hekasi group (field study) grade 5
DESCRIPTION
HEKASI Group (Field Study) Grade 5. REVIEW. Panuto : Isaayos ang mga letra upang mabuo ang mga salitang tinutukoy ng mga pahayag . 1. PNAEY-DHLCAIR CTA Ito ang unang batas na nagtaguyod ng malayang kalakalan. 2. RWEOUODDN-MSINSMO CTA - PowerPoint PPT PresentationTRANSCRIPT
HEKASI Group(Field Study)
Grade 5
REVIEW
Panuto: Isaayos ang mga letra upang mabuo ang mga salitang tinutukoy ng mga pahayag.
1. PNAEY-DHLCAIR CTA
Ito ang unang batas na
nagtaguyod ng malayang
kalakalan.
2. RWEOUODDN-MSINSMO CTA
Ito ang batas na ipinatupad
noong 1913 na nagtatanggal ng
limitasyon sa mga produktong
Pilipinong iniluluwas sa U.S.
3. EGSNIASMT RSTNOER
Sa ilalim ng programang ito, ang
sinuman ay maaaring mag may-ari
ng hanggang 16 na ektaryang lupa,
ngunit sa pamamagitan ng Act No.
2874 ginawa itong lima hanggang
sampung ektarya.
4. EGSNIASMT RSTNOER
Sa ilalim ng sistemang ito, sinumang nakapwesto sa lupa nang ipatupad ang sistemang ito ay maaaring magpatitulo rito.
5. AEDRT EREF
Ito ay nangangahulugan na walang
sagabal sa pagpasok ng mga
produktong Pilipino sa U.S., gayundin
ng produktong Amerikano sa Pilipinas.
PATAKARANG PANGKABUHAYAN
NG MGA AMERIKANO
Pagbabagong Panlipunan
Panahanan Kalusugan at kalinisan Pagkabuo ng mga lungsod Pagbabago sa populasyon Transportasyon at komunikasyon Edukasyon at relihiyon
Panahanan
o Sa panahon ng mga Amerikano, ang bahay na bato ay napalitan ng Bungalow at Chalet.
CHALET
-ay isang bahay na gawa sa kahoy na may padahilig (sloping) na bubong at malapad na sulambi
(widely overhanging eaves). BUNGALOW
-ay isang bahay na kadalasang isang palapag lamang at may malawak na veranda.
ISKWATER
- dumami ang mga iskwater
na lumikha ng suliranin sa
kalusugan dahil sa kahirapan.
Kalusugan at Pangangalaga sa Kapakanan ng
Mamamayan
Pagdating ng mga Amerikano,
pinagtuunan nila ng pansin ang
pagsugpo sa mga sakit sa
pamamagitan ng Quarantine
service.
Bumaba ang bilang ng mga sanggol na namamatay sa panganganak.
Nabawasan din ang pagkakaroon ng MALARIA, BERI-BERI, KOLERA at iba pang sakit.
Sa kabilang dako, nahirapan ang mga Amerikanong doktor dahil natuklasan nilang taglay ng mga Pilipino ang katutubong paniniwala hinggil sa pagkakasakit at pagpapagaling ng sakit.
Board of Public Health
Itinayo noong 1901 Nagsagawa ito ng kampanya para sa
pagpapabuti ng kalusugan at pagtuturo ng mga bagong kaalamang pang-kalusugan
Nagtayo ng mga institusyon para sa may sakit
Kinupkop ang mga batang ulila, may sakit sa pag-iisip at mga kabataang mapabayaan o napariwara
Sistema ng Transportasyon at Komunikasyon
Ang pagpapaunlad sa sistema ng tranportasyon at komunikasyon ay inasikaso rin ng mga Amerikano upang mapadali ang pagdadala ng produkto mula sa mga taniman tungo sa mga sentrong pamilihan
Karitela, kalesa at kariton sa panahon ng ESPANOL ay napalitan ng mga trak at tren na nagpabilis sa transportasyon.
Binili ng pamahalaan ang Manila-Dagupan Railway Company at ginawa itong Manila Railroad Company.
Ginawa ang daan patungo sa Baguio at ginawang pahingahan ng mga Amerikano.
