ilinalathala ng partido komunista ng pilipinas-bagong ...kung kaya’t ang mga yunit ng bagong...

18
REBOLUSYONARYONG PANGMASANG PAHAYAGAN NG BIKOL ------------------- Taon XXX Blg.2 Abril-Hunyo 2006 Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol Ilinalathala minsan bawat ikatlong buwan ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol sundan sa pahina 2 Total War ng Rehimeng US-GMA Haharapin ng Rebolusyonaryong Paglaban Editoryal Sa pangkabuuan, nasa ilalim ang kampanyang ito ng Oplan Bantay Laya. Layon diumano nito na durugin ang istruktura ng rebolusyonaryong kilusan sa buong bansa. Tinaningan ng Armed Forces of the Philippines na sa loob ng dalawang taon, masasawata ang rebolusyonaryong paglaban ng mamamayang Pilipino. Dinagdagan ng isang batalyon ng Philippine Army ang tropa ng mga pasistang nakapakat sa rehiyon. Tinukoy ang Bikol bilang isa sa mga prayoridad na rehiyon ng Oplan Bantay Laya, kasabay ang Central Luzon, Southern Tagalog, Central Visayas, Northern Mindanao-CARAGA, Southern Mindanao-Compostela Valley at ang Ilocos- Cordillera Region. D inagdagan ng isang bilyong piso ang pondo para sa kampanya diumano laban sa kontra- insurhensya ng pasista, kontra- rebolusyon, tiwali at anti- mamamayang rehimeng US- GMA.

Upload: others

Post on 21-Oct-2020

37 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • REBOLUSYONARYONGPANGMASANGPAHAYAGANNG BIKOL

    -------------------Taon XXX Blg.2

    Abril-Hunyo 2006

    Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol

    Ilinalathala minsan bawat ikatlong buwan ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol

    sundan sa pahina 2

    Total War ng Rehimeng US-GMAHaharapin ng Rebolusyonaryong Paglaban

    Editoryal

    Sa pangkabuuan, nasa ilalim ang kampanyang ito ng Oplan Bantay Laya. Layondiumano nito na durugin ang istruktura ng rebolusyonaryong kilusan sa buong bansa.Tinaningan ng Armed Forces of the Philippines na sa loob ng dalawang taon, masasawataang rebolusyonaryong paglaban ng mamamayang Pilipino.

    Dinagdagan ng isang batalyon ng Philippine Army ang tropa ng mga pasistangnakapakat sa rehiyon. Tinukoy ang Bikol bilang isa sa mga prayoridad na rehiyon ngOplan Bantay Laya, kasabay ang Central Luzon, Southern Tagalog, Central Visayas,Northern Mindanao-CARAGA, Southern Mindanao-Compostela Valley at ang Ilocos-Cordillera Region.

    Dinagdaganng isangbilyong piso angpondo para sak a m p a n y adiumano labansa kontra-insurhensya ngpasista, kontra-r e b o l u s y o n ,tiwali at anti-mamamayangrehimeng US-GMA.

  • 2 Abril-Hunyo 2006 * SILYAB

    EditoryalTotal War ng RehimengUS-GMA Haharapin ngRebolusyonaryongPaglaban

    Ambus-PamamarusaNaklining Kalibre 30Masinggan

    Mga Biktima ng DeathSquads sa Bikol

    NangungungangBerdugo ng Masbate,Pinarusahan

    5 Patay 2 Sugatan naArmi sa Kontra-kubkobng BHB

    Haras at IsnaypMatutunog sa Sorsogon

    Mga OperasyongPartisano Laban samga SagadsaringKontra-Rebolusyonaryo

    Haras ng MilisyangBayan sa Libmanan,CO ng Armi Patay

    Mobayl na KlinikangMasa sa Gawaing Masa

    Reyd sa Pawili, 1 Patay4 Sugatan sa MIB

    Hakbang Pamamarusasa Private Goons niHonasan

    Haras sa Masbate

    Pulis Kinumpiskahan ngM16

    Dyip ng ArmiPinasabugan ng Bomba

    Batoy

    NilalamanAbril-Hunyo 2006

    p. 1

    p. 3

    p. 5

    p. 7

    p. 9

    p. 10

    p. 11

    p. 12

    p. 13

    p. 15

    p. 16

    p. 17

    p. 17

    p.17

    p. 18

    EDITORYALBuong pagyayabang na ipinahayag ng AFP na gagamitin

    nito ang kumbinasyon ng ground at air strikes sa kanilangmga operasyong militar. At, ang Philippine National Police,pati ang mga armadong bodyguard ng mga pulitiko, aymagkakaroon ng oryentasyon upang aktibong gumampan ngpapel sa pagtugis sa mga kasapi ng rebolusyonaryong kilusan.

    Nananaginip ang teroristang rehimen kung inaakala nitongganoon lamang kabuway ang pundasyon ng rebolusyonaryongkilusan at ganoon lamang kababaw ang pag-ugat ngrebolusyonaryong pakikibaka sa buhay ng malawak na masa.Ang pakikibaka para sa tunay na pambansang demokrasya atkalayaan ay iginuhit na sa kasaysayan ng sambayanang Pilipinoat hindi mapaparam ng militaristang hakbanging katulad ngOplan Bantay Laya.

    Kahit pa man noong panahon ng diktaduryang Marcos, ubos-lakas na ring sinubukan ng reaksyunaryong estado na tuldukanang armadong pakikibaka. Ang mga sumunod na papet narehimen ay naglunsad din ng kani-kanyang kampanya, bataysa disenyo ng imperyalistang US, upang kunwa’y solusyonanang ugat ng rebolusyonaryong paglaban ng masang Pilipino.

    Ayon mismo kay Gloria Macapagal-Arroyo, magigingpangunahing diin daw ng kontra-insurhensyang kampanya angpagpaparami ng mga proyektong sosyo-ekonomiko laluna sakanayunan, upang diumano ay gamutin ang kahirapan na siyangdahilan ng paghawak ng armas ng kalakhang masangmagsasaka.

    Ngunit ang kahungkagan ng mga ganitong hakbangin aymatagal nang bistado ng masa.Gatasan lamang ng mga pulitikoat ni Macapagal-Arroyo ang mgaproyektong para raw sakagalingan ng taumbayan.Sariwa pa ang panggagalaiti ngtaumbayan sa ibinulsang pondopara sa fertilizer ng mgamagsasaka na ginamit ni GMApara sa kanyang kampanya sanakaraang eleksyon.

