easter vigil mass rite

67
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG NG PASKO NG MULING PAGKABUHAY

Upload: rev-fr-jessie-somosierra-jr

Post on 21-May-2017

313 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

Page 1: Easter Vigil Mass Rite

ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANGNG PASKO NG MULING PAGKABUHAY

Page 2: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

PagkabuhayDiyosesis ng San Pablo

Parokya ng San Martin de PorresANG PAGBABASBAS AT PAGHAHANDA SA

ILAW

Ang pagtatanod ay di dapat gawin bago lumubog ang araw. Dapat na ihanda ang lugar sa labas ng simbahan kung saan gagawin ang pagpaparikit ng bagong apoy. Ang mga kahoy na paririkitin, ang lalagyan ng kandila ng pasko ng pagkabuhay, ang pansulat sa kandila at ang limang butil ng insensong itutusok dito, ang insensaryo na walang laman, ang lalagyanan ng insenso, ang pang-ipit o pangkuha ng baga at ang pangwisik ng banal na tubig ay dapat na ihanda ng maaga.

Ang mga ilaw ng simbahan ay kailangang patay bago magsimula ang seremonyas.Sa loob ng simbahan kailangang maglagay ng kaukulang mantel at bulalak at kandila na hindi nakasindi sa altar. lto ay ilalagay sa bandang hapon bago lumubog ang araw.

Dapat na ihanda ang lalagyanan ng tubig sa pagbibinyag sa bandang babang harapan ng sanktuaryo kung saan makikita ng tao at di naman makahahadlang sa pagkilos sa sanktuaryo. Kailangang ding ilagay ang lalagyanan ng kandila ng muling pagkabuhay na malapit sa ambo o di kaya'y sa tabi ng tubig pambinyag.

Sa simula ng rito lahat ng tao at ang mga ministro ay nasa labas ng simbahan. Sa itinalagang lugar doon magtitipon ang mga tao.

ANG PAGPAPARANGAL SA BAGONG ILAW:UNANG BAHAGI

Sisindihan ang mga kahoy.

Punong tagapagdiwang:

2

Page 3: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

PagkabuhayAng kapayapaan ni Kristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikiisa ng Diyos Espiritu Santo ay sumainyong lahat.

R. At sumaiyo rin.

Mga kapatid,sa kabanal-banalang gabing ito na pinangyayarihan ng pagtawid ng ating Panginoong Hesukristo mula sa pagkamatay patungo sa pagkabuhayang Sambayanan niya ay nag-aanyaya sa lahat ng mga anak na nasa iba’t-ibang panig ng daigdig upang magtipun-tipon sa pagganap ng magdamagang pagdiriwang.Sa pagganap natin sa ala-ala natin sa Pasko ng Panginoong nagtagumpay sa pakikinig ng Salita at paghahain ng kanyang buhay maaasahan nating tayo'y makakapakinabang sa kanyang pananaig sa kamatayan at pamumuhay sa piling niya at ng Amang Maykapal.

PAGBABASBAS NG SIGA

Punong tagapagdiwang:

Manalangin tayo,

Ama naming makapangyarihan,sa pamamagitan ng iyong Anakkami'y iyong dinulutan ng ningas ng iyong

kaliwanagan.Ang bagong ningas na ito ay iyong gawing banal + at ipagkaloob mong kami'y

3

Page 4: Easter Vigil Mass Rite

A2 0

1 4

Ω

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhaypagningasin nitong aming pagdiriwang upang makasapit kaming may dalisay na kalooban sa walang maliw na kaliwanagan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.

Pagkatapos ilalapit ang kandila ng pasko ng muling pagkabuhay sa pari at ito'y lalagyan ng kaukulang palamuti. Kukunin ng pari ang pangguhit sa tagapaglingkod.

1. (Sa pagguhit sa krus mula sa itaas hanggang ibaba)

Si Kristo ang nagmamahal noon sa bayang hinirang ngayon pa ri’y s’yang patnubay: Si Hesukristo'y nabuhayS’ya’y ating kaliwanagan.

2. (Sa pagguhit sa bisig ng krus mula sa kaliwa hanggang sa kanan)

Si Kristo ang nagmamahal simula pa noong araw,wakas natin s’ya’t hantungan: Si Hesukristo'y nabuhay S 'ya 'y ating kaliwanagan.

3. (Sapagguhit ng alpha sa ulunan ng krus)

Si Kristo ang pinagmulan: Alpha'y sagisag n’yang tunay.S'ya'y ating pinanggalingan: Si Hesukristo'y nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.

4

Page 5: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhay

4. (Sa pagguhit ng omega sa paanan ng krus)

Si Kristo ang s'yang hantungan:Omega'y kanyang larawan,S'ya ang ating patunguhan:Si Hesukristo'y nabuhayS'ya'y ating kaliwanagan.

5. (Sa pagguhit ng unang bilang ng taon, sa itaas na kaliwang sulok ng krus)

Kay Kristo ay nabibilang lahat ng panaho't araw, bawat yugto ng pag-iral: Si Hesukristo'y nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.

6. (Sa pagguhit ng ikalawang bilang ng taon, sa itaas na kanang sulok ng krus)

Kay Kristo ay nabibilang mga taong daan-daan, Hari s'ya ng kasaysayan: Si Hesukristo'y nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.

7. (Sa pagguhit ng ikatlong bilang ng taon, sa ibabang kaliwang sulok ng krus)

Kay Kristo ang karangalan lahat ng kapangyarihan.Panginoong dinarangal: Si Hesukristo'y nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.

5

Page 6: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhay

8. (Sa pagguhit ng ikaapat na bilang ng taon, sa ibabang kanang sulok ng krus)

Kay Kristo ang kapurihanng buong sangkatauhan ngayon at magpakailanman. Si Hesukristo'y nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.

Ngayon ay itutusok ng pari ang limang butil ng insenso sa kandila. Gagawin niya ito ayon sa balangkas ng krus habang ipinahahayag.

1. Sa sugat na lubhang banal ni Hesus sa tagiliran dugo't tubig ay lumitaw. Si Hesukristo'y nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.

2. May sugat sa paang kanansi Hesus na nabayubaysa krus na kinamatayan.Si Hesukisto'y nabuhayS'ya'y ating kaliwanagan

3. Ang kaliwang paa naman ni Hesus din ay nasugatan pako'y naglagos na tunay: Si Hesukristo'y nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.

4. At sa kanan niyang kamaysi Hesus di'y pinakuan

6

14 2 5

3

Page 7: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhaykaya’t may sugat na taglay:Si Hesukristo'y nabuhayS'ya'y ating kaliwanagan.

5. Sa kanyang kaliwang kamay si Hesus ay pinakuan Noong buhay n'ya'y ialay.Si Hesukristo'y nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.

Isisindi ang kandila sa bagong basbas na apoy habang ipinahahayag:

Punong tagapagdiwang:

Mapawi nawang tuluyan ang dilim ng kasalanan

sa puso nati't isipan: Si Hesukristo'y nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.

Ang diyakono o kaya'y pari kapag walang diyakono, tangan ang may sinding kandila ay magpruprusisyon patungo sa loob ng simbahan. Siya ay pangungunahan ng tagapagdala ng insensaryo sa prusisyon.

