healthmatters - hpsm.org · pdf filemula sa pilipinas noong 1983 at nakatira sa daly city....

6
Taglamig 2017 Mat Thomas—Editor | Peggie Van—Designer Health matters 1 HPSM Nakakuha ng Akreditasyon ng NCQA 2 Mga Espesyal na Mensahe para sa mga Miyembro ng CareAdvantage 3 Malapit Na—Ang Bagong Website ng HPSM! 3 HPSM Ipinagdiriwang ang 30 taon— kasama si Member Outreach Specialist Carmen Babasa 3 Manatiling Malusog—Magpabakuna para sa Trangkaso nang LIBRE 4 Kumuha ng Libreng Tulong para Tumigil sa Paninigarilyo 5 Ikaw ba ay Buntis o Nagbabalak Magbuntis? Maging Malusog para sa Anak Mo! 5 Iwasan ang Kanser sa Cervix sa Pamamagitan ng Pap Test SA ISYU NA ITO HPSM Nakakuha ng Akreditasyon ng NCQA Noong Setyembre, binigyan ng National Committee for Quality Assurance (NCQA) ang HPSM ng akreditasyon para sa programa nitong Medi-Cal. Ang akreditasyon ng NCQA ay ang “seal of approval” sa industriya ng pangangalagang pangkalusugan. Sinasabi nito na natutugunan ng HPSM ang mga pinakamatataas na pamantayan ng kalidad. Naging mas mabuting planong pangkalusugan ang HPSM sa pamamagitan ng pagdaan sa proseso ng Akreditasyon. Pinahihintulutan kami nito na mas makatulong sa inyo—mga itinatangi naming miyembro. Nagsikap ang HPSM nang matagal at puspusan para sa Akreditasyon ng NCQA. Pero nagtatrabaho na kami para makuha ang susunod na antas ng Akreditasyon ng NCQA. Matutulungan kami nito na maging mas magaling pa. Dahil ito ang aming misyon: tulungan ang aming mga miyembro na mabuhay ng posibleng pinakamalusog na buhay. Taos-pusong sumasainyo, Maya Altman Punong Ehekutibong Opisyal, HPSM Mula sa tanggapan ni Maya Altman, HPSM CEO Alamin ang karagdagang impormasyon tungkol sa Akreditasyon ng NCQA sa www.ncqa.org.

Upload: vuongtuong

Post on 10-Feb-2018

268 views

Category:

Documents


8 download

TRANSCRIPT

Page 1: Healthmatters - hpsm.org · PDF filemula sa Pilipinas noong 1983 at nakatira sa Daly City. Mayroon siyang Bachelor’s degree sa Edukasyon at nagturo ng ESL sa Nigeria. ... Plano naming

Taglamig 2017 Mat Thomas—Editor | Peggie Van—Designer

Healthmatters

1 HPSM Nakakuha ng Akreditasyon ng NCQA

2 Mga Espesyal na Mensahe para sa mga Miyembro ng CareAdvantage

3 Malapit Na—Ang Bagong Website ng HPSM!

3 HPSM Ipinagdiriwang ang 30 taon—kasama si Member Outreach Specialist Carmen Babasa

3 Manatiling Malusog—Magpabakuna para sa Trangkaso nang LIBRE

4 Kumuha ng Libreng Tulong para Tumigil sa Paninigarilyo

5 Ikaw ba ay Buntis o Nagbabalak Magbuntis? Maging Malusog para sa Anak Mo!

5 Iwasan ang Kanser sa Cervix sa Pamamagitan ng Pap Test

SA ISYU NA ITO

HPSM Nakakuha ng Akreditasyon ng NCQA Noong Setyembre, binigyan ng National Committee for Quality Assurance (NCQA) ang HPSM ng akreditasyon para sa programa nitong Medi-Cal.

Ang akreditasyon ng NCQA ay ang “seal of approval” sa industriya ng pangangalagang pangkalusugan. Sinasabi nito na natutugunan ng HPSM ang mga pinakamatataas na pamantayan ng kalidad. Naging mas mabuting planong pangkalusugan ang HPSM sa pamamagitan ng pagdaan sa proseso ng Akreditasyon. Pinahihintulutan kami nito na mas makatulong sa inyo—mga itinatangi naming miyembro.

