editor yal
DESCRIPTION
documentTRANSCRIPT
EDITORYAL
-Sana nga’y wala nang plastic bag
SA una lang mahirap, pero kapag tumagal na masasanay din hanggang sa makalimutan na. Ganyan ang mangyayari kapag ibinawal nang tuluyan ang paggamit ng plastic bag sa buong bansa.
Marami nang bayan at siyudad ang nagbabawal sa paggamit ng plastic bag. Napatunayan na ang mga plastic bag at supot ang nagbabara sa mga daanan ng tubig na nagdudulot ng baha. At kung
magkakaroon ng kaganapan ang ipinapanukala ni Cavite Rep. Lani Mercado na ipagbawal sa buong bansa ang paggamit ng plastic bag, maaaring hindi na maranasan ang pagbaha. Mababawasan na ang mga basurang nakalutang sa dagat, ilog, estero at mga kanal. Napakasarap pagmasdan kung walang basurang plastic na nakalutang. Sa pag-aaral, napatunayan na ang mga plastic bag at supot ay hindi natutunaw sa napakahabang panahon. Nananatili ang mga itong matibay lumubog man sa estero o ilog kaya malaki ang perwisyong idinudulot sa kapaligiran.
Walang ibang pinupuntahan ang mga basura kundi ang karagatan. Kapag bumagyo at lumaki ang mga alon, ang mga basurang plastic ay isusuka ng dagat sa dalampasigan. Lahat nang basurang tinapon ng mga walang disiplinang mamamayan ay ibabalik din ng dagat.
Halimbawa na lamang ay ang nangyayari sa kahabaan ng Roxas Blvd. sa tuwing magkakaroon ng bagyo. Isinusuka ng Manila Bay ang maraming basu-rang plastic. Ikinakalat sa Roxas Blvd. ang mga basu-rang plastic na umaabot sa mahigit 20 dump trucks.
Marami nang lungsod sa Metro Manila ang nagbawal ng plastic bag. Nangunguna ang Muntinlupa City sa nagbawal sa paggamit ng plastic. Sumunod ang Las Pinas, Marikina City, San Juan, Quezon City at ang Makati City na kailan lang nagbawal sa paggamit ng plastic. Ang Maynila ay hindi pa nagbabawal sa paggamit ng plastic bag. Maraming estero sa Maynila ang namumutiktik sa basurang plastic.
Kung maipatutupad ang pagbabawal sa paggamit ng plastic sa buong bansa, maaaring wala nang malalaking pagbaha na mangyayari lalo na sa Metro Manila. Kailangan din naman ang pakikiisa ng mamamayan para huwag nang magtapon ng basura kung saan-saan lang. Magkaroon na ng disiplina ang bawat isa para mailigtas ang kapaligiran. Sana nga’y wala nang plastic bag sa hinaharap.
EDITORYAL
- Pakawalan na sana ang nagbibitiw
MAHILIG manermon si President Noynoy Aquino. Style niya, kapag inimbitahan para maging panauhing pandangal at tagapagsalita, doon niya isisingit ang paninermon. At epektibo ang kanyang estilo. Lahat nang sinermunan niyang public official nag-alsa balutan.
Halimbawa, sinermunan niya ang administrator ng National Irrigation Administration na si Antonio Nangel dahil sa mabagal na pagtapos ng mga proyektong
patubig. Itinaon ang sermon sa anibersaryo ng NIA. Walang pangimi si Aquino nang harap-harapang sermunan si Nangel. Makalipas ang ilang araw, nag-resign si Nangel.
Sinermunan din niya si Immigration Commissioner Ricardo David dahil sa pagtakas ng Korean fugitives at mga suspect sa pagpatay kay Doc Gerry Ortega. Paano nakalabas ng bansa ang mga suspect. Nagbitiw si David sa puwesto.
Lahat nang mga nagbitiw ay agad tinanggap ng Presidente. Wala nang tanung-tanong pa. Para sa kanya, hindi kailangan sa Gabinete ang walang naitutulong sa pag-unlad ng bansa. Hindi rin kailangan ang mga taong ayaw tumino.
