february 2016

8
Libre! VOLUME XXXVI Issue 2 FEBRUARY 2016 Serving Los Baños and nearby communities www.lbtimes.ph Dugong Bayani blood drive , isinagawa sa Los Baños nina Charmaine Baisa, Jeena Vianca delos Reyes, Katrina Guanio, at Samantha Johanna Timbreza Itutuloy sa pahina 4 Itutuloy sa pahina 3 Continued on page 7 Isinagawa ang Dugong Bayani blood donation na dinaluhan ng 123 na tao mula sa iba’t ibang barangay at sektor sa Los Baños kung saan nakalikom ng 77 na 450 ml bags ng dugo. Ito ay may temang “Spread the Love, Give Some Blood,” at ginanap noong ika-13 ng Pebrero sa New Municipal Bldg. ng Los Baños. Si Richard Nepomuceno, residente ng Brgy. Timugan, ay isa sa mga nakilahok sa programa. Ang pinakamahalagang dahilan ng kaniyang pagbibigay ng dugo ay upang makatulong sa iba. Sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) ay naging magkakatuwang ang Municipal Health Office o ang Tanggapang Pangkalusugana ng Los Baños at ang Philippine Blood Center (PBC) sa pagsasagawa ng blood drive. Sa MOA ng MHO at ng PBC, ang Los Baños ay “priority recipient” ng blood Nakiisa ang kapulisan, fire fighters, traffic management group, mga opisyal sa munisipyo at barangay, at iba pang tanggapan ng gobyerno sa blood drive na ginanap sa munisipyo noong ika-13 ng Pebrero. (Larawan mula sa Facebook Page ng Tanggapang Pangkalusugan ng Los Baños) BFP, nagsagawa ng pagsasanay sa volunteers ni Charmaine Baisa at Ira Dominique Guerrero Ang lakas ng barangay ay lakas ng pamayanan. Hindi na po natin kailangan pang kumuha ng tulong sa iba, kasi nga kayo [mga volunteers ng bawat barangay], empowered na.” Ito ang pahayag ni Cynthia Navasero Quintans, ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer ng Los Baños, sa naganap na dalawang araw na pagsasanay para sa mga barangay first responders noong ika-20 hanggang 21 ng Pebrero sa Workshop Room ng Bagong Munisipyo at sa Liwasang Almasan Municipal Park sa Brgy. Baybayin. Ang programang ito ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Los Baños kasama ang pamahalaang bayan ng Los Baños at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ay naglalayong magkaroon ng mga first responders ang bawat barangay sa Los Baños. Mahigit 600 katao, lumahok sa Magmaharun 2016 nina Hazel Amalin at Joyce Rivera Umabot sa 655 katao ang lumahok sa Magmaharun 2016, isang fun run na inorganisa ng University of the Philippines Los Baños Corps of Sponsors (UPLB COS), kasama ang Laguna de Bay Running Team, noong ika-21 ng Pebrero upang magsilbing isang post- Valentine’s Day celebration. Nahati sa dalawang kategorya ang mga sumali sa Magmaharun 2016. Ang isang katergorya ay ang single run na sinalihan ng 607 katao samantalang ang couple run naman ay nilahukan ng 24 na pares. Nagsimula ang pagpaparehistro ng pasado alas-tres ng umaga at natapos ng alas-sais ng umaga dahil na rin sa dami ng mga tao. Pormal na nagsimula ang takbuhan ng 6:40 at natapos ng alas-nuebe ng umaga. LB celebrates Heart Month by Jasmine Sandra Adornado at Stephanie Nicole Cruz The Los Baños Municipal Health Office (MHO) holds “Heart Month” every February. This year, the event had three free services: Bilateral Tubal Ligation (BTL) on February 5; Fasting Blood Sugar (FBS) testing on February 12; and Dugong Bayani blood donation drive on February 13. Local doctors from the rural health offices, nurses, and barangay health workers (BHW) assisted the citizens of Los Baños who availed of the services from the MHO or the local municipal office. “Usually kasi, pasyente ang pumupunta sa doktor. Ngayon, mga doctor naman ang lumapit sa kanila,” according to Dr. Aileen Siota, a rural health officer of Brgy. Batong Malake. The services, except for the FBS testing, were offered to patients who dropped by at the office that day. FBS testing was only offered to the employees of the Municipal Office. According to MHO Nurse Aiza Toledo, 102 municipal employees availed themselves of the free tests. BTL was conducted on February 5 and was available from 8 am to 5 pm,

Upload: los-banos-times

Post on 29-Jul-2016

249 views

Category:

Documents


14 download

DESCRIPTION

NEWS Dugong Bayani blood drive, isinagawa sa Los Baños Mahigit 600 katao, lumahok sa Magmaharun 2016 LB celebrates Heart Month BFP, nagsagawa ng pagsasanay sa volunteers Laguna FPWD, nagpulong para ilatag ang vision, mission, at goals Multi-purpose hall ng Lalakay, ipinaayos Los Baños celebrates World Wetlands Day Mahigit 100, nakiisa sa ‘Wag Kang Masyadong Sweet’ Make It Makiling! 2016, idaraos sa Marso Ordinansa sa pagtatanim ng halamang-ugat, aprubado ng SB LB MNO, Pabasa sa Nutrisyon Hall of Fame Awardee PWDs ng CALABARZON, tinalakay ang pakikiisa sa halalan FEATURE Ang isang daang taon ni Nanay Albina Tatak LB: Alex Baluyut’s Extreme Close Up SPECIAL SECTIONS Ano'ng masasabi mo: Ano ang inaasahan mo sa parating na eleksyon at sa mga kumakandidato ngayon?

TRANSCRIPT

Page 1: February 2016

Libre!VOLUME XXXVIIssue 2 FEBRUARY 2016Serving Los Baños and nearby communities

www.lbtimes.ph

Dugong Bayani blood drive, isinagawa sa Los Bañosnina Charmaine Baisa, Jeena Vianca delos Reyes, Katrina Guanio, at Samantha Johanna Timbreza

Itutuloy sa pahina 4

Itutuloy sa pahina 3Continued on page 7

Isinagawa ang Dugong Bayani blood donation na dinaluhan ng 123 na tao mula sa iba’t ibang barangay at sektor sa Los Baños kung saan nakalikom ng 77 na 450 ml bags ng dugo. Ito ay may temang “Spread the Love, Give Some Blood,” at ginanap noong ika-13 ng Pebrero sa New Municipal Bldg. ng Los Baños.

