ibat ibang mukha ng progreso

34
Inihanda ni: Francis osias g. silao Araling Panlipunan VII

Upload: francis-osias-silao

Post on 23-Jun-2015

15.123 views

Category:

Education


0 download

DESCRIPTION

MODYUL SA PAGKATUTO Pangkalahatang Ideya Nakitaninyo sa sinundang aralin na dahil sa mga patakarangpananakop ay naglunsad ng mga pag-aalsa ang mga Pilipino sa iba-ibang isla.Bukod sa mga pangyayaring itomula sa ika-16 na siglo ay dumami at lumawak ang mga pagbabago sa ika-19 na siglo. Pinayagan, halimbawa, ng gobyernong Espanyol ang mga Ingles at iba pang dayuhang mangangalakal na magtayo ng kumpanya at industriya sa iba-ibang parte ng Pilipinas, matapos tumigil ang kalakalang galleonnoong 1815. Nadebelop ang mga produktong pang-eksport katulad ng asukal, abaka at tabako, at naitayo ang unang bangko, ang Banco EspañolFilipino, noong 1851.Sa madaling salita, makikita sa kolonya ang mga tanda ng progreso sa ika-19 na siglo, kasama ang tren at iba pang modernong pasilidad. Sa kontekstong ito ay umusbong ang iba-ibang pagtingin sa progreso at kung paano isusulong ang Pilipinas. Alalahanin na ang mga kolonyang Espanyol sa Latin Amerika ay halos nakalaya na, samantalang hawak pa ng Espanya ang kanyang mga kolonya sa Pilipinas, Puerto Rico at Cuba. Sa modyul na ito tatlong perspektibo ang ilalahad: kay Sinibaldo de Mas, isang Espanyol na administrador; Gregorio Sancianco, isa sa mga unang Pilipinong nag-aral sa Espanya; at Juan Luna, Pilipinong pintor na hanggang ngayon ay kinikilalang isa sa pinakamahusay sa bansa. Importanteng maunawaan ang mga ideya nila ukol sa progreso dahil nagbigay daano nakaapekto ang mga ito sa mga layunin at kaisipan ng kilusang reporma napinangunahan nina Jose Rizal at Marcelo H. del Pilar. Layunin, Tema at Pamantayan sa Pagkatuto Nilalayong ipakilala ng modyul ang mga sumusunod: • Kahulugan ng primarya at sekundaryang sanggunian • Pagkakaiba at limitasyon ng mga uri ng sanggunian • Kaugnayan at kahalagahan ng primaryang sanggunian sa sariling buhay at sa kasaysayan Kaugnay ng mga paksang ito ang dalawang tema ng kurikulum sa Araling Panlipunan: Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago; at Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa. Layunin, Tema at Kakayahan Layunin ng modyul na maunawaan ang mga ideya ng progreso o pagunlad mula sa iba’t ibang pananaw—ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba— base sa mga nakasulat at biswal na sanggunian. Bibigyang interpretasyon ang mga pananaw nina Sinibaldo de Mas, Gregorio Sancianco at Juan Luna, at ilalahad ang mga ito sa isang talumpati matapos suriin ang kanilang mga akda. Itong mga paksa ay kaugnay sa sumusunod na tema ng Araling Panlipunan. • Tao, Lipunan at Kapaligiran • Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago • Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahal • Produksyon, Distribusyon at Pagkonsumo • Nakababasa sa mapanuring pamamaraan upang maunawaan ang historikal na konteksto ng sanggunian at ang motibo at pananaw ng mayakda • Nakikilala ang historikal na perspektibo ng awtor o manlilikha

TRANSCRIPT

Page 1: Ibat ibang mukha ng progreso

Inihanda ni:

Francis osias g. silao Araling Panlipunan VII

Page 2: Ibat ibang mukha ng progreso

Iba-IbangMukhang Progreso

1. Ang ideya ng progreso sa kasalukuyan2. Pagsuri sa mga ideya ng progreso sa siglo 193. Tatlong mukha ng progreso: Sinibaldo de Mas, Gregorio Sancianco, at Juan Luna

