filipino wika

8
JP Tutorial and Review Center 486-D 2 nd Floor, J. Pecson Bldg. Cabangan, Legazpi City Tel No. 480-2232 / 09202881110 FILIPINO WIKA Ano ang Wika? Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pamagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbulo (Webster, 1974) Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura (Gleason, Henry 1988). KATANGIAN NG WIKA Ang wika ay masistemang balangkas Ang wika ay sinasalitang tunog Ang wika ay pinipili at isinasaayos Ay wika ay arbitraryo Ang wika ay ginagamit Ang wika ay nakabatay sa kultura Ang wika ay nagbabago TUNGKULIN NG WIKA INTERAKSYONAL – nakapagpapatatag ng relasyong sosyal INSTRUMENTAL – tumutugon sa mga pangangailangan REGULATORI – kumokontrol at gumagabay sa kilos/asal ng iba PERSONAL – nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinion IMAHINATIBO – nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhgaing paraan HEURISTIC – naghahanap ng impormasyon/datos IMPORMATIB - nagbibigay ng impormasyon/datos ANTAS NG WIKA 1. PORMAL – ito ang mga salitang istandard dahl kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakakarami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika. a. Pambansa – ito ang salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan. (Hal. Ina) b. Pampanitikan – ito naman ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay at masining. (Hal. Ilaw ng tahanan) 2. IMPORMAL – ito ang salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan. a. Lalawiganin – ito ang mga bokabularyong dayalektal. (Hal. Inang) b. Kolokyal – ito’y mga pang-araw-araw na slita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal. (Hal. Nanay – Nay) c. Balbal – ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Ito rin ang pinakamababang antas ng wika na madalas marinig s amga usapang kalye. (Hal. Ermat) BARAYTI NG WIKA Ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay ipinaliliwanag ng teoryang sosyolingwistik na pinagbatayan ng ideya ng pagiging heterogenous ng wika. Ayon sa teoryang ito, nag-uugat

Upload: crismediona

Post on 26-Dec-2015

385 views

Category:

Documents


6 download

DESCRIPTION

cool

TRANSCRIPT

Page 1: Filipino Wika

JP Tutorial and Review Center 486-D 2nd Floor, J. Pecson Bldg.

Cabangan, Legazpi City Tel No. 480-2232 / 09202881110

FILIPINO

WIKA

Ano ang Wika?

Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pamagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbulo (Webster, 1974)

Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura (Gleason, Henry 1988).

KATANGIAN NG WIKA

Ang wika ay masistemang balangkas Ang wika ay sinasalitang tunog Ang wika ay pinipili at isinasaayos Ay wika ay arbitraryo Ang wika ay ginagamit Ang wika ay nakabatay sa kultura Ang wika ay nagbabago

TUNGKULIN NG WIKA

INTERAKSYONAL – nakapagpapatatag ng relasyong sosyal INSTRUMENTAL – tumutugon sa mga pangangailangan REGULATORI – kumokontrol at gumagabay sa kilos/asal ng iba PERSONAL – nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinion IMAHINATIBO – nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhgaing paraan HEURISTIC – naghahanap ng impormasyon/datos IMPORMATIB - nagbibigay ng impormasyon/datos

ANTAS NG WIKA

1. PORMAL – ito ang mga salitang istandard dahl kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakakarami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.

a. Pambansa – ito ang salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan. (Hal. Ina)

b. Pampanitikan – ito naman ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay at masining. (Hal. Ilaw ng tahanan)

2. IMPORMAL – ito ang salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.

a. Lalawiganin – ito ang mga bokabularyong dayalektal. (Hal. Inang)b. Kolokyal – ito’y mga pang-araw-araw na slita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal. (Hal. Nanay – Nay)c. Balbal – ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Ito rin ang pinakamababang antas ng wika na madalas marinig s amga

usapang kalye. (Hal. Ermat)

BARAYTI NG WIKA

Ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay ipinaliliwanag ng teoryang sosyolingwistik na pinagbatayan ng ideya ng pagiging heterogenous ng wika. Ayon sa teoryang ito, nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo, maging kani-kanilang mga tirahan, interes, gawain, pinag-aralan t iba pa. Samakatwid, may dalawang dimensyon ang baryabilidad ng wika – ang dimensyong heograpiko at dimensyong sosyal (Constantino, 2006).

