im's oposa, mary joy

26
Bahagi ng Pananalita Filipino 4 Tayo ay mayroong sampung bahagi ng pananalita sa Filipino- ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pangatnig, pang-ukol, pang-angkop, pang-uri, pang-abay, pantukoy at pangawil o pangawing. May 13, 2015

Upload: johnna-mae-erno

Post on 25-Sep-2015

185 views

Category:

Documents


5 download

DESCRIPTION

Mga Bahagi ng pananalita

TRANSCRIPT

  • [Type text]

    [Type text] Page 0

    Bahagi ng Pananalita Filipino 4

    Tayo ay mayroong sampung bahagi ng pananalita sa Filipino- ang

    pangngalan, panghalip, pandiwa, pangatnig, pang-ukol, pang-angkop,

    pang-uri, pang-abay, pantukoy at pangawil o pangawing.

    May 13,

    2015

  • Mary Joy C. Oposa

    PANGNGALAN (Noun)

    Mga Uring Pansemantika

    1. Pantangi (Proper Noun) partikular ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook

    o pangyayari. Hal. Miguel, Clarissa, Bb. Luz De Guzman Tagpi, Muning, Brownie, Spotty

    Magasing Panorama, Mongol 2 Talon ng Maria Cristina, Ilog Pasig

    Paligsahang Bb. Universe ng Taong 1975

    2. Pambalana (Common Noun) tumutukoy sa pangkahalatang-diwa. Hal. bata, lalaki, babae, lolo, abogado aso, pusa, insekto

    lapis, kotse, relo, radio ilog, lungsod, kabundukan

    sayawan, gulo, banggaan

    3. Tahas (Concrete) ang pangngalan kung tumutukoy sa bagay na material. Hal. tao, hayop, puno, gamut, pagkain

    4. Basal (Abstract) ang tinutukoy ay hindi material kundi diwa at kaisipan. Dalawang uri ng tahas: Di-palanasak at palansak.

    Palansak (Mass Noun) tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay. Hal. Buwig, kumpol, hukbo, lahi, tumpok, tangkal

    Di-palansak tumutukoy lamang sa mga bagay na isinasaalang-alang nang isa-isa.

    Hal. Saging, bulaklak, sundalo, tao, kamatis, manok

    Mga Uring Pangkayarian

    1. Payak ang pangngalan kung ito ay isang salitang-ugat lamang.

  • Mary Joy C. Oposa

    Hal. asin, bunga, balak, diwa

    2. Maylapi o Hinango kung binubuo ng salitang-ugat at panlaping makangalan. Hal. kaklase, kabuhayan, pagbasa, dinuguan

    3. Inuulit ang pangngalan kung ang kabuuan nito o ang bahagi nito ay inuulit. Dalawang uri ng Inuulit: Pag-uulit na di-ganap o pag-uuli na parsyal at ang pag-uulit na ganap.

    Pag-uulit na di-ganap o pag-uulit na parsyal ay yaong bahagi lamang ng salitang-ugat ang inuulit.

    Hal. bali-balita, Sali-salita, tagu-tagumpay, pagtuturo, pagpaplano

    Pag-uulit na ganap pag-uulit sa buong pangngalan Hal. kuru-kuro, bayan-bayan, sabi-sabi

    4. Tambalan ay binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinag-iisa. Ang kayarian ay tumutukoy sa anyo ng salita at iba pang yunit ng wika.

    Ang anumang salitang maaaring isunod sa ang/si, ng/ni, sa/kay, at mga anyong maramihan ng mga ito, ay isang pangngalan o dili kaya ay isang salitang gumaganap

    ng tungkulin ng pangngalan.

    Hal. 1. Nakatapos sa pagdodoktor ang anak na matiyaga. 2. Ang tagumpay ng anak ay tagumpay rin ng mga magulang. 3. Hindi matatapatan ng salapi ang pagtingin ng magulang sa anak.

    Ang anyong maramihan ng ang/si ay ang mga/sina; ang maramihan ng ng/ni ay ng

    mga/nina; at ang maramihan ng sa/kay ay sa mga/kina.

    Hal. ang mga anak, ng mga anak, sa mga anak, nina Maria, kina Maria, sina Maria

    Mga Kakanyahan ng Pangngalan 1. Kausapan o Panauhan ng Pangngalan ang nagsasabi kung ang

    pangngalan ay tumutukoy sa taong nagsasalita, taong kumakausap, o taong

    pinag-uusapan. Halimbawa :

    Ako si Don Diego. Ikaw si Don Diego. Siya si Don Diego

  • Mary Joy C. Oposa

    2. Kailanan ng Pangngalan nalalaman natin kung ang pangngalan ay tumutukoy sa isa, dalawa o higit pang tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari.

    Ito ay maaaring isahan, dalawahan, maramihan o lansakan. Halimbawa:

    Isahan : kapatid

    Dalawahan : kambal Lansakan : kawan

    3. Kasarian ng Pangngalan pangngalang may sekso at walang sekso. Pag-uuri ng Pangngalan Ayon sa Kasarian

    v Mga Pangngalang may Kasarian Tiyak na Kasarian Panlalaki

    Pambabae Di-tiyak na Kasarian

    v Mga Pangngalang Walang Kasarian Halimbawa:

    Mga Pangngalang Tiyak na Panlalaki Mario kuya Ginoong Ramos tandang

    Don Jose ninong

    Mga Pangngalang Tiyak na Pambabae Maria Ana ate

    Gng. Ramos ninang dumalaga Donya Perez Mga Pangngalang Di-Tiyak ang Kasarian

    Estudyante manok kapatid guro manananggol kalabaw

    Mga Pangngalang Walang Kasarian

    Bibliya diwa Bulking Mayon aklat Maynila laro

    4. Kaukulan ng Pangngalan ang tawag sa kakanyahan ng pangngalang

    nagpapakita ng gamit nito sa pangungusap.

