filipino sa piling larang akademik
TRANSCRIPT
1
FILIPINO sa
PILING LARANG AKADEMIK Unang Markahan- Modyul 2
Aralin 2: Layunin, Gamit, Katangian, at Anyo ng Akademikong Sulatin
12
2
Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 11 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson 2: Layunin, Gamit, Katangian, at Anyo ng Akademikong Sulatin Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties. Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them. Published by the Department of Education Secretary: Leonor Magtolis Briones Undersecretary: Diosdado M. San Antonio
Printed in the Philippines by: Department of Education – Region VII, Division of Cebu Province
Office Address: IPHO Bldg. Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax: (032) 255- 6405
E-mail Address: [email protected]
Development Team of the Module
Writers: Eugenia M. Solon
Editor: Lorna P. Almirante
Reviewers: Nenita Lerio/ Dr. Clavel D. Salinas
Moderator: Marivic M. Yballe
Illustrator: Andre Angel O. Erasmo
Layout Artist: Andre Angel O. Erasmo
Management Team:
Dr. Marilyn S. Andales Schools Division Superintendent
Dr. LeaH B. Apao Assistant Schools Diviion Superintendent
Dr. Ester A. Futalan Assistant Schools Division Superintendent
Dr. Cartesa M. Perico Assistant Schools Division Superintendent
Dr. Mary Ann P. Flores Chief CID
Mr. Isaiash T. Wagas Education Program Supervisor-LRMDS
Dr. Clavel D. Salinas PSDS/SHS Division Coordinator
3
Panimula
Bilang isang mag-aaral sa Senior High School mas lalo mong paigtingin
ang iyong kaalaman sa pagsulat sa mga akademikong sulatin. Sa bawat taon ng
iyong pag-aaral iba-ibang antas ng karunungan ang iyong natutuhan sa mundo ng
pagsulat. Hinasa at nagsanay upang mapaangat pang lalo ang makrong kasanayan
na ito. Sa mundo na pagsulat ang mga tao sa iba’t ibang panahon at sa iba’t ibang
lugar ay nagkakalapit at nagkakaunawaan. Siguro naitanong ninyo sa sarili: bakit ko
pag-aralan ito, ano ang kabuluhan nito sa akin, may malaki bang maiambag ito sa
kursong kinuha ko?
Bilang baguhang manunulat sa ganitong uri ng mga sulatin, dapat may
mga prinsipyo at alituntuning susundin. Mahalagan malaman ang layunin nito upang
mapagtanto ng mga manunulat at mag-aaral na hindi lamang basta pagbibigay ng
impormasyon ang kanilang ginagawa kundi ito ay tumutulong sa kanila sa paghubog
ng kanilang kasanayansa pagsulat at pagbabahagi ng makabuluhang
impormasyon.gamit, Gayunmandapat mahalagang malaman ang gamit ng iba’t
ibang sulatin na naaayon sa sitwasyon at pangangailangan ng isang manunulat.
Dapat ding isaalang-alang ang magiging daloy ng buuing sulatin na ipinahahayag sa
iba’t ibang anyo nito upang higit na malinaw ang impormasyon na ipahatid nito.
Ang buong modyul ay maghahatid ng buong kaalaman sa mga layunin,
gamit, katangian, at anyo ng akadimikong pagsulat. Halina na at ating atalakayin!
4
Modyul 2: Pagkilala sa Iba’t Ibang Akademikong Sulatin
Kasanayang Pampagkatuto: Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
CS_FA11/12PN-Oa-c-90
Sa modyul na ito, inaasahang magagawa mong:
a. naisa-isa ang mga katangiang dapat taglayin ng akademikong
pagsulat
b. nakapagsasagawa ng panimulangpananaliksik kaugnay ng
kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng
sulating akademiko CS_FA11/12EP 0a-c-39
c. nagpapakita ng ugaling may pananagutan sa pamamagitan ng
pagsaalang-alang sa etika ng pagsulat
d. nailalahad ang nabuong pananaliksik na may pagkilala sa gawa
ng iba
Layunin
Gamit
Katangian
Anyo
5
SUBUKIN KO ANG KAALAMAN MO!