Dayalekto – ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Ito ang wikang ginagamit sa isang particular na rehiyon, lalawigan, pook malaki man o maliit.

Sosyolek – ang barayti na nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan.

Jargon – ang mga tanging bokabularyo ng isang particular na pangkat ng gawain.

Page 2: Filipino Wika

Hal. Titser (tsok, lesson plan, klas), abogado (hearing, pleading, fiscal, court0

Idyolek – personal na pag-gamit ng wika.Hal. Noli de Castro (Magandang gabi Bayan)

TEORYA NG WIKA

Teoryang Bow-wow – ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.

Teoryang Pooh-pooh – ayon sa teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila binga ng mga masisidhinh damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla, at iba pa.

Teoryang Yo-he-ho – pinaniniwalaan ng mga nagmungkahi ng teoryang ito na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal.

Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay – ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y nagpabau-bago at nilapatan ng iba’t-ibang kahulugan.

Teoryang Ta-ta – ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat particular na okasyon ay ginagawa ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at mkalauna’y nagsalita.

Teoryang Ding-dong – ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t-ibang kahulugan.

ANG PAGBASA

An pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Ito ang pagpapakahulugan sa mga nakatalang sagisag ng mga kaisipan. Dalawang paraan ng pagbasa ang tahimik na pagbasa at pasaliatang pagbasa.

YUGTO NG PAGBASA

Ang mahalagang kasanayan sa pagbabasa, gaya ng pagkilala sa salita 9word perception), pag-unawa (comprehension), pagpapahalagang literari (literary appreciation0, kasanayang lokasyunal at kasanayang pandiksyunaryo 9locational skills and dictionary skills) ay gradwal na nalilinang sa mga mag-aaral sa loob ng apat na panahon o yugto sa pagbasa.

KAHANDAAN SA PAGBASA (READING READINESS)

Ang panahong ito ay nagsisimula bago pa man pumasok sa primary ang bata, sa panahon ng pag-aaral sa nursery o kinder. Ang panahopn ng kahandaan sa pagbasa ay nag-iiba sa haba depende sa indibidwal. May mga mag-aaral na edad 2-5 pa lamang ay ganap na ang kahusayan sa pagbasa. Mayroon naming edad 7 taon saka pa lamang nagsisimula na magpamalas ng kahandaan sa pagbasa.

PANIMULANG PAGBASA (BEGINNING READING)

Dito nagsisimula ang bata sa pormal na pagbasa na kadalasay sa mga pre-primer or primers. Ditto nagsisimula ang proseso ng pagkatuto ng pagkilala sa salita at mga simbolo na pag-alam sa kahulugan ng salita o sa kahulugan ng parirala at pangungusap. May kontroladong talasalitaan ang ibinibigay na uri ng babasahin ng primers. Ang yugto ng panimulang pagbasa ay nagaganap sa unang baitang o sa edad 6-1/2 taon hanggang 7 taon (6 ½ to 7 years, chronologically and/or mentally).

PAGPAPALAWAK NG KAKAYAHAN O MABILIS NA PAG-UNLAD (EXPANDING POWERS OR RAPID GROWTH)

Ang yugtong ito ay nagaganap sa panahong nasa una hanggang ikalawang basitang ang mag-aaral. Natatamo sa yugtong ito ang kasanayan sa mabilis na pagkilala sa salita, parirala at pangungusap at mabilis na pag-unawa o komprehensyon sa binasa.

MALAWAKANG PAGBASA (EXTENSIVE READING)

Nagsimula ang yugtong ito sa ikatlo, ikaapat na baitang at nagpapatuloy sa panahon sa elementarya at sekundarya. Sa panahon ng pag-aaral sa sekundarya at tersyarya ay naroroon na rin ang ikalimang yugto ng pagbabasa, ang panahon ng pagpapapino ng kasanayang natamo sa pagbasa.

