filibusterismodeciphered -kab13-klase sa pisika

22
UNCORRECTED PROOF KABANATA 13 ANG KLASE NG PISIKA Ang klase ay isang pook na parihaba at may malalaking bintana na may karali 1 na dinadaanan ng maraming hangin at liwanag. Sa kahabaan ng dingding na bato ay may tatlong baitang na bato na nalalatagan ng kahoy, puno ng mga estudyante na ang pagkakahanay ay alinsunod sa kaayusang alpabetiko; sa ibayo ng pasukan, sa ilalim ng isang larawan ni Santo Tomas de Aquino, ay nalalagay ang upuan ng propesor, mataas ng dalawang baitang sa magkabilang panig. Nandoon ang isang magandang pisara na may balangkasang nara 2 na hindi halos nagagamit sapagka’t nakasulat pa ang viva! Na nakita roon magmula pa sa simula ng araw ng pasukan , 3 doon ay walang anumang kasangkapang matino o sira . 4 Ang mga dingding na pinturado ng ng puti at sa ilang dako ay mga bricks na may iba’t ibang kulay upang maiwasan na magasgasan, ay hubad na hubad; ni isang guhit, ni isang inukit, ni bahagyang kasangkapan na ukol sa pisika! Ang mga nag-aaral ay hindi nangangailangan at walang naghahanap ng pagtuturo sa pamamagitan ng eksperimento sa isang aralin na ukol sa siyensiyang experimental ; pagdaan ng mga taon ay gayon ang 1 MGA PALIWANAG Karali – tinatawag natin na grills na nakalagay sa bintana. 2 Naka-frame na pisara 3 Ipinapakita ni Rizal na walang boardwork ang mag-aaral. Talagang hindi nagamit ang blackboard ito ay dahilan sa hindi pa nabubura ang nakalagay na Viva (o welcome) sa mga mag-aaral na pumasok noong Hunyo at sa panahunan ng nobela ito ay tumatapat ng buwan ng Enero. 4 Masaya na sana si Rizal kung may nakita siyang aparato kahit na sira. Isang mataas na anyo ng panghihiyang.

Upload: daniel-mendoza-anciano

Post on 27-Nov-2014

8.525 views

Category:

Documents


8 download

DESCRIPTION

Kabanata 13 - Klase sa Pisika

TRANSCRIPT

Page 1: FilibusterismoDeciphered -kab13-Klase sa Pisika

UNCORRECTED PROOF

 KABANATA 13ANG KLASE NG PISIKA

             Ang klase ay isang pook na parihaba at may malalaking bintana na may karali1 na dinadaanan ng maraming hangin at liwanag.  Sa kahabaan ng dingding na bato ay may tatlong baitang na bato na nalalatagan ng kahoy, puno ng mga estudyante na ang pagkakahanay ay alinsunod sa kaayusang alpabetiko; sa ibayo ng pasukan, sa ilalim ng isang larawan ni Santo Tomas de Aquino, ay nalalagay ang upuan ng propesor,  mataas ng dalawang baitang sa magkabilang panig.  Nandoon ang isang magandang pisara na may balangkasang nara2 na hindi halos nagagamit sapagka’t nakasulat pa ang viva! Na nakita roon magmula pa sa simula ng araw ng pasukan,3 doon ay walang anumang kasangkapang matino o sira.4  Ang mga dingding na pinturado ng ng puti at sa ilang dako ay mga bricks na may iba’t ibang kulay upang maiwasan na magasgasan, ay hubad na hubad; ni isang guhit, ni isang inukit, ni bahagyang kasangkapan na ukol sa pisika!  Ang mga nag-aaral ay hindi nangangailangan at walang naghahanap ng pagtuturo sa pamamagitan ng eksperimento sa isang aralin na ukol sa siyensiyang experimental; pagdaan ng mga taon ay gayon ang pagtuturo at hindi nagulo ang Pilipinas,5 kundi patuloy pa nga ring gaya ng dati.6  Paminsan-minsan ay bumababang mula sa langit ang isang instrumento na ipinakikitang malayo sa estudyante na gaya mapanambang nangakaluhod, tingnan mo

1MGA PALIWANAG

Karali – tinatawag natin na grills na nakalagay sa bintana.

2 Naka-frame na pisara

3 Ipinapakita ni Rizal na walang boardwork ang mag-aaral. Talagang hindi nagamit ang blackboard ito ay dahilan sa hindi pa nabubura ang nakalagay na Viva (o welcome) sa mga mag-aaral na pumasok noong Hunyo at sa panahunan ng nobela ito ay tumatapat ng buwan ng Enero.

4 Masaya na sana si Rizal kung may nakita siyang aparato kahit na sira. Isang mataas na anyo ng panghihiyang.

5 Walang paki-alam ang mga mag-aaral sa uri ng edukasyon na kanilang tinatanggap.

6 Ang eksperimento ay magbibigay ng bagong tuklas na karunungan – dahilan saw ala nito, walang nabago sa Pilipinas bunga ng pananaliksik ng kaniyang mga kabataan.

Page 2: FilibusterismoDeciphered -kab13-Klase sa Pisika

ako subalit huwag hihipuin.7  Pana-panahon, pag nagkakaroon ng propesor na may magandang loob, ay nagtatakda ng isang araw sa loob ng taon upang dalawin ang misteryosong kabinete at mula sa labas ng salamin, ang mga kasangkapang di maturan ang kabuluhan, na nangakahanay sa loob ng mga kinalalagyan; walang makararaing nang araw na iyon ay nakakita ng maraming tanso, maraming kristal, maraming tubo, bilog, gulong, kampana, atbp.;8 at hindi na hihigit pa roon ang pagtatanyag, ni hindi nagugulo ang Pilipinas.  Higit pa roon ay alam ng mga estudyante na ang mga kasangkapang iyon ay hindi binili dahil sa kanila; hindi hangal ang mga prayle!  Ang kabineteng iyon ay ginawa upang ipakita sa mga dayuhan at sa mataas na kawaning nanggagaling sa Espanya, upang sa pagkakita noon ay igalaw ang ulo na may kasiyahang-loob,9 samantalang ang umaabay sa kanila’y ngumingiting ang ibig sabihin wari’y:

            “Eh!  Inakala ninyong ang matatagpuan ay mga mongheng huli sa kapanahunan?  Kami ay kapantay ng mga kasalukuyan; mayroon kaming isang kabinete!”10