Si Richard Nepomuceno, residente ng Brgy. Timugan, ay isa sa mga nakilahok sa programa. Ang pinakamahalagang dahilan ng kaniyang pagbibigay ng dugo ay upang makatulong sa iba.

Sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) ay naging magkakatuwang ang Municipal Health Office o ang Tanggapang Pangkalusugana ng Los Baños at ang Philippine Blood Center (PBC) sa pagsasagawa ng blood drive.

Sa MOA ng MHO at ng PBC, ang Los Baños ay “priority recipient” ng blood

Nakiisa ang kapulisan, fire fighters, traffic management group, mga opisyal sa munisipyo at barangay, at iba pang tanggapan ng gobyerno sa blood drive na ginanap sa munisipyo noong ika-13 ng Pebrero. (Larawan mula sa Facebook Page ng Tanggapang Pangkalusugan ng Los Baños)

BFP, nagsagawa ng pagsasanay sa volunteersni Charmaine Baisa at Ira Dominique Guerrero

“Ang lakas ng barangay ay lakas ng pamayanan. Hindi na po natin kailangan pang kumuha ng tulong sa iba, kasi nga kayo [mga volunteers ng bawat barangay], empowered na.” Ito ang pahayag ni Cynthia Navasero Quintans, ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer ng Los Baños, sa naganap na dalawang araw na pagsasanay para sa mga barangay first responders noong ika-20 hanggang 21 ng Pebrero sa Workshop Room ng Bagong Munisipyo at sa Liwasang Almasan Municipal Park sa Brgy. Baybayin. Ang programang ito ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Los Baños kasama ang pamahalaang bayan ng Los Baños at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ay naglalayong magkaroon ng mga first responders ang bawat barangay sa Los Baños.

Mahigit 600 katao, lumahok sa Magmaharun 2016nina Hazel Amalin at Joyce Rivera

Umabot sa 655 katao ang lumahok sa Magmaharun 2016, isang fun run na inorganisa ng University of the Philippines Los Baños Corps of Sponsors (UPLB COS), kasama ang Laguna de Bay Running Team, noong ika-21 ng Pebrero upang magsilbing isang post-Valentine’s Day celebration.

Nahati sa dalawang kategorya ang mga sumali sa Magmaharun 2016. Ang isang

katergorya ay ang single run na sinalihan ng 607 katao samantalang ang couple run naman ay nilahukan ng 24 na pares. Nagsimula ang pagpaparehistro ng pasado alas-tres ng umaga at natapos ng alas-sais ng umaga dahil na rin sa dami ng mga tao. Pormal na nagsimula ang takbuhan ng 6:40 at natapos ng alas-nuebe ng umaga.

LB celebrates Heart Monthby Jasmine Sandra Adornado at Stephanie Nicole Cruz

The Los Baños Municipal Health Office (MHO) holds “Heart Month” every February. This year, the event had three free services: Bilateral Tubal Ligation (BTL) on February 5; Fasting Blood Sugar (FBS) testing on February 12; and Dugong Bayani blood donation drive on February 13. Local doctors from the rural health offices, nurses, and barangay health workers (BHW) assisted the citizens of Los Baños who availed of the services from the MHO or the local municipal office.

“Usually kasi, pasyente ang pumupunta sa doktor. Ngayon, mga doctor naman ang

lumapit sa kanila,” according to Dr. Aileen Siota, a rural health officer of Brgy. Batong Malake.

The services, except for the FBS testing, were offered to patients who dropped by at the office that day. FBS testing was only offered to the employees of the Municipal Office. According to MHO Nurse Aiza Toledo, 102 municipal employees availed themselves of the free tests.

BTL was conducted on February 5 and was available from 8 am to 5 pm,

Page 2: February 2016

2 LOS BAÑOS TIMES

E D I T O R I A L S TA F FDianne Carmie BasilioSamantha Johanna TimbrezaRicarda VillarEditors-in-Chief

Jeena Vianca Delos ReyesRenz Louie CeleridadMa. Roxanne Fatima RolleAssociate Editors

Joel Chester PagulayanKatrina GuanioRicarda VillarLayout Artists

Lynette Carpio-SerranoMildred MoscosoRosa Pilipinas Fadri-FranciscoAdvisers

Arianne Bautista Donna Cris CorpuzNews Editors

The Los Baños Times is produced by the students and staff of the Department of Development Journalism

at the UP Los Baños College of Development Communication in partnership with collaborators from

local government agencies, civil society organizations, and schools in Los Baños. No part of this paper

may be reproduced or distributed in any form or by any means stored in a database or retrieval system

without prior consent. All rights reserved.

The Los Baños Times is located at Rm. 201B, Department of Development Journalism,

College of Development Communication, University of the Philippines Los Baños

College, Laguna

Tel. No.: (049) 536-2511 local 401 or 410Email: [email protected]

Website: http://lbtimes.ph

NEWS Laguna FPWD, nagpulong para ilatag ang vision, mission, at goals

nina Katrina Guanio at Samantha Johanna TimbrezaNagpulong ang Laguna Federation

of Persons with Disability (LFPWD) noong Biyernes, Pebrero 5, sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Sta. Cruz, Laguna para bumuo ng vision, mission, at goals ng samahan.

Ayon kay Jeanette Talag, pangulo ng Los Baños FPWD (LBFPWD), dumalo sa pagpupulong ang mga kinatawan ng FPWD mula sa iba’t-ibang munisipyo ng Laguna. Ani Talag, matagumpay daw ang pagpupulong, ngunit kailangan pa nilang tapusin ang

kanilang vision, mission, at goals. Dagdag niya, ipagpapatuloy pa raw nila ito sa susunod nilang papupulong sa darating na Marso 4, 2016.

Ayon kay Talag, marami nang naisagawang mga programa o gawain ang LBFPWD. Isa sa mga gawain na ito ay ang taunang National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week tuwing Hulyo. Ang NDPR ay hango sa Administrative Order No. 35 ng National Council on Disability Affairs.

Ang FPWD ay nagpupulong tuwing unang Biyernes ng buwan sa tanggapan ng DSWD sa Sta. Cruz. Samantalang ang LBFPWD naman ay nagkikita-kita tuwing ikatlong Biyernes ng buwan sa Office for Senior Citizens’ Affairs sa bayan ng Los Baños.

