himala - download-a.akamaihd.net

32
34567 AGOSTO 1, 2012 HIMALA TOTOO BA ITO?

Upload: others

Post on 11-Nov-2021

7 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: HIMALA - download-a.akamaihd.net

34567AGOSTO 1, 2012

HIMALATOTOO BA ITO?

Page 2: HIMALA - download-a.akamaihd.net

LAYUNIN NG MAGASING ITO, Ang Bantayan, na parangalan ang Diyos na Jehova, ang Kataas-taasang Tagapamahala nguniberso. Noong sinaunang panahon, natatanaw ng isa mula sa bantayan ang mga nangyayari sa malayo. Sa katuladna paraan, ipinakikita ng magasing ito ang kahalagahan ng mga pangyayari sa daigdig ayon sa mga hula ng Bibliya.Inaaliw nito ang mga tao sa pamamagitan ng mabuting balita na di-magtatagal, wawakasan ng Kaharian ng Diyos,isang tunay na gobyerno sa langit, ang lahat ng kasamaan at gagawin nitong paraiso ang lupa. Pinasisigla nito ang mgatao na manampalataya kay Jesu-Kristo, na namatay para magkaroon tayo ng pag-asang mabuhay nang walang hangganat namamahala na ngayon bilang Hari sa Kaharian ng Diyos. Ang magasing ito ay walang pinapanigan sa pulitika atpatuluyang inilalathala ng mga Saksi ni Jehova mula pa noong 1879. Sinusunod nito ang Bibliya bilang awtoridad.Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon.Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatan ay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.

34567 Limbag sa Bawat Isyu:42,182,000 SA 195 WIKA

AUGUST 1, 2012

TAMPOK NA MGA ARTIKULO

3 Bakit Tayo Dapat Maging Interesadosa Himala?

4 May Himala Nga Ba?—Tatlong Karaniwang Pagtutol

7 Mapaniniwalaan Mo ba ang mgaHimalang Nakaulat sa Bibliya?

8 Mga Himalang Malapit Nang Mangyari

REGULAR NA MGA SEKSIYON11 Binago ng Bibliya ang Kanilang Buhay

15 Tanong ng mga Mambabasa—Ano ang Tingin ng Diyos saPaggamit Ko ng Tabako?

16 Matuto Mula sa Salita ng Diyos—Kailan Naging Hari si Jesus?

24 Mga Leksiyon Ko sa Bibliya

26 Alam Mo Ba?

27 Maging Malapıt sa Diyos—Napopootsi Jehova sa Kawalang-Katarungan

SA ISYU RING ITO18 Ang Buhay Noong Panahon ng Bibliya

—Ang Mangingisda

21 Pakikipag-usap sa Iba—Lahat ba ngMabubuting Tao ay Pupunta sa Langit?

28 Mga Tagapagtanggol ng Katotohanan

Page 3: HIMALA - download-a.akamaihd.net

“NANINIWALA ka ba sa mga himala?” Gaya ng makikita saitaas, talagang magkakaiba ang mga opinyon tungkoldito. Ikaw, naniniwala ka ba sa himala?

Baka hindi ka makasagot agad ng “Oo.” Marahil, nag-aalalakang magmukhang mapamahiin o walang pinag-aralan. Gani-yan din ang iniisip ng marami.

Sa kabilang banda, baka kumbinsidokang talagangmay hima-la. Maaaring pinaniniwalaan mo ang mga himala sa Bibli-ya, gaya ng paghati ni Moises sa Da-gat na Pula. Maaaring naniniwala ka rinna may mga himala pa hanggang nga-yon. Sa katunayan, kamakailan ay sina-bi sa isang report na “malaking bahaging populasyon sa Kanluran—halimbawa,mga 75 porsiyento sa Estados Unidos at38porsiyento sa Britanya—ang naniniwa-la pa rin sa mga himala.” (The CambridgeCompanion to Miracles, inedit ni GrahamH. Twelftree) Isa pa, hindi lang mga Kris-tiyano ang naniniwala sa himala. Ayonsa Britannica Encyclopedia of World Reli-gions, angpaniniwala sa himala ay “bahagi nghalos lahat ng reli-hiyon.”

O baka isa ka sa mga nagsasabi: “Ewan ko, wala akong pakia-lam d’yan! Walang himala sa buhay ko!” Pero bakit nga ba tayodapat maging interesado sa mga himala?

BAKIT TAYO DAPAT MAGINGINTERESADO SA

Himala?“Ang mga himala, ayon sa kahulugan nito, ay lumalabagsa mga simulain ng siyensiya.”—RICHARD DAWKINS, DATING PROPESOR SA PUBLIC UNDERSTANDINGOF SCIENCE.

“Talagang makatuwirang maniwala sa mga himala. Ang mga ito ayhindi salungat sa relihiyosong paniniwala, kundi tanda ng pag-ibigat patuloy na pagmamalasakit ng Diyos sa mga nilalang.”—ROBERT A. LARMER, PROPESOR SA PILOSOPIYA.

ANO ANG HIMALA?Ito ay isang kaganapanna hindi kayangpangyarihin ng tao o nglikas na mga puwersa atkaraniwan nangitinuturing na nagmulasa isang nakahihigit nakapangyarihan.

ANG BANTAYAN ˙ AGOSTO 1, 2012 3

Page 4: HIMALA - download-a.akamaihd.net

PAGTUTOL 1: Imposible ang mga himala dahilnilalabag nito ang batas ng kalikasan. Angpag-kaunawa natin sa mga batas ng kalikasan ay ba-tay sa naoobserbahan ng mga siyentipiko namga nangyayari sa ating paligid. Pero ang mgabatas na iyon ay katulad din ng mga tuntuninsa gramatika ng isang wika—maaaring mayilang eksepsiyon sa tuntunin. Sa katunayan,ang pagkaunawa natin sa mga batas na ito ngkalikasan ay baka napakalimitado lang. (Job38:4) Maaaring buong-buhay na pinag-aralanng isang siyentipiko ang isang batas ng kalika-san. Pero dahil lang sa isang “eksepsiyon,” kai-langan niyang pag-aralan ulit iyon. Ayon nga saisang kasabihan, “Sapat na ang isang itim naswan para pabulaanan ang teoriya na lahat ngswan ay puti.”

Isang nakatatawang kuwento ang nagpa-pakita kung gaano kadaling maibatay angisang opinyon sa di-kumpletong imporma-

syon. Ikinuwento ni John Locke (1632-1704)ang tungkol sa embahador na Olandes at sahari ng Siam: Habang inilalarawan ng embaha-dor ang kaniyang bansang Holland sa hari, na-banggit niyang may mga pagkakataong na-kalalakad sa tubig ang isang elepante. Hindimakapaniwala ang hari at inisip niyang nagsisi-nungaling ang embahador. Hindi kasi siya pa-milyar sa inilalarawan ng embahador. Hindinaisip ng hari na kapag nagyelo ang tubig, pu-wedeng makalakad dito ang isang elepante.Hindi naging kapani-paniwala sa hari ang ide-yang iyon dahil hindi niya alam ang lahat ngimpormasyon.

Tingnan natin ang ilang halimbawa na itinu-turing na imposible noong nakalipas na mgadekada:

˘ Isang eroplanong may mahigit 800 pasahe-ro ang nakalilipad mula New York hanggangSingapore sa bilis na 900 kilometro bawat oras.

May Himala Nga Ba?TATLONG KARANIWANG PAGTUTOL

34567Nais mo ba ng higit pang impormasyon o ng walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya? Pakisu-yong ipadala ang iyong kahilingan sa mga Saksi niJehova, na ginagamit ang isa sa mga adres sa kanan.Para sa kumpletong listahan ng mga adres, tingnanang www.watchtower.org/address.

Australia: PO Box 280, Ingleburn, NSW 1890. Britain:The Ridgeway, London NW7 1RN. Canada: PO Box 4100,Georgetown, ON L7G 4Y4. France: BP 625, F-27406 Louv-iers Cedex. Germany: 65617 Selters. Greece: Kifisias 77,GR 151 24 Marousi. Hong Kong: 4 Kent Road, Kow-loon Tong, Kowloon. Italy: Via della Bufalotta 1281,I-00138 Rome RM. Japan: 4-7-1 Nakashinden, Ebina City,Kanagawa-Pref, 243-0496. Korea, Republic of: PO Box 33,Pyeongtaek PO, Gyeonggi-do, 450-600. Malaysia: PetiSurat No. 580, 75760 Melaka. Philippines: PO Box 2044,1060 Manila. Spain: Apartado 132, 28850 Torrejon de

Ardoz (Madrid). Taiwan: 3-12, Shetze Village, Hsinwu32746. Thailand: PO Box 7 Klongchan, Bangkok 10 240.United States of America: 25 Columbia Heights, Brooklyn,NY 11201-2483.Publishers: Watchtower Bible and Tract Society of NewYork, Inc.

� 2012 Watch Tower Bible and Tract Society ofPennsylvania. All rights reserved. Printed in Japan.

Vol.133, No.15 Semimonthly TAGALOG

Pag-isipan ito: Kunwari’y may sakit ka atwala nang pag-asang gumaling. Kung maba-sa mo sa isang mapagkakatiwalaang maga-sing pangmedisina ang tungkol sa isang ba-gong gamot na baka makapagpagaling sa iyo,hindi ba’t sulit lang na maglaan ng kahit ka-unting panahonat lakas paramasuri iyon? Sakatulad na paraan, ang Bibliya ay nanganga-kona may ilang kamangha-manghang hima-

la na malapit nang maganap. Mababago nitoang buhay ng lahat ng tao sa lupa. Hindi ba’tsulit lang din na maglaan ka ng panahon atlakas para alamin kung mapananaligan ngaang pangakong iyan?

Pero bago natin suriin kung ano ang ipina-ngakong mga himalang iyan, sagutin munanatin ang tatlong karaniwang pagtutol tung-kol sa mga himala.

4

Page 5: HIMALA - download-a.akamaihd.net

˘ Sa pamamagitan ng video conference, naki-kita ng mga taong nasa iba’t ibang kontinenteang kanilang kausap.

˘ Libu-libong awit ang puwedeng ilagay saisang gadyet na mas maliit pa sa kahon ng pos-poro.

˘ Naita-transplant ng mga siruhano ang pusoat iba pang bahagi ng katawan.

Ano ngayon ang ating konklusyon? Kung ka-yang gawin ng mga tao ang mga bagay na wa-ring imposible noon, tiyak na kayang gawin ngDiyos, na lumalang ng uniberso at ng lahat ngnaroroon, ang kamangha-manghang mgabagayna hindi natin lubusang nauunawaan o hindinatinmagagaya sa ngayon.�—Genesis 18:14; Ma-teo 19:26.

� Kung nag-aalinlangan kang may Diyos, tingnan ang bro-syur na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos? at Saan Nag-mula ang Buhay? (inilalathala ng mga Saksi ni Jehova) o mag-tanong sa nagbigay sa iyo ng magasing ito para sa higit pangimpormasyon.

PAGTUTOL 2: Ginagamit ng Bibliya ang mgahimala para mapaniwala ang mga tao. Hindisinasabi ng Bibliya na maniwala tayo sa lahat nghimala. Sa katunayan, nagbababala ito sa atinna huwag basta-basta maniwala sa mga himalaat makapangyarihang mga tanda: “Ang pagda-ting ng suwail ay ayon sa gawain ni Satanas namahahayag sa lahat ng uri ng panlilinlang atmga himala, mga tanda at kababalaghan, gayondin sa lahat ng uri ng kasamaan na lumilin-lang.”—2 Tesalonica 2:9, 10, Ang Biblia—BagongSalin sa Pilipino.

