filipino 7 - znnhs.zdnorte.net · isang panlilinlang upang hindi makain si pilandok ng baboy-ramo....

22
ROSEMARIE JEAN O. TONGOL SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE) 7 Filipino 7 Unang Markahan – Modyul 3 Paghihinuha sa Kalalabasan ng mga Pangyayari Batay sa Akda A Joint Project of the SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the DIPOLOG CITY GOVERNMENT

Upload: others

Post on 22-Oct-2020

76 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • ROSEMARIE JEAN O. TONGOL

    SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)

    7 Filipino 7

    Unang Markahan – Modyul 3

    Paghihinuha sa Kalalabasan ng

    mga Pangyayari Batay sa Akda

    A Joint Project of the

    SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the

    DIPOLOG CITY GOVERNMENT

  • Filipino – Ikapitong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 3: Paghihinuha sa Kalalabasan ng mga Pangyayari Batay

    sa Akda

    Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

    Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

    Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

    Inilimbag sa Pilipinas ng ____________________________ Department of Education – Region IX - Dipolog City Schools Division Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

    Telefax: (065) 212-6986

    E-mail Address: dipolog.city @ deped.gov.ph

    Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Rosemarie Jean O. Tongol

    Editor: Jeason L. Masauding

    Tagasuri: Riela Angela C. Josol, EPS-Filipino

    Tagaguhit:

    Tagalapat: Chithrill S. Maquiling

    Tagapamahala: SDS Virgilio P. Batan, Jr.

    ASDS Jay S. Montealto, CESO VI

    Dr. Amelinda D. Montero – CID Chief

    Dr. Nur N. Hussien- SGOD Chief

    Ronillo S. Yarag - Division EPS In Charge of LRMS

    Leo Martinno O. Alejo – PDO II - LRMS

  • 1

    Alamin

    Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

    Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang

    pampanitikan ng Mindanao.

    Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong

    panturismo.

    Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)

    A. Paghihinuha sa Kalalabasan ng mga Pangyayari Batay sa Akda

    Mga Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

    MELC

    Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan. (F7PN-Ic-d-2)

    Inaasahan din na ikaw ay:

    a. Natutukoy ang mga tauhan at mga katangian nito sa pabulang

    napakinggan. b. Nakapagbibigay ng sariling hinuha batay sa mga napapanahong

    pangyayari kaugnay sa akdang tinalakay. c. Nakabubuo ng sariling opinyon sa kalalabasan ng pangyayari sa

    mga kasalukuyang sitwasyon at naisasagawa ang mga gawaing inihanda.

    Subukin

    PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA

    Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap upang inyong

    mahinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari sa akda. Isulat ang titik ng

    tamang sagot sa iyong sagutang papel.

  • 2

    1. Kung ipinakain ni Pilandok sa baboy-ramo ang isang batang lalaking

    nagtatampisaw sa batis na nasa ibaba ng talon, ano kaya ang

    mangyayari pagkatapos?

    a. Mabubusog ang baboy-ramo at matutuwa.

    b. Hindi ito mabubusog dahil sa liit ng bata at maaaring kainin pa

    siya nito.

    c. Aalis ang baboy-ramo at hindi na kukulitin si Pilandok.

    d. Wala sa mga nabanggit.

    2. Sa palagay mo, bakit kaya nagpasiya ang matalinong Pilandok na

    magpunta sa paborito niyang malinaw na batis?

    a. Upang doon maghanap ng makakain.

    b. Upang magtago.

    c. Upang magpalamig at uminom.

    d. Upang mamasyal.

    3. “Tama ka, Pilandok, ito na nga ang hapunan ko.” Batay sa pahayag

    na ito, ano ang mahihinuha mo kay baboy-ramo?

    a. pagkagalak

    b. paghinayang

    c. pagkagulat

    d. pagkagalit

    4. Sa iyong palagay, kung naging magkaibigan si Pilandok at ang baboy-

    ramo, ano kaya ang mangyayari sa dalawa?

    a. Masaya silang naglalaro sa kagubatan.

    b. Magiging tuso at mapanlinlang din ang baboy-ramo.

    c. Aawayin nila ang mabangis na buwaya at ang maliit na suso.

    d. Hindi mag-aaway ang dalawa at hindi maloloko ang baboy-ramo.

    5. Bakit kaya tinulungan ni Pilandok ang baboy-ramo na maghanap ng

    makakain?

    a. Isang panlilinlang upang hindi makain si Pilandok ng baboy-

    ramo.

    b. Dahil naawa ito sa gutom na gutom na baboy-ramo.

    c. Ipapakain ni Pilandok kay baboy-ramo ang isang tao upang

    makapaghiganti.

    d. Wala sa mga nabanggit.

    6. Sa iyong pananaw, bakit kaya hindi binitawan ng buwaya ang paa ni

    Pilandok nang una nitong sunggabin?

    a. Dahil gutom na gutom ang buwaya.

  • 3

    b. Dahil galit na galit ang buwaya.

    c. Dahil sanay na kasi itong naiisahan.

    d. Dahil sa pagkagulat nalimutan nitong bitawan.

    7. Kung hindi tuso at mapanlinlang si Pilandok, ano kaya ang

    kahihinatnan nito?

    a. Matiwasay ang pamumuhay nito at marami itong kaibigan,

    b. May mga kaaway ito sa kagubatan.

    c. Marahil nakain na ito ng baboy-ramo.

    d. Magulo ang kanyang pamumuhay.

