filipino · filipino – ikasyam na baitang alternative delivery mode unang kwarter, linggo 1 –...
TRANSCRIPT
NOT
Filipino Unang Markahan - Modyul 1
Mga Pangyayari, at Kaugnayan Nito
sa Kasalukuyan sa Lipunang Asyano
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
9
Filipino – Ikasyam na Baitang
Alternative Delivery Mode Unang Kwarter, Linggo 1 – Modyul 1: Mga Pangyayari at Kaugnayan Nito sa
Lipunang Asyano
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral
Manunulat: Maria Luz I. Mamhot Mga Editor: Evelyn D. Gomolon, Ara T. Tripon Tagaguhit at Tagalayout: Irish S. Habagat Mga Tagapamahala Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V Schools Division Superintendent Co-Chairpersons: Nimfa R. Lago, PhD, CESE Assistant Schools Division Superintendent Members: Henry B. Abueva, OIC-CID Chief Levi M. Coronel, PhD., EPS-Filipino Sherlita L. Daguisonan, EPS-LRMS Meriam S. Otarra, PDO II Charlotte D. Quidlat, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: [email protected]
Filipino
Unang Markahan - Modyul 1 Mga Pangyayari, at Kaugnayan Nito
sa Kasalukuyan sa Lipunang Asyano
Ang materyal sa pagtuturo na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri
ng mga piling guro, punong guro, Education Program Supervisor sa Filipino ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Iligan City. Hinihikayat namin ang mga
guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Iligan City sa
[email protected] o sa telefax: (063)221-6069.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
9
iv
Talaan ng Nilalaman
Mga Pahina
Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1
Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1
Alamin ……………………………… 1
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2
Subukin ……………………………… 3
Aralin 1 ……………………………… 6
Balikan ……………………………… 6
Tuklasin ……………………………… 7
Suriin ……………………………… 8
Pagyamanin ……………………………… 10
Isaisip ……………………………… 11
Isagawa ……………………………… 12
Buod ……………………………… 13
Tayahin ……………………………… 13
Karagdagang Gawain ……………………………… 16
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 17
Sanggunian ……………………………… 17
1
Modyul 1
Mga Pangyayari, at Kaugnayan
Nito sa Kasalukuyan sa
Lipunang Asyano
Pangkalahatang Ideya
Sinasabing ang mga bansang Asyano ay mayayaman sa mga akdang
pampanitikan. Sa modyul na ito ay ating matutunghayan ang aralin tungkol dito.
Kung ating babalikan, ano nga ba ang panitikan?
Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin,
karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. Ito ay maaaring nasa anyong tuluyan o
prosa.
Mayroong iba’t ibang uri ang panitikan. At ang maikling kuwento ang unang
genre o anyo ng panitikan na susuriin sa araling ito.
Ang araling tatalakayin sa modyul na ito ay lilinang sa kakayahan ng mga mag-
aaral na sumuri ng mga pangyayari batay sa kanilang nauunawaan mula sa
napakinggang akda. Nang sa ganoon, ang mga ito ay maiugnay sa kasalukuyang
nagaganap sa lipunang Asyano.
Nilalayon ng modyul na ito na ang mga mag-aaral ay nakapagpamalas ng
malawak na kaalaman sa pagsuri hindi lamang ng mga akdang pamapanitikan kung
hindi pati na rin sa mga mahahalagang bagay na kanilang napakinggan na maaari
nilang kapupulutan ng aral lalo na sa pag-uugnay nito sa mga pangyayari sa lipunang
kinabibilangan.
Nilalaman ng Modyul Ang modyul na ito ay may isang aralin:
Aralin l – Maikling Kuwento: Minsang Naligaw si Adrian
Alamin
Ano ang inaasahan Mo?
Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:
Nasusuri ang mga pangyayari at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa
lipunang Asyano batay sa napakinggang akda. (F9PN-Ia-b-39)
2
Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
• Makinig at unawaing mabuti ang mga pangyayari.
• Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
• Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.
Icons na Ginagamit sa Modyul
Alamin
Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o
mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul
na ito.
Subukin
Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa
tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.
Balikan
Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan
ng pagtatalakay sa mga mahahalaga mong
natutunan sa nagdaang aralin na may koneksiyon
sa tatalakaying bagong aralin.
Tuklasin
Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan
ng iba’t ibang gawain
Suriin
Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at
nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.
Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong
natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa
ang kasanayang nililinang.
Isaisip
Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong
mahahalagang natutunan sa aralin.
Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang
mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.
3
Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang tamang
sagot mula sa pagpipilian at isulat ang titik o letra ng mapipili mong sagot sa patlang
bago ang bawat bilang
________ 1. Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila nang
lahat ang luho at oras. Ang pangyayaring ito ay nagbibigay ng kahulugang ________
a. Si Adrian ay nababagot na bilang doktor.
b. Nais ni Adrian na magkaroon ng oras para sa sarili.
c. Si Adrian ay nakaramdam ng inggit sa kanyang mga kasamahan.
d. Nais ni Adrian na lumaya at magkaroon ng oras at panahon sa sarili.
__________2. Sa iyong palagay, ano kaya ang pangunahing ideya sa kuwentong
Minsang Naligaw si Adrian?
a. Ang tao ay marupok kaya nagkakamali.
b. Lahat tayo ay nakakaranas ng mga pagsubok sa buhay.
c. Ang ama ng tahanan ay magulang din na nararapat mahalin.
d. Ang anak sa kuwento ay may masamang ugali at iresponsable.
________ 3. Ito ang katangiang ipinakita ng ama sa pangyayari sa kuwento Minsang
Naligaw si Adrian.
a. amang mapagmahal at maunawain
b. amang mapagbigay sa anak
c. amang iresponsable
d. amang nalulong sa bisyo at nananakit
________ 4. Ilahad ang pangyayari sa kuwento na nagpapakita ng kabutihan ng
kalooban ng anak.
a. Nakatapos ang anak ng pag-aaral at naging matagumpay na
doktor.
b. Lumaking ang anak na punong-puno ng pagmamahal mula sa
magulang at mga kapatid.
c. Naiwan sa kanya ang resposabilidad na alagaan ang ama hanggang
sa huling hininga nito.
d. Walang imik na pinasan muli ang ama at bumalik sa lugar kung saan
sila nanggaling at napagtantong hindi na siya maliligaw.
________ 5. Ibigay ang maaari mong mahinuha sa pangyayaring ginawang pagligaw
ni Adrian sa kanyang ama sa gubat.
a. Nais niyang kumawala sa resposabilidad na alagaan ito.
b. Siya ay naglalahad ng sobrang pag-alala sa ama.
c. Hindi na niya mahal ang kanyang ama.
d. Naghahangad siya na mapabuti ang ama sa gubat.
4
________ 6. Ibigay ang posibleng dahilan sa pangyayaring nagaganap sa
kasalukuyan na may mga anak na tinatalikuran ang magulang.
a. Mahal nila ito kaya lang wala na silang sapat na oras.
b. Pilit silang umiwas sa responsabilidad o tungkulin.
c. Mayroon ng ahensiyang nangangalaga sa matanda.
d. Magastos at nakapapagod ang pag-aalaga ng magulang.
_________ 7. Bilang kabataan ng makabagong panahon, iugnay mo ang pangyayari
sa iyong buhay sa kuwento.
a. Mainggit at magdamdam ka sa mga kapatid.
b. Lumaki kang marangya at puno ng pagmamahal ng magulang.
c. Nag-aaral ka upang magkaroon ng magandang buhay.
d. Nakakagawa ng mali pero binibigyan ng pagkataon na magbago.
________ 8. Sa pangyayaring pagbabali ng sanga ng kahoy na kanilang
mararaanan, sinisimbolo nito ang ________________
a. Palatandaan na dito sila dumaan.
b. Upang hindi si Adrian mawala sa kanyang pagbalik
c. Mahal ng ama ang anak kaya gumagawa siya ng palatandaan para
hindi mawala sa daanan pabalik.
d. Nais ng ama na makatulong kay Adrian.
________ 9. Tukuyin kung alin ang dapat mong gawin sa pangyayaring naiwan sa
‘yo ang responsabilidad na alagaan ang iyong magulang.
a. Magpatulong ka sa iyong mga kapatid.
b. Tanggapin mo bilang pagtanaw ng utang na loob.
c. Alagaan pagkat sila’y minamahal mong magulang.
d. Dalhin sa Home for the Aged at doon ay paalagaan.