Tatalakayin sa mudyol na ito ang mga sumusunod

Page 3: Ibat ibang mukha ng progreso

Pangkalahatang Ideya • Nakitaninyo sa sinundang aralin na dahil sa mga

patakarangpananakop ay naglunsad ng mga pag-aalsa ang mga Pilipino sa iba-ibang isla.Bukod sa mga pangyayaring itomula sa ika-16 na siglo ay dumami at lumawak ang mga pagbabago sa ika-19 na siglo. Pinayagan, halimbawa, ng gobyernong Espanyol ang mga Ingles at iba pang dayuhang mangangalakal na magtayo ng kumpanya at industriya sa iba-ibang parte ng Pilipinas, matapos tumigil ang kalakalang galleonnoong 1815. Nadebelop ang mga produktong pang-eksport katulad ng asukal, abaka at tabako, at naitayo ang unang bangko, ang Banco EspañolFilipino, noong 1851. Sa madaling salita, makikita sa kolonya ang mga tanda ng progreso sa ika-19 na siglo, kasama ang tren at iba pang modernong pasilidad.

Page 4: Ibat ibang mukha ng progreso

Pangkalahatang Ideya • Sa kontekstong ito ay umusbong ang iba-ibang pagtingin sa

progreso at kung paano isusulong ang Pilipinas. Alalahanin na ang mga kolonyang Espanyol sa Latin Amerika ay halos nakalaya na, samantalang hawak pa ng Espanya ang kanyang mga kolonya sa Pilipinas, Puerto Rico at Cuba. Sa modyul na ito tatlong perspektibo ang ilalahad: kay Sinibaldo de Mas, isang Espanyol na administrador; Gregorio Sancianco, isa sa mga unang Pilipinong nag-aral sa Espanya; at Juan Luna, Pilipinong pintor na hanggang ngayon ay kinikilalang isa sa pinakamahusay sa bansa. Importanteng maunawaan ang mga ideya nila ukol sa progreso dahil nagbigay daano nakaapekto ang mga ito sa mga layunin at kaisipan ng kilusang reporma napinangunahan ninaJose Rizal at Marcelo H. delPilar.

Page 5: Ibat ibang mukha ng progreso

Ang Ideya ng Progreso sa Kasalukuyan

• Paano ba natin masasabing may progreso?• Kapag may pagbabago bang

naganap ay maituturing na itong progreso? • Para kanino ang progreso?

Page 6: Ibat ibang mukha ng progreso

Sasagutin natin ang mga katanongang ito sa pamamagitan ng Concept Map

• Progreso sabahay • Progreso sa paaralan • Progreso sa probinsya • Progreso sa bansang Pilipinas • Progreso sa mundo

Page 7: Ibat ibang mukha ng progreso

Progreso sa bahay

Mas malaking bahay para sa

pamilya

Mga appliance at iba pang mga

gadget

Pagpasok ng isang kapatid sa

mataas na paaralan o

kolehiyo

Makakukuha ng trabaho matapos

ng pag-aaral at makatutulong sa

sarili at sa pamilya

Gagaan at bibilis ang gawaing

bahay

Mas madaling gawin ang mga

trabaho sa bahay dahil may lugar

na

PROGRESO

Tanda ng Progreso Pakinabang

Page 8: Ibat ibang mukha ng progreso

Progreso sa paaralan

Malaking silidaklatan na may

maraming libro

Computer sa mga silid-aralan

Internet na pasilidad

Magkakaroon ng isa pang paraan ng pagkatuto at

bibilis ang komunikasyon

Dadali ang proseso ng

pagaaral; mas maraming magagawa

Lalawak ang pagkatuto ng mga

mag-aaral

PROGRESO

Tanda ng Progreso Pakinabang

Page 9: Ibat ibang mukha ng progreso

Progreso sa probinsiya

Mga daan at tulay

Modernongospital

Industriya at pagawaan

Magkakaroon ng trabaho ang mga

tao sa lugar

Gaganda ang kalusugan ng

mamamayan at komunidad

Magiging mas mabilis ang

biyahe, mararating ang

iba pang lugar, at menos sa oras

PROGRESO

Tanda ng Progreso Pakinabang

Page 10: Ibat ibang mukha ng progreso

Progreso sa bansa

Industriya sa bawat lalawigan

Sapat na paaralan at

klasrum para sa lahat ng bata

Mabisa at malinis na pamamalakad

sa gobyerno

Kontentong mamamayan,

katahimikan sa lipunan, pagtugon sa

mga problema at pangangailangan ng

tao

Pantay-pantay na oportunidad para matuto, makakuha ng trabaho, maging produktibo sa buhay, at tumulong sa kapwa

