i say no to p116m budget cuts in msu-iit!

26
Ang P116,442,000 Kaltas: Dahilan Kung Bakit Kailangang Tutulan ang Budget Cut sa MSU- IIT Kritik sa budget cut ng alyansang MSU-IIT Barog na Batok sa Budget Cuts' or Barog Na IIT!

Upload: lfs-iit

Post on 12-Apr-2017

407 views

Category:

Documents


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!

Ang P116,442,000 Kaltas: Dahilan Kung Bakit Kailangang Tutulan ang Budget Cut sa MSU-IITKritik sa budget cut ng alyansang MSU-IIT Barog na Batok sa Budget Cuts' or

Barog Na IIT!

Page 2: I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!

Ano at bakit may Budget Cuts?

Ang budget cut ay ang sistematikong pagkakaltas ng budget ng gobyerno mula sa orihinal at kasalukuyang badyet ng mga ahensiya nito kagaya nang Department of Education (DepEp), Department of Health (DOH), Commission on Higher Education (CHED), at iba pa.

Page 3: I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!

Table 1: By Sector Budget Allocation in 2013 at 2014

SektorBudget level

Growth Rate2013 2014

Social Service P699,441,000,000 P842,805,000,000 20%

Economic Service P509,191,000,000 P590,220,000,000 16%

General Public Services P347,327,000,000 P364,523,000,000 5%

Debt Service P333,902,000,000 P352,652,000,000 6%

Defense P89,589,000,000 P92,850,000,000 4%

Net Lending P26,500,000,000 P24,950,000,000 -6%

Source:

Page 4: I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!

Apektado ba ang MSU-IIT sa Panukalang Budget Cut sa 2014?

Sa kabila ng sinasabing pagtaas sa panukalang badyet para sa mga SUC—1.6 bilyong dagdag sa badyet sa taong 2012, mula sa 32.8 bilyon tungong 34.7 bilyon sa taong 2013—nakaambang makararanas ng malalaking kaltas sa badyet ang mga SUC sa 2014 at susunod pang mga taon.

Page 5: I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!

Table 3: Sampung Unibersidad na Posibleng Makaltasan ng Budget sa 2014

  State University/College Proposed Cut

1 University of the Philippines P1,431,172,0002 Mindanao State University P829,732,0003 MSU- IlIgan Institute of Technology P116,442,0004 Isabela State University P77, 241,0005 MSU- Tawi-Tawi College of Technology and Oceanography P57,610,000

6 Palawan State University P36,541,0007 Negros Oriental State University P31,411,0008 Western Visayas College of Science and Technology P30,850,000

9 Leyte Normal University P30,677,00010 Benguet State University P29,907,000

Source: CHED, kinopya mula sa KABATAANPARTYLIST.COM

Page 6: I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!

Table 4: Budget na natanggap ng MSU-IIT mula sa gobyerno

Taon Personnel Services RLIP MOOE CO Total

2011 P380,381,393 P36,521,090 P62,966,000   P479, 868, 483

2012 P336,709,000 P32,597,000 P58,315,000   P425, 621, 000

2013 P427,047,000 P42,432,000 P102,119,000 P150,000,000 P764, 030, 000

Proposed 2014 P419,161,000   P143,563,000   *P562,724,00

0

Source: DBM.GOV.PH

Page 7: I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!

Table 6: Comparative: Budget request ng MSU-IIT vs Aktwal na inaprubahan ng DBM.

Taon Panukalang budget ng IIT

IIbinigay na alokasyon ng gobyerno

Diperensya ng ibinigay na alokasyon

ng gobyerno sa panukalang budget

ng IIT

2011 P444,460,000 P479,868,483 P35,408,483

2012 P756,804,000 P395,024,000 P361,780,000

2013   P679,166,000  

2014(Proposed) P1,105,112,000 P562,724,000 P542,388,000

Page 8: I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!

Ano ang implikasyon ng panukalang kaltas na ito?

Ang muling panukalang pagkakaltas sa budget ng MSU-IIT ay magsasantabi ng pagsasaayos ng mga pasilidad, magbibinbin sa mga pagpapatayo ng mga bagong imprastraktura at maraming iba pa.

• Ang panukalang budget cuts ay mangangahulugan ng dagdag pasanin ng mga estudyante at mga magulang na mamumulubi sa dami ng IGPs.

Page 9: I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!