Pero nakapagtataka rin naman na mayroon siyang pinipigilan na mag-resign. Kahit nag-ooffer nang magbitiw, ayaw pa ring tanggapin ang resignation. Iyon ay sa kabila na walang naitutulong sa pag-unlad ng bansa.
Halimbawa rito ay si Customs Commisssioner Ruffy Biazon. Lantarang sinabi ni Aquino ang mga hindi
magagandang nangyayari sa Customs. Lumalatay ang kanyang pananalita. At sinumang tao na may hiya ay hindi na hihintaying matapos ang pananalita ng Presidente at agad magbibitiw. Sabi ni Aquino sa kanyang SONA noong Lunes ukol sa Customs, “Para namang nakikipagtagisan sa kapalpakan itong Bureau of Customs. Imbes na maningil ng tamang buwis at pigilan ang kontrabando, parang walang pakundangan ang pagpapalusot nila ng kalakal, pati na ng ilegal na droga, armas, at iba pa sa ating teritoryo. Tinataya nga po ng Department of Finance na mahigit 200 billion pesos ang kita na dumudulas lang at hindi napupunta sa kaban ng bayan. Saan po kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang mga kawani sa ahensyang ito?
HEADLINES-Probe body handa na sa ‘pork scam’
HOT issue pa rin ang umano’y pagwaldas ng ilang mam babatas sa kanilang P10 milyong pork barrel na ipinamahagi sa mga pekeng non-government organizations (NGO).
Buti na lang at mayroon nang independent body na magsisiyasat dito. Bumuo na ang Office of the Ombudsman ng probe body na bubusisi sa kontrobersyang nagbigay ng batik sa ating Senado at Mababang Kapulungan. Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio Morales ito ay kabibilangan ng anim na graft investigators na magsasagawa ng parallel investigation katuwang ang National Bureau of Investigation (NBI).
Magugunita na kamakailan lang, ibinunyag ng whistleblower na si Benhur Luy ang ilegal na gawain ni Janet Lim-Napoles na nagtatag daw ng mga imbentong NGOs at pinapondohan ng mga isinasangkot na mambabatas sa pamamagitan ng
kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF).
Kaya umiinit na naman ang debate kung dapat bang tanggalin ang pork barrel na sa loob nang napakara-ming siglo ay sinasabing pinagmumulan ng katiwalian. Balita ko, may ilang mambabatas na pabor dito.
Ayon kay Senator Vicente “Tito” Sotto III, makatutulong pa aniya sa kanya ang paglansag sa “pork” na nagpapasakit lang sa kanyang ulo dahil napakaraming request ang kanyang natatanggap mula sa 1,600 siyudad. Lahat ay humihingi ng pondo para sa kanilang proyekto.
HEADLINES
-Oil factory ipapasara ng Manila city hall
MANILA, Philippines – Iniutos na ng pamahalaang lokal ng Maynila ngayong Miyerkules ang pagpapasara ng kompanya na may kinalaman sa pagkalat ng langis sa ilog Pasig.
Napag-alamanan ng mga awtoridad na walang permit ang Lorraine Marketing na mag-imbak ng gamit na langis sa Old Panaderos, Sta. Ana, Manila.
Sisilipin din nila ang iba pang papeles ng Lorraine Marketing kung paano ito nakalusot at napatakbo kahit kulang sa mga kaukulang permit.
Balak din ng lokal na pamahalaan na silipin ang records ng iba pang kompanya sa lugar upang maiwasan na maulit ang insidente.
Naging sakit sa ulo ng mga residente ang mabahong amoy ng langis na kumalat sa ilog, kung saan ang iba ay dinala pa sa ospital dahil sa hirap sa paghinga.
