dula

3
Maria Rafaela Pelagio Grade VI-STAR Madugong digmaan sa Maktan Narrator: Umaga, Abril 26, 1521, isang malaking barko kasama ang maliliit na Bangka ang dumaong sa pulo ng Mactan. Lulan ng barko ang noon ay magkaibigan ng Kapitan Magellan ng mga Kastila at Rajah Humabon, ang pinuno ng Cebu. Raha Humabon: Mga kapwa ko kayumanggi, kasama ko ang kapitan ng mga Kastila upang ating kilalanin ang kapangyarihan ng Espanya at ang Kristiyanismo. Magellan: Ako ay kaibigan ni Raha Humabon at kayong mga katutubo ay dapat sumunod sa Hari ng Espanya, magbayad ng buwis at yakapin ang Kristiyanismo. Katutubo 1: Hindi naming maintindihan ang inyong nais na mangyari. Katutubo 2: Hindi kami makakapayag, makakarating ito sa aming pinuno Magellan: Sige magpunta kayo sa inyong pinuno at sabihin sa kanya ang aking pakay. Kung kayo ay hindi susunod, kayo ay mamatay. Narrator: Umalis ang mga katutubo at nagpunta sa kanilang pinuno na si LapuLapu Katutubo 2: Mahal na datu Lapu-Lapu, kailangan daw po nating sumunod sa utos ng hari ng Espanya ayun sa kanilang kapitan. Lapu-Lapu: Tayo ay nasa ating bansa, walang sinuman ang maaring manakot at manakop sa atin. Katutubo 3: Kung hindi daw ay matitikman natin ang kamatayan. Lapu-lapu: Hindi ko kailanman kikilalanin ang kapangyarihan ng mga Kastila. Pumunta ka sa Kapitan ng mga kastila at sabihin ang

Upload: mika-pelagio

Post on 05-Sep-2015

303 views

Category:

Documents


2 download

DESCRIPTION

jgjhkigyhklmkljuig

TRANSCRIPT

Maria Rafaela Pelagio Grade VI-STARMadugong digmaan sa Maktan

Narrator: Umaga, Abril 26, 1521, isang malaking barko kasama ang maliliit na Bangka ang dumaong sa pulo ng Mactan. Lulan ng barko ang noon ay magkaibigan ng Kapitan Magellan ng mga Kastila at Rajah Humabon, ang pinuno ng Cebu.Raha Humabon: Mga kapwa ko kayumanggi, kasama ko ang kapitan ng mga Kastila upang ating kilalanin ang kapangyarihan ng Espanya at ang Kristiyanismo.Magellan: Ako ay kaibigan ni Raha Humabon at kayong mga katutubo ay dapat sumunod sa Hari ng Espanya, magbayad ng buwis at yakapin ang Kristiyanismo.Katutubo 1: Hindi naming maintindihan ang inyong nais na mangyari.Katutubo 2: Hindi kami makakapayag, makakarating ito sa aming pinunoMagellan: Sige magpunta kayo sa inyong pinuno at sabihin sa kanya ang aking pakay. Kung kayo ay hindi susunod, kayo ay mamatay.Narrator: Umalis ang mga katutubo at nagpunta sa kanilang pinuno na si LapuLapuKatutubo 2: Mahal na datu Lapu-Lapu, kailangan daw po nating sumunod sa utos ng hari ng Espanya ayun sa kanilang kapitan.Lapu-Lapu: Tayo ay nasa ating bansa, walang sinuman ang maaring manakot at manakop sa atin.Katutubo 3: Kung hindi daw ay matitikman natin ang kamatayan.Lapu-lapu: Hindi ko kailanman kikilalanin ang kapangyarihan ng mga Kastila. Pumunta ka sa Kapitan ng mga kastila at sabihin ang aking desisyonKatutubo 3: Kapitan Magellan, hindi po kami makakasunod sa inyong mga kagustuhan kahit kailanman ayun sa aming pinunong Lapu-lapuNarrator: Ito ay ikinapuyos ng galit ni Magellan.Magellan: Kung gayon ay matitikman ninyo ang kamatayan. Narrator: Hatinggabi ng Abril 26, 1521, 60 sandatahang Kastila sa pamumuno ni Magellan, kasama ang 1,000 kapanalig na mga Cebuano sa pangunguna ni Raha Humabon, ang sumalakay sa isla ng Maktan. At naganap ang madugong digmaan sa Maktan. Ang mga sandatang pumuputok ng mga Kastila ay hindi natinag sa mga nagtatanggol na mga kayumanggi. Dito nakita ang mabangis na galit ni Lapu-Lapu para madepensehan ang lugar na kanyang nasasakupan laban sa mapanakop na Kastila. Nagpatuloy ang paghahamok ng espada ng mga Kastila kontra sa matalim na tabak ng mga Pilipino. Tumagal ang kanilang paglalaban sa loob ng mahigit sa isang oras. Namatay man ang maraming kawal sa magkabilang panig, hindi pa rin natinag si Lapu-Lapu kaya dito ay natamaan niya si Magellan sa bisig sa pamamagitan ng sibat.Subalit hindi rin natinag ang pinuno ng mga Kastila. Bagama't sugatan ay nanatiling nakatayo at ipinagpatuloy ang pakikipaglaban. Nagpalitan ng taga ang magkalabang panig at dito na natamaan si Magellan sa kaliwang hita ng matalim na tabak ni Lapu-Lapu na naging dahilan ng pagkamatay nito.Matapos ang madugong labanan, lumapit si Raha Humabon kay Lapu-Lapu.Raha Humabon: Maari bang kunin na lamang nila ang bangkay ni Magellan kapalit ng salapi ng mga Kastila.Lapu-lapu: Kapwa tawad tayo kaibigan, ang bangkay ni Magellan ay simbolo ng tagumpay ng lahing kayumanggi, hindi kita mapapaunlakan.At ito ang kauna-unahang labanan sa kasaysayan ng Pilipinas at si Lapu-lapu ang kauna-unahang bayani ng ating bansa.