iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo

21
Reaksiyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo

Upload: jetsetter22

Post on 25-Jun-2015

1.543 views

Category:

Education


0 download

DESCRIPTION

Happy Teaching!

TRANSCRIPT

Page 1: Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo

Reaksiyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo

Page 2: Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo

Like sign kung tama ang pahayag at dislike sign kung mali.

1. Nagdala ng pananampalatayang Islam sa Sulu ay si Sayyid Abu Bakr

2. Pagsamba sa ispiritu, kalikasan at iba pang bagay ay pagano o paganismo.

3. Relihiyon ng mga Muslim ay Islam4. Bahagi ng Mindanao kung saan unang nakilala ang

relihiyong Islam ay Sulu5. Katolisismo ang relihiyong ipinakilala ng mga

Espanyol

Page 3: Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo

Balik-Aral

A ang HeKaSi A ang HeKaSi

Halina Halina’t pag-aralan….

Page 4: Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo

Pagganyak

Page 5: Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo

Pagbuo ng Tanong

Anu- ano ang iba’t- ibang reaksiyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo?

Page 6: Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo

Paglalahad

Hindi maikakailang ang Katolisismo ang pinakamalaking impluwensiya ng mga Espanyol s ating mga Pilipino. Sa Asya, tanging Pilipinas lamang ang kinikilalang Katolikong bansa.

Ang paniniwalang pagano ng mga Pilipino noon ay napalitan ng bagong paniniwalang itinuro ng mga misyonerong Espanyol.

Page 7: Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo

Paglalahad

Nanguna sa pagpapalaganap ng paniniwalang ito ang mga misyonerong Augustino na kasama ni Legazpi sa kanyang pagdating sa Pilipinas noong 1565 sa pangunguna ni Padre Andres de Urdaneta.Ang mga Pilipino noon ay tinuruan nilng magdasal at magsimba, at magbasa ng Bibliya- banal na aklat ng mga Katoliko.

Page 8: Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo

Pangkatang Gawain

Pangkat 1: Pangkat 2: Pangkat 3: Pangkat 4:Pangkat 5:

Page 9: Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo

Pag-uulat

Page 10: Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo

PagtalakayMga Pilipinong Sumampalataya- Ang

pagbibinyag at paggamit ng pangalang Kristiyano ay tanda ng pagsampalataya sa Kristiyanismo. Maaalala na si Raha Humabon at ang kanyang asawa ay nagpabinyag sa Kristiyanismonang dumating si Magellan noong 1521.

Tanda pa rin ng pagsampalataya ang paniniwala sa kapangyarihan ng Diyos, gayundin ang pagsunod sa kautusan ng relihiyong Katoliko.

Page 11: Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo

PagtalakayMga Pilipinong

Hindi Sumampalataya- Ang mga Muslim ay pangkat ng mga Pilipino na hindi sumampalataya sa Kristiyanismo. Matibay ang kanilang paniniwala sa relihiyong Islam.

Page 12: Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo

PagtalakayMga Pilipinong Hindi

Sumampalataya- Ang mga Ifugao ay isa pang pangkat ng Pilipino na hindi nasakop ng mga Kastila. Hindi sila nahikayat na maging Kristiyano. Nakatira sa bulubunduking lugar sa dakong Hilagang-Kanlurang Luzon. Mahirap marating ng mga Misyonero ang kanilang tahanan.

Page 13: Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo

PagtalakaySa kabundukan

nakatira ang mga Negrito o Ita, sila man ay hindi nahikayat na maging Kristiyano. Patuloy pa rin ang kanilang paniniwala sa sinasambang bathala.

Page 14: Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo

PagtalakayMga Pag-aalsa : Noong ika-17 dantaon, nag-

alsa ang ilang Pilipinong Kristiyano laban sa paglagananp ng Kristiyanismo. Nais nilang maibalik ang katutubong relihiyon. Ito ang naging reaksiyon ni Tamblot. Hinikayat niya ang maraming taga-Bohol na magbalik sa dating pananampalataya.

Page 15: Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo

PagtalakayMga Pag-aalsa : Noong 1744, namuno sa

pag-aalsa laban sa simbahan si Francisco Dagohoy, isa ring taga-Bohol, hindi niya nagustuhan ang pagtanggi ng mga paring ipalibing ang kanyang kapatid sa pamamaraang Katoliko.

Page 16: Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo

PagtalakayMga Pag-aalsa : Noong 1841, nag-alsa si

Apolinario dela Cruz na kilala sa tawag na Hermano Pule. Isa siyang Pilipino na gustong mag-pari ngunit tinanggihan ng kura dahilan siya’y isang katutubo. Hindi rin kinilala ang itinatag niyang samahang panrelihiyon sapagkat hindi ito Katoliko. Ito ang Cofradia de San Jose.

Page 17: Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo

Paglalahat

Iba’t-iba ang naging reaksiyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo, may sumampalataya, may hindi sumampalataya, at may nag-alsa.

Page 18: Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo

Paglalapat

Iba’t-iba man ang uri ng ating panahanan, kailangan na ito ay ating _______________.

Page 19: Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo

Pagtataya: Basahin ang mga tanong at guhitan ang wastong sagot sa loob ng panaklong.1. Ang mga misyonero ang nagturo ng (musika, kristiyanismo, pagluluto) sa mga Pilipino2. Itinuro sa mga katutubo ang Kristiyanismo sa pamamagitan ng larawan at pagsesermon ng (Pari, Datu,Babaylan)3. Nagpalimbag ang mga misyonero ng mga (babasahin, talatinigan, Encylopedya) para sa relihiyon

Page 20: Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo

Pagtataya: Basahin ang mga tanong at guhitan ang wastong sagot sa loob ng panaklong.

4. Ang tumanggap ng Kristiyanismo ay (nagsakripisyo, nagpabinyag, nagnobena)5. Minsan, pag-umalis ang mga opisyales ng bansa, ang mga misyonero ang (pumapalit, nagtuturo, nagtatrabaho sa simbahan.

Page 21: Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo

Takda.

Ano ang naging epekto sa pamumuhay ng mga Pilipinong tumanggap sa Kristiyanismo, at mga Pilipinong di tumanggap ng relihiyong ito? Isulat sa kwaderno.