    Dalawang Uri ng Kaukulan ng Pangngalan

    1. Kaukulang Palagyo kung ginagamit itong simuno, pamuno sa simuno, pangngalang patawag, kaganapang pansimuno, o pamuno sa kaganapang

    pansimuno.

  • Mary Joy C. Oposa

    Simuno gamit ang pangngalan

    Si Rizal ay Dakilang Malayo

    Pamuno sa Simuno ang gamit ng pangngalan

    Si Rizal, ang bayani, ay Dakilang Malayo.

    Pangngalang patawag ang gamit ng pangngalan Carisa, alagaan mo si Choy.

    Kaganapang pansimuno ang gamit ng pangngalan

    Si Mabini ay Dakilang Lumpo.

    Pamuno sa kaganapang pansimuno ang gamit ng pangngalan

    Ang dalagang iyon ay si Alice, ang pinsan ko.

    2. Kaukulang Palayon ang pangngalan kung ginagamit na layon ng pandiwa o layon ng pang-ukol o kung pamuno sa alinman sa dalawa.

    Layon ng pandiwa ang gamit ng pangngalan Ang masipag na ama ay nagsisinop ng kanilang bakuran

    Layon ng pang-ukol ang gamit ng pangngalan

    Ibigay mo kay Cesar ang para kay Cesar, at sa Diyos ang para sa Diyos.

    Pamuno sa layon ng pandiwa ang gamit ng pangngalan

    Ang mga Hapon ay umaangkat sa Pilipinas ng mangga, isang ipinagmamalaking bungang-kahoy natin.

    Pamuno sa layon ng pang-ukol ang gamit ng pangngalan Igalang mo ang ukol sa relihyon, ang

    tagapag-ugnay natin sa ating Panginoon.

    2 PANGHALIP (PRONOUN)

  • Mary Joy C. Oposa

    Pananaw na Pansemantika : ang panghalip ay salita o katagang panghalili sa

    ngalan. Pananaw na Istruktural : and panghalip ay maikilala dahil sa impleksyon o

    pagbabagong- anyo.

    Uri ng Panghalip 1. Mga Panghalip na Panao ay panghalili sa ngalan ng tao.

    Panauhan Anyong ang (palagyo)

    Anyong ng (paukol)

    Anyong sa (paari)

    Isahan

    Una Ako Ko Akin

    Ikalawa Ikaw, ka Mo Iyo

    Ikatlo Siya Niya kanya

    Dalawahan

    Una

    *(kata) Kita, tayo

    *(nita) Natin

    *(kanita) Atin

    Ikalawa Kayo Ninyo Inyo

    Ikatlo Sila Nila Kanila

    Maramihan

    Una Kami Naming Amin

    Ikalawa Kayo Ninyo Inyo

    Ikatlo Sila Nila Kanila

    2. Mga Panghalip na Pamatlig humahalili sa sa ngalan ng tao, bagay, atb. na

    itinuturo o inihihimaton. I. Pronominal Anyong ang (Paturol)

    *ire (ibang anyo : yari)

    ito

    iyan (ibang anyo : yaan)

    iyon (ibang anyo :yaon)

    Anyong ng (Paari)

  • Mary Joy C. Oposa

    *nire (ibang anyo :niyari)

    nito

    niyan

    noon (ibang anyo: niyon, niyaon)

    Anyong sa (Paukol) *dine

    dito

    diyan

    doon

    II. Panawag-pansin o Pahimaton 1. *(h) ere

    2. (h) eto

    3. (h) ayan

    4. (h) ayun

    III. Patulad *ganire

    ganito

    ganyan

    ganoon (ibang anyo: gayon)

    IV. Palunan *narini (ibang anyo : nandini)

  • Mary Joy C. Oposa

    narito (ibang anyo : nandito)

    nariyan (ibang anyo : nandiyan)

    naroon (ibang anyo : nandoon)

    3. Panghalip na Panaklaw sumasaklaw sa kaisahan, dami, o kalahatan ng tinutukoy.

    Halimbawa:

    isa anuman magkanuman

    iba alinman kuwan

    balana sinuman

    lahat ilanman

    tanan kailanman

    madla saanman

    pawa gaanuman

    4. Panghalip na Pananong yaong mga panghalili sa ngalan ng tao, bagay, atb. na ginagamit sa pagtatanong.

    Halimbawa:

    Isahan Maramihan

    sino sinu-sino

    ano anu-ano

    alin alin-alin

  • Mary Joy C. Oposa

    kanino kani-kanino

    ilan ilan-ilan

    3. PANDIWA (VERB) Pansemantika : ang pandiwa ay salitang nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa isang

    lipon ng mga salita Istruktural : ang pandiwa ay nakikilala sa impleksyon nito sa ibat ibang aspekto ayon sa uri ng kilos na isinasaad nito.

    Kayarian ng Pandiwa

    Ang pandiwa sa Filipino ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama ng isang salitang-ugat at ng isa o higit pang panlapi.

    Kaganapan ng Pandiwa Ang tawag sa bahagi ng panaguri na bumubuo o nagbibigay ng ganap na kahulugan sa pandiwa at magagawang paksa ng pangungusap kung babaguhin ang pokus ng

    pandiwa.