            At isusulat, pagkatapos, ng mga dayuhan at matataas na kawani, na pinasalubungan ng galanteng pagtanggap, sa kanilang mga paglalakbay o mga tala, na:11  Ang Real y Pontificia Universidad ng Sto. Tomas sa Maynila, na pinamamahalaan ng bihasang Orden Dominikana, ay may isang mainam na lanoratoryo ng pisika na ukol sa ikatututo ng kabataan… Sa taun-taon ay may dalawang daa’t limampu ang nag-aaral ng tinurang asignatura, at marahil dala ng katamaran, ng pagwawalang-bahala, sa kauntian ng kakayaha ng Indiyo o iba pang sanhing likas sa kanila o bagay na di mawatasan…hanggang sa ngayon ay hindi pa sumisipot ang isang kahi’t munti man lamang na Lavoisier, isang Secchi, ni isang Tyndall, na lahing Malayong Pilipino.12

7 Ang pagtuturo na may aparato ay higit na demonstration teaching lamang.

8 Ang mga mag-aaral para makita ang mga aparato ay higit na field trip ang aktibidad.

9 Katulad ng evaluation na ginaganap sa mga paaralan sa elementary at sekondarya o kaya ay sa panahon na ginaganap ang accreditation sa isang kolehiyo. Ipinapakita sa mga bisita ang mga aparato ng paaralan. Tandaan na ang pinakamahusay na panahon sa isang paaralan ay sa panahon na mayroon silang evaluation o accreditation.

10 Simbolismo ng kaalaman na nakatago o hindi ipinagagamit.

11 Binigyan ng galanteng entertainment o maaring mga regalo ang mga evaluator at accreditor.

Page 3: FilibusterismoDeciphered -kab13-Klase sa Pisika

            Datapwa’t upang mapagkilala ang katotohanan ay sasabihin namin, na sa kabineteng ito nag-aaral ang tatlo o apat na pung pumapasok sa ampliacion sa ilalim ng pamamahala ng isang nagtuturong gumaganap naman ng mabuti sa kanyang tungkulin; nguni’t sa dahilang ang lalong marami sa mga nag-aaral ay galing sa Ateneo ng Jesuita, na ang pagtuturo doon ay sa eksperimento sa loob ng laboratoryo, ay wala ring malaking kabuluhan ang gayong pangyayari, na, di gaya nang kung ang makasamantala noon ay ang dalawang daa’t limampung nagbabayad ng kanilang matricula, bumibili ng aklat, nangag-aaral at gumugugol ng isang taon at walang namumuwangan pagkatapos.  Ang nangyayari, liban sa isang kapista o utusan na naging bantay ng mahabang panahon sa museo, kailan man ay walang nabalitang may napala sa mga isinaulong liksyon na pinagkakahirapan muna bago matutuhan.

            Nguni’t balikan natin ang klase.

            Ang katedratiko ay isang batang Dominikano na gumanap nang kahusayan at bantog sa kanyang pagtuturo sa ilang katedra13 sa kolehiyo ng San Juan de Letran.  Bantog siya sa kahusayan at pagiging pilosopiyang dieyalektiko14 at isa sa mga may mainam na maaasahan sa loob ng kanyang orden.  Ang matatanda’y may pagpapahalag sa kanya at kinaiinggitan siya ng mga bata sapagka’t sila man ay mayroon ding pangkat-pangkat.15  Iyon ang pangatlong taon na ng kanyang pagtuturo at kahi’t nang taong iyon lamang siya magtuturo ng pisika at kimika ay kinikilala na siyang marunong, hindi lamang ng mga nag-aaral, kundi pati ng mga kagaya niyang palipat-lipat na mga propesor.  Si Padre Millon16 ay hindi kabilang ng

12 Pansinin ang evaluation na galanteng tinanggap ng unibersidad, mahusay ang pagkakaulat at ang sinisisi ay ang mismong mga estudyante.

13 Katedra – ay nangangahulugan na upuan para sa isang posisyon. Sa simbahan ito ang katungkulan na pagka-obispo at sa nobelang ito ay tumutukoy sa upuan o katungkulan sa pagtuturo.

14 Pansinin na ang espesyalisasyon ng guro ay pilosopiyang diyalektika. Isang twist na ginawa ni Rizal upang ipakita sa atin kung ano ang leksiyon na itinuturo niya sa klase na tunay na salungat sa pamagat ng kabanatang ito.

15 Pagpapangkat-pangkat o paksiyon sa loob ng mge guro sa loob ng UST o/at maging sa loob ng orden.

16 Padre Millon – simbolikal ang pangalan na ito na maaring ginamit ni Rizal para inisin ang mayamang korporasyon ng mga Dominicano sa Pilipinas. Ang katotohanan, kahit na iisang pari ang direktang ginamit ni Rizal sa kabanatang ito, ay makikita naman sa mga susunod na bahagi na siya ang eksaktong larawan ng Dominicano sa Pilipinas sa panahon ng kolonyalismo sa Espanya.

Page 4: FilibusterismoDeciphered -kab13-Klase sa Pisika

maraming guro na sa taun-taon ay palipat-lipat ng katedra upang magkaroon ng kaunting pagkabatid sa karunungang napag-aralan sa gitna ng ibang nag-aaral, na walang pagkakaiba kundi ang pangyayaring iisang bagay lamang ang pinag-aralan,17 tumatanong at hindi tinatanong,18 may mahigit na pagkabatid ng wikang Kastila at walang pagsusulit pagkatapos ng pag-aaral.19  Hinahalungkat ni Padre Millon ang karunungan, kilala niya ang pisika ni Aristoteles20 at ang kay Padre Amat;21 maingat niyang binabasa ang Ramos 22 at maminsan-minsan ay tumutunghay sa Ganot.23  Gayunman ay iginagalaw kung minsan ang ulo, na wari’y

17 Ang ibang nagtuturo na kasama ni Padre Millon ay halos kapareho lamang ng kaniyang estudyante na kaparehong nag-aaral lamang. Mapansin na ang kaalaman niya ay pilosopiya – o paggamit ng salita sa pamamagitan ng paghahaka.