    Tanging malawakangmilitarisasyon at pagkawasakng buhay at kabuhayan ng masaang idinudulot ng lahat ng mgakampanya laban sainsurhensya.

    sundan sa pahina 3

  • SILYAB * Abril-Hunyo 2006 3

    Ambus-Pamamarusa,Naklining Kalibre 30 Masinggan

    Kung kaya’t ang mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan, ang mga organisasyon ngNational Democratic Front, ang mga sangay ng Partido Komunista, ay may isang solidongkumpas upang ipagtanggol at pakilusin ang malawak na taumbayan laban sa kontra-rebolusyong plano ni Gloria Macapagal-Arroyo.

    Ang mga rebolusyonaryong organisasyong masa sa kanayunan ay dapat na magkaroonng sapat na katatagan at kahandaan upang isulong ang anti-pasistang pakikibaka, kasabayang anti-pyudal at anti-imperyalistang mga pagkilos.

    Kailangang palahukin ang mga panggitnang pwersa hanggang sa kalunsuran sapaglantad at pagkundena sa mga karahasang militar. Puspusang ilunsad ang mgapakikibakang masa sa gitna ng pasismo ng estado at magiting na paigtingin ang kilusangpagpapatalsik laban kay GMA.

    Kasabay nito, kailangang kabigin sa panig ng sambayanan ang mga elemento ngreaksyunaryong sandatahang lakas na may paninindigang makabayan at naniniwala parin sa kataas-taasang kapangyarihang sibilyan. SSSSS

    EDITORYAL

    Kumbinasyon ng ambus at pamamarusaang ilinunsad nitong Abril uno sa bayanng Milagros, sa isla ng Masbate.

    Tumuloy ang matagumpay na opensasa magiting at mahusay na depensa. Atnagluwal ang mga ito ng matataas nakalibre ng mga riple, pagkalipol sa hanayng mga kaaway at mas taas-kamaongdiwang palaban sa hanay ng pulang Hukboat mamamayang Masbatenyo.

    Tinarget ng pamamarusa ang mgakriminal na tauhan ng isang pulitiko saprubinsya na ginagamit upang kamkaminang lupa ng masa, kotongan ang mgamangingisda at idiskaril ang gawaing pag-oorganisa ng mga kasama.

    Itinakda namang target ng ambus angmga elemento ng Provincial Mobile Group(PMG) ng Philippine National Police nanakabase sa hangganan ng mga bayan ngMilagros at Mandaon. Ang mga nasabingpulis ay nagsisilbing protektor sa mgasindikatong aktibidad ng mga tauhan ngpulitiko na tinarget ng kasabay napamamarusa.

    Hakbang pamamarusaPinasok ng pito kataong iskwad ng

    mga pulang mandirigma ang compound ngmga tauhan ng pulitiko at sinunog ang isangbuldoser. Tumalilis ang inabutang nag-iisangcaretaker ng compound at dumiretso samalapit na detatsment ng PMG upangmagsumbong. sundan sa pahina 4

  • 4 Abril-Hunyo 2006 * SILYAB

    Matapos nito pumwesto na ang iskwadbilang blocking force ng tropa ng BHB namagsasagawa ng ambus.Pagpakat para sa ambus

    Dahil sa mga magkakasunod na bira ngmga kasama, tusong nagpa-una muna ngmga magkikliring sa daan ang tropa ng PNPna rumesponde sa sumbong ng caretakerna kabilang rin sa Civilian VolunteersOrganization (CVO) ng kaaway.

    Makailang ulit na siniyasat ng mgaasset ng kaaway ang gilid ng daan namaaaring maging ambush position ng mgakasama. Matamang sinilip nila angmadamong bahagi upang tiyakin kung maynakapakat na mga kasamang maaaringmagsagawa ng pananambang.

    Dahil sapat ang kamuplahe at maingatsa pagpusisyon, hindi natunugan ang mgakasama.

    Matapos ang kliring, tiwalang umabantena ang mga elemento ng PMG, kasabayang ilang pulis na nakadestino sa mgamunisipyo ng Mandaon at Milagros,at ilan pang armadong elementong CVO.Ilang saglit bago angputukan

    Malapit nang tumapatang mga kaaway sapusisyon ng mga kasama.Ilang minuto na lang atibibigay na ang hudyat samga pulang mandirigmaupang simulan na angbugso ng putok.

    Tyempo namang dumaan din sa kalsadaang anim na kalabaw. Naobliga ang mgakasamang pagbabatuhin ang mga ito upanghindi madisgrasya. Nakaladkad ang wire ngisang bomba nang magtatakbo ang mgakalabaw kung kaya’t hindi na iyon nagamit.

    Ang mga walang kamalay-malay nakaaway ay maingay na pumasok sa sectorof fire ng mga kasama. Dinig pa ng mga

    pulang mandirigma na nagtatalo ang mgapulis kung may posibilidad na tambangansila ng Hukbo.

    Pinaputok ang natirang bomba nanatapatan ng mga huling elemento ngpulis upang ihudyat ang pagdurog sa mgakaaway.Pagdurog at pagklining

    Tumagal ang labanan ng dalawang orasdahil nagpulasan sa iba’t ibang direksyonang mga kaaway. Habang nagpuputukan,napansin ng mga kasama ang isang tim ngmga pulis na desididong namumutok atumaabante sa isang pusisyon. Inasolt ngmga pulang mandirigma ang pinag-iinteresang pusisyon ng mga kaaway atdoon nakita ang isang kalibre trentangmasinggan na naiwan ng mga pulis. Maagap

    itong naklining ng Hukbo.Kabilang din sa mga naklining

    ang isang M16 at isang kalibre .45na naiwanan ng mga natarantangkaaway.

    Patay rin ang isang myembrong PMG at isang kabilang sa CVO.Dalawa pa ang nasugatan sa panigng mga pasista. Nakilala ang isangsugatan bilang si Joseph Arcilla,myembro ng CVO.