Halimbawa ng mga implikasyon at IGPs:

Magtataas ang matrikula at iba pang mga bayarin sa paaralan, (Laboratory Fees, Utility Rentals at iba pa)

Dadami ang mga babayarang ‘requirements’, at posibleng pagtaas pa ulit ng mga halaga nito:

Workbooks, na mula taong 2011 umabot sa mahigit P200 bawat piraso, tumaas pa ito sa P350 ngayong 2013. Idagdag pa ang Laboratory Manuals na nasa P200 mahigit na bawat isa.

Page 10: I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!

Halimbawa ng mga implikasyon at IGPs:

▪ P.E. Books. Ang pagbigay ng last priority sa badyet para sa PE department ang nagtulak sa mga guro na gumawa ng IGP tulad nito upang masustena ang pangangailangan nila sa pagbili ng equipments.

▪ Cultural Tickets (at marami pang ibang compulsory tickets)– maiiwasan sana ang pagbabayad ito kung suportado ng gobyerno ang cultural development ng pamantasan.

▪ Papapasukin ang mga negosyo sa MSU-IIT para mapagkukunan ng kita sa space rental (tulad ng Dunkin Donuts at iba pa). At maaaring tumaas ang bayarin ng mga maliliit na negosyante sa renta ng espasyo sa loob ng IIT, na magreresulta rin sa pagtaas ng mga bilihin.

 

Page 11: I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!

Ano ang Roadmap to Public Higher Education Reform (RPHER) at ano ang basehan sa pagkakaltas ng pondo sa mga State Colleges and Universities (SUCs)?

Sa ilalim ng repormang ito, layon ng pamahalaan na i-rationalize at ipasabalikat sa mga SUCs ang gastusin ng mga ito upang mabawasan ang pag-asa sa pondong ibinibigay ng gobyerno.

Binibigyag diin sa RPHER na ang mga ‘top performing Universities and Colleges’ lamang ang paglalaanan nito ng malaki-laking pondo para sa edukasyon. Ang sistemang ito kung saan “performance” ang pinagbabasehan ng pagbibigay ng budget sa mga SUC ay tinatawag na “Normative Funding”.

Page 12: I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!

Ano ang Roadmap to Public Higher Education Reform (RPHER) at ano ang basehan sa pagkakaltas ng pondo sa mga State Colleges and Universities (SUCs)?

Tunguhin kasi ng RPHER na itulak ang mga SUCs na magsagawa mga programang mapagkakakitaan o mga income-generating projects (IGPs) upang matustusan ang pangangailangan ng kanya-kanyang unibersidad.

Sa harap ng pagtaas nga bayarin at komersyalisasyon, malalabag ang nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas:

Page 13: I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!

Ano ang Roadmap to Public Higher Education Reform (RPHER) at ano ang basehan sa pagkakaltas ng pondo sa mga State Colleges and Universities (SUCs)?

“The State shall protect and promote the right of all citizens to quality education at all levels, and shall take appropriate steps to make such education accessible to all.”

--The Constitution of Philippines Adopted 15 October 1986, amended 1987, EDUCATION, Section 1

Page 14: I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!
Page 15: I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!

Bakit kailangang tutulan ang budget cuts sa MSU-IIT at sa lahat ng mga SUCs?

Ang nakaambang budget cut sa MSU-IIT ay napakalaking pasanin para sa mga estudyante at mga magulang nito. Higit na magiging talamak ang paglitaw ng mga IGPs.

Magbubunsod ito ng pagtaas ng bilang ng drop-outs.

Taon 1ST Semester 2nd Semester Bilang ng drop-outs

2010 12,203 11,279 924

2011 12,157 11,245 912

2012 12,630 11,578 872

Table 5: Bilang ng drop-out sa MSU-IIT*Mula sa Office of the Registrar, MSU-IIT

Page 16: I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!

Results of the Commercialization on Education73%- students who were forced to stop studying due

to the annual tuition and other fee increases22%- survival rateOut of: 100 –grade 1 pupils (34 drop-outs) 66 –manage to graduate in grade 6 (8 out of school

youth) 58 -enroll in high school (15 drop-outs) 43 – manage to graduate in high school (20 out of

school youth) 23 –enroll in college (9 drop-outs) 14 –manage to graduate in college

Page 17: I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!

Kung paano inubos ng pork barrel ang budget para sa edukasyon

Tinitipid tayo ng gobyerno, habang mapalaking pondo ang napupunta sa korapsyon dahil sa sistemang pork barrel (Priority Development Assistance Fund (PDAF)/Pork Barrel na ipinamumudmod ng pamahalaan sa mga kongresista, mga Senador at sa Special Presidential Fund (SPF) ng Pangulo na nailantad kamakailan lamang.

Page 18: I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!

Ayon sa data ng Commission on Audit, lumalabas na may 5 senador ang nasangkot sa pork barrel scam.