PANIMULANG PAGTATAYA
1. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Kung ang teksto ay may layuning manghikayat at mapagpaniwala sa
pamamagitan ng pagbibigay ng patunay.
a. Paglalahad
b. Paglalarawan
c. Pagsasalaysay
d. Pangangatuwiran
2. Kung ang teksto ay bumubuo ng isang imahe sa pamamagitan ng
paglalahad ng mga katangian nito.
a. Paglalahad
b. Paglalarawan
c. Pagsasalaysay
d. Pangangatuwiran
3. Kung ang teksto ay nagbibigay-linaw o nagpapaliwanag hinggil sa
proseso, isyu, konsepto, o anumang paksa na nararapat na alisin ng pag-
aalinlangan.
a. Paglalahad
b. Paglalarawan
c. Pagsasalaysay
d. Pangangatuwiran
4. Kung ang teksto ay nagkukuwento ng mga magkakaugnay na pangyayari.
a. Paglalahad
b. Paglalarawan
c. Pagsasalaysay
d. Pangangatuwiran
5. Ito ay isang behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman,
damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang
taong sumulat.
a. Wika
b. Paksa
c. Layunin
d. Pamamaraan ng Pagsulat
6
6. Ito ang nagsisilbing giya o gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng
iyong isusulat.
a. Wika
b. Paksa
c. Layunin
d. Pamamaraan ng Pagsulat
7. Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat
mapaloob sa akda.
a. Wika
b. Paksa
c. Layunin
d. Pamamaraan sa Pagsulat
8. Isang intelektuwal na pagsulat na nakatutulong sa pagpapataas ng
kaalaman ng isang indibiduwal sa iba’t ibang larangan.
a. Malikhaing Pagsulat
b. Teknikal na Pagsulat
c. Propesyonal na Pagsulat
d. Akademikong Pagsulat
9. Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang
kaalaman impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at
disertasyon.
a. Malikhaing Pagsulat
b. Teknikal na Pagsulat
c. Dyornalistik na Pagsulat
d. Referensiyal na Pagsulat
10. Katangian ng akademikong sulatin na ang bunga ng pagsisiyasat ay
tinitimbang, tinataya at sinusuri.
a. Emperikal
b. Obhektibo
c. Organisado
d. Sistematiko
7
Panimulang-Gawain:
I-shoot Mo!
Panuto:
Gawain Blg.1: Ilagay sa loob ng banga ang mga mahalagang kaalamang
natutuhan sa nakaraang talakayan. Isulat sa nakalaang meta strips.
Unang hirit pa lang ng aralin kitang-kita na puno na kaagad ang banga ninyo ngunit
hindi dapat makontento salukin pa ang mga dapat matutuhan sa kahalagahan,
katangian at anyo ng mga akademikong sulatin
.
Gawain 2: Tumbukin Mo. Isulat sa loob ng nakabukas na aklat ang sagot sa
unang mga katanungan at ilagay naman sa ulo ang sagot sa pangalawang mga
katanungan.
Ano ang katangian nio? May sinusunod ba itong simulain? Kailangan ko ba
ito? Bakit?
8
Bakit may tandang pananong ang ulo ng mag-aaral?
Ano-ano ang naisip niya? Bakit?
Paano kaya niya maihahanap ng kasagutan ang kanyang mga tanong?
Tumpak! Natugunan n’yo ang inyong mga katanungan? Bagaman hindi
lahat ay isinilang na may dugong manunulat ngunit ang kasanayang ito ay
matutuhan sa pamamagitan ng pag-aaral, pagpupursige sa pagsasanay sa pagsulat
at may ugaling mausisa sa mga pangyayaring nagaganap sa paligid. Maging
mapanuri sa mga bagay-bagay dahil kung ano ang nasa isip mo ay iyo itong isatitik
gamit ang kasanayan sa pagsulat.
Akademikong Sulatin
9
Tuklasin:
Abaniko ng Kaalaman !
Madalas mong napakinggan si Pangulong Duterte sa radyo, sa tebisyon o kahit anong uri ng social media. Punuin mo ang pamaypay sa mga sumusunod na impormasyon batay sa inilahad ng Pangulo: layunin ng kanyang pagpapahayag, katangian sa buong mensahe, ang gamit sa kabuuan ng kanyang mensahe, at anong uri o anyo ang buong tekstong inilahad ng Pangulo? Isaalang-alang ang mga etika sa mga itatalang impormasyon.
Ang talas ng inyong pakikinig buong husay ninyong nasusuri ang detalye ng
nilalaman sa gustong iparating ng Pangulo. Kahit sa pakikinig lang natumbok ninyo
ang pinakamahalagang punto ng ating talakayan.
