isang pagkakataon para magbago · mga tanong hangga’t kailangan bago magpasiya kung ang...

2
Ano ang Sariling-Pagbubukod? Ang Sariling-Pagbubukod ay isang boluntaryong programa na nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao na kumuha ng isang pahinga mula sa pagsusugal. Maaari kang pumili ng isang takdang panahon ng Sariling-Pagbubukod na anim na buwan, labindalawang buwan o walang takdang panahon. Maaari ka ring pumili ng isang uri ng Sariling-Pagbubukod na tama para sa iyo: Sariling-Pagbubukod sa Mapagkawanggawang Paglalaro: nalalapat sa lahat ng mga Sentro ng Mapagkawanggawang Paglalaro (na nag-aalok ng electronikong bingo) sa Ontario Sariling- Pagbubukod sa Paglalaro: ay na-a- aplaynalalapat sa lahat ng mga slot, mga casino, at mga casino sa resort sa Ontario at sa paglalarong website sa internet ng OLG, PlayOLG.ca PlayOLG na Sariling-Pagbubukod: na-a- aplay lamang sa website sa internet ng OLG, PlayOLG.ca Lahat ng mga rehistradong indibidwal ay hihintong makatanggap ng direktang pagmemerkado mula sa mga lugar kung saan sila ay sariling-nagbukod. Ang pagpili na sariling-pagbukod ay seryoso. Kung sakaling ikaw ay lumabag sa iyong pangako at natiktikan, aasistihan kang palabas sa lugar, maaaring dagdagan ang iyong takdang panahon, at maaari kang maisakdal para sa pagpasok ng walang pahintulot. Bilang bahagi ng aming suporta sa pangako ng isang sariling-nagbukod na indibidwalupang humintong magsugal, ang mga sariling-nagbukod na indibidwal ay hindi papayagang manalo ng mga premyo. Tama ba ang Sariling- Pagbubukod para sa akin? Ang Sariling-Pagbubukod ay isang makabuluhang hakbang. Mahalagang magtanong ng maraming mga tanong hangga’t kailangan bago magpasiya kung ang Sariling-Pagbubukod ay tama para sa iyo. Karaniwan, nararamdaman ng mga taong nagparehistro na hindi na para sa pinakamabuting interes nila na magpatuloy na magsugal. Para malaman kung ito ang pinakamabuting opsyon para sa iyo, maaaring nais mong isaalang-alang kung: Ang pagsusugal ba ay nagiging sanhi ng mga problema ukol sa iyong mga pananalapi, kalusugan, o mga relasyon? Ang paghinto ba o isang pahinga mula sa pagsusugal ay makakatulong sa iyong makaramdam ng mas higit na kontrol sa buhay mo? Ikaw ay nakahandang gumawa ng isang pangako na magbago ang iyong mga gawi sa pagsusugal? Ang kapasiyahan para magparehistro sa Sariling- Pagbubukod ay dapat na maingat na isaalang-alang. Natagpuan ng ilang mga tao na kapaki-pakinabang na pagsamahin ang Sariling-Pagbubukod sa ibang mga kagamitang pangsuporta, tulad ng pagpapayo sa kredito o relasyon. Dahil ang Sariling- Pagbubukod ay boluntaryo, ang desisyon para magparehistro ay lubos na nasa sa iyo. Upang makakuha ng polyetong ito sa Ingles, Pranses at ibang mga wika mangyaring tumawag sa 1-800- 387-0098 o bisitahin ang mga pahina ng PlaySmart Resources sa PlaySmart.ca 1-888-230-3505 www.problemgamblinghelpline.ca PlaySmart.ca #PlaySmartOLG CC-T (C) v4.1 ISANG PAGKAKATAON PARA MAGBAGO Ano ang kailangan mong malaman tungkol sa programang Sariling-Pagbubukod ng OLG.

Upload: others

Post on 04-Nov-2019

28 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: ISAng PAgkAkATAon PArA MAgbAgo · mga tanong hangga’t kailangan bago magpasiya kung ang Sariling-Pagbubukod ay tama para sa iyo. Karaniwan, nararamdaman ng mga taong nagparehistro

Ano ang Sariling-Pagbubukod?Ang Sariling-Pagbubukod ay isang boluntaryong programa na nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao na kumuha ng isang pahinga mula sa pagsusugal. Maaari kang pumili ng isang takdang panahon ng Sariling-Pagbubukod na anim na buwan, labindalawang buwan o walang takdang panahon. Maaari ka ring pumili ng isang uri ng Sariling-Pagbubukod na tama para sa iyo:

• Sariling-PagbubukodsaMapagkawanggawangPaglalaro:nalalapat sa lahat ng mga Sentro ng Mapagkawanggawang Paglalaro (na nag-aalok ng electronikong bingo) sa Ontario Sariling-

• PagbubukodsaPaglalaro:ay na-a-aplaynalalapat sa lahat ng mga slot, mga casino, at mga casino sa resort sa Ontario at sa paglalarong website sa internet ng OLG, PlayOLG.ca

• PlayOLGnaSariling-Pagbubukod: na-a-aplay lamang sa website sa internet ng OLG, PlayOLG.ca

Lahat ng mga rehistradong indibidwal ay hihintong makatanggap ng direktang pagmemerkado mula sa mga lugar kung saan sila ay sariling-nagbukod.