Nagbabala rin si Jesu-Kristo na marami angmag-aangking sumusunod sa kaniya pero hindiniya magiging tunay na mga tagasunod. Maymagsasabi pa nga sa kaniya: “Panginoon, Pangi-noon, hindi ba kami nanghula sa pangalan mo,at sa pangalan mo ay nagpalayas ng mga demo-nyo at nagsagawa ng maraming himala?” (Ma-teo 7:22, New International Version) Pero sinabi

Sa nakalipas na ilang dekada,hindi man lang sumagi sa isipng marami na makapaglalakbayang mga tao sa himpapawidnang daan-daang kilometrobawat oras

INILALATHALA NA SA 195 WIKA: Acholi, Afrikaans, Al-banian, Amharic, Arabic, Armenian, Armenian (West),Aymara,� Azerbaijani, Azerbaijani (Cyrillic), Baoule, Ben-gali, Bicol, Bislama, Bulgarian, Cambodian, Catalan, Ce-buano, Chichewa, Chinese (Simplified), Chinese (Tradi-tional)� (audio Mandarin only), Chitonga, Chitumbuka,Chuukese, Cibemba, Croatian, Czech,� Danish,�Dutch,�� Efik, English,��� Estonian, Ewe, Fijian, Finnish,�French,��� Ga, Garifuna, Georgian, German,��� Greek,Greenlandic, Guarani,�� Gujarati, Gun, Haitian Creole,Hausa, Hebrew, Hiligaynon, Hindi, Hiri Motu, Hungari-an,�� Icelandic, Igbo, Iloko, Indonesian, Isoko, Italian,��Japanese,�� Kannada, Kazakh, Kikaonde, Kikongo, Kiku-

yu, Kiluba, Kimbundu, Kinyarwanda, Kirghiz, Kiribati, Ki-rundi, Kongo, Korean,�� Kwangali, Kwanyama, Latvian,Lingala, Lithuanian, Luganda, Lunda, Luo, Luvale, Mac-edonian, Macua, Malagasy, Malayalam, Maltese, Mara-thi, Marshallese, Mauritian Creole, Maya, Mixe, Mizo,Mongolian, Moore, Myanmar, Nahuatl (Northern Pueb-la), Ndebele, Ndonga, Nepali, Ngabere, Niuean, Norwe-gian,� Nyaneka, Nzema, Oromo, , Otetela, Palauan,Pangasinan, Papiamento (Aruba), Papiamento (Cura-cao), Persian, Polish,�� Ponapean, Portuguese,���� Pun-jabi, Quechua (Ancash), Quechua (Ayacucho), Quechua(Bolivia),� Quechua (Cuzco), Quichua, Rarotongan, Ro-manian,Russian,�� Samoan, Sango, Sepedi, Serbian, Ser-

bian (Roman), Sesotho, Seychelles Creole, Shona, Silo-zi, Sinhala, Slovak, Slovenian, Solomon Islands Pidgin,Spanish,��� Sranantongo, Swahili, Swati, Swedish,� Ta-galog,� Tahitian, Tamil, Tatar, Telugu, Tetum, Thai, Ti-grinya, Tiv, Tok Pisin, Tongan, Totonac, Tshiluba, Tshwa,Tsonga, Tswana, Turkish, Tuvaluan, Twi, Tzotzil, Ukraini-an, Umbundu, Urdu, Uruund, Venda, Vietnamese, Walli-sian, Waray-Waray, Wolaita, Xhosa, Yapese, Yoruba, Zan-de, Zapotec (Isthmus), Zulu� Makukuha rin sa Braille.� Makukuha rin sa CD.� Makukuha rin sa MP3 CD-ROM.� Makukuha rin ang audio recording sa www.jw.org.

Page 6: HIMALA - download-a.akamaihd.net

6 ANG BANTAYAN ˙ AGOSTO 1, 2012

ni Jesus na hindi niya tatanggapin ang mga ta-ong iyon bilang kaniyang mga tagasunod. (Ma-teo 7:23) Kung gayon, maliwanag na itinuro niJesus na hindi lahat ng himala ay galing saDiyos.

Hindi sinasabi ng Diyos sa kaniyang mga ma-nanamba na ibatay lang nila sa mga himala angkanilang pananampalataya. Sa halip, dapat dinnila itong matibay na isalig sa mga katotohanan.—Hebreo 11:1.

Halimbawa, tingnannatin ang isa sa mga kila-lang himala sa Bibliya, ang pagkabuhay-muli niJesu-Kristo. Ilang taon pagkatapos nito, kinu-westiyon ng ilang Kristiyano sa Corinto kung bi-nuhay ngang muli si Jesus. Paano tinulungan niapostol Pablo ang mga Kristiyanong iyon? Bastalang ba niya sinabing “Dagdagan ninyo ang in-yong pananampalataya”? Hindi. Pansinin kungpaano niya ipinaalaala sa kanila ang mga pang-yayari. Sinabi niyang si Jesus ay ‘inilibing, oo,ibinangon siya nang ikatlong arawayon sa Kasu-latan; at nagpakita siya kay Cefas, pagkatapos aysa labindalawa. Pagkatapos nito ay nagpakitasiya sa mahigit limang daang kapatid sa iisangpagkakataon, na ang karamihan sa mga ito aynananatili hanggang sa kasalukuyan.’—1 Corin-to 15:4-8.

Mahalaga ba kung pinaniniwalaan ng mgaKristiyanong iyon ang himalang iyan? Sinabi pani Pablo: “Kung hindi ibinangon si Kristo, angaming pangangaral ay tiyak na walang kabulu-han, at ang ating pananampalataya ay walangkabuluhan.” (1 Corinto 15:14) Seryosong bagayiyan para kay Pablo. Alam ni Pablo na totoo angpagkabuhay-muli ni Jesus dahil sa kuwento ngdaan-daang saksi na nabubuhay pa noon. Sa ka-tunayan, handang mamatay ang mga saksingiyon sa halip na ikaila ang nakita nila.—1 Corin-to 15:17-19.PAGTUTOL 3: Ang mga himala ay likas na mgapangyayari na hindi lang nauunawaan ng mgawalang pinag-aralan. Sinisikap ng ilang iskolarna ipaliwanag na ang mga himala sa Bibliya aylikas na mga pangyayari lang at hindi gawang Diyos. Iniisip nilang sa ganitong paraan,mas magiging kapani-paniwala ang mga ulat

sa Bibliya. Bagaman totoong may kaugnayansa mga himala ang ilang likas na pangyayari—gaya ng lindol, salot, at pagguho ng lupa—pare-pareho nilang hindi isinaalang-alang angisang bagay. Binale-wala nila kung kailan eksak-tong nangyari ang himala gaya ng paliwanag saKasulatan.

Halimbawa, may nangangatuwiran na angunang salot nanaganap sa Ehipto, kung saanna-ging dugo ang Ilog Nilo, ay dahil sa pulanglupang naanod sa Nilo, kasama na ang ma-mula-mulang mga organismong tinatawag naflagellate. Pero sinasabi ng ulat sa Bibliya na angilog ay naging dugo, hindi mapulang putik.Kung babasahing mabuti ang Exodo 7:14-21,makikitang ang himalang ito ay nangyari no-ong hampasin ni Aaron ng kaniyang tungkodang Ilog Nilo bilang pagsunod sa utos ni Moises.Kahit sabihin pang ang pagbabagong nangyarisa ilog ay dahil sa likas na pangyayari, hindi ba’tang pagbabago nito na eksaktong naganap no-ong hampasin ni Aaron ay isa na mismong hi-mala?

Ang isa pang halimbawa nito ay noong mala-pit nang pumasok sa Lupang Pangako ang ban-sang Israel. Hindi sila makatawid sa Ilog Jordandahil umaapaw ito. Ganito ang sabi ng Bibliya:“Nang sandaling ang mga tagapagdala ng Kabanay makarating hanggang sa Jordan at ang mgapaa ng mga saserdoteng nagdadala ng Kaban aymalubog sa gilid ng tubig . . . , ang tubig na bu-mababa mula sa itaas ay nagsimulang tumigil.Iyon ay natipon na gaya ng isang prinsa na na-pakalayo, doon sa Adan.” (Josue 3:15, 16) Itoba’y dahil sa lindol o sa pagguho ng lupa? Wa-lang sinasabi ang ulat. Pero ang eksaktong pag-kakataon kung kailan ito nangyari ay isang hi-mala. Eksaktong nangyari iyon gaya ng sinabi niJehova kung kailan iyon mangyayari.—Josue 3:7, 8, 13.

Kaya ang tanong, may mga himala nga ba? Si-nasabi ng Bibliya na mayroon nga. Sinasabi rinnito na ang mga iyon ay hindi mga likas napangyayari lamang. Kung gayon, makatuwiranbang sabihin na imposible ang mga himala da-hil lang sa hindi iyon nangyayari araw-araw?

Page 7: HIMALA - download-a.akamaihd.net

KAPAG may nagkuwento sa iyo ng isangkamangha-manghang istorya, hindi ba’tnakadepende sa kredibilidad ng nagku-

kuwento kung paniniwalaan mo ito o hindi?Bukod sa paraan niya ng pagkukuwento, ma-halaga rin ang kaniyang rekord ng katapatan.Kung lagi siyang nagsasabi sa iyo ng totoo, na-tural lang na paniwalaan mo ang sinasabiniya.

Ganiyan din ang mga himala sa Bibliya.Wala ni isa man sa atin ang nakakita sa mgapangyayaring iyon. Pero puwede nating tiya-

kin kung totoo ang ulat ng Bibliya. Paano? Na-rito ang ilang bagayna makadaragdag sa kredi-bilidad ng mga ulat ng Bibliya tungkol sa mgahimala.Ginawa sa pampublikong lugar. May mgapagkakataong nasaksihan ito ng libu-libo,kung hindi man ng milyun-milyon. (Exodo14:21-31; 19:16-19) Ang mga ito ay hindi gina-wa nang palihim.Simple lang ang mga ito. Walang espesyal naprops o effects. Karamihan ng mga himalasa Bibliya ay isinagawa dahil hinihingi ngpagkakataon at hinihiling ng mga indibidu-wal. (Marcos 5:25-29; Lucas 7:11-16) Sa mgapagkakataong iyon, ang mga pangyayari ayhindi maaaring dayain ng nagsasagawa ng hi-mala.Ang motibo ng nagsasagawa ng himala ayhindi para magpayaman at maging tanyag.Sa halip, ito ay para luwalhatiin ang Diyos.(Juan 11:1-4, 15, 40) Ang sinumang gumaga-mit ng kaniyang kakayahang maghimala paramagpayaman ay hinahatulan.—2 Hari 5:15,16, 20, 25-27; Gawa 8:18-23.Ang iba’t ibang uri ng himala sa Bibliya aynagpapahiwatig na hindi ito gawa lang ngtao. Narito ang ilang halimbawa: pagpapakal-ma sa dagat at hangin, paggawang alak sa tu-big, pagpapahinto sa ulan at pagpapaulan,pagpapagaling sa maysakit, at pagpapanauli sapaningin ng mga bulag. Ang lahat ng hima-lang iyan at maraming iba pa ay nagpapaki-tang isang nakahihigit na kapangyarihan angnasa likod ng mga ito.—1 Hari 17:1-7; 18:41-45; Mateo 8:24-27; Lucas 17:11-19; Juan2:1-11;9:1-7.Hindi ikinaila ng mga salansang na nakakitang mga himala na nangyari nga ang mgaiyon. Nang buhaying muli ni Jesus ang kani-yang kaibigang si Lazaro, hindi ikinaila ngmga relihiyosong kaaway ni Jesus na namataynga si Lazaro. Bakit? Apat na araw na kasingnakalibing si Lazaro. (Juan 11:45-48; 12:9-11)

MAPANINIWAL AANMO BA ANG MGAHIMAL ANG

Nakaulat saBibliya?

Hindi ikinaila ng mga sumasalansangkay Jesus na namatay nga si Lazaro

Page 8: HIMALA - download-a.akamaihd.net

8 ANG BANTAYAN ˙ AGOSTO 1, 2012

HALIMBAWANG nakaiskedyul kangoperahan ng isang doktor at nala-man mong ito ang unang pagkaka-

taon na gagawin niya ang gayong ope-rasyon, ano ang madarama mo? Tiyak namag-aalala ka. Pero paano naman kungmalaman mong ang doktor na ito ang pi-nakamagaling na siruhano at napakaraminang naisagawang matagumpay na opera-syong gaya ng gagawin sa iyo? Hindi ba’tlalo kang magtitiwala na matutulungan kaniya?

Ang daigdig nating ito ay may sakit atkailangang-kailangan nang “operahan.”Sa kaniyang Salita, ang Bibliya, nangakoang Diyos na Jehova na ibabalik niya angParaiso sa lupang ito. (2 Pedro 3:13) Peropara mangyari iyon, kailangan munanglubusang alisin ang kasamaan. (Awit 37:9-11; Kawikaan 2:21, 22) Bago isauli angParaiso, dapat munang alisin ang lahat ngmasasamang kalagayang nakikita natin sangayon. Isang literal na himala ang kaila-nganpara mangyari iyon!—Apocalipsis 21:4, 5.

Naniniwala ang mga Saksi ni Jehovana mangyayari ang malalaking pagbaba-gong iyan. Bakit? Dahil pinatutunayan ngmga himalang ginawa ng Diyos na Jeho-va na may kapangyarihan siyang tuparinang kaniyang mga pangako. Paghambi-ngin ang anim na himalang nakaulat saBibliya at ang mga pangako nito sa hina-harap.

Mga HimalangMalapit Nang

Mangyari

Kahit ilang siglo na ang nakalipas mulanang mamatay si Jesus, kinilala pa rin ngmga manunulat ng Judiong Talmud na siJesus ay may kapangyarihang maghimala.Ang kinuwestiyon lang nila ay ang pinag-mulan ng kapangyarihang iyon. Sa katu-lad na paraan, nang dalhin sa hukumanng mga Judio ang mga alagad ni Jesus,hindi sila tinanong ng “Gumawa ba kayong himala?” Sa halip, tinanong sila: “Saanong kapangyarihan o sa kaninong pa-ngalan ninyo ginawa ito?”—Gawa 4:1-13.

