internet, nakabubuti nga ba?

3

Click here to load reader

Upload: ricardo-cabezas-abapo-junior

Post on 04-Jul-2015

709 views

Category:

Technology


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: Internet, nakabubuti nga ba?

Abapo, Ricardo Jr. C. April 23, 2012BM Piano III Fil 13 E

Internet: Nakabubuti nga ba?

Sinasabing ang teknolohiya ang paraan para gumaan ang mga problemang pinapasan sa ating makabagong lipunan. Lahat ay halos gumagalaw na sa ilalim ng impluwensiya ng teknolohiya. Ang pag-transmita ng mga balita noong mga unang panahon ay sa pamamagitan lamang ng dyaryo o di kaya’y bibig lang at ang balita ay matagal pang dadating sa isang lugar patungo sa iba, lalo na kung sa bibig lang, eh aba siyempre magkakaroon ‘yan ng mga variations at iiba pa ang takbo ng istorya nito, may madadagdag at may mababawas. Pero ngayon, may radyo na tayo, mabilis na ikumpara mo sa dyaryo. Tapos dumating pa ang telebisyon, ayun mas bumilis pa. Eto pa, ang pagtitext! Dahil sa hilig natin dito ay binansagan tayong “Texting Capital of the World”. Halos yata lahat ditto ay may cellphone na, iba nga diyan ay dala-dalawa pa. Noon, sa panahon ng mga kalolot-lolohan natin ay paliham-liham pa lang sila. Ngunit sino ba namang gustong bumalik sa ganoong sistema na umaabot pa ng ilang araw, linggo o buwan bago mahatid ang liham, eh pwede naming sa loob lamang ng iilang segundo, diba? Isa din sa kalubha-lubhang impluwensiya ng teknolohoyia ay ang internet. Oo, internet. Alam kong alam ninyo kung ano ang internet, hmmmmm, sige nga, masubok nga, kapag sinabing internet, Facebook ba agad ang nasa isip? o Youtube? o di kaya’y Twitter? hindi? o baka naman Friendster? Ang mga halimbawang nabanggit ay mga social-networking sites, oo kasali na rin and Youtube. Ito ‘yung mga websites na nakakapag interact tayo sa iba’t-ibang tao sa iba’t-ibang parte ng mundo. Sikat na sikat nga ngayon ang Facebook diba? Mapabata, matanda may ngipin man o wala, eh halos may Facebook account na. Maya-maya’y may motorcycle driver kang magtatanong ng “Miss, pa-add naman sa Facebook…” Eh kahit sino pa man, ‘yan naman ang isa sa mga popular na mga linya tungkol diyan, paramihan kasi ng “friends” ‘yan diba? Sa Twitter, naman pafollow-follow ang drama nito, Pero gaya ng mga websites na ito, ang internet ay na-imbento para pagkone-konektahin tayong lahat saan mang parte tayo sa mundo. Na-imbento rin ito para mapagaan ang buhay natin, gaya ng pagre-research na mas mabilis kesa sa manwal na paghahanap ng mga datos sa library. Na-imbento rin ang internet para mapabilis pa ang lebel o antas ng komunikasyon natin sa isa’-isa, pero ang nangyayari ngayon ay tila bang tinitake-for-granted natin ito. Imbes na gamitin sa mga makabuluhang bagay ay ginagamit ito sa kalokohan, o di kaya’y sa mga walang kakwenta-kwentang bagay, o sa mga bagay na wala naman sa listahan ng prayoridad natin. Sino ba dito sa atin ang gumagamit ng internet? Halimbawa, may assignment ka tapos kailangan talagang mag-research pero mare-research nga ba diretso? Alam kong dadaan pa ‘yan sa maraming bagay bago pa mag-research. Siguro dadaan pa ‘yan sa YahooMail, o Gmail, tapos pafacebook-facebook o di kaya’y patwitter-twitter, o baka naman may nagfre-friendster pa dito? Gayunpaman, ang mga bagay-bagay na kadalasang ginagawa dito ay pacheck-check ng mga pictures, o magbasa-basa ng kung anu-ano sa “homepage” nito, magbasa-basa ng mga “status” ng mga “friends”, tapos palike-like pa nito, tapos pacomment-comment agad, tapos pastatus-status naman kapag magla-log-out na. At pagkatapos pa ng mga bagay na ito ay saka pa magre-research at saka pa mauunawaan na ilang oras na pala, dalawa, tatlo, o apat na oras na pala ang nagastos dito hanggang sa mawalan ng oras sa pagre-

Page 2: Internet, nakabubuti nga ba?

research kaya tuloy either pagod na o di kaya’y kinatok na ng antok, tapos saka pa magsisisi kina-umagahan sa pag-gising. Ika nga, ang pagsisisi ay palaging nasa banding huli. Eto din, ang iba ginagamit ito sa mga illegal na mga gawain gaya ng prostitusyon, pornograpiya, at online sex, o di kaya’y sa pangha-hack ng mga accounts o pang-scam. Ang iba naman ay ginagamit ito para siraan ang isang tao. Ang internet ay produkto ng modernong teknolohiya na imbes ay para sa ikabubuti ay pwede ring humantong sa kapahamakan natin. Ang internet ay naimbento ng may malinis na intensyon. Ito ay para sa ikagiginhawa ng ating pang-araw-araw na buhay. Nawa nama’y gamitin din natin ito ayon sa intensyon ng gumawa nito. Maging responsable tayo bilang tao sa pag-gamit nito at kung kayo may gumagamit ng internet, gumawa kayo ng mga bagay na naaayon sa mga prayoridad ninyo. Kung magre-research kayo, e research agad, mamaya na ‘yang Facebook, total ‘di naman ‘yan tatakbo, e ang research may deadline. Mga kaibigan, wala po akong intension na siraan ang Facebook o ano pa mang mga websites na nabanggit. Ang nais ko lang ipahiwatig sa inyo ay oo, nakabubuti ang internet dahil sa lahat ng mga benepisyong dulot nito pero ito lang ay nakabubuti kung gagamitin natin ito sa mabuti, wasto, kanais-nais, angkop at responsableng paraan. Maraming Salamat po.

Page 3: Internet, nakabubuti nga ba?

Abapo, Ricardo Jr. C.BM PIANO

Batayan sa Pag-grado

I – Nilalaman Paksa

Pagkakaugnay ng ideya

II – Kahandaan

Memoryado

Kasuotan

Tindig

III – Katapatan

Ekspresyon ng mukha

Kilos / Galaw