UNANG ISTASYONPagsapit sa pinto siya ay titigil at itataas ang kandila ng Pasko ng pagkabuhay at aawitin ang sumusunod.

Diyakono:

Tayo nang magbigay-dangal kay Hesus na ating ilaw

sa diwa nati't isipan. Si Hesukristo'y nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.

Sasagot ang lahat:

7

Page 8: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhay

R. Salamat po, Poong banal, sa ilaw na iyong bigay upang kami ay tanglawan. Si Hesukristo'y nabuhay s'ya'y ating kaliwanagan.

Sisindihan ng punong tagapagdiwang ang kanyang kandila mula sa kandila ng pasko ng Pagkabuhay.

IKALAWANG ISTASYONPagsapit sa gitna ng simbahan siya ay titigil at muling aawit.

Diyakono:

Tayo nang magbigay-dangal kay Hesus na ating ilaw

sa diwa nati't isipan. Si Hesukristo'y nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.

Sasagot ang lahat:

R. Salamat po, Poong banal, sa ilaw na iyong bigay, upang kami ay tanglawan. Si Hesukristo'y nabuhay s'ya'y ating kaliwanagan.

Magsisindi ang mga tagapaglingkod ng kandila mula sa kandila ng pasko ng pagkabuhay at ang lahat ng mga tao ay sisindi mula sa kandila ng mga tagapaglingkod.

IKATLONG ISTASYONPagsapit sa paanan ng sanktuaryo bago umakyat sa dambana haharap ang Diyakono sa mga tao at muling aawitin ang parangal tulad ng nauna.

Diyakono:

8

Page 9: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

PagkabuhayTayo nang magbigay-dangal kay Hesus na ating

ilawsa diwa nati't isipan. Si Hesukristo'y nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.

Sasagot ang lahat:

R. Salamat po Poong banal, Sa ilaw na iyong bigay, upang kami ay tanglawan. Si Hesukristo'y nabuhay s'ya'y ating kaliwanagan.

Ang ilaw sa pook ng ambo ay sisindihan. Ang kandilang pasko ng Pagkabuhay ay ilalagay ng diyakono sa patungan na malapit sa ambo.

Ang punong tagapagdiwang ay tutungo sa dakong upuan ibibigay ang kandila niya sa tagapaglingkod at lalagyan ng insenso ang insensaryo tulad ng ginagawa sa loob ng misa.

Ang diyakono ay hihiling na gawaran ng pagpapala ng punong tagapagdiwang bago ipahayag ang exultet. Sasabihin niya:

Diyakono:

Padre, basbasan po ninyo ako.

Punong tagapagdiwang:

Sa iyong puso at sa iyong mga labimanahan nawa ang Panginoonupang marapat mong maipahayagna ngayon ay pasko na ng pagkabuhay,

9

Page 10: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhaysa ngalan ng Ama at ng Anak + at ng Espiritu

Santo.

R. Amen.

Hindi ito gagawin kung hindi diyakono ang gagampan ng pagpapahayag ng exultet.

Iinsensuhan ang kandila at aklat at ipahahayag ng diyakono ang Pagpapahayag ng Pasko ng pagkabuhay.

Kung Obispo ang punong tagapagdiwang hihilingin ng diyakono ang pagbabasbas sa Obispo ng ganito:“Lubhang kagalang-galang na Ama basbasan po ninyo ako.”

ANG PAGPAPAHAYAG NG PASKO NG MULING PAGKABUHAY

1. Magalak ngayo't magdiwang,mga anghel na kinapal,lahat tayo’y mag-awitan:Si Hesukristo'y nabuhayS’ya'y ating kaliwanagan.

2. Tambuli ng kaligtasanmaghudyat ng kagalakan

magsaya ang sanlibutan.Si Hesukristo’y nabuhayS’ya’y ating kaliwanagan.

3. Hinirang ng sambayananbumubuo ng Simbahanmagsaya sa kaningningan.Si Hesukristo’y nabuhay

10

Page 11: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

PagkabuhayS’ya’y ating kaliwanagan.

4. Ang puso nati’t isipanitaas sa kalangitanang Ama’y pasalamatan.Si Hesukristo’y nabuhayS’ya’y ating kaliwanagan.

5. Ngayon nga ang kapistahanng Panginoong namatayukol sa ‘ting kalayaan.Si Hesukristo’y nabuhayS’ya’y ating kaliwanagan.

6. Ngayon nga ang pagdiriwangng muli nating pagsilang

sa tubig ng kaligtasan.Si Hesukristo’y nabuhayS’ya’y ating kaliwanagan.

7. D’yos Ama ng sanlibutan,pag-ibig mo’t katapatanpatawad sa ami’y bigay.Si Hesukristo’y nabuhayS’ya’y ating kaliwanagan.

8. Hain naming itong ilawsagisag ng matagumpayna Anak mong minamahal.Si Hesukristo’y nabuhayS’ya’y ating kaliwanagan.

Matapos ang pag-awit ng exultet papatayin ng mga tao ang kanilang mga kandila at pasisimulan ang pagpapahayag ng mga pagbasa sa ilang pangungusap.

11

Page 12: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhay

Punong tagapagdiwang:

Mga kapatid, ngayong nasimulan na natin ang Magdamagang Pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay, makinig tayong mabuti sa Salita ng Diyos, isaloob natin kung paano niyang ginaganap sa iba't-ibang yugto ng kasaysayan ang pagliligtas niya sa mga hinirang na tao.

Noon ngang sumapit ang itinakda niyang panahon,ang kanyang sariling Anak ang kanyang sinugo upang maging ating Tagapagligtas. Hilingin natin sa Diyos ang kaganapan ng kaligtasan na nangyayari ngayon sa pagdiriwang ng Pasko ng pagtubos sa tanan.

12

Page 13: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhay

ANG PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS:IKALAWANG BAHAGI

Sisimulan ngayon ang mga pagbasa at ang mga tao'y uupo. Pagkatapos ng bawat pagbasa at salmong tugunan magkakaroon ng panalangin na pangungunahan ng punong tagapagdiwang.

1. Manalangin tayo,Ama naming makapangyarihan, sa iyong kagandahang-loob kami’y iyong nilikha at sa iyong pagtatangkilik kami’y iyong pinadakila. Ipagkaloob mong ang aming matatag na kalooban ay manaig sa kasalanang nagbibigay-balakid sa aming pagiging marapat na sa iyong ligaya’y sumapit sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.

2. Manalangin tayo,Ama naming makapangyarihan, pinararami mo sa sanlibutan ang mga anak na sa pangako mo'y sumilang bunga ng paglawak ng saklaw ng iyong paghirang. Sa pagbibinyag, ginagawa mong matupad ang iyong pangakong si Abraham ay maging Ama ng lahat. Ipagkaloob

13

Page 14: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhaymong ang iyong sambayanan ay marapat na makatugon sa iyong panawagan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen

3. Manalangin tayo,Ama naming makapangyarihan, noong unang panahon ay iyo nang idinulot na mabanaag ang himala ng Bagong Tipan sa pagtawid sa dagat bilang tagapahiwatig ng nagaganap sa pagbibinyag na siyang paglaya ng iyong sambayanan sa pagkabihag. Ipagkaloob mong ang lahat ng mga bansa ay makaranas ng muling pagsilang na dulot ng Espiritung tinatanggap ng mga may pananampalataya na Israel ang unang nagpamalas sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.

