eal of artnership filipino - znnhs

16
1 Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 4 Pagsusuri ng mga Pangunahing Kaisipan at Pagbibigay Kahulugan sa Matatalinghagang Salita 8 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Zest for Progress Zeal of Partnership Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Upload: others

Post on 16-Oct-2021

25 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: eal of artnership Filipino - ZNNHS

1

Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 4

Pagsusuri ng mga Pangunahing Kaisipan at

Pagbibigay Kahulugan sa Matatalinghagang

Salita

8

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Zest for Progress

Zeal of Partnership

Name of Learner: ___________________________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

Page 2: eal of artnership Filipino - ZNNHS

2

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Zenaida P. Bugas

Editor:

Tagasuri: Elsie V. Malagum, Mary Jill A. Atetio, Thelma P. Opada

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:

Tagalapat:

Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD

CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE

EPS – LRMDS

Josephine L. Tomboc, EdD

EPS – Filipino

Page 3: eal of artnership Filipino - ZNNHS

3

Alamin

Sa modyul na ito, matututunan mo ang pagsusuri ng mga ngunahing kaisipan

at pagbibigay- kahulugan sa matatalinghagang salita (ekspresyon; tayutay at

simbolo).

May mga Gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong

kaalaman tungkol dito.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Makapagsusuri ng mga pangunahing kaisipan ng mga kabanatang binasa

(F8PB-IVc-d-34)

• Makapagbibigay-kahulugan sa mga matalinghagang salita sa binasang

kabanata.( ekspresyon ; tayutay at simbolo)

(F8PT-IVc-d-34)

PAALALA: HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. MAGHANDA NG SARILING

SAGUTANG PAPEL.

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ng mga mag-

aaral ang pag-unawa sa isang dakilang

akdang pampanitikan na mapagkukunan ng

mahahalagang kaisipang magagamit sa

paglutas ng ilang suliranin sa lipunang

Pilipino sa kasalukuyan.

Ang mag-aaral ay nakabubuo ng

makabuluhang radio broadcast na

naghahambing sa lipunang Pilipino sa

panahon ni Balagtas at sa

kasalukuyan.

Page 4: eal of artnership Filipino - ZNNHS

4

Balikan

Sa pagsisimula ng ating aralin, sagutin mo muna ang mga tanong batay sa

iyong dating kaalaman.

Panimulang Pagtataya

Panuto: Unawaing mabuti ang bawat aytem sa ibaba. Piliin at isulat ang titik ng

tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ang pinakamahalagang kaisipan na tumutukoy sa diwa o mensahing Napapaloob sa buong talata/teksto.

A. paksa C. pansuportang detalye B. pangunahing kaisipan D. Pamagat

Para sa aytem 2-3

2. Ano ang pangunahing kaisipan ng saknong?

A. Matamis na suyuan C. Wagas ang pag-ibig ni Florante

B. Walang kamatayang pag-ibig D. Pag-iibigan nina Florante at Laura.

Aralin

1

Pagsusuri ng mga

pangunahing kaisipan at

Pagbibigay kahulugan sa

Matatalinghagang Salita

Lumipas ang araw na lubhang matamis

At walang matira kundi ang pag-ibig, Tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib

Hanggang sa libingan bangkay ko'y maidlip.

Halaw sa: Saknong na sinipi mula sa kabanata 1

Page 5: eal of artnership Filipino - ZNNHS

5

3. Ang mga salitang nakadiin sa loob ng saknong sa itaas ay isang tayutay na

ang kahulugan nito ay?

A. libingan ng bangkay C. mahimbing na pagtulog

B. nahimlay nang lubusan D. pamamahinga

Para sa aytem 4-6

Kung sa biglang tingi'y bubot at masaklap,

Palibhasa'y hilaw at mura ang balat; Nguni't kung namnamin ang sa lamang lasap,

Masasarapan din ang babasang pantas.