Ang pagpili na sariling-pagbukod ay seryoso. Kung sakaling ikaw ay lumabag sa iyong pangako at natiktikan, aasistihan kang palabas sa lugar, maaaring dagdagan ang iyong takdang panahon, at maaari kang maisakdal para sa pagpasok ng walang pahintulot. Bilang bahagi ng aming suporta sa pangako ng isang sariling-nagbukod na indibidwalupang humintong magsugal, ang mga sariling-nagbukod na indibidwal ay hindi papayagang manalo ng mga premyo.

Tama ba ang Sariling-Pagbubukod para sa akin?Ang Sariling-Pagbubukod ay isang makabuluhang hakbang. Mahalagang magtanong ng maraming mga tanong hangga’t kailangan bago magpasiya kung ang Sariling-Pagbubukod ay tama para sa iyo. Karaniwan, nararamdaman ng mga taong nagparehistro na hindi na para sa pinakamabuting interes nila na magpatuloy na magsugal. Para malaman kung ito ang pinakamabuting opsyon para sa iyo, maaaring nais mong isaalang-alang kung:

• Ang pagsusugal ba ay nagiging sanhi ng mga problema ukol sa iyong mga pananalapi, kalusugan, o mga relasyon?

• Ang paghinto ba o isang pahinga mula sa pagsusugal ay makakatulong sa iyong makaramdam ng mas higit na kontrol sa buhay mo?

• Ikaw ay nakahandang gumawa ng isang pangako na magbago ang iyong mga gawi sa pagsusugal?

Ang kapasiyahan para magparehistro sa Sariling-Pagbubukod ay dapat na maingat na isaalang-alang. Natagpuan ng ilang mga tao na kapaki-pakinabang na pagsamahin ang Sariling-Pagbubukod sa ibang mga kagamitang pangsuporta, tulad ng pagpapayo sa kredito o relasyon. Dahil ang Sariling-Pagbubukod ay boluntaryo, ang desisyon para magparehistro ay lubos na nasa sa iyo.

UpangmakakuhangpolyetongitosaIngles,Pransesatibangmgawikamangyaringtumawagsa1-800-387-0098obisitahinangmgapahinangPlaySmart

ResourcessaPlaySmart.ca

1-888-230-3505www.problemgamblinghelpline.ca

PlaySmart.ca

#PlaySmartOLG

CC-T (C) v4.1

ISAng PAgkAkATAon PArA MAgbAgo

AnoangkailanganmongmalamantungkolsaprogramangSariling-PagbubukodngOLG.

Page 2: ISAng PAgkAkATAon PArA MAgbAgo · mga tanong hangga’t kailangan bago magpasiya kung ang Sariling-Pagbubukod ay tama para sa iyo. Karaniwan, nararamdaman ng mga taong nagparehistro

MaaaribaakongmagrehistrongibangtaoparasaSariling-Pagbubukod?Hindi. Ang Sariling-Pagbubukod ay boluntaryo at ang pagpasok sa programa ay maaari lamang hilingin ng tao na nais magparehistro. Kung kayo ay may mga alalahanin tungkol sa pagsusugal ng mahal sa buhay, may suporta at impormasyong makukuha sa mga Responsible Gaming Resource Centre at Gaming at mga lugar ng Mapagkawanggawang Paglalaro sa Ontario, lokal na pagsusugal o mga tagapayo ukol sa pananalapi, o sa pamamagitan ng Ontario Problem Gambling Helpline (1-888-230-3505 o mag-email o makipag-usap online sa www.problemgamblinghelpline.ca).

Maaari mo ring basahin ang polyetong paglalaro “Nag-aalala Tungkol sa Pagsusugal ng Isang Tao?”

SinongmakakaalamtungkolsaSariling-Pagbubukodko?Ang iyong personal na impormasyon mo ay kumpidensiyal at makukuha lamang ng kawani na kaugnay sa pangangasiwa ng programang Sariling-Pagbubukod. Ang karagdagang mga tao lamang na makakaalam tungkol sa Sariling-Pagbubukod mo ay iyong mga pipiliin mong pagsabihan.

Paano ako magpaparehistro sa Sariling-Pagbubukod?

*Lahat ng mga rehistradong indibidwal ay bibigyan ng impormasyon tungkol sa mga mapagkukunan sa komunidad para sa karagdagang tulong.