    Pitong Uri ng Kaganapan ng Pandiwa

    kaganapang tagaganap kaganapang layon

    kaganapang tagatanggap kaganapang ganapan kaganapang kagamitan

    kaganapang sanhi kaganapang direksyunal

    Mga Pokus ng Pandiwa

    1. Kaganapang Tagaganap panaguring nasa pokus sa tagaganap ang pandiwa + paksa

    Halimbawa :

    1. Kinain ng bata ang suman at manggang hinog. 2. Kumain ng suman at manggang hinog ang bata.

    (Ang bata ay kumain ng suman at manggang hinog.)

    2. Kaganapang Layon panaguring nasa pokus sa layon ng pandiwa + paksa Halimbawa :

    1. Kinain ng bata ang suman at manggang hinog.

  • Mary Joy C. Oposa

    2. Kumain ng suman at manggang hinog ang bata. (Ang suman at manggang hinog ay kinain ng bata.)

    3. Kaganapang Tagatanggap panaguring nasa pokus sa tagatanggap ang pandiwa + paksa

    Halimbawa:

    1. Bumili ako ng ilaw na kapis para sa pinsan kong nagbalikbayan. 2. Ibinili ko ng ilaw na kapis ang pinsan kong nagbalikbayan.

    (Ang pinsan kong nagbalikbayan ay ibinili ko ng ilaw na kapis.)

    4. Kaganapang Ganapan panaguring nasa pokus sa kaganapan ang pandiwa + paksa

    Halimbawa:

    1. Nagtanim ng gulay sa bakuran an gaming katulong. 2. Pinagtamnan ng gulay ng aming katulong ang bakuran.

    (Ang bakuran ay pinagtamnan ng gulay ng aming katulong.)

    5. Kaganapang Kagamitan panaguring nasa pokus sa kagamitan ang pandiwa + paksa

    Halimbawa:

    1. Pinunsan ko ang mga kasangkapan (sa pamamagitan) ng basahang malinis. 2. Ipinampunas ko ng mga kasangkapan ang basahang alinis.

    (Ang basahang malinis ay ipinampunas ko ng mga kasangkapan.)

    6. Kaganapang Sanhi panaguring nasa pokus sa sanhi ang pandiwa + paksa Halimbawa:

    1. Nagkasakit siya dahil sa labis na paghithit ng opyo. 2. Ipinagkasakit niya ang labis na paghithit ng opyo.

    (Ang labis na paghithit ng opyo ay ipinagkasakit niya.)

    7. Kaganapang Direksyon panaguring nasa pokus sa direksyon ang pandiwa + paksa

    Halimbawa:

    1. Ipinasyal ko sa Tagaytay ang mga panauhin kong kabilang sa Peace Corps. 2. Pinagpasyalan ko ng aking mga panauhing kabilang sa Peace Corps ang

    Tagaytay.

  • Mary Joy C. Oposa

    (Ang Tagaytay ay pinagpasyalan ko ng aking mga panauhing kabilang sa Peace Corps.)

    Mga Aspekto ng Pandiwa Ang aspekto ay katangian ng pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi pa

    nagaganap ang kilos at kung nasimulan na o natapos nang ganapin o ipinagpapatuloy pa ang pagganap.

    Salitang-ugat Aspektong Perpektibo

    Aspektong Imperpektibo

    Aspektong Kontemplatibo

    mahal minahal minamahal mamahalin

    asa umasa umaasa aasa

    aral nag-aral nag-aaral mag-aaral

    nag-, um-, -in-, -nan, ni-, -an, at na-

    1. Aspektong Perpektibo o Pangnagdaan naglalarawan sa kilos o galaw na ginawa na o katatapos pa lamang. Ito ay kadalasang nabubuo sa pamamamagitan ng mga panlaping.

    Halimbawa: nag-inum, nag-aral, uminum, itinanan, nilamon, nakitaan, nakita

    2. Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan naglalarawan sa kilos o galaw na kasalukuyang ginagawa. Nabubuo ang pandiwang ito sa pamamagitan ng pag-uulit sa unang pantig sa salitang-ugat at pagdaragdag ng panlaping

    katulad ng sa Apektong Perpektibo.

    nag-, um-, -in-, -nan, ni-, -an, at na-

    Halimbawa:

    naglalaba (nag-la-laba), umiinom (um-i-inom)

    minamahal (ma-in-mahal), nilalamon (ni-la-lamon)

    nakikita (na-ki-kita), nakikitaan (na-ki-kita-an)

    3. Aspektong Kontemplatibo o Panghinaharap naglalarawan sa kilos o galaw na gagawin pa lamang. Ito ay kadalasang nabubuo sa pamamagitan ng

  • Mary Joy C. Oposa

    pag-uulit lamang ng unang pantig ng salitang-ugat o pagdaragdag ng unlaping: mag- , ipag-, maka-, naka-. Maaaring ding gamitin ng sabay.

    Halimbawa: gagawa (ga-gawa), maglalaba (mag-la-laba)

    Di-Karaniwang Pandiwa

    1. Maykaltas di-karaniwan ang pandiwa kung ang salita ay nawawalan ng titig o

    pantig.

    Salitang-ugat Panlapi

    Karaniwang Ayos ng Pandiwa

    Di-Karaniwang Ayos ng Pandiwa

    buhos -an buhusan busan

    higit ma- / -an mahigitan mahigtan

    lagay -an lagayan lagyan

    takip -an takipan takpan

    2. Maylipat karaniwang ang pandiwa kung ang isa o dalawang titik ng salita ay

    naililipat, at may ilang titik o pantig na nawawala.

