isang pagkakataon para sa pagbabago. mga pasilidad na laruan ng slots at casino sa ontario para sa...

2
ISANG PAGKAKATAON PARA SA PAGBABAGO. Mga Slot at mga Casino Self-Exclusion PlaySmart.ca Ano ang Self-Exclusion? Ang boluntaryong Self-Exclusion ay isang sariling tulong na tool na ibinibigay ng OLG sa mga taong nais na limitahan o ihinto ang kanilang pagsusugal. Ang mga kalahok ay gumagawa ng isang nakasulat na pangako na lumayo sa lahat ng mga pasilidad na laruan ng slots at casino sa Ontario para sa takdang panahon ng kanilang Self-Exclusion. Karagdagan pa, ang mga kalahok ng Self- Exclusion ay hihintong makatanggap ng OLG marketing at promotional materials, at sila ay magkakaroon ng akses sa isang dedikadong mga serbisyo ng impormasyon sa mga Responsible Gaming Resource Centre (RGRCs) na nag-uugnay ng mga tao sa propesyunal na pagpapayo at mga pinagdalubhasaang serbisyo. “Nang nagpasya akong mag- self-exclude, ako ay talagang gumagawa ng isang kontrata sa sarili ko na humintong magsugal. Ang pagpasok sa programang ito ay nagdala ng mahalagang kahulugan sa desisyong iyon. Ang Self- Exclusion ay sentral sa aking paggaling mula sa problemang pagsusugal.” Terry Finn, nakarehistro sa Self-Exclusion na programa Paano ako magrerehistro para sa Self-Exclusion? Ang pagrerehistro ay simple at kumpidensiyal. Kung piliin mong magrehistro para sa Self- Exclusion, ikaw ay magkakaroon ng pribadong pakikipagkita sa isang sinanay na kawani na tutulong sa iyo sa proseso. Maaari kang mag set-up ng pakikipagpulong sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa isang empleyado ng laruan o sa pamamagitan ng pagbisita sa Responsible Gaming Resource Centre. Maaari mo ring kontakin ang kontak ng seguridad sa alinmang mga pasilidad ng slots at casino sa Ontario upang mag-ayos ng rehistrasyon sa isang opisina ng pagsusugal o pagpapayo sa utang sa iyong lugar. Maaari kang dumalo ng pagpupulong na mag-isa o maaari kang magsama ng isang tao – tulad ng isang miyembro ng pamilya o kaibigan. Sa pagpupulong, ang personal impormasyon mo ay itatala at ikaw ay kukuhanan ng litrato. #PlaySmartOLG 1-888-230-3505 www.problemgamblinghelpline.ca Para makakuha ang polyetong ito sa Pranses at iba pang mga wika pakitawagan ang 1-800-387-0098 o bumisita sa: PlaySmart.ca

Upload: lebao

Post on 11-Jun-2018

221 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

ISANG PAGKAKATAON PARA SA PAGBABAGO.

Mga Slot at mga Casino Self-Exclusion

PlaySmart.ca

Ano ang Self-Exclusion?Ang boluntaryong Self-Exclusion ay isang sariling tulong na tool na ibinibigay ng OLG sa mga taong nais na limitahan o ihinto ang kanilang pagsusugal. Ang mga kalahok ay gumagawa ng isang nakasulat na pangako na lumayo sa lahat ng mga pasilidad na laruan ng slots at casino sa Ontario para sa takdang panahon ng kanilang Self-Exclusion.

Karagdagan pa, ang mga kalahok ng Self-Exclusion ay hihintong makatanggap ng OLG marketing at promotional materials, at sila ay magkakaroon ng akses sa isang dedikadong mga serbisyo ng impormasyon sa mga Responsible Gaming Resource Centre (RGRCs) na nag-uugnay ng mga tao sa propesyunal na pagpapayo at mga pinagdalubhasaang serbisyo.

