editorial writing

25
PAGSULAT NG EDITORYAL

Upload: argel-joseph-sales

Post on 23-Dec-2014

5.243 views

Category:

Documents


2 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Editorial writing

PAGSULAT NG

EDITORYAL

Page 2: Editorial writing

Editoryal?•Salamin / kaluluwa ng pahayagan• pagpapayo• mapanuring pagpapakahulugan sa napapanahong pangyayari upang magpabatid, magpakahulugan, magbigay-puna, magbigay-puri, magpahalaga sa natatanging araw at manlibang sa mambabasa.

• nagbibigay opinyon• paninindigan ng patnugutan

Page 3: Editorial writing

Mga layunin ng editoryal:

Page 4: Editorial writing

Nagbibigay impormasyon o kabatiran – pinapaliwanag ang adhikain na nais ipahiwatig at pinaliwanag ang tamang pangyayari o nangyari. Hindi nagbibigay ng pasya.

Page 5: Editorial writing

HALIMBAWA :1.Ang Philippine General Hospital ay binabalak na Gawin na lang na paaralan ng UP.

2. Pagmamartsa ng mga Guro ay nagdudulot ng pangangamba sa mga pinuno at mga magulang.

Page 6: Editorial writing

2. TUMUTULIGSA– may kabutihan at kasamaan, nagpapaliwanag ng isang balita at nagbibigay palaisipan sa mambabasa at nagmumungkahi sa kahihinatnan ng isang isyu

Page 7: Editorial writing

HALIMBAWA :1.Biglang pagtaas ng halaga ng langis

2.Pagsusuot ng ID3.Katuturan ng DepED Order No. 19, s. 2009

4.Pagpapalawak ng Bagong Kurikulum

Page 8: Editorial writing

3.NAMUMUNA/ NANGHIHIKAYAT – nagpapaliwanag ng kamalian o suliranin, sumusuri ng kalagayan, nagmumungkahi ng isang solusyon at naghihikayat ng pagbabago

Page 9: Editorial writing

HALIMBAWA :1.Masamang pag-uugali ng mga mag-aaral

2. maling pamamalakad ng isang kompanya

3.Mahal na pagkain sa kantina4.Dahilan ng pangongopya sa mga panahon ng pasulit

Page 10: Editorial writing

4. NAKALILIBANG - namimilantik pero sa nakakatawang pamamaraan sa pamamagitan ng kutun ( bumabati sa kagandahan ng buhay)

Page 11: Editorial writing

HALIMBAWA :1.Bagong moda ng kasuotan, buhok at pag-aayos ng katawan

2. Iba’t ibang reaksiyon sa pagtanggap ng Kard

3.Napiling lider ng Konseho ng mag-aaral

4. Mga kaganapan sa kapistahan

Page 12: Editorial writing

5.NAMUMURI/NAGBIBIGAY PARANGAL – binigyang parangal ang mga natatanging tao dahil sa nagawang kabutihan at ipinakitang kagalingan.

Page 13: Editorial writing

HALIMBAWA :1.Masipag na Guro2. Atletang nag-uwi ng karangalan sa bansa mula sa pandaigdigang kompetisyon

3. Natatanging gawain ( wagi sa paligsahan, gawain ng kapisanan, kilusang pambayanan, mabisang ginawa ng yumaong lider)

Page 14: Editorial writing

6. PAGPAPAHALAG SA NATATANGING ARAW – nagbibigay kahulugan at kahalagahan sa natatanging araw o okasyon

HALIMBAWA :1.Linggo ng Pag-iwas ng Sunog2.Linggo ng mga Bansang Nagkakaisa3.Araw ng Pasko4.Araw ng mga Puso

Page 15: Editorial writing

7. NAKIKIPAGTALO – argumento sa isang isyu na nagpanukala at suhestiyon na makakabuti sa mamamayan

HALIMBAWA :1.Pampasadang Motorsiklo ( Single – Motor)

2.Pagpapasok ng mga bata sa “internet Café”

Page 16: Editorial writing

Paano isinulat ang Editoryal?•SIMULA - pagtatanong (Kailan kaya matatapos ang krises sa Mindanao? Pagkatapos sa kolehiyo saan patutungo?, Kailan kaya masusugpo ang drug addiction sa ating paaralan?, Kailan kaya tayo mahahango sa kahirapan? )