BALITANG PANDAIGDIG
Migrasyon sa gitna ng krisis pandaigdig
Apektado ng krisis pang-ekonomiya ang remittances na ipinapadala ng OFWs: bumababa ang kanilang sahod
at ang halaga nito (Larawan mula sa Bulatlat.com)
Natatandaan ni Garry Martinez ang pagputok ng Asian Financial Crisis noong 1997 bilang isang malagim na yugto ng kanyang buhay. Dahil sa paghina ng Korean Won kontra dolyar, ang
sahod niya bilang factory worker sa South Korea na dating katumbas ng 1,500 USD (US Dollar) ay naging 600 USD na lamang.Para hindi mabawasan ang pera na ipinapadala sa kanyang pamilya, sa kanyang libreng oras ay naghahanap siya ng dagdag na mapagkakakitaan. Imbes na magpahinga mula sa 12 oras na pagtatrabaho sa pabrika, nagkakargador siya sa lipat-bahay o tumutulong sa anihan ng pechay.Sakripisyo ang katumbas ng krisis. Ito ang reyalidad para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) noon, at lalong higit pa ngayon.
Pinaniniwalaang papasok o nasa recession na ang ekonomiya ng daigdig. Isang debt crisis o krisis sa utang ang tumampok sa Estados Unidos at mga bansang Europa. Lumobo ang utang ng mga nasabing bansa dahil sa ginastusang bailout ng malalaking korporasyon at bangko na bumagsak sa krisis pampinansiya noong 2008.Tuluy-tuloy ang pagbagsak ng pandaigdigang ekonomiya. Maisisisi ito sa tinatawag na “krisis ng sobrang produksiyon” at pagkamal ng supertubo sa ilalim ng monopolyo kapitalismo. Resulta ng pinakahuling krisis sa utang at pinansiya ang ibayong kawalan ng trabaho at pagtitipid
(austerity measures) sa mga bansang kapitalista.Malaki ang epekto ng krisis para sa Pilipinas, na isa sa mga nangungunang bansa sa pag-e-eksport ng lakas-paggawa. Sa tuwing pagputok ng krisis, nakataya ang hanapbuhay ng milyun-milyong OFW, ang mga pamilyang umaasa sa kanila, at ang ekonomiya ng bansa na ang tanging kinakapitan ay ang ipinapadalang remittances ng mga migranteng manggagawa.
BALITANG PANDAIGDIG
-2012, taon ng pandaigdigang krisis
BRASILIA (DPA) – Nangyayari ngayong 2012 ang pinakamatinding pandaigdigang krisis pang-ekonomya, ayon kay Brazilian Finance Minister Guido Mantega.
“In terms of severity, what is happening in 2012 is worse than what happened in 2009,“ pahayag ni Mantega nitong
Huwebes sa harap ng mga opisyal ng bansa, mga negosyante at mga kinatawan ng civil society, at idinagdag na hindi masolusyunan ng mayayamang bansa ang lumalalang krisis.“One of the policy mistakes of advanced countries is that they are not stimulating the economy. They’re just making cuts,“ paliwanag ni Mantega, na nagsabing nakaaapekto ang mga nasabing patakaran sa mga papaunlad na ekonomya, kabilang ang India at China.
BALITANG PAMPAMAYANAN
-Panukala sa Work Incentive Transport Subsidy (WITS)
Panukala sa Work Incentive Transport Subsidy (WITS) ay
nabago mula noong buwan Enero 2013. Ang mga detalye
ay ang mga sumusunod:
(1) Mas mataas na limitasyon sa kinikita at ari-arian (para
sa mga detalye mangyaring sumangguni sa buong
bersyon ng panukala)
(2) Mga pagpipilian na aplikasyon: alinman sa aplikasyon
batay sa indibidwal o batay sa sambahayan
Ang mga aplikante sa iisang sambahayan ay maaaring
pumili upang:
(a) bawat aplikante ay indibidwal na tatasahin; o
(b) lahat ng mga aplikante ay sabay sa tatasahin bilang
isang sambahayan.
Ang mga aplikanteng nakakatugon sa limitasyon ng
personal na kita at ari-arian para sa iisang-sambahayan at
pati na rin ang sa iba pang naaangkop na pamantayan ay
maaaring mag-aplay para sa WITS sa indibidwal na
batayan. Ang mga batay sa indibidwal na aplikante ay
pinakamaagang maaaring mag-aplay sa Hulyo 2013 para
sa tulong na salapi mula Enero hanggang Hunyo 2013.
Ang mga aplikante ay maaaring pumili sa pagitan ng
indibidwal o sambahayang pagtatasa sa paunang
aplikasyon o sa muling pag-aplay bawat anim hanggang
12 buwan.