MGA PANUKATAN SA PAGBASA (READING DIMENSION)

1. Pag-unawang literal.2. Pagkaunawang ganap sa mga kaisipan ng may-akda lakip ang mga karagdagang kahulugan.3. Pagkilatis sa kahalagahan ng mga kaisipan at ng kabisaan ng pagkalahad.4. pagsasanib ng mga kaisipang nabasa at ng mga karanasan upang magbunga ng bagong pananaw at pagkaunawa.5. Pagkilala ng sariling kaisipan ayon sa kasanayan at kawilihan sa binasang seleksyon.

Page 3: Filipino Wika

ANG PAGTUTURO NG PAGBASA

1. Paghahanda (Preparation)

a. Pagganyak – magbibigay ang guro ng sitwasyono kalagayan na makakapukaw sa kawilihan ng mag-aaral at magkakaroon ng pagnanais basahin ang kwento.

b. Paghahawan ng sagabal – pag-aaralan ng klase ang mga mahihirap na salita o pahayag na nakapaloob sa kwento. Ang paraan ding ito ay nakakapagpayaman ng bokabularyo.

c. Pagbasa ng mga tanong na sasagutin – ipababasa sa mag-aaral ang mga tanong na pangganyak. Ito ay sasagutin pagakatapos bumasa ng matahimik.

d. Pag-aalala sa pamantayan sa pagbasa ng matahimik – ipabanggit sa mga mag-aaral at tingnan ng guro kung sinusunod ng mag-aaral ang mga pamantayan sa pagbasa ng tahimik.

2. Pagbasa ng tahimik (Silent Reading)

Makabubuting habang bumabasa nang tahimik ang mag-aaral ay tingnan ng guro kung sinusunod ng mag-aaral ang pamantayan sa pagbasa ng tahimik.

3. Pagsagot sa Tanong Pagganyak at iba pang Tanong (Answering Motion and Comprehension Questions)

Matapos bumasa ng tahimik ang mga mag-aaral, ipasasagot sa kanila ang mga tanong na makatutulong sa pagkaunawa nila sa kwentong binasa. Ang mga tanong ay nararapat na umaayon sa apat na dimension ng pagtatanong – 1) pag-unawang literal, 2) interpretasyon, 3) pagsusuring kritikal, 4) integrasyon at pagsasanib ng karanasan ng mag-aaral sa pangyayari sa kwento.

4. Ginanyak na Pagbasang Malakas (Motivated Oral Reading)

Tiyakin ng guro na may layon ang pagbasa nila nang malakas. Hindi basta’t pababasahin nang sunod-sunod ayon sa ayos nila sa upuan at tapos na.

PAMAMARAAN, ISTRATEHIYA AT DULOG SA PAGTUTURO NG FILIPINO

1. PAMARAANG PABUOD O INDUCTIVE METHOD

Ang pamaraang ito ay angkop na angkop gamitin sa pagtuturo kaugnay ng pagbubuo ng tuntunin o pagkakaroon ng isang paglalahat o generalization. Ang pamamaraang iro kung minsan ay tinatawag na “Limang Pormal na Hakbang sa Pagtuturo”, o dili kaya’y “Herbatian Method” sapagkat ipinakilala ito sa larangan ng pagtuturo ni Herbert. Sinasabi rin na iro ay nagsisimula sa nalalaman patungo sa hindi nalalaman. Nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa tuntunin kaya’t nasasabing ito ay egrule na pamamaraan. Ang pamamaraang ito ay may limang hakbang. 1) paghahanda o preparation, 2) paglalahad o presentation, 3) paghahambing at paghalaw o comparison and abstraction, 4) paglalahat o generalization at 5) paggamit o application.

2. PAMARAANG PASAKLAW O DEDUCTIVE METHOD

Ang pamaraang pasaklaw ay kabaligtaran ng pamaraang pabuod. Samantalang ang pamaraang pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa paglalahat o pagbubuo ng tuntunin, ang pamaraang pasaklaw naman ay nagsisimula sa paglalahat ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa, kaya may taguring “rule” o “rule of example”. May limang hakbang ito: 1) panimula o introduction, 2) pagbibigay ng tuntunin o katuturan o giving of rules/generalization, 3) pagpapaliwanag ng tuntunin o interpretation of the rule, 4) pagbibigay ng halimbawa o giving examples, 5) pagsubok o testing.