Halaw sa:

Saknong na sinipi mula sa kabanata 2

4. Ano ang pangunahing kaisipan ng saknong?

A. Pagpapaalala sa mambabasa C. Pagpapahalaga sa nilalaman

B. Mga tagubilin sa pagbasa D. Pagsunod sa mga tagubilin

5. Ang nakadiing salita sa saknong ay nangangahulugang ….

A. Hindi gaanong mahal ang halaga C. Hindi Kagandahan ang balat

B. Matigas ang balat D. Mababaw ang anyo

6. Ano ang ibig sabihin ng nakasalungguhit na salita sa huling taludtod?

A. Walang hilig magbasa C. Manunula

B. Mahilig magbabasa D. Mangangatha

Para sa aytem 7-9

7. Ano pangunahing kaisipan ng saknong?

A. Si Balagtas ay kabigha-bighani

B. Si Balagtas ay matcho at gwapo.

C. Si Balagtas ay nagpakulay ng buhok.

D. Si Balagtas ay kahanga-hanga.

Makinis ang balat at anaki’y burok,

Pilik-mata’t kilay mistulang balantok, Bagong sapong ginto ang kulay ng buhok,

Sangkap ng katawa’y pawang magkaayos.

Halaw sa:

Saknong na sinipi mula sa kabanata 3

Page 6: eal of artnership Filipino - ZNNHS

6

8. Ang salitang nakadiin sa saknong ay isang tayutay na pagtutulad .Ano ang

kahulugan ng mga salitang nakadiin?

A. Hugis arko ang kilay at pilik-mata

B. Maayos ang mga pilik-mata at kilay

C. May pilik-mata at kilay na maganda

D. Matuwid ang kilay at pilik-mata

9. Ang nakasalungguhit na taludtod ay isang tayutay na pagwawangis. Ibigay

ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit.

A. Kulay ginto ang buhok C. Bagong kulay ginto ang buhok

B. Ginawang ginto ang buhok D. Ginaya sag into ang buhok

10. Ito’y salita o isang pahayag na hindi ordinary o pangkaraniwang salita na

ginagamit upang maging kaakit-akit, malikhain at mabisa ang pagpapahayag ng

kaisipan o damdamin.

A. pangunahing kaisipan C. tayutay

B. palaisipan D. sawikain

Page 7: eal of artnership Filipino - ZNNHS

7

Nagsimula ang tagpo sa isang liblib na gubat na halos hindi

nasisinagan ng liwanag ng araw. Dahil sa malalaking Puno ng Higera na may

malalapad na dahong nagpapadilim sa buong kagubatan. May mga baging din

na namimilipit sa sanga ng kahoy na dumadagdag sa kapanglawan ng

nakasusuka at maba-hong amoy ng gubat. Sa buong kagubatan ay nababalot

ng lagim at habag dahil sa mga gumagalang mababangis na hayop. Sa

kalagayang iyon ay mayroong isang lalaking nakagapos kung ihinalintulad ay

parang si Narciso ang tindig at ang mukha naman ay si Adonis

Tuklasin Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Pagkatapos, Sagutin ang gawain sa ibaba.

1. Tungkol saan ang teksto?

A. Tungkol sa gubat C. Tungkol sa lalaking nakagapos

B. Tungkol sa mga halaman D. Tungkol sa mga mababangis na hayop

2. Ano ang pangunahing kaisipan ng teksto?

A. Ang gubat na mapanglaw at mapanganib

B. Ang nakataling lalaki sa gubat ay mamatay.

C. Maraming makikitang halaman at hayop sa gubat.

D. Ang gubat ay mapanganib at mahirap puntahan ng mga tao.

3. Ano ang tinutukoy na madilim at masukal sa teksto?

A. gubat C. halamam

B. bundok D. liblib na pook

4. Ang sumusunod ay naglalarawan sa gubat Maliban sa isa.

A. Hindi nasisinagan ng liwanag ng araw.

B. Maaliwalas at may preskong hangin sa paligid.

C. May mga baging na namimilipit sa sanga ng kahoy .

D. Nababalot ng lagim at habag dahil sa mga gumagalang mababangis na hayop.

5. Ang mga salitang nakadiin sa teksto ay isang matalinghagang salita na ang ibig

sabihin ay?