Ang LFPWD ay samahan ng mga taong may kapansanan na may layuning palakasin ang mga miyembro nito sa pisikal, mental, at iba pang aspeto. Ito ay itinatag noong 2012 habang ang LBFPWD naman ay anim na taon nang nasa serbisyo.

Sinimulan noong ika-8 ng Pebrero ang pagpapaganda ng multi-purpose hall ng Brgy. Lalakay sa Los Baños, Laguna.

Ang proyektong ito ay isinagawa sa tulong din ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ibinahagi ni Kapitan Leticia Concepcion na sisikapin nila itong matapos sa loob ng 3-4 na buwan.

Ang layunin ng pagpapagawa ng multi-purpose hall ay ang pagpapaganda ng pasilidad ng Brgy. Lalakay, madagdagan ang mga lugar na maaaring pagdausan ng mga pagpupulong, at maging isang evacuation

Multi-purpose hall ng Lalakay, ipinaayosnina Donna Cris Corpuz at Benjamin Magiting Olfindo

center ang ikalawang palapag nito sa panahon ng kalamidad.

Iniugnay din ni Kapitan Concepcion ang proyektong ito sa pagpapanatili ng magandang kalusugan ng mga mamamayan ng Barangay Lalakay. Ayon sa kanya, kapag natapos ang multi-purpose hall na ito, dito gaganapin ang mga medical mission at iba pang mga gawain ng barangay na may kinalaman sa kalusugan.

Ayon kay Kapitan Concepcion, ang pondong ginagamit sa proyektong ito ay

mula sa pinagsama-samang tulong ng lokal na pamahalaan at tanggapan ng ikalawang distrito ng Laguna.

Samantala, ipinahayag ni Kapitan Concepcion na masaya siya sa suportang natatanggap niya mula sa lokal na pamahalaan tungkol sa proyektong ito. Ibinahagi rin niya ang positibong pagtugon ng mga mamamayan ng Brgy. Lalakay ukol sa proyektong ito dahil noong 1989 pa nang huli itong nagawa. “Hindi ko ito magagawa kung wala ang tulong ng Sangguniang Barangay. Para ito sa service ng mga mamamayan ng Lalakay at sa mga susunod pang henerasyon,” ani Kapitan Concepcion.

Los Baños celebrated World Wetlands day with the theme: “Wetlands for our future: Sustainable Livelihood,” by hosting a forum last February 2 at the University of the Philippines Los Baños (UPLB), Ecosystems Research and Development Bureau (ERDB) auditorium.

The Society for the Conservation of Philippine Wetlands (SCPW), alongside Laguna Lake Development Authority (LLDA),

Los Baños celebrates World Wetlands Day by Emmanuelle Dominique Mendoza

Continued on page 4

Ecosystems Research and Development Bureau (ERDB), Biodiversity Management Bureau (BMB), and Uniliver Philippines (ULP), led the forum.

The forum aimed to show the importance of wetlands, and how wetlands can provide livelihoods to communities. Another aim of the forum is to raise awareness on the conservation of

Philippine wetlands, especially Laguna de Bay, and to provide an avenue for the community members to voice out their opinions and concerns.

Secretary J.R. Nereus Acosta of LLDA and Sen. Cynthia Villar discussed her advocacy to provide local communities with sustainable livelihood, and the protection and conservation of the environment.

JAdornado ■ HAmalin ■ CBaisa ■ DCBasilio ■ ABautista ■ NPBuenviaje ■JCarles ■ RLCeleridad ■ MChico ■ DCCorpuz ■ SNCruz ■ JVdelosReyes ■ JAGalang ■ JGaurano ■ KGuanio ■IDGuerrero ■ MJAJadaone ■ SLatap ■ EDMendoza ■ MGMercado ■ BMOlfindo ■ JCPagulayan ■ RPerez ■ FARanas ■ RMRaton ■ JRivera ■ ALSantos ■ JTTancangco ■ SJTimbreza ■ DTialban ■ PTriñanesWriters

Jean Andrea GalangMonica Grace MercadoFeature Editors

Page 3: February 2016

3LOS BAÑOS TIMESNEWSMahigit 100, nakiisa sa ‘Wag Kang Masyadong Sweet’nina Franz Allen Ranas at Rejn Mireille Raton

Mula sa pahina 1

Mahigit 100 ang nakiisa sa taunang programa ng munisipyo na ‘Wag Kang Masyadong Sweet para sa Fasting Blood Sugar testing na ginanap noong Biyernes, Pebrero 12. Ang programa ay ginanap sa munisipyo ng Los Baños mula 7:30 ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali. Ito ay ipinatupad ni Konsehal Cesar Cabrera at pinangunahan nina Dr. Eileen Guevara-Siota at Nurse Aiza Toledo.

Ang programang ‘Wag Kang Masyadong Sweet ay nagbigay oportunidad sa mga manggagawa sa mga opisina ng munisipyo at lokal na mamamayan upang magpakonsulta at makumusta ang kalagayan ng kanilang blood sugar.

Ayon kay Dr. Siota ng Rural Health Unit 2 ng Brgy. Batong Malake, ang konsultasyon na ito ay para sa maintenance ng kalusugan ng mga manggagawa at pagbibigay payong pangkalusugan upang malaman kung may bago mang kaso ng diabetes.

Sumailalim muna ang mga magpapa-konsulta sa isang screening, tinanong kung sila ba ay nagpa-tattoo kamakailan, kasalukuyang may sakit, o kung galing sa Palawan. Matapos ang screening, sila ay sumailalim sa blood sugar at cholesterol level testing, at one-on-one na konsultasyon kay Dr. Siota. Kung normal ang blood sugar at cholesterol level, makatatanggap ang nagpakonsulta ng isa hanggang dalawang piraso ng Chocnut mula

Ang mga manggagawa ng gobyerno at mamamayan ng Los Baños ay nakiisa sa blood sugar testing. (Larawan mula sa Facebook Page ng Tanggapang Pangkalusugan ng Los Baños)

kay doktora. Samantala, payong medikal naman ang matatanggap ng mga may matataas ang mga lebel ng sugar at cholesterol sa dugo.