________ 10. Ihayag ang iyong saloobin sa pangyayaring unti-unti niyang
namamalayan ang pagka-awa sa sarili at magkaroon ng sariling panahon.
a. Nais niyang kumawala sa responsabilidad.
b. Naaawa sa sarili sapagkat wala na siyang panahon.
c. Napagtantong kailangan din niya ng sariling panahon.
d. Natutuwa siya sa ginagawa sa sarili.
________11. Kung mangyayari sa’yo ang nangyari sa pangunahing tauhan sa
kuwento, ibigay ang pinakamabuting solusyon na maaari mong gawin.
a. Magpatulong sa mga kapatid sa pag alaga sa ama.
b. Maghanap ng private nars upang mag-alaga sa ama.
c. Gagawin ang ginawa ni Adrian
d. Ipaliwanag sa ama/magulang ang plano sa buhay at maaari pa rin
itong alagaan kahit may asawa na.
5
________ 12. Sa mga pangyayaring iyong napakinggan sa kuwento, piliin ang
madalas na nangyari na iyong nasaksihan, naranasan o narinig.
a. Ang responsabilidad na nakaatang sa pag-alaga ng magulang.
b. Karaniwan sa pamilyang Pilipino ay marangya ang pamilya.
c. Nag-aabroad ang anak at naiiwan ang magulang.
d. Karamihan sa mga Pilipino ay inaalagaan ang mga magulang.
________13. Sa pangungusap bilang 1, inilalahad ang pangyayaring naganap sa
buhay ng tauhan. Ito ay nagpapahiwatig ng pangyayaring ___________________
a. Nakaatang na responsablidad ng anak.
b. Totoong scenario sa buhay ng pamilyang Pilipino.
c. Kaya ng anak na magtiis alang-alang sa magulang.
d. May mga anak na kayang tikisin ang mga magulang.
________14. Suriin ang pangungusap bilang 3, karaniwan itong nangyayari sa
buhay sapagkat _________________________________
a. Mahal mo ang iyong mga magulang at ikaw lang ang inaasahan.
b. ‘Pag matanda na ang magulang at di maiwanan.
c. Dahil ikaw lang ang anak na mag-alaga.
d. Pagkat ito ang nararapat na gawin ng anak.
________15. Sa kabuuan, ang pangyayaring naganap sa teksto ay maaaring
maiugnay sa tunay na buhay ng __________________________
a. mag-asawa
b. mag-ina
c. mag-ama
d. pamilya
Para sa bilang 13-15.
1.Malimit siyang mapag-isa sa tuwing nabibigyan ng
pagkakataong makapagpahinga dulot na rin ng hindi niya
maiwan–iwanan na ama, naisin man niyang magtrabaho at
manirahan sa ibang bansa katulad ng kaniyang mga
kapatid. 2. Ang katotohanang may nakaatang na
responsibilidad sa kaniyang balikat. 3 Ito ang pumipigil sa
kaniyang mangibang-bayan upang manatili sa piling ng
ama at alagaan ito hanggang sa kahuli-hulihang yugto ng
kaniyang buhay.
6
Kumusta ka na? May mabuti bang naidulot sa buhay
mo ang pandemya?
Magaling kung ganoon! Dapat mong isipin na sa lahat
ng pangyayari sa buhay natin, maganda o pangit man, may
aral tayong makukuha mula rito.
Nagagalak ako na sa kabila ng malaking suliraning
kinakaharap ng mundo ngayon, nais mo pa ring
ipagpapatuloy ang iyong pag-aaral.
Aralin
1
Pagsusuri sa mga Pangyayari, at
Kaugnayan nito sa Kasalukuyan
sa Lipunang Asyano Batay sa
Napakinggang Akda
Balikan
Gawain 1: Picture frame
Panuto: Isa sa magandang bunga ng pandemya ang lalo pang tumatag na
pagsasama ng pamilya. Dahil dito, isulat mo sa hugis-puso ang pangalan ng iyong
magulang, maaaring ito ang iyong ama o ina, o hindi kaya ay ang kinalakihan o
kinikilala mong magulang. Pagkatapos, isalaysay ang isang pangyayaring iyong
pinahahalagahan na kasama siya.
