gapo.docx

Upload: jamesmarcom

Post on 02-Jun-2018

233 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • 8/11/2019 GAPO.docx

    1/5

    I. Talambuhay ni Lualhati Bautista

    Si Lualhati Bautista ay nakilala sa pagiging isang magaling na pilipinong

    panunulat. Siya ang nagsulat ng tanyag na mga librong tulad ng Dekada 70,

    Bata bata paano ka ginawa?, Hari ng Tundo, Bulaklak sa City Jail,Desaparecidos at Gapo.

    Si Lualhati Baustista ay isinilang noong ika-2 ng Disyembre 1945 sa Tondo Manila.

    Siya ay nakapagtapos ng elementarya sa Emilio Jacinto Elementary School

    noong 1958 at sekondarya sa Torres High School noong 1962. Pumasok din siya sa

    sa Lyceum University of the Philippines upang doon magkolehiyo at kumuha ng

    kursong journalism ngunit bago pa man matapos ang unang taon nito ay tumigil

    na siya ng pag-aaral.

    Hindi naging hadlang para kay Lualhati Bautista ang hindi pagkakatapos ng

    kolehiyo sa pagiging isang tanyag na manunulat. Siya ay nakilala sa kanyang

    matapang na pagpapahayag ng mga kausapan na kinakasangkutan ng mga

    babae. Ang mahirap na sitwasyon na nararanasan ng mga kababaihan.

    Ang nobela niyang Gapo, Bata bata paano ka ginawa? at Dekada 70 na

    naglalarawan nang kaapihan ng mga kababaihan nung panahon ng Pangulo

    Marcos ay ang nakapagpanalo sa kanya ng tatlong beses na Palanca Awards.

    Nasundan pa ang pakakapanalo dahil sa Tatlong kwuento ni Juan Candelabra

    at Buwan, Buwan Hulugang mo Akong Sundang.

    Hindi rin matatawaran ang kanyang galing sa pagsusulat ng pelikula. Ang

    kanyang unang pelikula na Sakada ay nagpapakita ng kalagayang ng mga

    magtutubo. Ang ikalawa naman niya pelikula ay ang Kung mahawi man ang

    Ulap na nanomina sa Film Academy. Halos lahat ng mga parangal ay nahakot

    ni Lualhati Bautista nung Star Awards at Manila Film Festival.

    Naging miyembro siya ng University of the Philippines Creative Writing Center,

    nagsilbing bise presidente ng Screen Guild of the Philippines, pinuno ng

    Kapisanan ng mga Mununulat ng Nobelang Popular at ang natatanging Pilipino

    na nakasama sa International Women Writers na nilimbag sa Japan.

  • 8/11/2019 GAPO.docx

    2/5

    II. Banghay/paksain ng 'Gapo'

    Ang libro ay naglalaman ng mga pangyayari sa Olongapo nong tayoy

    nasasakupan pa ng mga Amerikano. Itoy tungkol sa isang 20 taong gulang na

    lalaking si Michael Taylor, Jr na isang mangaawit sa isang bar nanagngangalang Freedom pad, isang club sa Olongapo. Anak siya sa labas ng

    isang amerikanong sundalo si Michael Taylor, Sr na hindi niya nakita man o

    nakilala. Malaki ang galit niya sa mga amerikano dahil sa pagiwan ng kanyang

    ama sa kanyang ina at sa kanyang pagiging katawang amerikano na itoy

    kinasusumpa niya. Lalo siyang nagalit nang masaksihan niya ang pag-aalipusta

    ng mga sundalong amerikano sa mga kaibigan niyang si Modesto. Dahil dito,

    madalas niyang nakakasagutan si Magdalena, ang kaibigan ng kanyang inang

    si Dolores, na nag-ampon sa kanya at nakasama niya sa paglaki. Si Magdalena

    ay isang hostess tulad ni Dolores at isang masugid na tagahanga ng mga

    sundalong amerikano sa kabila ng mga pasakit na dinanas niya ng dahil sa mga

    ito.