    Salitang-ugat Panlapi Karaniwang Ayos ng Pandiwa

    Di-Karaniwang Ayos ng Pandiwa

    tanim -an taniman tamnan

    atip -an atipan aptan

    silid -an silidan sidlan

    3. Maypalit napapalitan ang isa o dalawang titik ng pandiwa kaya ito ay nagiging di-karaniwan.

    Salitang-

    ugat Panlapi

    Karaniwang

    Ayos ng Pandiwa

    Di-Karaniwang Ayos

    ng Pandiwa

    dinig ma- madinig marinig

    dugtong ka- kadugtong karugtong

    halik -an halikan hagkan

    bayad -an bayadan bayaran

    4. Maysudlong di-karaniwan ang pandiwa kung ang karaniwang anyo nito ay nadaragdagan ng isa o dalawang titik o kung ang pandiwa ay may dalawang hulapi.

    Salitang-ugat Panlapi

    Karaniwang Ayos ng

    Pandiwa Di-Karaniwang

    Ayos ng Pandiwa

    antabay -an antabayan antabayanan

    kuha -in kuhain kuhanin

    mata -in matain matahin

  • Mary Joy C. Oposa

    buti pag- / -an pagbutian pagbutihan

    Pokus ng Pandiwa

    Pokus relasyong semantika ng pandiwa at simuno

    1. Pokus sa Tagaganap-ang pandiwa ay nakapokus sa tagaganap kung ang

    simuno ng pangungusap ang tagagawa ng kilos. Halimbawa:

    Nakapag-aral si Marvino kahapon.

    (pandiwa) (simuno-tagaganap)

    Si Marvino ay nakapag-aral kahapon.

    (simuno-tagaganap) (pandiwa)

    2. Pokus sa Layon-ang pandiwa ay nakapokus sa layon kung ang layon ng pangungusap ang simuno.

    Halimbawa: Bantayan mo ang sinaing at baka masunog.

    (pandiwa) (tagaganap) (simuno-layon)

    Ang sinaing ay bantayan mo at baka masunog.

    (simuno-layon) (pandiwa) (tagaganap)

    3. Pokus sa Ganapan-kung ang simuno ay nasa ganapang kilos, nakapokus sa ganapan ang pandiwa.

    Halimbawa: Pinintahan niya ng berde ang mga tulay. (pandiwa) (tagaganap) (simuno-ganapan)

    Ang mga tulay ay pinintahan niya ng berde. (simuno-ganapan) (pandiwa) (tagaganap)

  • Mary Joy C. Oposa

    4. Pokus sa Tagatanggap-nakapokus sa tagatanggap ang pandiwa kung ang simuno ang tagatanggap ng kilos.

    Halimbawa:

    Ikuha mo si TinTin ng bagong damit.

    (pandiwa) (tagaganap) (simuno-tagatanggap)

    Si TinTin ay ikuha mo ng bagong damit.

    (simuno-tagatanggap)(pandiwa) (tagaganap)

    5. Pokus sa Gamit-nakapokus sa gamit ang pandiwa kung ang simuno ay ang kasangkapan o bagay na ginamit sa pangungusap.

    Halimbawa: Ipangguhit mo ang lapis sa papel.

    (pandiwa) (tagaganap) (simuno-gamit)

    Ang lapis ang ipangguhit mo sa papel. (simuno-gamit) (pandiwa) (tagaganap)

    6. Pokus sa Sanhi-sa sanhi ang pokus ng pandiwa kung ang simuno ay nagpapahayag ng dahilan ng kilos.

    Halimbawa: Ikinatuwa ni Czarina ang biro ni Zeus.

    (VERB)(tagatanggap)(simuno-sanhi)(tagaganap)

    Ang biro ni Zeus ay Ikinatuwa ni Czarina. (simuno-sanhi) (tagaganap) (VERB) (tagatanggap)

    7. Pokus sa Direksyon-kung ang simuno ay nagsasaad ng direksyon ng kilos, nasa pokus sa direksyon ang pandiwa.

    Halimbawa: Pinuntahan ko ang Boracay noong isang linggo.

    (VERB) (tagaganap) (simuno-direksyon)

    Ang Boracay ang pinuntahan ko noong isang linggo. (simuno-direksyon) (VERB) (tagaganap)

  • Mary Joy C. Oposa

    4. PANG-URI (ADJECTIVE)

    Gamit ng Pang-uri 1. Panuring Pangngalan

    Mararangal na tao ang pinagpapala.

    Panuring Panghalip Kayong masigasig ay tiyak na magtatagumpay.

    2. Pang-uring Ginagamit Bilang Pangngalan

    Ang mapagtimpi ay malayo sa gulo.

    3. Pang-uring Kaganapang

    Pansimuno Mga madasalin ang mga Pilipino.

    Kayarian ng Pang-uri 1. Payak kung binubuo ng likas na salita lamang o salitang walang lapi.

    Halimbawa :

    Maiinit ang ulo ng taong gutom.

    Huwag kang makipagtalo sa sinumang galit.

    2. Maylapi kung binubuo ng salitang-ugat na may panlapi. Halimbawa :

    kalahi kayganda

    mataas makatao

    malahininga

    3. Tambalan kung binubuo ng dalawang salitang pinag-iisa. Halimbawa :

  • Mary Joy C. Oposa

    Karaniwang Kahulugan taus-puso biglang-yaman

    bayad-utang hilis-kalamay

    Patalinghagang Kahulugan kalatog-pinggan ngising-buwaya

    bulang-gugo kapit-tuko

    Kailanan ng Pang-uri May tatlong kailanan ang mga pang-uri : isahan, dalawahan, at maramihan.