    Makataong pagtrato sa sumukongkalaban

    Ang isang pulis namang sugatan na siSPO2 Ombao, ay sumuko at nadis-armahan ng mga kasama habang hindi patapos ang labanan. Nakuha sa kanya angisang M14 na riple at isang super .38 napistola. Dahil may tama ng punglo,inalalayan siya ng mga kasama. Mataposmatiyak na hindi naman kritikal ang sugat,itinuro ng mga pulang mandirigma angligtas na direksyon na pwede niyang daananupang matulungan ng mga sibilyan namakapunta sa ospital.

    sundan sa pahina 5

    Ambus-Pamamarusa Naklining Kalibre Trentang Masinggan

  • SILYAB * Abril-Hunyo 2006 5

    SSSSS

    Bigong pagre-imporsUmaatras na ang yunit ng Hukbo na nagsagawa ng matagumpay na ambus nang

    habulin sila ng dagdag na pwersa ng mga pulis.Hinayaan ng mga kasamang makalapit ang halos isang seksyon ng mga kaaway bago

    ito pinutukan. Animo’y mga dagang nag-unahan sa paghanap ng masisiksikan angnahintakutang mga pulis. Kantyaw mula sa mga taumbaryong nakakita ang inabot nila.Samantalang pagsuporta naman ang isinigaw ng masa sa mga pulang mandirigma.

    Ambus-Pamamarusa Naklining Kalibre Trentang Masinggan

    Mga Biktima ng Death Squads sa Bikol: Myembro at Lider ngmga Progresibong Organisasyon

    organisasyong aktibong nagsusulong ngkilusang pagpapatalsik at lumalaban sapasista at kontra-mamamayang rehimen niGloria Macapagal-Arroyo. Walang ibangnatutukoy na may kagagawan kundi angmga binuong death squad ng Armed Forcesof the Philippines.

    sundan sa pahina 6

    Abril 27, alas syete ng umaga, pumuntasi Jayson Delen sa Mercedes Fishportsa Camarines Norte upang mamahagi ngmga polyeto hinggil sa mobilisasyon sapapalapit na Araw ng Paggawa.

    Bahagi ito ng pang-araw-araw niyanggawain bilang Provincial Secretary Generalng Bayan Muna Partylist – ang pagmumulatng malawak na masa sa iba’t ibang isyungpampulitika at panlipunan.

    Pauwi na siya nang mapansin niyangsinusundan siya ng dalawang lalaki nanaka-motorsiklo. Nakaramdam siya ngpagkabahala lalupa’t sunud-sunod angpagpaslang ng mga death squad nanakasakay sa motorsiklo sa mga myembrong mga progresibong organisasyon atpartylist sa buong bansa.

    Hanggang makarating na siya sa bahayng kanyang mga magulang sa EcologyVillage, Brgy Gubat, Daet, napansin niyangnakasunod pa rin ang dalawang lalakingnaka-motorsiklo. Agad niyang inempakeang ilang gamit upang ilipat sapamprubinsyang upisina ng KARAPATAN.

    Sakay ng traysikel, hindi pa nakakalayosa bahay, narinig na lamang ng kanyangmga kapamilya na may sumigaw na binarilsi Delen ng dalawang lalaking naka-motorsiklo. Hindi na siya umabot ng buhaysa ospital.

    Halos ganito ang padron ng mgapagpatay sa mga kasapi ng mga

  • 6 Abril-Hunyo 2006 * SILYAB

    Bilang ng mga bangkaySa Bikol, mula nang umupo sa pwesto

    si GMA noong 2001, 81 na ang naitalangnaging biktima ng mga death squad ngmilitar. Pinakamarami ang insidente saAlbay, kung saan umabot na ng 28 angbilang ng mga pinatay. Ang pinakahulingkaso ay ang pagpaslang kay JimMirafuentes nitong Abril 27, saBrgy Kilicao, Daraga, Albay.Matatandaang binaril din nitongMarso ng mga hitman na naka-motorsiklo si Cris Hugo, lider ngLeague of Filipino Students, saWashington Drive, Legazpi City.

    Sumunod naman angprubinsya ng Sorsogon nabumibilang na sa 26 ang mgapinaslang. Kasama na rito siDing Uy, provincial coordinatorng Bayan Muna. Si Max Frivaldonaman, isang konsehal sa bayan ngIrosin at municipal coordinator ngBayan Muna ay pinaslang sa kanyangbahay ng death squad ng militar nitongEnero 30.

    Labing anim naman ang mga biktimasa Camarines Sur, pito sa CamarinesNorte, tatlo sa Masbate, at isa saCatanduanes.Lantarang Pasismo

    Sa gitna ng kilos-protesta laban sapanunupil at tirano nitong Abril 6, binaril siNicanor Briones, lider ng National Federa-tion of Sugar Workers Association saCamarines Sur. Apat na punglo mula sakalibre .45 na pistola ang tumama sa kanya.Agad naman siyang nadala sa ospital atnailigtas. Dalawang lalaking nakasakay rinsa motorsiklong walang plate number angmay kagagawan ng pamamaril.

    Sa sentro mismo ng syudad ng Naganaganap ang insidente. Inutil ang mga pulissa malapit na outpost upang habulin athulihin ang mga salarin.

    Ayon kay Jariz Vida, lider ngprogresibong partylist na Bayan Muna, atsaksi sa insidente, ang isa sa mga gumawang pamamaril ay pareho ang deskripsyonsa lalaking bumaril din sa kanyang kapatid.

    Ilang buwan pa lang ang nakalilipas,binaril ang kapatid ni Vida sa loob

    mismo ng kanilang bahay, gamitang kalibre .45. Kamukhang-

    kamukha ni Vida angkanyang kapatid athinihinalang siya talagaang target ng hitman.

    Halos kahalintuladang pangyayaring itonang pagbabarilin angmga nagsasagawang protesta-programa noongDisyembre 10, 2004,Araw ng Karapatang

    Pantao, sa bayan ngDaet, Camarines

    Norte. Isa ang namatayat apat ang nasugatan

    sa naganap na insidente.Mga elemento ng Military

    Intelligence Group angitinuturong may kagagawan

    ng karahasan.Sistematiko at pinupondohan ng estado

    Sa buong bansa, mula Mayo 2001hanggang nitong Mayo 17, bumibilang nasa 601 ang pinatay dahil sa motibongpulitikal. Karamihan dito ay kagagawan ngmga death squad na nakasakay samotorsiklo. Ang mga death squad na ito aybinubuo ng mga operatiba ng Armed Forcesof the Philippines.

    Umaabot na sa 243 ng mga biktima angkabilang sa mga militanteng organisasyonat partylist.

    Mga Biktima ng Death Squads sa Bikol

    sundan sa pahina 7

  • SILYAB * Abril-Hunyo 2006 7

    SSSSS

    Hindi pa rito kasabay ang 151 na biktima ng sapilitang pagdukot na hanggang ngayonay hindi pa rin natatagpuan. Libu-libo naman ang biktima ng tortyur, detensyon, sapilitangpagpapalikas at iba pang porma ng paglabag sa karapatang pantao.