Noong 1930, binuksan ang Bicol Express na patungo sa katimugang Luzon at Kabikulan.
Noong 1902, binuksan ang mga mahigit sa 100 daungan sa bansa.
1905, pinasimulan ang pagkakaroon ng linya ng telepono.
1933, nagkaroon ng serbisyo sa radio.
1935, mayroon ng higit sa 1000 koreo sa bansa kung kaya naging madali ang komunikasyon sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Wika at Panitikan
Sa pamamagitan ng sistema ng pampublikong edukasyon, natutuhan at nakasanayan ng mga Pilipino ang wikang English.
ESPANOL/PRAYLE
Naniniwalang hindi dapat matuto ng wika nila ang mga Pilipino.Sa ganitong paraan ay mapapanatili nila pagiging “mababa” ng lahi ng indio kung tawagin nila.
Amerikano
Naniniwala na upang magtagumpay ang kolonyalismo, mas mainam kung matututo ang mga Pilipino ng wikang English.
Mas naunawaan ng mga Pilipino ang kulturang Amerikano at inaasahang mamahalin nila ito kaysa sariling kultura.
Wikang English
Pamantayan sa pag-angat sa buhay ang pagiging marunong sa wikang English.
Naging pamantayan ang kaalaman sa wikang English sa kahusayan ng isang Pilipino sa panahon ng Amerikano at maging sa kasalukuyang panahon.
Sa panitikan, dumagsa ang mga manunulat ng Pilipino na nagsulat sa wikang English.
Panitikan Juan Salazar Justo Juliano Bernardo Garcia Maximo Kalaw Tarcilla Malabanan Francisco Africa
Sanaysay at Tula
Fernando Maramag Carlos Romulo Mauro Mendez Christino Jamias Vicente Hilario Elisio Quirino
Noong dekada 1930, higit na dumami ang mga manunulat
Federico Mangahas
Salvador Lopez Francisco
Icasiano Amando Dayrit
Maria Luna Lopez
Manuel Arguilla
Bienvenido Santos
Maria Kalaw
Edukasyon at Relihiyon
Tumaas ang bilang ng Pilipinong nakapag-aral
sundalong Amerikano ang siyang nagsilbing guro sa pampublikong paaralan.
Pinalitan ang mga Amerikanong Sundalo ng mga “Thomasites”.
Sistemang Pensionado.
1913 hanggang 1914, ipinadala sa U.S ang mga mag-aaral na Pilipinong nagpamalas ng katalinuhan sa iba’t ibang sangay.
Act 74 (1901) binuksan ang paaralang pambabae
Instituto de Mujeres Centro Escolar de Senoritas Philippine Women’s College 1908, itinatag ang
Unibersidad ng Pilipinas
Sa relihiyon kinilala ang pamahalaang Amerikano sa paghihiwalay ng Simbahan at Estado bunga nito:
pagkakaroon ng secular ng kurikulum sa paaralan
ginawang opsyunal ang pagtalakay ng relihiyon sa klase
malayang makapamili ng relihiyon ang mga Pilipino.
Naitatag ang simbahang protestante:
Methodist Baptist Lutheran Presbyterian Episcoplian
Pangkatang Gawain
Gumawa ng isang dula-dulaan. Angisang tauhan ay magpapakita ng pagyakap sa kulturang Amerikano. Siya ay magsasalita sa wikang English na balu-baluktot. Samantala, ang isa pang tauhan ay magpapakita ng pagmamahal sa pagiging tapat
sa kulturang Pilipino at sa katutubong wika. Pagkatapos ng dula-dulaan, talakayin sa klase kung ano ang opinyon ng klase sa dalawang karakter at kung sion sa inyong palagay ang dapat tularan.
THE END Thank You!
Members:
Azura, Catherine Caballas, Rochelle
Betonio, Penilyn Daroy, Nikki
III-8 BEEd
Quiz No. 3
1. Tranvia o tramvia
2. English o Ingles
3. Sundalong Amerikano
4. Thomasites
5. Fernando Maramag
6. Quarantine Service
7. Pensionado
8. Bungalow
9. Hamburger
10. Protestante o Protestant
- 20Jayson