Binigyang-diin din ni Dr. Siota ang kahalagahan ng regular na pagkonsulta sa doktor, lalo na ang pag-alam sa lebel ng blood sugar sa katawan dahil na rin sa taas ng kaso ng diabetes sa ngayon. Dagdag pa ni doktora ang higit na pangagailangan ng araw-araw na pag-eehersisyo, pagkain ng tama at masustansyang pagkain, at

ang pagpunta sa doktor nang hindi bababa sa dalawang beses kada taon.

Ang programang ito ay sadyang itinatapat sa linggo ng Araw ng mga Puso dahil na rin sa kasikatan ng mga tsokolate at iba pang matatamis na pagkain sa araw na iyon. Naging taunang programa na rin ito dahil sa pangangailangan ng konsultasyon, hindi lamang ng mga mamamayan kundi pati na rin para sa kalusugan ng mga manggagawa ng lokal na pamahalaan.

BFP, nagsagawa... Sa unang araw ng programa, 98 panauhin mula sa 12 barangay ng Los Baños ang nakiisa at nakinig sa mga opisyal ng BFP ukol sa first aid, mga uri ng apoy at kung paano ito maapula, at ang ilang kagamitan ng bumbero.

Make It Makiling! 2016, idaraos sa Marsoni Nykyle Patricia Buenviaje at Ira Dominique Guerrero Ang Makiling Center for Mountain Ecosystems (MCME) ay magdaraos ng kanilang taunang programa na tinatawag na Make It Makiling! 2016 kung saan libu-libong mga panauhin ang magtitipun-tipon upang lumahok sa mga aktibidad tulad ng hiking at camping sa loob ng Mount Makiling Forest Reserve (MMFR). Ito ay gaganapin sa darating na ika-21 hanggang ika-28 ng Marso sa dalawang entry points ng MMFR: ang Maria Makiling Trail sa loob ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) at ang Sipi Trail sa Sto. Tomas, Batangas. Ayon kay Jojo Barile, ang head ng External Linkages and Decision Support Division ng MCME, layunin ng programang ito na tiyakin ang kaligtasan ng mga panauhin sa kanilang pagdalaw sa MMFR at siguraduhin na mapangalagaan ang Mt. Makiling. “This is a Lenten season activity wherein we are managing the influx of visitors during Holy Week, [Isa itong programa sa darating na Mahal na Araw kung saan pinangangasiwaan namin ang pagdagsa ng mga panauhin tuwing Semana Santa,]” banggit ni Barile. Nagsimula ang programang ito 14 na taon na ang nakakaraan dahil napansin ng MCME

na dumarami ang mga taong bumibisita sa MMFR sa panahong ito. Idinagdag din ni Barile na humigit-kumulang 4,000 katao ang dumarayo sa MMFR tuwing Mahal na Araw. May mga patakarang kailangan sundin upang maging kalahok sa Make It Makiling! 2016. Una sa lahat, ang bawat kalahok ay kailangang dumaan sa isang briefing na isasagawa ng mga volunteer mula sa MCME. Matapos ito, kinakailangan ding dumaan sa inspeksyon ang mga gamit ng bawat kalahok dahil ipinagbabawal ang pagdala ng alak, sigarilyo, matatalim na bagay, at iba pang mga gamit na maaaring makapinsala sa MMFR. Maaari nang magparehistro ang mga kalahok matapos ang mga nabanggit na patakaran. Mayroong karampatang entrance fee na P10.00 ang bawat kalahok at PhP 30 naman kung nais mag-camping. Ang mga nais mag-hiking ay kinakailangan ding magsuot ng angkop na damit at sapatos. Samantala, ang nais namang mag-camping ay kinakailangang magdala ng angkop na kagamitan kagaya ng mga tent at sleeping

bag. Hindi papapasukin sa Maria Makiling Trail o sa Sipi Trail ang mga hindi sumunod sa mga nabanggit na patakaran. Nabanggit din ni Barile na may tatlong destinasyon ang maaaring puntahan sa Make It Makiling! 2016. Kabilang dito ang Flatrocks, Mudspring, at ang Summit. May nakatakdang mga volunteer group mula sa MCME na naatasang tumulong sa mga panauhin sa bawat destinasyon. Maaring bisitahin ang website ng MCME para sa iba pang detalye patungkol sa Make It Makiling! 2016, http://mim.mountmakiling.org. Maari ring magtungo sa kanilang opisina sa UPLB College of Forestry and Natural Resources upang magkaroon ng iba pang ideya tungkol sa kanilang mga aktibidad.

Page 4: February 2016

4 LOS BAÑOS TIMES NEWS

Dugong Bayani...

Los Baños celebrates...

Mula sa pahina 1

Continued from page 2

bags o isa sa mga unang makakakuha ng makokolektang dugo. Makatatanggap ang Los Baños ng 30% ng kabuuang bilang ng blood donation sa bawat bloodletting activity na isinasagawa sa bayan.

Ayon kay Dr. Alvin A. Isidoro, municipal health officer ng Los Baños, “Nare-replace ang dugo every three months, [donating blood] helps your system to replenish old blood so that newer blood can circulate”. Patunay ito na hindi lamang nakakatulong ang pagbibigay ng dugo sa iba, kundi pati na rin sa katawan ng nagbigay ng dugo.

Ayon kay Aiza Toledo, co-coordinator ng Dugong Bayani, ang bloodletting activity kasama ang PBC ay nagsimula noong 2013 at kasalukuyang isinasagawa tuwing tatlong buwan.

Bago ang mismong bloodletting activity, ang mga blood donors ay nakapanayam at kinuhaan ng vital signs ng mga taga-pamahala ng Dugong Bayani. Naipabatid na rin sa mga blood donor ang mga dapat at hindi dapat gawin bago makilahok sa bloodletting activity.

Kinakailangang may sapat na tulog at may timbang na 50 kilo pataas upang maging blood donor. Dagdag pa rito, ang blood donor ay dapat walang bagong tattoo, walang iniinom na gamot, hindi uminom ng alak kamakailan, hindi nag-donate ng dugo kamakailan, at hindi bumyahe mula sa lugar na may epidemiya. Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng at benepisyo para sa blood donor at tatanggap ng dugo. Ang bloodletting activity ay makatutulong sa mga nangangailangang may sakit, lalo na’t nakukuha ito nang libre.