    Ang mga paglabag na ito ay sistematikong kinukunsinte at ipinapatupad mismo ngrehimeng US-GMA laban sa mamamayan. Sa ilalim ng Oplan Bantay Laya, nilalayon ngimperyalistang US at ng kanyang tuta na si Macapagal-Arroyo na sindakin ang taumbayanupang huwag kumilos at makibaka para sa kanilang mga karapatan sa ekonomya atpulitika na sinasalaula ng kasalukuyang kinamumuhiang rehimen.

    Malisyosong iniuugnay ng pasistang rehimen ang mga nagpuprotesta laban rito sarebolusyonaryong kilusan, laluna sa New People’s Army upang bigyang matwid angkarahasan ng estado.

    Sa ilalim ng kampanya nito laban sa insurhensya, pinondohan ng imperyalistang USng 30 milyong dolyar ang berdugong rehimen ni Macapagal-Arroyo. Kasabay nito, pinangakoni GMA na dudurugin niya ang istruktura ng rebolusyonaryong kilusan sa loob lamang ngilang taon.

    Isa ang Bikol sa tinukoy na mga prayoridad na rehiyon na popokusan ng pasistangkampanya ni Macapagal-Arroyo.Umiigting na protesta laban sa teroristang si Gloria

    Ayon sa pahayag ni Ka Greg Bañares, ang tagapagsalita ng National DemocraticFront-Bikol, hindi magtatagumpay ang total war na idineklara ni GMA laban sarebolusyonaryong kilusan at sa mamamayan. Kahit pakatan pa ng dagdag na batalyon ngmga militar ang Bikol, handa ang mga Bikolano na ikundena ang mga karahasan laban sakanila at isulong ang kilusang pagpapatalsik laban kay GMA.

    Lalong tumitindi ang galit ng iba’t ibang sektor ng lipunan dahil sa lantarang karahasanng estado. Kapit-bisig na nagmamartsa ang mga taga-midya, taong-simbahan, intelektwal,manggagawa at magsasaka upang ikundena ang lansakang pagpaslang sa taumbayan attuluyan nang sipain sa pwesto ang berdugong si Gloria Macapagal-Arroyo.

    Mga Biktima ng Death Squads sa Bikol

    Nangungunang Berdugo ng Masbate,Pinarusahan

    Umaga ng Abril 1, bandang 11:30,bumibyahe ang isang pampasaherongL300 na van galing sa syudad ng Masbatepatungong bayan ng Milagros nang maypumarang pasahero sa sityo ngCadungondungon sa baryo ng Malinta.

    Ito ang senyal na pinag-usapan ng isangtim ng Bagong Hukbong Bayan na dati nangnakasakay sa van upang isagawa anghakbang pamamarusa. Mabilis at walangpagdadalawang isip na binunot ng timliderang kanyang kalibre .45 na pistola atpinutukan ng dalawang beses ang target –si Police Major Edwin Cornal.

    Mga utang nadugo ni Cornal

    Si Major Cornal angmaaaring ituring na lokal na bersyon ngberdugong si Heneral Jovito Palparan.

    sundan sa pahina 8

  • 8 Abril-Hunyo 2006 * SILYAB

    Nagsimula ang kanyang kriminal narekord laban sa masa at rebolusyonaryongkilusan noong tinyente pa lamang siya attumatayong hepe ng Philippine NationalPolice-Milagros noong 1987.

    Mahaba ang listahan ng utang na dugoni Cornal. Ilan lamang sa mga ito angsumusunod:-paggahasa sa kasamang babaengsugatan na nahuli sa isang kubkob

    Nangyari ito noong 1981. Tinamaan sapaa ang isang pulang mandirigma nanakilala bilang si Ka Baby at nahuli ngtropang kinabibilangan ni Major Cornal.Habang binabyahe papuntang lungsod,walang awang ginahasa siya ng nasabingpulis.-pagtortyur at pagpatay sa dalawangkasama

    Sa isang labanan noong 1992 sa bayanng Milagros, nadakip ang sugatang si KaNoe, kasapi ng BHB. Dahil walangisinisiwalat na impormasyon habanginiinteroga ng mga kaaway, iniutos ni Ma-jor Cornal na laplapin ang balat sa paa attanggalin ang mga kuko ng kasama.Matapos nito ay walang awang pinalakadang pulang mandirigma. Habang humihiyawsa sobrang sakit, pinagbabaril ang kasamahanggang sa mamatay. Natagpuan angbangkay ni Ka Noe na wala na ring balatang ulo.

    Noon namang 1988, nadakip din ngtropa ni Cornal sa isang kubkob siKasamang Roy. Sugatan ang pulangmandirigma ngunit imbes na dalhin saospital ay tuluyan na siyang binarilhanggang sa mamatay.-pagbitay at pagpatay sa isangtaumbaryo

    Matapos ang labanan sa pagitan ng BHBat mga pulis noong 1988 sa bayan ngMilagros, natyempuhan ng mga pauwingtropa ni Cornal ang isang lalaking naglalakadmag-isa. Pinaghinalaan nilang kasapi siya

    Nangungunang Berdugo ng Masbate, Pinarusahan

    sundan sa pahina 9

    ng Hukbo. Kahit nagmamaka-awa atitinatanggi ng sibilyan ang paratang sakanya, ibinitay siya sa puno, binaril, atiniwang nakabitin ang kanyang bangkay.-panununog ng buhay sa tatlong sibilyan

    Taong 1989, dinakip ng tropa ni Cornalang tatlong sibilyan at dinala sa detatsmentsa Sawmill. Pilit silang pinapaaming kasaping BHB. Nang walang makuhang anumangimpormasyon, ilinagay sa sako ang tatlo,sama-samang ilinagay sa mga drum,binuhusan ng gasolina at walang awangsinunog ng buhay.-istraping sa sayawan

    Taong 1989 din, walang habas napinaputukan ng tropa ni Cornal ang isangsayawan sa Sityo Mapugahan, Magsalangi,Milagros. Patay ang isang sibilyang babae.Dalawa pang babae ang nasugatan.-panununog sa mga bahay at pamamarilsa mga alagang hayop ng masa

    Nangyari ito sa Sityo Yot-aw,Mahayahay, Milagros noong 1989. Walongbahay ng masa ang sinunog at pinagbabarilang kanilang mga alagang baboy, kambing,baka, kalabaw at kabayo.