4. Manalangin tayo,Ama naming makapangyarihan, sa ikadarakila ng iyong ngalan paramihin mo ang mga nakikinabang sa iyong pagpapalang bigay sa mga ninuno namin sa pagsampalataya sa iyong katapatan. Ngayong ang iyong paghirang ay sanlibutan na ang saklaw ang matibay na pinanaligan ng mga ninuno naming banal ay matanto nawa naming nagkaroon na ng malaking katuparan sa pamamagitan ni

14

Page 15: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

PagkabuhayHesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.

5. Manalangin tayo,Ama naming makapangyarihan, ang sanlibutan ay walang ibang inaasahan kundi ikaw na sa pahayag ng iyong mga propeta ay naglalahad ng iyong balak na maganda. Malugod mong pagyamanin ang aming pananalig sapagkat wala kaming makakamit nang hindi mo iniibig para kami’y sa iyo mapalapit sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.

6. Manalangin tayo,Ama naming makapangyarihan, lagi mong pinararami ang iyong tinatawagan sa mga bansa ng sanlibutan. Ipagkaloob mo ang iyong patuloy na pagtangkilik sa iyong mga dinadalisay sa pambinyag na tubig sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.

7. Manalangin tayo,Ama naming makapangyarihan, ang lakas mo ay hindi nababawasan, ang liwanag mo ay nagniningning kailanman. Tunghayan mo ang pagdiriwang ng iyong sambayanan at ganapin

15

Page 16: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhaymo ang iyong pagsagip sa tanan. Nawa’y madama at mamalas ng sanlibutan na ang mga hamak ay idinarangal, ang mga nasa lumang kasalanan ay napagbago na naman at kay Kristo nagkakaugnay-ugnay ang tanan sapagkat siya ang pinagsisimulan ngayon at magpasawalang hanggan.

R. Amen.

Aawitin ang Gloria at ang organo ay patutugtugin.Sisindihan ang lahat ng ilaw ng simbahan, at patutunugin ang lahat ng batingaw.Ang mga kandila ng dambana ay sisindihan ng mga tagapaglingkod. Pagkatapos ng pag-awit darasalin ng pari ang pambungad na panalangin.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Punong tagapagdiwang:

Manalangin tayo, Ama naming makapangyarihan, ang kabanal-banalang gabing ito ay pinagliliwanag mo sa kadakilaan ng pagkabuhay ni Kristo. Antigin mo ang Espiritu ng pagkupkop mo upang sa pagbabago ng aming buong pagkatao kami'y wagas na makapaglingkod sa iyo sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.

16

Page 17: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhay

Ipahahayag ng tagabasa ang sulat ni San Pablo.

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma(6,3-11).

Mga kapatid:Hindi ba ninyo nalalaman na tayong lahat na nabinyagan kay Kristo Hesus ay nabinyagan sa kanyang kamatayan? Samakatwid, tayo’y namatay at nalibing kasama niya sa pamamagitan ng binyag upang kung papaanong binuhay na muli si Kristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo nama’y mabuhay sa isang bagong pamumuhay.Sapagka’t kung nakaisa tayo ni Kristo sa isang kamatayang tulad ng kanyang kamatayan, tiyak na makakaisa niya tayo sa isang muling pagkabuhay tulad ng kanyang pagkabuhay. Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinakong kasama niya upang mamatay ang makasalanang katawan at nang hindi tayo maalipin pa ng kasalanan. Sapagka’t ang namatay na ay pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan. Ngunit tayo’y naniniwalang mabubuhay tayong kasama ni Kristo kung mamatay tayong kasama niya. Alam nating si Kristo na muling binuhay ay hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan. Nang siya’y mamatay, namatay siya nang minsanan para sa kasalanan, at ang buhay niya ngayo’y para sa Diyos. Kaya dapat ninyong ibilang ang inyong sarili na

17

Page 18: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhaypatay na sa kasalanan datapwa’t buhay naman para sa Diyos sa inyong pakikipag-isa kay Kristo Hesus.

V. Ang Salita ng Diyos.R. Salamat sa Diyos.

ANG DAKILANG ALELUYA

Pagkabasa ng sulat ang lahat ay tatayo at maringal na pasisimulan ang pag-awit ng Alleluia. lto ay maaaring pangunahan ng Diyakono o ng kantor. Sisimulan niya ito sa ganitong pananalita:

Diyakono:Lubhang kagalang-galang na Ama, hatid ko po ay balita ng kagalakan. Ang balita nang:

Aleluya, Aleluya, Aleluya.

Ang Aleluya ay uulitin ng Obispo ng nakatayo at hindi nakamitra.

Aleluya, Aleluya, Aleluya.

Pangungunahan ng koro ang mga tao sa pag-awit ng Aleluya.

Kung pari ang punong tagapagdiwang:

Minamahal na sambayanan ng Diyos hatid ko ay balita ng kagalakan:

18

Page 19: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

PagkabuhayAleluya, Aleluya, Aleluya.

Pangungunahan ng koro ang mga tao sa pag-awit ng Aleluya.

Ipahahayag naman ng Kantor ang taludtod. Ang punong tagapagdiwang ay maglalagay ng insenso sa insensaryo. Ang pagpapahayag ng mabuting balita ay gaganapin na may insenso ngunit walang dadalhin na kandila ang mga tagapaglingkod.

SALMONG TUGUNAN

ALELUYAPurihin ang D’yos Ama, alleluia! Alleluia!Siyang maylikha ng Santinakpan, alleluia! Alleluia!Bayan ng D’yos magsaya’t umawit!Purihin si Hesus, alleluia! Alleluia!Siyang nagligtas ng Sangkatauhan, alleluia! Alleluia!Bayan ng D’yos magsaya’t umawit!

Purihin ang Diwang Banal, alleluia! Alleluia!Siya ang gabay ng Sambayanan, alleluia! Alleluia!Bayan ng D’yos magsaya’t umawit!

Pagkatapos ng Ebanghelyo ay ang homiliya at pagkatapos nito ay ang pagdiriwang ng Binyag.

19

Page 20: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhay

ANG PAGDIRIWANG NG BINYAG:IKATLONG BAHAGI

Sisimulan ngayon ang pagdiriwang ng binyag. Ang mga bibinyagan, ang kanilang mga ninong at ninang ay lalapit patungo sa sanktuaryo. Kung sa bautisteryo gaganapin ang binyagan magpruprusisyon ang mga bibinyagan, mga ninong at ninang, ang punong tagapagdiwang at mga tagapaglingkod na pinagungunahan ng akolito na tangan ang cirio pascual habang inaawit ang litanya ng mga banal. Ang punong tagapagdiwang ay tutungo sa harapan at pasisimulan ang pagbibinyag sa ganitong pananalita.