Kung gayon, mapaniniwalaan mo baang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga hi-mala? Mula sa ating natalakay, maliwanagna may kredibilidad nga ang mga ulat ngBibliya tungkol sa himala. May iba pangdahilan para magtiwala tayo sa mga ulatna ito ng Bibliya.Halimbawa, kapag nagla-lahad ang Bibliya ng isang pangyayari, ka-dalasan nang binabanggit nito ang pana-hon, lugar, at mga pangalan ng mga taongnasasangkot. Maging ang mga kritiko ngBibliya ay namangha sa katumpakan ngmga detalye ng kasaysayang mababasa saBibliya. Daan-daang hula sa Bibliya angnatupad, pati na ang kaliit-liitang detalyenito. Bukod diyan, napakaraming payoang Bibliya para magkaroon ng masayangugnayan ang mga tao—mga payong naka-tulong sa kanila anuman ang edad nila atkalagayan sa buhay. Pagdating sa ugnayanng tao, wala nang hihigit pa sa mga payong Bibliya.

Kung hindi ka pa rin lubos na nagtitiwa-la sa Bibliya, bakit hindi ka maglaanng pa-nahon para suriin itong mabuti? Habangnagiging pamilyar ka sa Bibliya, lalo kangmagtitiwala rito. (Juan 17:17) Makukum-binsi kang dapat pagtiwalaan ang sinasabinito tungkol sa mga himalang nangyarinoon. Kapag naniniwala ka na sa mga ulatna ito, titibay ang iyong pagtitiwala sasinasabingBibliyanamangyayari samala-pit na hinaharap.

Page 9: HIMALA - download-a.akamaihd.net

HIMAL A:PINAKAIN NI JESUS ANG LIBU-LIBO SA PAMAMAGITANNG ILANG TINAPAYAT ISDA.

—MATEO 14:13-21; MARCOS 8:1-9; JUAN 6:1-14.PANGAKO:

“Ang lupa ay tiyak na magbibigay ng bunga nito;ang Diyos, ang ating Diyos, ay magpapala saatin.”—AWIT 67:6.

KAHULUGAN:WALA NANG MAGUGUTOM KAILANMAN.

HIMAL A:IBINALIK NI JESUS ANG PANINGIN NG BULAG.

—MATEO 9:27-31; MARCOS 8:22-26.PANGAKO:

“Madidilat ang mga mata ng mga bulag.”—ISAIAS 35:5.

KAHULUGAN:MAKAKAKITA ANG LAHAT NG BULAG.

HIMAL A:PINAGALING NI JESUS ANG MGA MAY KAPANSANAN.

—MATEO 11:5, 6; JUAN 5:3-9.PANGAKO:

“Aakyat ang pilay na gaya ng lalaking usa.”—ISAIAS 35:6.

KAHULUGAN:PAGAGALINGIN ANG LAHAT NG MAY KAPANSANAN.

HIMAL A:PINAGALING NI JESUS ANG IBA’T IBANG SAKIT.

—MARCOS 1:32-34; LUCAS 4:40.PANGAKO:

“Walang sinumang tumatahan ang magsasabi:‘Ako ay may sakit.’ ”—ISAIAS 33:24.

KAHULUGAN:MAWAWALA NA ANG LAHAT NG SAKIT.MAGKAKAROON TAYO NG PERPEKTONG KALUSUGAN.

Page 10: HIMALA - download-a.akamaihd.net

Patuloy mo sanang pag-aralan ang mgapangako ng Bibliya para sa hinaharap.Habang tumitibay ang iyong pananampa-lataya, titibay rin ang iyong pag-asa—angpag-asang mabuhay sa isang panahonkung saan personal kang makikinabangsa mga himala ni Jehova.

HIMAL A:KINONTROL NI JESUS ANG MGA ELEMENTONG KALIKASAN.

—MATEO 8:23-27; LUCAS 8:22-25.PANGAKO:

“Tiyak na magtatayo sila ng mga bahay atmaninirahan sa mga iyon; at tiyak na mag-tatanim sila ng mga ubasan at kakainin angbunga ng mga iyon. Hindi sila magpapagalnang walang kabuluhan.”—ISAIAS 65:21, 23.“Malalayo ka . . . sa anumang nakasisin-dak, sapagkat hindi ito lalapit sa iyo.”—ISAIAS 54:14.

KAHULUGAN:MAWAWALA NA ANG LIKAS NA MGA SAKUNA.

HIMAL A:BINUHAY-MULI NI JESUS ANG MGA PATAY.

—MATEO 9:18-26; LUCAS 7:11-17.PANGAKO:

“Lahat ng nasa mga alaalang libinganay . . . lalabas.”—JUAN 5:28, 29.“Ibinigay ng dagat ang mga patay nanasa kaniya, at ibinigay ng kamatayanat ng Hades ang mga patay na nasakanila.”—APOCALIPSIS 20:13.

KAHULUGAN:BUBUHAYING MULI ANG MGA NAMATAYNATING MAHAL SA BUHAY.

10

Page 11: HIMALA - download-a.akamaihd.net

ANG AKING NAKARAAN: Na-katira ang aming pamilya saisang lugar na mga anim na kilometro mula sabayan ng Piquete. May maliit na bukid angmga magulang ko, at doon nagmumula angmga pangunahin naming pangangailangan. SaPiquete ako nag-aral, kaya bumili ako ng lu-mang bisikleta para mas madali akong maka-punta roon. Mahihirap ang tao sa lugar namin,pero malinis ito at bihira ang krimen. Karami-han sa mga lalaki ay nagtatrabaho sa isang pa-gawaan ng mga sandata para sa militar.

Masipag akong mag-aral kaya nakapasok akosa Aeronautical Military School sa kalapıt nalunsod. Noong 1966, nagtapos ako bilang sar-hento. Di-nagtagal, nag-aral ako at nagtaposnaman ng abogasya. Pagkaraan, nag-aplay akobilang hepe ng pulisya. Noong 1976, pumasaako sa pagsusulit ng gobyerno at napili para sa

posisyong iyon. Kung minsan,kasama sa trabaho ko ang ma-ging administrador sa bilang-guan. Noong panahong iyon,madalas humingi ng permisoang mga Saksi ni Jehova paramakapangaral sa mga bilanggo.Lagi rin nila akong kinakausaptungkol sa Bibliya. Malaki angpaggalang ko sa Diyos. Natuwaako nang malaman kong Jeho-va pala ang pangalan ng Diyos,at puwede natin siyang magingkaibigan.

Noong 1981, naipasa ko angisa pang pagsusulit ng gobyer-no at naging hukom ako. Atnoong 2005, itinalaga naman

akongmaginghukomsa court ofappeals ng SaoPaulo.KUNG PAANO BINAGO NG BIBLIYA ANGBUHAY KO: Nang makatapos ako ng aboga-sya, sinimulan kong basahin angBibliya. Naba-go nito ang takbo ng aking pag-iisip. Ako aysaradong Katoliko. May kamag-anak kamingobispo at mga pari, at tumutulong ako sa parituwing Misa. Bago siya magbigay ng sermon,binabasa ko muna ang ilang bahagi ng aklat-dasalan. Hindi nakagawian ng mga pamilyangKatoliko na magbasa ng Bibliya. Nadismaya siInay nang malaman niyang nagbabasa ako ngBibliya. Gusto niya akong tumigil dahil bakaraw mabaliw ako. Pero hindi ko iyon pinansin;wala naman kasi akong nakikitang masamaroon.

BINAGO NG BIBLIYA ANG KANILANG BUHAY

BAKIT naging Saksi ni Jehova ang isang matagumpay na hukom na lumaki sa isangpamilya na saradong Katoliko? Ano ang nagpakilos sa isang terorista na talikuranang karahasan para maging ministro? Basahin ang kanilang kuwento.

“Mas lumalim angpagkaunawa ko satama at mali.”—SEBASTI

˜AO ALVES JUNQUEIRA

ISINILANG: 1946

BANSANG PINAGMULAN: BRAZILISANG HUKOM

ANG BANTAYAN ˙ AGOSTO 1, 2012 11

Page 12: HIMALA - download-a.akamaihd.net

12 ANG BANTAYAN ˙ AGOSTO 1, 2012

Dahil sa aking pagkamausisa, itinuloy ko angpagbabasa ng Bibliya. Gusto ko kasing makaa-lam nang higit pa tungkol sa mga pari at sa ka-nilang papel sa simbahan. Nagbasa rin ako ngtungkol sa kilusan ng teolohiya sa pagpapalaya(liberation theology movement). Pero para saakin, maraming butas ang mga pangangatuwi-ran ng mga tagapagtaguyod nito.

Binigyan din ako ng aking dentista, na isangBudista, ng isang aklat na ibinigay lang din sakaniya. Ang pamagat ng aklat ay Did Man GetHere by Evolution or by Creation?� Tinanggapko ang aklat dahil iniisip kong maganda itongbasahin kasabay ng The Origin of Species, niCharles Darwin. Mapuwersa, lohikal, at naka-kakumbinsi ang mga argumento sa aklat naDid Man Get Here by Evolution or by Creation?Talaga ngang mabuway ang teoriya ng ebolu-syon!

Lalo akong naging mausisa nang mabasa koang aklat na iyon tungkol sa paglalang. Gustokongmagkaroonng iba pangmga aklat ngmgaSaksi ni Jehova. May nakapagsabi sa akin naSaksi ni Jehova ang isang mekaniko sa aeronau-tics school. Kinausap ko siya, at binigyan niyaako ng ilang aklat. Pero hindi ko tinanggapnoon ang alok na makipag-aral ng Bibliya samga Saksi dahil iniisip kong kaya ko namangpag-aralan iyon nang mag-isa.

Nang magbasa ako ng Bibliya, naisip kongdahil may pamilya na ako, magandang kasamako rin sila sa pagbabasa nito. Linggu-linggo,nag-aaral at nagbabasa kami ng Bibliya. Bilangmga Katoliko, mataas ang respeto ng aming pa-milya sa mga pari at obispo. Kaya napaisip ako

� Inilathala ng mga Saksi ni Jehova pero hindi na ini-lilimbag.

nang mabasa ko ang Juan 14:6: “Sinabi ni Je-sus sa kaniya [alagad na si Tomas]: ‘Ako angdaan at ang katotohanan at ang buhay. Wa-lang sinumang makaparoroon sa Ama kundisa pamamagitan ko.’” Matapos ko itong pag-aralang mabuti, nakumbinsi akong kay Jehovanagmumula ang kaligtasan sa pamamagitan niJesus. Pinaniwala kasi kaming sa mga pari nag-mumula ang kaligtasan.

May dalawa pang teksto sa Bibliya na nagpa-bago sa pananaw ko sa Simbahang Katoliko atsa mga turo nito. Ang isa ay ang Kawikaan 1:7:“Ang pagkatakot kay Jehova ang pasimula ngkaalaman. Ang karunungan at disiplina angsiyang hinahamak ng mga mangmang.”At angisa pa ay ang Santiago 1:5: “Kung ang sinumansa inyo ay nagkukulang ng karunungan, patu-loy siyang humingi sa Diyos, sapagkat siya aysaganang nagbibigay sa lahat at hindi nandu-rusta; at ibibigay ito sa kaniya.” Gustung-gustoko talagang magkaroon ng kaalaman at karu-nungan, perohindi ito naibibigayngaking reli-hiyon. Kaya tumigil akong magsimba.

Noong 1980, nakipag-aral ng Bibliya sa mgaSaksi ang asawa ko. Kapag nasa bahay ako, su-masama ako sa pag-aaral nila. Nang maglaon,nakipag-aral na rin ako ng Bibliya. Pero mata-gal pa bago kami nagdesisyong magpabautis-mobilang Saksi ni Jehova.Nabautismuhan angasawa ko noong 1994, at ako naman ay noong1998.KUNG PAANO AKO NAKINABANG: Angaming apat na anak ay napalaki naming mag-asawa ayon sa mgapamantayan ni Jehova. (Efe-so 6:4) Ang dalawa kong anak na lalaki ay aba-lang-abala sa pangangalaga ng espirituwalidadng mga Saksi sa kani-kaniyang kongregasyon.Ang dalawa ko namang anak na babae ay masi-sigasig na mangangaral. Maraming oras ang gi-nugugol ng asawa ko sa pagtuturo ng Bibliya saiba, at akonamanaymasayangnaglilingkodbi-lang elder sa aming kongregasyon.

Nang ako’y maging Saksi ni Jehova, mas lu-malim ang pagkaunawa ko sa tama at mali. Bi-lang hukom, sinisikap kong tularan si Jehova

Nadismaya si Inay nangmalaman niyang nagbabasaako ng Bibliya

Page 13: HIMALA - download-a.akamaihd.net

ANG BANTAYAN ˙ AGOSTO 1, 2012 13

kapag humahawak ako ng kaso sa korte. Isina-saalang-alang ko ang lahat ng bagay, nagigingmakatuwiran ako, at kapag ipinahihintulot ngmga kalagayan, nagpapakita ako ng awa.