    8. Ano kaya ang pagmamayabang na ginawa ni Pilandok nang

    nakasalubong niya ang isang maliit na suso?

    a. Sinipa niya ang suso hanggang sa mapikon ito.

    b. Ipinagmayabang niya ang pagkawala sa buwaya.

    c. Sinabihan niya ang suso na may nakita siyang kayamanan.

    d. Hinamon niya ang suso sa isang karera.

    9. Ano kayang pambobola ang ginawa ni Pilandok upang hindi ito

    makain ng gutom na gutom na baboy-ramo?

    a. Ipapakain ni Pilandok ang sarili sa baboy-ramo.

    b. Sinabihan ni Pilandok ang baboy-ramo na humanap ng ibang

    makakain.

    c. Tutulungan at sasamahan ni Pilandok ang baboy-ramo na

    maghanap ng isang taong makabubusog.

    d. Tumakbo si Pilandok palayo sa baboy-ramo.

    10. Bakit kaya hinamon ni Pilandok ang maliit na suso sa isang karera?

    a. Nagmayabang at minaliit ni Pilandok ang kakayahan ng isang

    suso.

    b. Upang maipakita sa lahat ng mga hayop na siya ay mabilis.

    c. Dahil sa kagustuhan nitong matalo ang maliit na suso.

    d. Sabik na sabik na si Pilandok na kainin ang suso kung sakaling

    matalo ito.

    11. “Kung gayon, saan ko makikita ang taong kakainin ko? Gutom na

    gutom na ako! Niloloko mo lang yata ako eh.” Sa pananalita ng baboy-

    ramo, ating mahihinuha na siya ay __________________.

    a. galit na galit

    b. nagbabanta

    c. napapagod

    d. umiiyak

  • 4

    12. Sa pagkatalo ni Pilandok sa isang maliit na suso, ano ang

    mensaheng ibig nitong ipabatid?

    a. Ang panlilinlang ay nakatutulong sa pang-unlad ng buhay.

    b. Dapat nating ipagmalaki ang kakayahang mambola sa kapwa.

    c. Ang pagkapanalo ay isang swerte lamang.

    d. Ang anumang gawin mo sa kapwa mo, babalik at babalik din sa

    iyo.

    13. Sa tingin mo, ano kaya ang magiging reaksyon at gagawin ni

    Pilandok matapos nitong matalo sa karera laban sa maliit na suso?

    a. Magagalit si Pilandok.

    b. Aawayin nito ang maliit na suso.

    c. Hahamunin muli ang maliit na suso sa isang karera.

    d. Tatanggapin ang pagkatalo at iiwasan na nito ang panlilinlang.

    14. Sa palagay mo, sa paanong paraan kaya natalo ng suso si Pilandok?

    a. Kinausap ng suso ang mga magkakamukhang kapatid at

    aakalain na iisang suso lang sila.

    b. Mabilis ang pagtakbo ng suso hanggang natalo nito si Pilandok.

    c. Sumakay ang suso sa isang ibon upang mauna itong makarating

    sa dulo.

    d. Ipinatawag ng suso angbuwaya at baboy-ramo upang matakot si

    Pilandok.

    15. Kung mayroon kang kakilala na may katangian na kagaya ni

    Pilandok, paano mo siya matutulungang magbago?

    a. Sa tusong paraan ko tutulungan upang malaman niya ang

    kanyang ginagawa.

    b. Aawayin ko hanggang sa matuto ng leksyon.

    c. Papayuhan at aawatin ko ang pambobola.

    d. Isusumbong sa punong barangay.

  • 5

    Modyul

    3 Paghihinuha sa

    Kalalabasan ng mga

    Pangyayari Batay sa Akda

    Balikan

    MULING BALIKAN ANG NAKARAAN

    MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG MGA PATUNAY

    Gawain A. Lagyan at guhitan ng ang kahon kung ang pangungusap ay

    nagbibigay ng patunay at naman kung ito ay hindi nagsasaad ng patunay.

    Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

    1. Ang daigdig ay mga 93 milyong milya o mga 150 milyong kilometro mula

    sa araw at umiikot ang mundo sa paligid ng araw sa bilis na 67,000 milya

    bawat oras.

    2. Ang Lungsod ng Dipolog ay may populasyon na 130,759 sa may 29,503

    na kabahayan.

    3. Sa sukat, ang Asia ang pinakamalaking kontinente sa mundo at

    binubuo nito ang halos ikatlong bahagi ng lupa ng daigdig.

    4. Binuo ni Charles Darwin, isang sayantist na Ingles, ang teorya ng

    ebolusyon na nakalathala sa kanyang aklat na Origin of Species.

    5. Si Catriona Gray ang ikalawang Filipina na nakoronahan bilang Miss

    Universe na naganap sa South Africa.

    Gawain B. Hanapin sa kahon ang tumpak na sagot sa bawat pangungusap.

    Isulat ang sagot sa sagutang papel.

    ____________________1. Makikita mula sa mga detalye ang patunay sa isang

    pahayag.

    ____________________2. Hindi direktang makikita, maririnig, o mahihipo ang

    ebidensya subalit sa pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang katotohanan.