Pagsasaayos sa pagbabago: Para sa mga aplikante na
karapat-dapat sa ilalim ng umiiral na aplikasyon batay sa
sambahayan ngunit nais gumawa ng aplikasyon na batay
sa indibidwal, maaari silang maging karapat-dapat para sa
WITS sa aplikasyon na batay sa sambahayan ng mas
mababa sa anim na buwan bago ang Enero 2013. Sa
ilalim ng mga ganitong pangyayari, sila ay pinapayagang
mag-aplay para sa tulong na salapi batay sa sambahayan
upang
masaklaw ang panahon bago ang kanilang unang
aplikasyon batay sa indibidwal, kahit na kulang ito sa anim
na buwan.
(3) Ang Application form
Ang Application Form na Pang-indibidwal ay makukuha
mula Hunyo 2013. Ang mga aplikante batay sa
sambahayan ay maaari patuloy na gamitin ang
kasalukuyang Application Form na pang-sambahayan.
Para sa buong bersyon ng Panukala sa Work Incentive
Transport Subsidy (WITS), mangyaring bisitahin
ang: http://www.labour.gov.hk/eng/service/witss.htm
BALITANG PAMPAMAYANAN
-Ang Programa sa Pagbabakuna para sa Swine Influenza
January 7, 2012 | Comments Off
Ang Programa sa Pagbabakuna para sa Swine Influenza
Mula sa panahon ng kasagsagan ng influenza, ang
Gobyerno ay magbibigay ng programa ng pagbabakuna
para sa limang target na grupo. Lahat ng residente ng
Hong Kong na kasama sa grupong ito ay maaaring
mabigyan ng libreng bakuna sa mga pampublikong
pagamutan, o sa mga pribadong doktor na nagpatala sa
Human Swine Influenza Vaccination Subsidy Scheme
(HSIVSS) sa mas mababang halaga.
Ang mga kasama sa target na grupo para sa
pagbabakuna ng human swine influenza ay:
(a) Mga bata na may edad sa pagitan ng 6 na buwan at
mababa sa 6 na taon
(b) Mga matatanda na may edad 65 na taon o pataas
(c) Mga taong may malalang sakit at mga nagdadalang-
tao
(d) Mga nagtatrabaho sa babuyan at katayan ng baboy
(e) Mga manggagawa ng healthcare
Sa ilalim ng Elderly Vaccination Subsidy Scheme (EVSS),
nagbigay ng $130 na subsidy ang gobyerno para sa mga
matatanda na may edad 65 o pataas upang tumanggap
ng pagbabakuna para sa panahunang influenza at $190
na subsidy para sila ay tumanggap ng pneumococcal na
pagbabakuna sa mga nakatalang pribadong doktor sa
ilalim ng EVSS.
Bukod dito, ang mga batang may edad sa pagitan ng anim
na buwan at mababa sa anim na taon na may residenteng
estado sa Hong Kong ay may karapatang tumagggap ng
subsidy mula sa gobyerno sa halagang $80 bawat dosis
ng pagbabakuna para sa influenza na pinangangasiwaan
ng mga pribadong doktor sa ilalim ng Childhood Influenza
Vaccination Subsidy Scheme (CIVSS).
BALITANG PANLIPUNAN
BSP issues ‘Rizal coin’
Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) is set to
release one-peso commemorative Rizal coin this
December for the 150th birth anniversary of
national hero Dr. Jose Rizal.
BSP said that it will issue 10 million pieces of the
round, grayish, nickel-plated steel Rizal
coin which has the same size (24-millimeters in
diameter) and weight (5.35 grams) as the one-piso
coin currently in circulation.
New 1-piso Rizal coin set to be issued by BSP this December.
On the face of the coin one can see the portrait of
the hero and the markings, “150 years,”
“Republika ng Pilipinas” and “1861-2011.” Marked
on the reverse side are the new BSP seal, “1-piso”
and “2011.”
The new Rizal coin has already been approved by
the The Office of the President and BSP’s
Monetary Board.
Aside from this Rizal coin, BSP also paid tribute to
Dr. Rizal through the exhibit, “Rizal in Our Midst:
A Homage to Greatness,” which
showcased coins and banknotesranging from five
centavos to 100 pesos since 1903 where Rizal’s
image or monument appears.