    Isa sa mga kaibgan ni Michael si Modesto. Isa syang pilipinong manggagawa sa

    base militar. Api-apihan ito sa pinagtatrabahuan niya. Wala siyang kaibigang

    amerikano roon maliban kay William Smith. Tinitiis niya na lamang ang kanyang

    trabaho dahil malaki ang halagang kinikita niya rito. Nakarelasyon ni Modesto si

    Alipio na isang baklang masalapi. Naging kasintahan ni Alipio ang isang

    amerikanong sundalo na sa Richard Halloway.

    Isang araw, hindi na natiis ni Modesto ang pang-aapi sa kanya ng mga

    sundalong amerikano sa base military lalo na nung nalaman ng kanyang anak

    na si Jun kung panu siya apiapihin. Nakipagsagutan siya sa isang opisyal doon

    na si Johnson at nauwi ito sa suntukan. Si Modesto ay napagtulungan ng mga

    kasamahan ng sundalong puti. Sa kabila ng pagpipigil at pakikiusap ni William,

    Napatay nila si Modesto. Si ali naman ay ninakawan nina richard at ignacio at

    bubugbugin rin. Lahat ng mga nagawa ng Amerikanong pangaabuso sa Pilipino

    ay hindi nagkaroon ng hustisya at Ito naman ang ikinagalit ni Mike ng lubusan.

    Si Magdalena ay nagkaroon ng panibagong kasintahang sundalo na

  • 8/11/2019 GAPO.docx

    3/5

    nagngangalang Steve Taylor. Noong simula ay napakabait ni Steve, Siya ay

    kakaiba rin sa nakilala ni Magdalena at siya lamang ang nakasundo ni ni

    Michael na amerikanong puti. Hanggang sa nabuntis si Magdalena, natuklasan

    nilang mayroon itong babalikang pamilya sa Amerika.

    Nanumbalik ang mga alaala niya sa sinapit ng kanyang ina, pati nina Alipio at

    Modesto sa nga amerikano. naulit na naman ang paglilinlang ng mga

    sundalong amerikano kay magda. hinampas ni Michael si Steve sa ulo gamit ang

    kanyang gitara na ikinamatay ni Steve dahil dito ay nakulong si Michael.

    Dinalaw ni Magdalena si Michael sa kulungan. Ipinagpaalam niya ang

    pagpapangalan ng anak niya kay Michael. ang bata ay magiging si Michael

    Taylor III. Naghawak ng mahigpit ang kanilang mga kamay sa magkabilang

    panig ng rehas.

    III, Mga tauhan at kanilang simbolo o sinasagisag sa lipinan.

    Michael Taylor, Jr. - Ay ang anak nina Dolores at Michael Taylor, Sr. Siya ay isang

    mang-aawit sa isang club na nagngangalang Freedom Pad. Galit si Michael sa

    mga amerikano na pumupunta lamang dito sa Pilipinas upang magpaasa at

    mang-api ng mga Pilipino. Maging siya ay naging biktima narin ng mga

    amerikanong nang aapi sa bansa. Sinasagisag ni Michael si Dr. Jose Rizal sa

    lipunan dahil parehas silang naghangad ng nationalismo sa Pilipinas.

    Magdalena - isa sa matalik na kaibigan ni Dolores. Isang mananayaw sa

    Freedom Pad. Matagal nang siyang nangangarap na mahalin ng lubusan ng

    isang americano at dadalin siya sa lupang kanyang pinapangrap, ang Amerika.

    Sinisimbolo ni Magdalena ang mga kababaihan ngayon na dahil sa kahirapan

    ay pinipili na lamang pumasok sa maling trabaho.

    Modesto- Ama ni Jun na nmangggagawa sa base na may katandaan na din.

    May asawa siya at mga anak. Tinatawag lamang siya doon ng yardbird sa

    base. Sinisimbolo ni Modesto ang mga taong hindi nirerespeto sa trabaho dahil

    sa diskriminasyon.