18 Sinuman na nagtuturo ng araling pisika/physics ay higit na mas malaki ang kaniyang papel na magsalita sa pamamagitan ng lektura at tanungin ng mga estudyante, ito ay dahilan sa masyadong komplikado ang aralin. Ang paglalarawan ni Rizal kay Padre Millon ay nagpapakita na ang kahusayan niya ay diyalektikal – nagtatanong lamang siya mula sa mga sinasabi ng estudyante at tila wala siyang maibabahaging kaalaman sa kaniyang estudyante sa pisika.

19 Kaya lamang parang mahusay si Padre Millon ay dahilan sa magaling siyang gumamit ng wikang Espanyol. Parang isang guro, na hindi ganap na alam ang aralin ngunit napakahusay naman sa wikang Ingles.

20 Dito makikita ang kahusayan ni Rizal sa paggamit ng salita para ipabatid niya ang isang malaking kabalintunaan. Ang higit na alam ni Padre Millon ay ang Pisika ni Aristotle – ang katotohanan ang aralin na pinalaganap ni Aristotle ay METAPISIKA at hindi PISIKA. Parang ang aralin ay ATRONOMIYA at ang itinuturo ng guro ay ASTROLOHIYA.

21 Felix Torres Amat (1772-1847). Nagsilbing arsobispo ng Astorga, Espanya (1833-1847). Isang manunulat at ang kaniyang pinakamahalagang likha ay ang pagsasalin ng isang edisyon ng Biblia sa wikang Espanyol.

22 Ang aklat na ito ni Ramos y Lafuente ay pinamagatang Elementos de física y química : obra escrita para el estudio de ambas ciencias en los institutos de segunda enseñanza, escuelas profesionales y seminarios conciliares. Maaring ang tinutukoy rito ang 6th Edition ng aklat na nalimbag noong 1880.

Bakit maingat niya binabasa ang aklat ni Ramos y Lafuente?Dalawa ang maaring ipagpalagay. Una ay ang hindi niya masyadong kapa o kabisado ang isang makabagong aklat sa Pisika. O nag-iingat na mayroong nilalaman ang aklat na kontra sa paniniwala niyang pangrelihiyon.

23 Ang higit na tinutunghayan ni Padre Millon sa aklat ni Adolphe Ganot ay ang mga illustration sa mga prinsipyong pang-pisika.

Page 5: FilibusterismoDeciphered -kab13-Klase sa Pisika

nag-aalinlangan, mangingiti at bubulong ng:  transeat.24  Tungkol sa kimika ay inaakalang mayroon siyang di-karaniwang kabatiran sapul noong sa pag-alinsunod sa isang banggit ni Sto. Tomas, na ang tubig ay isang halo, ay maliwanag niyang pinatunayan na ang taga-langit na doktor ay nagpauna nang malaki sa mga Berzelius, Guy Lussac, Bunsen at iba pang materialista, na pawang may munti o malaking kahambugan.25  Datapwa’t kahit na naging propesor sa geografia ay mayroon siyang mga ilang pag-aalinlangan tungkol sa kabilugan ng mundo at gumagamit ng may makahulugang ngiti pagsasalita nang pag-ikit at pagligid sa araw, at binabanggit yaon:26

                                 Ang sa bituing pagbubulaa’y

                            Isang pagbubulaang mainam…

            Ngumingiting malisyoso sa ilang teorya tungkol sa pisika at inaakalang hibang, kung di man bangaw, ang Heswitang si Secchi27, na umano’y ang pagputol nito ng pari-parisukat sa ostiya ay anak ng pagkahibang sa astronomiya, at dahil doon, ang sabi’y pinagbawalang magmisa, marami ang nakapuna sa kanyang pagkamuhi sa siyensiya na kaniyang itinuturo;28 nguni’t ang mga kapintasang ito’y medaling unawain sa bagay, mga kontradiksiyon ng pag-aaral at relihiyon, at madaling malilinawan, hindi lamang sa dahil ang siyensiya

Basahin ang :Faidra Papanelopoulou, Agustí Nieto-Galan, Enrique Perdiguero. Popularizing science and technology in the European periphery, 1800-2000(Ashgate Publishing, England 2009) p. 89. By http://www.nzeldes.com/Miscellany/Ganot.htm

24 Pass/pumasa – na ang maaring ibig sabihin ay naintindihan niya ang prinsiipyo ng pisika o ang prinsipyo na nakalagay sa mga textbook ay walang tunggalian sa kaniyang paniniwalang pangrelihiyon.

25 Mas higit na pinapahalagahan ang mga papanaw ni St. Thomas Aquinas kaysa sa mga siyentipiko.

26 Nakatagpo kaya si Rizal ng ilang mga propesor sa UST sa kaniyang kapanahunan na hindi naniniwala na ang mundo ay bilog?

27 Father Pietro Angelo Secchi SJ (29 June 1818 – 26 February 1878) was an Italian astronomer. He was Director of the Observatory at the Pontifical Gregorian University (then called the Roman College) for 28 years. He was a pioneer in astronomical spectroscopy, and was one of the first scientists to state authoritatively that the Sun is a star. (Wikipedia)28 Ipinapapansin na ang isa sa katangian ng mahusay na guro ay ang pagkakaroon niya ng enthusiasm sa araling kaniyang itinuturo at ang pagnanais na ipaalam sa kaniyang mga mag-aaral ang kaangatan nito sa ibang mga aralin.

Page 6: FilibusterismoDeciphered -kab13-Klase sa Pisika

ng pisika ay galing sa ekperimentasyon, sa onserbasyon at panghihinuha, samantalang siya’y malakas sa pilosopiya, lubos na ukol sa paghuhulu-hulo, sa palagay at kuro,29 kundi sa dahilang siya’y mabuting Dominiko, na magiliw sa karangalan ng kanyang kapisanan, ay hindi mangyayaring malugod sa isang katarungang hindi ikinabantog ng isa man sa kanyang mga kapatid – siya na ang unang hindi naniniwala sa kimika ni Sto. Tomas – nguni’t ikinadakila ng ibang samahang kalaban, sabihin na nating katunggali nila.