Isa rin sa mga nagbigay ng dugo at nagboluntaryo ay si Lorelyn Padillo, 38,

na isa ring barangay health worker ng Tuntungin-Putho. Nang ipinanganak niya ang kaniyang pangalawang anak noong 2004, nahirapan siya na umabot sa punto na nangailangan siya ng tatlong bags ng dugo.

“Nangailangan ako ng dugo noon kaya simula pa lang noon sabi ko na kapag ako ay nakarecover sa panganganak, magdodonate ako ng dugo… naranasan namin na mangailangan ng dugo kaya sabi namin ibabalik namin ‘yung naging tulong nila sa amin,” ani Padillo.

Matapos ang pangyayaring ito, napagdesisyunan niya at ng kaniyang pamilya na makilahok sa mga ganitong programa upang masuklian ng tulong sa ibang tao ang kaniyang natanggap noon.

Dati na rin siyang nagbigay ng dugo sa Red Cross at sa ibang mga residente na nangangailangan sa kanilang barangay. Ito na ang ika-11 beses niyang pagbibigay ng dugo.

Nagpapasalamat naman si Ms. Irene Bautista, coordinator ng programa at public health midwife ng Los Baños, sa lahat ng mga nakilahok at tumulong sa kanila upang maging matagumpay ang Dugong Bayani.

Ang Dugong Bayani Blood Donation ay isang programa ng MHO ng Los Baños. Sinimulan ito noong 2010 kasama ang Philippine Red Cross. Ngunit matapos ang ilang taon, noong 2013, ang MHO na nangunguna sa pag-organisa ay nakipagtulungan na sa Philippine Blood Center. Mula noon, mas naging madalas ang nasabing programa. Katulong din nila

Ordinansa sa pagtatanim ng halamang-ugat, aprubado ng SBni Joel Chester Pagulayan “Menos sa gastos. Sariwa. Organic.” Iyan ang pagkakalarawan ni Tony Tandang, residente ng Barangay Bayog, sa pagtatanim ng mga halamang-ugat sa kanya-kanyang mga bahay. Ipinasa ng Sangguniang Bayan (SB) noong ika-2 ng Pebrero ang Municipal Ordinance No. 2016-1506 na nagtatakda sa bawat residenteng magtanim ng anumang uri ng halamang-ugat tulad ng kamote, labanos, patatas, atbp. Ito ay bilang tugon sa direktang epekto ng climate change sa food security. Ayon kay Martin Q. Imatong, ang consultant ng Los Baños Climate Change Adaptation and Mitigation Program, food security ang tawag sa kasiguruhan ng mga tao sa sapat, ligtas, at masustansyang pagkain. Ngunit ayon sa datos ng Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC) noong 2014, humigit kumulang 1,400 ektarya o sangkapat ng lupa sa Los Baños ay mga lupang sakahan na maaring mapinsala at

maapektuhan ng climate change na magkakaroon ng malaking epekto sa food security. Apat na bahagi ng food security ang pinaka-naaapektuhan ng climate change: food availability, food accessibility, food utilization, at food systems stability. Ayon sa ordinansa, magkakaroon ng direktang epekto ang mga ito sa kalusugan, kabuhayan, produksyon, at pamamahagi ng pagkain. Maaaring maging panandalian o pangmatagalang epekto ang mga ito ng pabago-bagong klima sa ating bansa. Ayon din sa ordinansa, ang pagtatanim ng anumang halamang-ugat sa mga bakuran ng bawat residente ay makatutulong sa pagresolba ng isyu ng food security at sa pagbabawas ng mga nakasasamang epekto ng climate change. Base sa mga tala at pag-aaral, kayang labanan ng mga halamang-ugat ang mga

peste at mga sakit sa pananim, pati na rin ang matinding init na nararanasan natin sa ating rehiyon. Ilan pa sa mga pakinabang nito ay: hindi na mahihirapan kumuha ng pagkain anumang oras dahil madali itong itanim at anihin, at ito ay pangunahing pinagkukunan ng lakas at enerhiya sa katawan. Ayon kay Tandang, isang magandang simula para sa bayan ng Los Baños ang ordinansa dahil mababawasan ang paggamit ng mga residente ng mga artipisyal na pesticides at pataba sa lupa na alinsunod sa isa ring sinusulong ng ordinansa, ang organic agriculture. “Mas [makabubuti] yun kasi hindi ka na mahihirapang maghanap. Hindi yung pupunta ka pa dun, pupunta ka pa dito. Mas maganda yung sa inyo na lang, sa inyo niyo na lang itatanim...” ani ni Mary Jane Icarro, tindera ng gulay at prutas sa Grove sa Brgy. Batong Malake.

ang pamahalaan ng Los Baños sa programang ito. Mula sa buwang ito ay kaagapay na rin ang Jollibee dito.

Sa darating na Hunyo, isasagawa ang susunod na Dugong Bayani. Kung may katanungan ukol sa iba pang detalye ng Dugong Bayani at sa iba pang programa ng MHO, i-add lamang ang kanilang Facebook account: Tanggapang Pangkalusugan.

The forum tackled topics on Lambat para sa Ikauunlad ng Mangingisda at sa Lawa, Tourism in Laguna de Bay, finding ways to use Knife Fish in Laguna Lake, and raising the awareness on the conservation and livelihood opportunities of communities living in the lakeshore.

During the open forum, Romeo San Juan, Chairman of Mangingisda Alyansa ng Pila (MAPILA); Felimon Buena, President of Kapatiran ng Malalayang Maliliit na Mangingisda sa Pilipinas (KAMMMPI); Rebecca V. Labit, Regional Director of Department of Tourism-CALABARZON; Representative of Mayor Wilfredo M. Quiat, Johmar Gonzales, Municipal Administrator of Pila; and Jaime Evangelista, Chairman of Ugnayan ng mga Mamamayan at Mangingisda ng Rizal (UGMMARIZ) tackled the damage brought by knifefish in Laguna de Bay, and the possible effects of reclamation projects in Laguna de Bay.

The discussion also included the reclamation where organizations of fisherfolks strongly opposed the reclamation projects for the expressways and dikes because of the adverse effects it will have on their livelihood and the environment.

Page 5: February 2016

5LOS BAÑOS TIMESFEATURE

Mababakas sa matamis na ngiti ni Nanay Albina ang naipon niyang lakas at ligaya mula sa 102 taong nakalipas sa kanyang buhay.

