filipino - znnhs | official site

of 14 /14
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Filipino Ikat at long Markahan- Modyul 3: Panitikang Luzon: Mito at Paggamit ng Angkop na Pahayag sa Simula, Gitna at Wakas ng Isang Akda Pangalan : ___________________________ __________ Baitang/Seksyon : ___________________________ ____ Paaralan : ___________________________ __________

Author: others

Post on 03-Oct-2021

28 views

Category:

Documents


0 download

Embed Size (px)

TRANSCRIPT

Filipino
Panitikang Luzon:
Pahayag sa Simula, Gitna at
Wakas ng Isang Akda
Manunulat: Chona R. Adjain
Philip D. Caermare
July G. Saguin
Maricel B. Jarapan
Oliver P. Talaoc,Ed.D
Ella Grace Tagupa,Ed.D
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Magagamit nang wasto ang angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at wakas
ng isang akda. (F7WG-IIId-e-14)
Balikan
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot. (1 puntos bawat bilang )
1.) Ano ang ibig sabihin ng panitikang saling-dila o lipat-dila??
A. Naipapasa sa iba sa pamamagitan ng dila.
B. Nabibigkas sa paraang pasalita gamit ang dila
C. Naikukuwento sa pamamagitan lamang ng salita.
D. Naililipat sa iba sa pamamagitan ng paglathala.
2.) Alin ang hindi nagpapakita ng katangian ng mito, alamat at kuwentong bayan?
A. Ang paksa ay karaniwang tumatalakay sa kalikasan, pamahiin, paniniwala at
kultura ng isang partikular na lugar o pangkat.
B. Nababanggit ang heograpiya, uri ng hanapbuhay at katangian ng mamamayan kung
saang lugar o pangkat ito nagmumula.
C. Ito ay nilikha o ikinuwento upang makapagbigay ng gintong aral na magagamit sa
tunay na buhay.
D. Naglalahad ang mga ito ng sariling kuro-kuro o pananaw tungkol sa isang tiyak na
paksa o isyu.
3.) Kailan lumaganap ang mito, alamat at kuwentong bayan sa ating bansa?
A. Panahon ng mga Espanyol
B. Bago pa dumating ang mananakop sa ating bansa
C. Panahon ng mga Hapon
D. Panahon ng mga Amerikano
4.) Ang mito, alamat at kuwentong bayan ay matatawag na________?
A. panitikang pasulat
B. panitikang Pilipino
C. pasalindilang panitikan
D. pabigkas na panitikan
5. ) Alin sa sumusunod na mga pamagat ang may kaugnayan sa tatlong panitikang
nabanggit?
B. Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan
C. Cupid at Psyche
Aralin
3
Tuklasin
Panuto: Basahin ang nakasulat sa bawat kahon. Pagkatapos ay uriin kung alin ang
simula, gitna at wakas. Isulat ang bilang sa bawat patlang sa ibaba, gamitin ang bilang 1-3.
Pag-aani ng mga
__________ __________ ________
Sa araling ito, malalaman at matutuhan mo kung paano gamitin nang wasto ang
angkop na pahayag sa simula, gitna at wakas ng isang akda.
Suriin
Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga
tradisyonal na kuwento o mito (Ingles: myth), mga kuwento na binubuo ng
isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga
kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa
mga likas na kaganapan.
May kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kuwentong-bayan. Ang isa
sa mga sikat na mitolohiya ng mga Griyego o ang tinatawag na mitolohiyang
Griyego. Ilan sa mga sikat na tauhan sa mitolohiya ng mga Griyego ay ang
mga diyos na sina Zeus, Aphrodite, Athena, at iba pa.
Pinagyamang Pluma 7, Alma M. Dayag, et.al.
Ngayon ay alam mo na kung ano ang mito. Mababasa mo ngayon ang buod ng isang mito
at alam kong masasagot mo ang mga katanungang inihanda ko para sa iyo matapos mo
itong mabasa. Handa ka na ba? Umpisahan mo na.
SI MANGITA AT SI LARINA
Noong unang panahon, maraming taon na ang nakalilipas, sa pampang ng Laguna
de Bay ay may naninirahang isang mahirap na mangingisda at ang kanyang pamilya.
Maagang namatay ang asawa ng mangigisda kaya’t siya na ang mag-isang nagpalaki sa
dalawang babaeng anak na sina Mangita at Larina. Kapwa napakaganda ng dalawang