Trabaho para sa lahat at pag-ahon

sa kahirapan

PROGRESO

Tanda ng Progreso Pakinabang

Page 11: Ibat ibang mukha ng progreso

Progreso sa mundoSocial networking

tulad ng Facebook at

Twitter

Pagsulong ng agham at medisina

Pagkalat ng kaalaman

Paghanap ngsolusyon sa iba’t ibang suliranin; mas aktibo at

responsableng mga mamamayan

at lipunan

Paglunas sa malulubhang sakit katulad ng kanser; mas mahabang buhay

Mas madali at mabilis na komunikasyon; pagkakaroon ng mga kaibigan sa ibang bansa; paglalahok sa mga kampanya para sa kalikasan at iba pa

PROGRESO

Tanda ng ProgresoPakinabang

Page 12: Ibat ibang mukha ng progreso

Pagsuri sa mga Ideya ng Progreso sa Siglo 19

Basahin ang sipi mula kay Sinibaldo de Mas, isang Espanyol na administrador sa Pilipinas na lumibot din sa ibang mga kolonya ng Espanya sa Latin Amerika, kung saan niya nakita ang mga paghihimagsik laban sa Espanya. Sinulat niya ang Informe sobre el estado de las Filipinas en 1842 (Ulat tungkol sa Kalagayan ng Pilipinas noong 1842) sa kontekstong ito at sa PROGRESO hangarin niyang manatili ang Pilipinas bilang kolonya, taliwas sa nangyari sa Latin Amerika.

Page 13: Ibat ibang mukha ng progreso

... [To] maintain or keep the Colony forever, i. e. never to consider its separation …:…it is necessary to keep … [Filipinos]in an intellectual and moral state that their numerical superiority be politically less than the … [Spaniards]just as in a balance a pile of hay weighs less than a bar of gold… [C]ircumscribe education to primary schools where the three “r’s” can be taught, with one school in every town as is the present practice and under the care of the curate. The colleges for men now extant in Manila should be closed…

Page 14: Ibat ibang mukha ng progreso

It is necessary too that in every town there should be a Spanish curate, it being preferable to leave it unattended spiritually rather than to relinquish it in the hands of the Filipino clergy… this colony in my concept should be maintained by religion. Based on this principle, nothing can promote faster its emancipation than to ordain native priests. Some observe that they are inept and vicious and consequently do not inspire respect and neither do they wield influence, nor are they feared….

Page 15: Ibat ibang mukha ng progreso

There should be assigned clothes to distinguish Spaniards, which should not be used either by the natives or the mestizos; the best, it seems, for this purpose is a kerchief around the neck, an adornment rarely put on by the natives. They should not use any other clothing other than that which they themselves have selected: open shirt and a straw head gear. Only the chieftains may wear coats… In the colony, there should be no noble blood but the Spaniard’s. When a Filipino or mestizo meets a Spaniard, he should be obliged to stop (except in Manila) and greet him. If seated, he should stand when the Spaniard talks to him or passes in front. Whosoever should raise his hand against a Spaniard, even in defense of his life, should incur the penalty of going to the public works for the duration of his life… A Spaniard should not seat a Filipino or mestizo in his house, much less eat with him…

Page 16: Ibat ibang mukha ng progreso

[Filipinos] … should not be taught Spanish, but only to read and write their own. It is impossible to avoid circulating in the provinces papers and books which are inconvenient for them to read and experience has taught that those who know our language are almost always the headstrong of the towns and the ones who murmur, censure and go against the curate and the mayors.

Sinibaldo de Mas, Report on the State of the Philippines in 1842: Interior Politics (Vol. III), manuskritong salin ni Prof. Pablo K. Botor,

pp. 1, 10, 11, 31 at 36.