3. PAMARAANG PABALAK O PROJECT METHOD

Page 4: Filipino Wika

Ang pamaraang itro ay angkop na angkop gamitin sa pagtuturo ng edukasyong Panggawain. Angkop din namang gamitin sa pagtuturo ng anumang asignatura na may nilalayong magsagawa ng proyekto. Sa pamaraang ito, nalilinang sa mga mag-aaral hindi lamang sa kakayahan at kasanayang pagpaplano, sa pagsusuri, sa pagpapahayag at sa pagpapasiya kundi gayundin naman ang mga kapangkat at ang kakyahan sa pagtanggap ng puna nang walang pagdaramdam o sama ng loob. Ito ay may apat na hakbang. 1) paglalayon o purposing, 2) pagbabalak o planning, 3) pagsasagawa o executing, 4) pagpapasiya o evaluating/judging.

4. PAMARAANG PATUKLAS (DISCOVERY METHOD)

Ang pamaraang patuklas ay isang pamaraan ng pagtuturo na bukod sa nagdudulot ng kawilihan ay humahamon pa sa kakayahan ng mga mag-aaral. Ang pamamaraang ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na siyang makatuklas ng kaalaman, konsepto, kaisipan, simulain at paglalaht. Ang mga mag-aaral ay aktibong kasangkot sa paktuklas ng katunungan at hindi basta na lamang tagatanggap ng kung anu-anong mga idinidikata sa kanilang mga kaisipan at kaalaman.

5. PAMARAANG PROSESO (PROCESS APPROACH)

Ang process approach ay ginagamit sa pagtuturo ng mga asignatura sa agham at iba pang disiplina. Ito ay isang pagdulog na ang binibigyang – diin ay hindi ang pagkakamit ng mag-aaral ng maraming kabatirang ipasasaulo sa kanya kundi manapay ang pag-angkin ng mga mag-aaral ng mga batayang kasanayang intelektuwal na kailangan niya sa pagkatuto.

MGA HAKBANG

1. PAGMAMASID – pinakabatayang kasanayan intelektuwal sa pag-aaral sa makaagham na pamamaraan. Paggamit ng pandama, panlasa, pandinig at pang-amoy.

2. PAG-UURI-URI – kasanayang mapagsama-sama ang mga may magkakatulad na katangian at mapagtagni-tagni ang mga bagay-bagay na pagkakaiba.

3. PAGGAMIT NG PAMILANG – kabilang sa kasanayan ng pamilang ang paggamit ng batayang paraan sa matematika, ang pagdaragdag, pag-aalis, pagpapadami at p0aghahati-hati.

4. PAGSUKAT – pagbibigay ng tiyak na anyo, laki, bigat, distansya, presyon sa tulong ng mga panukat gaya ng timbangan, termometro, at gradwadong silindro.

5. RELASYONG ISPASYO – PANAHON – kabilang sa kasanayang ito ang pagkilala ng iba’t-ibang hugis at pormasyon, ang tuwid, baluktot, tayog, taas at bilis.

6. KOMUNIKASYON – sa kasanayan sa komunikasyon ay kabilang sa kakayahan sa paglalahad ng mga talang siyentipiko. Kung pasalita ito ay anyong nag-uulat at kung pasulat ito ay pkikipagtalakayan.

7. PANGHUHULA – ito ay pagkilala sa inaasahang bunga sa liwanag ng mga namasid na pangyayari o sa liwanag na umiiral na sitwasyon.

8. PAGBUO NG HAKA – ang pagbubuo ng haka ay bahagi ng siyentipikong pamamaraan. Isang kasanayang intelektuwal ang pagbuo ng haka na itinuturing na pansamantala lamang habang hindi napatutunayan ng makaagham na katibayan. Ang anumang konklusyon ay binubuo lamang kung ito ay nasasalig sa mga patunay.

JP Tutorial and Review Center 486-D 2nd Floor, J. Pecson Bldg.

Cabangan, Legazpi City Tel No. 480-2232 / 09202881110

FILIPINO

PANUTO: Piliin at bilugan ang wastong sagot sa bawat katanungan.

