ekonomiks grade 10- unit 2 aralin1 -iba pang salik na nakakaapekto sa demand maliban
TRANSCRIPT
EKONOMIKS Aralin: 1 ( 2nd day) Quarter: 2nd
Paksa: Mga Salik na Nakakaapekto ng Demand
Competency: Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto ng demand.
Knowledge: Natatalakay ang mga salik na nakakaapekto ng demand
Skill: Nailalarawan ang mga salik na nakakaapekto ng demand sa pamamagitan ng mga presentasyon.
Attitude: Napapahalagahan ang tamang paggasta at pagkonsumo upang maging matatag
ang presyo ng pamilihan.
IBA PANG SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA DEMAND MALIBAN SA PRESYO
PAANO NAKAKAAPEKTO ANG PRESYO SA DEMAND?
MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA DEMAND 1. KITA- Ang pagbabago sa kita ng tao ay maaaring
makapagpabago ng demand para sa isang partikular na produkto. Sa pagtaas ng kita ng isang tao, tumataas ang kaniyang kakayahan na bumili ng mas maraming produkto.Gayundin naman, sa pagbaba ng kita, ang kaniyang kakayahang bumili ng produkto ay nababawasan.
Normal goods-dumadami ang demand sa produkto dahil sa pagtaas ng kita.
Inferior goods-mga produktong tumataas ang demand kasabay sa pagbaba ng kita.
2.PANLASA-Karaniwang naaayon sa panlasa ng mamimili ang pagpili ng produkto at serbisyo. Kapag ang isang produkto o serbisyo ay naaayon sa panlasa,maaring tumaas ang demand para dito.
3. DAMI NG MAMIMILI-Maaari ding magpataas ng demand ng indibidwal and tinatawag na bandwagon effect . Dahil sa dami ng bumibili ng isang produkto, nahihikayat ang iba na bumili.
4.PRESYO NG MAGKAUGNAY NA PRODUKTO SA PAGKONSUMO-magkaugnay ang mga produkto sa pagkonsumo kung ito ay kumplementaryo o pamalit sa isa’t isa.
Komplementaryo (complementary) -mga produktong kapag sabay na ginagamit.
Pamalit (substitute)-produktong maaaring magkaroon ng alternatibo
5.INAASAHAN NG MGA MAMIMILI SA PRESYO SA HINAHARAP-kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng isang partikular na produkto sa susunod na araw o linggo, asahan na tataas ang demand ng nasabing produkto sa kasalukuyan habang mababa pa ang presyo nito.
ANG PAGLIPAT NG DEMAND CURVE-Ang pagtaas ng demand ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa kanan.Mangyayari ang paglipat ng demand sa kanan kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay nakapagdudulot ng pagtaas ng demand. Ang pagbaba ng demand ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba sa kaliwa.
PANGKATANG GAWAIN:Panuto: Magbigay ng mga halimbawa sa
paksang itinakda na nakakaapekto ng demand at pumili ng presentasyon ayon sa inyong hilig at gusto(Pagsasadula,slogan,pag-aanunsyo,storyboard, pagbabalita, talk show,poster o graph). Gumamit ng mga halimbawa na makikita o nangyayari sa inyong lugar/pamayanan.
Group I- KitaGroup II-PanlasaGroup III-Dami ng mamimiliGroup IV-Presyo ng magkaugnay na produktoGroup V-Inaasahan ng mga mamimili
TANONG:
1. Ano-ano ang mga salik na nakakaimpluwensya ng demand?
2. Sa mga salik na nabaggit, alin dito ang kalimitan na nararanasan sa araw-araw na pamumuhay?
3. Alin sa mga salik ang makapagdudulot ng paggalaw ng demand curve?
4. Ano ang mga katangian na dapat taglayin ng mga mamimili sa pagtugon sa pagbabago sa mga salik ng demand. Ipaliwanag.
ILIPAT/ISABUHAY
Paggawa ng Pledge of Commitment: Gamit ang iyong matalinong pagpapasiya,
Paano mo matutugunan ang mga pagbabagong dulot ng mga salik na nakakaapekto ng demand ?
Kumpletuhin ang pangungusap.
PLEDGE OF COMMITMENTAko si_______________, isang Pilipinong
mamimiliSisikapin kung_________________________
_________________________________________________________________upang maging________ ___________________________
RUBRIC SA PAGMAMARKAKraytirya Napakahusay
5Mahusay 4
Nalilinang 3
Nagsisimula 2
Nilalaman KompletoAt komprehensibo
May kunting Kakulangan
May kakulangan at may maling impormasyon
Maraming kulang at may maraming mali na impormasyon
Partisipasyong panlipunan
Komprehensibong nailalahad ang solusyon
May kakulangan sa paglalahad ng solusyon
Hindi gaanong nailahad ang solusyon at may kahirapang maisakatuparan
Hindi maunawaan ang nilalaman
Organisasyon Organisado,malinaw at lohikal
Malinaw at maayos
Maayos ngunit may hindi masyadong malinaw
Hindi maayos at hindi malinaw
PAGTATAYA:Panuto: Sagutin ang tanong sa ½ bahagi ng
papel.1.Ano-ano ang mga bagay na mayroon kang
demand? Ipaliwanag kung bakit ang mga ito ang dapat mong bilhin.
TAKDANG ARALIN:Magsasaliksik tungkol sa mg sumusunod:1. Elasticity2. Price elasticity3. Elasticity ng supply
LM pp.129-130
SALAMAT PO!
Prepared by: Mrs. Victoria O. Superaland Grade 10 Ar. Pan Teachers of
Dumaguete CityDivision