Nagsikap ang HPSM nang matagal at puspusan para sa Akreditasyon ng NCQA. Pero nagtatrabaho na kami para makuha ang susunod na antas ng Akreditasyon ng NCQA. Matutulungan kami nito na maging mas magaling pa. Dahil ito ang aming misyon: tulungan ang aming mga miyembro na mabuhay ng posibleng pinakamalusog na buhay.

Taos-pusong sumasainyo,

Maya AltmanPunong Ehekutibong Opisyal, HPSM

Mula sa tanggapan ni Maya Altman,

HPSM CEO

📧 Alamin ang karagdagang impormasyon tungkol sa Akreditasyon ng NCQA sa www.ncqa.org.

Page 2: Healthmatters - hpsm.org · PDF filemula sa Pilipinas noong 1983 at nakatira sa Daly City. Mayroon siyang Bachelor’s degree sa Edukasyon at nagturo ng ESL sa Nigeria. ... Plano naming

2 | HealthMatters

Mga Espesyal na Mensahe para sa mga Miyembro ng CareAdvantageHuwag Kakanselahin ang Iyong Plano nang Di-sinasadya

Bawat taon mula Oktubre 15 hanggang Disyembre 7, maaaring pumili ang mga miyembro ng Medicare ng bagong plano sa pangangalagang pangkalusugan kung gusto nila. Kaya makakatanggap ka ng mga anunsiyo sa koreo mula sa iba pang mga kompanya ng pangangalagang pangkalusugan. Gusto ka nilang magpalista sa kanilang plano sa gamot sa Medicare Part D.

Ang CareAdvantage ay may plano sa Medicare Part D na sumasakop sa mga gamot mo. Kung gusto mo ang CareAdvantage at gustong manatili dito, wala kang kailangang gawin. Mare-renew ang plano mo para sa 2018. Ngunit kung magpapalista ka para sa ibang plano, hindi ka na magiging miyembro ng CareAdvantage. Kapag ganoon, mawawala sa iyo ang lahat ng benepisyo mo, tulad ng:• Mga libreng pagsakay sa taksi papunta sa doktor • Libre o murang mga gamot • Pangangalaga ng mata: $100 bawat dalawang taon • Live na Linya ng Telepono para sa Payo ng Nurse • Mahigit 2,500 na doktor ng HPSM • Coverage sa labas ng California

Nakatira ka ba nang Part-Time sa Labas ng San Mateo County? Tawagan ang HPSM

Titira ka ba sa labas ng San Mateo County nang mahigit sa anim na buwan? Kung oo, tawagan ang HPSM at sabihin sa amin ang mga plano mo.

Pinahihintulutan ka ng mga patakaran ng Medicare na gumugol ng panahon sa paninirahan sa labas ng San Mateo County. Ngunit hindi puwedeng lampas ito ng anim na sunod-sunod na buwan. Kung malalayo ka nang mas matagal, aalisin ka ng HPSM mula sa plano ng CareAdvantage.

Ang iyong mababait na HPSM

CareAdvantage Sales Representatives sa

kalapitbahayan

Larry RossowLicense #0D96715

Karen SturdevantLicense #OC28703

Paano kung hindi na sakop ng CareAdvantage ang aking mga gamot?

Basahin ang Pormularyo ng Gamot ng CareAdvantage at ang Taunang Paunawa tungkol sa Pagbabago (Annual Notice of Change o ANOC) na ipinadala sa iyo ng HPSM. Sasabihin ng mga ito sa iyo kung sakop pa rin ba ng CareAdvantage ang iyong mga gamot sa 2018. Kung hindi, tumawag sa 1-866-880-0606 o sa 650-616-2174. Isang CareAdvantage Navigator ang tutulong sa iyo para malaman kung ano ang gagawin.

Mayroon ka bang kapamilya o mga kaibigan na maaaring gustong sumali sa CareAdvantage?

Kung puwede ay patawagin sila sa 1-888-252-3153 (toll-free) o 650-616-1500. Ikagagalak ng isa sa amin na sabihin sa kanila ang tungkol sa plano. Puwede pa namin silang puntahan sa isang lugar na gusto nila.