Page 17: Ibat ibang mukha ng progreso

Glosari• Censure –pintasan • Circumscribe –limitahin• Curate –pario prayleng Espanyol na namumuno saisang parokya;

miyembro siya ng orden• Emancipation –pagpapalaya• Extant –namamalagi• Headstrong –matigas ang ulo• Incur –malapatan ng parusa• Inept –walang kakayahan• Ordain –proseso ng pagiging pari• Relinquish –ipagkatiwala, iwanan• Three r’s –pagbasa (reading), pagsulat (‘riting) at pagbilang (‘rithmetic) • Vicious –mabagsik• Wield influence -mamahala

Page 18: Ibat ibang mukha ng progreso

Pagsuri sa mga Ideya ng Progreso sa Siglo 19 ni Sinibaldo de Mas

Tungkol sa Mga Rekomendasyon Impormasyong Nahinuha

a. Edukasyon • Limitahan ang edukasyon sa primaryang paaralan kung saan ituturo ang 3R upang manatiling mas mababa ang mga Pilipino kaysa sa mga Espanyol.• Ang mga kolehiyo sa Maynila—na para lang sa lalaki—ay dapat isara.• Huwag ituro sa mga Pilipino ang wikang Kastila dahil maaaring gamitin ito upang hamunin o kalabanin ang mga prayle at alkalde.

• Ang paaralan sa bawat bayan ay nasa pamamalakad ng prayle.• Limitado ang edukasyon ng kababaihan.• Ang hindi pagturo ng wikang Espanyol ay isang instrumento upang makontrol ang mga Pilipino.

Page 19: Ibat ibang mukha ng progreso

Pagsuri sa mga Ideya ng Progreso sa Siglo 19 ni Sinibaldo de Mas

Tungkol sa Mga Rekomendasyon Impormasyong Nahinuha

b. Pamamahala ng mga parokya o simbahan

• Dapat may prayleng Espanyol sa bawat bayan.• Huwag ibigay ang mga parokya sa mga paring Pilipino.

• Ang parokya ay basehan ng kapangyarihan ng prayle.• Mababa ang pagtingin ng mga prayle sa mga paring Pilipino.

c. Pananamit ng mga Espanyol at Pilipino

• Dapat magkaiba ang pananamit ng mga Espanyol sa damit ng mga Pilipino at mestizo.• Ang mga hepeng Pilipino lamang ay maaaring gumamit ng coat(amerikana).

• Kamiseta at salakot ang karaniwang suot ng mga Pilipino.• Bihirang gumamit ng kerchief (panyong itinatali sa leeg) ang mga Pilipino.• Pati ang pananamit ay naging tanda ng pagkakaiba at diskriminasyon laban sa mga Pilipino.

Page 20: Ibat ibang mukha ng progreso

Pagsuri sa mga Ideya ng Progreso sa Siglo 19 ni Sinibaldo de Mas Tungkol sa Mga Rekomendasyon Impormasyong Nahinuha

d. Pagtrato ng mga Pilipino at Espanyol sa isa’t isa

• Ang purong Espanyol lamang ang dapat ituring na marangal.• Dapat tumigil sa anumang gawain ang Pilipino o mestizo kapag makita ang isang Espanyol (maliban sa Maynila).• Kung nakaupo ang Pilipino, dapat siyang tumayo kapag dadaan sa harap niya o kakausapin siya ng isang Kastila.• Hindi dapat payagang umupo ang Pilipino o mestizo sa bahay ng isang Espanyol at lalong hindi dapat makikain sa mga ito.• Kung may Pilipinong lalaban sa isang Kastila, kahit upang ipagtanggol ang sarili, dapat siyang parusahan. Buong buhay siya dapat magtrabaho sa gawaing pampubliko.

• Ang Pilipino ay itinuring na mababang uri ng tao at hindi dapat itratong kapantay ng Espanyol.• Ang di pagkapantaypantay ng Pilipino’t Espanyol ay isang matingkad na katangian ng kolonyalismo.