1. Nakilala ang alpabeto noong panahon ng Kastila sa tawag na _______.a. alibata b. ortograpiya c. abecedario d. calendaryo

2. Ito ang katawagan sa makabuluhang tunog ng wika.a. diskurso b. ponema c. morpema d. sintaksis

3. Ang wika ay dinamiko dahil ito ay makabuluhang tunog ng wika.a. binabasa b. ginagamit c. nagbabago d. sinusulat

4. Tawag sa makabuluhangpalitan ng mga pag-uusap at kung paano ginagamit ang mga pangungusap.a. retorika b. diskurso c. balarila d. sitaksis

5. Ang ponemang /p/, /b/ at /m/ ay binibigkas ng ________.

Page 5: Filipino Wika

a. pangngipin b. panggilagid c. panlabi d. velar

6. Ang pag-aaral ng makabuluhang yunit ng isang salita ay ___________.a. Morpolohiya b. ponolohiya c. balarila d. sintaksis

7. Ipinakikita nito ang ugnayan ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap.a. kaganapan b. pokus c. inklitik d. panghalip

8. Bilang ng ponolohiya ng wikang Filipino.a. 21 b. 23 c. 15 d. 16

9. Teorya ng wika na nagsasaad ng matinding damdamin.a. yoheho b. bow-wow c. ding-dong d. pooh-pooh

10. Barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko.a. sosyolek b. dayalek c. idyolek d. jargon

11. Ayon sa Artikulo XIV, seksyon 6 ng Konstitusyon na Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas ay _____.a. Pilipino b. Filipino c. Ingles d. Filipino at Ingles

12. Tinaguriang “Ama ng wikang Filipino”a. Jose L. Manuel c. Jaime C. de Veyrab. Lope k. Santos d. Manuel L. Quezon

13. Tinaguriang “Ama ng balarilang Tagalog”a. Jose Quezon c. Manuel Quezonb. Rogelio Sikat d. Lope K. Santos

14. Mga salitang kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami.a. Pormal b. pampanitikan c. lalawiganin d. balbal

15. Tungkulin ng wika na tumutugon sa mga pangangailangan ng isang tao.a. interaksyonal b. instrumental c. personal d. heuristic

16. Ito ang akto ng pagsasabi ng isang bagay.a. lokyusyunari b. diskurso c. kompitens d. teorya

17. Ito ay tumutukoy sa bilidad na sumulat nang may kohisyon at organisasyon.a. tekstwal kompitens c. linggwistik kompitensb. komunikatib kompitens d. ilukyusyunari

18. Sa pamamagitan nito, nakikilala at nakukuha ang mga ideya at kaisipan sa mga nakalimbag na simbolo.a. pakikinig b. pagsasalita c. pagbasa d. pagsulat

19. Sa mga pagkakataong unos ay dumaratal, nagsisilbi itong hamon at sandata nila’y dasal kalakip ang pag-asang pagsubok ay malalampasan.

a. dekolonisasyon c. intelektwalisasyonb. taglish d. puristang paniniwala

20. Alin sa mga sumusunod ang salitang pambansa?a. nagdadalantao c. kamustab. mapagkumbaba d. hello

21. Ano ang tuntunin ngayon na susundin sa pagtutumbas sa Filipino ng “Chocolate Hills”?a. Hiramin ng ganap c. Tumbasan sa espanyol at baybayin sa Filipinob. Gamitin ang katutubong katumbas d. Kung ano ang bigkas siyang baybay.

