healthmatters - hpsm.org · pdf file1 ang san mateo ang pinakamalusog na ... linggo ng...

6
Tag-init 2017 Mat Thomas—Editor | Peggie Van—Designer Health matters 1 Ang San Mateo ang Pinakamalusog na County sa California! 2 Ipinagdiriwang ng HPSM ang 30 Taon sa 2017 2 Ang Ating Planong Medicare-Medicaid Itinuturing ng Survey sa Miyembro bilang Ikatlong Pinakamaganda sa U.S. 3 HPSM Napanalunan ang DHCS Innovation Award 3 Bago ba kayo sa HPSM? Tawagan ang Inyong Doktor para sa Pagbisita ng Bagong Miyembro! 4 Kayo ba ay Buntis?? (O Inaakala Ninyong Buntis Kayo?) Magpatingin sa Inyong Doktor! 4 Kumuha ng hanggang 20 Libreng Klase sa Weight Watchers® 5 May mga Anak ba Kayong Malapit nang maging Tinedyer? Ipabakuna Sila para sa HPV 5 Fluoride Varnish: Isang madaling paraan upang labanan ang pagkabulok ng ngipin ng bata SA ISYU NA ITO Ang San Mateo ang Pinakamalusog na County sa California! Noong Marso, binigyan ang San Mateo ng ranggo bilang pinakamalusog sa 58 county ng California. Ang ranggo ay mula sa Robert Wood Johnson Foundation’s County Health Rankings. Binibigyan ng ranggo ng taunang pag-aaral na ito ang bawat county sa maraming panukatang pangkalusugan. Ang ilan sa mga ito ay paggamit ng droga, pag-inom, paninigarilyo at kung abot-kaya ba ng bulsa ng mga tao ang pangangalagang pangkalusugan. Siyamnapu’t isang porsiyento ng mga tao sa San Mateo County ay may pangangalagang pangkalusugan. Ipinagmamalaki ng HPSM dahil isa ito sa nakapagdulot nito. Sa kasalukuyan ay pinaglilingkuran namin ang humigit- kumulang 150,000 ng mga taong iyon. Patuloy kaming nagsusumikap upang maipagkaloob ang pangangalagang pangkalusugan sa mas marami pang mga tao sa County. Nag-aalok din kami ng suporta upang tulungan ang aming mga miyembro na gumawa ng mga desisyong mabuti sa kalusugan. Mangyaring bisitahin ang seksyon ng Impormasyong Pangkalusugan sa www.hpsm.org para sa karagdagang kaalaman.

Upload: hakiet

Post on 30-Jan-2018

241 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Healthmatters - hpsm.org · PDF file1 Ang San Mateo ang Pinakamalusog na ... linggo ng pagbubuntis Isang $50 na Target gift card at ang aklat na ... Ligtas ito para sa

Tag-init 2017 Mat Thomas—Editor | Peggie Van—Designer

Healthmatters

1 Ang San Mateo ang Pinakamalusog na County sa California!

2 Ipinagdiriwang ng HPSM ang 30 Taon sa 20172 Ang Ating Planong Medicare-Medicaid

Itinuturing ng Survey sa Miyembro bilang Ikatlong Pinakamaganda sa U.S.

3 HPSM Napanalunan ang DHCS Innovation Award

3 Bago ba kayo sa HPSM? Tawagan ang Inyong Doktor para sa Pagbisita ng Bagong Miyembro!

4 Kayo ba ay Buntis?? (O Inaakala Ninyong Buntis Kayo?) Magpatingin sa Inyong Doktor!

4 Kumuha ng hanggang 20 Libreng Klase sa Weight Watchers®

5 May mga Anak ba Kayong Malapit nang maging Tinedyer? Ipabakuna Sila para sa HPV

5 Fluoride Varnish: Isang madaling paraan upang labanan ang pagkabulok ng ngipin ng bata

SA ISYU NA ITO

Ang San Mateo ang Pinakamalusog na County sa California!Noong Marso, binigyan ang San Mateo ng ranggo bilang pinakamalusog sa 58 county ng California. Ang ranggo ay mula sa Robert Wood Johnson Foundation’s County Health Rankings. Binibigyan ng ranggo ng taunang pag-aaral na ito ang bawat county sa maraming panukatang pangkalusugan. Ang ilan sa mga ito ay paggamit ng droga, pag-inom, paninigarilyo at kung abot-kaya ba ng bulsa ng mga tao ang pangangalagang pangkalusugan.