Marami na akong hinawakang kaso ng kara-hasan, pang-aabuso sa bata, at ibapangmabibi-

gat na krimen. Gayunman, kapag nanonoodako ng balita, nasusuklampa rin ako sa laganapna imoralidad at kasamaan sa daigdig. Buti nalang, tinulungan ako ni Jehova na maunawaankung bakit dumarami ang krimen at kung paa-no magbabago ang kalagayang ito.

ANG AKING NAKARAAN: Ipi-nanganak ako noong 1961 saPortadown, isang abalang ba-yan sa Northern Ireland. Pro-testante ang relihiyong kinagis-nan ko, at lumaki ako sa isang housing estatena maraming nakatirang Katoliko at Protes-tante. Hirap sa buhay ang karamihan sa mgapamilya rito, pero nagkakasundo naman ka-ming lahat.

Hindi ko ipinagmamalaki ang naging bu-hay ko noon. Noong 1974, nasangkot ako sa“Troubles,” o mga kaguluhan sa relihiyon atpulitika sa Northern Ireland. Naging magulorin sa aming lugar. Halimbawa, isang gabi,habang sinasanay ni Itay, na isang manedyersa Ulster Carpet Factory, ang dalawang kaba-taang Katoliko na kapitbahay namin, may

naghagis ng bomba sa loob ngbahay nila. Namatay ang kani-lang tatay, nanay, at kapatid.

Lalong lumala ang mga sit-wasyon. Sa mga lugar na ma-raming Katoliko, sinusunogang bahay ng mga Protes-tante. Sa mga lugar namanng Protestante, ginugulo angmga Katoliko. Sa lugar namin,halos puro Protestante na langang natira. Di-nagtagal, ina-resto ako at hinatulang ma-kulong ng tatlong taon dahilnasangkot ako sa mga pambo-bomba.

Habang nakakulong, nagingmatalik kong kaibigan angisang kilalang loyalist. Para ka-ming magkapatid, at best man

niya ako nang ikasal siya. Hindi ako nabago ngbilangguan, gayundin ang kaibigan ko. Nangmakalaya kami, bumalik kami agad sa amingpulitikal na mga gawain na mas pinatindi panamin. Dahil diyan, nakulong ulit ang kaibi-gan ko. At habang nasa bilangguan, pinataysiya.

Pinuntirya rin ako noon. May pagkakataonpangang pinasabog ang kotse ko. Pero lalo langakong naging determinado na ipaglaban angaking mga paniniwala.

Nang panahon ding iyon, tumulong ako sapaggawa ng isang dokumentaryo tungkol sa

“Hindi ako nabagong bilangguan.”—KEITH WOODS

ISINILANG: 1961

BANSANG PINAGMULAN:NORTHERN IRELANDDATING TERORISTA

Page 14: HIMALA - download-a.akamaihd.net

14 ANG BANTAYAN ˙ AGOSTO 1, 2012

“Troubles,” na ipinalabas sa mga telebisyon saBritanya. Dahil dito, nadagdagan ang mga pro-blema ko. Isang gabi, pag-uwi ko, nadiskubrekong iniwan na ako ng aking asawa. Pagkata-pos, kinuha naman sa akin ng isang ahensiyaang anak ko. Natatandaan ko pa na habang na-kaharap sa salamin, sinabi ko sa Diyos na kungtalagang totoo siya, tulungan niya ako.

Nang sumunod na Sabado, nakita ko ang ka-kilala kong si Paul, na isa nang Saksi ni Jehova.Kinausap niya ako tungkol sa Bibliya. Makali-pas ang dalawang araw, pinadalhanniya ako ngAng Bantayan. Sinipi sa isang artikulo sa maga-sing iyon ang sinabi ni Jesus sa Juan 18:36:“Ang kaharian ko ay hindi bahagi ng sanlibu-tang ito. Kung ang kaharian ko ay bahagi ngsanlibutang ito, lumaban sana ang mga taga-paglingkod ko upang hindi ako maibigay samga Judio. Ngunit, ang totoo, ang kaharian koay hindi nagmumula rito.” Nabago ng mga pa-nanalitang iyan ang buhay ko.KUNG PAANO BINAGO NG BIBLIYA ANGBUHAY KO: Sinimulan akong turuan ni Paultungkol sa Bibliya. Nang maglaon, ipinagpa-tuloy ito ni Bill na isa ring Saksi. Napakara-mi kong tanong. Kapag nagba-Bible studykami, nagsasama rin ako ng mga ministro ngibang relihiyon para patunayang mali si Bill.Pero nakita ko ang katotohanan ng Salita ngDiyos.

Minsa’y sinabi ko kay Bill na huwag nangpumunta sa bahay para sa aming pag-aaraldahil may mga barikada sa lugar namin at ti-yak na aagawin at susunugin ang kotse niya.Pero tumuloy pa rin si Bill sakay ng kaniyangbisikleta. Wala nga naman kasing magkaka-interes sa bisikleta niya! Sa isa namang pag-kakataon, inaresto ako ng mga pulis at mili-tar samantalang nagba-Bible study kami niBill. Habang bitbit nila ako palabas, sumi-gaw si Bill at nagsabing magtiwala ako kayJehova. Tumatak sa isip ko ang dalawangpangyayaring iyon.

Noong una akong dumalo ng pulong sa

Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova, mala-mang na nagulat ang ilan sa kanila. Mahabakasi ang buhok ko, nakahikaw, at nakasu-ot ng leather jacket na pagkakakilanlan ngaming pulitikal na grupo. Pero pinakitu-nguhan ako nang maayos ng mga Saksi.Hinding-hindi ko malilimutan ang kabaitannila.

Kahit nag-aaral na ako ng Bibliya, hindi parin ako kumakalas sa mga dati kong kaibi-gan. Pero unti-unting tumagos sa puso koang mga katotohanan sa Bibliya. Kung gustokong paglingkuran si Jehova, naisip kongdapat kong baguhin ang pangmalas ko sapulitika at iwan ang dati kong mga kaibigan.Hindi iyon madali. Pero nagawa kong mag-bago habang natututo ako sa Bibliya at ku-mukuha ng lakas kay Jehova. Nagpagupitako, nag-alis ng hikaw, at bumili ng amerika-na. Naging maganda rin ang pakikitungo kosa iba.KUNG PAANO AKO NAKINABANG: Nabu-hay ako noon sa karahasan at terorismo. Mar-kado ako sa mga tagapagpatupad ng batas saaming lugar. Pero iba na ngayon. Halimbawa,noong una akong dumalo sa kombensiyonng mga Saksi ni Jehova sa bayan ng Navan,kailangan pang may eskort akong mga awto-ridad papunta roon at pabalik ng NorthernIreland. Pero ngayon, wala na akong eskort.Malaya na rin akong nakapangangaral kasa-ma nina Paul at Bill at ng iba pang Saksi sa lu-gar namin.

Nakapagbagong-buhay ako at naging ba-hagi ng kongregasyon. Doon ko nakilala angSaksing si Louise, at nagpakasal kami. Naka-sama ko na ring muli ang aking anak.

Kapag naiisip ko ang dati kong buhay, pi-nagsisisihan kong nakasakit ako ng iba. Perosa tulong ng Bibliya, ang buhay ng isang ta-ong naligaw ng landas na gaya ko ay maaa-ring magbago tungo sa isang buhay na maylayunin at pag-asa.

Page 15: HIMALA - download-a.akamaihd.net

ˇ Baka maitanong iyan ng isa dahil wala namangutos sa Bibliya tungkol sa paggamit ng tabako, gayang paninigarilyo. Ibig bang sabihin, hindi na natinmalalaman kung ano ang tingin ng Diyos hinggildito? Hindi naman.

Sinasabi ng Bibliya na “ang lahat ng Kasulatan aykinasihan ng Diyos.” (2 Timoteo 3:16) Ang Kasula-tan ay may malinaw na mga simulaing nagpapakitakung anong pangangalaga sa kalusugan ang gustong Diyos na gawin natin. Repasuhin muna natinang natuklasan ng mga mananaliksik tungkol saepekto ng paggamit ng tabako sa kalusugan ng tao.Pagkatapos, talakayin natin kung paano nauugnaysa mga iyon ang mga simulain ng Bibliya.

Pinipinsala ng tabako ang kalusugan ng guma-gamit nito, at ito ang isang pangunahing sanhing kamatayan na puwede sanang maiwasan. SaEstados Unidos, ang paggamit ng tabako ang itinu-turong dahilan ng kamatayan ng 1 sa bawat 5 na-mamatay. Sa bansa ring iyan, taun-taon, mas ma-rami ang namamatay dahil sa tabako kaysa sapinagsama-samang bilang ng namamatay dahilsa “alkohol, droga, pagpatay, pagpapatiwakal, aksi-dente sa kotse, at AIDS,” ang sabi ng isang reportmula sa National Institute on Drug Abuse.

Napipinsala ng mga humihithit ng tabako angiba. Kahit kaunti lang ang nalalanghap nating usokng sigarilyo, may masamang epekto pa rin ito. Angmga hindi naninigarilyo pero nakalalanghap ng sec-ondhand smoke ay mga 30 porsiyentong mas na-nganganib magkaroon ng kanser sa baga at sakit sapuso. Nitong nakalipas na mga taon, natuklasan ngmga doktor ang isa pang panganib na tinatawag ni-lang third-hand smoke. Tumutukoy ito sa mga kemi-kal na naiiwan ng usok ng sigarilyo sa mga damit,karpet, at iba pa. Ang nakalalasong mga kemikal naito ay nakapipinsala lalo na sa kalusugan ng mgabata at nakapagpapahina sa kakayahan nilang ma-tuto.

Nakakaadik ang tabako. Nagiging alipin ng ta-bako ang gumagamit nito. Sa katunayan, naniniwa-la ang mga mananaliksik na ang pagkaadik sa niko-

tina, pangunahing kemikal ng tabako, ay isa sapinakamahirap alising bisyo.

Paano nauugnay sa mga iyan ang mga simulainsa Bibliya? Pansinin:

Gusto ng Diyos na igalang natin ang buhay. SaKautusan ng Diyos sa Israel, ipinahiwatig niya naang mga gustong magpalugod sa kaniya ay dapatgumalang sa buhay. (Deuteronomio 5:17) Angmga Israelita ay kailangang maglagay ng halang sabubong ng bahay nila. Bakit? Ang kanilang mgabubong ay lapad at doon nila ginagawa ang ilan ni-lang gawain. Ang halang ay proteksiyon ng pamil-ya at ng iba para hindi sila mahulog. (Deuterono-mio 22:8) Kailangan ding tiyakin ng mga Israelitana hindi makapipinsala sa iba ang kanilang mgahayop. (Exodo 21:28, 29) Nilalabag ng isang gu-magamit ng tabako ang mga simulaing nasa likodng mga utos na iyan. Kusa niyang pinipinsala angkaniyang kalusugan. Isinasapanganib din niya angkalusugan ng mga nakapaligid sa kaniya.

Inaasahan ng Diyos na iibigin natin siya at angating kapuwa. Sinabi ni Jesu-Kristo na dapat sun-din ng kaniyang mga tagasunod ang dalawang pi-nakadakilang utos—ibigin ang Diyos nang buongpuso, kaluluwa, pag-iisip, at lakas at ibigin ang ka-puwa gaya ng kanilang sarili. (Marcos 12:28-31) Ya-mang regalo ng Diyos ang buhay, ang isang guma-gamit ng tabako ay hindi gumagalang sa regalongiyan at hindi rin umiibig sa Diyos. (Gawa 17:26-28)Ang bisyo ng taong iyon ay nakapipinsala nangmalaki sa iba kaya hindi niya masasabing iniibigniya ang kaniyang kapuwa.

Hinihiling ng Diyos na iwasan natin ang maru-ruming gawain. Sinasabi ng Bibliya sa mga Kristi-yano na dapat nilang linisin ang kanilang sarilimula sa “bawat karungisan ng laman at espiritu.”(2 Corinto 7:1) Pinarurumi ng tabako ang isangtao. Ang mga gustong huminto sa paggamit nitopara paluguran ang Diyos ay napapaharap sa ma-hirap na hamon. Pero sa tulong ng Diyos, makalala-ya sila sa nakapagpaparuming bisyong ito.

TANONG NG MGA MAMBABASA

Ano ang tingin ng Diyos sa paggamit ko ng tabako?

ANG BANTAYAN ˙ AGOSTO 1, 2012 15

Page 16: HIMALA - download-a.akamaihd.net

1. Anong kaharian ang ipinangako kayJesus?

Nangako ang Diyos na isang inapo ni Haring Davidang uupo sa Kaniyang trono hanggang sa panahong wa-lang takda. Ang inihulang inapong iyon ay si Jesus, at na-mamahala na siya ngayon sa langit bilang Hari ng Kaha-rian ng Diyos.—Basahin ang Awit 89:4; Lucas 1:32, 33.

