fil comics

8
Patuluyin mo. Sabihin mo maghintay siya. Ika-12:45 ng tanghali, habang kumakain ang mag-asawang Frankie at Eny, nang dumating ang katulong. Isa hong matandang babae na tiyahin daw ni Sinyorito Frankie. Sino yon? Ano daw ang pakay niya? Pinatuloy mo ba? Hindi ho niya sinabi. Nasa labas pa ho siya. Ano nanaman kayang gusto nun? Anak-anakan ng mga maralitang magsasaka, si Tata Gusting at asawa nitong si Nana Cela, si Frankie. Habang naglilingkod sa siyang kalihim ni Don mamerto, isang importador na biglang yaman, ay nakilala niya at napangasawa ang anak nitong si Eny.

Upload: yvanne-christine-cuesta

Post on 09-Jun-2015

456 views

Category:

Technology


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: fil comics

Patuluyin mo. Sabihin mo maghintay siya.

Ika-12:45 ng tanghali, habang kumakain ang mag-asawang Frankie at Eny, nang dumating ang katulong.

Isa hong matandang babae na tiyahin daw ni Sinyorito Frankie.

Sino yon?

Ano daw ang pakay niya? Pinatuloy mo

ba?

Hindi ho niya sinabi. Nasa labas

pa ho siya.

Ano nanaman kayang

gusto nun?

Anak-anakan ng mga maralitang magsasaka, si

Tata Gusting at asawa nitong si Nana Cela, si

Frankie. Habang naglilingkod sa siyang

kalihim ni Don mamerto, isang importador na biglang yaman, ay

nakilala niya at napangasawa ang anak

nitong si Eny.

Page 2: fil comics

Madaling umakyat sa lipunan si Frankie dahil sa asaw, biyanan at sa

pagsapi niya sa isang sikat na kapisanan, ang Lion’s Club.

Para makapag-aral si Frankie sa Maynila, ay isinanla ng mag-

asawa ang lupain nila

Ngayon, sa tuwing dadalaw ang mga matatanda ay ang pangangambala ng mga ito na tuwing

luluwas ay pinababaunan nila

ng hindi kukulang sa 5 piso.

Ayan nanaman yang buwisit na matandang yan. Molestiya na yan

ha.

Ganyan talaga ang

mga kamag-anak.

Kayo pala. Bat kayo naluwas?

Me sadya ako kay Kikoy.

Kailan ba matututo itong matandang ‘to? Sinabi na

ngang hindi Kikoy ay pangalan ni Frankie at ako

ay si Eny!

Page 3: fil comics

Anong gusto niyo kay Frankie?

Siguro’y nabalitaan nyo

na ang pagkamatay ng

inyong Tata Gusting.

Oho, nalibing na namng dumating ang pasabi. Wala kaming panahon

eh.

Yan nga rin ang sabi ni Gusting nung garabe na siya. Hindi na raw sila

magkikita ng pamangkin niya. May ipagbibilin pa

naman daw siya.

Kung hindi lang dahil kay Gusting ay hindi na

akomluluwas dito. Ang layo ng Tarlak at ang hirap

ng byahe. At ang gastos pa.

Yan na nga ho ang sinasabi ko. Ba’t pa

kayo lumuwas e nalibing naman na ang

Tiyo Gusting.

Mahigpit ang bilin sa akin ni Gusting na parituhin ko

si Kikoy

Page 4: fil comics

Kikoy! Hindi na kayo

nagkita ng Tata Gusting

mo!

Nana Cela.

Anong oras kayo umalis ng Tarlak?

Pagka-almusal e lumakad na

ko

E di hindi pa kayo

nananghalian? Ipagpapahanda

ko kayo ng pagkain.

Huwag na. hindi pa naman ako nagugutom.

Konting inumin lang ang kailangan

ko.

Yaya! Kumuha ka nga ng isang basong tubig.

Salamat.

Biglaan ata ang pagpunta nyo?

Ba’t kayo napasugod?

Madalian nga. Hindi nga ako nakapagdala

ng kahit ano e.

Page 5: fil comics

Sabi ko nga ba’t hindi na lang

isinulat ang pakay niya.

E sulat na nga ‘tong dala ko e.

Siya nga, dapat ay hindi na

kayo napagastos.

O hayan.

Ano ba

yan?

Sulat yan galing sa Tata Gusting

mo.

E kailan ho ang uwi ninyo? Ba’t di na

lang kayo magpalipas ng gabi

dito?

Ano namang gagawin ko dito? Uuwi din ako

ngayong hapon. May tarak naman maski anong

oras e.

Page 6: fil comics

Kayong bahala kung ayaw niyong

magpapigil. Magkano ho ang

pamasahe sa bus?

Dalawang piso buhat sa Tarlak hanggang sa

Dibisorya.

Darling, bigyan mo naman ng tres pesos itong si Nana Cela.

Yaya, kuhanin mo nga yung bag ko. Nasa ibabaw ng piano.

Ito na ho.

Page 7: fil comics

Ito na.

Salamat.

Kunin nyo ho to para may pamasahe kayo

pauwi.

Salamat, Kikoy. Eny, ako’y yayao

na.

Adyos, Nana Cela.

Ano yan?

Sulat, galing daw kay Tata

Gusting.

Salamat

ineng.

Walang ano man lola.

Page 8: fil comics

Magkano kaya natin maibebenta yan,

darling?

Kung isang libo bawat hektarya,

e di 18,000.