    Dokumentaryong Ebidensya Pinatutunayan ng mga Detalye

    Datos

    Nagpapahiwatig Nagpapatunay Kapani-paniwala

  • 6

    ____________________3. Ang mga ebidensyang magpapatunay na maaaring

    nakasulat, nakalarawan, o nakavideo.

    ____________________4. Salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala

    sa ipinahahayag.

    ____________________5. Ipinakikita ng salitang ito na ang mga ebidensya, patunay,

    at kalakip na datos ay kapani-paniwala at maaaring makapagpatunay.

    Tuklasin

    Bago mo basahin ang pabula, kilalanin at tukuyin mo muna ang mga

    tauhan sa akda.

    Gawain C: Larawan Ko, Tukuyin Mo

    Nasa larawan ang mga tauhan sa pabulang ating tatalakayin. Hanapin sa

    kabilang hanay, Hanay B, kung anong hayop ang nasa larawan. Isulat sa

    sagutang papel ang sagot.

    1.

    2.

    3.

    4.

    Gawain D: Question Wall

    Panuto: Magbigay ng iyong mga katanungan na nagtataglay ng

    paghihinuha tungkol sa pabulang babasahin. Isulat sa iyong kwaderno o

    sagutang papel.

    Hanay B

    A. Suso

    B. Baboy

    C. Buwaya

    D. Baboy-ramo

    E. Pilandok

    F. Aso

    G. Usa

  • 7

    Suriin

    Sa pagkakataong ito, ipabasa sa isang miyembro ng inyong pamilya ang isang

    pabula. Makinig at unawain ang iyong napakinggan batay sa mga kaganapang

    nangyari.

    Pagbasa 1 Natalo Rin Si Pilandok (Pabula)

    Kilala si Pilandok sa kanyang pagiging tuso at

    mapanlinlang. Katunayan, madalas na panlilinlang o

    panloloko ang ginagamit ni Pilandok sa kanyang mga laban

    kaya naman lagi siyang nananalo. Subalit sa pagkakataong

    ito, bumalik sa kanya ang mga nagawa niyang panloloko o

    panlilinlang kaya siya naman ang natalo. Sino kaya ang

    hayop na nakatalo sa kanya. Isa kaya itong malaki at

    makapangyarihang hayop? At sa paanong paraan kaya niya

    natalo ang Pilandok? Halina’t iyong alamin.

    Paghihinuha at Paghula sa Kalalabasan ng Pangyayari

    Ang paghihinuha (inferring) ay magagawa lamang ng mambabasa kung tunay na

    nauunawaan niya ang kanyang binabasang artikulo o seleksyon.

    Sa bawat seleksyon, nagbibigay ng mga pahiwatig ang manunulat na hindi tuwirang

    sinasabi o ipinahahayag sa halip ay ibinibigay na implikasyon.

    Kung ang bawat pahiwatig at implikasyong ibinigay ay uunawaing mabuti, at buhat dito

    ay makakayanang bumuo ng isang makabuluhang hinuha, ganap ang naging pag-unawa

    nya sa nabasa.

    Sa hinuhang ito, makabubuo ng prediksyon o paghuhula. Kadalasan, nagaganap ang

    paghuhula kung ang naging wakas ng akdang binabasa ay nakabitin.

    Hinuhulaan ng mambabasa kung ano ang mangyayari o posibleng nangyari sa akda sa

    pamamagitan ng mga pahiwatig at implikasyong ginamit sa paghihinuha

    Hindi makagagawa ng paghihinuha at paghuhula ang mambabasa kung hindi ganap ang

    naging pag-unawa niya sa binasang akda.

    Sa makatuwid tatak ng pagkaunawa sa bumabasa ang kakayahang gumawa ng

    paghihinuha (inferring) at paghuhula (predicting) sa hinihingi ng binabasang akda.

    Nagbibigay ng pahiwatig ang manunulat sa teksto. Ito ay di niya direktang ipinahahayag

    bagama't may mga implayd na kahulugan sa pagitan ng mga salita, pangungusap at

    talataan. Hindi ito dinidisklos ng manunulat at hinahayaang ang mambabasa ang kusang

    makadiskubre hanggang sa tuluyang makapaghinuha o makapanghula sa kalalabasan ng

    pangyayari.

    https://prezi.com/bfsp3339nnqr/paghihinuha-at-paghuhula-sa-kalalabasan-ng-pangyayari/?fallback=1

    Sa bahaging ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang mga

    kaisipan/kaalamang tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang

    paksang-aralin.

    https://prezi.com/bfsp3339nnqr/paghihinuha-at-paghuhula-sa-kalalabasan-ng-pangyayari/?fallback=1

  • 8

    Isang hapon, mainit ang sikat ng araw kaya’t nagpasya ang matalinong

    pilandok na magpunta sa paborito niyang malinaw na batis upang doon

    magpalamig at uminom. Isang malaki at gutom na gutom na baboy-ramo pala ang

    nakatago sa gilid ng malalabay na puno at naghihintay ng anumang darating na

    maaaring makain. Nang makita niya ang pilandok ay agad na nagningning ang

    kanyang mga mata. Mabilis siyang lumabas at humarang sa daraanan ng

    pilandok.