anak bagama’t magkaibang-magkaiba ang kani-kanilang katangian. Si Mangita ay
kayumangging kaligatan at may mahaba at itim na itim na buhok. Mabait at mapagbigay
siya kaya mahal na mahal siya ng lahat ng mga kakilala. Masipag din siya saka katu-
katulong ng kanilang ama sa pananahi ng mga lambat at pagbibigkis sa mga sulong
ginagamit sa gabi-gabing pangingisda.
Ang kapatid naman niyang si Larina ay maputi at nagtataglay ng mahaba at
manilaw-nilaw na buhok. Siya ay ubod nang tamad at maghapon lamang nagsusuklay at
nag-aayos ng mahaba niyang buhok. Malupit din siya at walang pagmamahal sa mga
bagay na nabubuhay sa kanilang paligid. Madalas siyang nanghuhuli ng paru-paro at
pagkatapos mahuli ay tinusok-tusok niya ito hanggang sa mamatay.
Isang araw, isang matandang babaeng pulubi ang nagtungo sa kanilang kubo upang
humingi ng kaunting kanin para sa kanyang maliit na mangkok.. Abala noon si Larina sa
pagsusuklay ng kanyang buhok kaya’t hindi niya nagustuhan ang pangaabala ng pulubi.
Sinigawan niya ito at hindi pa nagkasya, at walang ano-ano’y kanya itong itinulak palayo.
Natumba ang matandang babae at nabagok ang ulo sa bato dahil sa tindi ng
pagkakatulak. Narinig ni Mangita ang ingay at humahangos na lumabas mula sa
pagsusulsi ng lambat. Maagap niyang tinulungan at ginamot ang sugat ng matanda.
Nagpasalamat ito sa kanya at dahan-dahan itong umalis dala ang mangkok na puno ng
kanin na bigay niya.
Isang araw, lumuwas ang kanilang ama sa lungsod upang ipagbili ang huli niyang
isda ngunit sa kasamaang-palad ay dinapuan siya ng sakit na laganap sa lungsod kaya
sa kalaunan ay namatay ito. Napilitang magtrabaho si Mangita upang may makain silang
magkapatid. Ang sumunod na nangyayari ay nanghina ang kanyang katawan sa sobrang
pagod.. Nagmakaawa siya kay Larina na alagaan siya ngunit hinayaan lang siya nitong
lumala ang kanyang sakit. Nang naghihingalo na at malapit nang mamatay si Mangita ay
bumalik ang matandang babaeng pulubi na may dalang supot ng mumunting buto ng
halaman. Inihabilin ng matanda ang supot kay Larina upang orasoras itong subuan
ngunit hindi niya sinubuan si Mangita at sa halip ay itinago niya ang mga buto sa kanyang
mahabang buhok. Muling lumala ang sakit ni Mangita at agawbuhay na siyang dinatnan
ng matandang babaeng pulubi.Tinanong ng matanda si Larina kung sinunod ba nito ang
utos niya subalit nayayamot siyang nagsabing “Oo, sinubuan ko siya”. Batid ng pulubi
ang pagsisisnungaling ni Larina kaya biglang nagliwanag sa loob ng kubo. Nang maglaho
ang liwanag ay hindi na pulubi ang kaharap niya kundi isang napakagandang diwata.
Kalong-kalong nito ang maysakit na si Mangita at nagpakilalang siya ang pulubing
humingi ng kanin subalit ipnagtabuyan niya.
At mula noon, doon na sa magandang tahanan ng diwata namalagi si Mangita.Si
Larina naman ay nasadlak sa ilalim ng lawa, walang tigil na sinusuyod ang kanyang buhok
upang isa-isang matanggal ang mumunting butong itinago niya rito .Sa huli ang mga
butong natanggal sa buhok ni Larina ay naging luntiang halamang lumutang sa tubig na
tinatawag na water lily. At sa tuwing makikita ng mga tao ang halaman ay naalala nila si
Larina at ang kanyang kasamaang nagsadlak sa kanya sa kaawa-awang kalagayan.
Mga Tanong: (2 puntos bawat bilang )
1. Tungkol saan ang tekstong binasa?
___________________________________________________________________________________.
2. Maituturing bang akdang pampanitikan ang ga akdang gumagamit ng diyos, diyosa,
___________________________________________________________________________________.
____________________________________________________________________________________.
PANGYAYARI
May mga panandang ginagamit na naghuhudyat ng pag-uugnayan sa iba’t ibang bahagi
ng pagpapahayag. Sa Filipino, ang mga panandang ito ay kadalasang kinatawan ng mga