Ano ang mga layunin ng akademikong sulatin? May simulain ba itong dapat
susundin? Ano naman ang mga katangian nito? Sinasaklaw ba nito ang iba’t ibang
uri?
Ating matutunghayan ang sagot sa mga tanong kung ipagpapatuloy natin ang
paglusong ng kaalaman.
10
Tampok na Aralin:
Ang anumang napagtagumpayan sa buhay ay dumaan sa pagpupursige sa
bawat hangarin kaya isa na dito ang pagsulat ng mga akdemikong sulatin. Kailangan
ang tiyak na layunin upang matumbok ang tanging nanaisin.
Layunin ng Akademikong Pagsulat
Bagama’t may iba’t ibang paraan ng pagpapahayag na ginagamit sa
akademikong pagsulat, ito ang mga karaniwang layunin ng mismong mga teksto:
Manghikayat o mangumbinsi - nagbibgay ng
posibleng sagot, dahilan at ebidensiyang maaari
mong paniniwalaan o hindi.
Mag-analisa kung nagbibigay ng posibleng sagot sa
pamamagitan ng paliwanag at ebalwasyon. Ito rin ay
nag-aanalisa ng iba’t ibang varyabol at ang
kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa.
Magbigay ng impormasyon – kung nagpapalawak at
nagpapalalim sa kalaman ng mambabasa.
11
Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat
Madalas marinig sa marami na ang pagsusulat daw ay isang talento at hindi
raw lahat ng tao ay may kakayahang makapagsulat ng isang makabuluhang akda o
komposisyon. Totoong hindi madali ang pagsusulat ngunit maaari itong mahubog o
malinang. Ang mahalaga ay ang pagkakaroon ng interes at sapat na kaalaman
upang maging isang mahusay na manunulat.
Kaya dapat mabatid ang mga bagay na isalang-alang sa pagsusulat partikular
na sa akademikong sulatin. Narito ang ilan sa mga ito:
Wika- nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat. Mahalagang matiyak kung anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling maiakma sa uri ng taong babasa ng akda.
Paksa- Mahalagang magkaroon ng isang tiyak na paksa o tema ng isusulat. Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat ay napakahalaga upang maging malaman makabuluhan at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.
Layunin- Ito ang magsisilbing giya mo sa paghahabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
Pamamaraan ng pagsulat- May limang pangunahing pamamaraan sa pagsulat upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay sa layunin o pakay ng pagsusulat. Una maaaring gumamit ng paraang impormatibo kung saan ang pangunahing layunin ay magbigay ng
12
impormasyon o kabatiran sa mambabasa. Pangalawa ay ang paraang ekspresibo kung saan ang manunulat ay magbahagi ng sariling opinion, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa. Pangatlo ay ang pamamaraang naratibo kung saan ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkasunod-sunod. Pang-apat ay ang pamamaraang deskriptibo kung saan ang pangunahing pakay sa pagsulat ay naglalarawan ng mga katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari. Panghuli ay ang pamamaraang argumentatibo kung saan ang pagsulat ay naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng proposisyon at mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.
Kasanayang Pampag-iisip- Sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga. Kailangang maging lohikal ang kanyang pag-iisip upang makabuo siya ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag o pangangatuwiran.
Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat- Dapat ding taglayin ang sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular na sa wastong gamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, pggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang pangungusap, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin.
Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin- Ito ang kakayahang mailatag
ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang sa wakas nito.
Higit na pinakikinis ang inyong mga sandata sa pagsulat sa kaalamang taglay
tungkol sa mga gamit o pangangailangan sa pagsulat. Ngunit huwag
magpakampante dahil salokin pa natin ang mga uri ng pagsulat. Sige sagwan pa!
13
MGA URI NG PAGSUSULAT
Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)
Pangunahin layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at nakaantig sa imahinasyon at isipan sa mambabasa. Karaniwan itong bunga ng malikot na isipan ng sumulat na maaaring batay sa tunay na pangyayari o kaya naman likhang-isip lamang.
Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)
Ang uring ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin. Ang ilan sa halimbawa nito ay ang Feasibility Study on the Construction of Platinum Towers in Makati, Proyekto sa Pagsasaayos ng Ilog Marikina.
Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)
Ang uri ng pagsulat na ito ay may kinalaman sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akdemya sa paaralan. Binibigyang-pansin nito ang paggawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.
Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)
Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag. Kasama na rito ang pagsulat ng balita, editorial, lathalain, artikulo, at iba pa.
Reperensiyal na Pagsulat ( Referential Writing )
Layunin ng sulatin na bigyang ng pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong - papel, tesis at disertasyon.
Akademikong Pagsulat (Academic Writing)
Ito ay isang intelektuwal na pagsulat na nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibiduwal sa iba’t ibang larangan. Ito ay may sinusunod na kumbensiyon tulad ng pagbibigay ng suporta sa mga ideyan pangangatuwiranan.
Layunin nitong maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng ginawang pananaliksik. Sa tingin mo sapat na ba ang mga kaalamang hatid sa iyo sa mga naunang talakayan? May kulang pa yata dahil hindi mo pa alam kung ang nabuo mong sulatin ay may sapat na katangian. Sige! gaod pa para ang limbas ng panitik ay lalong tumalas.
14
Mga Katangiang Dapat Taglayin sa Akademikong Sulatin
Mahalagang maunawaan mauunawaan din ang mga katangiang dapat
taglayin ng akademikong pagsulat. Ilan ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Obhetibo – Kailangan ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan
ng ginawang pag-aaral at pananaliksik. Iwasan ang pagiging subhetibo o
ang pagbibigay ng sariling opinyon o paniniwala hinggil sa paksang
tinalakay.
2. Pormal- Karaniwang ginagamit sa akademikong pagsulat ay mga
akademikong Filipino, nangangahulugan lamang ng pagiging pormal nito.
Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Gumamit ng mga
salitang pormal upang mas madaling mauunawaan. Ang tono o himig ng
paglalahad ng mga kaisipn o impormasyon ay dapat na maging pormal
din.
3. Maliwanag at Orgnisado- Ang mga talata ay kinakailangan kakitaanng
maayos na pagkasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangungusap na binubuo nito. Ang mga talata ay mahalagang magtaglay
ng kaisahan.
4. May paninindigan- Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang
paksang nais niyang bigyang- pansin o pag-aralan., ibig sabihin hindi
maganda ang magpabago-bago ang paksa. Maging matiyaga sa
pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos
ang pagsulat sa napiling paksa.
5. May pananagutan- Ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap
ng datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng narararapat na pagkilala.
Mahalagang maging mapanagutan ang manunulat sa awtoridad ng mga
ginamit na sanggunian.
Pinatingkad pang lalo ang lambat ng karunungan sa pagtatalakay sa mga
katangian ng akademikong sulatin. Mas lalong nalusong na ang mga prinsipyo at
simulain sa pagbubuo ng ganitong uri ng pagsulat.
Sa susunod, matutunghayan mo ang mga mahahalagang gabay sa pagsasagawa
ng etikal na pananaliksik upang maiwasan ang anumang paglabag at may
pananagutan sa gawa ng iba.
15
Mahalagang Kaalaman
Naging tampok sa social media ang ilang popular na kaso ng plagiarism sa Pilipinas. Kontrobersyal ang naging paggamit ng isang malaking negosyante ng mga sikat na linya ng kanyang talumpati nang walang pagbanggit sa malalaking pangalan na pinagmulan ng ideya. Gayundin binatikos ang isang senador sa walang paghabas na paggamit ng ideya at direktang pagkopya sa artikulo ng ilang blogger tungkol sa isyu ng Reproductive Health Law sa kanyang talumpati sa senado. Dahil sa mga pangyayaring ito, naging tampok sa media ang konsepto ng plagiarism at ang mga kaugnay pa na usapin etikal nito.
Ayon sa Purdue University Online Writing Lab (2014), ang plagiarism ay ang tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at / o ideya na walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito. Tinutukoy ng Plagiarism. Org. (2014) ang iba pang anyo ng plagiarism gaya ng:
- pag-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba;
- hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag;
- pagbibigay ng mga maling impormasyon sa pinagmulan ng mga siniping pahayag;
- pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng teksto ngunit
pangongopya sa ideya ng iba nang walang sapat na pagkilala;at
- ang pangongopya ng napakaraming ideya at pananalita sa isang pinagkukunan na
halos bumuo sa iyong produkto
Lahat ng responsibilidad na ito ay nakasalalay sa mismong mananaliksik. Tandaan nakasalalay sa kasinupan at katapatan ng pananaliksik ang integridad nito. Handa ka na ba? Sungkitin na ang dunong ng kaalaman upang sa tagisan ng panulat masusubok ang lupit ng husay at galing sa bakbakan sa mundo ng pagsulat. Tara na !