Siyamnapu’t isang porsiyento ng mga tao sa San Mateo County ay may pangangalagang pangkalusugan. Ipinagmamalaki ng HPSM dahil isa ito sa nakapagdulot nito. Sa kasalukuyan ay pinaglilingkuran namin ang humigit-kumulang 150,000 ng mga taong iyon. Patuloy kaming nagsusumikap upang maipagkaloob ang pangangalagang pangkalusugan sa mas marami pang mga tao sa County.

Nag-aalok din kami ng suporta upang tulungan ang aming mga miyembro na gumawa ng mga desisyong mabuti sa kalusugan. Mangyaring bisitahin ang seksyon ng Impormasyong Pangkalusugan sa www.hpsm.org para sa karagdagang kaalaman.

Page 2: Healthmatters - hpsm.org · PDF file1 Ang San Mateo ang Pinakamalusog na ... linggo ng pagbubuntis Isang $50 na Target gift card at ang aklat na ... Ligtas ito para sa

2 | HealthMatters

Ipinagdiriwang ng HPSM ang 30 Taon sa 2017Ipinagmamalaki ng HPSM at nagagalak itong ipagdiwang ang aming ika-30 anibersayo ngayong taon. Nagpapasalamat kami sa lahat ng nagbigay sa amin ng maraming tulong sa mga nakalipas na panahon. Salamat sa aming mga empleyado, tagapagbigay ng serbisyo at mga kapartner sa programa sa buong County. At salamat sa mga mambabatas na sumuporta sa access sa de-kalidad na pangangalaga at mga serbisyo para sa mga residenteng mababa ang kita at mahihina.

Panghuli, kami ay lubos na nagpapasalamat sa aming mga miyembro. Kami ay naninindigan sa pangangalagang pangkalusugan para sa lahat tulad noong 30 taon na ang nakararaan. Ang makatulong sa aming mga miyembro na mabuhay nang mas malusog ay ang aming sigla— naniniwala kami na ang malusog ay para sa lahat. Tatlumpong (30) taon na kaming naririto, at mananatili kami dito nang marami pang taon. Salamat sa pagiging mahalagang bahagi ng HPSM sa nakaraan—at sa hinaharap.

Ang Ating Planong Medicare-Medicaid Itinuturing ng Survey sa Miyembro bilang Ikatlong Pinakamaganda sa U.S.INoong 2016, ang programa ng HPSM na CareAdvantage CMC ay binigyan ng grado na ikatlong pinakamaganda sa buong U.S. Ang iskor ay nagmula sa isang taunang survey ng 40 plano ng Medicare-Medicaid sa walong estado. Ginagawa ito ng Centers for Medicare & Medicaid Services (CMS). Tinatawag itong Consumer Assessment of Healthcare Providers and Systems (CAHPS) survey.

Hinihingi ng CAHPS survey sa mga miyembro na graduhan ang kanilang karanasan sa pangangalagang pangkalusugan. Sinusukat nito kung gaano kabilis nakakakuha ang mga miyembro ng pangangalaga, paano nakikipag-usap ang mga doktor sa mga

miyembro at marami pang iba. Nakamit ng HPSM ang kabuuang iskor na 88 sa 100 puntos. Kasama namin sa ikatlong puwesto ang tatlong iba pang mga planong pangkalusugan.

Salamat sa lahat ng aming mga miyembro ng CareAdvantage CMC na nakibahagi sa survey. Nakatulong ang inyong positibong komento upang makuha ng Medicare-Medicaid Plan ng HPSM ang ikatlong puwesto. Nagagalak kaming malaman na ang aming mga tagapagbigay ng serbisyo ay nagkakaloob ng mabilis at magiliw na serbisyo.