A. mapanganib C. kalupitan

B. kasamaan D. kapahamakan

Page 8: eal of artnership Filipino - ZNNHS

8

Suriin

Handa ka na bang pag-aralan ang ating aralin? Basahing mabuti at unawain

ang mga kaalamang nakakahon.

Kahon -A

Ang naging Gawain sa Tuklasin ay tungkol sa pangunahing kaisipan at

matatalinghagang pahayag/salita.

Ano ba ang itong Pangunahing Kaisipan?

• Ang Pangunahing kaisipan - ay tumutukoy sa diwa o mensahing napapaloob

sa buong talata/teksto. Sinasabi nito kung ano ang ibig sabihin ng kabuuang

larawan ng talata/teksto.

Halimbawa mula sa Gawain natin sa TUKLASIN

Ano ang sinasabi sa teksto?

1. Halos hindi nasisinagan ng liwanag ng araw dahil sa malalaking Puno at

malalapad na dahong nagpapadilim sa buong kagubatan.

2. May mga baging na namimilipit sa sanga ng kahoy na dumadagdag sa

kapanglawan ng nakasusuka at mabahong amoy ng gubat.

3. Nababalot ng lagim at habag ang buong kagubatan dahil sa mga

gumagalang mababangis na hayop.

4. Mayroong isang lalaking nakagapos sa puno

Ano ang pangunahing kaisipan ng teksto?

Ang gubat ay mapanglaw at mapanganib

.

Page 9: eal of artnership Filipino - ZNNHS

9

Kahon-B

Ano ba ang Matatalinghagang Salita?

• Ang matatalinghagang salita /pahayag - ay salitang /pahayag na may

malalim,nakatago o hindi tiyak na kahulugan. Ang kahulugan ng mga salita

ay hindi literal. Ang ilan sa mga ito ay:

1. Tayutay – Ito’y salita o isang pahayag na hindi ordinaryo o pangkaraniwang

salita ang ginagamit upang maging kaakit-akit, malikhain at

mabisa ang pagpapahayag ng kaisipan o damdamin.

Halimbawa:

Tanang mga baging na namimilipit sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik –

(nangangahulugang puno ng pasakit)

2. Ekspresyon - Ito’y berbal o di-berbal na pagpapahayag ng kilos o reaksyon.

Halimbawa: (nandidiri)

nakasusulasok ang amoy ng halaman sa gubat.

3. Simbolo

• ito’y salitang nagsasagisag ng isang ordinaryong bagay, pangyayari, tao o

hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan.

• Nagpapahiwatig ng isang ideya, larawan, paniniwala, aksyon o kaya naman

ng isang bagay.

• Kinukuha ng mga simbolo ang anyo nga mga larawan, at ginagamit upang

magpahiwatig ng mga kaisipan at paniniwala.

Halimbawa at kahulugan nito:

Adonis – matipuno, magandang lalaki

Tigre- kabagsikan

Leon- katapangan

Tinik – mga pasakit

Luha- kalungkutan

Hayop-kalupitan

Page 10: eal of artnership Filipino - ZNNHS

10

Pagyamanin

Panuto: Basahin at unawain ang buod ng kabanata 1-2 ng Florante at Laura na

makikita sa susunod na pahina. Pagkatapos sagutin ang mga Gawain sa

ibaba.

Kabanata 1- Kay Selya

Kapag naaalaala ng makata ang nakaraan, iisang babae ang binabalikan

niya sa gunita, si Celia lamang. Matamis ang kanilang pag-iibigan at masaya

sila habang namamasyal sa Ilog Beata at Hilom. Ngunit ngayo’y di mapigilan ng

makata ang pagluha kapag naiisip na baka naagaw na ng iba ang pag-ibig ni

Celia. Dahil sa kalungkutan, natutong magsulat ng tula ang makata.

Inihahandog niya ang tulang ito kay Celia, na ang sagisag ay M.A.R

.

1. Ibigay ang pangunahing kaisipan ng bawat kabanata. Piliin at isulat ang titik ng

tamang sagot sa sagutang papel.

