guro ako - teacher talks · web viewawitin ang awiting “bayan ko” na may damdamin. subukin...

4
Yunit III Aralin 5 Iba’tIbang Uri ng Timbre Ayon saTinig I. Layunin: Nailalarawan ang iba’t-ibang uri ng timbre ayon sa tinig. Natutukoy ang iba’t-ibang uri ng timbre ayon sa tinig. II. Paksang-aralin A. Paksa : Uri ng Timbre AyonsaTinig B. LunsarangAwit : “Bayan Ko” niConstantino de Guzman C. Sangunian : MSEP 5 pp. 44-45 Umawit at Gumuhit 5 pp. 55-57 D. Kagamitan : Larawan ng iba’t-ibang kilalang mang-aawit, player E. Pagpapahalaga : Pag-iingat at pagpapahalaga sa boses ng bawatisa F. Konsepto Ang timbre ay isa sa mga elemento ng musika. Ito ay tumutukoy sa uri ng tunog o tinig. Ang mga tinig ay nahahati sa apat: dalawa para sa babae at dalawa para sa lalaki. III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Pagsasanay a. Rhythm Ipalakpak ang rhythm: b. Tonal Sanayin ang mga senyas kamay ni Kodaly

Upload: others

Post on 21-Jan-2021

10 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewAwitin ang awiting “Bayan Ko” na may damdamin. Subukin hatiin ang mga tinig ng mga babae at lalaki. IV. Pagtataya Pakingggan ang mga tinig

Yunit IIIAralin 5

Iba’tIbang Uri ng Timbre Ayon saTinig

I. Layunin: Nailalarawan ang iba’t-ibang uri ng timbre ayon sa tinig.Natutukoy ang iba’t-ibang uri ng timbre ayon sa tinig.

II. Paksang-aralinA. Paksa : Uri ng Timbre AyonsaTinigB. LunsarangAwit : “Bayan Ko” niConstantino de GuzmanC. Sangunian : MSEP 5 pp. 44-45

Umawit at Gumuhit 5 pp. 55-57D. Kagamitan : Larawan ng iba’t-ibang kilalang mang-aawit, playerE. Pagpapahalaga : Pag-iingat at pagpapahalaga sa boses ng bawatisaF. Konsepto Ang timbre ay isa sa mga elemento ng musika. Ito

ay tumutukoy sa uri ng tunog o tinig.Ang mga tinig ay nahahati sa apat: dalawa para sa babae at dalawa para sa lalaki.

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain 1. Pagsasanay

a. Rhythm

Ipalakpak ang rhythm:

b. Tonal Sanayin ang mga senyas kamay ni Kodaly

Page 2: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewAwitin ang awiting “Bayan Ko” na may damdamin. Subukin hatiin ang mga tinig ng mga babae at lalaki. IV. Pagtataya Pakingggan ang mga tinig

2. Balik-aral

Gamit ang player. Magparinig ng awitin. Ipalarawan ang mga narinig na tinig ng mga mang-aawit.

Hal. Regine Velasquez – matinisJessaZaragosa – makapal/mababa

B. Panlinangna Gawain

1. PagganyakIparinig ang awiting“ BayanKo”Ano ang napapansin ninyo sa tinig ng umawit? Anu-anong katangian ng tinig ang

inyong narinig?(manipis, matinis, malagong at mababa)

2. PaglalahadPakinggan ang tinig ng mang-aawit na narinig sa player.Suriin ang mga katangian ng tinig n gbabae at lalaki.

3. Pagtalakay

Ano ang katangian ng tinig ng babae?(magaan, manipis, mataas at makapal)Ano ang dalawang uri ng tinig ng babae?(soprano at alto)Ano ang katangian ng tinig ng mga babaeng soprano?(magaan, manipis at mataas)Ano ang katangian ng tinig ng mga babaeng alto?(makapal)Ano ang katangian ng tinig ng lalaki?(magaan, manipis, mataas at makapal)Ano ang dalawang uri ng tinig ng babae?(tenor at bass)Ano ang katangian ng tinig ng mga lalaking tenor?(magaan, manipis at mataas)Ano ang katangian ng tinig ng mga lalaking bass?(makapal)

Page 3: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewAwitin ang awiting “Bayan Ko” na may damdamin. Subukin hatiin ang mga tinig ng mga babae at lalaki. IV. Pagtataya Pakingggan ang mga tinig

4. PaglalahatAnu- ano ang iba’t-ibang uri ng timbre ng tinig?

(Ang iba’t-ibang uri ng timbre ng tinig ay nahahati sa apat: soprano ay tinig ng babae na magaan at manipis ang tinig kaya nakaaabot ng mataas na antas. Alto ang tinig na babae na makapal ang boses at ang iba’y halos boses lalaki. Tenor ay boses ng lalaki na magaan at kung minsa’y manipis at matili ang timbre kaya nakaaabot ng mataas na antas. Baho ay makapal at kung minsan ay magaralgal kung kaya’t nakaaabot ng mababang antas.)

5. PaglalapatKilalanin ang mga popular na mang-aawit sa kasalukuyan. Tukuyin ang timbre

ng kanilang mga boses.1. Sarah Geronimo2. Regine Velasquez3. OgieAlcasid4. Martin Nievera5. Garry Valenciano

6. RepleksyonAno ang dapat gawin upang maging kaaya-aya sa pandiniga ng tinig habang

umaawit?

C. Pangwakasna GawainAwitin ang awiting “Bayan Ko” na may damdamin. Subukin hatiin ang mga tinig

ng mga babae at lalaki.

IV. PagtatayaPakingggan ang mga tinig ng mang-aawit at tukuyin ang timbre ng tinig.1. Darrel Espanto2. Jed Madela3. KZ Tandingan4. Angeline Quinto5. Lea Salonga

V. TakdangAralinGumupit ng larawan ng paborito mong mang-aawit at idikit ito sa short bond

paper. Tukuyin ang timbre ng kanilang tinig.