filipino feature writing

Upload: mary-christine-lasmarias-cuevas

Post on 08-Mar-2016

4.087 views

Category:

Documents


30 download

DESCRIPTION

campus journalism

TRANSCRIPT

IKAW ANG AKING BAYANIAko ay may mga nilalang na itinuturing bilang aking mga bayani. Sila ang nagbigay ng susi para sa ating kalayaan. Gumawa ng tulay upang makamit natin ang ating mga munting pangarap. Tinutulungan nila tayo upang makalabas tayo sa silid na binabalot ng walang kamalayan. Noong natatanaw na ang malambot na liwanag ng bukang-liwayway handang-handa na siya sa pagtanggol sa atin. Sa mga sandaling tayo ay nahihirapan sa ating mga sitwasyon tinulungan nila tayo.Itinuturi din natin sila bilang ating pangalawang magulang. Hinahalili nila ang isang magulang dahil halos lahat ng oras natin sila an gating kasama. Nagbubunyag din sila ng mainit na pagmamahal at inaaruga din tayo nila tulad ng tunay nating mga magulang. Mahalaga ang kanilang bahaging ginagampanan sa ating bayan dahil sila ang naggagabay sa atin patungo sa landas papunta sa maginhawa, makulay, at maliwanag na umaga para sa ating mga kabataan. Ang kabataan ng ating bayan ay ang pag-asda din natin sa pagpapaunlad sa ating bansa.Ako ay masayang- masaya sa pagpakilala sa inyo ng mga magagaling at matatapat na bayani ng ating bansa ay walang iba kundi ang ating mga.. GURO!!!!!!