22. Ang pagkautal ay matatawag na ______ na sagabal sa pagsasalita.a. semantiko b. ppisikal c. pisyolohikal d. saykolohikal

23. Alin ang naganap na pagbababgong morpoponemiko sa salitang pamalo?a. pagpapalit b. metatesis c. pag-aangkop d. asimilasyon

24. Alin ang naganap na pagbababgong morpoponemiko sa salitang nilipad?a. pag-aangkop b. asimilasyon c. metatesis d. reduplikasyon

25. Alin sa mga sumusunod na malalim na salita ang may kasalungat na pares?

Page 6: Filipino Wika

a. marikit - maganda c. mapaniil – mapagkanidilib. maliwanag – maaliwalas d. magaling – mahusay

26. “Hayun siya, akyat na / wahh! / Nandyan na ako, Dyan na ako. Anong salita ang nagpapakita ng matinding damdamin ayon sa teoryang pooh-pooh?

a. Hayun b. akyat na c. wahh! d. dyan na

27. Sa panahong ito ________ sana muna ng mga mag-aaral ang pagkuha ng mataas na grado.a. pahalagahan b. pakaayusain c. pakaisipin d. pakaunawain

28. Ang mga ingay sa paligid, mga distraksyong biswal, suliraning teknikal ay isang sagabal na _________.a. semantiko b. pisikal c. pisyolohikal d. sikolohikal

29. Ang mga makahulugang yunit ng isang salita katulad ng panlapi at salitang-ugat ay tinatawag na ____.a. ponema b. morpema c. pangungusap d. diskors

30. Nakilala ang alpabeto noong panahon ng Kastila sa tawag na _______.a. alibata b. ortograpiya c. abecedario d. calendaryo

JP Tutorial and Review Center 486-D 2nd Floor, J. Pecson Bldg.

Cabangan, Legazpi City Tel No. 480-2232 / 09202881110

FILIPINO

PANUTO: Piliin at bilugan ang wastong sagot sa bawat katanungan.

1. Alin ang pinakatamang pahayag?a. Tiningnan niya ang langit c. Tiningala niya ang langitb. Sinulyapan niya ang langit d. Tinitigan niya ang langit

2. Anong antas ng wika ang ginagamit sa pahayag na ito? Hanep! Ang ganda ng Chiks.a. Lalawigan b. kolokyal c. balbal d. pampanitikan

3. Sa prosesong ito tinutukoy ang pag-unlad at pagbabago ng istruktura at gamit ng wika.a. Elaborasyon b. intelektwalisasyon c. kolokyal d. balbal

4. Cahina-hinayang cung ito i maputi. Cucupas ang banga, culai mauauaci at yaong may ibig na mangagcandili. Cusang babayaan sa pagcaruhagi. Pinatutunayan ng linyang ito ang paglaganap ng wika dahil sa __________.

a. Heograpiya b. modernisasyon c. pakikipagkalakalan d. mapanuri5. Hinirang na Tagapangulo at Kinatawan ng Visayang Samar sa SWP noong 1937.

a. Manuel L. Quezon c. Ponciano BP. Pinedab. Fidel V. Ramos d. Jaime C. de Veyra

Page 7: Filipino Wika

6. Proseso ito ng paglilista o pagsulat ng mahahalagang detalye o ideya kaugnay ng paksang binasa.7. Ang sinabi ng Pangulong GMA sa kanyang talumpati ay tungkol sa pagpapalakas ng turismo sa Pilipinas at ng ugnayang

panlabas sa mga bansa sa Asya Pasipiko.8. Sa bahaging ito nakapaloob ang pamamaraang ginamit sa pananaliksik, paglalarawan sa mga kalahok, mga ginamit na teknik

at instrumento, paraan ng pagsasagawa at pagbibigay-halaga sa mga datos.9. Anong uri ng pagpapakahulugan ang ginamit sa pahayag na ito?10. Sa pagbasang ito makikita ang persepsyon at pagkilala ng mambabasa sa salita, pangungusap, talata, at iba pang salik sa

teksto.11. Anong tungkulin ng wika ang inilalarawan sa pahayag na ito.12. Pinagtamnan ng gulay ang aming bakuran.13. Ito ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa.14. Anong tayutay ito? Nasisiyahan ka palang manhiram ng ligayang may haid na kamandag at lason.15. Anong tayutay ito? Ang halimuyak ng mga bulaklak ay mabuting gamut sa isang pusong wasak.16. Anong idyoma ito? Higad na higad sa Norberto kaya siya kinaiinisan ng kanyang kaibigan.17. Anong idyoma ito? Ang taong may krus sa dibdib ay pinagpala ng Diyos?18. Ano ang tawag sa kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao?19. anong uri ng pagpapahayag ito?