Bata pa si David nang piliin siya ng Diyos na Jehova namaging hari sa Kaniyang bayan, ang Israel. Nang mama-tay si David, pinili ng Diyos si Solomon para umupo sa“trono ni Jehova” sa Jerusalem. (1 Cronica 28:4, 5; 29:23)Kaya ang dinastiya ni David at ang Jerusalem ang kuma-tawan sa Kaharian ng Diyos sa lupa. Pagkamatay ni Solo-mon, maraming hari ang namahala sa Jerusalem, perohindi naging tapat ang karamihan sa kanila. Nang ban-dang huli, pinahintulutan ni Jehova ang hukbo ng Babi-lonya na wasakin ang Jerusalem at alisin ang hari nito.Nangyari iyan noong 607 B.C.E. Mula noon, wala nanghari mula sa angkan ni David ang namahala sa literal nalunsod ng Jerusalem.—Basahin ang Ezekiel 21:27.

2. Gaano katagal na walang kinatawan sa lupa ang Kaharian ng Diyos?Pagkatapos wasakin ang Jerusalem, sinabi ni

Jehova kay propeta Daniel nang maglaon na pipi-li Siya ng isang haring mamamahala mula sa la-ngit. Kailan magsisimula ang pamamahala nito?—Basahin ang Daniel 7:13,14.

Binigyang-kahulugan ni Daniel ang isang pa-ngitain kung saan iniutos ng Diyos na putulinang isang napakalaking punungkahoy, kung paa-nong iniutos din Niyang putulin at wasakin angkaharian sa Jerusalem. Pero dapat iwan ang ugatng punungkahoy para tumubo itong muli pagka-

lipas ng “pitong panahon.” Ipinahihiwatig ng Bi-bliya na ang tatlo at kalahating “panahon” aykatumbas ng 1,260 araw, kaya ang “pitong pana-hon” ay 2,520 araw. (Apocalipsis 12:6,14) Sa hulang Bibliya, ang mga araw ay karaniwan nangnangangahulugang mga taon. (Bilang 14:34)Kaya ang Kaharian ng Diyos ay walang magigingkinatawan sa lupa sa loob ng 2,520 taon.—Basa-hin ang Daniel 4:10-17.

MATUTO MULA SA SALITA NG DIYOS

Kailan Naging Harisi Jesus?

Tinatalakay ng artikulong ito ang mgatanong na maaaring naiisip mo atipinakikita kung saan sa iyong Bibliyamatatagpuan ang sagot. Nais ng mgaSaksi ni Jehova na ipakipag-usap sa iyoang mga sagot na ito.

Page 17: HIMALA - download-a.akamaihd.net

3. Kailan naging Hari si Jesus?Iniluklok ng Diyos si Jesus bilang Hari sa langit noong

1914, eksaktong 2,520 taon matapos wasakin ang Jeru-salem. Pagkaupo ni Jesus bilang Hari, pinalayas niya salangit si Satanas at ang mga demonyo nito. (Apocalipsis12:7-10) Hindi iyon nakita ng mga tao, pero naranasannila ang masasamang resulta nito. (Apocalipsis 12:12)Pinatutunayan ng mga pangyayari mula 1914 na si Jesusay naging Hari noong taong iyon.—Basahin ang Mateo24:14; Lucas 21:10,11, 31.

4. Ano ang kahulugan sa iyo ng paghaharini Jesus?

Ang natupad na mga hula tungkol sa paghahari niJesus ay patunay na makapagtitiwala ka sa Salita ngDiyos. Malapit nang gamitin ni Jesus ang kaniyang ka-pangyarihan bilang Hari para alisin ang lahat ng pag-durusa ng mga tao.—Basahin ang Awit 72:8, 12, 13;Daniel 2:44.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang pahina 215-218ng aklat na ito na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova.

ANO BA TalagaANG ITINUTURO

NG BIBLIYA?

Gumamit ng calculator:606.25

� 1,913.75˙ 2,520

606.25 taon 1,913.75 taon

2,520 taonOktubre607 B.C.E.

Winasak angkaharian saJerusalem

1000 B.C.E. 1 B.C.E. 1 C.E. 1000 C.E.

Oktubre1914 C.E.

2000 C.E.

Iniluklok ng Diyos si Jesusbilang Hari na nagtataglay ngkapangyarihan sa mga bansa

17

Page 18: HIMALA - download-a.akamaihd.net

ANG isda, pangingisda, at mga mangingisda ay madalas banggi-tin sa mga ulat ng Ebanghelyo. Sa katunayan, ang ilan sa mga

ilustrasyon ni Jesus ay tungkol sa pangingisda. Hindi naman itokataka-taka dahil madalas siyang magturo malapit sa Dagat ngGalilea o sa mismong baybayin nito. (Mateo 4:13; 13:1, 2; Marcos3:7, 8) Ang magandang lawang ito ay may habanamga 21 kilome-tro at lapad na mga 11 kilometro. Maaaring pito sa mga apostol niJesus—sina Pedro, Andres, Santiago, Juan, Felipe, Tomas, at Nata-nael—ay mangingisda.—Juan 21:2, 3.

Ano kaya ang buhay ng mga mangingisda noong panahon niJesus? Alamin natin ang ilang bagay tungkol sa kanila at sa kani-lang hanapbuhay. Tiyaknamas lalo mong mapahahalagahanangmga apostol at higit na mauunawaan ang mga ginawa at ilustra-syon ni Jesus. Isaalang-alang natin ang buhay ng mga mangingis-da sa Dagat ng Galilea.

“Isang Malaking Daluyong ang Bumangon sa Dagat”Ang Dagat ng Galilea ay nasa isang rift valley at mga 210 metro

na mas mababa kaysa sa kapantayan ng dagat. Mababatong dalis-

ANG BUHAY NOONG PANAHON NG BIBLIYA

Ang Mangingisda“Sa paglalakad sa tabi ng dagat ng Galilea ay nakita niya [ni Jesus] ang dalawang magkapatid,si Simon na tinatawag na Pedro at si Andres na kaniyang kapatid, na naghuhulog ngpangisdang lambat sa dagat, sapagkat sila ay mga mangingisda. At sinabi niya sa kanila:‘Sumunod kayo sa akin, at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao.’ ”—MATEO 4:18, 19.

18

Page 19: HIMALA - download-a.akamaihd.net

dis ang makikita sa may baybayin nito, at nasahilaga nito ang mataas na Bundok Hermon. Ka-pag taglamig, ang napakalamig na hangin ay lu-milikhang maliliit at sunud-sunod namga alon.Kapag tag-araw naman, mainit ang hangin saibabaw ng tubig. Mula sa nakapalibot na kabun-dukan, bigla-biglang dumadaluyong ang bagyoat nananalanta sa mga naglalayag sa dagat. Na-karanas din si Jesus at ang kaniyang mga alagadng gayong bagyo.—Mateo 8:23-27.

Ang bangka ng mga mangingisda ay gawa sakahoy. Ito ay may haba na mga 8 metro at lapadna mga 2 metro. Karamihan sa kanilang mgabangka ay may isang palo at kompartment natulad-cabin sa ilalim ng kubyerta sa popa. (Mar-cos 4:35-41) Sinasalo ng layag at palo ang ha-ngin at naitutulak nito ang mabagal na bangkasa isang direksiyon, habang nahahatak namanng bigat ng lambat ang bangka sa kabilang di-reksiyon.

Minamaniobra ng mga mangingisda angbangka gamit ang mga sagwan sa magkabi-lang gilid. Maaaring anim o higit pa ang sakayng isang bangka. (Marcos 1:20) Malamang naang bangka ay may lulan ding layag na lino (1),lubid (2), mga sagwan (3), batong angkla (4),mga damit (5), pagkain (Marcos 8:14) (6), mgabasket (7), unan (Marcos 4:38) (8), at lam-bat (9). Puwedeng may lulan din itong eks-trang mga palutang (10), pati na mga pabigat

(11), kagamitan sa pagkukumpuni (12), at mgasulo (13).

“Sila ay Nakahuli ng Napakaraming Isda”Gaya noong unang siglo, ang pinakamagan-

dang lokasyon para mangisda sa Dagat ng Gali-lea ay malapit sa bukana ng mga sapa at ilog naumaagos patungo sa dagat. Nanginginain kasiroon ang mga isda ng inanod na mga halaman.Kadalasan nang sa gabi nangingisda ang mgatao noong panahon ni Jesus kaya gumagamitsila ng mga sulo. Minsan, magdamag na nangis-da ang ilang alagad ni Jesus pero wala silang na-huli. Kinabukasan, inutusan sila ni Jesus na ilag-lag muli ang kanilang lambat at nakahuli ngasila ng napakaraming isda, anupat halos lumu-bog ang kanilang mga bangka.—Lucas 5:6, 7.

Kung minsan, ang mga mangingisda ay pu-mapalaot. Nagtutulungan sila habang nakasa-kay sa dalawang bangka. Iuunat nila ang isanglambat sa pagitan ng kanilang mga bangka; sakasilawalang-tigil na magsasagwan sa magkaibangdireksiyon hanggang sa masukol ng lambat angmga isda. Pagkatapos ay hahatakin nila ang mgatali sa mga dulo ng lambat saka nila ito iaahonsa bangka. Maaaring ang lambat ay mahigit30metro ang haba at mga 3metro ang lapad, sa-pat para makahuli ng isang malaking gru-po ng isda. May mga palutang sa kahaba-an ng isang gilid ng lambat, samantalangmay mga pabigat naman ang kahabaan

1

2

3

4

5

67

8

9

10 11 12

13

Page 20: HIMALA - download-a.akamaihd.net

ng isa pang gilid nito. Oras-oras, inuulit ng mgamangingisda ang paraang ito ng panghuhuli.

Sa mababaw na katubigan, iba naman ang pa-raan ng mga mangingisda. Gamit ang isangbangka, hahatakin nila mula sa baybayin angisang dulo ng lambat patungo sa dagat at sakababalik para masukol ang mga isda. Hahatakinnaman ng mga tao sa baybayin ang lambat, titi-punin ang mga huli, at saka pagbubukud-buku-rin ang mga iyon. Ilalagay nila sa mga sisidlanang maiinam na isda. Ang iba naman ay ibeben-ta nila sa mga nakatira sa aplaya. Pero ang kara-mihan ay dinadaing o binuburo, inilalagay samga banga, at iniluluwas sa Jerusalem o sa ibangmga bansa. Ang mga laman-dagat na walang ka-liskis o palikpik, gaya ng igat, ay itinuturing namarumi at itinatapon. (Levitico 11:9-12) Angparaang ito ng pangingisda ang tinutukoy ni Je-sus nang ihalintulad niya sa lambat na pangub-kob “ang kaharian ng langit” at sa iba’t ibanguri ng isda ang mabubuti at masasamang tao.—Mateo 13:47-50.

Ang isang mangingisda ay maaari ding guma-mit ng pisi na may kawil na bronse. O puwedesiyang gumamit ng isang maliit na lambat nahugis-buslo. Kailangan niyang lumusong sa tu-big, ilagay ang lambat sa kaniyang braso, at iha-gis ito. Maaari siyang makahuli ng ilang isda ha-bang hinahatak niya ang lubid ng lambat.

Mahal ang lambat at mahirap mantinihin,kaya ingat na ingat ang mga mangingisda sa

paggamit nito. Malaking panahon ang ginugu-gol ng mangingisda sa paghahayuma, paghuhu-gas, at pagpapatuyo ng lambat, na ginagawaniya pagkatapos mangisda. (Lucas 5:2) Si apos-tol Santiago at ang kapatid niyang si Juan ay na-kaupo sa kanilang bangka at naghahayuma nglambat nang anyayahan sila ni Jesus na sumu-nod sa kaniya.—Marcos 1:19.

Noong unang siglo, kabilang sa mga nahuhu-li ng mga mangingisda ay ang tilapia. Gustung-gusto ito ng karamihan sa mga taga-Galilea atmalamang na kumain din si Jesus ng masarapna isdang ito. Maaaring daing na tilapia ang gi-namit niya nang makahimala niyang pakaininang libu-libong tao sa pamamagitan ng dala-wang isda. (Mateo 14:16, 17; Lucas 24:41-43) Ka-dalasan nang nasa bibig ng isdang ito ang kani-yang mga anak kapag ito ay lumalangoy. Perokung wala naman, baka isang maliit na bato angnasa bibig nito o isang makintab na barya panga na nakuha nito sa ilalim ng dagat.—Mateo17:27.

Noong unang siglo, ang matatagumpay namangingisda ay matitiyaga, masisipag, at han-dang magtiis para makahuli ng mga isda. Sa ka-tulad na paraan, ang mga tumanggap sa paanya-ya ni Jesus na makibahagi sa paggawa ng mgaalagad ay kailangan ding magkaroon ng ga-niyang mga katangian para maging mahuhu-say na “mangingisda ng mga tao.”—Mateo 28:19, 20.