UringSariling-Pagbubukod AngSariling-Pagbubukod

ayna-a-aplaysa PaanoMagparehistro MgaDetalyengPagpaparehistro

Mapagkawanggawang Paglalaro

Lahat ng mga Sentrong Mapagkawanggawang Paglalaro

Magtanong sa isang miyembrong kawani sa lugar ng isang Sentrong Mapagkawanggawang Paglalaro o tumawag sa OLG Support Centre 1-800-387-0098

Kakailanganin ang pagkakakilanlan

Ang Pormularyo ng Pagpaparehistro ay pipirmahan nang personal sa Pagpupulong sa Pagpaparehistro

Paglalaro Lahat ng mga slot, mga casino at internet na paglalaro na website ng OLG, PlayOLG.ca

Magtanong sa isang miyembrong kawani sa isang lugar ng mga slot o casino o tumawag sa OLG Support Centre 1-800-387-0098

PlayOLG.ca PlayOLG.ca PlayOLG.ca/selfexcludeKumpletuhin ang pormularyo ng pagpaparehistro sa online

Saanakomakakahanapngkaragdagangtulongatimpormasyon?Kung kailangan mo ng karagdagang impormasyon tungkol sa Sariling-Pagbubukod, kabilang ang tulong na kaugnay sa problemang pagsusugal, mangyaring kontakin ang OLG sa pamamagitan ng telepono sa 1-800-387-0098 o bisitahin ang PlaySmart.ca. Huwag papasok sa anumang lugar ng paglalaro o Sentro ng Mapagkawanggawang Paglalaropara sa impormasyon sa oras na ikaw ay sariling-nagbukod.

Ang impormasyon at mga pagsangguni sa mga serbisyong pangkomunidad ay inaalok ng 24 oras sa isang araw ng Ontario Problem Gambling Helpline (OPGH). Ang OPGH ay maaaring makatulong sa iyo na makahanap ng mga lokal na tulong at mga mapagkukunan. Ang serbisyo ay libre, kumpidensiyal at inaalok ng mahigit sa 170 mga wika. Ang OPGH ay maaaring maabot sa:Tel: 1-888-230-3505 Web: www.problemgamblinghelpline.ca (kabilang ang pakikipag-usap sa online)

Ang detalyadong impormasyon tungkol sa mga serbisyo sa problemang pagsusugal, pagpigil at paggagamot ay makukuha din mula sa mga mahahalagang mapagkukunang ito:

AngProblemGamblingInstitutengOntariosaCentreforAddictionandMentalHealthTel: 1-888-647-4414Web: www.problemgambling.ca

ResponsibleGamblingCouncilTel: 1-888-391-1111Web: www.responsiblegambling.org

AnoangmangyayarisakatapusanngSariling-Pagbubukod?Kahit ano pa man ang iyong piniling takdang panahon ikaw ay mananatiling sariling-nakabukod hanggang ikaw ay maaprubahang bumalik sa pamamagitan ng isang pormal na proseso ng reinstatement o pagbabalik sa dati. Ang pinili mong takdang panahon ang magpapasiya kung kailan ka magiging karapat-dapt na mag-aplay para sa pagbabalik-sa-dati. Halimbawa, kung pumili ka ng isang taon na takdang panahon, maaari mong piliin na mag-aplay para sa pagbabalik-sa-dati pagkatapos na matapos ang taong iyon. Kung hindi ka pormal na muling mag-aplay, mananatili kang sariling-nakabukod nang walang taning. Kapag pinili mo ang isang walang taning na takdang panahon, dapat kang maging sariling-nakabukod ng pinakamababa na anim na buwan bago mag-aplay para bumalik-sa-dati.Ang mga kahilingan para sa pagbabalik-sa-dati ay dapat isumite sa OLG:

UringSariling-Pagbubukod IsumiteangmgaKahilinganparasaPagbabalik-sa-Datisa:

Mapagkawanggawang Paglalaro

Sumulat sa Koordinator ng Programa ng OLG Mapagkawanggawang Paglalaro sa Sariling-Pagbubukod: 70 Foster Drive, Suite 800, Sault Ste. Marie, ONP6A 6V2O [email protected]

Paglalaro Sumulat sa isang Tagapamahala ng Security ng isang lugar ng mga slot o casino. Ang isang listahan ng mga lugar ng paglalaro ay matatagpuan sa: www.olgslotsandcasinos.ca

PlayOLG.caTawagan ang PlayOLG Player Support: 1-855-978-7529

Pagpapasiyahan ng OLG kung ikaw ay karapat-dapat para sa pagbabalik-sa-dati batay sa iyong piniling takdang panahon at anumang mga paglabag na maaaring nakadagdag sa panahon ng iyong takdang panahon. Maaari ding na kinakailangan mo na magkumpleto sa online ang isang pag-aaral sa pagbabalik-sa-dati, na magbibigay sa iyo ng impormasyon para tulungan kang bumalik sa pagsusugal na may mas higit na kaalaman at mga mapagkukunan para sa tulong.