    “Sa wakas, dumating din ang aking pagkain. Gutom na gutom na ako sa

    maghapong hindi pagkain, Pilandok, kaya’t humanda ka na dahil ikaw ngayon ang

    aking magiging hapunan,” ang tatawa-tawang sabi ng baboy-ramo. Kitang-kita ng

    pilandok ang matutulis na ngipin at pangil na baboy-ramo. Takot na takot ang

    pilandok dahil alam niyang sa isang sagpang lang sa kanya ay tiyak na

    magkakalasog-lasog ang kanyang payat na katawan subalit hindi siya

    nagpahalata. “Kawawa ka naman baboy-ramo, maghapon ka na palang hindi

    kumakain,” ang sabi na tila awing-awa nga sa kalagayan ng kausap. “Puwede mo

    nga akong maging pagkain pero alam mo, sa gutom mong iyan at sa liit kong ito,

    tiyak na hindi ka mabubusog sa akin.” Ang dugtong pa nito. “Kung gayon, ano ang

    gagawin ko? Gutom na gutom na ako!” ang malakas na sigaw ng baboy-ramo. “Ha!

    Matutulungan kita riyan, Baboy-ramo,” ang sabi ni Pilandok habang mabilis na

    nag-iisip. “Tao, tao ang dapat mong kainin para mabusog ka.

    Sasamahan kita sa paghahanap ng isang taong tiyak na makabubusog sa iyo”.

    ang paniniyak nito. “Ano ba ang tao? Tiyak ka bang mabubusog ako sa tao?” ang

    tanong ng baboy-ramo. “Ang tao ang pinakamalakas na hayop sa buong mundo,”

    ang sagot naman ng pilandok.

    “Mas malakas pa kaya sa akin?” ang tanong ng baboy-ramo habang hinihipan

    at pinalalaki ang kanyang dibdib. “Oo, malakas talaga ang tao subalit sa talas ng

    iyong mga ngipin at pangil, at sa bilis mong tumakbo, tiyak na kayang-kaya mong

    sagpangin at kainin ang tao,” ang pambobola pa ng pilandok sa baboy-ramo.

    Nahulog na nga ang baboy-ramo sa bitag ng pilandok. Paniwalang-paniwala ito sa

    kanyang matatamis na pananalita. “Kung gayon, samahan mo na ako sa tao at

    nang ako’y makakain na. Basta’t tandaan mo, kapag hindi ako nakakain ng tao ay

    ikaw pa rin ang magiging hapunan ko,” sabi ng baboy-ramo sa pilandok. “Oo,

    basta, ako ang bahala sa iyo. Tiyak na mabubusog ka, kaibigan,” ang paniniyak pa

    ng pilandok sa baboy-ramo.

    Naglakad-lakad nga ang dalawa sa kagubatan hanggang sa mapunta sila sa

    isang talon. Nakarinig sila ng tinig ng isang batang tila tuwang-tuwa sa paglangoy.

    Nakita nila ang isang batang lalaking nagtatampisaw sa batis na nasa ibaba ng

    talon. “Iyan, iyan na ba ang tao? Susunggaban at kakainin ko na,” ang mabilis na

    sabi ng baboy-ramo. “Kaibigan, hindi pa iyan ang tao. Sumisibol pa lang iyan

    kaya’t hindi ka pa masisiyahan diyan,” ang sagot ng pilandok. “Kung gayon, saan

    natin makikita ang taong gagawin kong hapunan?” ang naiinip nang tanong ng

    baboy-ramo. “Doon, sa gawing hilaga,” ang sagot ng pilandok.

    Nakakita sila ng isang taniman ng mga kamote. May isang matandang lalaking

    nagtatanim. Nakabaluktot na ang likod niya at nakalalakad na lamang sa tulong

    ng baston. “Iyan na ba? Iyan na ba ang taong gagawin kong hapunan? Ayoko

    niyan, payat at ni hindi ako matitinga riyan,” ang sabi ng baboy-ramo. “Tama ka,

    kaibigan. Payat masyado iyan at hindi ka mabubusog diyan. Tira-tirahan na lang

  • 9

    iyan. Hindi iyan nababagay sa isang matikas na baboy-ramong tulad mo,” ang

    muling sabi ng pilandok.

    Galit na ang baboy-ramo.” Kung gayon, saan ko makikita ang taong kakainin

    ko? Gutom na gutom na ako! Niloloko mo lang yata ako eh. Ikaw na lang ang

    kakainin ko!” ang gigil na sabi nito sa pilandok. “Huwag! Huwag, kaibigan. Hayun

    na, hayun na ang taong laan para sa iyong hapunan,” ang sabi ng pilandok sabay

    turo sa isang matikas at matangkad na mangangasong naglalakad sa gilid ng

    gubat. “Tiyak na mabubusog ka riyan dahil malaman iyan at tiyak, hindi mo na

    gugustuhin pang kumain ng isang munting hayop na tulad ko pagkatapos mo

    siyang makain,” ang nakangising sabi ng pilandok. “Tama ka, Pilandok. Ito na nga

    ang hapunan ko,” ang sigaw ng baboy-ramo sabay sugod sa nabiglang

    mangangaso. Subalit nabigla man at natumba ang mangangaso ay mabilis pa rin

    itong nakabangon at napaputok ang dalang ripple kaya’t tinamaan ang baboy-

    ramo.