A. Pagdurusa ni Florante

B. Kabiguan ng pag-ibig ni Florante

C. Paghihirap ni Florante sa bilangguan

D. Matapat ang pag-ibig ni Florante kay Selya

Kabanata 2 - Sa Babasa Nito

Nagpapasalamat ang makata sa mga babasa ng kanyang awit. Ang

kanyang akda ay parang bubot na prutas sa unang tingin ngunit masarap

kapag ninamnam. Hinihiling ng makata na huwag babaguhin ang kanyang

berso at pakasuriin muna ito bago pintasan. Kung may bahaging di

malinawan, iminumungkahi niyang tumingin lamang ang mambabasa sa

ibaba ng pahina at may paliwanag doon. Ipinakiusap din niya na huwag

babaguhina ng mga salita sapagkat sa halip na mapabuti ay baka sumama

pa ang akda.

2. Ibigay ang pangunahing kaisipan ng bawat kabanata. Piliin at isulat ang titik ng

tamang sagot sa sagutang papel.

A. Mapagbigay si Florante

B. Ang kahilingan ni Florante

C. Ang habilin ni Florante para sa mambabasa

D. Pagpapahalaga ni Florante sa kanyang obra maestra

Page 11: eal of artnership Filipino - ZNNHS

11

Para sa bilang 3-5

Panuto: Ibigay ng angkop na kahulugan ng mga matatalinghagang salita na

nakasalungguhit sa loob ng loob ng taludtod. Piliin at isulat ang titik

ng tamang sagot sa sagutang papel.

3. pawing kulay-luksa at nakikiayon sa nakaliliyong masangsang na amoy

A. maitim C. malabo B. madilim D. matingkad

4. Tanang mga baging na namimilipit sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik

A. sakit C. hinagpis B. pasakit D. Hirap

5. Tanang mga baging na namimilipit sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik,

A. lumusot C. gumapang B. lumikos D. bumaluktot

Mahusay! Binabati kita dahil naitawid mo ng tama ang ating Gawain.

Isaisip

Ngayon upang malaman kung lubusan mong nakuha at naintindihan mo

ang ating aralin. Subukan nating sagutin ang nasa ibaba.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan, isulat ang sagot sa sagutang

Papel.

1. Bakit mahagang masuri ang pangunahing kaisipan o ideya ng isang paksa?

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

2. Paano nakatutulong ang paggamit ng matatalinghagang salita sa pagpapahayag ng kaisipan, damdamin at saloobin?

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

Page 12: eal of artnership Filipino - ZNNHS

12

Tayahin

Panuto: Unawaing mabuti ang mga aytem na nasa susunod na pahina. Piliin at

isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Itoy salita o isang pahayag na hindi ordinaryo o pangkaraniwang salita na ginagamit

upang maging kaakit-akit, malikhain at mabisa ang pagpapahayag ng kaisipan o

damdamin.

A. palaisipan C. sawikain

B. tayutay D. pangunahing kaisipan

2. Ito’y salitang nagsasagisag ng isang ordinaryong bagay, pangyayari, tao o hayop

na may nakakabit na natatanging kahulugan.

A. simbolo C. sawikain

B. tayutay D. ekspresyon

3. Ito’y berbal o di-berbal na pagpapahayag ng kilos o reaksyon.

A. simbolo C. sawikain

B. tayutay D. ekspresyon

Para sa aytem 4- 6 Ibigay ang kahulugan ng salitang nakalimbag ng pahilig sa loob

ng taludtod / pangungusap .

4.

A. nakatago sa puso C. laman ng puso

B. nakatanim sa puso D. tinitibok ng puso

5.

A. Kinakausap ang larawan C. Pinagtatawanan ang larawan

B. Hinahandugan ang larawan D. Sinusuyo ang larawan

6.

A. Nakatakip sa gubat C. Nakapasikip sa gubat

B. Nakapakapal sa gubat D. Nakapadamo sa gubat

May mahahagilap kayang natititik

liban na kay Selyang namugad sa dibdib

Nililigawan ko ang iyong larawan

sa Makatang Ilog na kinalagian;

Ito’y walang bunga’t daho’y malalapad

Na nakadidilim sa loob ng gubat.