            Ito ang propesor nang umagang iyon, na matapos mabasa ang talaan ay ipinauulit sa mga tinuturuan ang mga isinaulong liksiyon na walang labis, walang kulang.  Ang mga ponograpo ay umalinsunod, ang ilan ay mabuti, at iba’y masama, ang iba’y pautal-utal.  Ang makapagsasabi nang walang mali ay nagtatamo ng isang mabuting guhit at masamang guhit ang magkamali nang higit sa makaitlo .30

            Ang isang batang mataba, na inaantok at ang mga buhok ay tuwid at matitigas na wari’y balahibo ng isang sepilyo, ay naghigab at nag-inat na iniunat ang mga kamay na wari’y nakahiga pa sa banig.  Nainsulto ang katedratiko at pinag-isipang gulatin ito…31

            “Oy!  Ikaw, antukin, aba!  Cosa?  Perezoso tambien (Ano?  Tamad ka rin ba?), siguro hindi mo alam ang liksyon, ha?”

            Hindi lamang hindi pinupupo ni Padre Millon ang lahat ng nag-aaral, katulad ng sinumang mabuting prayle,32 kundi, kinakausap pa sila ng wikang-tindahan, bagay na natutuhan sa katedratiko sa Canones.33  Kung sa gayong pananalita ay inakala ng reberendo na kutyain ang mga nag-aaral o ang mga banal na takda ng mga concilio

29 Binigyan ni Rizal ng pagkakaiba ang relihiyon at siyensiya: Ang una ay kuro-kuro, ang huli ay mula sa pangmasid.

30 Isang matinding batikos ni Rizal sa sistema ng edukasyon na inuulit ang mga pinasaulong ng guro mula sa libro. 31 Maaring hindi binigyan ni Rizal ng pangalan ang estudyanteng ito, subalit sa kabanatang ito ay hindi simulado na ibinigay ni Rizal ang NAKAKATUWANG APELYIDO ng mag-aaral na ito.

32 Ibig sabihin ay hindi mabuting prayle si Padre Millon. Ang ginakamit niyang pagtawag sa kaniyang mga mag-aaral ay ang depresiyatibong TU o Ikaw. Maliit ang pagtingin sa kaniyang mga estudyante.

33 Sumundot pa si Rizal na kaya bastos si Padre Millon ay dahilan sa ganito ring paraan siya tinuruan ng kaniyang mga guro sa Canon o kautusan ng simbahan.

Page 7: FilibusterismoDeciphered -kab13-Klase sa Pisika

ay bagay na hindi pa napagpapasyahan kahit pinagtatalunan na nang mahaba.34

            Ang pagkakatukoy ay hindi ikinamuhi ng mga nag-aaral kundi ikinagalak pa at marami ang nangagtawanan; yaon ay nangyayari sa araw-araw.35  Gayunman ay hindi natawa ang mataba; biglang tumindig, kinuskos ang mga mata at wari’y makina ng bapor ang nagpagalaw sa ponograpo,36 at sinimulan ang pagsasabi nang:

            “Salamin ang tawag sa lahat ng pinakintab na ibabaw na gumagawa ng repleksiyon ng liwanag at larawan ng bagay na itinatapat rito; ang mga ito ay binabahagi sa salaming metal at salaming kristal…:

            “Hintay, hintay, hintay!” ang biglang pigil ng katedratiko.  “Jesus, anong kagaralgalan!  Tayo ay nasa punto kung saan ang mga salamin ay nahahati sa metal at kristal, eh? Ngayon kung bigyan kita ng isang bloke ng kahoy, ng isang piraso ng kamagon halimbawa, mahusay makintab at barnisado, o ng isang tipak ng itim na marmol na barnisado rin, o ng isang parisukat na asabatse , na kung saan ay sumasalamin sa mga imahe ng mga bagay na nasa harap nila, paano mo uriin ang mga salamin ito? "37

Ang tinatanong dahil hindi nila alam ang sasabihin o hindi naintindihan ang tanong, ay nagbalak na makalusot sa pamamagitan ng pagpapakita na alam niya ang pinag-aaralan. Kaya’t nagpatuloy sa pagsagot na parang rumaragasang baha.

            “Ang mga una ay binubuo ng tanso o haluang metal (alloy), at ang pangalawa ay binubuo ng isang lapad na kristal na ang dalawang harap ay kapwa kininis at ang isang panig nito ay may nakadikit na pahid na tinggang puti.”

34 Nang-aasar si Rizal sa kawalang galang ng prayle – kung ang magaspang na ugali na ito ay pambabastos sa mga esudyante, subalit higit na pambabastos sa aral ng simbahan ukol sa kagandahang asal at tamang pakikitungo sa mga tao.

35 Pagpapakita ni Rizal ng kamanhiran ng mga estudyanteng Pilipino sa pang-iinsulto. Tanggap na ng mga mag-aaral na sila ay bastusin ng kanilang mga guro.

36 Kahanga-hanga ang pagtutulad na ito, ang hyperbole ay kakatwa dahilan sa ang malaking makina ng bapor ang nagpatakbo ng ponograpo. 37

Mapapansin na ang talakayan ay higit na metapisika at hindi pisika.

Page 8: FilibusterismoDeciphered -kab13-Klase sa Pisika

            “Tum, tum, tum, hindi iyan!38  Dominus vobiscum (Sumainyo nawa ang Maykapal) ang sinasabi ko sa iyo at ang isinasagot mo sa akin ay requiescat in pace (Nawa’y mamahinga siya sa kapayapaan)!”

            At inulit sa wikang tindahan ng mabait na katedratiko ang katanungan na nilahukan sa bawa’t patlang ng mga cosa at aba.

            Hindi makalabas sa problema ang kaawa-awang binata.  Nag-aalinlangan totoo kung nararapat niyang isama ang kamagong sa mga metal,39 ang marmol sa mga kristal40 at ang asabatse ay iwan sa alanganin,41 hanggang sa ang kalapit niyang si Juanito Pelaez ay bumulong sa kanya ng lihim, na:

            “Ang salaming kamagong ay kasama ng mga salaming kahoy!”

            Inulit ng lito nating binata ang kanyang nadinig, kaya’t nag-ihit sa katatawa ang kalahati ng klase.

            “Ikaw ang mabuting kamagong!” ang sabi ng katedratiko na pilit na tumawa.  “Tingnan natin kung alin gusto mong tukuyin na salamin:  ang pangmukha, per se , in quantum est superficies , o ang substansiya na bumubuo ng ibabaw na ito o kaya’y ang bagay na kinapapatungan ng salaming ito, ang pinagbuhatang materyales na naiba dahil sa pagkakabago sa kanya ng tinatawag na pangmukha, sapagka’t maliwanag na sa dahilang ang pangmukha ay kabaguhan ng mga katawan, ay hindi mangyayaring mawalan ng kabagayan.  Tingnan natin, ano ang sasabihin mo?”