    Nakahinga nang maluwag ang tusong Pilandok. Ngayon siya nakadama ng

    matinding uhaw kaya’t naisip niyang muling bumalik sa batis upang ipagpatuloy

    ang naputol na pag-inom. Tahimik na umiinom ang pilandok nang bigla niyang

    maramdamang may sumunggab sa kanyang isang paa. Paglingon niya ay nakita

    niya ang buwayang makailang beses na niyang nalinlang. Alam niyang galit sa

    kanya ang buwaya pero galit din siya rito dahil sa lagi siyang pinipigilang umiinom

    sa batis. Sa halip na magsisigaw sa sakit ay mabilis na umisip ng solusyon ang

    matalinong pilandok. “Hay naku, kawawa naman ang buwayang ito. Hindi niya

    makilala ang pagkakaiba ng patpat sa paa ng isang usa,” ang tila nang-uuyam na

    sabi ng pilandok. Subalit hindi siya binitawan ng buwaya. Sanay na kasi itong

    naiisahan ni Pilandok kaya ngayon ay natuto na siya. Baka isa na namang

    patibong ito ng pilandok.

    Subalit hindi tumigil doon ang pilandok. “Buwaya, bulag ka ba? Patpat lang

    ang kagat-kagat mo. Heto ang paa ko, o,” ang malakas na sabi niya sabay taas sa

    isang binti. Biglang binitawan ng buwaya ang kagat-kagat na paa ng pilandok.

    Akmang susunggaban na sana nito ang isang paang itinaas ng pilandok nang

    mabilis itong makalundag palayo. Sising-sisi ang buwaya, naisahan na naman siya

    ng matalinong pilandok Habang naglalakad pauwi ang pilandok ay nasalubong

    niya ang isang suso. Dahil maliit ang suso ay naisip ng Pilandok na kayang-kaya

    niyang magyabang dito.

    Hinamon niya ang suso sa isang karera at anong laking gulat niya nang

    pumayag ang suso at nagsabi pa itong kayang-kaya niyang talunin ang pilandok.

    Ang hindi alam ng pilandok ay kalat na kalat na sa kaharian ng mga hayop ang

    kanyang pagiging tuso o mapanlinlang kaya’t napaghandaan na ang suso ang araw

    na siya naman ang maaring pagdiskitahan ng pilandok. Kinausap na niya ang

    kanyang mga kapatid. Magkakamukha sila at aakalain mong iisang suso lang sila

    dahil sa kanilang parehong-parehong itsura. Nagsimula na nga ang karera. Agad

    umarangkada at tumakbo nang ubod bilis ang pilandok. Subalit paghinto niya sa

    kalagitnaan upang silipin kung nasaan na ang kalaban ay anong laking gulat niya

    nang magsalita ang suso.

    “O, ano Pilandok, pagod ka na ba?” ang tanong nito. Gulat na gulat sa kung

    paanong nagawa ng suso na mauna pa sa kanya kaya’t mabilis na tumakbo uli ang

    pilandok hanggang sa makarating sa dulo ng karera nang halos lumawit ang dila

  • 10

    sa pagod. Subalit, hayun at nauna na naman ang suso na ipinagbubunyi na ng

    ibang mga hayop bilang nagwagi. Hindi makapaniwala ang pilandok na natalo siya

    ng isang suso.

    Natalo niya ang mabangis na baboy-ramo, natalo niya ang malaki at

    mahabang buwaya, minsa’y naisahan na rin niya ang isang matalinong sultan

    subalit, heto, siya naman ngayon ang natalo ng isang munting suso. Kinamayan

    niya ang suso at buong pagpapakumbaba niyang sinabi,”Suso, kung sa paanong

    paraan mo man ginawa iyon, tinatanggap kong tinalo mo ako. Matalino ka nga.

    Binabati kita at dahil diyan, ipinangangako kong iiwasan ko na ang ginagawa kong

    panlalamang sa kapwa.” Muling nagbunyi ang mga hayop na nakarinig kay

    Pilandok.

    Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7 Ikalawang Edisyon, Alma M. Dayag et. al.

    Gawain F: Katangian ng mga Tauhan

    Isulat ang mga katangian ng mga tauhan sa pabula. Isulat ang iyong sagot

    sa sagutang papel.

    Magaling! Natapos mo ng basahin ang pabula. Marami ka

    bang natutunan? Ngayon, matapos mong basahin ang pabula

    sagutin mo nang buong husay ang bawat gawaing inihanda

    upang matamo mo ang inaasahang antas ng pag-unawa sa

    aralin.

    Suso

    _________________

    _________________

    __________________

    ________________

    _______________

    _______________

    _________________

    _________________

    Natalo Rin Si Pilandok

    Pilandok Baboy-ramo Buwaya

  • 11

    Sagutin mo ang mga sumusunod na pamprosesong tanong. Isulat

    sa papel ang mga sagot.

    1. Ano ang pinakaangkop na paglalarawan para kay Pilandok, matalino o

    mapanlinlang? Patunayan ang sagot.

    _________________________________________________________________________

    _________________________________________________________________________

    _________________________________________________________________________

    2. Sa paanong paraan nakilala ni Pilandok ang baboy-ramo? Sa iyong

    palagay, nararapat nga kaya ang ginawa niyang panlinlang sa baboy-

    ramo? Bakit?