Sa ngayon, si Nanay Albina Royo lamang ang natatanging senior citizen na umabot sa higit 100 taong gulang sa buong bayan ng Los Baños. Siya ay ipinanganak noong Disyembre 26, 1913.

Nabiyayaan siya ng dalawang anak. Isa rito ay si Rosalinda Flores na naninirahan kasama niya ngayon.

Ang pamilya ni Nanay Albina ay nakatira ngayon sa Purok 6B, Brgy. Bambang sa Los Baños, Laguna. Dahil nga mahina na ang pandinig at paningin ni Nanay Albina, pinili ng kanyang anak na si Rosalinda na siya na lamang ang makapanayam.

Bago pa man sila lumipat sa Laguna, dati silang naninirahan sa tabing-dagat sa Catabangan, Camarines Sur. Ayon kay Rosalinda,

nina Marielle Chico at Monica Grace Mercado kasama ang mga kuha ni Donna Cris Corpuz

mula pa noong mga panahong iyon ay masusustansyang pagkain ang inihahain sa kanila ng kanilang ina. Kadalasan ay gulay at isda ang nasa kanilang hapag-kainan, minsan naman ay kamote at kamoteng kahoy. Mula noong mga bata pa sila ay bihira silang kumain ng karne, at hanggang ngayon ay dala pa rin nila ang kaugaliang ito.

Bukod sa pagkain ng masusustansya, hindi rin nagkaroon ng kahit anumang bisyo si Nanay Albina. Ito rin ang dahilan kung bakit malakas ang kanyang resistensya. Bagaman karaniwan sa mga matatanda ang pagkakaroon ng mga sakit, si Nanay Albina ay wala pa ring nagiging karamdaman.

Ayon sa kanyang anak, hindi kumukonsulta sa doktor si Nanay Albina dahil hindi rin naman siya nagkakasakit. Wala pa siyang iniinom na mga gamot maliban sa vitamins, na siyang sariling desisyon ng kanyang pamilya. Sa katunayan, nagagawa pa rin ni Nanay Albina na asikasuhin ang sarili niya—nakalalabas pa siya ng kwarto

Angisang daangtaon niNanay Albina

at nakalalakad bagaman inaalalayan din ng kanyang pamilya, nakapagtutupi pa ng mga damit, nakakakain, at nakaliligo pang mag-isa.

Ang tanging ininda ni Nanay Albina ay ang mahinang pandinig at malabong paningin dala na rin ng katandaan. Ang kahanga-hanga rito ay nagsimula lang ito noong siya ay higit 100 taong gulang na. Gayunpaman, nakaaaninag pa rin siya ng liwanag at nakakikilala pa rin.

Ang minsanang paggawa ng mga upholstery ang isa sa mga ikinabubuhay ng pamilya ni Nanay Albina. Bukod dito ay may natatanggap na pensyon si Nanay Albina na dati’y natatanggap ng kanyang pumanaw na asawa. Mayroon ding makukuha na social pension si Nanay Albina mula sa Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Office ng Los Baños na nagkakahalagang PhP 500 kada buwan.

Bagaman 102 taong gulang na si Nanay Albina ay ngayon pa lamang siya mabibigyan ng social pension dahil ngayon pa lamang siya nakapagpasa ng mga kailangang dokumento.

Noong Oktubre 30 ng nakaraang taon, nagawaran ng parangal si Nanay Albina mula sa lokal na pamahalaan ng Los Baños. Ang parangal na ito ay ibinigay noong Linggo ng Nakatatandang Filipino na may temang “Igalang ang Nakatatanda at ang Kanilang mga Karapatan.”

Sa panahon ngayon, hindi karaniwan ang umabot sa edad na higit 100 taon. Kaya nga’t tunay na katangi-tangi at karapat-dapat si Nanay Albina para sa gawad ng pagpapahalaga na ito dahil sa dalawampu’t anim na pinarangalan, siya lamang ang nag-iisang centenarian.

Ang susi sa mahabang buhay ni Nanay Albina ay ang kaligayahan sa piling ng kanyang pamilya.

Ang pinakamatandang mamamayan ng Los Baños ay si Albina Royo. Siya ay nakatira kasama ng kanyang anak sa Purok 6B, Brgy. Bambang.

Isang ngiti ang isinagot ni Nanay Albina sa kanyang anak nang sinabi nitong siya ay may bisita.

Page 6: February 2016

6 LOS BAÑOS TIMES

nina J Carles at Jan Trisha TancangcoLB MNO, Pabasa sa Nutrisyon Hall of Fame Awardee

“Naaawa ako doon sa mga bata, pababayaan mo ba ‘yon, eh malnourished na nga.”

Ito ang mga katagang binitawan ni Carmen Jumawid, 69, presidente ng Barangay Nutrition Scholars (BNS) sa munisipyo ng Los Baños (LB). Labinglimang taon nang naglilingkod si Carmen bilang BNS pero nananatili pa rin sa kanya ang kagalakan at dedikasyon sa kanyang ginagawa.

Isa lamang si Carmen sa mga masisipag at dedikadong BNS na naging katulong ng Municipal Nutrition Office (MNO) sa pagkamit ng “Pabasa sa Nutrisyon Hall of Fame Award”. Ito ay iginawad sa LB MNO ng National Nutrition Council (NNC) sa 65th Annual Convention ng Philippine Association of Nutrition, Inc. noong Hulyo 8, 2015 sa Century Park Hotel.

Nakuha ng Los Baños ang parangal dahil naisagawa nila sa tatlong sunod-sunod na taon ang programa sa 14 na barangay ng munisipalidad.

Ayon sa MNO, ang sikreto sa tagumpay na kanilang nakamit ay ang masisipag na BNS na sinisiguradong may matututunan ang bawat ina na dumadalo sa programa. Bukod sa mga aral na makukuha ng mga ina, tinitiyak rin ng mga BNS na magkaroon ang mga ina ng masayang karanasan.