    Halimbawa:

    Kalahi ko siya. (Isahan)

    Magkalahi kaming dalawa.(Dalawahan)

    Magkakalahi tayong lahat. (Maramihan)

    Kaantasan ng Kasidhian ng Pang-uri

    Ibat ibang Antas ng Kasidhian ang Pang-uri 1. Lantay naglalarawan ng isang pangngalan o panghalip na walang

    pinaghambingan. Halimbawa: Kabigha-bighani ang pook na ito.

    2. Pahambing nagtutulad sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip. 2 Uri ng Paghahambing

    1. Paghahambing na magkatulad- ginagamit ito kung ang dalawang

    pinaghahambing aymay patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlapingkasing, sing, magsing, magkasing o kaya ay ng mga

    salitanggaya, tulad, paris, kapwa at pareho. Halimbawa: Magkakasingganda ang mga bulaklak sa hardin.

    2. Paghahambing na di-magkatulad ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay maymagkaibang katangian. May dalawa itong uri:

    a. Pasahol kung ang hinahambing ay mas maliit, gumagamit ito ng mga salitang tulang ng lalo, di-gaano, di-totoo, di-lubha o di-gasino.

  • Mary Joy C. Oposa

    Halimbawa: Di-gaanong magaganda ang mga moske sa Taguig kaysa sa mga makikita sa Zamboanga.

    b. Palamang kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa pinaghahambingan,gumagamit ito ng mga salitanghigit, labis at di-hamak.

    Halimbawa: Lalong kahali-halina ang mga bulaklak dito kaysa sa nakita ko sa Parke.

    3. Pasukdol ay katangiang namumukod o nangingibabaw sa lahat ng pinaghambingan.

    Halimbawa: Ang ganda-ganda ng Palawan.

    Walang kaparis sa ganda si Glenda.

    Pang-uring Pamilang mga salitang naglalarawan sa pangngalan o panghalip sa pamamagitan ng mga numero. Uri ng Pamilang

    1. Patakaran o Kardinal ginagamit sa karaniwang paraan ng pagbibilang ng pangngalan o panghalip.

    Halimbawa: isa, dalawa, tatlo

    1. Panunuran o Ordinal ginagamit sa pagpapahayag ng pagkasunud-sunod ng mga pangngalan o panghalip. Gumagamit ito ng mga panlaping pang- at ika-.

    Halimbawa: pang-una, pangalawa, pangatlo, una, ikalawa, ikatlo 1. Pamahagi ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakabaha-bahagi o pagkakahati

    sa kabuuan ng isang bagay. Gumagamit dito ng mga panlaping ika- at ka-. Halimbawa: ikatlong bahagi, ikaapat na bahagi, katlo (1/3), kapat (1/4)

    1. Palansak ginagamit sa pagsasaad ng mga bukod na pagsasama-sama ng mga pangngalan o panghalip.

    Halimbawa: aanim, anim-anim, tig-anim, animan, dadalawa, dala-dalawa, tigdadalawa,

    dalawahan 1. Pahalaga ginagamit sa pagbibigay ng halaga ng isang bagay. Gumagamit dito

    ng mga panlaping ma- attig-. pera ang tinutukoy. Hal: Tiglilimampiso ang bili ko sa mga aklat na ito.

    1. Patakda/tiyak na bilang inuulit ang unang pantig ng salitang bilang. Hal. iisa,tatatlo, dadalawa, aapat Si Teresa ay nag-iisang anak.

    Sasampung piso ang natira sa kanya.

    Mga Panlaping Makauri 1. in, ma+ugat+in (madaling maging o madalas maging) ma+ugat+on,

    ka+ugat+on 2.

    tabain matabaon, katabaon

  • Mary Joy C. Oposa

    sakitin masakiton, kasakiton bugnotin masaputon, kasaputon dumihin mabulingon, kabulingon siponin masip-onon, kasip-onon matulogin matuyugon, katuyogon matampohin malisoron, kalisoron mainisin masaputon, kasaputon

    2. ma+ugat (may taglay) Asi: ka+ugat, ma+ugat Pwede ring gamitin ang hulaping on o hon ngunit hindi ito umaakma sa lahat ng salitang ugat. Paminsan-minsan diy nagagamit ang hulaping an o han. maganda kaganda, maganda mabaho kabaho, mabaho, bahoan mabato kabato, mabato, batoon mahalay kauyag, mauyag, uyagon madaya karada, marada, radaon, radaan

    Ang panlaping ka ay malimit na gamitin kung ang pang-uri ang nagsisilbing panag-uri (predicate) ng isangpangungusap. Halimbawa: Karada sida. Sida ay karada. (Madaya siya. Siya ay madaya.) Kung hindi, ma ang ginagamit. Halimbawa: Sida

    ay maradang kaidamo. (Siya ay madayang kalaro.) Sa on/hon o an/han naman, hindi mahalaga kung paano ginagamit ang pang-uri. Halimbawa: Radaon/Radaan sida. Sida

    ay radaong/radaang kaidamo.

    Sa mga paghahambing, ang panlaping dapat gamitin ay ma. Halimbawa: mas madaya mas marada, pinakmadaya -pinakamarada.