    _________________________________________________________________________

    _________________________________________________________________________

    _________________________________________________________________________

    _________________________________________________________________________

    3. Bakit kaya galit na galit ang buwaya kay Pilandok?

    _________________________________________________________________________

    _________________________________________________________________________

    _________________________________________________________________________

    _________________________________________________________________________

    4. Sa paanong paraan napagtanto ni Pilandok ang kanyang pagkakamali?

    _________________________________________________________________________

    _________________________________________________________________________

    _________________________________________________________________________

    _________________________________________________________________________

    5. Sa iyong palagay, ano kaya ang mangyayari kay Pilandok kung

    magpapatuloy pa rin siya sa pagiging mapanlinlang?

    _________________________________________________________________________

    _________________________________________________________________________

    _________________________________________________________________________

  • 12

    Pagyamanin

    Gawain G: Pagsulat ng Journal

    Isulat sa iyong journal ang sagot sa mga katanungan na hango sa binasang

    pabula na nasa ibaba.

    3. Nalinlang ni Pilandok ang buwaya kaya’t binitawan nito ang kanyang paa na

    sinunggaban. Sa tingin mo, ano kaya ang mangyayari kapag magkita ulit ang

    buwaya at si Pilandok? Malilinlang pa kaya ni Pilandok ang buwaya?

    _____________________________________________________________________________

    _____________________________________________________________________________

    _____________________________________________________________________________

    _____________________________________________________________________________

    _____________________________________________________________________________

    _____________________________________________________________________________

    _____________________________________________________________________________

    _____________________________________________________________________________

    _____________________________

    1. Batay sa akdang inyong nabasa, tama ba ang ginawa ng suso na panlinlang

    kay Pilandok? Bakit?

    ____________________________________________________________________________________

    ____________________________________________________________________________________

    ____________________________________________________________________________________

    ____________________________________________________________________________________

    ____________________________________________________________________________________

    ____________________________________________________________________________________

    ____________________________________________________________________________________

    _________________________________________________________

    2. Sa iyong palagay, makatarungan kaya ang ginawang panlilinlang ni

    Pilandok kay baboy-ramo at buwaya?

    _____________________________________________________________________________

    _____________________________________________________________________________

    _____________________________________________________________________________

    _____________________________________________________________________________

    _____________________________________________________________________________

    _____________________________________________________________________________

  • 13

    Isaisip

    Gawain H: Mahalagang Kaisipan

    Isulat sa mga ulap ang mahahalagang kaisipan.

    ➢ Kung ikaw si Pilandok, ipagpapatuloy mo ba ang panlilinlang sa kapwa?

    Bakit? Maituturing mo bang tagumpay ang pagiging tuso at mambobola?

    Ipaliwanag ang sagot.

    MAHALAGANG KAISIPANG NATAMO SA PABULA

  • 14

    Isagawa

    Gawain I

    Panuto: Ibigay ang iyong sariling opinyon sa maaaring kalabasan ng mga pangyayari o sitwasyon na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa iyong

    sagutang papel.

    SITWASYON 1 Naglalakad ka sa isang

    eskinita, nang bigla mong naramdaman na may taong sumusunod sa iyo. Ano ang

    gagawin mo?

    SAGOT:

    ___________________________________

    ___________________________________

    ___________________________________

    ___________________________________

    ___________________________________

    ___________________________________

    SITWASYON 2 Bumisita ka sa bahay ng

    iyong tiyahin sa kalagitnaan ng pandemya. Habang naglalakad ka sa daan, nakita mo ang isang

    pulis na nakatingin sa iyo, at naalala mo na hindi ka pala

    nakapagsuot ng face mask. Ano kaya ang iyong gagawin?

    SAGOT:

    __________________________________

    __________________________________

    __________________________________

    __________________________________

    __________________________________

    __________________________________

    __________________________________

    __________________________________

    _________

    SITWASYON 3

    Batid nating lahat na

    nahihirapan ang mga tao sa

    panahon ngayon ng pandemya,

    kaya nananawagan ang pangulo

    sa mga mamamayan na kailang

    mag-ingat. Bilang isang

    kabataan, ano ang maaari mong

    gawin upang makatulong sa

    ating pamahalaan?

    SAGOT:

    ___________________________________

    ___________________________________

    ___________________________________

    ___________________________________

    ___________________________________

    ___________________________________

    ___________________________________

    ___________________________________

    ___________________________________

    SITWASYON 4

    Nakita mo ang isang ale na ninanakawan ng iyong matalik

    na kaibigan. Ano ang iyong gagawin?

    SAGOT:

    ___________________________________

    ___________________________________

    ___________________________________

    ___________________________________

    ___________________________________

    ___________________________________

  • 15

    Tayahin

    Panuto: Maghinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa akdang

    napakinggan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

    1. Kung ipinakain ni Pilandok sa baboy-ramo ang isang batang lalaking

    nagtatampisaw sa batis na nasa ibaba ng talon, ano kaya ang

    mangyayari pagkatapos?

    a. Mabubusog ang baboy-ramo at matutuwa.

    b. Hindi ito mabubusog dahil sa liit ng bata at maaaring kainin pa

    siya nito.

    c. Aalis ang baboy-ramo at hindi na kukulitin si Pilandok.

    d. Wala sa mga nabanggit.