            “Ako?  Wala!” ang isasagot sana ng kahabag-habag na hindi na maalaman kung ano ang pinag-uusapan dahil sa karamihan ng mga pangmukha at mga pagbabago na bumabayong masakit sa kanyang tainga; nguni’t nakapigil sa kanya ang udyok ng kahihiyan; kaya’t balot-kahapisan at pinapawisan na, noong inulit nang marahan:

            “Tinatawag na salamin ang lahat ng ibabaw na pinakintab…”

38 Katok: Parang sa ating panahon ay nasasabi natin sa ating kausap na hindi nakakasakay ang knock, knock, knock.

39 Inaakalang metal dahil sa katigasan ng kahoy

40 Inaakalang Kristal dahilan sa makinis at nababasag ang marmol.

41 Hindi niya matiyak dahil sa ang asabatse/jet ay wala sa uring mineral

Page 9: FilibusterismoDeciphered -kab13-Klase sa Pisika

            “Ergo,  per te, ang salamin ay ang ibabaw,” ang sabat ng katedratiko.  Linawin mo sa akin ang ganitong bagay.  Kung ang ibabaw ay siyang salamin ay iba sa kabagayan ng salamin ang ano mang nalalagay sa likuran, sa dahilang ang nasa likod ay hindi makapagbabago sa nasa harapan, id est, sa ibabaw, quae super faciem est, quia vocatur superficies facies ea quae supra videtur (Kung ano ang nasa ibabaw ng mukha ay tinatawag na pang-ibabaw ng mukha sapagka’t nakikita sa kaibabawan), pinaaayunan mo o hindi?”

            Lalo pang nanindig ang buhok ng kaawa-awang binata na wari’y hinila ng isang puwersang malakas na magneto.

            “Sinasang-ayunan mo ba o hindi?”

"Kahit ano! Anuman ang nais mo, Padre, "ay ang kanyang naiisip, ngunit hindi siya mangahas sa ipahayag ito ay mula sa takot ng panlilibak.42 Iyon ay isang mahirap na kalagayan sa katunayan, at hindi kailanman siya napasubo sa isang mas masahol pa rito.43 Mayroon siyang munting gunita na hindi   mapa-ayunan ang kahit napakaliit na bagay sa mga prayle, na hindi nila pinalalabasan ng lahat ng pangyayari at kapakinabangang mahahaka,44 kundi’y magsabi na ang kanilang mga lupaing ari at mga kurato.45  Kaya’t ang iniudyok ng kanyang anghel na tagapag-adya ay ipagkait nang buong tibay ng kaluluwa at katigasan ng kanyang buhok ang anumang bagay, at handa nang bumitiw ng isang matinding nego!,46 sa dahilang ang hindi umaamin ng anuman ay walang tinatanggap, ang sabi sa kanya ng isang kawani sa hukuman; datapwa’t ang masamang ugaling hindi nakikinig sa udyok ng sariling budhi, ang di pananalig sa mga taong nakaaalam ng kautusan at ang paghanap ng abuloy sa iba gayong sukat na ang kanyang sarili, ay siyang sa kanya’y sumira.  Hinuhudyatan siyang umayon ng mga kasama, lalo na si Juanito Pelaez, at sa pagpapadala sa masama niyang kapalaran ay bumitiw ng

42 Maliit na salita, subalit ipinakita na ang pangunahing parusa sa kumakalaban sa prayle ay ang panlilibak.

43 Pagpapakita na ang pinakamasahol na kapalaran ng isang Pilipino ay ang magkaroon ng konprontasyon sa prayle.

44 Ang lahat ng sagot ay dapat na para sa kapakinabangan ng prayle at ang hindi kaayon nito ay mapapasa-panganib.

45 Ito ang pinakamatibay na patotoo. Ang lupain o hacienda na napasakamay ng mga prayle na ang isa sa ginamit na halimbawa ni Rizal ay ang kay Kabesang Tales. Ang kurato na nakuha nila sa mga paring Pilipino.46

Ipinapakita rito ang pagtutol ng budhi ng mag-aaral na pasakop sa hindi tamang pamamaraan ng prayle.

Page 10: FilibusterismoDeciphered -kab13-Klase sa Pisika

isang umaayon po ako, padre , na ang boses ay malamlam na waring ang tinuran ay In manus tuas commendo spiritum meum (Inihahabilin ko sa iyong mga kamay ang aking kaluluwa).47

           “Concedo antecedentem,” ang ulit ng nagtuturo na ngumiting

may kahulugan, “ergo, maaaring kayurin ko ang tinggang puti ng isang salaming kristal, palitan ng kaputol na bibingka at salamin din ba ang kalalabasan.   Ha?   Ano?   Magkakaroon tayo ng salamin ?”

            Ang binata’y tumingin sa mga bumubulong sa kanya nguni’t nang makitang sila’y pawang gulilat din at hindi maalaman ang turan ay nalarawan sa kanyang mukha ang mapait na pagsisisi.   Deus meus, Deus meus, quare dereliquiste me (Diyos ko, Diyos ko, bakit Mo ako pinabayaan), ang ipinahahayag ng kanyang hapis na paningin samantalang ang kanyang mga labi’y bumibigkas ng nilintikan !48  Walang nangyari sa kanyang kauubo, binatak ang petsera ng kanyang baro, itatayo ang isang paa, pagkatapos ay ang isa naman, walang matagpuang kalinawan.

            “Siya, may ano tayo?” ang ulit ng nagtuturo na natutuwa dahilan sa kaniyang pangangatwiran.

            “May bibingka?” ang bulong ni Juanito Pelaez, “may bibingka!”

            “Tumigil ka, hangal!” ang sigaw na tuloy ng di magkantututong binata na ibig maiwasan ang kagipitan sa paraang mang-away.

            “Tingnan natin, Juanito, kung maipapaliwanag mo ang bagay na ito!” ang tanong ng katedratiko kay Pelaez.