    Maraming mga salita sa Pilipino na likas na mga pang-uri. Kung walang katumbas ang mga ito sa Asi na likas na pang-uri-rin, ang mga nabanggit na panlapi rin ang dapat

    gamitin. Halimbawa: tahimik kahipos, mahipos tamad katamar, matamar, tamaran

    3. maka+ugat (para sa) Asi: maka+ugat Halimbawa: makatao makatawo maka-Diyos maka-Dyos

    4. may / marami (hindi man panlapi, ito ay may katumbas na panlapi sa Asi) Asi: ugat+on, ugat+hon

    Halimbawa:

    may / maraming galis galison may / maramimg kulangot otngohon

  • Mary Joy C. Oposa

    may / maraming ipis tabakongon

    5. medyo (bahagya, hindi man panlapi, ito ay may katumbas na panlapi sa Asi) Asi: ma+ugat-ugat, maSu+ ugat

    Halimbawa: medyo maganda maganda-ganda, maguganda medyo pangit mayain-yain, mayuyain medyo malakas makusog-kusog

    Ang maSu+ugat ay maaring gamitin kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa katinig at kung ang unang pantig nito ay hindi katunog ng o o u. Ang S ang nagrerepresenta

    sa simulang katinig ng salitang-ugat.

    6. napaka+ugat, ugat+ugat, pang-uri+panh-uri (ubod ng) Asi: pagka+ugat; pagkau+ugat, kau+ugat (kung angsalitang-ugat ay nagsisimula sa patinig maliban sa u o o); ka+ugat-ugat, pagka+ ugat-ugat (kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa patinig); pagkaSu+ugat, kaSu+ugat (kung nagsisimula naman sa katinig kung saan ang S ang nagrerepresenta sa unang titik nito)

    Halimbawa: napakaganda pagkaganda, pagkaguganda, kaguganda napakapangit pakayain, pagkayuyain, kayuyain napakagaling pagkaayo, pagkauayo, kauayo, kaayo-ayo, pagkaayo-ayo napakaasim pagkaaslom, pagkauaslom, kauaslom, kaaslom-aslom, pagkaaslom-aslom napakaliit pagkaisot, pagkauisot, kauisot, kaisot-isot, pagkaisot-isot napakahalay- pagkauyag, kauyag-uyag, pagkauyag-uyag

    maputing-maputi, puting-puti pagkaputi, kaputi-puti, pagkaputi-puti Ang pagkau, kau, pagkaSu o kaSu ay mas mataas ang antas sa pagka.

    7. kasing+ ugat, magkasing+ ugat, magsing+ ugat, (magkapareho) walang

    panlaping katumbas ito sa Asi at sa halip ay ginagamit ang salitang pareho o kapareho

    Halimbawa: kasingganda kaparehot ganda magkasingganda, magsingganda parehot ganda

    8. pinaka+pang-uri (nakahihigit sa lahat) Asi: pinaka+pang-uri Halimbawa:

    pinakamataba pinakamataba pinakatahimik pinakamahipos

    9. pang+ugat, ika+ugat (pamilang) pang+ugat, ika+ugat halimbawa:

    pang-apat, ika-apat pang-ap-at, ika-ap-at pangsampu, ika-sampu pangsampuyo, ika-sampuyo

  • Mary Joy C. Oposa

    5 PANG-ABAY

    (ADVERB) Istruktural na kahulugan : ang

    pang-abay ay makikilala dahil kasama ito ng isang pandiwa, pang-uri o isa pang pang-abay

    na bumubuo ng parirala.

    Pansemantikang kahulugan : ito ay nagbibigay- turing sa pandiwa, pang-uri o sa iba

    pang pang-abay.

    Uri ng Pang-abay 1. Pang-abay na

    Kataga o Ingklitik : mga katagang lagging suusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan.

    ba daw/raw pala man kasi din/rin tuloy muna

    kaya naman nga pa na yata lamang/lang

    Halimbawa : Nailigtas ba ang mga minerong nabarahan sa minahan? Alam pala ng kanyang nanay ang nangyaring sakuna.

    Kumain muna sila bago umalis. Alangan naman yata na sila pa ang lumapit sa atin.

    2. Pang-abay na salita o parirala

    1. Pamanahon (Adverb of Time) nagsasaad kung kailan ginanap ang kilos. May Pananda

    nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang

    Hal. Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw? Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak. Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan.

    Walang Pananda kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandal, atb.

    Hal. Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino. Ipagdiriwang ngayon n gating pangulo ang kanyang ika-40.

    Nagsasaad ng dalas Araw-araw, tuwing umaga, taun-taon, atb.

  • Mary Joy C. Oposa

    Hal. Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan. Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanitili ang kanyang kahulugan.

    1. Panlunan (Adverb of Place) tumutukoy sa pook/lugar kung saan naganap ang kilos.

    Sa ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip. kay/kina ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao. Hal. 1. Maraming masasarap na ulam ang itininda sa kantina. 2 Nagpaluto ako kina Aling Myra at Luisa ng masarap na keyk para sa iyong kaarawan.

    1. Pamaraan (Adverb of Manner) naglalarawan kung paano naganap, o magaganap ang kilos ng pandiwa. Ginagamitan ng panandang nang o na/-ng.

    Halimbawa : Kinamayan niya ako nang mahigpit.

    Natulog siya nang patagilid. Bakit siya umalis na umiiyak?

    1. Pang-agam pang-abay na nagsasaad ng walang katiyakan ng isang kilos.

    Hal. Marahil, sigurong, tila, baka, wari, atb. Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng Sandiganbayan. Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.

    Waring natutupad din ang ating mga pangarap.

    1. Panang-ayon- (Adverb of Affirmation) pangabay na nagsasaad ng pangsangayon. Ito ay katumbas ng affirmation sa Ingles. Ang ilan sa ganiton pang-abay ay oo, opo, tunay, talaga, atb.

    Halimbawa: Opo, susundin ko po ang utos ninyo.