    2. Sa palagay mo, bakit kaya nagpasiya ang matalinong Pilandok na

    magpunta sa paborito niyang malinaw na batis?

    a. Upang doon maghanap ng makakain.

    b. Upang magtago.

    c. Upang magpalamig at uminom.

    d. Upang mamasyal.

    3. “Tama ka, Pilandok, ito na nga ang hapunan ko.” Batay sa pahayag na

    ito, ano ang mahihinuha mo kay baboy-ramo?

    a. pagkagalak

    b. paghinayang

    c. pagkagulat

    d. pagkagalit

    4. Sa iyong palagay, kung naging magkaibigan si Pilandok at ang baboy-

    ramo, ano kaya ang mangyayari sa dalawa?

    a. Masaya silang naglalaro sa kagubatan.

    b. Magiging tuso at mapanlinlang din ang baboy-ramo.

    c. Aawayin nila ang mabangis na buwaya at ang maliit na suso.

    d. Hindi mag-aaway ang dalawa at hindi maloloko ang baboy-ramo.

    5. Bakit kaya tinulungan ni Pilandok ang baboy-ramo na maghanap ng

    makakain?

    a. Isang panlilinlang upang hindi makain si Pilandok ng baboy-

    ramo.

    b. Dahil naawa ito sa gutom na gutom na baboy-ramo.

    c. Ipapakain ni Pilandok kay baboy-ramo ang isang tao upang

    makapaghiganti.

    d. Wala sa mga nabanggit.

  • 16

    6. Sa iyong pananaw, bakit kaya hindi binitawan ng buwaya ang paa ni

    Pilandok nang una nitong sunggabin?

    a. Dahil gutom na gutom ang buwaya.

    b. Dahil galit na galit ang buwaya.

    c. Dahil sanay na kasi itong naiisahan.

    d. Dahil sa pagkagulat nalimutan nitong bitawan.

    7. Kung hindi tuso at mapanlinlang si Pilandok, ano kaya ang

    kahihinatnan nito?

    a. Matiwasay ang pamumuhay nito at marami itong kaibigan,

    b. May mga kaaway ito sa kagubatan.

    c. Marahil nakain na ito ng baboy-ramo.

    d. Magulo ang kanyang pamumuhay.

    8. Ano kaya ang pagmamayabang na ginawa ni Pilandok nang

    nakasalubong niya ang isang maliit na suso?

    a. Sinipa niya ang suso hanggang sa mapikon ito.

    b. Ipinagmayabang niya ang pagkawala sa buwaya.

    c. Sinabihan niya ang suso na may nakita siyang kayamanan.

    d. Hinamon niya ang suso sa isang karera.

    9. Ano kayang pambobola ang ginawa ni Pilandok upang hindi ito makain

    ng gutom na gutom na baboy-ramo?

    a. Ipapakain ni Pilandok ang sarili sa baboy-ramo.

    b. Sinabihan ni Pilandok ang baboy-ramo na humanap ng ibang

    makakain.

    c. Tutulungan at sasamahan ni Pilandok ang baboy-ramo na

    maghanap ng isang taong makabubusog.

    d. Tumakbo si Pilandok palayo sa baboy-ramo.

    10. Bakit kaya hinamon ni Pilandok ang maliit na suso sa isang karera?

    a. Nagmayabang at minaliit ni Pilandok ang kakayahan ng isang

    suso.

    b. Upang maipakita sa lahat ng mga hayop na siya ay mabilis.

    c. Dahil sa kagustuhan nitong matalo ang maliit na suso.

    d. Sabik na sabik na si Pilandok na kainin ang suso kung sakaling

    matalo ito.

    11. “Kung gayon, saan ko makikita ang taong kakainin ko? Gutom na gutom

    na ako! Niloloko mo lang yata ako eh.” Sa pananalita ng baboy-ramo,

    ating mahihinuha na siya ay…

    a. galit na galit

    b. nagbabanta

  • 17

    c. napapagod

    d. umiiyak

    12. Sa pagkatalo ni Pilandok sa isang maliit na suso, ano ang mensaheng

    ibig nitong ipabatid?

    a. Ang panlilinlang ay nakatutulong sa pang-unlad ng buhay.

    b. Dapat nating ipagmalaki ang kakayahang mambola sa kapwa.

    c. Ang pagkapanalo ay isang swerte lamang.

    d. Ang anumang gawin mo sa kapwa mo, babalik at babalik din sa

    iyo.

    13. Sa tingin mo, ano kaya ang magiging reaksyon at gagawin ni Pilandok

    matapos nitong matalo sa karera laban sa maliit na suso?

    a. Magagalit si Pilandok.

    b. Aawayin nito ang maliit na suso.

    c. Hahamunin muli ang maliit na suso sa isang karera.

    d. Tatanggapin ang pagkatalo at iiwasan na nito ang panlilinlang.

    14. Sa palagay mo, sa paanong paraan kaya natalo ng suso si Pilandok?

    a. Kinausap ng suso ang mga magkakamukhang kapatid at

    aakalain na iisang suso lang sila.

    b. Mabilis ang pagtakbo ng suso hanggang natalo nito si Pilandok.

    c. Sumakay ang suso sa isang ibon upang mauna itong makarating

    sa dulo.

    d. Ipinatawag ng suso angbuwaya at baboy-ramo upang matakot si

    Pilandok.

