Aralin 1: Gateway DrugsBilang ng Araw: 1Batayang Kasanayan:
1. Naipaliliwanang ang konsepto ng gateway drugs (Caffeine, Tobacco, at Alcohol).
2. Napahahalagahan ang kaalamang natutuhan tungkol sa konsepto ng gateway drugs.
3. Naibabahagi ang kaalaman tungkol sa gateway drugs.
Kaalaman para sa Guro: Ang gamot o drugs ay nakapagpapabago ng prosesong kemikal sa loob ng ating
katawan. Nakaapekto din ito sa ating mga synapse. Ang ilang mga gamot ay nkapagpapabilis ng synapse tulad ng caffeine, mayroon din naman na nakpagpapabagal tulad ng marijuana at alcohol.
Gateway Drugs- ay anumang gamot (caffeine, tobacco at alcohol) na ang paggamit ay nagiging daan sa pagkagumon o paggamit ng ipinagbabawal gamot (cocaine o heroin). http://www.merriam-webster.com/dictionary/gateway%20drug
Ang gateway drugs ay itinuturing din recreational drugs at legal ito sa kahit anumang bansa mundo.http://www.slideshare.net/sbishop2/b13-use-and-abuse-of-drugs
Pamamaraan:A. Pag- usapan Natin
Suriin ang mga produktong makikita sa larawan. Piliin ang mga produktong may sangkap na caffeine, tobacco at alcohol. Pangkatin ang mga ito ayon sa sangkap na taglay nito.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:a. Anu- ano ang mga produktong may sangkap na caffeine? Tobacco?
Alcohol?b. Ano ang pagkakaiba ng mga inumin o pagkaing may sangkap na caffeine
sa iba pang pagkain?c. Anu- ano ang mga produktong may tobacco o nicotine?d. Mayroon bang miyembro ng inyong pamilya na gumagamit ng mga
produktong ito?e. Anu- ano naman ang mga produktong may sangkap na alcohol?f. Mayroon bang miyembro ng inyong pamilya ang komukunsumo ng mga
produktong may sangkap na alcohol?g. Makabubuti ba ang pagkain o pag- inom ng mga pagkaing may sangkap na
alcohol o caffeine?
Caffeine Tobacco Alcohol
B. Pag- aralan Natin
1. Basahin ang dayalogo sa Mahalaga ang mga ‘To at sagutin ang mga kasunod na tanong na matatagpuan sa LM pahina ____.
2. Pangkatin ang mga mag- aaral sa tatlo. Pag-usapan ang dahilan ng pagkahikayat ng mga tao sa gateway drugs.
Pangkat 1 DahilanCaffeine
Pangkat 2 DahilanTobacco
Pangkat 3 DahilanAlcohol
C. Pagsikapan Natin
1. Ipasagot ang Gawain sa “Matuto Tayo”.
2. Hikayatin ang bawat grupo na gumawa ng dula- dulaan hinggil sa pagkagumon sa mga pagkain at inumin na may caffeine at alcohol, gayundin sa tobacco.
D. Pagyamanin Natin
Ipasagot sa mga mag- aaral ang “ Kaya Mo Ito” sa LM.
Mga Sagot:
Caffeine Tobacco
E. Pagninilay PangkalusuganBigyan ng oras ang mga mag- aaral na isulat sa notebook ang kanilang saloobin sa tanong na “ Sang-ayon ka ba na legal ang pagbibili ng mga gateway drugs sa mga tindahan at supermarkets? Bakit?”
Alcohol