BALITANG PANLIPUNAN
-Smart Gilas roster for Fiba Asia Championship 2013 out168 days ago by Next Ping 0
Philippine basketball team head coach Chot
Reyes announced the 17-man lineup of Smart G
ilas Pilipinas that will represent the country
in 27th FIBA Asia Championship this August
2013.
The Philippines will host the Fiba Asia
Championship 2013 again after 40 years. The
tournament scheduled on August 1-11, 2013 will
serve as a qualifier for World
Championships next year.
The Smart Gilas lineup featured 7 players from Talk
N’ Text, a former team of coach Reyes. Here’s the
complete list of the roster:
Smart Gilas lineup for FIBA Asia Championship 2013
LA Tenorio
Jimmy Alapag
Larry Fonacier
Ryan Reyes
Gary David
Gabe Norwood
Japeth Aguilar
Greg Slaughter
Jayson Castro
Jeff Chan
Jared Dillinger
Ranidel de Ocampo
Marc Pingris
JunMar Fajardo
Kelly Williams
Sonny Thoss
Marcus Douthit
The final 12-man lineup for the Fiba Asia
Champhionship will be announced on July 1,
2013.
OBITWARYO
SALAMAT AT PAALAM: Obitwaryo Para kay Cory
Aquino, 1 Agosto 2009by xiaochua
SALAMAT AT PAALAM:Corazon Sumulong Cojuangco Aquino
(1933-2009)Michael Charleston “Xiao” B. Chua
Unang nailathala sa pahayagang Mabuhay: Lingguhang Pilipino Mula Pa Noong 1980, 31 Hulyo-6 Agosto 2009, 1, 9. Ang unang bersyon nito ay napabilang sa mga sanaysay na inilathala ni Margie Penson Juico sa Cory: An Intimate Portrait II, Selected Tributes and Eulogies (Pasig City: Anvil Publishing, Inc., 2010), 86-88:“Nagpapasalamat ako sa inyong lahat, lalo na sa Panginoong Diyos, at ikinararangal ko na ginawa niya akong Pilipino na katulad niyo.”
-Cory Aquino
Nilisan na tayo ni Tita Cory!
Ito ang maling balita na natanggap ko mula sa isang estudyante ko habang ako ay naglelektura noong 24 Hulyo 2009. Sa araw na iyon, marami ang umiyak. Mali ang balita, pero may nasilip akong bagong pag-asa sa sama-samang pananalangin para sa kalusugan ng dating pangulo. Noong hapon na iyon, nakasakay ako ng taxi sa Vito Cruz nang makakita ako ng isang
padyak na may malalaking dilaw na ribbon. Naiyak ako. Hindi pa pala nakakalimot ang mga tao.
Kanina, sa ganap na 5:48 ng umaga, ang aking kaibigang si Ayshia ay ginising ako sa telepono ng isang masamang balita—Nilisan na tayo ng tuluyan ni Tita Cory sa oras na 3:18 ng umaga. Nakapaligid ang kanyang pamilyang nagdarasal ng rosaryo, sa ikalimang misteryo ng Hapis.
Habang isinusulat ko ito mula dito sa Tarlac, at maging sa Maynila, makulimlim at panaka-naka ang ulan, maging ang langit ay nagluluksa sa kanyang pagkawala.
Bilang isang batang lumaki sa panahon ng Kapangyarihang Bayan (People Power), inspirasyon ko si Tita Cory. Sinisigaw ko ang kanyang pangalan sa tuwing may helikopter na dumadaan at dinadala ko ang kanyang larawan. Una ko siyang nakamayan sa pagpaparangal sa kanya ng Ramon Magsaysay Award noong 1998, muli sa Katedral ng Maynila sa misa para sa mga biktima ng 9/11 noong 2001, at sa marami pang ibang pagkakataon. Nakapanayam ko na rin siya noong 2003 at sa kabila ng pagiging pormal at makikitang pagpapahalaga sa distansya at pribasiya, naging mabuti ang kanyang pagtrato sa amin at
pinadama niya na espesyal kami sa kanya. Kamakailan lang, nagpaunlak din siya sa aking kahilingan na pirmahan lahat ng aking mga libro at memorabilia ukol sa kanya. Simple lamang siya.