Page 13: eal of artnership Filipino - ZNNHS

13

Hyena’t tigreng ganid na nagsisila

Ng Abernong Reyno ni Plutong masungit,

7. Ano ang sinisimbolo ng salitang nakadiin sa taludtod?

A. kahayupan C. kabagsikan

B. kalupitan D. Plutong masungit

Para sa aytem 8- 10

Panuto: Ibigay ang pangunahing kaisipan na napapaloob sa bawat saknong.

8. Karamiha’y sipres at higerang kutad

Na ang lilim niyon ay nakasisindak,

Ito’y walang bunga’t daho’y malalapad

Na nakadidilim sa loob ng gubat.

Saknong 6 ng kananata 3

A. Nakakatakot ang gubat C. Mababangis ang mga hayop ang gubat

B. Nakakalungkot ang gubat D. Maraming puno at halaman sa gubat

9. Nagbabalik mandi't parang hinahanap

dito ang panahong masayang lumipas:

na kung maliligo'y sa tubig aagap,

nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.

Saknong 11 ng kananata 1

A. Paggunita sa masasayang pagsasama

B. Ala-ala ng lumipas na panahon

C. Nakalipas na masasayang panahon

D. Di makalimutang kaligayahan

Page 14: eal of artnership Filipino - ZNNHS

14

Gawain: Malikhaing Pagsulat

Panuto: Sumulat ng tula na may sukat at tugma tungkol sa PAG-IBIG . Gumamit ng mga matatalinghagang salita ( tayutay ,pahiwatig at simbololismo ) .

Rubrik para sa Gawain:

Napakagaling (10) Magaling (8)

Katamtaman (6)

Nangangailangan ng pagsasanay (4)

Napakalalim at makahulugan ang kabuuan ng tula

Malalim at makahulugan ang kabuuan ng tula

Bahagyang may lalim ang kabuuan ng tula

Mababaw at literal ang kabuuan ng tula

Gumamit ng

tayutay Simbolismo

/pahiwatig na nakapagpaisip sa

mga mambabasa.

Piling-pili ang mga salita at pariralang ginamit.

Gumamit ng ilang

tayutay, simbolismo /

pahiwatig na

bahagyang nagpaisip

sa mga mambabasa.

May ilang piling salita

at pariralang ginamit

Gumamit ng 1-2 tayutay, simbolismo /pahiwatig na nakalito sa mga mambabasa. Ang mga salita ay di-gaanong pili.

Wala ni isang pagtatangkang ginawa upang makagamit ng anumang tayutay ,simbolismo/pahiwatig .

Gumamit ng napakahusay at angkop na angkop na sukat at tugma

May mga sukat at tugma ngunit may bahagyang inkonsistensi.

May pagtatangkang gumamit ng sukat at tugma ngunit halos inkonsistent lahat

Walang sukat at tugma

.

Karagdagang Gawain

Page 15: eal of artnership Filipino - ZNNHS

15

Sanggunian

Department of Education. Most essential learning competencies in Filipino. Philippines:

Department of Education, 2020.

Faller, Macky Mac. “Rubric sa pagsulat ng tula.” September 17, 2014.

https://www.slideshare.net/mcwainf/rubric-sa-pagsulat-ng-tula.

Francia, Maricar. “Florante at Laura: Buod ng bawat kabanata.” January 13, 2017.

https://www.slideshare.net/may212015/florante-at-laura-buod.

Susi sa Pagwawasto

Page 16: eal of artnership Filipino - ZNNHS

16

` Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

The Footprints Prayer

Trees by Joyce Kilmer

One night I had a dream. I dreamed that I was

walking along the beach with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets of footprints –

one belong to me and the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I noticed only one set

of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why? Why did you

leave me when I am sad and helpless?”

And the LORD replied “My son, My son, I have

never left you. There was only one (1) set of

footprints in the sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is priest

Against the earth’s sweet flowing breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain; Who

intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.