Punong Tagapagdiwang:

Mga kapatid, sa mga pagluhog natin, tulungan natin ang ating mga kapatid ng may pananalig

20

Page 21: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhayupang ang Ama nating makapangyarihan ay siyang tumangkilik sa mga isisilang sa binyag pakundangan sa kanyang pag-ibig

Sisimulan ngayon ang pagtawag sa mga banal upang ipanalangin ang mga bibinyagan at tatayo ang lahat. Ang mga bibinyagan ay isa-isang lalapit sa may harapan ng sanktuwaryo.

LITANYA NG MGA BANAL

Panginoon, kaawaan mo kami.Kristo, kaawaan mo kami.Panginoon, kaawaan mo kami.

Santa Maria Ina ng Diyos, * Ipanalangin mo kami.San Miguel Arkanghel,Lahat kayong mga anghel,**Ipanalangin niyo kami.San Juan Bautista,San Jose,San Pedro at San Pablo,San Andres,San Juan,Santa Maria Magdalena,San Esteban,San Ignacio,San Lorenzo,San Lorenzo Ruiz at mga kasamang martir,San Pedro Calungsod,Santa Perpetua at Santa Felicidad,Santa Agnes,San Gregorio Magno,San Agustin,San Atanasio,San Basilio,

21

Page 22: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

PagkabuhaySan Martin,San Benito,San Antonio Abad,San Carlos Borromeo,San Francisco at Santo Domingo,San Francisco Javier,San Juan Vianney,Santa Catalina,Santa Teresa,San Juan Bosco,San Martin de Porres,San Pablo Unang Ermitanyo,Lahat kayong mga banal sa piling ng maykapal,

Iligtas mo kami sa lahat ng kasamaan,* Panginoong Hesus maawa ka.Iligtas mo kami sa lahat ng kasalanan,Iligtas mo kami sa walang hanggang kamatayan,Alang-alang sa iyong pagiging tao,Alang-alang sa iyong kamatayan at pagkabuhay,Alang-alang sa pagkakaloob mo sa amin ng Banal na Espiritu,

Patnubayan mo at kalingain ang iyong angkan,* Panginoon Hesus dinggin mo kami.Patnubayan mo at bigyan ng bagong buhay ang mga taong bibinyagan,Basbasan mo ang bukal ng tubig kung saan ang mga anak mo ay muling isisilang,

Kristo dinggin mo kami,Kristo pakinggan mo ang aming panalangin,

22

Page 23: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

PagkabuhayPagkatapos ng litaniya darasalin ng punong tagapagdiwang na magkadaop ang kamay ng sumusunod.

Punong tagapagdiwang:

Ama naming makapangyarihan, halina at gawin mong makapiling namin ikaw ngayon angmuling pagsilang ay ipinagdiriwang sa pagbibinyag sa mga bagong kaanib ng iyong sambayanan.

Isugo mo ang Espiritu ng iyong pagkupkop upang ang ginaganap naming mapagkumbabang paglilingkod ay magdulot ng iyong lubusang kaloob sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.

PAGBABASBAS SA TUBIG PAMBINYAG

Ngayo'y babasbasan ng Punong tagapagdiwang ang tubig na gagamitin sa binyag. Ipahahayag niya ang panalangin ng magkadaop ang kamay.

Punong tagapagdiwang:

Ama naming makapangyarihan, bagamat natatago sa aming paningin, ang kapangyarihan mong maggawad ng buhay sa amin ay inilalahad ng mga pananda ng iyong paglagi sa aming piling anupa't ang tubig na iyong nilikha ay naging tagapagpahayag ng iyong pagpapala.

23

Page 24: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhay

Ama namin, noong ang daigdig ay iyong lalangin ang iyong Espiritu ay lumukob na sa tubig bilang simoy ng hangin upang ang kakayanan nitong bumuhay ay maging tagapagdulot ng iyong kabanalan.

Ama namin, ang sansinukob ay iyong panibagong ginawa noong ipahintulot na magkaroon ng malaking baha upang ipahiwatig na ang tubig ay may katangian na tumapos sa kasamaan at magpasimula ng kabutihan.Ama namin, ang mga anak ni Abraham ay pinatawid mo sa karagatan noong sila'y palayain mo sa pagkaalipin sa Ehipto upang ipahiwatig ang mangyayari sa mga bibinyagan bilang mga kaanib sa iyong sambayanan.

Ama namin, niloob mong noong binyagan ni Juan sa ilog Jordan ang Anak mo ay maganap ang paglukob sa kanya ng Espiritu Santo. Niloob mong dumaloy ang dugo at tubig sa sinibat na puso ng Anak mong iniibig. Niloob mong mabuhay muli ang iyong Anak na nag-utos sa mga alagad:"Humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng mga bansa. Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo."Magtaglay nawa itong tubig ng pagpapalang kaloob ng Espiritu Santo na idinudulot ng mahal na Anak mo upang ang mga tao na pawang nilikha ayon sa iyong larawang dakila ngunit nasadlak sa lusak ng kasalanan ay

24

Page 25: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhaymahugasan ngayong sila'y bibinyagan para makabangong taglay ang iyong kalinisan sa muling pagsilang sa tubig at Espiritu Santo bilang mga kaanib ng iyong angkan.

Maaaring ilubog ngayon ng punong tagapagdiwang ang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay nang minsanan o nang maikatlong ulit, habang patuloy niyang inihahayag.

Ama namin, iniluluhog namin sa iyo, manaog nawa sa tubig na ito ang kapangyarihan ng Espiritu Santo sa pamamagitan ni Hesukristo upang mapuspos ng iyong Espiritu itong pambinyag na tubig

Ang kandila ay hahawakan ng Punong tagapagdiwang habang ito'y nakatayo sa tubig.

at sa gayo'y lahat ng nakikiisa sa kamatayan niya sa pamamagitan ng binyag ay muling mabuhay na siya rin ang kasama bilang Tagapamagitan kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.

Iaalis ang kandila habang ang mga tao ay nagbubunyi at umaawit. Matapos ang pagbabasbas isusunod ang pagtatanong ng punong tagapagdiwang sa mga bibinyagan.

PAGTATAKWIL SA KASALANAN

Punong tagapagdiwang:

25

Page 26: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

PagkabuhayMga kapatid naglaan kayo ng panahon upang ihanda ang sarili sa binyag. Ang inyong mga magulang, kaibigan na tumulong sa inyo at lahat ng tanang naririto ay nangangako na tutulungan kayo sa pagtupad sa inyong mga pangako.

Kaya sa harap ng simbahan, ipahayag ninyo ngayon ang inyong pananampalataya.

Punong tagapagdiwang:

ltinatakwil ba ninyo si Satanas, ang lahat ng kanyang gawain at ang kanyang pang-aakit?

R. Opo itinatakwil ko.

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

Punong tagapagdiwang:

Sumasampalataya ba kayo sa Diyos Amang, makapangyarihan sa lahat na may gawa ng langit at lupa?

R. Opo sumasampalataya ako.

Sumasampalataya ba kayo kay Hesukristo iisang Anak ng Diyos Panginoon natin, Ipinanganak ni Santa Mariang Birhen, Ipinako sa Krus namatay inilibing, muling nabuhay at naluluklok sa kanan ng Ama?