pang-ugnay. Ipinakikilala nito ang pag-uugnayang namamagitan sa mga pangungusap o
bahagi ng teksto. May mga tungkuling ginagampanan ang mga panandang ito.
A. Sa pagsisimula: una, sa umpisa, noong una, unang-una
B. Sa gitna: ikalawa, ikatlo, sumunod, pagkatapos, saka
C. Sa wakas: sa dakong huli, sa huli, sa wakas
ANGKOP NA MGA PAHAYAG SA PANIMULA, GITNA AT WAKAS
Sa pagpapahayag partikular sa pagsasalaysay o pagkukuwento mahihikayat ng
nagsasalita ang kanyang tagapakinig sa mahusay na simula. Kapag nailahad ang layunin
nang epektibo ay napupukaw ang kaisipan ng mambabasa o tagapakinig na patuloy na
alamin ang kawing-kawing na pangyayari sa papataas at kasukdulan sa gitna ng kuwento.
Hihintayin din nila ang wakas kung nakamit ang layuning inilahad sa panimula.
. Simula: ang mahusay na simula ay mabuti para makuha ang interes ng tagapakinig o
ng mambabasa. Dito nabubuo ang larawan at nakikita ang aksiyong magaganap sa
isinalaysay. Maaaring simulan ito sa: noong una,
sa simula pa lamang at iba pang pananda sa pagsisimula.
. Gitna; sa bahaging ito, mabuting mapanatili ang kawing-kawing na
pangyayari at paglalarawang nasimulan. Maaaring gamitin ang: kasunod,
pagkatapos, saka, sumunod, walang ano-ano’y at iba pa na
naghuhudyat ng kasunod na pangyayari.
. Wakas: napakahalaga rin ng huling pangyayaring maiiwan sa isipan ng tagapakinig
o mambabasa. Maaaring gumamit ng: sa huli, sa wakas o
iba pang panandang naghuhudyat ng makahulugang pagtatapos.
Pinagyamang Pluma 7, Alma M. Dayag, et.al
Pagyamanin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga
mababasang teksto. Piliin ang letra ng tamang sagot.
pangyayari sa
ANG PINAGMULAN NG LAHI
I.Isang araw, siya ay kumipal ng lupa, inihagis ito at iniluto sa isang hurno.
Pagkahango sa niluto ay napuna niyang ito’y ubod ng itim dahil sa
pagkasunog. Ang kinapal na ito’y siyang pinagmulan ng mga negro natin
sa kasalukuyan.
II.Noong unang panahon, wala pang tao sa daigdig, si Bathala ay umisip ng
kaparaanan upang maging mapayapa, masaya at masigla ang daigdig.
Ipinasya niyang lumikha ng mga tao.
III.Sa muling pagsasalang sa hurno ay nagkaroon ng agam-agam si Bathala
na baka masunog na naman ito kung kaya’y sa labis na pag-aalala ay
hinango agad ang nakasalang. Ang nangyari ay hilaw ang niluto. Ito ang
pinagmulan ng lipi ng mga puti.
IV.Sa wakas, ito ang siyang pinagmulan ng lahing kayumanggi.
V.Dahil sa kasanayan na ni Bathala sa paghuhurno, ang ikatlong salang
Niya ay naging kasiya-siya sapagkat hustong-husto sa pagkakaluto, hindi
sunog at lalong- lalo namang hindi hilaw.
Panitikang Kayumanggi, Rosario U. Mag-atas, et al.
Mga Tanong:
A. pagpasyang lumikha ng tao
B. kasanayang lumikha ng tao
C. pagluluto ng iba’t ibang tao
D. pinagmulan ng lahi/lipi sa mundo
2. Ano ang panandang ginamit sa pagpapahayag ng simula?
A. isang araw
B. noong una
C. sa wakas
A. I at IV
B. I at III
C. III at V
D. II at IV
4. Ano ang mga panandang ginamit sa simula, gitna at wakas?
A. noong una, sa muli, ikatlo, wakas
B. isang araw, baka, sa muli, kaya
C. sa wakas, lalong-lalo, noong una, sa muli
D. isang araw, noong una, ikatlo,kaya
5. Alin ang tamang pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa teksto?
A. I, II,III,IV,V
Panuto: Tukuyin kung saang bahagi matatagpuan ang pahayag. Isulat sa
patlang ang A para sa simula, B para sa gitna at C para sa wakas.
____1.) Ang mga panandang ginamit ay sa huli, sa wakas at sa dakong huli .
____2.) Nabubuo ang larawan at nakikita ang aksiyong magaganap sa isinalaysay.
____3.) Ito ang maiiwan sa isipan ng tagapakinig o ng mambabasa.
____4.) Pinanatili ang kawing-kawing na mga pangyayari at paglalarawang nasimulan.
____5.) Ginagamit ang mga panandang noong una, sa simula pa lamang sa
umpisa, una at unang-una.
Gawain B
Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pahayag upang mabuo ang
