gr. 3 sayaw sa palatuntunan
TRANSCRIPT
Pangalan: ____________________________________________________ Baitang at Pangkat: ___________________________________________Nagugol na Oras sa Pagbasa: ____________ Iskor: _______________ (Reading Time in Seconds) (Score)
Panuto: Basahin nang tahimik ang seleksyon. Matapos magbasa, isulat ang oras na nagugol sa pagbasa. Basahin ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.
Gr. III Bilang ng mga salita: 126
SY 2012-2013
Sayaw sa Palatuntunan
Nanlalamig ang kamay ni Cita dahil sa kaba. Malapit na kasi silang sumayaw ng kanyang kaibigang sina Rina at Ditas ng pandango sa ilaw.
Nilapitan sila ng kanilang guro na si Gng. Ramos bago sila umakyat sa entabalo, “Handa na ba kayong tatlo? Huwag ninyong kalimutang ngumiti habang sumayaw,” ang mahigpit na bilin ng kanilang guro.
“Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang mga mag-aaral mula sa ikatlong baitang sa pamamahala ni Gng. Rosa Ramos,” ani ng guro ng palatuntunan.
Habang sumasayaw, binalanse nila ang mga ilaw na may ningas sa kanilang ulo at pinaikot nila sa kanilang dalawang kamay ang may sinding lampara. Bilib na bilib sa kanila ang lahat ang mga nanonood.
Matapos ang sayaw, niyakap sila nang mahigpit ng kanilang guro dahil sa ipinamalas nilang galing.
Phil-IRI Form 1 – Pretest
Mga Tanong:
1. Ano ang pamagat ng kuwento?a. Awit sa Palatuntunanb. Tula sa Palatuntunanc. Sayaw sa Palatuntunand. Balagtasan sa Palatuntunan
2. Sino ang Gurong Tagapamahala sa kuwento?a. Gng. Cruzb. Gng. Garciac. Gng. Santosd. Gng. Ramos
3. Ano ang kanilang sinayaw?a. Rabongb. Singkilc. Tiniklingd. Pandango sa Ilaw
4. Ano kaya ang pakiramdam ng guro habang sila ay sumasayaw?a. Natatakotb. Nagagalitc. Nasisiyahand. Nalilito
5. Bakit nila binabalanse ang baso na may ningas sa kanilang ulo?a. Dahil mabigatb. Dahil magaanc. Para hindi mahulogd. Para magandang tingnan
SY 2012-2013
6. Magaling kang sumayaw kaya isinali ka ng guro sa palatuntunan. Ano ang sasabihin mo sa kanya?a. Gagalingan ko po.b. Di po ako sasali.c. Nahihiya po akod. Nalulungkot po ako.
7. Kung ikaw ay nagkamali habang nagsasayaw sa entablado, ano ang gagawin mo?a. Titigil sa pagsasayaw.b. Itutuloy ang pagsasayaw.c. Ipapaulit muli ang sayaw.d. Lahat ng ito ay tama.
SY 2012-2013