    Tunay, na maganda siya. 1. Pananggi (Adverb of Disagreement/Negation) pang-abay na nagsasaad

    ng hindi pagsangayon tulad ng hindi/diat ayaw. Halimbawa:

    Hindi pa lubusang nagagamot ang sakit na kanser. Ngunit marami na rin ang ayaw tumigil sa pagsisigarilyo.

    1. Panggaano o Pampanukat nagsasaad ng dami, halaga o timbang Halimbawa :

    Tumaba ako ng limang libra. Dinagdagan niya ang biniling lansones nang apat na guhit. Tumaagal ng limang oras ang operasyon niya.

    1. Pamitagan (Adverb of Respect)- nagsasaad ng pagrespeto

    1. Kailan po kayo uuwi? Opo, aakyat a po ako.

  • Mary Joy C. Oposa

    1. Panuring nagsasaad ng pagsasalamat o pagtanaw ng utang na loob.

    Hal. Maraming salamat at tinulungan mo ako. 1. Pananong pang-abay na ginagamit sa pagtanong 2. Panunuran Pagsusunud-sunod ng mga salita, hanay o kalagayan.

    Hal. Kahuli-hulihang tinawag ng guro ang batang walang takda.

    1. Panulad (Comparative Adverb) pang-abay na nagsasaad ng paghahambing Hal. Di-hamak na masipag si Ana kaysa kay Trining.

    1. Kundisyunal nagsasaad ng kundisyon pa ay nagsasaad ng kundisyun para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Mga sugnay o parirala na pinangungunahan ng kung, kapag, o pag at pagka-.

    Hal. Luluwag ang ekonomiya ng bayan japag nakapagtatag ng maraming industriya ditto sa atin.

    1. Kusatibo tawag sa pang-abay na nagsasaad ng dahilan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Binubuo ng parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa.

    Hal. Nagkasakit si Vianning dahil sa pagpapabaya sa katawan. 1. Benepaktibo nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagganap sa

    kilos ng pandiwa o layunin ng kilos ng pandiwa.

    Halimbawa : o Mag-aroskaldo ka para sa maysakit. o Magbili ka ng mga alaga mong manok para sa matrikula mo.

    1. Pangkaukulan pinangungunahan ng tungkol, hinggil, o ukol. Halimbawa :

    o Nagplano kami tungkol sa gagawin nating pagdiriwang. o Nagtapat siya sa ina hinggil sa kanilang pagiging magnobyo.

    MGA PANG-UGNAY Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa

    pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.

  • Mary Joy C. Oposa

    6 PANGATNIG (CONJUNCTION)

    Ang Pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa salita sa kapwa salita, o isang kaisipan sa kapwa kaisipan. Ito ay maaaringpantulong o pantuwang.

    Mga Uri Ng Pangatnig Pantuwang ang pangatnig kapag pinag-uugnay nito ang mga

    magkakasingkahulugan, magkakasinghalaga o magkakapantay na mga bagay o kaisipan.Ang mga pantuwang na pangatnig ay: at, saka, pati. Halimbawa:

    Magtitirik ng kandila at magpapadasal si Ka Ebeng sa Araw ng mga Patay. Ang mga mamamayan pati na ang mga dayuhan ay pupulungin ng Pangulo.

    Dalhin mo bukas pagtungo natin sa talon ang timba, tabo saka ang mga labahin. Pantulong naman ang pangatnig kung pinag-uugnay nito ang sugnay na di- makapagiisa sa malaya o makapag-iisa o punong sugnay. Nag-uugnay ng di-

    magkapantay na salita, parirala o sugnay: kung, kapag, upang, para, nang, sapagkat, dahil sa.

    Halimbawa: Nag-trabaho siya ng mabuti, para makabili siya ng damit. Umasenso ang kanyang buhay, dahil sa kanyang pagsisikap

    Pamukod pamukod ito kung may pamimili, pagtatangi, pag-aalinlangan, pagtatangi sa isa o sa iba sa dalawa o mahigit pang bagay o kaisipan. tulad ng o, ni,

    man, maging at kaya. Halimbawa:

    Ni sa pangarap ni sa panaginip ay hindi siya nagisip ng ganyon. Paninsay o Pasalungat kung sa tambalang pangungusap, ang ikalawa ay sumasalungat sa una, ang ginagamit ay: ngunit, bagaman, habang, kahit, datapwat, subalit. Halimbawa:

    Sasalo raw siya kahit masama ang kanyang loob. Ang mamamayang pilipino, bagamat hirap sa buhay, ay laging kamamasdan ng kasiyahan. Ang subalit ay ginagamit lamang kung ang ngunit, at datapwat ay ginagamit na sa

    unahan ng pangungusap. Matahimik pa rin ang Pilipinas ngunit hindi pa rin lubos makapaniwala ang mga taga-ibang bansa dahil sa maling nalalathalang balita, subalit patuloy pa rin silang dito ay

    dumaragsa. Panubali kung may pag-aalinlangan o pagbabakasakali, ang ginagamit ay: kung, pag, sana, baka, pagka, kapag, sakali.

    1. Lalong hihirap ang iyong buhay kung babayaan mong nakatiwangwang

    ang iyong lupa. Pinamihasa mo ang iyong anak sa karangyaan, baka magsisi ka pagdating

    ng araw.

  • Mary Joy C. Oposa

    Pananhi mula sa salitang sanhi o dahilan. Ito ay ginagamit kung ang mga kadahilanan, ay inilalahad, kung nangangatwiran, kung tumutugon sa katanungang

    bakit? Ang mga salitang ginagamit ay: dahil, sapagkat, palibhasa, kasi, kundangan, atb.

    Sumama ang kanyang pakiramdam dahil sa nakain niyang hilaw na mangga.