▪ Sen. Bong Revilla na may ₱ 1.015 bilyong piso▪ Juan Ponce Enrile, ₱641.65M▪ Jinggoy Estrada, ₱585 M▪ Bongbong Marcos, ₱100 M▪ Gringo Honasan, ₱15 milyong piso

Hindi lamang ang mga senador at kongresista ang nakikinabang kundi pati narin ang pagpapakasasa sa pera ng bayan ng kakutsaba nilang si Janet Napoles at ang kanyang pamilya.

Page 19: I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!

Paano kung direktang ilalan sa mga serbisyo-sosyal, partikular sa mga SUC tulad ng IIT ang pondong inilalan sa PDAF?

Paano kung, ang budget sa PDAF ng mga kongresita, mga senador, at ng Presidente; isama na rin natin ang P10 bilyong halaga na nakuha ni Napoles, ay direktang inilaan na lamang sa pagdaragdag nang budget para sa serbisyo sosyal at sa edukasyon, partikular sa mga SUC?

Page 20: I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!

• Wala ng proproblemahin ang 12,000 estudyante ng IIT na gastos para sa matrikula, college assessment fee, department assessment fee, college shirt, department shirt, bayarin sa laboratoryo, pasilidad, manuals at workbooks. Magiging libre ang mahigit 12,000 na mga estudyante sa IIT mula sa mga gastusing ito sa loob ng pitong taon sa kabuuang halaga na P754, 222, 000.• Maibibigay ng gobyerno ang hustong alokasyong hinihingi ng MSU-IIT para sa PS, MOOE, CO.

• Magiging sapat ang pasweldo para sa 501 faculty members at 344 iba pang empleyado.

• Makabibili ng 12,000 bagong upuan ang IIT at makakapatayo rin ng tatlong research center/building.

Page 21: I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!

Kapag pinagsama-sama natin ang lahat ng posibleng magagastos ng MSU-IIT:

Bayarin sa Matrikula at iba pa(7 taon)

P754, 222, 000 

CO, MOOE at PS P2,210,224,000 

Pasahod(Isang taon) P1,865,520,000 

3 bagong gusali at mga upuan

P305,070,400

KABUUAN: P5,135,036,400

Page 22: I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!

Ano ang ating panawagan?

a.) Ibigay ang karampatang pondong hinihingi ng MSU-IIT para sa 2014 at sa mga susunod pang mga taon, at dagdagan ito batay sa aktwal na pangangailangan. 

b.) Wakasan ang sistematikong pagkakaltas sa taunang badyet ng mga SUCs, ipatupad ang paglalaan ng pondong 6% para sa edukasyon na nakasaad sa saligang batas. 

c.) Itigil ang sistemang pork barrel ng Pangulo at mga Kongresista na nagbibigay daan sa sistematikong korapsyon at patronage politics, ilaan ang ponding ito para sa edukasyon at iba pang serbisyo-sosyal.

Page 23: I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!

Ano ang nararapat gawin?

Dapat pigilan ng nagkakaisang lakas ng MSU-IIT community—mga estudyante, mga guro at non-teaching personnel, administrasyon, mga maliliit na negosyante sa loob ng pamantasan at iba pang sector na apektado—ang panukalang budget cut para sa 2014 at sa mga susunod pang taon.  

Page 24: I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!

Paano ito gagawin?

Imulat at ipaintindi sa nakararaming estudyante, magulang, faculty, staff at sa lahat ng kabilang sa MSU-IIT ang isyu ng budget cut at ang pagpapahirap na dulot nito.

Itayo natin ang alyansang MSU-IIT Barog na

Batok sa Budget Cuts o (Barog_Na_IIT) upang pag-isahin ang ating boses at paninindigan laban budget cuts at sa sistematikong pag-atake sa ating mga karapatan sa edukasyon.

Page 25: I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!

Sa pamamagitan ng alayansang Barog_Na_IIT, pakikilusin natin ang pinakamalawak na hanay ng mga mag-aaral, guro, administrador, maliliit na mga manininda at mga magulang laban sa budget cut, para sa karapatan sa edukasyon, at laban sa komersyalisasyon.

Ang MSU-IIT BArog na Batok sa Budget Cuts o Barog_Na_IIT ay nakatakdang maging malawak na alyansa ng mga mag-aaral, faculty and non-teaching personnel, administrasyon at mga maliliit na manininda sa loob ng pamantasan na naglalayong labanan ang nakaambang P116.142M panukalang budget cut sa MSU-IIT sa taong 2014 at sa susunod pang mga taon.

Page 26: I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!