filipino collaboration report filipino
TRANSCRIPT
MORPOLOHIYA(PALABUUAN)
Ang morpolohiya ay isang bahagi ng lingguwistika na nagsusuri sa kahalagahan ng morpema ng isang wika at ng pagsasama ng mga ito upang makabuo ng salita.
MORPEMAAng morpema ay ang pinakamaliit
na yunit ng salitang nagtatagalay ng kahulugan.
Halimbawa: Konduktora, makabuluhan ang a
kahit isang titik lamang ito sapagkat nangangahulugan iyon ng kasariang pambabae, dahil kapag konduktor, ito’y may kahulugang kasariang panlalake.
MORPHEME
Sa ingles ay mula sa wikang griyego – morph (anyo o yunit) + eme (kahulugan). Ang dalawang salitang ito’y nagsama at tinatawag na morpema ayon na rin sa paraan ng ating panghihiram ng wika.
Ang morpema ay ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng isang salita na may kahulugan. Ang tinutukoy na pinakamaliit na yunit dito ay ang pinakamaliit na hati ng isang salita na di nahahati nang hindi mawawala ang kahulugan nito. Maari itong salitang-ugat, panlapi, isang ponemang segmental o isang inuulit na pantig.
HALIMBAWA
1. Matubig [ma] -
unlapi
[tubig] - salitang-ugat 2. Nagluluto [nag] -
unlapi [lu] - uulit
ng pantig [luto] -
salitang-ugat 3. Propesora [propeso] - salitang-
ugat [a] -
ponemang segmental
SEMANTIKA
Nagmula sa salitang griyego na semaino na ang ibig sabihin ay “mangahulugan o makahulugan”
Sa paksain ng metolohika hindi maiiwasang matukoy ang pagsusuri ng lenggwahe. Ang metolohika ay pag-aaral ng sintaks o ugnayan sa pagitan sa loob ng pangungusap, at ng mga kahulugan sa pormal na pananalita.
Pag-aaral na tumatalakay kung paano nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa paggamit nito sa pangungusap o pahayag.
SINTAKSIS
tumutukoy sa estruktura ng mga pangungusap ng mga tuntuning nagsisilbing patnubay sa pagsasabi ng kawastuhan ng isang pangungusap.
Mula sa salitang griyego synttattein na ang kahulugan ay pagsama sama at taxis na ang kahulugan ay pagkakaayos.