Opisyal na sinimulan ng HPSM ang pamamahala sa pangangalagang pangkalusugan para sa San Mateo County noong Disyembre 1, 1987. Nagsimula kami na maliit, ngunit lumaki sa paglipas ng mga taon. Narito ang buod ng pinagmulan namin—at kung gaano na kalayo ang aming narating.

Centers for Medicare & Medicaid

Services

on a 2016 survey byNATIONWIDE

THIRD BESTRANKED

CareAdvantage CMC

Ratings based on member feedback about the service received from their health plan and providers.

Humigit-kumulang 28,000 miyembroHumigit-kumulang 20 empleyado

Halos 150,000 miyembroMahigit sa 250 empleyado

5 programaMedi-Cal, CareAdvantage CMC,

Healthy Kids, HealthWorx & ACE

1 programaMedi-Cal

1987 2017

Page 3: Healthmatters - hpsm.org · PDF file1 Ang San Mateo ang Pinakamalusog na ... linggo ng pagbubuntis Isang $50 na Target gift card at ang aklat na ... Ligtas ito para sa

2 | HealthMatters Tag-init 2017 | 3

HPSM Napanalunan ang DHCS Innovation AwardNasisiyahan kami na iginawad ng DHCS sa Community Care Settings Pilot (CCSP) ng HPSM ang kanilang 2016 Innovation Award. Natulungan ng CCSP ang mahigit kaysa sa 130 matatanda at may kapansanang tao magmula noong 2014. Tinutulungan sila ng programa na lumipat mula sa mga pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga pabalik sa kanilang mga tahanan. Nagbibigay-daan ito sa kanila na magkaroon ng buhay bilang mga aktibo at nakikibahaging miyembro ng komunidad.

Ipinagmamalaki naming ibahagi ito sa aming mga pilot partner. Salamat sa kompanya ng pabahay na Brilliant Corners at sa Institute on Aging (IOA).

Bago ba kayo sa HPSM? Tawagan ang Inyong Doktor para sa Pagbisita ng Bagong Miyembro!Taos-pusong tinatanggap ng HPSM ang lahat ng aming bagong miyembro sa aming plano sa pangangalagang pangkalusugan. Simulan nang malakas ang inyong pakikipaglaban para sa kalusugan sa pamamagitan ng paggawa sa mga madadaling hakbang na ito:

Hakbang 1 Repasuhin ang inyong Welcome

Kit na ipinadala namin sa inyo sa koreo. Ilagay ito sa lugar kung saan ninyo makikita ito kapag kailangan ninyo.

Hakbang 2 Matatanggap ninyo ang inyong Member

ID sa koreo. Hawakan ninyo ito at dalhin ito sa inyong mga pagbisita sa doktor.

Hakbang 3 Mangyaring tawagan ang inyong

Tagapagbigay ng Pangunahing Pangangalaga (PCP) upang bumisita bilang bagong pasyente sa loob ng dalawang buwan. Ang inyong PCP ang pangunahing doktor ninyo (o ng inyong pamilya), at mahalaga ang inyong unang pagkikita. Hindi kailangan na mayroon kayong anumang problema sa kalusugan upang bumisita bilang bagong pasyente. Sa pagbisitang ito, makakatanggap kayo ng regular na eksaminasyon. Maaari din ninyong kausapin ang inyong PCP tungkol sa anumang mga ikinababahala ninyo sa kalusugan.

Pumili ng PCP sa loob ng inyong unang 30 araw ng pagsisimula bilang miyembro

Kung nakalipas na ang panahong ito, maaaring ang HPSM na ang pumili ng PCP para sa inyo. Ngunit palagi kayong makakapili ng bagong PCP sa pamamagitan ng pagtawag sa Mga Serbisyo sa Miyembro ng HPSM:

1-800-750-4776 (walang-bayad) o 650-616-2133

Lunes hanggang Huwebes, 8:00 a.m. hanggang 6:00 p.m.

Biyernes, 9:30 a.m. hanggang 6:00 p.m.