    Lumayas ang anak niya kasi sobra niyang pinagmamalupitan. Panlinaw kung ang nasabi ay pinaliliwanagan pa, ang ginagamit ay: samakatuwid, kaya, gayunpaman, kung gayon, alalaon, sana, atbp. Hal.

    Makahulugan at makabulahan ang kasaysayan, sa makatuwid, ang palasak

    nating kawikaan: Ang hindi marunong lumingon sa pinangalingan ay hindi makararating sa paroroonan. ay diwang bagay lamang.

    Panulad ito ay pariralang magkatugon na ginagamit sa pagtutulad. Kung ano ang itinanim, ay siya ring aanihin. Kung alin ang pinagkapili-pili, ay siya pang nakuha ng bungi.

    Panapos ginagamit ang pangatnig na ito kung nagpapahayag ng layon o pagbabadyang nalalapit na pagwawakas sa pagsasalita. Ito ay:upang, nang, sa wakas.

    Pahalagahan ang pangaral ng mga magulang nang hindi malihis ng patutunguhan.

    Ang Pilipinas, sa wakas, hindi pa man lubos na maunlad ay kababanaagan na ng mapangakong bukas.

    7. PANG-ANGKOP (LIGATURE) ay ang salitang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan (na, ng, g). May Tatlong Pang-angkop ang ginagamit sa

    pag-uugnay ng mga salita 1. Pang-angkop na na ginagamit kung ang

    salitang sinisundan ay nagtatapos sa katinig. Halimbawa: Mataas na kahoy ang kanyang inakyat.

    2. Pang-angkop ng ng ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa patinig.

    Halimbawa: Masayang naglalaro ang mga bata.

    Ang pang-angkop na ng ay nag-uugnay rin sa mga salitang magkakasunod kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa katinig na n. Ngunit hindi ito isinusulat sa

    ganitong anyo. Ang titil na n sa hulihan ng salita ay kinaltas na lamang. Kaya ang angkop na ng at hindi g ang ginamit. Hal. Luntian ng halaman luntiang halaman

  • Mary Joy C. Oposa

    Maraming banging matatarik sa ating bansa. 3. Pang-angkop na g ginagamit kung ang salitang durogtungan ay nagtatapos sa

    titik na n. Halimbawa: Isang masunuring bata si Nonoy.

    8. PANG-UKOL (PREPOSITION)

    v Pang-ukol ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa

    pangungusap. v Ito ay ginagamit upang matukoy

    kung sang lunan o kung anong bagay ang mula o tungo, ang kinaroroonan,

    ang pinangyarihan o kina-uukulan ng isang kilos, gawa, balak ari o layon. Ang mga ito ay laging may layon na maaaring isang pangngalan o isang panghalip.

    Mga uri o mga karaniwang pang-ukol sa/sa mga ng/ng mga ni/nina

    kay/kina sa/kay labag sa nang may tungkol sa/kay mula sa hinggil sa/kay nang wala para sa/kay

    laban sa/kay ayon sa/kay tungo sa alinsunod sa/kay

    Dalawang pangkat ng Pang-ukol

    1. Ginagamit na pangngalang pambalana: ukol sa, laban sa, hinggil sa, ayon sa, tungkol sa, para sa.

    Halimbawa:

    Ukol sa mga Filipino ang paksa ng usapin. Laban sa manggagawa ang kanilang pinapanukala. Ang mga aklat na ito ay para sa mahihirap.

    2. Ginagamit sa ngalan ng tanging tao ang gawa, ari, layon, at kilos ay para lamang sa ngalan ng tao, tulad ng ukol kay, laban kay, para kay, tungkol kay, ayon

    kay, hinggil kay. Halimbawa:

    Para kay Juan ang pagkaing ito. Hinggil kay Enrico ang kanilang problema.

  • Mary Joy C. Oposa

    Ayon kay Rizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa ating kaalaman. Ang napili naming paksa para sa dula ay tungkol kay Andres Bonifacio.

    9. MGA PANANDA ay nagsisilbing tanda ng gamit ng pambalarila ng isang salita sa loob ng pangungusap o ayos ng mga bahagi ng pangungusap.

    1. Mga

    Pantukoy (Article/Detreminer) Ay katagang nangunguna sa pangngalan o panghalip na ginagamit na

    simuno o kagaganapang pansimuno o panag-uri o alinman sa dalawa.

    Dalawang Uri ng Pantukoy 1. Pantukoy na Pambalana

    tumutukoy sa pangngalang pambalana ang, ang mga, mga ang (isahan)

    Halimbawa: Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga nasasakupan. ang mga (maramihan)

    Halimbawa: Nagtulung-tulong ang mga mag-aaral sa paggawa ng collage. mga (maramihan)

    Halimbawa: ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod.

    2. Pantukoy na Pantangi tumutukoy sa pangngalang pantangi (tiyak na tao) si, sina, ni, nina, kay, kina

    si (isahan) Halimbawa: Si Gng. Arroyo ay nagsisikap upang mapabuti ang kalagayan nating mga

    Pilipino. Sina (maramihan) Halimbawa: nanguna sa paglilinis ng barangay sina G. at Gng. Dela Cruz.

    Ni (isahan) Halimbawa: Napagalitan ni Coach Dimagiba ang mga manlalaro dahil hindi sila

    dumating sa oras. Nina (maramihan) Halimbawa: hindi ininatuwa ng guro ang pag-aaway nina Anton at Luis.

    Kay (isahan) Halimbawa: Ibinahagi ni Sofia ang kanyang keyk kay Sam.

    Kina (maramihan) Halimbawa: Nakipagkasundo na si Lukas kina Juan at Pedro.