  • SILYAB * Abril-Hunyo 2006 9

    SSSSS

    Marami pang mga kaso ng pagsalbeyds, pananakit sa masa at iba pang pang-aabusoang isinampa laban kay Major Cornal. Nang magretiro si Major Cornal, naging aktibonaman siyang kasapi ng Military Intelligence Group (MIG).Rebolusyonaryong hustisya, ipinagbunyi ng mamamayang Masbatenyo

    Nang isinagawa ang pamamarusa, si Major Cornal mismo ang nagmamaneho ng van.Ginagamit niyang dahilan ang pagpasada upang regular na mabisita at mamantini angmga binuo niyang lambat paniktik na nakapaloob sa MIG at R2, ang intelligence staff ngPNP- Regional Mobile Group.

    Pumwesto mismo sa kanyang likuran ang timlider ng yunit sa ispesyal na operasyonna nagsagawa ng pamamarusa. Pinakaminimum na bilang ng bala lamang ang pinakawalanupang matiyak na walang madamay na pasahero. Tinyempo rin ang ginawang pamamarusasa pagpara sa van ng kasamang sumakay upang nakahinto ang sasakyan at walangpanganib na bumangga ito nang barilin si Cornal.

    Sa hanay ng mamamayang Masbatenyo, walang nagitla sa naganap na pamamarusa.Tanging nasabi ng masang nakasaksi ay, sa wakas, nakamit na rin ang hustisya para samga naging biktima ng berdugong si Major Cornal.

    Hindi usapin ang bilang, kundiang superyoridad ngmaniobra ang mapagpasya nangmagiting na makapanlaban angapat na myembro ng BagongHukbong Bayan sa isangtangkang kubkob ng 15 elementong Philippine Army.

    Isang yunit-platun ng mgapulang mandirigma ang pumakatsa Brgy Busay sa bayan ngMagallanes, Sorsogon upangmagsagawa ng gawaingedukasyon at pag-oorganisa.Pagpasok nila, natunugan sila ngisang impormer ng militar naitinanim sa baryo.

    Ayon sa pagsusuri ng Hukbo,nag-ulat ang nasabing impormersa kampo ng militar na nakabasesa Brgy Laboy ng parehong bayan.Kampo ito ng Charlie Coy ng 2nd

    Infantry Battalion na nasa ilalimng 901st Infantry Brigade.

    sundan sa pahina 10

    5 Patay, 2 Sugatan na Armi sa Kontra-kubkob ng BHB

    Nangungunang Berdugo ng Masbate, Pinarusahan

  • 10 Abril-Hunyo 2006 * SILYAB

    SSSSS

    Taktikal naOpensiba

    Haras at Isnayp, Matutunogsa Sorsogon

    Kagyat na iniatras ang operasyong militarng Bravo Coy ng 2nd Infantry Battalionsa Brgy Beguin, Matnog, matapos i-harasng isang tim ng mga pulang mandirigma.

    Naganap ang haras, kasabay ngmatagumpay na kontra-kubkob nitong Mayo17 sa bayan ng Magallanes.

    Namamahinga ang 14-kataong yunit ngmga militar nang paputukan ito ng mgakasama. Isa ang kaagad na nasugatan sahanay ng mga kaaway.

    Ang tropa ng kaaway ay nasa pamumunoni Lt Marquez ng Bravo Coy ng 2nd InfantryBattalion.

    Hinaras din sa parehong petsa ang baseng Charlie Coy ng parehong batalyon saBrgy Casay, Casiguran. Alas syete ng gabi,tatlong minutong pinaputukan ng isang timng mga pulang mandirigma ang nasabingkampo ng armi.

    Isa pang haras ang isinagawa sa CAFGUdetatsment sa San Ignacio, Gubat. Nasailalim ito ng pangangasiwa ng Alpha Coyng 22nd Infantry “Cadre” Battalion. Sa loobng apat na minutong pamumutok ng isangtim ng Hukbo, tatlo ang ilinuwal na kaswaltisa hanay ng mga CAFGU.

    Dalawang isnayper naman ng mgapulang mandirigma ang nagparalisa saoperasyon ng mga militar sa San Juan Daan,Bulan. sundan sa pahina 11

    Sumunod na araw, Mayo 17, naglunsad ng strike operation ang mga armi. Mabilisnamang ipinaabot sa mga kasama ang presensya ng mga militar.

    Alas 6:20 ng umaga, umatake na ang tropa ng mga militar, na pinamumunuan ni LtBalasibas, upang kubkubin ang binabasehan ng mga kasama.

    Tanaw ng mga pulang mandirigma ang papalapit na militar mula sa kanilang pusisyon.Ang mainbody ng mga kasama ay agad nang nagmaniobra sa mas ligtas na lugar. Apatlang na pulang mandirigma ang nagpa-iwan upang magsilbing pampigil sa papalapit nakaaway. Nang makapasok na ang mga kaaway sa sector of fire ng Hukbo, agad silangbinugsuan ng putok at pinasabugan ng command detonated explosives. Lima ang patayat dalawa ang sugatan sa panig ng mga militar.

    Demoralisadong umatras ang tropa ng mga kaaway habang hindi magkanda-ugaga sapag-asikaso sa malaking kaswalti sa panig nila. Ang apat namang magigiting na pulangmandirigma ay ligtas na nag-regrup sa kanilangplatun.

    Linubid na kasinungalingan ang ilinabas na ulatng militar sa midya. Isa lang ang inaming sugatan,si Pfc Jonathan Lopez, sa panig nila. Habang sapanig naman daw ng BHB ay apat ang patay.

    Ang mga taumbaryo mismo ang nagpatunay nainutusan sila ng mga militar upang dalhin ang mgasugatan at mga bangkay ng kanilang kasamahanhanggang sa gilid haywey upang isakay saambulansya.

    Kontra-kubkob ng BHB

  • SILYAB * Abril-Hunyo 2006 11

    sundan sa pahina 12

    Mga Operasyong Partisano Laban sa mga Sagad-saringKontrarebolusyonaryo

    Magkakasunod na operasyong partisanoang isinagawa laban sa mga sagad-saring kontra-rebolusyon at kontra-mamamayang elemento ng AFP at PNP.

    Irosin, Sorsogon – Nakamit angrebolusyonaryonghustisya nangparusahan ngkamatayan siDomingo Habla,myembro ng CAFGUat death squad ngmilitar na nagsagawang mga karumal-dumal napamamaslang samamamayan ngSorsogon.