Ang nais kong maalala kay Gng. Aquino ay ang simpleng nilalang sa kanyang kaibuturan. Ang simpleng nilalang na sa iba’y maaaring tawaging ang bata na nasa loob natin, na sa kabila ng komplikasyon at mga kakulangan ay nagpapadayon pa rin, hindi natitinag.
Naaalala natin ang simpleng maybahay at ina na hindi naisip ang panganib ng diktadura, at naging tinig at tanglaw ng nakakulong na kabiyak, ang bayaning si Ninoy Aquino, at ng isang pamilyang nangungulila sa haligi ng tahanan.
Naaalala natin na matapos mapaslang ang asawa noong 21 Agosto 1983, sa kabila ng pagnanais na magkaroon ng mapayapang buhay, tinanggap niya ang hamon na maging lider nang kinailangan ng ipantatapat sa makapangyarihang diktador. Nanaig ang simpleng nilalang sa loob niya, na sa kabila ng kakulangan ng karanasan, sinunod niya ang kahilingan ng milyong tao na tumakbo bilang pangulo, at sa panahon ng Kapangyarihang Bayan noong Pebrero 1986,
tinawagan siya ng mamamayan na itatag muli ang bandila ng demokrasya sa bansa.
Naaalala natin ang simpleng pangulong hindi naghangad na mapag-ibayo ang kanyang kayamanan, gamit ang kanyang kapangyarihan. Hindi nabahiran ng anumang alegasyon ng personal na korupsyon.
Naaalala natin na matapos niyang ilipat ang panguluhan ng mapayapa noong 30 Hunyo 1992 sa kanyang kahalili, sa unang pagkakataon mula 1965, hindi nagpahinga si Tita Cory. Ang simpleng nilalang sa loob niya ay nagpatuloy na tumulong sa bayan, sa pamamagitan ng Aquino Foundation at sa mga pakikibaka para sa mabuti at maginhawang lipunan.
Sa mga nakaraang buwan, naalala naman natin na itinuro niya kung paano tanggapin ang kamatayan, at kung paano ialay ang kanyang mga pagdurusa sa pananalangin para sa bayan. At maging sa karamdaman, at ngayon sa kamatayan, patuloy niya tayong pinagkakaisa.
Anumang pagkukulang at isyung kinaharap ni Tita Cory, nahihigitan ito ng kanyang karakter at kabutihang-loob. Ginawa at sinabi niya ang sa tingin niya ay tama, at ang simpleng nilalang sa kanyang
kaibuturan ay patuloy na pinanghawakan ang pag-asa at tiwala sa mga Pilipino.
Sa kanyang pagkawala, muling magugunita ang Kapangyarihang Bayan kung saan siya ang naging simbolo ng pagkilos ng 2 Milyong Pilipino na naging simple sa isang pagkakataon at ipinakita ang lahat ng maganda sa Pilipino. Muling makikita ng kabataan ang kadakilaan ng kanilang bansa at lahi na sinisimbolo ng isang simpleng maybahay.
Purihin ang Diyos at nabuhay at nakasama natin ang isang Dakilang Pilipina, ang Ina ng ating demokrasya, naging Ina ng Bayan.
Patay na si Tita Cory, pero ipinasa niya sa atin ang pag-asa sa mas maginhawang Pilipinas. Buhayin natin ito sa ating puso, isipan, at gawa.
Patay na si Tita Cory! Mabuhay ang simpleng nilalang sa bawat Pilipino…
1 Agosto 2009, 9:43 NU, Lungsod ng Tarlac
OBITWARYO
Corazon Sumulong Cojuangco Aquino(1933-2009)
Michael Charleston “Xiao” B. Chua
Isang nakapangingilabot na alaala: Isang aklat na
pinirmahan ni Cory Aquino para kay Xiao Chua
eksaktong dalawang taon bago siya sumakabilang-buhay.