I
________________________________________________________

_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
7
Tuklasin
GAWAIN 2: Pagpapakahulugan sa Larawan
Panuto: Tingnang mabuti ang mga larawan sa ibaba. Maiuugnay ang bawat
larawan sa totoong buhay. Tukuyin kung ano ang kaugnayan ng larawan sa mga
pangyayari sa ating lipunan sa kasalukuyan. Isulat ang iyong sagot sa katapat na
kahon ng larawan.
Batay sa ginawa mong pagbahagi ng
karanasan tungkol sa iyong magulang,
mahuhulaan mo kaya ang aralin natin?
Tama!
Dahil dito, inaasahan kong ang modyul
na ito ay magiging kakaiba at makabuluhan
para sa iyo.
Alam kong nagagalak ka ng pag-aralan
ito.
Ngunit, bago mo ipagpatuloy ang
araling ito ay gagawin mo muna ang nasa
Gawain 2.
__________________________________________________

8
Suriin
Natuklasan mo sa Gawain 2 na isa sa mga kahanga-hangang nangingibabaw
na katangian ng mga Asyano ang pagiging mapagmahal sa pamilya lalong-lalo na ng
magulang sa kanyang anak. Ngayon naman, kilalanin mo si Adrian.
Gawain: Pakinggan Mo
Gawain 3: Pagsusuri sa Napakinggang Kuwento
Panuto: Para matiyak na nauunawaan mo talaga ang kuwentong napakinggan
tungkol kay Adrian, ilahad ang mga pangyayari sa pamamagitan ng yugto-yugtong
pagbuo o episodic organizer. Maglaan ng 10 -15 minuto sa pagsagot sa gawaing ito.
Isulat sa isang buong papel ang nabuong kasagutan.
Panuto : Pakinggan mo ang nasa link na ito
https://youtu.be/fxGgz-_eiig Isa itong maikling kuwentong
Nang Minsang Naligaw si Adrian.
Kung ang mag-aaral ay walang access sa internet ay
maaari siyang kumuha ng softcopy mula sa guro gamit ang
flash drive/USB.
_____________________________
Pamagat
Simula
Gitna
Wakas
Kaugnay na mga Pangyayari
9
Gawain 4: Pagsagot sa Katanungan
Panuto: Ngayon naman, kilalanin mo nang lubusan si Adrian. Pakinggang muli
ang akda mula sa ibinigay na link o flash drive/USB. Pagkatapos, sagutin sa loob ng
isang pangungusap ang mga katanungan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Bakit kaya nagawa ni Adrian ang pangyayaring iligaw sa gubat ang ama?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga pangyayari sa kuwento na nagtulak o nag-udyok kay Adrian
upang iligaw ang ama?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Ano-anong mga pangyayari sa kuwento ang maaari mong ilahad at maiugnay sa
mga pangyayaring nagaganap sa ating lipunan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
4. Ayon sa iyong naranasan o nasaksihan, anong pangyayari sa kuwento ang
maaaring nangyari sa totoong buhay? Patunayan.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
5. Kung ikaw ay magbibigay ng impresyon sa mga pangyayaring naganap sa
kuwento, ano ang iyong magiging impresyon?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Gawain 5
Panuto: Pagmasdan mo ang iyong lipunang kinabibilangan. Masasabi mo
bang karaniwan na sa mga Asyano ang pangyayari sa kuwento? Kung saka-sakaling
masaksihan mo ang ginawa ni Adrian, ano kaya ang iyong iisipin, mararamdaman at
gagawin? Ilahad ito sa pamamagitan ng Human organizer.
Iniisip ko na __________________ ____________________________ ____________________________
Nararamdaman ko na ________ _____________ _____________ _____________
Ang gagawin ko ay _____________________ _____________________ _____________________ _____________________
10
Pagyamanin
Gawain 6: Pagtala
Panuto: Balikan ang sagot sa Gawain 2. Gamitin ang naitalang pangyayari sa
Gawain 2 bilang sagot mo sa A. Mga pangyayari sa kuwento sa gawain na ito.
Pagkatapos, ibigay ang kaugnay nitong pangyayari sa B. Kaugnay na pangyayari
sa kasalukuyang lipunang Asyano. Isulat naman sa C. Ang Paliwanag ng
kaugnayan ng dalawang pangyayari sa A at B.