    Ika-15 ng Mayo,dakong 1:30 nghapon, inabangan ngmga operatiba ngBHB si Habla sa sentro mismo ng bayan.

    Si Habla, alyas Ka Rodel, ay datingkasapi ng Bagong Hukbong Bayan nasumuko sa reaksyunaryong sandatahanglakas at aktibong nagpagamit sa mgakontra-rebolusyonaryong aktibidad.Nagsimula siya sa pagiging myembro ngCAFGU hanggang sa maging regular nakasapi ng Philippine Army. Sumabay siya

    sa mga counter-insurgency operation, atginamit ang kanyang kaalaman sa tereynupang tukuyin ang mga binabasehan atkinikilusang erya ng Hukbo. Tinukoy niyarin ang mga kilala niyang lider ng kilusanat mga kasapi ng saligang organisasyong

    masa.Kalaunan, sinanay

    at naging bihasanghitman at pangunahingoperatiba ng deathsquad ng AFP saSorsogon si Habla.Kasangkot siya saserye ng pamamaslangng mga aktibistangmyembro ng mgap r o g r e s i b o n gorganisasyon saprubinsya. Ilan sa mgaito ang pamamaril-patay kay Rodolfo Lamosa bayan ng

    Magallanes, at kay Tirso Ebuenga at MarioEstocado na parehong nagmula sa bayanng Gubat.

    May kinalaman din siya sa pagpaslangsa mga lider ng Bayan Muna Partylist saprubinsya, tulad nina Max Frivaldo at DingUy, at kay Neal Futalan, barangay captainng Gabao sa bayan ng Irosin.

    Alas dos ng hapon nitong Mayo 18, ginapang ng dalawang kasama ang 14 militar napansamantalang nakahimpil. Isang bala lang ang pinakawalan ng isnayper na Hukbo.Sugatan ang tinarget na militar. Dahil sa katarantahan, walang habas na nagpaputok angmga kaaway sa iba’t ibang direksyon. Isang sibilyan ang hinagip dahil sa arbitraryongpamamaril.

    Hindi rin pinaligtas ang kampo ng armi na nakabase sa Laboy, Bulan at ang CAFGUdetatsment sa Gabao, Irosin, sa pag-haras ng mga pulang mandirigma.

    Haras at Isnayp, Matutunog sa Sorsogon

    SSSSS

  • 12 Abril-Hunyo 2006 * SILYAB

    SSSSS

    Bulan, Sorsogon - Isang 9 mm na pistola naman ang nakuha mula sa notoryus natagalabag ng karapatang pantao na si PO3 Virgilio Razo matapos siyang parusahan ngisang tim ng Bagong Hukbong Bayan, nitong Mayo 3, sa sentro mismo ng bayan.

    Sangkot si PO3 Razo sa sindikatong nagbebenta ng droga, pagtatayo ng intelligencenetwork laban sa rebolusyonaryong kilusan at pambubugbog sa ilang masa sa nasabingbayan.

    Nasa ilalim siya ng 509th PNP Provincial Mobile Group na nakabase sa Brgy Aquino.

    Iriga City, Camarines Sur – Sa layong dalawang kilometro mula sa detatsmet sa BrgySan Pedro, isinagawa ang operasyong partisano laban kay S/Sgt Nestor Esmeria, nitongAbril 24. Siya ang commanding offficer ng CAFGU detatsment sa nabanggit na baranggay.Ang nasabing detatsment ay nasa ilalim ng Charlie Coy ng 22nd Infantry “Cadre” Battal-ion PA na saklaw ng 902nd IBde 9th ID.

    Isang tatlo-kataong tim ng mga pulang mandirigma ang nagsagawa ng operasyongisparo. Nakuha kay S/Sgt Esmeria ang isang super .38 na pistola.

    San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte – Isang myembro naman ng military intelligencegroup ang linapatan ng parusang kamatayan nitong Abril 2.

    Si Sgt Cezar Bobis ay natyempuhan ng mga operatiba ng BHB sa Brgy Patag. Matagalnang may hatol na kamatayan sa kanya dahil sa kanyang aktibong pag-eespiya laban sarebolusyonaryong kilusan at pagrerekluta ng mga asset ng militar.

    Payo, Catanduanes – Gabi ng Hunyo 8, bandang 7:30, pinarusahan ng isang tim ngBagong Hukbong Bayan si PO2 Bong Bobeles. Nakuha sa kanya ang isang M16 at mgabala.

    Haras ng Milisyang Bayan sa Libmanan,CO ng Armi Patay

    Isang apat-kataong tim ng Milisyang Bayan(MB) ang nagharas sa tactical patrol base ngmga militar sa Brgy Tanag, Libmanan, CamarinesSur nitong Hunyo 27.

    Bandang alas sais ng gabi, ginapang ng apatna MB ang hinihimpilan ng mga Special Opera-tions Team (SOT) ng 42nd Infantry BattalionPhilippine Army. Dahil kapadong kapado angtereyn, nakakuha kaagad ng mahusay na pwestoang mga kasama upang paputukan ang tacticalpatrol base.

    Patay ang commanding officer ng SOT nanakilalang si 2nd Lt Jovencio Bernardo at dalawapang armi. Sugatan naman si Pfc Suarez.

    sundan sa pahina 13

    Mga Operasyong Partisano

  • SILYAB * Abril-Hunyo 2006 13

    Mahigit nang dalawang linggo na nagsasakyada ang mga militar sa lugar. Ang kanilangSOT ay tatagal pa sana hanggang Disyembre. Kakabit ng SOT ang mga operasyongsaywar sa mamamayan at paniniktik tungkol sa aktibidad ng rebolusyonaryong kilusan sabaryo. Nangangalap ang mga militar ng mga datos hinggil sa diumano ay impluwensya ngBHB sa lugar. Nais din nilang linlangin ang taumbaryo upang huwag sumuporta sa rebolusyonat isiwalat ang mga pinaghihinalaang taga-suporta ng BHB.

    Suklam ang mga taumbaryo sa kanila dahil sa mga kaso ng pang-aabuso ng mgasundalo ng 42nd IB. Nito lamang buwan ng Mayo, pinagbubugbog ng mga sundalo angbaranggay kapitan ng Tanag at tinakot pa ang ilang kagawad at mga sibilyan.