Ang Pabasa sa Nutrisyon ay taunang programa ng NNC na ipinapatupad sa lahat ng munisipyo ng bawat lalawigan sa buong bansa. Ito ay seminar na isinasagawa sa iba’t ibang barangay kung saan tinitipon ang mga nanay para mabigyan ng dagdag kaalaman tungkol sa nutrisyon. Bawat barangay ay may limang

araw na Pabasa sa Nutrisyon. Kasama dito ang pagtuturo ng mga masusustansyang pagkain na kailangan nilang ihain sa hapagkainan para mabigyan ng sapat na nutrisyon ang kanilang mga anak. Pagkatapos ng limang araw na seminar, ang mga nanay na nakilahok ay pwede nang kilalanin na nakapagtapos ng programang Pabasa sa Nutrisyon.

Sa likod ng tagumpay na nakamit ay marami ring mga pagsubok ang hinarap ng MNO, katulad ng kakulangan sa pondo at kawalan ng sariling sasakyan na magagamit sa pagpunta sa iba’t ibang barangay. Ayon din sa MNO, mas mapabubuti din ang kanilang serbisyo kung dadagdagan pa ang pagsasanay ng mga BNS.

“Kapag mas marami kaming natutunan, mas marami kaming ibababa sa mga pupunta,” sabi ni Rachel Terco, BNS ng Tadlac.

Ayon sa MNO, mapapanatili nila ang pagiging Hall of Fame awardee sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng maayos at tapat na paggawa ng kanilang trabaho. Mas tututukan pa diumano nila ang mga nanay sa bawat barangay para mas mapababa ang malnutrisyon sa buong munisipyo ng Los Baños.

“Masaya kaming may napatapos at naturuan kami [tungkol sa nutrisyon] na pwedeng i-apply [ng mga nanay],” ani ni Rachel. Dagdag pa niya na nakatutuwa na nagbunga ang ilang taong pinaghirapan ng MNO at mga BNS.

Nagka-tipon-tipon ang mga Barangay Nutrition Scholars ng Los Baños nang kanilang tanggapin ang Pabasa sa Nutrisyon Hall of Fame Award noong Hulyo 2015. Kasama nila sa litrato ang mga opisyal ng National Nutrition Council (NNC) at ang mga taga-LB MNO, kasama si Kgg. Ceasar Perez (sa gitna), punongbayan ng Los Baños. Larawang hango sa Facebook page ng Municipal Nutrition Office ng Los Baños)

Isang pagpupulong ng mga may kapansanan noong Enero 9 ang tumalakay sa partisipasyon ng mga Persons with Disabilities (PWDs) sa darating na halalan.

Pinamagatang “Region 4A PWD Leaders Meeting”, ang aktibidad ay inorganisa ng Ang May Kapansanang Bayani Movement (MABINI Movement-CALABARZON) at ginanap sa Andrea’s Hidden Villas Resort sa Tagaytay City.

Dumalo ang mga miyembro ng mga organisasyong pang-PWD mula sa iba’t-ibang bayan ng Rehiyon 4A. Kabilang dito ang tatlong miyembro ng Los Baños Federation of Persons with Disabilities (LBFPWD), Inc. na sina Jeanette Talag, presidente ng samahan; Lorelie Liwanag, focal person; at Lenie Bonapos, press relations office.

Tinalakay sa pagpupulong ang pakikiisa sa eleksyon ng mga PWD sang-ayon sa Republic Act 10366 na kumikilala sa pangangailangan ng mga may kapansanan ng angkop na kagamitan at suporta sa pagboto. Mas kilala ang batas bilang Act Authorizing the Commission on Elections to Establish Precincts Assigned to Accessible Polling Places Exclusively for Persons with Disabilities and Senior Citizens.

Isa sa mga tagapagsalita ay si Dr. Jeana Manalaysay, isang dentista. Ayon kay Dr. Manalaysay, mahalaga rin ang magkaroon ng party list ang mga may kapansanan. Makakatulong itong palakasin ang boses ng mga PWDs sa Kapulungan ng mga Kintawan sa pamamagitan ng paglikha ng mga batas na nagsusulong sa mga karapatan at oportunidad ng mga PWDs.

Dumalo rin bilang tagapagsalita si Ronnel del Rio, isang tagapagsulong ng karapatan ng PWDs ng United Nations-Economic and Social Commission in the Asia Pacific. Katuwang niya sa diskusyon si Edwin de Villa, presidente ng Spinal Cord Injury Foundation. Tinalakay nila ang tamang pagtrato sa mga may kapansanan bilang parte ng lipunan. Pinag-usapan rin ang mga posibleng pagkukunan ng alternatibong pondo para sa mga programang makakatulong sa mga PWD.

Nagkaroon rin ng pagsasanay sa paggamit ng braille at software na nagbabasa ng mga salita sa computer screen para sa mga bulag. Napapadali nito ang komunikasyon ng mga visually impaired at tumutulong itong makasabay ang mga bulag sa lipunan sa pamamagitan ng makabagong tekbolohiya. Ito ay pinangunahan ni Arthur Letim, bise president sa Luzon ng Philippine Blind Union, Inc.

PWDs ng CALABARZON, tinalakay ang pakikiisa sa halalanni Jeanette Talag

Itutuloy sa pahina 7

NEWS

Page 7: February 2016

7LOS BAÑOS TIMES

Hangad ng LBFPWD ang mas mataas na pagkilala sa mga PWDs sa bayan. Para sa mga katanungan at impormasyon, makipag-ugnayan lamang kay Jeanette Talag sa 0936-3471973.

“Katapatan. Kung ano ang sinabi nila kailangan gawin. Hindi pagpapayaman, hindi gagawa ng pansariling kagustuhan, tulad ng kurakot. Iyon lang tapat sa bayan, malinis ang kamay, tapat sa kanyang siniserbisyohan. Isang malinis at maayos na halalan,

walang pandaraya, buong katapatang gagampanan ang tungkulin.”(Lolita Ubana, 70, Bayog)

“Maaaring magkaroon ng dayaan diyan. Hindi mawawala ‘yan eh. Para sa akin, sana magbago na nga ang sistema ng ating Pilipinas”(Ralph Jones Jr., 52, Bambang)

“Magiging maayos naman siguro. Sana makatulong sila sa mahihirap, sa mga walang trabaho. Madaming walang trabaho. Mahirap humanap ng trabaho.” (Adrian Malicdim, 25, Baybayin)

“Pagbabago. Kasi dito sa aming lugar ay maraming mahihirap. Ang bilihin minsan masyadong mataas.” (Felix Faraon, 58, Lalakay)

Para sa lahat ng posts tungkol sa bayan ng Los Baños - larawan o video ng aktibidades, balita, traffic report, at iba pa

Para sa mga natatanging kwento ng mga indibidwal o samahan mula sa inyong barangay o opisina na nais niyong mailathala dito sa Los Baños Times

Para maipamahagi ang mga gawain at proyekto ng inyong barangay, samahan, o ahensya sa bayan ng Los Baños

“Sa pagpapalakad ng gobyerno natin sana mas maganda pa kaysa dati. Number one sa akin totally walang korupsyon [...] Habang nariyan ýan ‘di uunlad ang Pilipinas.”