Plagiarism at ang mga Responsibilidad ng
Mananaliksik
16
Pagnilayan:
I-habi Mo, Katangian Ko!
Isahin-isahin ang mga katangiang dapat taglayin ng Akademikong
Pagsulat gamit ang concept map sa ibaba. Magtala ng maikling paliwanag sa bawat
katangian.
Kita mo kahit sa paliwanag pa lang naipakita mo ang iyong pagka organisado at
sistematiko. Sapat ng katibayan ito na sa larangan ng pagsulat lalo na sa mundo ng
pananaliksik ay natudla na ang kabihasaan sa pag-organisa ng mga datos.
Katangian ng
Akademikong
Pagsulat
17
Subukin ang Natutuhan:
Tuklas-Dunong!
Kuha Mo? Tingnan natin kung umangat na ba ang iskor mo di gaya ng
nauna.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Kung ang teksto ay may layuning manghikayat at mapagpaniwala sa
pamamagitan ng pagbibigay ng patunay.
a. Paglalahad
b. Paglalarawan
c. Pagsasalaysay
d. Pangangatuwiran
2. Kung ang teksto ay bumubuo ng isang imahe sa pamamagitan ng
paglalahad ng mga katangian nito.
a. Paglalahad
b. Paglalarawan
c. Pagsasalaysay
d. Pangangatuwiran
3. Kung ang teksto ay nagbibigay-linaw o nagpapaliwanag hinggil sa
proseso, isyu, konsepto, o anumang paksa na nararapat na alisin ng
pag-aalinlangan.
a. Paglalahad
b. Paglalarawan
c. Pagsasalaysay
d. Pangangatuwiran
4. Kung ang teksto ay nagkukuwento ng mga magkakaugnay na
pangyayari.
a. Paglalahad
b. Paglalarawan
c. Pagsasalaysay
d. Pangangatuwiran
5. Ito ay isang behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman,
damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang
taong sumulat.
a. Wika
b. Paksa
c. Layunin
d. Pamamaraan ng Pagsulat
18
6. Ito ang nagsisilbing giya o gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman
ng iyong isusulat.
a. Wika
b. Paksa
c. Layunin
d. Pamamaraan ng Pagsulat
7. Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat
mapaloob sa akda.
a. Wika
b. Paksa
c. Layunin
d. Pamamaraan sa Pagsulat
8. Isang intelektuwal na pagsulat na nakatutulong sa pagpapataas ng
kaalaman ng isang indibiduwal sa iba’t ibang larangan.
a. Malikahing Pagsulat
b. Teknikal na Pagsulat
c. Propesyonal na Pagsulat
d. Akademikong Pagsulat
9. Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang
kaalaman impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at
disertasyon.
a. Malikhaing Pagsulat
b. Teknikal na Pagsulat
c. Dyornalistik na Pagsulat
d. Referensiyal na Pagsulat
10. Katangian ng akademikong sulatin na ang bunga ng pagsisiyasat ay
tinitimbang, tinataya at sinusuri.
a. Emperikal
b. Obhektibo
c. Organisado
d. Sistematiko
May Tama Ka! Maliwanag pa sa sikat ng araw. Nasagot mo lahat !
Binabati !
19
Tayahin:
Kaya Ko ‘To
Pumili ng tatlong uring Akademikong Pagsulat, magsagawa ng panimulang
pananaliksik tungkol sa napiling uri kaugnay sa kahulugan at katangian. Isalang-
alang ang pagiging mapanagutan sa gawa ng iba sa pamamagitan ng pagbanggit ng
pangngalan sa pinagkukunang akda.
Kahulugan:
Katangian:
Sanggunian:
Nasaliksik
Suri-lapat
Isulat sa journal ang sagot sa tanong na ito:
Bakit mahalagang matutuhan ang kahalagahan, kalikasan, at katangian ng pagsulat partikular ang pagsulat ng akademikong sulatin?
Paano naipakita ang pagiging makatotohanan sa iyong akademikong sulatin?
Kailangan ba ito? Bakit?