    Dahil sa sobrang kahihiyan, itinago ng Armed Forces of the Philippines ang insidentengito sa midya. Ngunit lumabas din ang nasabing balita. Upang makabawi, nagsinungalingna lang si Major Broso, ang tagapagsalita ng Southern Luzon Command. Aniya, hindi rawcombatant si 2nd Lt Bernardo. Nagsasagawa lamang daw ang nasabing militar ng socialinvestigation, at, papel at bolpen lang daw ang hawak, kung kaya’t hindi raw dapattinarget ng opensiba ng BHB.

    Natawa na lamang ang mga kasama at masang nasa lugar na nakakaalam sa totoongnangyari.

    Haras ng Milisyang Bayan sa Libmanan

    Mobayl na Klinikang MasaSa Gawaing Masa

    Ulat Koresponsal

    Ala una, isang hapon ng Abril nangdumating ang pinakaunang pasyente ngkasamang medik. Tulad ng mga dental klinikna isinagawa noong nakaraan sa mgakaratig-baryo, isiningit lang sa iskedyul ngyunit ang pagbubunot ng ngipin. Peroinasahan ng mga kasama na mas maagangdarating ang mga nagpaabot namagpapabunot.

    Matapos kunan ng ilang datos tungkolsa kanyang kalusugan, pumuwesto na siMarie sa upuang kahoy na ginawa ng mgakasama. Sadya iyong nakadisenyo sapagbunot ng ngipin.

    Hindi nagtagal, natapos rin siyangbunutan. Natuwa ang mga kasama sa lakasng loob na ipinamalas ng siyam na taonggulang na batang si Marie.

    “Hindi naman pala masakit!” bulalas ngisang dalagang nakasaksi sa pagbunot.

    Maya-

    sundan sa pahina 14

    SSSSS

  • 14 Abril-Hunyo 2006 * SILYAB

    maya pa ay nagdagsaan na ang mgamagpapabunot. Inabot ng gabi angaktibidad. Hapon na kasi nagsidatingan angmga pasyente dahil may mga trabaho. Angiba nama’y nagdalawang-isip pangmagpalista sa mga kasama. Marami pa rinkasing masa ang nababahala sa karayom.Kadalasan naman, ang kinatatakutangbahagi ay ang pagturok ng anestisya!

    Pero nang makita ng ilang taumbaryoat mabalitaan ng iba pa ang pagpapabunotni Marie, agadnapawi angk a n i l a n gnerbiyos atipinamalas narin ang buongp u s o n gpagtitiwala samga medik naHukbo. Sak a t u n a y a n ,marami pa angnagpalista sasusunod naiskedyul ngbunutan.

    “Nagtutu l irin kayo,kasama?” tanongng isang nanay.

    “Opo. Lalo’tbakasyon naman saiskwela”, sagot ng medik.

    At nagpalista na rin ang mgamagpapatuli at magpapaopera ng mgabukol (cyst). Sa dami ng mga pasyente,nagdesisyon ang mga kasama na isangklinikang masa ang ilunsad upang massistematikong matugunan ang mgaidinaraing ng taumbaryo.

    Petsa 20 at 21 ng buwan ding iyon,idinaos ang isang maliitang klinikang masasa baryo nina Marie – sa Brgy Salvacion, saisang bayan sa Camarines Sur.

    Ang unang araw ay inilaan sa pagtuli.Ang pangalawa’y sa pagbunot ng ngipin atpag-opera ng cyst. Sinikap ng dalawangmedik na malunasan ang mga dental atmedikal na hinaing ng mga pasyente. Perokinapos pa rin sa panahon. Kaya ibinukasng mga kasama na magpapaabot na languli ang komiteng pang-organisa sa baryo

    para sa panibagong iskedyul. Tuladng inasahan, marami ang nagpalistapara sa muling paglulunsad nggayong aktibidad.

    Naging matagumpay angklinikang masa. Lubusan itongikinatuwa at ipinagpasalamatng mga tao. Alam nilangmalaki ang kanilanggagastusin kung sa ospital

    – kahit papampubliko – siladudulog.

    Sa kabila nglimitadong rekursong yunit ng Hukbo,sinikap nitonggampanan angt u n g k u l i n gpangalagaan angkalusugan ngmamamayan.

    Siyempre, hindimagtatagumpay anggawaing iyon kung

    wala ang pagtaguyodng Sangay ng Partido sa Lokalidad at mgakasapi ng saligang organisasyong masa.Ang mga myembro nito ang kumilos parapaabutan ang mga taumbaryong nagpalistapara sa klinikang masa.

    Inalerto naman ang mga myembro ngMilisyang Bayan at grupo ng kabataan paramagpaabot sa mga kasama kung sakalingmay pumasok na kaaway sa sona.

    sundan sa pahina 15

    Mobayl na Klinikang Masa Sa Gawaing Masa

  • SILYAB * Abril-Hunyo 2006 15

    Reyd sa Pawili,1 Patay, 4 Sugatan sa MIB

    Alas dyes beinte ng gabi,Mayo 25, araw ngHuwebes, linusob ng kulang saisang platun na pulangmandirigma ang safehouse ngMilitary Inteligence Battalionng 9th ID Philippine Army saBrgy Pawili, Pili, CamarinesSur.

    Ang safehouse ay nasalikuran ng Mila’s Restaurant atisang gasolinahan sakalsadang papasok sa La Paz,malapit sa crossing papuntasa bayan ng Bula.

    Gamit ang tatlong van,mabilis na narating ng mgakasama ang lokasyon ng tar-get. Sa unang ilang minuto nglabanan, nakadikit ang nasapormasyong asolt sa sementadong dingdingng safehouse.

    Matigas na nanlaban ang mga intel nanasa loob ng safehouse kung kaya higit sa30 minuto ang putukan, lampas saitinakdang tagal ng labanan. Ngunit sinikappa rin ng mga pulang mandirigma na huwagmabitawan ang momentum ng laban.

    Humigit-kumulang kinse minutos langang layo ng Camp Canuto sa Brgy Sagurong,

    kung saan nakapwesto ang hedkwarter ng9th Infantry Division Philippine Army.

    Dumating ang reimpors ng mga militarsakay ng mga trak at Armored PersonnelCarrier V-150 at nagkaputukan pa sa block-ing force ng mga kasama.

    Ligtas namang nakamaniobra palayoang tropa ng mga pulang mandirigma.

    sundan sa pahina 16

    Nagsilbi namang isponsor ng aktibidad ang pamilyang nakatira sa pinagdausan ngklinikang masa. Pati ang mga kapitbahay nila ay di nag-atubiling i-akomoda at pakaininang Hukbo, ang mga pasyente, pati ang mga miron!