            Si Pelaez, na isa sa mga kinagigiliwan niya, ay dahan-dahang tumindig, nguni’t siniko muna si Placido Penitente na siyang sumusunod sa talaan. 49  Ang ibig sabihin ng pagsiko ay:

            “Huwag kang malilingat at tulungan mo ako!”47 Nailarawan ni Rizal sa mag-aaral na ito, ang pagsuko ng kaniyang isipan at budhi sa kagustuhan ng isang taong manlulupig ng isip.

48 Siguro si Rizal ay natatawa matapos niyang mailarawan sa ganitong kaayusan ang mag-aaral na ito. Isang napakagandang paglalarawan ng mukha ng hipokrisiya.49 Alphabetical ang arrangement ng recitation. Kailangan na pansinin ang apelyido ng mga mag-aaral na ginamit ni Rizal sa mga eksena ng kabanatang ito. Si Pelaez ang nakasalang ngayon, ano ang pangalan ng kaniyang sinundan?

Page 11: FilibusterismoDeciphered -kab13-Klase sa Pisika

            “Nego consecuentiam, padre!” ang sagot na walang kagatul-gatol.

            “Aha, kung gayo’y probo consecuentiam!  Per te, ang makintab na ibabaw ay siyang tunay na salamin.

            “Nego suppositum!” ang putol ni Juanito nang maramdamang binabatak siya ni Placido sa amerikana.

            “Papaano?  Per te…”

            “Nego (Tinututulan ko)!”

            “Ergo (Samakatwid), inakala mo na ang nasa likuran ay siyang esensiya ng harapan?”

            “Nego!” ang sigaw na lalo pang malakas, dahil sa pagkakaramdam ng isa pang batak sa kanyang amerikana.

            Si Juanito, o lalong tumpak, si Placido, na siyang nagdidikta, ay hindi nakakahalatang ang nagagamit niyang taktika ay ang sa Insik:   huwag tumanggap ng kahit ng isa mang pinakamabait na dayuhan upang di siya masalakay.50

            “Papaano ba tayo?” ang tanong ng nagtuturo, na may kaunting

kalituhan at di mapalagay, na tinitingnan ang ayaw magparaang mag-aaral, “Ba ang mga sangkap sa likod makakaapekto sa, o ay ito ay hindi makakaapekto sa, sa ibabaw?"

            Sa tiyak na katanungang ito, na maliwanag, na wari’y ultimatum, ay hindi maalaman ni Juanito ang isasagot at wala namang iudyok sa kanya ang kanyang amerikana.  Walang mapala sa kahuhudyat kay Placido; si Placido ay alinlangan.  Sinamantala ni Juanito ang sandaling pagkakatingin ng katedratiko sa isang nag-aaral, palihim na inalis sa paa ang mahigpit na saping suot, at niyapakang malakas si Placido na sabay ang sabing:

            “"Sabihin mo sa akin ang sagot, magmadali, sabihin sa akin!"            

“Distingo …aray!   Napakahayop ka!” ang sigaw na hindi kinukusa ni Placido na tinitingnang pagalit si Juanito, samantalang hinihipo ang kanyang sapatos na katad.

50 Tumutukoy sa patakarang pagsasara ng mga Tsino sa kanilang bansa sa mga dayuhan.

Page 12: FilibusterismoDeciphered -kab13-Klase sa Pisika

            Nadinig ng propesor ang sigaw, tinitigan sila at nahulaan ang nangyayari.

            “Oy, ikaw, espiritu sastre!”51 ang sabi, “hindi ikaw ang tinatanong ko, dahil ginawa mo ang magligtas sa iba ay tingnan natin, iligtas mo ang katawan mo, salva te ipsum, at ipaliwanag mo sa akin.”52

            Tuwang umupo si Juanito at bilang pagtanaw ng kanyang utang na loob ay pinalawit pa  nito ang dulo ng kaniyang dila para sa tumulong sa kanya.  Samantalang ito ay namumula sa kahihiyan, ay tumindig at bumulong nang di malinawagang mga pagdadahilan.

            Tiningnan siyang sandali ni Padre Millon, na waring lumalasap sa tingin ng isang pagkain.  Kay inam siguro na pangayupapain at ilagay sa kahihiyan ang magarang binata na iyong, palaging mainam ang bihis, taas ang ulo at aliwalas sa paningin!53  Isa ring kawanggawa ang gayon:  kaya’t ipinatuloy nang buong puso ng nagtuturo ang gawain, na maliwanag na inulit ang katanungan:

            “Sinasabi ng aklat na ang mga salaming metal ay binubuo ng tanso o pagkakahalo ng iba’t ibang metal (alloy), totoo o hindi?”

            “Sinasabi ng aklat, padre…”54

            “Liber dixit ergo ita est (Ganyan ang sinasabi ng aklat), hindi mo nasa ang dumunong pa kaysa aklat… At pagkatapos ay idinugtong na ang mga salaming kristal ay binubuo ng isang palas na kristal, na ang dalawa niyang mukha ay kininis at ang isa sa kanila ay may pahid na tinggang puti, nota bene,.  “Tunay ba ito?”

51 Tinawag na espiritu sastre sa dahilang siya ay lihim na tumutulong kay Juanito sa pamamagitan ng paghila sa suot nitong amerikana.

52 Ang katotohanan ang naligtas si Juanito Pelaez ang iniligtas ng katedratiko.Dahilan sa inalis niya ang tanong kay Juanito at inilipat kay Placido Penitente.53

Mula sa mga binanggit na pangmasid ni Padre Millon ay nagawa ni Rizal na mailarawan ang kaniyang naising hitsura ng mga mag-aaral ng Unibersidad sa kaniyang kapanahunan. Makikita ito sa tulang Juventud Filipina na kaniyang nilikha na nagsasabi na: Itaas mo sa araw na ito, ang iyong malinis na noo, Kabataang Pilipino, Magandang pag-asa ng aking bayan”

54 Ang sagot ni Placido ay isang paniniyak na hindi siya malalagay sa alanganin, nanangan siya sa nakasulat sa aklat.

Page 13: FilibusterismoDeciphered -kab13-Klase sa Pisika

            “Kung sinasabi ng aklat, padre…”

            “Ang tinggang puti ay metal?”