(Jose Cuerbo Jr., 45, Tadlac)

kinalap nina Shaime Latap at Mary Joyce Anne Jadaone

Ano ang inaasahan mo sa parating na eleksyon at sa mga kumakandidato ngayon?

ANO’NG MASASABI MO?

Continued from page 1

Mula sa pahina 6

LB celebrates...

PWDs ng CALABARZON...

with the help of Marie Stopes Clinic, an international clinic that supports women’s health.

FBS testing was available from 7:30 a.m. to 12 p.m. last February 12 at the Municipal Office of Los Baños. The service consisted of free consultation and screening of blood sugar and blood pressure.

Meanwhile, the Philippine Blood Center (PBC) of Manila, in partnership with MHO, performed the blood donation drive on February 13 from 8 a.m. to 12 noon.

“Araw-araw na ginagawa sa mga center [Rural Health Office] at sa main [Municipal Health Office] ‘yung free consultation. Nilalapit lang sa mga tao ‘yung mga services,” (“Free consultation is available at the Rural Health Offices on a regular basis. We are just making the services more easily accessible for the citizens.”) Siota added. She also said that the citizens of Los Baños are usually not able to avail of these health services due to lack of time.

According to Toledo, MHO has been conducting Heart Month before February 14 since 2011.

NEWS

I-share ang inyong mga larawan/videos tungkol sa Los Baños dito sa Los Baños Times!

Mapa-Facebook, Twitter, o Instagram man, gamitin lamang ang mga sumusunod na hashtags para mailathala namin ang inyong mga posts.

#LBTimes #RondaLB

#LBTimes #TatakLB

#LBTimes #UlatBayan

Page 8: February 2016

Remarkable stories of Los Baños

Alex Baluyut’s Extreme Close Upby Dianne Carmie Basilio

You can see him walking around town wearing a plain t-shirt, shorts and a cap. You see him roam through the streets of Grove and Lopez Avenue on his bicycle. His simple demeanor belies the fact that he is one of the most influential Asian photographers according to Invisible Photographer Asia. “Ako, kasama ng mga brothers ko, we just bought a camera. We started experimenting. Tapos yun na yun, doon nagsimula,” said Alex Baluyut when asked how his career and passion for photography started. More than 30 years later, he found himself living his passion for photography. Baluyut started as a photojournalist. He worked for the Associated Press, Malaya, and the Manila Times. But what defined him as a photographer is the fact that he was able to document the protest movement against Marcos and was a part of the Mosquito Press. Now, Baluyut is a documentary photographer residing in Los Baños with his partner, Precious Leaño, and their two sons. Capturing Los Baños “I am proud of documenting my life here in Los Baños.” For him, being able to document life through photographs does not end. Compared to photojournalism, when you run out of news, there is really nothing that you can capture. Unlike in documentary photography, it is a never ending story. He even adds “Unless mamatay ka. But still, you never know.” Furthermore, self expression is easier in documentary photography

and it is one of the reasons why he chose to pursue documentary photography instead of photojournalism. He says living in Los Baños liberated his photography. “Noong nag start na ako mag-post ng pictures ng nature, kagaya [ng] flowers, siguro inisip ng mga nakakakilala sa akin ‘Hala nababakla na si Alex.’ Pero hindi eh, that is still documenting. Naging open lang [ako] sa mga bagay that usually you won’t notice kase nasa isip mo dapat strong ang dating. It’s still my photograph, ang iniiba ko na lang diyan ay ang style kagaya ng captions.” It is only in Los Baños that he experienced nature and tranquility which allowed him to loosen up when it comes to his photography. Los Baños freed him from being stuck in a photography style that appeared more “masculine”. Long Shot Like most people who pursue a career in photography, Baluyut second guessed his passion when he was just starting his career. Even his brothers who also loved the craft shifted from photography to film or advertising. “There came a time that I had to think about it. Pero napamahal na ako and sa isip ko, wala ng natira eh [sa photography].”

If he hadn’t pursued photography, he said he would have probably been an accountant, a history teacher/historian or even a chef. These what ifs have become a part of Baluyut. In fact, aside from being the established documentary photographer that he is, he is also a curator, mentor/teacher, and community cook. Teaching has always been something that Baluyut wanted to do, so he started a Masterclass in Documentary Photography (MCDP) where he teaches and shares about documentary photography. MCDP started in 2010 and is now on its 11th wave. Through the MCDP, he wants aspiring photographers to create their own story and have their own adventures like him. Furthermore, Baluyut also initiated the Art Relief Mobile Kitchen (ARMK) that conducts missions to help and feed communities hit by natural disasters. ARMK was established on November 15, 2013; eight days after Typhoon Yolanda hit the country. As of this writing ARMK has fed more than 100,000 people. Baluyut and his family have no plans of leaving Los Baños. Aside from having beautiful sceneries like Mount Makiling and Laguna Lake to photograph, Baluyut admires how people in Los Baños still practice Filipino values. With the hope of inspiring the Los Baños community, Baluyut has this to say to everyone whether they are planning to pursue a career in photography or not: “In this day and age, it’s getting harder and harder to make a name for yourself and start a career without being diverse. Diverse yung interests mo and hindi lang sa photography; sa buhay [rin]. Hindi mo pwede i-isolate yung sarili mo. You should open yourself and that’s the only way na makikita mo path mo.”

Photo by Alex Baluyut

EDSA 1986. “More than 30 years ago, as a photojournalist, I took a stand and used my ax to document the protest movement against the dictator Pres. Ferdinand Marcos. From the street protests to the mountains to cover the revolutionary movement, I continuously made photographs.Never forget! No to the Marcos family back to power!” (Alex Baluyut Photograph)

Phot

o by

Pre

ciou

s Lea

ño

(Pho

to fr

om A

lex

Balu

yut’s

FB

page

)