PANLIBANGAN
JOLINA MAGDANGAL, KUMPIRMADONG DALAWANG BUWANG BUNTIS
Kumpirmadong magdadalawang buwan ng buntis ang 34
na taong gulang na Singer/Actress na si Jolina Magdangal
Ito ang first baby ng aktres sa asawang si Mark Escueta
na mula sa sikat na bandang Rivermaya Matatandaang
naganap ang pribadong kasal ng dalawa taong 2011 sa
Splendido Taal Golf and Country Club sa Tagaytay City.
PANLIBANGAN
PETISYON NG AKTOR NA SI AGA MUHLACH KAUGNAY SA PROKLAMASYON NI FUENTABELLA, IBINASURA NG COMELEC
Tuluyan nang ibinasura ng Commission
on Elections (COMELEC) ang petisyon ng aktor na si Aga
Muhlach laban kay Camarines Sur Rep. Felix William
Fuentabella.
Ito ang naging desisyon ng COMELEC matapos makita na
kulang sa merito ang petisyon na inihain ni muhlach
upang ma-i-nullify ang proklamasyon sa katunggali nitong
si Fuentabella.
Ayon sa COMELEC, hindi naging sapat ang mga batayan
na nakapaloob sa petisyon ng aktor na nabigo rin
umanong ma-isama sa kanyang protesta ang mga lugar
sa Camarines Sur partikular na ang bayan ng Tiglaon,
Sagnay at Siruma na maaring maka-apekto sa vote
results.
Dagdag pa ng COMELEC na wala na silang hurisdiksyon
sa protesta ni Muhlach dahil na-iproklama na
ng Provincial Board of Canvassers si Fuentebella.
ANUNSYO KLASIPIKADO
Credit para sa mga indibidwal
Nagbibigay ng maaasahang credit
Ako ay isang indibidwal na pananalapi eksperto magagawang gumawa ng pautang sa halaga na kailangan mo at ang mga kondisyon na gumagawa ng buhay mas madali. Ako ay paglutas ng iyong problema sa pananalapi nag-aalok ko 2000$ sa 1. 500.000$ na may isang garantisadong pag-aaral na rin. Maaari kang makipag-ugnay sa akin sa aking e-mail [email protected]
ANUNSYO KLASIPIKADOTRY THE THRILL
EXOTIC PETS: SUGAR GLIDERS PROVEN PAIRS & BREEDERS ALL AVAILABLE Breed : Sugar GlidersGUARANTEED HEALTHY AND NOT INBREDS OR FROM RELATED PARENTS!!!Colors : Grey and Brown with marksGenders : males / females available
Price : For BREEDING pair : 9.5K Joeys: Male 3.5K / Female 4KPrices are negotiableLocation : QC area / Meet uptext at 09195272603 / 2591611
PALAKASAN
HOUSTON ROCKETS, PINAGMUMULTA NG PAMUNUAN NG NBA
Pinagmumulta ng National Basketball Association (NBA)
ang Houston Rockets matapos i-disclose ng koponan ang
paglipat ni Dwight Howard mula Los Angeles Lakers.
Ayon sa pamunuan ng NBA, nilabag ng Southwest
Division Team ang umiiral na ‘free-agency moratorium’
kung saan ipinagbabawal ang trade at contract signing sa
pagitan ng mga manlalaro at teams.
Nagsimula ang usapin matapos ang sunod-sunod
na tweets ni Rockets General Manager Daryl Morey
patungkol sa napipintong paglalaro ni Howard para sa
koponan.
Ang seven times NBA All-Star ay nakatakdang pumirma
ng kontrata sa Houston Rockets na nagkakahalaga ng
P88 milyong.
PALAKASAN
MVP AWARD, MULING NASUNGKIT NI LEBRON JAMES
Tinanghal na Most Valuable Player (MVP) sa ika-apat na
pagkakataon si Lebron James.
Nakuha ng Miami Heat player ang 120 sa 121 votes sa
botohan ngayon taon.
Nakapagtala ng 26.8 points, 8.0 rebounds at 7.3 assists si
James ngayong season.
Kaugnay nito, marami ang sumang-ayon na si James ang
makakukuha ng parangal.