            “Tila po, padre; sinasabi ng aklat…”55

            “Metal nga, metal nga, at ang ibig sabihin ng salitang alloy ay ang pagkakahalo niya sa asoge na isa ring metal.  Ergo ang isang salaming kristal ay isang salaming metal; ergo ang mga pagkakabahagi ay hindi maliwanag, ergo ang pag-iiba-iba ay masama, ergo… Papaano mo ito ipapaliwanag, espiritu sastre?”

            At tinindihan ang mga ergo at ang mga mo ng buong diin at ikinindat ang mga mata na waring ang ibig sabihin ay “prito ka na!”

            “Dahilan ay …” ang bulong ni Placido.

            “Kung gayon ay hindi mo naiintindihan ang liksyon, budhing aba, na wala ng alam ay nanunulsol pa sa kapwa.”56

            Ang buong klase ay hindi nagdamdam sa gayon, inari pang mainam ng marami ang pagkakatulala, kaya’t nangagtawanan.  Kinagat ni Placido ang kanyang mga labi.57

            “Ano ang pangalan mo?” ang tanong ng pari.

            Matigas na sumagot si Placido.

            “Ah!  Placido Penitente, mukha ka pang Placido Soplon o Soplado.  Nguni’t bibigyan kita ng Penitencia (parusa) dahil sa iyong mga sopladuria (kahambugan).”

            At tuwang-tuwa sa kanyang mga paglalaro ng pananalita ay ipinag-utos kay Placido na turan ang liksyon.  Sa kalagayang iyon ng binata ay nagkaroon ng mahigit na tatlong mali.58  Nang

55 Sa paraan ng pagsagot ni Placido ay waring siya ang guro.

56 Naiintindihan ni Placido ang leksiyon, subalit ang hindi mapagmaparaya at ang paniniwala ng katedratiko na siya lamang ang tama ay sapat upang huwag makapagpahayag ng sariling kaisipan ang mga mag-aaral.

57 Isang puna ni Rizal sa mga mag-aaral ng UST. Nagagawa nilang pagtawanan ang ibang kaklase, samantalang nangyayari rin sa kanila iyon. 58 Ipinakita ni Rizal na sa harapan ng isang saradong isipang guro ay hindi maaring makapag-isip ng maliwanag ang isang mag-aaral. Sa NMT, ang mga mag-aaral sa primarya ay pinapalo, sa kolehiyo naman ay hinihiya.

Page 14: FilibusterismoDeciphered -kab13-Klase sa Pisika

makitang gayon ng paring natututo ay itinangu-tango ang ulo, binuksang dahan-dahan ang talaan at banayad na banayad na tinunghan, samantalang binabanggit na marahan ang mga pangalan.

            “Palencia… Palomo… Panganiban… Pedraza… Pelado…59 Pelaez… Penitente.  Aha!  Placido Penitente, labinlimang araw na kusang pagliban sa klase.”60

            Si Placido ay umunat.

            “Labinlimang pagliban, padre?”

            “Labinlimang kusang paglibansa pagpasok,” ang patuloy ng nagtuturo.  “Kung gayo’y isa na lamang ang kulang upang maalis sa talaan.”

            “Labinlimang pagkukulang, labinlima?” ang ulit ni Placido na nagugulumihanan, “makaapat pa lamang akong nakaliban, at kung bagaman ay ngayon ang ikalima.”

            “Husito, husito, senolia (tama, tama, maginoo)!” ang sagot ng pari na minasdan ang binata sa ibabaw ng kanyang salaming may kulob na ginto.  “Kinikilala mong nagkulang ka ng makalima, at ang Diyos ang nakababatid kung hindi ka nagkulang nang higit pa sa roon!  Atqui sa dahilang bihira kong basahin ang talaan, at sa bawa’t pagkahuli ko sa isa ay nilalagyan ko ng limang guhit, ergo , ilan ang maakalimang lima?  Nakalimot ka na marahil ng multiplikar!   Makalimang lima ay ilan?”61

            “Dalawampu’t lima.”

          “Husito, husito !   Sa gayon ay nakalalamang ka pa ng sampu, sapagka’t makaitlo lamang kitang nahuli sa pagkukulang… Uy!  Kung nahuli kita sa lahat ng pagliban mo, a… At ilan ang makaitlong lima?”           

“Labinlima…”

59 Kung ito ang listahan ng mga estudyante – lumilitaw sa ayos ng mga sumagot sa klase ang huli ay si Penitente, na sumunod kay Pelaez, ang unang sumagot na binatang may buhok na parang sepilyo ay si Pelado – na ang kahulugan ay tinalupan/peeled.

60 Tinatawag na kusang pagliban, dahilan sa walang excuse letter.61 Gaya ng napansin ng nagsasaliksik na ang klase ay hindi talakayan ukol sa PISIKA, higit itong METAPISIKA, mapansin sana na sa bahagi lamang na ito gumamit ng matematika sa talakayan.

Page 15: FilibusterismoDeciphered -kab13-Klase sa Pisika

            “Labinlima, parejo camaron con cangrejo!” ang tapos ng nagtuturo na itinupi ang talaan, “pag nagkabiso ka pang minsan ay, sulong!  Apuera de la fuerta (sa labas ng pintuan)!  Th!  At ngayon ay isang pagkukulang sa liksiyon sa araw-araw.”           

At muling binuksan ang talaan, hinanap ang pangalan at nilagyan ng isang munting guhit.           

“Siya, isang munting guhit!” ang sabi, “pagka’t wala ka pa ni isa man lamang!”           

“Padre,” ang sabi ni Placido na nagpipigil pa, “kung lalagyan po ninyo ng pagkululang sa liksyon, padre, ay dapat po naman, padre, na alisin ninyo ang pagliban ko sa pagpasok na inilagay ninyo ngayon sa akin.”

            Ang pari ay hindi sumagot; inilagay munang dahan-dahan ang pagkukulang, tiningnang ikiniling ang ulo – marahil ay mainam ang pagkakaayos ng guhit – tiniklop ang talaan at pagkatapos ay pakutyang tumanong:

            “Aba!  At bakit, Ñol?”           