20

Page 21: HIMALA - download-a.akamaihd.net

ANG BANTAYAN ˙ AGOSTO 1, 2012 21

Ang sumusunod ay ang karaniwang ekse-na kapag nakikipag-usap sa iba ang isangSaksi ni Jehova. Kunwari, si Marcus ang Sak-sing dumadalaw kay Robert.�������������������������������������������������������������������������������������������

Ano ang Gagawin sa Langit ngmga Pupunta Roon?

Marcus: Sa palagay mo, anong kinabuka-san ang naghihintay sa mabubuting tao?

Robert: Dito sa lupa, parang wala nangpag-asa. Pero naniniwala akong darating angpanahon na pupunta sila sa langit.

Marcus: Maganda ’yan. Maraming sinasa-bi ang Bibliya tungkol sa langit at sa pribile-hiyong makapunta roon. Pero napag-isipanmo na ba kung ano ang gagawin sa langit ngmga pupunta roon?

Robert: Makakasama ang Diyos at pupuri-hin siya magpakailanman.

Marcus: Maganda ’yan. Pero alam mo, bu-kod sa mga pribilehiyo ng mga pupunta sa la-ngit, may binabanggit din ang Bibliya tung-kol sa mahalagang pananagutan nila.

Robert: Pananagutan?

Marcus: Mababasa natin ’yan sa Apocalip-sis 5:10: “Ginawa mo [Jesus] silang isang ka-harian at mga saserdote sa ating Diyos, atmamamahala sila bilang mga hari sa ibabawng lupa.” Napansin mo ba, Robert, kung anoangmagiging pananagutanng mga pupuntasa langit?

Robert: Ang sabi, mamamahala sila bilangmga hari sa ibabaw ng lupa.

Marcus: Ano kaya ibig sabihin n’yan?

Sino ang Pamamahalaan Nila?Marcus: Kung ang mga pupunta sa langit

ay mamamahala roon bilang mga hari, da-pat lang na may pamamahalaan sila. Kasi,ano ang halaga ng pamamahala kung walanamang mga sakop?

Robert: Oo nga ’no.Marcus: Kaya ang tanong, Sino ang pama-

mahalaan nila?Robert: Siguro, y’ong mga taong nandito

pa sa lupa.Marcus: Makatuwiran iyan kung ang lahat

ngmabubuting tao ay pupunta nga sa langit.

Pakikipag-usap sa Iba

Lahat ba ng Mabubuting Tao ayPupunta sa Langit?

NATUTUWA ang mga Saksi ni Jehova na ipakipag-usapang Bibliya sa iba. May gusto ka bang malamantungkol sa Bibliya? May tanong ka ba hinggil samga paniniwala o gawain ng mga Saksi ni Jehova?Kung oo, huwag kang mahiyang magtanongkapag may nakausap kang Saksi. Matutuwasiyang sagutin ang mga tanong mo.

Page 22: HIMALA - download-a.akamaihd.net

22 ANG BANTAYAN ˙ AGOSTO 1, 2012

Pero posible kayang may ilang tao—ilangmabubuting tao—na hindi pupunta sa la-ngit?

Robert: Ngayon ko lang narinig sa isangKristiyano ang ganiyang ideya.

Marcus: Pakibasa mo ang Awit 37:29.Robert: Sige. Ang sabi: “Ang mga matuwid

ang magmamay-ari ng lupa, at tatahan silaroon magpakailanman.”

Marcus: Salamat. Napansin mo ba kungsaan maninirahan ang maraming mabubu-ting tao?

Robert: Ang sabi rito, tatahan sila sa lupa.Marcus: Tama—at hindi lang sandaling pa-

nahon. Ang sabi riyan: “Tatahan sila roonmagpakailanman.”

Robert: Baka naman ang ibig sabihinn’yan ay hindi mawawalan ng mabubutingtao sa lupa. Kasi mamatay man tayo at pu-munta sa langit, may ipinapanganak na-mang mabubuting tao.

Marcus: Marami nga siguro ang may gani-yang unawa sa talatang ’yan. Pero puwederin kayang mangahulugan ’yan na ang ma-bubuting tao ay maninirahan sa lupa mag-pakailanman?

Robert: Teka, bago sa akin ’yan ah.

Isang Paraiso sa Lupa sa HinaharapMarcus: May isa pang talata sa Bibliya na

bumabanggit tungkol sa magiging buhay salupa sa hinaharap. Pansinin mo ang sinasabing Apocalipsis 21:4 tungkol sa mga taongmabubuhay sa panahong iyon: “Papahirinniya [ng Diyos] ang bawat luha sa kanilangmga mata, at hindi na magkakaroon ng ka-matayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghi-yaw o ng kirot pa man. Ang mga dating ba-gay ay lumipas na.” Ano ang masasabi morito?

Robert: Hindi kaya ang tinutukoy n’yan ayang magiging buhay sa langit?

Marcus: Kung sa bagay, totoong ganiyan

ang mararanasan ng mga pupunta sa langit.Pero tingnan mo ulit y’ong binasa natin.Ano raw ang mangyayari sa kamatayan?

Robert: Ang sabi, “hindi na magkakaroonng kamatayan.”

Marcus: Tama. Kaya kapag sinabing hindina magkakaroon ng isang bagay, ibig sabi-hin, nagkaroon nito dati.

Robert: Oo nga.Marcus: Pero hindi naman nagkaroon ng

kamatayan sa langit, ’di ba? Dito lang sa lupaiyon nangyayari.

Robert: Hmm. Napag-isip mo ako.Marcus: Alam mo, Robert, itinuturo ng Bi-

bliya na may ilang mabubuting tao na pu-punta sa langit, pero marami ang manini-rahan sa lupa magpakailanman. Siguradoakong narinig mo na ang mga salitang ito:“Mapapalad ang maaamo: sapagka’t mama-nahinnila ang lupa.”—Mateo 5:5, Ang Biblia.

Robert: Ah oo, maraming beses ko nangnarinig ’yan sa simbahan.

Marcus: Kung mamanahin ng maaamoang lupa, hindi ba’t nangangahulugan ’yanna maninirahan sila rito sa lupa? Tatamasa-hin nila ang mga pagpapalang inihula saApocalipsis. Makikita nila ang malaking pag-babago sa lupa dahil aalisin ng Diyos ang la-hat ng kasamaan—maging ang kamatayan.

Robert: Medyo naiintindihan ko na angibig mong sabihin, pero kulang ang isa o da-lawang teksto para patunayan ’yan.

Marcus: Ang totoo, maraming teksto angbumabanggit tungkol sa magiging buhay salupa sa hinaharap. Kung may panahon kapa, puwede kong basahin sa ’yo ang isa samga paborito kong teksto.

Robert: Sige.

“Ang Balakyot ay Mawawala Na”Marcus: Kanina, binasa natin ang Awit

37:29. Pakibasa mo naman ang talata 10at 11.

Page 23: HIMALA - download-a.akamaihd.net

ANG BANTAYAN ˙ AGOSTO 1, 2012 23

Robert: “At kaunting panahon na lamang,at ang balakyot ay mawawala na; at pagtutu-unan mo nga ng pansin ang kaniyang dako,at siya ay mawawala na.Ngunit ang maaamoang magmamay-ari ng lupa, at makasusum-pong nga sila ng masidhing kaluguran sa ka-saganaan ng kapayapaan.”

Marcus: Salamat. Napansin mo ba sa tala-ta 11 kung saan maninirahan ang “maaa-mo,” o mabubuting tao?

Robert: Sinabi roon na sila ang “magma-may-ari ng lupa.” Pero sa tingin ko, tumutu-koy ’yan sa panahonngayonkasimay mabu-buting tao naman sa lupa.

Marcus: Tama naman. Pero sinasabi rin satalatang iyon na ang mabubuting tao aymagtatamasa ng “kasaganaan ng kapayapa-an.” Sa tinginmoba, sagana ang kapayapaansa ngayon?

Robert: Hindi.Marcus: Kung gayon, paano matutupad

ang pangakong iyon? Pag-isipan mo ito:Kunwari, may pinauupahankang mga apart-ment. Ang ilan sa nangungupahan sa iyo aymabubuting tao—may malasakit sa apart-ment at mababait pang kapitbahay. Gus-tung-gusto mo sila. Pero may iba namangmasasama; sinisira na nga ang apartmentmo, perhuwisyo pa sa mga kapitbahay. Kung

ayaw magbago ng masasamang ta-ong ito, ano ang gagawin mo?

Robert: Aba, paaalisin ko sila!Marcus: Ganiyan ang gagawin ng

Diyos sa masasamang tao sa daigdigngayon. Tingnan nating muli ang ta-lata 10: “Ang balakyot ay mawawalana.” Sa ibang salita, “paaalisin” ngDiyos ang mga namemerhuwisyo saiba. Kayanaman ang mabubuting taoay mabubuhay na nang payapa salupa. Napansin kong parang ngayonmo lang narinig ang tungkol sa ide-

yang ang mabubuting tao ay maninirahan salupa magpakailanman.

Robert: Oo, hindi iyan itinuturo sa relihi-yon namin.

Marcus: Gaya ng nabanggit mo, kulangang isa o dalawang teksto para mapatunayanang bagay na ’yan. Kaya talagang mahala-gang pag-aralan ang sinasabi ng buong Bibli-ya tungkol sa magiging kinabukasan ng ma-bubuting tao. Pero batay sa mga tekstongbinasa natin ngayon, posible bang may ilangmabubuting tao na pupunta sa langit at ma-rami ang maninirahan dito sa lupa?

Robert: Sa binasa nating mga teksto, pa-rang ganoon nga. Pero kailangan ko pangpag-isipan ’yan.

Marcus: Habang pinag-iisipan mo ’yan,baka may bumangong mga tanong sa isipmo. Halimbawa, paano naman kaya y’ongmabubuting tao na namatay na? Napunta basilang lahat sa langit? Kung hindi, nasaansila?

Robert: Magandang mga tanong ’yan.Marcus: Ganito na lang muna. Ililista ko

ang ilang teksto na may kinalaman sa pak-sang iyan para mabasa mo at mapag-isipan.�’Tapos, babalik ako para mapag-usapan natinang mga tekstong iyon. Okey ba sa ’yo?

Robert: Ayos! Maraming salamat ha.

� Tingnan ang Job 14:13-15; Juan 3:13; at Gawa 2:34.

Page 24: HIMALA - download-a.akamaihd.net

Mga

Leks

iyonK

osaB

ibliy

a

May

saki

tang

kaib

igan

niCa

leb.

Kaya

sinab

iniy

a:“A

lam

kona

ang

gaga

wink

o.

Gaga

waak

ong

sulat

para

siyaa

ysu

may

a,

PARA

SA

EDAD

3 PABABA

Page 25: HIMALA - download-a.akamaihd.net

TAG

UBI

LIN

SAM

AGU

LAN

GIp

atur

osa

iyong

anak

:Ba

hay

Mes

aCa

leb

Araw

Ibon

Puno

Ikuw

ento

saiy

ong

anak

ang

isang

kaib

igan

gm

aysa

kit,

atpa

g-us

apan

kung

paan

oni

nyo

map

asas

aya

ang

taon

giy

on.

atak

oan

gma

gbib

igay

nito!

Mag

ing

mab

aits

aiba

,at

pare

hoka

yong

sasa

ya!

1Ped

ro3:8

25

Page 26: HIMALA - download-a.akamaihd.net

26 ANG BANTAYAN ˙ AGOSTO 1, 2012

ˇ Nang makaalis ang mga Israelita saEhipto at makapasok sa ilang, inutusansila ng Diyos na gawin ang pektoral na ito.(Exodo 28:15-21) Ang pektoral ay maymga batong rubi, topacio, esmeralda, tur-kesa, safiro, jaspe, lesem, agata, amatista,crisolito, onix, at jade.� Saan kaya nakuhang mga Israelita ang gayong mahahala-gang bato?

Noong panahon ng Bibliya, napakaha-laga ng mga batong hiyas at ginagamitang mga ito sa pakikipagkalakalan. Halim-bawa, nakuha ng mga sinaunang Ehipsi-yo ang kanilang mga batong hiyas mulapa sa malalayong lugar na tinatawag nga-yong Iran, Afghanistan, at posible pangang hanggang India. Iba’t ibang maha-

� Mahirap alamin kung ano ang tawag sa mgabatong ito sa ngayon.

halagang bato ang nakuha ng mga Ehip-siyo mula sa mga minahan. Kontrolado ngmga paraon ang mga minahan sa kani-lang mga nasasakupan. Inilarawan ng pa-triyarkang si Job kung paanong ang mgakapanahon niya ay gumamit ng mga daa-nan at lagusan sa ilalim ng lupa para mag-hanap ng mga kayamanan. Partikular nabinanggit ni Job ang safiro at topacio nakabilang sa mga nahuhukay noon.—Job28:1-11, 19.