26

Page 27: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

PagkabuhayR. Opo sumasampalataya ako.

Sumasampalataya ba kayo sa Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa muling pagkabuhay ng mga namatay at sa buhay na walang hanggan?

R. Opo sumasampalataya ako.

SAKRAMENTO NG BINYAG

Isa-isa ngayong lalapit ang mga bibinyagan sa Punong tagapagdiwang. Gamit ang pangalan ng bibinyagan kanyang tatanungin:

Punong tagapagdiwang:

Minamahal na N. sang-ayon ba sa iyong kalooban na ikaw ay mabinyagan sa pananampalataya ng simbahan na ipinahayag natin kanina?

R. Opo.

Siya ay bubuhusan ng tubig ng punong tagagdiwang habang binabangit:

N. lkaw ay binibinyagan ko, Sa ngalan ng Ama + at ng Anak + at ng Espiritu Santo +.

R. Amen.

PAGSUSUOT NG PUTING DAMIT

27

Page 28: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

PagkabuhayPunong tagapagdiwang:

Ang damit pambinyag ay tanda ng muling pagsilang kay Kristo at ng dakilang karangalan ng mga anak ng Diyos. Nawa'y manatiling wagas at walang bahid dungis ang inyong karangalan hanggang iyong matamo ang buhay na walang hanggan.

R. Amen.

Ilalagay ngayon ng mga ninong at ninang sa kanilang mga inaanak ang damit pambinyag.

PAGBIBIGAY NG NAKASINDING KANDILA

Mula sa kandila ng Pagkabuhay, sisindihan ng ninong at ninang ang kandila para sa kanilang inaanak. Iaabot ng ninong at ninang sa kanilang inaanak ang kandilang nagdiringas.

Punong tagapagdiwang:

Ang ilaw na ito ay tanda ng liwanag ni Kristo na tinanggap sa binyag. Nawa'y mag-alab ito sa iNyong puso't diwa hanggang sa pagbabalik ni Kristong ating Panginoon.

R. Amen.

SAKRAMENTO NG KUMPIL

Isusunod kaagad ang sakramento ng Kumpil.

28

Page 29: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhay

Punong tagapagdiwang:

Mga kapatid ngayong nabinyagan na ang ating mga kapatid sila’y pinagkalooban ng bagong buhay ng Diyos at naging kanyang mga anak.

Idalangin natin ngayon sa Diyos Ama na ipagkaloob niya sa kanila ang Espiritu Santo upang sila’y mapuspos ng kanyang lakas at bunga ng pagpapahid ng banal na langis ay maging higit silang katulad ni Kristo, ang Anak ng Diyos.

Ilulukob ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay sa mga kukumpilan habang kanyang dinarasal:

Punong tagapagdiwang:

O Diyos na makapangyarihan sa lahat, Ama ni Hesukristo na aming Panginoon, sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu Santo, hinango mo sa kasalanan ang mga anak mong ito at binigyan mo sila ng pakikihati sa iyong buhay. Suguin mo sa kanila ngayon ang Espiritu Santo, ang mang-aaliw, upang siyang maging lakas nila at patnubay. Ipagkaloob mo na sila'y mapuspos ng karunungan at pang-unawa, na sila'y maging makatwiran sa pagpapasya at manatiling matibay ang loob sa lahat ng pagkakataon. Puspusin mo sila ng kaalaman at pamimitagan at ng banal na pagkatakot sa harap ng iyong kadakilaan. Hinihiling namin ito sa iyo sa pamamagitan ni

29

Page 30: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

PagkabuhayKristo na aming Panginoon magpasawalang hanggan.

R. Amen.

Isa-isa ngayong lalapit ang mga nabinyagan sa punong tagapagdiwang upang tanggapin ang sakramento ng kumpil habang nakahawak sa magkabilang balikat ng kukumpilan ang mga ninong at ninang. Isasawak ng punong tagapagdiwang ang kanyang daliri sa Krisma.

Punong tagapagdiwang:

N, + Tanggapin mo ang tatak ng kaloob ng Espiritu Santo.

R. Amen.

Sumaiyo ang kapayapaan.R. At sumaiyo rin.

Babalik ang mga kinumpilan sa kanilang mga upuan at sisimulan ang pagsasariwa ng mga pangako ng binyag sa mga dating binyagan.

ANG PAGBABASBAS NG TUBIG KAPAG WALANG BIBINYAGAN

Kung walang bibinyagan tutungo ang pari at mga tagapaglingkod sa pook kung saan inihanda ang tubig na babasbasan.

Punong tagapagdiwang:

Mga kapatid kong minamahal, hilingin natin sa Ama nating makapangyarihan na marapatin

30

Page 31: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhayniyang basbasan itong tubig na iwiwsik ngayon bilang paggunita sa tinanggap nating binyag noon. Pagkalooban nawa niya tayo ng panibagong lakas para sa pamamalaging matapat sa Espiritu Santo na ating tinanggap.

Lahat ay tahimik na mananalangin nang saglit. Ang pari ay magpapatuloy sa pagdarasal nang magkadaop ang mga kamay:

Ama naming makapangyarihan, ipahayag mong ikaw ay kapiling ng iyong sambayanan sa pagdiriwang na ito ng gabi ng pagkabuhay. Ginugunita namin ang iyong paglikha natalaga namang kahanga-hanga at gayundin ang iyong pagtubos sa amin na lalo pang pambihira at walang kahambing. Basbasan mo itong tubig na iyong ginawa upang aming magamit para ang mga tanim ay madilig para makapawi sa uhaw at init, at para maganap namin ang paglilinis. Ito rin ay iyong itinalagang gamitin sa pagbibigay ng iyong kagandahang loob sa tanan. Ginamit mo ito sa pagpapalaya sa kaalipinan ng iyong hinirang na sambayanan. Habang sa disyerto sila'y naglalakbay, tubig ang pumawi sa kanilang pagkauhaw. Tubig din ang ginamit ng iyong mga propeta upang ang sisimulan mong pakikipagtipan sa tao ay maipahayag nila. Sa pamamagitan ng tubig na itinalagang maging banal ng Anak mong mahal noong siya'y lumusong sa ilog-Jordan, pinagbabago mo kaming mga makasalanan. Ito nawang tubig na ngayo'y iwiwisik sa amin upang ang pagbibinyag ay aming gunitain ay magpahiwatig din nawa ng aming pakikigalak

31

Page 32: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhaysa kaligayahan ng aming mga kapatid na tatanggap ng binyag sa Paskong ito ng Pagkabuhay ng iyong Anak na namamagitan kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.

PAGSASARIWA SA PANGAKO SA BINYAG

Sisindihan muli ng mga tao ang kanilang mga kandila.