Page 21: Ibat ibang mukha ng progreso

e. Ano ang inaasahang epekto ng kanyang mga rekomendasyon?• Lalakas ang kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas at patuloy na mangingibabaw ang mga prayle at opisyal na Kastila. • Mananatili ang mga Pilipino sa mababang antas ng kabuhayan at kakayahang intelektuwal.

f. Ano ang pangkalahatang pananaw ni Sinibaldo de Mas tungkol sa progreso?

• Para kay Sinibaldo de Mas, ang progreso ay ang patuloy na pagkontrol ng mga Espanyol sa halos lahat na aspeto ng buhay ng mga Pilipino upang manatili ang Pilipinas bilang kolonya ng Espanya. Sa ganitong paraan lamang uunlad ang Pilipinas.

Page 22: Ibat ibang mukha ng progreso

Basahin ang sipi galing sa akda ni Gregorio Sancianco, El Progreso de Filipinas(Ang Progreso sa Pilipinas),1881.

• Mayaman ang pamilya ni Sancianco at nakapag-aralsiya sa Unibersidad ng Santo Tomas.

• Dahil sa kaguluhang dulot ng pag-aalsa sa Cavite at pagbitay kina PadreGomez,Burgos at Zamoranoong 1872, minabuti ng pamilya ni Sancianco na ipadala siya sa Espanya upang ipagpatuloy ang kanyangpag-aaral. Habang nandoon ay sumulatsiSancianco sa isang pahayagan sa Madrid. Angkanyang Ang Progreso sa Pilipinas ay ang unang seryosong akda ng isang Pilipino tungkol sa ekonomiyang kolonyalsa ilalim ng pamamahala ng Espanya.

Page 23: Ibat ibang mukha ng progreso

Gregorio SanciancoIt is a pity that the Madrid government has not given preferential attention to the material condition of the Philippines by stimulating the productive elements, removing all kinds of fetters, and facilitating the free circulation of their products. In a period of 50 years how highly developed would have been agriculture in those fertile lands watered everywhere by immense rivers, what country in the world would not have been supplied with its agricultural products! But, what can be expected of farmers without zeal for lack of stimulus and they deprive from their labor if they cannot sell their produce or if they have to carry them to the markets, spending five or six days on the road they themselves have to cut through forests and rivers, through regions still inhabited by fierce infidels, in order to sell at prices insufficient either to compensate them for their labor or for the risks they run?

Page 24: Ibat ibang mukha ng progreso

Gregorio SanciancoThe distant towns of the provinces of Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Isabela and others located in Central Luzon encounter these sad realities. Why would not their inhabitants be lazy? How could these towns become rich or their population increase? Thus, the majority of the people plant only tobacco, in spite of the worst conditions of the monopoly. As the government buys this product, the planters do not have to go to Manila to sell it. They also plant rice but just enough to supply their families. If they have any surplus grain, they take it to San Isidro or to Pangasinan where they are paid not more than three reales vellon for one arrobaof rice, whereas at Manila the price is ten reales or two pesos and twenty-five cents an arroba.

Gregorio G. Sancianco,El Progreso de Filipinas(Madrid, 1881), trans. by Encarnacion Alzona (Manila: National Historical Institute,

2000), pp. 30-31.

Page 25: Ibat ibang mukha ng progreso

Glosari• Arroba –paraan ng pagsukat sa mga tuyong bagay tulad ng bigas na

katumbas ngayon ay mga 11 kilo• Compensate –bayaran• Deprive – tanggalin, alisin• Distant –malayo• Fetter –hadlang, balakid• Infidel –katutubong hindi yumakap sa Katolisismo• Immense –malawak• Preferential –espesyal• Reales vellon – uri ng salapi noong ika-19 na siglo sa Pilipinas; ang

20 reales vellonay katumbas ng isang piso • Risk –panganib • Stimulus –panghikayat• Surplus – sobra • Zeal –matinding pagnanais

Page 26: Ibat ibang mukha ng progreso

Gregorio SanciancoTungkol sa Impormasyong nakuha at nahinuha mula sa sanggunian

a. Mga balakid sa pagsulong ng Agrikultura

Hindi pinagtuunan ng pansin ang mga gawaing pangagrikultura. Halimbawa:

• Maraming restriksyon sa pagbenta at pagkalat ng mga produkto.• Wala o kulang ang kalye o daan mula sa bukid patungo sa palengke.• Hindi sapat ang presyo sa palengke upang mabawi ng magsasaka ang kanyang gastos.• Nakasama sa magsasaka ang monopolyo sa tabako dahil sapilitan itong ipinatanim at ang presyo ay itinakda pa ng gobyerno.• Kung mayroon mang labis na ani, mababa ang presyo nito sa palengke kung ikumpara sa Maynila.