Page 4: Healthmatters - hpsm.org · PDF file1 Ang San Mateo ang Pinakamalusog na ... linggo ng pagbubuntis Isang $50 na Target gift card at ang aklat na ... Ligtas ito para sa

4 | HealthMatters

Kayo ba ay Buntis?? (O Inaakala Ninyong Buntis Kayo?) Magpatingin sa Inyong Doktor!May dalawang pagbisita sa doktor na kailangan ng mga babaeng buntis at katatapos lang manganak. Una: isang prenatal visit sa loob ng unang tatlong buwan ng pagbubuntis. Pangalawa: isang postpartum visit sa loob ng dalawang buwan matapos manganak. Ito ay dahil nakakatulong ang nasa tamang oras na pangangalaga habang kayo

ay buntis at matapos ninyong manganak upang maging malusog kayo at ang inyong sanggol.

Mayroong isa pang dahilan upang bumisita sa doktor ang mga babaeng buntis at katatapos lang manganak. Ito ay ang Prenatal and Postpartum Gift Program ng HPSM.

📧 Upang magpalista para sa programa, tawagan ang Health Education Line ng HPSM sa 650-616-2165.

Kumuha ng hanggang 20 Libreng Klase sa Weight Watchers® Kayo ba ay miyembro ng programa ng HPSM na Medi-Cal? Kung oo, makakakuha kayo ng hanggang 20 libreng pagpupulong sa Weight Watchers®. Nakakatulong ang masasayang lingguhang pagpupulong ng grupo na ito upang magbawas kayo ng timbang kasama ang:• Mga coach na nagtagumpay sa sistema ng Weight Watchers®• Mga paksa sa pagpupulong na magbibigay-inspirasyon sa inyo

na abutin ang inyong mga layunin• Pribadong lingguhang pagtitimbang upang subaybayan ang

inyong progreso

Hindi kayo inoobliga ng Weight Watchers® na kumain ng anumang mga espesyal na pagkain. Maaari kayong kumain ng mga totoong pagkain at meryenda at makapagbawas pa rin ng timbang. Ipinapakita ng mga pag-aaral* na nakakatulong ang Weight Watchers® sa mga tao na magbawas ng mga sobrang timbang at panatilihin ang wastong timbang.

Upang sumali, kailangang:• Kasali kayo sa programa ng HPSM na Medi-Cal • Nasa edad na hindi bababa sa 18 taon• May body mass index (BMI) na > 25—maaaring sukatin ng inyong PCP ang BMI ninyo • Daluhan ang lingguhang mga pagpupulong at mga pagbabago sa diyeta at ehersisyo

*health.usnews.com/best-diet/weight-watchers-diet

📧 Para sa karagdagang kaalaman , tawagan ang aming Health Education Line sa 650-616-2165. Maaari ding maghanap ang isang empleyado ng HPSM ng mga pagpupulong sa Weight Watchers® na malapit sa iyo.

Sa inyong unang 12 linggo ng pagbubuntis

Isang $50 na Target gift card at ang aklat na “What to Do When You’re Having a Baby”

Sa pagitan ng 3 hanggang 8 linggo matapos manganak

Isang $50 na Target gift card at “First 5” na kit ng bagong magulang

Bisitahin ang inyong doktor: …at makakuha ng:

para sa mga makakabawas ng 5% ng kanilang pangkabuuang timbang ng katawan sa loob

ng 12 buwan ng pagsisimula sa Weight Watchers®

$50Target Gift Card

Page 5: Healthmatters - hpsm.org · PDF file1 Ang San Mateo ang Pinakamalusog na ... linggo ng pagbubuntis Isang $50 na Target gift card at ang aklat na ... Ligtas ito para sa

4 | HealthMatters Tag-init 2017 | 5

Fluoride Varnish: Isang madaling paraan upang labanan ang pagkabulok ng ngipin ng bataAng pagkabulok ng ngipin ay tanging pinaka-karaniwang sakit sa pagkabata. Kung walang paggamot, maaari itong maging sanhi ng pananakit ng bibig, impeksiyon, mga problema sa pagsasalita, hindi magandang pagganap sa paaralan at pagkatanggal ng ngipin.