Uri ng Akademikong
Sulatin
20
Kahulugan:
Katangian:
Sanggunian:
Kahulugan:
Katangian:
Sanggunian:
Nasaliksik
Uri ng Akademikong
Sulatin
Nasaliksik
Uri ng Akademikong
Sulatin
21
Bravo! Pumapaimbabaw na ang iyong pagkatoto. Lalo pang paigtingin ang
limbas ng karunungan. Dahan-dahang magsagwan at papalaot na sa paghimay-
himay sa bawat anyo ng akademikong sulatin. Talas ng isip ang kailangan!
Pakatandaan sa bawat paglayag nawa’y may mahalagang natutuhan. Tudlain at
itaga sa isipan ang anumang kaalaman upang ang hinaharap ay mapaghandaan at
hamon ng buhay ay malusutan.
22
Palawakin ang Kaalaman:
Kaya Ko ‘To
Ang islogang “Think before you click” ng isang kilalang estasyon sa
telebisyon sa Pilipinas ay nagsusulong sa responsableng pagpapahayag partikular
sa Facebook, Twitter at iba pang social media. Nagbibigay ito ng babala sa anuman
ang iyong ipahayag o i-post nang pasulat ay hindi na mababawi pa at magagamit na
matibay na ebidensiya laban sa iyo.
Bilang isang mag-aaral na nag-aaral ngayon ng
Akademikong Pagsulat ay magbigay ka ng mga paraang
magpapaalaala lalo na sa kapwa mo mag-aaral kung
paano magiging responsible at makapagbibigay ng
inspirasyon sa ating mga isinusulat o i- pino-post sa ating
mga social media account. Ilagay ang iyong komento sa
ibaba sa kasunod na kahon.
23
Mga Susing Sagot:
A.Panimulang Pagtataya
1.D
2.B
3.A
4.C
5.A
6.C
7.B
8.D
9.D
10.B
B.Panimulang-gawain – I-Shoot Mo!
Gawin Blg, 1- Iba- iba ang sagot
Gawain Blg.2- Iba- iba ang sagot
C.Tuklasin- Abaniko ng Kaalaman!
Halimbawang sagot:
Layunin ng pagpapahayag ng mensahe- nagbibigay-impormasyon,
bumabatikos, nanghihikayat, nagbibigay-aral
Katangian ng pagkakabuo sa mensahe- sistematiko, organisado, pormal
ang wikang ginagamit, may pananagutan higit sa lahat obhektibo
Gamit ng mensahe – naglalahad ng problema o solusyon, may kalakasan at
kahinaan
D.Pagnilayan – I-Habi Mo, Katangian Ko!
Mga Katangian ng Akademikong Sulatin
1.Obhektibo
2.Maliwanag at oragnisado
3.Pormal
4.May paninindigan
5.May pananagutan
E.Subukin ang Natutuhan – Tuklas Dunong!
1.D
2.B
3.A
4.C
5.A
6.C
7.B
8.D
9.D
10.B
D. Tayahin- Kaya Ko ‘To
-Iba -ibang uri ng akademikong sulatin ang nasaliksik, may iba’t ibang pagpapakahulugan, may iba-ibang
katangian.
24
Talasanggunian
Arrogante, Jose A. Filipino Pangkolehiyo Kasiningan Kakayahan, at Kasanayan sa Komuniksyon. Binaong Edisyon. Mandaluyong City: National Bookstore, 2000. Bargo, Darwin D. Writing in the Discipline A Textbook for College Students. Quezon City. Great Books Publishing, 2014. Constantino, Pamela C. at Galileo S. Zafra. Kasanayan sa Komunikasyon 11. Pangalawang Limbag. Qiezon City: UP Open University, 2000. DIWA Senior High School Series: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang: Akademik. Filipino sa Piling Larang Akademik. Pinagyamang Pluma. Quezon Ave. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2010. Jocson, Magdalena, et. Al. Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Lorimar Publishing Co., Inc., 2012. Lorenza, Carmelita, et. al. Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan. Binagong Edisyon. Mandaluyong City: National Bookstore 2010. Mabilin, Edwin, et. al. Transformatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Malabon City: Mutya Publishing House Inc., 2012. Miner, Jeremy T. at Lynn E. Miner. A Guide to Proposal Planning and Writing. Szentendre, Hungary: The Regional Environment Center for Central and Eastern Europe, 2000.
25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education: DepEd-Cebu Province
Office Address: Sudlon, Lahug, Cebu City, 6000 Cebu
Telefax: (032) 255-6405
E-mail Address: [email protected]