. F
9. I
10. H
Susi sa Pagwawasto
21
Sanggunian 2020. Climate.Gov.Ph. https://climate.gov.ph/files/NFSCC.pdf.
2020. https://psa.gov.ph/sites/default/files/NSCBTechPaper_GreenGDP.
K To 12 Kagamitang Pang-Mag-Aaral Sa Araling Panlipunan 10: Mga Kontemporaryong Isyu At Hamong Panlipunan Teacher's Guide. 2017. 1st ed. Pasig City: Department of Education.
Most Essential Learning Competencies (Melcs). 2020. Ebook. Pasig: Department of
Education. https://lrmds.deped.gov.ph/download/18275.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: [email protected] * [email protected]