Sinasabi sa ulat ng Exodo na nang pa-palabas na ang mga Israelita sa Ehipto,“sinamsaman nila ang mga Ehipsiyo” ngmahahalagang pag-aari ng mga ito. (Exo-do 12:35, 36) Kaya posibleng sa Ehipto na-kuha ng mga Israelita ang mga batong gi-namit sa pektoral ng mataas na saserdote.

ALAM MO BA?

Saan nagmula ang mahahalagang bato sa pektoral ngmataas na saserdote ng Israel?

ˇ Sa isa sa mga talinghaga ni Jesus, bi-nanggit niya ang isang lalaki na binugbogng mga magnanakaw. Sinabi ni Jesus naang lalaki ay tinulungan ng isang Samari-tano. Tinalian nito ang kaniyang mga su-gat at binuhusan iyon ng “langis at alak.”(Lucas 10:30-34) Nang sulatan ni apostolPablo ang kaniyang kaibigang si Timoteo,pinayuhan niya ito: “Huwag ka nang umi-nom ng tubig, kundi gumamit ka ng kaun-ting alak dahil sa iyong sikmura at saiyong malimit na pagkakasakit.” (1 Timo-teo 5:23) Ang pangyayari bang binanggitni Jesus at ang ipinayo ni Pablo ay kaayonng medisina?

Inilarawan ng aklat na Ancient Wine angalak bilang “pang-alis ng kirot, pamatay-mikrobyo, at panlunas sa maraming iba

pang sakit.” Noong sinaunang panahon,ang alak ay isang pangunahing panlunasna ginamit sa Ehipto, Mesopotamia, at Sir-ya. Sinabi ng The Oxford Companion toWine na ang alak ang “pinakaunang ga-mot na naidokumento ng tao.” May kina-laman sa payo ni Pablo kay Timoteo, gani-to ang sinabi ng aklat na The Originsand Ancient History of Wine: “Ipinakita ngmga eksperimento na ang mga buhay natyphoid at iba pang mapanganib na mgamikroorganismo ay mabilis na namamataykapag inihalo sa alak.” Pinatutunayan ngmodernong pagsasaliksik na ang ilan samahigit 500 sangkap ng alak ay may gani-yang bisa at iba pang medikal na pakina-bang.

Bakit ginamit ang alak sa panggagamot noongpanahon ng Bibliya?

NIYAYAPAKAN NG MGAMANGGAGAWA ANG MGAUBAS, MULA SA LIBINGAN

NI NAKHT SA THEBES, EHIPTOGianni Dagli Orti/The Art Archive

at Art Resource, NY

Page 27: HIMALA - download-a.akamaihd.net

ANG BANTAYAN ˙ AGOSTO 1, 2012 27

“ANG tao ay nanunupil sa tao sa kaniyang ikapipin-sala.” (Eclesiastes 8:9) Ang mga salitang iyan,

na isinulat mga 3,000 taon na ang nakararaan, ay ta-mang-tamang paglalarawan sa kalagayan ng daig-dig natin sa ngayon. Ang mga tao, sinuman o taga-saan man sila, ay may tendensiyang umabuso sakapangyarihan. Kadalasan pa, binibiktima nila angmahihina at mga dukha. Ano kaya ang nadarama niJehova sa gayong kawalang-katarungan? Malala-man natin ang sagot sa Ezekiel 22:6, 7, 31.—Basahin.

Sa kaniyang Kautusan sa Israel, nilinaw ni Jehovana ang mga nasa awtoridad ay hindi kailanman da-pat umabuso sa kanilang kapangyarihan. Pagpapa-lain lang niya ang bansa kung ang mga lider nito aymakikitungo nang may kabaitan at konsiderasyon samga maralita at dukha. (Deuteronomio 27:19; 28:15, 45) Pero noong panahon ni Ezekiel, ginamit ngmga pinuno sa Jerusalem at Juda ang kanilang ka-pangyarihan sa karumal-dumal na paraan. Paano?

Ginamit ng mga pinuno ang kanilang “bisig sa la-yuning magbubo ng dugo.” (Talata 6) Ang termi-nong “bisig” ay kumakatawan sa kapangyarihan oawtoridad. Sinabi ng isa pang salin: “Ang kapangya-rihan ng bawat prinsipe ng Israel . . . ay ginagamitpara magbubo ng dugo.” Paano magkakaroon ngkatarungan kung ang mismong mga tagapagpatu-pad ng batas ay hindi sumusunod dito, anupat uma-abuso sa kapangyarihan at pumapatay ng inosen-teng mga tao?

Pagkatapos, tinuligsa rin ni Ezekiel hindi lang angmga lider, kundi pati na ang mga tumulad sa kani-lang pagsuway sa Kautusan ni Jehova. “Ang ama atang ina ay hinamak nila,” ang sabi ni Ezekiel. (Tala-ta 7) Dahil hindi nila kinilala ang posisyong ibinigayni Jehova sa mga magulang, sinira ng bayan angpundasyon ng bansa—ang matatag na pamilya.—Exodo 20:12.

Sinamantala ng mga tiwaling tao ang kahinaanng iba. Tuwing sinusuway nila ang Kautusan ngDiyos, winawalang-halaga nila ang pag-ibig sa likodnito. Halimbawa, ayon sa Kautusan ng Diyos, dapatmagpakita ang mga Israelita ng pantanging konsi-

derasyon sa mga di-Israelitang naninirahang kasa-ma nila. (Exodo 22:21; 23:9; Levitico 19:33, 34) Pero“gumawi [ang bayan] nang may pandaraya” samga naninirahang dayuhan.—Talata 7.

Minaltrato rin nila ang mga walang-kalaban-laban—“ang batang lalaking walang ama at ang ba-baing balo.” (Talata 7) Talagang pinagmamalasaki-

tan ni Jehova ang mga ulila o balo. Ipinangako ngDiyos na siya mismo ang magpaparusa sa mga uma-api sa mga ito.—Exodo 22:22-24.

Sa ganiyang paraan nilapastangan ng mga Israeli-ta noong panahon ni Ezekiel ang Kautusan ng Diyosat ang pag-ibig sa likod nito. Ano kaya ang gagawinni Jehova? “Ibubuhos ko sa kanila ang aking pagtu-ligsa,” ang pangako niya. (Talata 31) Tinupad niyaito nang hayaan niyang wasakin ng mga Babilonyoang Jerusalem at gawing bihag ang mga naninira-han dito noong 607 B.C.E.

Sa mga salita ni Ezekiel, dalawang aral ang matu-tutuhan natin tungkol kay Jehova at sa kawalang-katarungan: Una, kinapopootan ni Jehova ang ka-walang-katarungan; ikalawa, naaawa siya sa mgainosenteng biktima nito. Hindi pa rin nagbabagoang Diyos. (Malakias 3:6) Ipinangangako niyangmalapit na niyang alisin ang kawalang-katarunganat ang mga nagsasagawa nito. (Kawikaan 2:21, 22)Bakit hindi mo alamin nang higit pa ang tungkol saDiyos na “maibigin sa katarungan” at kung paano kamapapalapıt sa kaniya?—Awit 37:28.

MAGING MALAP´IT SA DIYOS

Napopoot si Jehova sa Kawalang-Katarungan

��������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

PAGBABASA NG BIBLIYA PARA SA AGOSTO:˛ Ezekiel 21-38

��������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Nilinaw ni Jehova na angmga nasa awtoridad ay hindikailanman dapat umabuso sakanilang kapangyarihan

Page 28: HIMALA - download-a.akamaihd.net

28 ANG BANTAYAN ˙ AGOSTO 1, 2012

ISANG espesyal na araw ang Marso 10, 2012 sasentrongedukasyonng mga Saksi ni Jehova sa

Patterson, New York. Libu-libong bihis-na-bihisna tao, kasama na ang mga bisita mula sa iba’tibang bansa, ang nagtipun-tiponpara dumalo sagradwasyon ng ika-132 klase ng Watchtower Bi-ble School of Gilead. Marami ang pumila sa aw-ditoryum sa Patterson; ang iba naman ay nano-odng programa sa ibangmga lokasyon sa Bethelsa pamamagitan ng hookup. Ang bilang ng lahatng dumalo ay 9,042.

Sabik na sabik ang lahat. Di-tulad ng mga kla-se noon, lahat ng magtatapos ngayon ay datinang nasa pantanging buong-panahong pagli-lingkod—mga Bethelite, special pioneer, nagla-lakbay na tagapangasiwa, o mga misyonero.Lahat sila ay ngayonpa lang nakapag-aral sa Gil-ead. Ano kaya ang sasabihin sa makaranasangmga estudyanteng ito?

Hindi nanaghintay nang matagal ang mga ta-gapakinig. Si Gerrit Losch, miyembro ng Lu-pongTagapamahala ng mga Saksi ni Jehova, angchairman ng programa at ang bumigkas ngunang pahayag. Itinanong niya, “Tagapagtang-gol Ka Ba?” Ipinaliwanag niya na ang mga Kris-tiyano ay mga tagapagtanggol ng katotohanan,anupat ipinagtatanggol ang lahat ng turongKristiyano. Ang pagtataguyod sa katotohanan ayhindi lang pagtuturo sa mga tao ng katotoha-nan, kundi pagtulong din sa kanila na ibigin ito.

“Paano natin natitiyak na taglay natin ang ka-totohanan?” ang tanong ni Brother Losch. Sina-bi niyang ang basehan nito ay hindi ang daming tumatanggap sa katotohanan. Bagaman mil-yun-milyon sa ngayon ang tumatanggap sa tu-nay na pagsamba, iilan lamang ang tumanggapdito noong Pentecostes 33 C.E. Binanggit niyaang limang basehan kung bakit natin natitiyakna taglay natin ang katotohanan: (1) Patuloy na-ting sinusunod ang turo ni Jesus, (2) iniibig na-

tin ang isa’t isa, (3) nanghahawakan tayo samatataas na moral na pamantayan ng Diyos,(4) nananatili tayong neutral sa mga usapin sasanlibutang ito, at (5) taglay natin ang pangalanng Diyos.

“Patuloy na Sumunod sa mga Tagubilin”Nagtaka ang mga tagapakinig nang makita ni-

lang may dalang maleta ang susunod na taga-pagsalita na siGeoffrey JacksonngLupong Taga-pamahala. Ang pamagat ng kaniyang pahayagay “Patuloy na Sumunod sa mga Tagubilin,” ba-tay sa Isaias 50:5. Bilang hula tungkol kay Jesu-Kristo, sinasabi ng tekstong ito: “Ako, sa ganangakin, ay hindi naging mapaghimagsik. Hindiako bumaling sa kabilang direksiyon.”

Hinimok ni Brother Jackson ang mga estu-dyante na maging alisto sa tagubiling ibinibigayni Jehova sa pamamagitanng kaniyang banal naespiritu, Bibliya, at organisasyon. Sa talinghagatungkol sa mga talento na nakaulat sa Mateo 25:14-30, ang bawat alipin ay masasabing naka-tanggap ng parehong halaga dahil ibinatay sakanilang kakayahan ang natanggap nila. Inaasa-hang gagawin nila ang kanilang pinakamabuti.Pinapurihan ang dalawang alipin at tinawag na“mabuti at tapat.”Ang katapatan ay hindi naka-depende sa mga resulta, kundi sa patuloy napagsunod sa mga tagubilin.

Ang ikatlong alipin ay tinawag na “balakyot atmakupad” at ‘walang-kabuluhan.’ Bakit? Ibina-on niya sa lupa ang kaniyang mga talento. Angisang talento ay hindi isang barya. Ito ay isangyunit ng timbangna katumbasng 6,000 denarioat may bigat na mga 20 kilo. Halos kasimbigatiyan ng maletang puwedeng dalhin ng isangmaglalakbay sa ibang bansa. Hindi madalingmagbaon ng kasinlaki ng isang maleta. Kayamay ginawa naman ang alipin—ibinaon niyaang talento—pero hindi iyan ang itinagubilin sa

ANG IKA-132 GRADWASYON NG GILEAD

Mga Tagapagtanggolng Katotohanan

Page 29: HIMALA - download-a.akamaihd.net

ANG BANTAYAN ˙ AGOSTO 1, 2012 29

kaniya. Sa katulad na paraan, maaaring abalaang isang misyonero—pero abala saan? Sa pag-gawa ng mahahabang sulat, pag-i-Internet, pa-kikipagkuwentuhan, o pagnenegosyo? Maaarisiyang mapagod nang husto sa paggawang gani-yang mga bagay sa buong araw, pero hindi niyanagawa ang itinagubilin sa kaniya. Sinabi niBrother Jackson bilang pagtatapos: “Laging su-munod sa tagubilin!”