Ang fluoride varnish ay isang madaling paraan upang ihinto ang pagkabulok ng ngipin sa mga bata. Maaari itong ilagay ng inyong doktor sa kanilang opisina. Kailangan lamang ng hindi lalampas sa tatlong minuto para ilagay ito sa mga ngipin ng bata. Ligtas ito para sa mga sanggol at batang paslit, at pinakamabisa kung ginagawa ito matapos lumabas ang mga unang ngipin. Sinasagot ng HPSM ang fluoride varnish sa pamamagitan ng Medi-Cal para sa mga batang wala pang anim na taong gulang.

📧 Hingin sa inyong doktor na maglagay ng fluoride varnish sa mga ngipin ng inyong anak.

May mga Anak ba Kayong Malapit nang maging Tinedyer? Ipabakuna Sila para sa HPVSinasabi ng mga eksperto na ang mga batang malapit nang maging tinedyer ay dapat magpabakuna para sa HPV. Pinoprotektahan ng mga bakuna ang mga bata laban sa mga kulugo sa ari at mga kanser na dulot ng mga impeksiyon ng HPV.• Maaaring ibigay ang mga bakuna sa pagitan ng mga edad na 9 at 13 taon• Ang unang dosis ay karaniwang ibinibigay sa mga batang edad 11 hanggang 12 taon• Ang pangalawang dosis ay dapat ibigay 6 hanggang 12 buwan matapos ang unang dosis• Ang mga batang nakakakuha ng mga bakunang may pagitan na mas mababa sa 5 buwan ay

nangangailangan ng pangatlong dosis

Ano ang HPV?Ang Human papillomavirus (HPV) ay isang grupo ng mahigit sa 150 virus. Naikakalat ito sa pamamagitan ng sekswal na kontak.

Ano ang mga palatandaan ng HPV?Ang pangunahing palatandaan na may HPV ang isang tao ay mga kulugo sa ari. Ang

mga kulugo na ito ay madalas na nawawala kahit walang medikal na pangangalaga. Ngunit minsan hindi lumalabas ang mga ito nang ilang taon. Ibig sabihin nito na

naipapasa ng ilang tao ang HPV sa mga ibang tao nang hindi nila nalalaman.

Anong mga uri ng problemang pangkalusugan ang naidudulot ng HPV?Bukod sa mga kulugo sa ari, ang HPV ay maaaring maging sanhi ng kanser. Ang mga impeksiyon ng HPV ay maaaring magresulta sa kanser sa kuwelyo ng matris, vulva, puwerta, ari ng lalaki o sa puwet. Maaari din itong maging sanhi ng kanser sa lalamunan, dila at mga tonsil.

📧 Alamin ang higit pa sa www.cdc.gov/hpv/parents/whatishpv.html

Page 6: Healthmatters - hpsm.org · PDF file1 Ang San Mateo ang Pinakamalusog na ... linggo ng pagbubuntis Isang $50 na Target gift card at ang aklat na ... Ligtas ito para sa

Mat Thomas—Editor in Chief | Peggie Van— Graphic Designer

At:

Pumunta sa pahina 4 para sa mga detalye

San Mateo pinangalanang pinakamalusog na county sa California

HPSM magiging 30 taon na sa 2017

Mga espesyal na regalo para sa mga babaeng buntis at mga bagong panganak

At marami pang magagandang bagay sa loob!

Ang HealthMatters ay inilalathala bilang serbisyo sa komunidad para sa mga miyembro ng Health Plan of San Mateo (HPSM). Kung mayroon kayong anumang ikinababahala o tanong tungkol sa partikular na nilalaman na maaaring makaapekto sa inyong kalusugan, mangyaring makipag-ugnayan sa inyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan. Maaaring gamitin ang mga modelo sa mga litrato at paglalarawan.

Manalo ng $100

Kasama ang 20 libreng

Para sa nabawas na timbang

klase sa Weight Watchers®

650-616-0050 • www.hpsm.org