    Boluntaryo ding nag-ambag ang masa ng kakayanin nilang halaga. Mahigit limangdaang piso rin ang nalikom ng yunit matapos ang gawaing medikal. Malaking tulong iyonpara sa mga susunod na klinikang masa at sa araw-araw na paggampan ng mgarebolusyunaryong medik sa kanilang di-matatawarang gawain.

    Muli, napatunayan ng Hukbo at ng masa na nagiging mabunga ang anumang gawainkung may pagtutulungan at buo ang kanilang tiwala sa isa’t isa. SSSSS

    Mobayl na Klinikang Masa Sa Gawaing Masa

  • 16 Abril-Hunyo 2006 * SILYAB

    SSSSS

    Namatay ang isang Pfc Benjie Ponce. Nasugatan naman si 1Lt Liwag, Cpl Mangga, CplAquino at Cpl Ballesteros.

    Isang sibilyan naman ang pinatay matapos pagbalingan ng mga militar dahil hindi nanila inabutan ang mga pulang mandirigmang nagsagawa ng matagumpay na reyd.

    Ayon sa pahayag ni Ka Ramona Caceres, ang tagapagsalita ng Eduardo Olbara Com-mand ng BHB-Camarines Sur, matagal na panahong lingid sa mamamayan ang presensyang safehouse sa lugar, laluna ang mga kontra-mamamayan at kontra-rebolusyonaryongoperasyon nito.

    Ginagamit ang mga intel ng 9th ID bilang death squad, na nagsasagawa ngpamamaslang sa mga kasapi ng mga ligal na progresibong organisasyon.

    Dagdag pa ng pahayag, bunga ng mahusay na gawaing paniktik ng Hukbo natuntonang naturang safehouse hanggang sa matagumpay na nailunsad ang reyd dito.

    Malaki rin ang naitulong at ginampanang papel ng ilang ugnay sa loob mismo ngahensya ng reaksyunaryong sandatahang lakas.

    Ang pagpapaigting ng armadong rebolusyon at paglulunsad ng kahalintulad na mgaoperasyon ay kailangang ipagpatuloy at lalo pang dapat na paigtingin upang tuluy-tuloyna labanan at papagbayarin ang mga berdugong tropa ng AFP.

    Bilang panapos, nanawagan ang Eduardo Olbara Command sa lahat ng mamamayansa Camarines Sur at buong Bikol na magkaisa at walang humpay na labanan anganumang karahasang militar at matinding panunupil na nagaganap sa ilalim ng rehimengUS-Macapagal Arroyo. Buong lakas na yanigin ang gubyernong GMA para tuluyan nangmapabagsak ito.

    Hakbang Pamamarusasa Private Goons ni Honasan

    Tinambangan ng isang platun na mgakasapi ng Bagong Hukbong Bayan angisang trak na naglululan ng armadong pri-vate goons ng isang panginoong maylupaat pulitikong nagngangalang BobbieHonasan. Naganap ang pananambang saisla ng Ticao sa prubinsya ng Masbate, saBrgy Casa Batuan, nitong Hunyo 29,bandang alas singko ng umaga.

    Ginamitan ng command detonated ex-plosives ang ambus kung kaya’t tumaobang trak ng mga kaaway na bumibilang saisang iskwad. Dalawa ang namatay saprivate army ni Honasan. Nakasamsam ang

    Taktikal naOpensiba

    mga kasama ng tatlong M16, isang kalibre45 at isang kalibre 38 na pistola, at isanghigh frequency na radyo. Wala namangpinsala sa hanay ng BHB.

    Ang inambus na goons ay kalakhan mgadating armi at ang iba ay kabilang sa civil-ian volunteers organization ng militar naaktibo rin sa mga kriminal na aktibidad.Ginagamit sila ni Honasan upang takutinat palayasin ang bumibilang sa 300 pamilyana nakatira sa Hacienda Honasan at Haci-enda Ara, na kanyang pinangangasiwaan.Umaabot sa 2,000 ektarya ang lawak ngdalawang asyenda.

    Sinira rin ng mga buhong ang mahigitsa 2,000 na pananim na mais ng masa.Dagdag pa, may ilang bahay ring sinunogang private goons ni Honasan.

    Nais palayasin ang nakatirang masa samga asyenda dahil planong gawin na itongrantso ng mga baka ni Honasan.

    sundan sa pahina 5

    Reyd sa Pawili

  • SILYAB * Abril-Hunyo 2006 17

    Haras sa Masbate

    Halos kasabay ng ambus sa Casa Batuan, Ticao, nitong Hunyo 29, laban sa privategoons ng panginoong maylupa na si Bobbie Honasan, hinaras din ng Bagong HukbongBayan ang kampo ng Regional Mobile Group ng Philippine National Police sa San Jacintong parehong bayan. Ipinaabot ng masang nasa paligid ng kampo na may isang elementong RMG na malubhang nasugatan.

    Kaugnay nito, bandang gabi naman ng parehong petsa, hinaras ng BHB ang kampo ngProvincial Mobile Group ng PNP sa Sto. Niño, Cataingan. Kaalinsabay na pinutukan din ngHukbo ang kampo ng mga militar sa Armenia, Uson.

    Pulis Kinumpiskahan ng M16

    Samantalang kinumpiskahannaman ng BHB si PO2 VicenteNayra Jr ng isang M16armalayt. Natyempuhanng mga myembrong BHB angnasabing pulissa pyestahannitong Hunyo 13sa Comagaycay,San Andres,Catanduanes.

    SSSSS

    Dyip ng Armi Pinasabugan ng Bomba

    Kampanteng bumibyahe ang isang hummer-type na dyip ng 65th IB PA sa hayweypapuntang hedkwarter ng 9th ID PA nangpasabugan ito ng command detonated explo-sives ng mga pulang mandirigma, nitong umagang Hunyo 26.

    Dalawang kasama lamang ang nagsagawang pananambang sa mga nakalulang militar sabahaging Pecuaria ng Bula, Camarines Sur.Galing ang mga kaaway sa kanilang kampo saLigao City. Ilang sundalo ang sugatan mataposang pagsabog. Hindi man lang natunugan angmga pulang mandirigma na maingat nanakalayo sa pinangyarihan.

    SSSSS

    SSSSS

  • 18 Abril-Hunyo 2006 * SILYAB

    Maurag talaga ang

    taktika ng mgakasama! Humandaang bagong pakat nabatalyon ng armi!

    Dále kangpeste ka...