  • 8/11/2019 GAPO.docx

    4/5

    Alipio - isang baklang hostess sa Gapo. Naging kaibigan niya sila Modesto at

    Mike dahil sa madalas na pamamalagi sa Freedom Pad. Sinisimbolo ni Ali ang

    mga bakla/tomboy na hindi nirerespecto ng mga tao dahil sa diskriminasyon.

    Richard Halloway - isang marinong amrikano na nilagay sa Pilipinas. Naging

    matalik na magkaibigan ni Ali. Nung una ay naging mabuti si Richard kay Alipio

    ngunit nung huli ay hindi na. Sinisimbolo ni Richard ang mga illegal agencies

    dahil sa umisa ay nagbibigay sila ng trabaho ngunit ito naman ang nagdadala

    sa kapahamakan ng mga Pilipino.

    Steve Taylor - ang boyfriend na americano ni Magdalena na naging kasundo din

    ni Mike ngunit nagalit ito kay Mike nung iniwan niya si Magdalena. Sinisimbolo ni

    Steve ang mga taong hindi ginagampanan ang kanilang responsibilidad bilang

    lalaki. William Smith- ang Amerikanong marino na nagtatrabaho sa base. Mabait siya

    at mapang-unawa sa mga Pilipino. Hindi niya kinukutya ang mga Pinoy.

    Sinisimbolo ni William si Douglas Mcarthur dahil kahit hindi siya Pilipino ay

    nirerespecto niya ang mga ito at tinutulungan.

    IV. Mga suliranin ng mga pilipino at ng bansa na nangyayari noon sa Olongapo

    Ang pangunahing suliranin ng mga pilipino at ng bansa na nangyayari noon saOlongapo ay diskriminasyon. Napakita ito sa libro nung natakot si Ali na maging

    bakla si Jeffrey katulad niya. Binalak niya maghanap ng Amerikanong

    magkakagusto sa kanya para may makasama si Jeffrey na tunay na lalaki ngunit

    hindi ito mangyayari dahil siya ay isang bakla. Pati na nung ayaw ni Modesto na

    kumuha ng trabaho dahil ayaw niya na maranasan ng anak ang discriminasyon

    at pang-aaping ginawa sa kanya sa trabaho. Ipinakita rin ito nung hindi

    binibigyan ng karapatang ang mga Pilipino magsalita o magreklamo laban sa

    mga Amerikano. At nung Lagi nilang iniisip na dahil ang kulay ng kanilang mga

    balat ay maputi ay sila lamang ang may karapatan at ang mga pilipinong may

    itim na balat ay pwede nilang apak apakan. Madalas nilang sinasagot sa mga

    Pilipino 'dahil puti kami' kaya sila lang ang pwede masunod. Kahit anong mali ang

    magawa ng mga Amerikano laging ang mga Pilipino ang may kasalanan.

  • 8/11/2019 GAPO.docx

    5/5

    Walang magawa ang mga Pilipino laban sa mga Amerikano dahil hawak o

    nasakop nila ang Pilipinas.

    V. Kung ikaw ang pangulo noon, paano mo lulutasin ang mga suliraning nabangit sa

    blg. 4

    Kung ako ang magiging pangulo noon, lulutasin ko ang suliranin tungkol sa

    discrimination sa mga Pilipino sa paraang magpapatupad ako ng batas na

    magtitigil sa diskriminasyon lalo na sa opisina at sa mga paaralan. Ito'y magiging

    malaking tulong lalo na sa mga taong hindi tinatangap sa trabaho o sa

    paaralan dahil sa diskriminasyon. Magbibigay ako ng kaukulang parusa sa mga

    taong mapapatunayan na nagkasala sa pagpapakita ng diskriminasyon.

    Magpapatayo ako ng mga organisasyon na lalaban sa diskriminasyon at

    pagpapatibay o magtataguyod ng pagkapantay pantay ng mga tao upang

    unti unti nang matigil ang diskriminasyon.