Para panatilihing up-to-date ang iyong plano na CareAdvantage, tumawag sa 1-866-880-0606 o sa 650-616-2174

Isang CareAdvantage Navigator ang magbibigay sa iyo ng tulong na kailangan mo

Mag-ingat nang mabuti bago ka

magpalista para sa isa sa mga plano sa gamot

na ito. Dahil kung gagawin mo ito, mawawala

sa iyo ang iyong CareAdvantage

plan!

Page 3: Healthmatters - hpsm.org · PDF filemula sa Pilipinas noong 1983 at nakatira sa Daly City. Mayroon siyang Bachelor’s degree sa Edukasyon at nagturo ng ESL sa Nigeria. ... Plano naming

2 | HealthMatters Taglamig 2017 | 3

Manatiling Malusog—Magpabakuna para sa Trangkaso nang LIBRE Parating na ang panahon ng trangkaso, kaya magpabakuna na ngayon para hindi ka magkasakit. Libre ang mga bakuna sa trangkaso para sa lahat ng miyembro ng HPSM. Pinananatili kang malusog ng mga ito para hindi ka lumiban sa trabaho. Pinananatili rin ng mga ito na malusog ang mga anak mo para hindi sila lumiban sa paaralan. At kung hindi ka magkakasakit ng trangkaso, hindi mo ito maikakalat sa ibang mga tao. Kaya panalo ang lahat! (Maliban sa virus ng trangkaso.)

Magpabakuna para sa trangkaso sa pamamagitan ng pagbisita sa iyong doktor o lokal na botika—at dalhin ang iyong HPSM Member ID.

HPSM Ipinagdiriwang ang 30 taon—kasama si Member Outreach Specialist Carmen Babasa Si Carmen Babasa ang Member Services Outreach Specialist ng HPSM. Nagsimula siyang magtrabaho dito noong Setyembre 30, 1987— dalawang buwan bago opisyal na magbukas ang HPSM.

Ang unang trabaho ni Carmen ay ang paglulunsad ng outreach program ng HPSM. Ito ay noong inialok ng HPSM ang kauna-unahang planong Medi-Cal ng San Mateo County. Ngayon, matapos ang tatlong dekada, nakikipagpulong pa

rin nang harapan si Carmen sa mga miyembro ng HPSM. Pinamumunuan niya ang mga oryentasyon ng bagong miyembro (sa Ingles, Espanyol at Tagalog) at nagbibigay ng mga presentasyon.

Maganda rin ang buhay ni Carmen sa labas ng trabaho. Dumating siya sa California mula sa Pilipinas noong 1983 at nakatira sa Daly City. Mayroon siyang Bachelor’s degree sa Edukasyon at nagturo ng ESL sa Nigeria.

Nagtrabaho siya para sa isang Filipino na programa ng balita sa radyo, sa isang TV show at sa diyaryo. Gumanap na siya sa lokal na teatro at tumutulong sa kanyang simbahan.

Salamat, Carmen para sa 30 taong pagtulong sa mga miyembro ng HPSM!

Malapit Na—Ang Bagong Website ng HPSM!

Pinapaganda ng HPSM ang aming website—at malapit na itong ilunsad! Magugustuhan mo ang bagong www.hpsm.org dahil dinidisenyo namin ito para sa iyo. Ibig sabihin na ito ay magiging:

Plano naming buksan sa publiko ang website sa unang bahagi ng susunod na taon. Antabayanan lang ang mga karagdagang detalye!

Madaling gamitin—Mahahanap mo ang anumang kailangan mo kung kailan mo ito kailangan. At hindi ka na gugugol ng karagdagang oras sa paghahanap o pagtawag sa Mga Serbisyo sa Miyembro.

Nakakaakit—Magugustuhan mo din ang itsura ng aming bagong website. Magkakaroon ito ng maraming kulay, magagandang larawan at marami pa.

Cell phone friendly—Alam namin na maraming miyembro ng HPSM ang gumagamit sa kanilang telepono para i-access ang internet. Kaya maganda ang magiging itsura ng aming bagong website at gagana nang mabuti sa anumang device.

HPSM.org

Page 4: Healthmatters - hpsm.org · PDF filemula sa Pilipinas noong 1983 at nakatira sa Daly City. Mayroon siyang Bachelor’s degree sa Edukasyon at nagturo ng ESL sa Nigeria. ... Plano naming

4 | HealthMatters

Kumuha ng Libreng Tulong para Tumigil sa Paninigarilyo Tumutulong ang California Smokers’ Helpline sa mga naninigarilyo at mga iba pang gumagamit ng tabako na tumigil—nang libre.