Page 17: Editorial writing

payak na paglalahad (Kabataan ang pag-asa ng inang bayan.), pagsasalaysay (Tatlumpu sa isang daang nagtapos sa elementarya ang hindi nakapagpatuloy ng pag-aaral sa haiskul. Biktima sila ng kahirapan. Nakapagdudulot ng di matingkalang kasiyahan ang paglalaro sa play station, subalit ano ang dulot na epekto nito sa kabataan?, Nasisiyahan na sana ang mga guro sa kakarampot na sahod sa kanilang pagtuturo, ngunit sa pagpapatuloy na pagtaas ng mga bilihin ay napipilitan silang magmartsa sa DepED) ,pagsipi sa tuwirang /tahasang sabi, nakakatawag – pansing simula• MUNGKAHI O TAGUBILIN• OPINYON SANGY-AYON SA PAKSA

Page 18: Editorial writing

PAKSA o SULIRANING SUSULATINHal.Nagpasya na ang kongreso na irerepaso ang Saligang Batas 1987 sa pamamagitan ng Constituents Assembly. Ito ay mistulang pinaglamayan na isyu para lamang maisakatuparan ng administrasyon ang mga plano sa darating na 2010. Banta na naman ba ito ng demokrasya?

Page 19: Editorial writing

Paglalahad ng SuliraninHal :Marahil ikinagagalak ng karamihan ng mambabatas ang CONASS ngunit sa iilang oposisyon ay magdudulot ito ng panibagong plano ng administrasyon upang palawigin ang termino ng Pangulong Gloria Macapagal – Arroyo…..

Page 20: Editorial writing

• PAGLILIPAT NG TALATA1.Gumamit ng pamatlig - ito, iyon, yaon2.Gumamit ng salitang – magkagayon man, sa kabila ng

lahat, pagkatapos, pagkaraan, kaakibat nito, sa ibabaw ng lahat, sa ganitong pangyayari, sa ganitong sitwasyon

3.Para sa pagkasunod – sunod – una, ikalawa, ikatlo…4.Para sa kasalungatan – ngunit, subalit, datapwat, sa

kabilang dako, kung tutuusin, sa kabila ng mga pangyayari.

5.Nagbibigay karagdagan – kaya, marapat lamang, alalaong baga, at, at saka, bukod dito, gayon din naman, hindi iyon lamang…

6.Nagpapakilala ng bunga – mangyari pa, bilang bunga, bunga nito, ang wakas, magkagayon man, sa ganyang paraan

Page 21: Editorial writing

DAGDAGAN NG MGA NAKUHANG IMPORMASYON AYON SA KURU-KUROHal :Matagal ng pinagtalunan sa mababang kapulungan ang pagbabago ng batas mula pa ng kasagsagan ng pag-upo ni Pangulong Fidel V. Ramos sa taong 1992- 1998…….

Page 22: Editorial writing

• PAGWAWAKAS1.Buod / Lagom – Halimbawa : Samakatuwid, hindi kailangang pagtalunan kung ano ang higit na mabisa sa dalawang wika : Ingles o Filipino. Ang dapat harapin ay ang pagpapaunlad ng kabuhayang Pilipino sa anumang wikang nalalaman.2. Katanungan – Halimbawa : Muling pinahihintulutan ng pamunuan ang karapatang magkaroon ng paaralang pampahayagn sa eskwelahang ito na matagal ding ipinagbawal ng mga nakaraang pangasiwaan. Ito kaya’y magbunga ng mabuti?

Page 23: Editorial writing

• PAGWAWAKAS3. Ulitin ang unang pinahayag – Halimbawa : Tunay na masama ang dulot ng droga sa mga kabataan. Dahil dito, makabubuting ipasok sa Sentro ng pampanibagong – buhay. 4. Angkop na sipi – Halimbawa : Marapat lamang matanim sa isipan ng mga kabataan ang sinabi ni Andres Bonifacio na “ Anuman ang ibalot mo sa iyong katawan, mananatili pa rin ang iyong pagka – Pilipino.”

Page 24: Editorial writing

• PAGWAWAKAS5. Panghuhula – Halimbawa : Sa darating na panahon, maaaring mahikayat ang mga kabataang maglaro ng patintero sa mga gabing maliwanag ang buwan at makinig sa mga kuwento ng mga matatanda. 2. Katanungan – Halimbawa : Muling pinahihintulutan ng pamunuan ang karapatang magkaroon ng paaralang pampahayagn sa eskwelahang ito na matagal ding ipinagbawal ng mga nakaraang pangasiwaan. Ito kaya’y magbunga ng mabuti?

Page 25: Editorial writing

GOD BLESS!