“Sapagka’t hindi malilirip, padre, na ang isang tao’y magkulang sa pagpasok at makapagbigay ng liksyon…ang sabi po ninyo, padre, ay ang naroon at ang wala…”           

“Naku!  Metapisiko pa, wala pa lamang sa panahon!  Hindi malilirip, ha?  Sed patet experientia at contra experientiam negantem, fusilibus est arguendum (pag ang isang tao’y hindi umaalinsunod sa itinuturo ng karanasan ay gumagamit ng lakas sa pakikipagtalo), alam mo?  At hindi mo malirip, pilosopo, na mangyayaring magkasabay na magkulang sa pagpasok at hindi matuto ng liksiyon?   Diyata’t ang hindi pagpasok ay katuturan na ng karunungan?  Ano ang sasabihin mo pilosopastro (nagkukunwang pilosopo)?”

           Ang huling binyag na ito’y siyang naging patak na nakapagpaapaw sa sisidlan.  Si Placido, na kinikilalang pilosopo ng kanyang mga kaibigan ay naubusan ng pagtitiis, inihagis ang aklat, tumindig at hinarap ang paring nagtuturo.

            “Sukat na, padre, sukat na!  Maaari pong lagyan ninyo ako ng mga pagkukulang na ibig ninyong ilagay, nguni’t wala

Page 16: FilibusterismoDeciphered -kab13-Klase sa Pisika

po kayong karapatang lumait sa akin.62  Maiwan kayo sa inyong klase sapagka’t hindi na ako makapagtitiis pa.”63

            At umalis na nang walang paalam.

            Ang buong klase ay nasindak:   ang gayong pagpapakilala ng karangalan ay hindi pa halos nakikita:  Sino ang makaaakala na si Placido Penitente… Ang paring nagtuturo, na nabigla, ay napakagat-labi at minasdan siya sa pag-alis na itinatango ang ulo na may pagbabala.  Ang boses ay nanginginig na sinimulan ang sermon na ang salaysayin ay ang dati rin, kahi’t lalong malakas at lalong mapusok ang pangungusap.  Tinukoy ang nagsisimulang pagmamataas, ang di paglingap ng utang na loob sapul pagkatao, ang kapalaluan, ang di paggalang sa mga nakatataas, ang kapalaluang iniuudyok sa mga binata ng espiritu ng kadiliman, ang kakulangan sa pinag-aralan, ang kadahupan, atbp.  Matapos iyon ay tumuloy naman sa pagpaparunggit at pagkutya sa hangad ng ilang sopladillo na magturo pa sa kanilang mga guro at magtatayo ng isang akademya na ukol sa pagtuturo ng wikang Kastila.           

“Ha, ha!” anya, “iyang mga kamakalawa lamang ay babahagyang makabigkas ng si Padre, no Padre ay ibig pang lumalo sa mga inubanan na sa pagtuturo?  Ang sadyang ibig matuto ay natututo mayroon man o walang mga akademya!  Marahil iyan, iyang kaaalis pa lamang ay isa sa mga may panukala!  Kay inam ng kalalabasan ng wikang Kastila sa mga ganyang tagapagtanggol!  Saan kayo kukuha ng panahong ipaparoon sa akademya gayong halos kinakapos kayo sa ikagaganap sa kailangan ng klase?  Ibig naming matuto kayo ng wikang Kastila at masalita ninyong mabuti upang huwag ninyong sirain ang aming tainga sa inyong mga gawi at inyong mga P,64 nguni’t una muna ang katungkulan bago ang pagdadasal; tumupad muna kayo sa inyong pag-aaral at saka kayo mag-aral ng wikang Kastila at pumasok pa kayong manunulat kung ibig ninyo.”

            At nagpatuloy sa gayong kasasalita hanggang sa tumugtog ang kampana at matapos ang klase, at ang dalawang daan at tatlumpu’t apat na mag-aaral, matapos makapagdasal ay umalis na wala ring natutunan kagaya nang pumasok, nguni’t nangagsihingang wari’y naalisan ng isang malaking pataw sa katawan.  Ang bawa’t isa sa mga binata’y nawalan ng isang oras pa sa ganyang pamumuhay, at

62 Isang lihim na panunulsol ni Rizal sa mga estudyante ng UST na ipakipaglaban nila ang kanilang mga karapatan.

63 Tandaan na ang sumulat ng nobela ay umalis din ng pag-aaral sa UST.64 To confuse the letters p and f in speaking Spanish was a common error among uneducated Filipinos.

Page 17: FilibusterismoDeciphered -kab13-Klase sa Pisika

kasabay noon ang isang bahagi ng karangalan at pagpapahalaga sa sarili, nguni’t sa isang dako naman ay nararagdagan ang panghihina ng loob, ang di pagkagiliw sa pag-aaral at ang mga pagdaramdam ng mga puso.  Matapos ito’y hingan sila ng karunungan, karangalan, pagkilala ng utang na loob!

            De nobis post hoec, tristic sententia fertur (at saka pagkatapos, walang nalalabi sa atin kundi pawang malulungkot na hatol)!

            At gaya rin ng dalawang daa’t tatlumpu’t apat na ito’y dinaan ang mga oras ng kanilang klase ng libo at libong mag-aaral na nauna sa kanila, at, kung hindi maaayos ang mga bagay-bagay, ay daraan ding gayon ang mga susunod at magiging mga batingol, at ang karangalang sinugatan at ang sigabong ligaw ng kabataan ay magiging pagtatanim at katamaran, na gaya ng mga alon, na nagiging maputik sa ilang pook ng dalampasigan, na sa pagsusunuran ay lalo’t lalo pang lumalapad ang naiiwan ng yagit.  Datapwa’t iyong mula sa walang katapusan, na nakakakita sa mga ibubunga ng isang kagagawan na nakakalas na wari’y sinulid.  Iyong tumitimbang ng mga sandali at nagtakda sa kanyang mga nilalang na ang unang batas ay ang paghanap ng ikasusulong at ng kawastuan.   Iyong, kung tapat, ay hihingi ng pagtutuos na dapat hingan, ng dahil sa mga yuta-yutang pag-iisip na pinalabo at binulag nang dahil sa karangalang pinawi sa yuta-yutang tao at nang dahil sa di-mabilang na panahong lumipas at gawang nawalan ng kabuluhan!  At kung ang mga turo sa Ebanghelyo ay may tining na katotohanan ay mananagot din ang mga yuta-yutang hindi nangatutong itago ang liwanag ng kanyang pag-iisip at ang karangalan ng kanyang budhi, gaya rin naman nang pag-uusisa ng panginoon sa alipin ng salaping ipinanakaw niya dahil sa karuwagan!