A. Mga
pangyayari sa
kuwento
1._________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
2._________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
3._________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
B. Kaugnay na
pangyayari sa
kasalukuyang
lipunang Asyano
1._________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
__
2._________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
__
3._________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_
C. Paliwanag
1._________________
_________________
_________________
_________________
_________________
________________
2._________________
_________________
_________________
_________________
_________________
________________
3._________________
_________________
_________________
_________________
_________________
________________
11
Isaisip
Gawain 7: Isipin at Sulatin Mo
Panuto: Magmasid ka sa iyong paligid. Suriin mo ang mga pangyayari sa
lipunang iyong kinabibilangan. Mula sa iyong napagmasdan sa paligid na iyong
ginagalawan, sumulat ng talatang naglalahad ng isang pangkaraniwang pangyayari
na maaaring hugutan ng magandang aral at kaisipan. Iugnay mo ito sa pangyayari sa
kasalukuyang lipunang Asyano. Isulat sa sagutang papel ang sagot.
Sa pagsulat sa talata sundin ang mga sumusunod na pamantayan/krayteria.
Leyenda : Napakahusay 15 - 13 Puntos Mahusay 12 - 10 Puntos Di- gaanong mahusay 9 - 7 PuntosBaguhan 6 - 0 Puntos
PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
Masining at magkakaugnay ang ideya
Makatotohanan at mapanghikyat na
paglalahad
Malinaw at organisado ang mga salita
Kabuoang Puntos
Sa Gawain 6, maaari akong pumunta
sa labas ng aming tahanan at magmasid sa
mga makabuluhang gawain ng aming mga
kapitbahay sa gitna ng suliranin ng ating
bayan.
Napapansin ko rin ang pagiging
abala ng mga opisyales ng aming barangay
sa pagbibigay ng tulong sa amin at
pagsasakatuparan sa kanilang sinumpaang
tungkulin.
Maaaring hindi na ako lalayo pa dahil
sa mismong tahanan namin ay may
makikita akong pangyayari na maaari kong
gamitin para sa gawain na ito.
Nagagalak na akong magsimula.
12
Isagawa
Gawain 8: Paghahambing
Panuto: Muling balikan ang kuwentong pinakinggan na Nang Minsang
Naligaw si Adrian. Suriin ang isang pangyayaring naganap sa kuwento na nag-iwan
ng kakintalan sa iyong buhay at ihambing ito sa iyong sariling karanasan. Pagkatapos,
ipaliwanag ang dahilan ng pagkakatulad ng mga ito. Gawin ito sa pamamagitan ng
pagdugtong sa pahayag sa balloon.
Ang pangyayari sa
kuwentong nag-iwan ng
malaking tatak sa aking
buhay ay____________
____________________
____________________
_
Maihahambing ko ito sa
aking karanasan na _______
_______________________
_______________________
Sapagkat_________
________________
________________
________________
13
BUOD
Sa kabuuan ang aralin sa modyul na ito ay tuwirang naglalahad ng aralin na
luminang sa kakayahan ng mga mag-aaral sa aspektong pakikinig.
Ang mga gawain na ginamit sa lunsaran ay ang mga paraan upang lubos na
maintindihan ng mag-aaral ang layunin ng aralin.
Ang mga katanungan sa pagsusuri ang gabay upang lalong maunawaan ang
mga pangyayari at maiugnay ito sa mga nagaganap sa kanyang paligid at lipunang
ginagalawan.
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang tamang
sagot mula sa pagpipilian at isulat ang titik o letra ng mapipili mong sagot sa patlang
bago ang bawat bilang
________ 1. Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila nang
lahat ang luho at oras. Ang pangyayaring ito ay nagbibigay ng kahulugang ________
a. Si Adrian ay nababagot na bilang doctor.
b. Nais ni Adrian na magkaroon ng oras para sa sarili.
c. Si Adrian ay nakaramdam ng inggit sa kanyang mga kasamahan.
d. Nais ni Adrian na lumaya at magkaroon ng oras at panahon sa sarili.
__________2. Ibigay ang pangunahing ideyang inilahad sa pangyayaring
napakinggan sa kuwentong Minsang Naligaw si Adrian.
a. Ang tao ay marupok kaya nagkakamali.
b. Lahat tayo ay nakakaranas ng mga pagsubok sa buhay.
c. Ang ama ng tahanan ay magulang din na nararapat mahalin.
d. Ang anak sa kuwento ay may masamang ugali at iresponsable.