salaysay o pangungusap. Salungguhitan ang tamang sagot.
1. )_________(unang, ikalawang) dumating sa ating kapuluan ang mga Ita.
2. ) Ang ________( pagkatapos, sumunod) na dumating ay mga Indones.
3. ) ____________( saka, pagkatapos) ang mga Malayo.
4. ) ____________( saka, sumunod), dala nila ang kanilang kahihasnan gaya ng alibata,
pananampalataya, paniniwala, pamahalaan, kabuhayan at pasalindilang panitikan.
5. ) Ang mga Espanyol ang ( huling, ikatlong) dumating dala ang kanilang kultura at ang
palaganapin ang Kristiyanismo.
Panuto: Punan ang nawawalang salita sa ibaba upang mabuo ang
mga pahayag. Hanapin sa loob ng kahon ang angkop na kasagutan
nito. ( Maaaring magdoble ang sagot depende sa hinihingi ng pahayag.)
pang-ugnay mambabasa pananda(ng) simula
Sa modyul na ito, natutuhan kong may mga tungkuling ginampanan
ang mga pananda sa 1.__________, 2.__________ at 3.___________.
Nalaman ko rin na ang mga4. ___________na tulad ng sa umpisa,
sumunod, sa huli at iba pa ay tinawag na mga 5.___________ na
namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto.
Lubos ko ring natutuhan na sa 6._________ kailangang
pukawin ang interes ng tagapakinig o ng
7._____________samantalang sa 8._________mabuting
isipan ng tagapakinig o mambabasa na maaaring gamitan
ng 10.______________ naghuhudyat ng makahulugang pagtatapos
.
.
Tayahin
I. Panuto: Tukuyin ang simula, gitna at wakas. Isulat ang bilang 1 sa
simula, 2 hanggang 4 sa gitna at 5 sa huli o wakas. Isulat ang sagot sa
patlang bago ang bilang.
Hakbang sa Pagpapatala o Pagpapaenrol sa Paaralan ng Mag-aaral sa Baitang 7
____1.) Ikatlo, sulatan ang porma na nakuha.
____2.) Sa wakas, ikaw ay ganap o opisyal na mag-aaral na ng paaralan.
____3.) Una, kumuha ng diagnostic na pasulit.
____4.) Pagkatapos ay isumite ang filled-up form sa enrollment section.
____5.) Pangalawa ay kumuha ng enrollment form.
II. Panuto: Punan ng angkop na pananda o pahayag upang mabuo ang
teksto. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
panghuli una pagkatapos saka sumunod
6._________ pakuluin ang mantika sa kawali.7. _____________kapag kumukulo na ay ilagay
na ang mani 8._________halo-haluin iyon hanggang sa maluto. 9.____________hanguin na
ang maning naluto. 10._______________ipagiling na ang mani.
Kapag nagawa mo na ito, mayroon ka ng masarap na palaman.
Karagdagang Gawain Sumulat ng talatang naglalahad ng iyong hakbang sa paglalaba ng damit.(15 puntos)
RUBRIK sa Pagsulat ng Talata
Pamantayan 5 4 3
ang paglalahad o
ang angkop na
wastong gamit ng mga
bantas at malinis ang
Sanggunian:
Lorenza P. Avena,et al. Batayang Aklat sa Wika at Panitikan III,SEMP2 pp.61
Alma M. Dayag, Pinagyamang Pluma 7, Phoenix Publishing House, pp. 305,308, 315-318 & pp.327-328
Rosario U. Mag-atas et al, Panitikang Kayumanggi
Gabay sa Pagtuturo ng Filipino II, Kurikulum ng Sekundaryang 2010, Aralin Blg. 4, pp.33-34
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset The liberty
forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer
One night I had a dream. I dreamedI think that I shall never see that I was
walking along the beachA poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest In the beach, there were two (2) setsAgainst the
earth’s sweet flowing of footprints – one belong to me andbreast; the other to the
LORD.
A tree that looks at God all day, Then, later, after a long walk, IAnd lifts her
leafy arms to pray; noticed only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why?A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad
and helpless?” Upon whose bosom snow has lain;
And the LORD replied “My son, MyWho intimately lives with rain.
son, I have never left you. There was only one (1) set of footprints in thePoems
are made by fools like me, sand, because it was then that IBut only God can make
a tree.
CARRIED YOU!