PITAK PANTAHANAN
Science, aalisin sa Grade 1Posted by Online Balita on Jan 26th, 2012 // No Comment
0Ina Hernando-Malipot/ Manila BulletinUpang mabawasan ang umano’y sobrang dami ng subject sa Basic Education Curriculum sa mga magaaral, nagdesisyon na ang Department of Education (DepEd) na tanggalin ang “Science” sa mga itinuturo sa Grade 1 level sa darating na school year.Sinabi ni DepEd Secretary Armin Luistro na ang hakbang ng kagawaran na tanggalin ang Science sa Grade 1 level ay base sa disenyo ng K to 12 curriculum. “The overall design of the new curriculum to be introduced and implemented this coming June to both Grade 1 and First Year high school students is based on the idea that we should be taking the students where they are,” sinabi ni Luistro sa panayam.Iginiit naman ng Kalihim na ang pag-aalis ng Science sa curriculum ay hindi nangangahulugang hindi na tatalakayin ang mga konseptong agham na unang ituturo sa mga estudyante ng Grade 1.“We will be integrating topics in other subjects to make the new curriculum more child-friendly,” paliwanag ni Luistro.Iginiit ng DepEd Secretary na habang pinasisimple ang K to 12 curriculum, maraming talakayin ang ipagsasama-sama sa mga subject.“For instance, there will be no Science subject in Grade 1 but when the students do the readings, there will be
Science concepts introduced but Science is not the subject,” dagdag niya.Base sa disenyo ng bagong curriculum, ang mga learning area para sa Grade 1 ay ang Mother Tongue, Filipino, Edukasyon sa Pagpapakatao, Music, Art, Physical Education and Values, Music, Arts, Physical Education and Health, Mathematics, Araling Panlipunan at English — na lahat ay ituturo sa ikalawang semestre, at tututok sa oral fluency o tamang pagbigkas.Bilang subject, ang Science ay sisimulang ituro sa mag-aaral sa Grade 3, ang Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan ay ituturo sa Grade 4, at ang Technology and Livelihood Education ay ituturo sa Grade 6 level na. – Ina Hernando-Malipot/ Manila Bulletin
PITAK PANTAHANAN
Pagpapaliban sa pagputol ng umbilical cord, nakabubuti sa sanggolPosted by Online Balita on Jul 19th, 2013 // No Comment
0NEW YORK (Reuters Health) - Ang kaagad na pagputol ng umbilical cord sa paglabas ng sanggol ay maaaring hindi makabubuti sa mga sanggo, ayon sa isang bagong new review.Ipinakita ng mga pag-aaral na ang mga sanggol ay nagkakaroon ng mas mataas na antas ng iron sa kanilang dugo kapag hinintay na lumipas ang tatlong minuto pagkatapos ang pagluwal bago putulin ang umbilical cord, imbes na isang minuto.
Ang ekstrang isa o dalawang minuto ay nagpapahintulot sa pagdaloy ng mas maraming dugong mayaman sa iron mula sa placenta papunta sa sanggol, sinabi ng mananaliksik.Sinimulan ng nga doktor ang kaagad na pagputol ng cord noong 1950s at 1960s bilang nangungunang hakbang para maibaba ang panganib ng pagdurugo ng ina, ayon sa lead author na si Susan McDonald.“It is an important finding particularly for women giving birth in circumstances where anemia or poor nutrition is common,” sabi ni McDonald, professor of midwifery sa La Trobe University sa Melbourne, Australia, sa Reuters Health.
“Adequate iron levels are important for brain growth and overall development in the infant and up to two years of age.”Nirepaso ni McDonald at kanyang mga kasamahan ang resulta ng 15 trials kabilang ang kabuuang 3,911 kababaihan at ang kanilang full-term babies, na random na pinili para putulin nang mas maaga o huli na ang kanilang mga umbilical cord.“Iron is an important mineral especially in early brain development but we don’t know if these better iron stores translate to a better brain,” aniya.“Studies are currently ongoing looking at this and will follow the babies out to two years of age,” sabi ni Deb Erickson-Owens, nag-aaral ng birth practices at umbilical cord management sa University of Rhode Island in Kingston“Mothers deserve to have the benefit of birth care practices that are supported by the best available research evidence,” aniya. “Many mothers are not aware of these practices but they should be.”