Punong tagapagdiwang:

Mga kapatid,sa misteryo ng Pasko ng Pagkamatay at Pagkabuhay ni Kristo, tayo'y nalibing kasama niya noong tayo'y binyagan upang kasama rin niya tayo'y makabangon at makapagbagong buhay. Naganap na natin ang ApatnapungAraw na Paghahanda, Kaya't sariwain natin ngayon ang ating pangako sa pagbibinyag. Talikdan natin ang kasamaan at kasalanan.Harapin natin ang matapat na paglilingkod sa Diyos bilang mga maaasahang kaanib ng kanyang banal na Simbahang Katolika. Kung kayo'y makapangangakong tatalikod sa lahat ng hadlang sa katuparan ng panukala ng Diyos upang kayo'y makapamuhay bilang matapat at maaasahang kaanib ng kanyang angkan, pakisagot ninyo itong tatlong katanungan.

Punong tagapagdiwang:

32

Page 33: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhay

Si Satanas ay itinatakwil ba ninyo?

R. Opo itinatakwil namin.

Ang mga gawain ni Satanas ay itinatakwil ba ninyo?

R. Opo itinatakwil namin.

Ang mga pang-akit ni Satanas upang sumuway ang tao sa Diyos ay itinatakwil ba ninyo?

R. Opo itinatakwil namin.

Ngayon nama'y ating harapin ang ating pananampalataya. Kung kayo'y makapangangakong magsisikap mamuhay bilang mga ikinararangal na anak ng Diyos Ama, kung tutularan ninyo siya sa kanyang kabutihan, pagmamahal sa lahat at pagmamalasakit para sa pangkalahatang kapakanan, pakisagot ninyo ang mga katanungang ito:

Sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat at Lumikha ng langit at lupa kayo ba ay sumasampalataya?

R. Opo sumasampalataya kami.

Kung kayo'y makapangangakong magsisikap mamuhay bilang mga tunay na kapatid ng Panginoong Hesus, kung gagawin ninyong

33

Page 34: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhaysimulain sa buhay ang kanyang katwiran, katarungan, at paglilingkod sa lahat alinsunod sa kanyang pagmamahal, pakisagot ninyo ang katanungang ito:

Sa iisang Anak ng Diyos, ang ating Panginoong Hesukristo, na ipinanganak ni Santa Mariang Birhen, ipinako sa krus, namatay, inilibing, muling nabuhay at naluluklok sa kanan ng Ama kayo ba ay sumasampalataya?

R. Opo sumasampalataya kami.

Kung kayo'y makapangangakong susunod sa patnubay ng Espiritu Santo at kung sisikapin ninyong mapaunlad ang kaloob niyang buhay at pagmamahal upang maging mga maipagmamalaking anak ng Diyos Ama at kapatid ng Panginoong Hesus, pakisagot ninyo ang katanungang ito:

Sa Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa muling pagkabuhay ng mga namatay, at sa buhay na walang hanggan kayo ba ay sumasampalataya?

R. Opo sumasampalataya kami.

Bunga ng pagmamahal ng Diyos na makapangyarihang Ama ng ating Panginoong Hesukristo, tayo ay pinatawad sa ating kasalanan noong tayo’y muling isilang sa tubig at Espiritu Santo. Tulungan nawa niya tayong

34

Page 35: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhaymamalaging tapat sa ating Panginoong Hesukristo ngayon at magpasawalang hanggan.

R. Amen.

Iwiwisik ngayon ang tubig sa mga tao habang kinakanta ang awit “Isang pananampalataya isang pagbibinyag” o anumang angkop na awitin. Pagkatapos ng pagwiwisik muling babalik ang punong tagapagdiwang sa upuan at sisimulan ang panalangin ng bayan.

PANALANGIN NG BAYAN

Punong tagapagdiwang:

Taglay ang galak na dulot ng muling pagkabuhay ni Kristo, manalangin tayo sa ating Amang nasa langit. Sa pamamagitan ng binyag, tayo ay kanyang inampon bilang mga tunay niyang minamahal na mga anak, kung kaya buong puso tayong manalangin:

R.Panginoon dinggin ang aming panalangin.

1. Ipinapanalangin namin, Simbahan Mo sa daigdig.Gawin Mong tapat na saksi ng walang hanggan Mong pag-ibig.R.

2. Ipinapanalangin namin, relihiyoso’t kaparian.Na sa kanilang paglilingkod, lagi Ka naming masaksihan. R.

3. Ipinapanalangin namin, naliligaw at nakalimutan.Akayin Mo sila sa liwanag ng kaloob Mong kaligtasan.R.

35

Page 36: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhay

4. Ipinapanalangin namin, nakaluklok sa katungkulan.Bigyan Mo sila ng lakas ipaglaban ang katarungan.R.

5. Ipinapanalangin namin, minamahal naming bayan.Akayin sa paglalakbay, patungo sa kapayapaan.R.

6. Ipinapanalangin namin, ang bawat mahal sa buhay.Ibuklod Mo kami sa pag-ibig, ligaya’t liwanag Mong tunay.R.

7. Ipinapanalangin namin, may sakit at nagdurusa.Nang tunay nilang maranasang lagi nilang kapiling Ka.R.

8. Ipinapanalangin namin, mahal naming yumao na.Dalhin Mo sila sa ‘Yong piling, upang sa wakas masilayan Ka.R.

Punong tagapagdiwang:

Ama, nawa sa pagdiriwang namin ng iyong muling pagkabuhay kami ay bumangon muli at palakasin sa pamamagitan ng iyong Espiritung nananahan sa amin. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon.

R. Amen.

Sisimulan ngayon ang paghahanda sa mga alay. Iminumungkahing ang mga bagong binyagan ang siyang mag-alay ng alak at tinapay at iba pang mga handog.

36

Page 37: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhay

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN:IKAAPAT NA BAHAGI

PAGHAHANDA NG MGA ALAY

Matapos ihanda ang mga iaalay sa altar tutungo ang tagapagdiwang sa gitna nito at hahawakan ang patena na bahagyang nakataas at sasambitin:

Punong tagapagdiwang:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.

37

Page 38: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

PagkabuhaySa iyong kagandahang loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay buhay.

R. Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at magpakailanman.

Ibubuhos ng diyakono ang alak at tubig sa kalis.

Sa paghahalong ito ng alak at tubigkami nawa'y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo na napagindapat makihati sa aming pagkatao.

Hahawakan ng tagapagdiwang ang kalis at sasambitin:

Punong tagapagdiwang:

Kapuri-puri ka,Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong kagandahang loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.

R. Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman.

Yuyuko ang tagapagdiwang habang dinarasal niya ng pabulong:

Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan. Tanggapin mo ang aming

38

Page 39: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhaypagsisisi bilang handog upang kami'y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.

linsensuhan niya ang mga alay at ang altar. Matapos nito iinsensuhan ng diyakono ang tagapagdiwang, ang mga paring nakikipagmisa at ang mga tao. Pagkatapos ay maghuhugas ang tagapagdiwang ng kama'y at pabulong na sasabihin:

O Diyos kong minamahal, kasalanan ko'y hugasan at linisin mong lubusan ang nagawa kong pagsuway.

Matapos ito ay kanyang ipahahayag:

Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.

R.Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niy at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Punong tagapagdiwang:

Ama naming Lumikha, tanggapin mo ang aming mga panalangin na sumasaliw sa aming paghahahin upang sa nagsimulang Pasko ng Pagkabuhay kami'y itaguyod nito sa kagalingang walang katapusan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

39

Page 40: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

PagkabuhayR. Amen.