“Huwag Mag-alinlangan kay Jehova”Iyan ang tema ng pahayag ni Anthony Morris

ng Lupong Tagapamahala. “Hindi kailanmanpi-nag-ugnay ng Bibliya ang pananampalataya atang pag-aalinlangan,” ang sabi niya. “Itinata-boy ng pananampalataya ang pag-aalinlangan.”Nagtagumpay si Satanas sa paghahasik ng pag-aalinlangan sa isip ng perpektong babaing siEva, kaya maaari din niyang magawa iyan saatin. “Palakasin ninyo ang inyong pananampa-lataya, at tuluyang mawawala ang inyong mgapag-aalinlangan,” ang sabi ni Brother Morris. Bi-nanggit niya ang ulat tungkol kay Pedro na “lu-makad sa ibabaw ng tubig,” pero “nang makitaang buhawi” ay natakot at nagsimulang lumu-bog.Nang mahawakanni Jesus ang kamay ni Pe-dro, sinabi ni Jesus: “Bakit ka nagbigay-daan sapag-aalinlangan?” (Mateo 14:29-31) “Habangabalang-abala kayong mga misyonero sa inyongbuong-panahong paglilingkod, maaaring hu-manga ang iba sa lahat ng inyong ginagawa napara bang kayo ay naglalakad sa ibabaw ng tu-big, pero kapag may dumating na bagyo, huwagmagbigay-daan sa pag-aalinlangan.”

Bilang pagpapatuloy, sinabi ni Brother Morrisna dumanas man tayo ng tulad-bagyong proble-ma, unti-unti ring huhupa ang malakas na ha-ngin. Kapag maraming hamon sa buhay, pina-yuhan niya ang mga estudyante na alalahaninang ginawa nina Pablo at Silas nang makulongsila sa Filipos. Sinasabi sa Gawa 16:25: “Nangbandang kalagitnaan ng gabi sina Pablo at Silasay nananalangin at pumupuri sa Diyos sa pama-magitan ng awit; oo, naririnig sila ng mga bi-langgo.” Pansinin: Hindi lang sila nanalangin,umawit din sila. Malakas ang pag-awit nila, anu-pat narinig ito ng ibang mga bilanggo. Karami-

han sa atin, ang sabi ni Brother Morris, ay hindinaman marunong kumanta, pero hindi tayodapat mahiyang kumanta lalo na kapag maypinagdaraanang problema. Tinapos ni Broth-er Morris ang kaniyang pahayag sa pamamagi-tan ng pagbasa sa liriko ng Awit bilang 135,“Magbata Hanggang sa Wakas,” sa aklat-awitangUmawit kay Jehova.

Iba Pang Nakapagpapatibay na Pahayag“Iniibig Mo ba ang Sapat na Dami ng mga

Araw?” ang pamagat ng pahayag ni Robert Luc-cioni ng Purchasing Department. Ang tema aymula sa mga salita ni Haring David sa Awit34:12. Tinalakay ni Brother Luccioni kung paa-no mahaharap ang mga problema at kasabaynito ay mapananatili ang mabuting kaugnayankay Jehova. Maraming aral ang mapupulot saulat ng 1 Samuel kabanata 30. Habang si David,ang kaniyang mga tauhan, at kani-kanilang pa-milya ay tumatakas mula kay Haring Saul, nana-tili muna sila sa Ziklag. Nang bihagin ng mgamanlulusob na Amalekita ang kanilang mga pa-milya, sinisi ng kaniyang mga tauhan si David atgusto nila siyang batuhin. Ano ang reaksiyon niDavid? Sa halip na masiraan ng loob, “pinatibayni David ang kaniyang sarili sa pamamagitan niJehova na kaniyang Diyos.” (1 Samuel 30:6) Hu-miling siya ng tagubilin kay Jehova, kumilosayon sa tagubilin ng Diyos, at iniligtas ang mgabihag. Tiniyak ng tagapagsalita sa mga estu-dyante na kung magtitiwala rin sila kay Jehovaat susunod sa kaniyang mga tagubilin, iibiginnila ang sapat na dami ng mga araw. Masisiya-han sila sa buhay dahil sa napakahalagang pribi-lehiyong taglay nila.

“Panatilihing Nauuna ang Inyong mga Matasa mga Pagbabantay sa Gabi” ang tema ng pa-hayag ni Michael Burnett, isa sa mga instruktorsa Gilead. Hinahati ng mga Israelita ang gabi,mula sa paglubog hanggang sa pagsikat ng araw,sa tatlong pagbabantay na may tig-aapat naoras. Ang pinakahuli, mula 2:00 n.u. hanggang6:00 n.u., ang pinakamadilim, pinakamalamig,at pinakanakakaantok. Sa panahong ito ng pag-babantay, pinupuno ng salmista ang kaniyangisipan ng mga salita ni Jehova para hindi siya

Page 30: HIMALA - download-a.akamaihd.net

30 ANG BANTAYAN ˙ AGOSTO 1, 2012

makatulog. (Awit 119:148) “Kailangan ninyongmaging mapagbantay,” ang sabi ni Brother Bur-nett sa mga estudyante. “Makararanas din kayong madidilim na panahon sa inyong buhay atmakikita ang mga epekto ng malamig at salat-sa-pag-ibig na daigdig na ito. Kailangan ninyongmaging handa.” Pagkatapos, ipinaalaala niya sakanila na dapat nilang ipagpatuloy ang malalimat detalyadongpag-aaral ngmga paksa sa Bibliyapara manatili silang mapagbantay. Nagpatuloypa si Brother Burnett: “Araw-araw, nananalanginkayo kay Jehova dahil gusto ninyong maging ka-ibigan siya. Kaya bilang inyong kaibigan, haya-an ninyong kausapin kayo ni Jehova araw-arawsa pamamagitan ng mga pahina ng Bibliya. Ma-lalimna ang gabi, kaya planuhinkung paano ga-gamitin ang inyong panahon. Sa gayong paraan,mapananatili ninyong nauuna ang inyong mgamata sa mga pagbabantay sa gabi.”

“Sinanay Para sa mga Gawain,” batay sa 1 Pe-dro 5:10, ang tema ni Mark Noumair, isa panginstruktor sa Gilead. Itinanong niya sa mga estu-dyante: “Makaranasan na kayong mga ministro,pero bakit kaya kayo inanyayahan sa Watchtow-er Educational Center?” Ang sagot: “Dahil kayoay mga propesyonal na sa inyong gawain. Mara-ming propesyonal ang nag-o-off sa trabaho paramag-aral at mapahusay ang kanilang mga kaka-yahan. Sa nakalipas na limang buwan, ‘pinata-tag’ at ‘pinalakas’ kayo ni Jehova sa pamamagi-tanngpuspusangpag-aaral ng kaniyang Salita atorganisasyonpara maisabalikat ninyo ang mabi-bigat na pananagutang maaaring ibigay sa inyo.Ang matitibay na kahoy ay hindi madaling ma-baluktot, mapilipit, o maputol. Makikita ang re-sulta ng inyong pagsasanay habang gumagawakayongkasamang mgakapatid.Dahil ba sa pres-sure ay lilihis na kayo sa makadiyos na mga si-mulain o mananatili kayong matatag at nakaa-yon sa mga natutuhan ninyo sa Salita ng Diyos?Matibay ang isang bagay kung kaya nitong mag-dala ng mabigat. Ang tibay ng mga kahoy ay na-kadepende sa masinsing pagkakaayos ng mgahilatsa nito. Sa katulad na paraan, ang inyong la-kas ay nakadepende sa kung ano talaga ang in-yong pagkatao. Dinala kayo ni Jehova rito para

maging malakas, maaasahan, at mapagkakati-walaanpara sa mga gawain. Ginawa na ng Diyosang bahagi niya. Kaya dalangin namin na maga-wa ninyo ang inyong bahagi at hayaang tapusinng inyong ‘Dakilang Tagapagturo’ ang pagsasa-nay sa inyo.”

Mga Karanasan at InterbyuGaya rin ng dati, nakatutuwang marinig ang

karanasan ng mga estudyante. Sa isang bahaging programa, isinadula ng mga estudyante angkamakailan nilang karanasan sa pangangaral.Halimbawa, nang papunta sa Gilead School,naghintay ng mahigit anim na oras sa airportang isang mag-asawang Pranses. Sa isang restau-rant sa airport, kinausap nila ang dalawang la-laki na naghihintay rin. Nang sabihin ng isana taga-Malawi siya, kinausap nila siya sa wi-kang Chichewa.Nagulat ang lalaki at nagtanongkung paano sila natuto ng kaniyang wika. Sinabinilang mga misyonero sila sa Malawi. Nang sabi-hin naman ng isa pang lalaki na taga-Cameroonsiya, kinausap nila siya sa wikang Pranses. Mata-as ang tingin ng dalawang lalaki sa mga Saksi niJehova, at nangaral sa kanila ang mga misyo-nero.

Si Nicholas Ahladis ng Translation Services aynag-interbyu naman ng dalawang mag-asawangestudyante. Ang isa ay mga taga-Australia na mi-syonero sa East Timor, kung saan laging maydigmaan. Ang isa naman ay mga taga-Korea nanaglilingkod sa Hong Kong. Pareho silang nasa-sabik na bumalik sa kani-kanilang teritoryo paramaikapit ang kanilang natutuhan sa paaralan.

Pagkatapos maibigay ang mga diploma, isangestudyante ang kumatawan sa buong klase parabasahin ang liham ng pasasalamat sa pagtutu-rong tinanggap nila. Bilang pagtatapos, guma-mit si Brother Losch ng ilang magagandang pa-nanalita, anupat sinabi niyang ang katotohananay singganda ng bahaghari, tulad ng oasis sa di-syerto, at tulad ng angkla sa maunos na dagat.“Talagang isang pagpapala na malaman ang ka-totohanan,” ang sabi niya. “Maging tagapag-tanggol ng katotohanan, at tulungan ang iba namaging gayon din.”

Page 31: HIMALA - download-a.akamaihd.net

Sa talaan sa ibaba, ang mga hanay ay nilagyan ng bilang mula sa unahan patungo sa likuran, at itinala angmga pangalan mula sa kaliwa pakanan sa bawat hanay.(1) Iap, R.; Iap, J.; Ng, T.; Ng, P.; Laurino, F.; Laurino, B.; Won, S.; Won, S.(2) Morales, N.; Morales, M.; Zanutto, J.; Zanutto, M.; Rumph, I.; Rumph, J.; Germain, D.; Germain, N.(3) Atchade, Y.; Atchade, Y.; Thomas, C.; Thomas, E.; Estigene, C.; Estigene, P.(4) Ehrman, D.; Ehrman, A.; Bray, J.; Bray, A.; Amorim, M.; Amorim, D.; Seo, Y.; Seo, Y.(5) Simon, J.; Simon, C.; Seale, C.; Seale, D.; Erickson, J.; Erickson, R.(6) McCluskey, D.; McCluskey, T.; Brown, A.; Brown, V.; Mariano, D.; Mariano, C.; Loyola, Y.; Loyola, C.(7) Rutgers, P.; Rutgers, N.; Foucault, P.; Foucault, C.; Wunjah, J.; Wunjah, E.

Ang Ika-132 Klase na Nagtapos sa Watchtower Bible School of Gilead

ESTADISTIKA NG KLASE12 bansa ang may kinatawan36 katamtamang edad20 katamtamang taon mula

nang mabautismuhan15 katamtamang taon sa

buong-panahong ministeryo

Inatasan ang klase sa mga bansang nasa ibaba:

AO TOM´

EAND PR

´INCIPE

OTE D’IVOIRE

SAMOA

LIBERIA

BELIZE

PERU

GABON

BENIN

MALAWI EAST TIMOR

GUINEA

GEORGIA

CAPE VERDE

ZIMBABWE

DOMINICANREPUBLIC

ECUADOR

CAMBODIA

HONG KONG

MADAGASCAR

CAMEROON

UNITED STATESOF AMERICA

MGA ATAS NG KLASE

Page 32: HIMALA - download-a.akamaihd.net

Kahit napakaraming problema sa daigdig ngayon, puwede ka pa ring maging maligaya sa tulong ng tumpak nakaalaman sa Bibliya tungkol sa Diyos, sa kaniyang Kaharian, at sa kaniyang napakagandang layunin para sa mgatao. Kung nais mo ng higit pang impormasyon o gusto mong may dumalaw sa iyo para magdaos ng libreng pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, PO Box 2044, 1060 Manila, o sa isa sa mga adres sa pahina 4.

Makatuwiran bang maniwala sa mga himala?TINGNAN ANG PAHINA 4-8.

Ano ang tingin ng Diyos sa gumagamit ngtabako? TINGNAN ANG PAHINA 15.

Kailan naging Hari si Jesus?TINGNAN ANG PAHINA 16-17.

Lahat ba ng mabubuting tao ay pupunta sa langit?TINGNAN ANG PAHINA 21-23.

Paano mo matutulungan ang iyong anak namaging mabait sa iba? TINGNAN ANG PAHINA 24-25.

www.jw.org wp12 08/01-TG

Gusto mo bang may dumalaw sa iyo?