Page 27: Ibat ibang mukha ng progreso

Gregorio SanciancoTungkol sa Impormasyong nakuha at nahinuha mula sa sanggunian

b. Epekto ng mga balakid na ito sa kalagayan ng ekonomiya

• Hindi makatrabaho nang masigasig ang magsasaka dahil sa kawalan ng insentibo o tulong mula sa gobyerno at dahil sa iba’t ibang restriksyon sa kalakalan.• Naghirap ang mga Pilipino.

c. Mga dapat gawin upang lutasin ang mga problema sa ekonomiya

• Alisin ang mga limitasyon sa pangangalakal ng mga produkto.• Gumawa ng daan mula sa bukid patungo sa palengke.• Itigil ang monopolyo sa tabako o ayusin ang mga tuntunin nito.

Page 28: Ibat ibang mukha ng progreso

d. Ano ang pananaw ni Sancianco tungkol sa progreso?• Para kay Sancianco, ang progreso ay ang pag-unlad ng mga Pilipino sa kanilang kabuhayan. Mangyayari ito kung makaaani nang sapat, maging maayos at mas madali ang pagbenta ng ani sa palengke, at payagan ang malayang pangangalakal ng mga produkto sa iba-ibang bahagi ng Pilipinas.

e. Ano ang inaasahang resulta sa ekonomiya ng Pilipinas at sa buhay ng mga Pilipino kapag naisagawa ang mga hakbang na sinabi ni Sancianco?• Gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas at aangat ang buhay ng mga Pilipino. Ito ay dahil lalakas ang kalakalan, tataas ang presyo ng bentahan ng ani sa palengke, at mahihikayat ang magsasaka na pataasin ang produksyon.

Page 29: Ibat ibang mukha ng progreso

Ang obrang nilikha ni Juan LunaSi Juan Luna ay isang Pilipinong pintor at propagandista, na pinamagatang España yFilipinas (Espanya at Pilipinas), 1886. Dahil sa maykaya ang kanyang pamilya, nagkaroon siLuna ng pagkakataong mag-aral sa Europa,kung saan mas lalo pang nahasa ang kanyang angking galing sa pagpipinta. Sa Espanya, naging kasama niya sina Jose Rizal, Marcelo H. delPilar, Graciano Lopez-Jaenaat iba pa. Doon nila nakita ang ilang mga pagbabago tulad ng mga karapatang sinisugurado ng Konstitusyon, kalayaang magpahayag, edukasyon, at representasyon ng mga mamamayang Espanyol sa Cortes(parliyamento). Sa España y Filipinasmakikita ang ideya ni Luna tungkol sa progreso.

Page 30: Ibat ibang mukha ng progreso

Obserbahan ang mga detalye ng obra at sagutinang gabay sa ibaba

a. Sino sa inyong palagay ang kinakatawan ng babae sa kaliwa at babae sa kanan? Bakit?b. Bakit nakaakbay ang babaeng nasa kaliwa? Ano ang kahulugan nito?c. Ano sa inyong tingin ang itinuturo ng babae sa Kaliwa?d. Ano ang kahulugan ng hagdan?e. Ano kaya ang ibig sabihin ng mga bulaklak sa hagdan?f. Paano makakamit ang progreso sa punto de bista ni Luna?

Page 31: Ibat ibang mukha ng progreso
Page 32: Ibat ibang mukha ng progreso

Pagtataya Ang buod ng mga ideya ng progreso nina

Sinibaldo de Mas, Gregorio Sancianco at Juan Luna.

Page 33: Ibat ibang mukha ng progreso

PagtatayaAng buod ng mga ideya ng progreso nina

Sinibaldo de Mas, Gregorio Sancianco at Juan Luna.

Page 34: Ibat ibang mukha ng progreso