________ 3. Ito ang katangiang ipinakita ng ama sa pangyayari sa kuwentong
Minsang Naligaw si Adrian.
a. amang mapagmahal at maunawain
b. amang mapagbigay sa anak
c. amang iresponsable
d. amang nalulong sa bisyo at nananakit
________ 4. Ilahad ang pangyayari sa kuwento na nagpapakita ng kabutihan ng
kalooban ng anak.
a. Nakatapos ang anak ng pag-aaral at naging matagumpay na
doktor.
b. Lumaking ang anak na punong-puno ng pagmamahal mula sa
magulang at mga kapatid.
c. Naiwan sa kanya ang resposabilidad na alagaan ang ama hanggang
sa huling hininga nito.
d. Walang imik na pinasan muli ang ama at bumalik sa lugar kung saan
sila nanggaling at napagtantong hindi na siya maliligaw.
14
________ 5. Ibigay ang maaari mong mahinuha sa pangyayaring ginawang pagligaw
ni Adrian sa kanyang ama sa gubat.
a. Nais niyang kumawala sa resposabilidad na alagaan ito.
b. Siya ay naglalahad ng sobrang pag-alala sa ama.
c. Hindi na niya mahal ang kanyang ama.
d. Naghahangad siya na mapabuti ang ama sa gubat.
________ 6. Ibigay ang posibleng dahilan sa pangyayaring nagaganap sa
kasalukuyan na may mga anak na tinatalikuran ang magulang.
a. Mahal nila ito kaya lang wala na silang sapat na oras.
b. Pilit silang umiwas sa responsabilidad o tungkulin.
c. Mayroon ng ahensiyang nangangalaga sa matanda.
d. Magastos at nakapapagod ang pag-aalaga ng magulang.
_________ 7. Bilang kabataan ng makabagong panahon, iugnay mo ang pangyayari
sa iyong buhay sa kuwento.
a. Mainggit at magdamdam ka sa mga kapatid.
b. Lumaki kang marangya at puno ng pagmamahal ng magulang.
c. Nag-aaral ka upang magkaroon ng magandang buhay.
d. Nakakagawa ng mali pero binibigyan ng pagkataon na magbago.
________ 8. Sa pangyayaring pagbabali ng sanga ng kahoy na kanilang
mararaanan, sinisimbolo nito ang ________________
a. Palatandaan na dito sila dumaan.
b. Upang hindi si Adrian mawala sa kanyang pagbalik.
c. Mahal ng ama ang anak kaya gumagawa siya ng palatandaan para
hindi mawala sa daanan pabalik.
d. Nais ng ama na makatulong kay Adrian.
________ 9. Tukuyin kung alin ang dapat mong gawin sa pangyayaring naiwan sa
‘yo ang responsabilidad na alagaan ang iyong magulang.
a. Magpatulong ka sa iyong mga kapatid.
b. Tanggapin mo bilang pagtanaw ng utang na loob.
c. Alagaan pagkat sila’y minamahal mong magulang.
d. Dalhin sa Home for the Aged at doon ay paalagaan.
________ 10. Ihayag ang iyong saloobin sa pangyayaring unti-unti niyang
namamalayan ang pagka-awa sa sarili at magkaroon ng sariling panahon.
a. Nais niyang kumawala sa responsabilidad.
b. Naaawa sa sarili sapagkat wala na siyang panahon.
c. Napagtantong kailangan din niya ng sariling panahon.
d. Natutuwa siya sa ginagawa sa sarili.
________11. Kung mangyayari sa’yo ang nangyari sa pangunahing tauhan sa
kuwento, ibigay ang pinakamabuting solusyon na maaari mong gawin.
a. Magpatulong sa mga kapatid sa pag alaga sa ama.
b. Maghanap ng private nars upang mag-alaga sa ama.
15
c. Gagawin ang ginawa ni Adrian
d. Ipaliwanag sa ama/magulang ang plano sa buhay at maaari pa rin
itong alagaan kahit may asawa na.
________ 12. Sa mga pangyayaring iyong napakinggan sa kuwento, piliin ang
madalas na nangyari na iyong nasaksihan, naranasan o narinig.
a. Ang responsabilidad na nakaatang sa pag-alaga ng magulang.
b. Karaniwan sa pamilyang Pilipino ay marangya ang pamilya.
c. Nag-aabroad ang anak at naiiwan ang magulang.
d. Karamihan sa mga Pilipino ay inaalagaan ang mga magulang.