Pagpapayo sa telepono

Isang nagsanay na tagapayo sa Helpline ang tutulong sa iyo na gumawa ng plano para sa pagtigil sa paninigarilyo. Naipakita na ang one-on-one na pagpapayo sa Helpline ay dumudoble sa posibilidad na makatigil nang tuluyan. May mga tagapayo ang Helpline na nakapagsasalita sa iyong wika. Mayroon ding espesyal na tulong kung ngumunguya ka ng tabako, buntis ka, isang tinedyer o gumagamit ng mga e-cigarette.

Pagte-text

Ang mga unang ilang linggo ng pagtigil ang pinakamahirap at pinakaimportante para magtagumpay. Makakatulong ang magpalista para sa araw-araw na text message para tumigil ka sa paninigarilyo sa yugtong ito. Paaalalahanan ka ng mga text na manatiling nakapokus at huwag bumigay sa mga pagnanasa. Puwede mo ring i-text ang mga tanong mo sa iyong tagapayo. Sasagutin ka nila sa loob ng isang araw ng trabaho.

Pagbabasa ng self-help

Makakatulong para magtagumpay ka kung alam mo ang mga panganib ng paninigarilyo at ang mga gantimpala ng pagtigil. Hinging maipadala sa iyo sa koreo ang isang libreng pakete ng Quit Smoking sa pamamagitan ng pagtawag sa Helpline. Maaari mo ding i-order o basahin ang paketeng ito—at marami pang iba—sa www.nobutts-catalog.org. Magagamit ang mga babasahing self-help sa Helpline sa maraming wika.

Mga patch ng nicotine

Maaari kang makakuha ng mga libreng patch ng nicotine kung ikaw ay:• may mga kasamang batang wala pang limang taong gulang sa inyong bahay

O • nakapagsasalita ka ng wikang Asian.

Tawagan ang Helpline para alamin ang higit pa.

📧 Sakop din ng HPSM ang ilang uri ng mga pantulong sa pagtigil sa paggamit ng tabako. Kabilang dito ang lozenges, gum, pills at patches. Makipag-appointment sa iyong doktor para pag-usapan kung alin ang pinakamabuti para sa iyo.

Para sa iyong kalusugan, para sa iyong sarili, para sa iyong pamilya—humingi ng tulong para tumigil sa paninigarilyo!

Magsimula online sa www.nobutts.org o tawagan ang Helpline:

• Ingles: 1-800-NO-BUTTS (1-800-662-8887)

• Chinese: 1-800-838-8917

• Korean: 1-800-556-5564

• Espanyol: 1-800-45-NO-FUME (1-800-456-6386)

• Vietnamese: 1-800-778-8440

• Mga Ngumunguya ng Tabako: 1-800-844-CHEW (1-800-844-2439)

Page 5: Healthmatters - hpsm.org · PDF filemula sa Pilipinas noong 1983 at nakatira sa Daly City. Mayroon siyang Bachelor’s degree sa Edukasyon at nagturo ng ESL sa Nigeria. ... Plano naming

4 | HealthMatters Taglamig 2017 | 5

Iwasan ang Kanser sa Cervix sa Pamamagitan ng Pap Test Ipinapayo ng HPSM na sumailalim sa Pap test ang mga babae kada tatlong taon simula sa edad na 21. Sinusuri ng Pap test ang mga abnormal na pagbabago ng selyula sa cervix. Kung hindi makita at magamot nang maaga ang mga pagbabagong ito, maaaring maging kanser ito.

Sumailalim sa Pap test kung ikaw ay:• Nasa pagitan ng edad na 21 at 65 taon • Hindi pa nagkaroon ng Pap test sa nakalipas na tatlong taon

Huwag nang maghintay para sa mga palatandaan ng kanser sa cervix para magkaroon ng Pap test

Ang ilang palatandaan ay maaaring hindi pangkaraniwang pagdurugo sa puwerta, discharge o pananakit. Ngunit pinakamadalas na nangyayari ito kapag malala na ang kanser sa cervix.