UNANG PAGBUBUNYI O PREPASYOSA PASKO NG PAGKABUHAY

Ang pagkamatay at pagkabuhay ni Kristo

V. Sumainyo ang Panginoon.R. At sumaiyo rin.

V. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.R. Itinaas na namin sa Panginoon.

V. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

R. Marapat na siya ay pasalamatan.

Ama naming makapangyarihan,tunay ngang marapat na ikaw ay aming

pasalamatanngayong gabing ipinagdiriwang ang paghahain

ng Mesiyas,ang maamong tupa na tumubos sa aming lahat.

Ang iyong Anak na minamahalay naghain ng sarili niyang buhay.Siya ang tupang maamong umako sa kaparusahanupang mapatawad ang kasalanan ng sanlibutan.Sa pagkamatay niya sa banal na krus

40

Page 41: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhayang kamatayan namin ay kanyang nilupig.Sa pagkabuhay niya bilang Manunubospag-asa't pagkabuhay ay aming nakamit.

Kaya kaisa ng mga anghelna nagsisiawit ng papuri sa iyonang walang humpay sa kalangitan,kami'y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

__________________________________________________________

Santo, Santo,SantoPanginoong Diyos ng mga hukbo!Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo!

Osana sa kaitaasan!Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon!

Osana sa kaitaasan!__________________________________________________________

41

Page 42: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhay

UNANG PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT

O PAMANTAYANG PANALANGIN NG ROMA

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

Ama naming maawain,ipinaaabot namin ang pasasalamat sa iyosa pamamagitan ng aming Panginoong

Hesukristo.

Pagdaraupin ng pari ang kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang kanyang dinarasal.

Ipinakikiusap naminsa pamamagitan ng Anak mong ito

na ang mga kaloob namin ay tanggapin at basbasan mo +

sa pagdiriwang namin ng paghahain niya sa iyo.

42

Page 43: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhay

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

Iniaalay namin ito sa iyo,unang-una para sa iyong banalna Simbahang Katolika.Pagkalooban mo ng kapayapaan at pagkupkop,pagkakaisa at pagtataguyod,ang mga kaanib nito sa sansinukob,kaisa ng aming Papa N., na iyong lingkod,kasama ng aming Obispo N.,at lahat ng nananalig at nagpapalaganap sa pananampalatayang katolikona galing sa mga apostol.

Ama namin, iyong alalahaninAng iyong mga anak na ngayo’y aming

idinadalangin:N. at N.

Sila’y saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop na kamay. Pagkatapos, ang pari ay patuloy na magdarasal nang nakalahad ang mga kamay.

Ang aming pananampalatya ay nababatid mogayundin ang pagsisikap naming maging tapat

sa iyo.Ang paghahaing ito ng pagpupuri ay aming

iniaalay para sa kapakanan naminat ng mga mahal namin sa buhay,para sa aming kalusuganat walang hanggang kaligtasansa pagdulog namin sa iyong kadakilaan,

43

Page 44: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

PagkabuhayDiyos na totoo at nabubuhay kailanman.

Kaisa ng buong Simbahan,Ipinagdiriwang namin sa gabing ito ngayonang dakilang kapistahan ng Pagkabuhayng aming Panginoong Hesukristobilang Diyos na totoo na namalagi pa ring

taong totoo.Pinararangalan namin ngayon,unang-una ang Ina ng Diyosat Panginoon naming si Hesukristosi Maria na maluwalhating laging Birhen: +gayundin ang kanyang kabiyak ng pusong si

San Jose,ang iyong pinagpalang mga apostol at martirna sina Pedro, Pablo at Andres,(sina Santiago, Juan,Tomas, Santiago, Felipe,Bartolome, Mateo,Simon at Tadeo;gayundin din sina Lino, Cleto, Clemente, Sixto,Cornelio, Cipriano,Lorenzo, Crisogono,Juan at Pablo,Cosme at Damian)at lahat ng iyong mga banal.Pakundangan sa kanilang ginawang mga

kabutihanat walang sawang pagdalanginpara sa aming kapakanan,kami ay lagi mong kalingain at ipagsanggalang.

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Ama namin, iyong tanggapin

44

Page 45: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhayang handog na ito ng iyong buong angkanpara sa mga minarapat mong muling isilangsa tubig at sa Espiritu Santosa ikapagpapatawad ng lahat nilang mga

kasalanan.Loobin mong kami’y makapamuhayaraw-araw sa iyong kapayapaan.Huwag mong ipahintulot na kami ay mawalaysa iyo kailanmanIbilang mo kami sa iyong mga hinirang.

Lulukuban ng mga kamay ng pari ang mgaalay habang siya’y nagdarasal.

Ama namin,basbasan moang mga handog naming ito.Marapatin mong sambahin ka naminsa Espiritu at katotohanan,kaya para sa aminito ay gawin mong maging Katawan at Dugong pinakamamahal mong Anak,ang aming Panginoong Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Noong bisperas ng kanyang pagpapakasakit,

Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapaysa kanyang banal at kagalang-galang na mga

kamay.

Ang pari ay titingala.

45

Page 46: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhay

Tumingala siya sa langit,sa iyo, Diyos Ama niyang makapangyarihan,at nagpasalamat siya sa iyo.Pinaghati-hati niya ang tinapay,iniabotsa kanyang mga alagad at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang pari:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:ITO ANG AKING KATAWANNA IHAHANDOG PARA SA INYO.

Ipapamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.

Ang pari ay magpapatuloy.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,

Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis na ito ng pagpapalasa kanyang banal at kagalang-galang na mga

kamay,muli ka niyang pinasalamatan,iniabot niya ang kalissa kanyang mga alagad at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang pari:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:

46

Page 47: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

PagkabuhayITO ANG KALIS NG AKING DUGO NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,ANG AKING DUGO NA IBUBUHOSPARA SA INYO AT PARA SA LAHAT SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA

KASALANAN.GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALAALA SA AKIN.

Ipapamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.__________________________________________________________

Si Kristo’y namatay!Si Kristo’y nabuhay!Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

__________________________________________________________

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

Ama, kaming mga lingkod mo at bumubuo sa iyong

bayang banalay nagdiriwang sa alaala ni Kristona iyong Anak at aming Panginoon.Ginugunita naminang kanyang dakilang pagpapakasakitang pagbangon niya mula sa kamatayan,at ang matagumpay na pag-akyat niya sa

kalangitan.

47

Page 48: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

PagkabuhayKaya mula sa mga biyayang sa iyo rin

nanggaling inihahandog namin sa iyong kataas-taasang

kamahalanang paghahaing ito na katangi-tangi at dalisay:ang pagkaing nagbibigay-buhay kailanmanat ang inuming nagbibigay-kagalingang walang

katapusan.

Masdan mo nang buong kasiyahan ang aming mga alay na ito.

Ganapin mo sa mga ito ang ginawa mosa mga handog ni Abel, ang lingkod na matapat

sa iyo,sa paghahain ni Abraham, na ama namin sapananampalatayang totoo,at sa inihandang tinapay at alak ni Melkisedek,na paring hirang mo. Paunlakan mo ngayong

tanggapin ang banal at dalisay na paghahain.