________13. Sa pangungusap bilang 1, inilalahad ang pangyayaring naganap sa
buhay ng tauhan. Ito ay nagpapahiwatig ng pangyayaring ___________________
a. Nakaatang na responsablidad ng anak.
b. Totoong scenario sa buhay ng pamilyang Pilipino.
c. Kaya ng anak na magtiis alang-alang sa magulang.
d. May mga anak na kayang tikisin ang mga magulang.
________14. Suriin ang pangungusap bilang 3, karaniwan itong nangyayari sa buhay
sapagkat _________________________________
a. Mahal mo ang iyong mga magulang at ikaw lang ang inaasahan.
b. Pag matanda na ang magulang at di maiwanan.
c. Dahil ikaw lang ang anak na mag-alaga.
d. Pagkat ito ang nararapat na gawin ng anak.
________15. Sa kabuuan, ang pangyayaring naganap sa teksto ay maaaring
maiugnay sa tunay na buhay ng __________________________
a. mag-asawa
b. mag-ina
c. mag-ama
d. pamilya
Para sa bilang 13-15.
1.Malimit siyang mapag-isa sa tuwing nabibigyan ng
pagkakataong makapagpahinga dulot na rin ng hindi niya
maiwan–iwanan na ama, naisin man niyang magtrabaho at
manirahansa ibang bansa katulad ng kaniyang mga
kapatid. 2. Ang katotohanang may nakaatang na
responsibilidad sa kaniyang balikat. 3 Ito ang pumipigil sa
kaniyang mangibang-bayan upang manatili sa piling ng
ama at alagaan ito hanggang sa kahuli-hulihang yugto ng
kaniyang buhay.
16
Karagdagang Gawain:
Gawain 9
Panuto: Makinig ng balita o drama sa Radyo o Telebisyon. Magtala ng
napakinggan o napanood na pangyayaring naganap sa lipunan at suriin ito. Alamin
ang kaugnayan ng mga pangyayari sa tekstong ating pinag-aralan. Isulat sa dayagram
ang iyong kasagutan.
Gawain 10
Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng larawan sa loob ng isa hanggang
dalawang pangungusap.
Paliwanag
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
Napakinggan sa Radyo/TV
Pag-uugnay sa Pangyayari
Araling Tinalakay
17
Susi sa Pagwawasto
Mga sanggunian
DepEd.IMCS. Panitikang Asyano 9: Modyul ng Mag-aaral sa Filipino. Pasig City.
Vibal Group, Inc. 2014
Avena,Lorenza P., Dominguez,Leticia F. Ph.D. at Badua, Zenaida S. Wika at
Panitikan Filipino Ikatlong Taon. Don Pepe cor. Simoun Streets, Sta Mesa
Heights Quezon City : JGM & S Corporation
Subukin/Tayahin
1. d 5. a 9. c 13. c
2. b 6. b 10. c 14. a
3. a 7. d 11. d 15. c
4. d 8. c 12. d
Gawain 1: Nasa guro ang pagpapasya kung tama ang kasagutan ng mag-aaral.
O kaya ay tingnan ang pamantayan sa Gawain 7, pahina 11 para gawing gabay.
Gawain 2: Nasa guro ang pagpapasya kung tama ang kasagutan ng mag-aaral.
O kaya ay tingnan ang pamantayan sa Gawain 7, pahina 11 para gawing gabay.
Gawain 3: Nasa guro ang pagpapasya kung tama ang kasagutan ng mag-aaral.
O kaya ay tingnan ang pamantayan sa Gawain 7, pahina 11 para gawing gabay.
Gawain 4: Nasa guro ang pagpapasya.
Gawain 5: Batay sa pamantayan ang pagwawasto ng guro.
Gawain 6: Batay sa pamantayan ang pagwawasto ng guro.
Gawain 7: Batay sa pamantayan ang pagwawasto ng guro.
Gawain 8: Nasa guro ang pagpapasya.
Gawain 9: Batay sa pamantayan ang pagwawasto ng guro.
Gawain 10: Nasa guro ang pagpapasya kung tama ang kasagutan ng mag-aaral.
O kaya ay tingnan ang pamantayan sa Gawain 7, pahina 11 para gawing gabay.
18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
DepEd Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax:(063)221-6069
E-mail Address: [email protected]