Ikaw ba ay Buntis o Nagbabalak Magbuntis? Maging Malusog para sa Anak Mo! Kung buntis ka man o nagbabalak magbuntis, hindi kailanman napakaaga para simulang alagaan ang iyong katawan. Makakatulong ang pagkakaroon ng mga gawing mabuti sa kalusugan para maging malusog ang iyong anak. At kung gusto mong magbuntis, maaaring makatulong ang mga ito para mas madali kang magbuntis. Narito ang ilang pangunahing hakbang:

Bisitahin ang iyong doktor bago ka magbuntis. Mabibigyan ka ng iyong doktor ng isang check-up at masasagot niya ang anumang mga tanong mo.

Magkaroon ng sapat na folic acid.Pinoprotektahan ng folic acid ang mga hindi pa naisisilang na sanggol mula sa mga depekto pagkapanganak. Makukuha mo ang dami na kailangan mo sa pamamagitan ng pagkain ng mga partikular na pagkain at pag-inom ng mga bitamina.

Mga Pagkaing Mataas sa Folic Acid • Matitingkad na berdeng madahong

gulay, tulad ng spinach at letsugas • Broccoli at asparagus • Mga orange, pinya, melon, saging at

abokado • Mga tuyong butong gulay at butong gulay • Mga cereal, pasta at kanin na nadagdagan

ng folic acid

Mga Suplementong Folic AcidMaaari ding kailanganin mong uminom ng mga suplemento para siguradong nakakakuha ka ng sapat na folic acid. Ang pinakamadalas na inirerekomendang dami para sa pagbubuntis ay 400 micrograms (mcg). Ngunit masasabi sa iyo ng iyong doktor kung gaano karami ang kailangan mo.

Manatili sa Wastong timbang. Habang nagbubuntis, maaaring kailangan mong dagdagan o bawasan ang iyong timbang. Maaari mong gawin ito sa pamamagitan ng mga pagbabago sa diyeta at ehersisyo. Kausapin ang iyong doktor.

Kumain ng masustansyang pagkain. Kasama sa mga mabuting pagpipilian ang mga prutas, gulay, mga tinapay na gawa sa whole grain at mga hindi matabang karne.

Mag-ehersisyo araw-araw. Subukang maging aktibo kahit na hindi ka pumupunta sa gym. Ang paglalakad ay maganda may kasama ka man o mag-isa mo.

Magpabakuna. Itanong sa iyong doktor ang tungkol sa mga bakuna para protektahan ka at ang iyong sanggol.

Huwag maninigarilyo, iinom ng alak, gagamit ng mga droga o sosobrahan ang paggamit ng mga de-resetang gamot. Lahat ng ito ay maaaring makasama sa iyo at sa iyong sanggol. Maaari ding dahilan para mahirapan kang magbuntis.

📧 Kung ikaw ay buntis, sumali sa aming Prenatal and Postpartum Gift Program. Makakatanggap ka ng mga gift card para sa iyong mga pagpapa-checkup. Para magpalista, tawagan ang HPSM sa 650-616-2165.

Ang mga babaeng nagkaroon na ng

hysterectomy (tanggal na ang matris at obaryo)

ay hindi na kailangang magkaroon ng Pap test

Page 6: Healthmatters - hpsm.org · PDF filemula sa Pilipinas noong 1983 at nakatira sa Daly City. Mayroon siyang Bachelor’s degree sa Edukasyon at nagturo ng ESL sa Nigeria. ... Plano naming

Mat Thomas—Editor in Chief | Peggie Van— Graphic Designer

At:

Tingnan ang pahina sa harap para sa mga detalye

Mga espesyal na mensahe para sa mga miyembro ng CareAdvantage

Huwag magkakasakit: Magpabakuna para sa trangkaso nang LIBRE

Gusto mong tumigil sa paninigarilyo? Tawagan ang Smokers’ Helpline

At marami pa sa loob!

Ang HealthMatters ay inilalathala bilang serbisyo sa komunidad para sa mga miyembro ng Health Plan of San Mateo (HPSM). Kung mayroon kang anumang mga problema o tanong tungkol sa partikular na nilalaman na maaaring nakakaapekto sa iyong kalusugan, pakikontak ang iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan. Maaaring gumamit ng mga modelo sa mga litrato at paglalarawan.

HPSM Nakakuha ng Akreditasyon ng NCQA

801 Gateway Blvd., Suite 100South San Francisco, CA 94080650-616-0050 • www.hpsm.org