    15. Kung mayroon kang kakilala na may katangian na kagaya ni Pilandok,

    paano mo siya matutulungang magbago?

    a. Sa tusong paraan ko tutulungan upang malaman niya ang

    kanyang ginagawa.

    b. Aawayin ko hanggang sa matuto ng leksyon.

    c. Papayuhan at aawatin ko ang pambobola.

    d. Isusumbong sa punong barangay.

  • 18

    Karagdagang Gawain

    KAASALAN

    DAMDAMIN

    KAISIPAN

    Gawain J: Bisa sa Isip, Damdamin, Kaasalan

    Sagutin at magbigay ng hinuha sa bisang pangkaisipan, bisang

    pandamdamin at bisang pangkaasalan buhat sa sitwasyong ibibigay.

    Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

    Sa ating mundo ay marami ang mga mapanlinlang at mpagsamantala

    subalit marami pa rin namang taong may mabubuting hangarin sa

    kanilang kapwa. Ano ang nararapat gawin upang makaiwas maging

    biktima ng mga taong mapagsamantala?

  • 19

    TAYAHIN 1.B 2.C

    3.A 4.D

    5.A 6.C

    7.A 8.D 9.C

    10.A 11.A

    12.D 13.D

    14.A 15.C

    SUBUKIN 1.B

    2.C 3.A 4.D

    5.A 6.C

    7.A 8.D

    9.C 10. A 11.A

    12.D 13.D

    14.A 15.C

    Susi sa Pagwawasto

  • 20

    Sanggunian

    Dayag, Alma M., Ailene Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, at Carmela Esguera-Jose.

    Pinagyamang Pluma 7. Quezon City: Phoenix Publishing House 2017.

    Mga Larawan

    (Tuklasin, Gawain C)

    1. https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fthepigsite.com%2Fnews%2F20

    19%2F01%2Fnew-app-tracks-wild-boars-in-

    texas&psig=AOvVaw1QhG2FHWoU7dvQ2a3mrmFO&ust=1597042066926000&source=ima

    ges&cd=vfe&ved=2ahUKEwi4nf-5w43rAhVYxosBHetyA44Qr4kDegUIARDxA

    2. https://www.pinterest.ph/pin/576671927261023221/

    3. https://www.alamy.com/crocodile-lying-on-the-green-grass-

    image220792677.html#:~:text=Enlarge

    4.https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Ftl.fanpop.com%2Fclubs%2Fanimals%2Fimages%2F38720121%2Ftitle%2Fsnail-

    wallpaper%23%3A~%3Atext%3DNext%2520Previous&psig=AOvVaw0JNglAR5b-

    fmU7E7L8Ntwx&ust=1597042062479000&source=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwjm5u-3w43rAhWIEKYKHSCVDNgQr4kDegUIARCXAQ

    Mga Impormasyon

    (Balikan)

    Soriano, Celia D., Eleanor D. Antonio, Evangeline M. Dallo, Consuelo M. Imperial, Maria

    Carmelita B. Samson. Kayamanan III. Manila, Phillipines: Rex Printing Company Inc. 2005

    tl.m.wikipedia.org/wiki/Dipolog

    (Isaisip)

    https://prezi.com/bfsp3339nnqr/paghihinuha-at-paghuhula-sa-kalalabasan-ng-

    pangyayari/?fallback=1

    https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fthepigsite.com%2Fnews%2F2019%2F01%2Fnew-app-tracks-wild-boars-in-texas&psig=AOvVaw1QhG2FHWoU7dvQ2a3mrmFO&ust=1597042066926000&source=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwi4nf-5w43rAhVYxosBHetyA44Qr4kDegUIARDxAhttps://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fthepigsite.com%2Fnews%2F2019%2F01%2Fnew-app-tracks-wild-boars-in-texas&psig=AOvVaw1QhG2FHWoU7dvQ2a3mrmFO&ust=1597042066926000&source=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwi4nf-5w43rAhVYxosBHetyA44Qr4kDegUIARDxAhttps://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fthepigsite.com%2Fnews%2F2019%2F01%2Fnew-app-tracks-wild-boars-in-texas&psig=AOvVaw1QhG2FHWoU7dvQ2a3mrmFO&ust=1597042066926000&source=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwi4nf-5w43rAhVYxosBHetyA44Qr4kDegUIARDxAhttps://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fthepigsite.com%2Fnews%2F2019%2F01%2Fnew-app-tracks-wild-boars-in-texas&psig=AOvVaw1QhG2FHWoU7dvQ2a3mrmFO&ust=1597042066926000&source=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwi4nf-5w43rAhVYxosBHetyA44Qr4kDegUIARDxAhttps://www.pinterest.ph/pin/576671927261023221/https://www.alamy.com/crocodile-lying-on-the-green-grass-image220792677.html#:~:text=Enlargehttps://www.alamy.com/crocodile-lying-on-the-green-grass-image220792677.html#:~:text=Enlargehttps://prezi.com/bfsp3339nnqr/paghihinuha-at-paghuhula-sa-kalalabasan-ng-pangyayari/?fallback=1https://prezi.com/bfsp3339nnqr/paghihinuha-at-paghuhula-sa-kalalabasan-ng-pangyayari/?fallback=1