Yuyuko ang pari at magdarasal siyang magkadaop ang mga kamay.

Makapangyarihang Diyos,hinihiling naming iyong ipaakyat sa banal

mong anghelang mga alay na ito sa dakilang dambanang

nasa iyong harapupang sa pagsasalo sa banal na Katawan at

Dugo ng iyongAnak sa pakikinabang namin ngayon dito sa

banal mong hapag

48

Page 49: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

PagkabuhayTatayo nang tuwid ang pari at magkukrus samantalang nagdarasal.

kami ay mapuspos ng iyong pagpapala at tanang pagbabasbas.

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Ama namin, iyo ring alalahaninang mga anak mong naunang yumao sa aminsa paghimlay sa iyong kapayapaanyamang ang tatak ng pananampalataya ay

kanilang taglayat sila ngayo’y aming ipinagdarasal:N. at N.

Sila’y saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop na mga kamay. Pagkatapos, ang pari ay patuloy na magdarasal nang nakalahad ang mga kamay.

Sila at ang tanang nahihimlay sa kandungan ni Kristo

Ay aming idinadalangin sa iyoUpang iyong pagbigyang makarating Sa pagsasalo, pagliliwanag at pamamahinga sa

iyong piling.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)

49

Page 50: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

PagkabuhayDadagukan ng kanang kamay ng pari ang kanyang dibdib habang siya ay nagsisimulang magdasal.

Kahit kami ay mga makasalanan mong lingkod

Patuloy na magdarasal ang pari nang naklahad ang mga kamay.

kami rin ay nagtitiwala sa iyong nag-uumapaw na pagkamapagbigay sa aming pamumuhay araw-araw.Kaya pagindapatin mo ring kami ay maka-

ugnay at makapilingng iyong mga banal na apostol at martir,kasama nina Juan Bautista, Esteban,Matias, Bernabe, (Ignacio, Alejandro, Marcelino, Pedro, Felicidad, Perpetua,Agata, Lucia, Agnes, Cecilia, Anastacia)at ng lahat ng iyong mga banal.Kami nawa’y makapisan nilahindi dahil sa aming ginagawang kabutihang

kulang na kulangkundi pakundangan sa iyong pagpupuno sa

aming kakulangan

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.

At patuloy siyang magdarasal:

50

Page 51: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

PagkabuhaySa kanyang pamamagitan ang tanang mabubuting kaloob mong ito ay lagi mong pinaiiral, pinababanal, binubuhay, binabasbasan at sa amin ibinibigay.

Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang pinggang may ostiya at ang kalis at kapwa niya itataas habang kanyang ipinapahayag:

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santomagpasawalang hanggan.

Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.

51

Page 52: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhay

ANG PAKIKINABANG

Punong tagapagdiwang:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin ng lakas-loob:

Ama namin, sumasalangit ka.Sambahin ang ngalan mo.Mapasaamin ang kaharian mo.Sundin ang loob modito sa lupa para nang sa langit.Bigyan mo kami ngayonng aming kakanin sa araw-araw.At patawarin mo kami sa aming mga salapara nang pagpapatawad naminsa nagkakasala sa amin.At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Nakalahad ang mga kamay niyang itutuloy:

Hinihiling naming

52

Page 53: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhaykami'y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng

kapahamakan samantalang aming pinananabikan ang dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa ganitong pagbubunyi:

Sapagka’t iyo ang kaharianAt ang kapangyarihan at ang kapurihanmagpakailanman! Amen.

Darasalin niya ng nakalahad ang mga kamay:

Panginoong Hesukristo,sinabi mo sa iyong mga Apostol:"Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa

inyo.”Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag ang aming pagkakasala. Pagkalooban mo kami ng kapayapaanat pagkakaisa ayon sa iyong kalooban

Pagdaraupin ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen

53

Page 54: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

PagkabuhayPaharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa pagpapahayag.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

R. At sumaiyo rin

Ipapahayag ng diyakono o pari.

Kapayapaan ang kaloob sa atin ni Kristong muling nabuhay. Ibahagi natin sa isa't-isa ang biyayang ito ng Panginoon.

Magbibigayan ng kapayapaan ang bawat isa at aawitin ang Kordero ng Diyos.__________________________________________________________

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,

maawa ka sa aminKordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng

sanlibutan,maawa ka sa aminKordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng

sanlibutan,Ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

__________________________________________________________Hahatiin ang tinapay at isasawak ang kaputol sa kalis habang dinarasal:

Sa pagsasawak na itong Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo tanggapin nawa namin sa pakikinabang

54

Page 55: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhayang buhay na walang hanggan.

Magkadaop ang kamay at pabulong na darasalin:

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,

sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,binuhay mo sa iyong pagkamatay ang

sanlibutan. Pakundangan sa iyong banal na Katawan at

Dugo,iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at

lahat ng masama,gawin mo ako'y makasunod lagi sa iyong mga

utos,at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa

iyo kailanman.

Luluhod siya. Ipapamalas sa mga tao ang ostiya sa ibabaw ng pinggan habang sinasambit:

Ito ang Kordero ng Diyos.Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

R. Panginoon,hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo

ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Siya'y makikinabang ng magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristopara sa buhay na walang hanggan.

55

Page 56: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhay

Kukunin ang kalis at makikinabang.

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristopara sa buhay na walang hanggan.

KOMUNYONPANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Ama naming mapagmahal,padaluyin mo, sa amin ang batis ng Espiritu ng iyong pag-ibig upang kaming pinapagsalo mo sa piging ng Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo ay magkaisa sa pananalig sa iyo sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen

PAGHAYO SA PAGWAWAKAS

Punong tagapagdiwang:

Sumainyo ang Panginoon.

R. At sumaiyo rin

Punong tagapagdiwang:

Yumuko kayo at hingin ang pagpapala ng Diyos.

(Tumahimik)

Sa dakilang kapistahang ito ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesukristo kayo nawa’y

56

Page 57: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhaypagpalain ng makapangyarihang Diyos at sa tanang kasalanan ay kanya nawang ipagsanggalang kayong nagdiriwang ngayon at magpasawalang hanggan.

R. Amen

Sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesukristo pinagkalooban kayo ng Diyos ng kagalingan at kaligtasan. Puspusin nawa niya kayo ng kawalang-kamatayan ngayon at magpasawalang hanggan.

R. Amen

Matapos ipagdalamhati ang pagpapakasakit ni Hesukristo ipinagdiriwang ngayon ang maligayang Pasko ng Pagkabuhay ng mga tao. Pasapitin nawa niya kayo sa kagalakan ng kanyang kapistahan sa kalangitan magpasawalang hanggan.

R. Amen

Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama + at Anak at Espiritu Santo.

R. Amen.

Aleluya! Aleluya!Handog na kapayapaanng Panginoong nabuhaytaglayin n’yo sa paglisan!Aleluya! Aleluya!

57

Page 58: Easter Vigil Mass Rite

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko______________________________________________________________ng Muling

Pagkabuhay

Tutugon ang mga tao:

Salamat sa Diyos, Aleluya Aleluya!

58