“Nang nagpasya akong mag-self-exclude, ako ay talagang gumagawa ng isang kontrata sa sarili ko na humintong magsugal. Ang pagpasok sa programang ito ay nagdala ng mahalagang kahulugan sa desisyong iyon. Ang Self-Exclusion ay sentral sa aking paggaling mula sa problemang pagsusugal.”

Terry Finn,nakarehistro sa Self-Exclusion na programa

Paano ako magrerehistro para sa Self-Exclusion?Ang pagrerehistro ay simple at kumpidensiyal.

Kung piliin mong magrehistro para sa Self-

Exclusion, ikaw ay magkakaroon ng pribadong

pakikipagkita sa isang sinanay na kawani na

tutulong sa iyo sa proseso. Maaari kang mag

set-up ng pakikipagpulong sa pamamagitan ng

pakikipag-usap sa isang empleyado ng laruan

o sa pamamagitan ng pagbisita sa Responsible

Gaming Resource Centre. Maaari mo ring

kontakin ang kontak ng seguridad sa alinmang

mga pasilidad ng slots at casino sa Ontario

upang mag-ayos ng rehistrasyon sa isang opisina

ng pagsusugal o pagpapayo sa utang sa iyong

lugar. Maaari kang dumalo ng pagpupulong na

mag-isa o maaari kang magsama ng isang tao –

tulad ng isang miyembro ng pamilya o kaibigan.

Sa pagpupulong, ang personal impormasyon mo

ay itatala at ikaw ay kukuhanan ng litrato.

#PlaySmartOLG

1-888-230-3505www.problemgamblinghelpline.ca

Para makakuha ang polyetong ito sa Pranses at iba pang mga wika pakitawagan ang 1-800-387-0098

o bumisita sa: PlaySmart.ca

Tama ba ang Self- Exclusion para sa akin? Ang Self-Exclusion ay isang mahalagang hakbang. Mahalagang magtanong ng maraming tanong hanggang gusto mo bago ka magpasiya kung ang Self-Exclusion ay tama para sa iyo. Karaniwan, nararamdaman ng mga taong nagpapa-self-exclude na hindi na para sa kanilang pinakamahusay na interes na magpatuloy na magsugal. Upang malaman kung ito ang pinakatamang opsyon para sa iyo, maaari mong isaalang-alang:

• Ang pagsusugal ba ang nagiging sanhi ng iyong mga problema sa iyong mga pinansiya, kalusugan, o mga relasyon?

• Ang paghinto ba o isang pahinga mula sa pagsusugal ay makakatulong sa iyo na makadama ng mas malaking kontrol sa iyong buhay?

• Nakahanda ka bang gumawa ng isang pangako sa iyong sarili na magbago sa iyong mga gawi sa pagsusugal?

Ang desisyon na mag-self-exclude ay dapat na maingat na pag-isipan. Nakita ng ilang mga tao na kapaki-pakinabang na isama ang Self-Exclusion sa ibang pangsuportang tools, tulad ng mga programang panggamot sa pagsusugal, pampinansiyal na pagpapayo at pagpapayo sa relasyon. Dahil ang programa ay boluntaryo, ang desisyon na pumasok ay nakasalalay sa iyo.

Saan ako makakapagrehistro para sa Self-Exclusion?Kapag pinili mong pumasok sa Self-Exclusion na programa, ikaw ay maaaring mag-rehistro sa isang lugar na pinaka komportable sa iyo. Maaari kang mag-rehistro: • Sa alinmang pasilidad ng laruan ng Ontario na

may sinanay na tauhan upang gabayan ka sa iyong proseso ng pagrerehistro

• Sa local na mga sentrong pangsuporta ng komunidad na may mga tagapayo na maaaring magbigay sa iyo ng pinagdalubhasaang impormasyon at suporta para sa pangangasiwa ng utang at problemang pagsusugal.

Upang makahanap ng mga sentrong pangsuporta ng komunidad sa iyong lugar, tumawag sa Ontario Problem Gambling Helpline (OPGH) sa 1-888-230-3505 o bumisita sa: www.problemgamblinghelpline.ca

Maaari ko bang irehistro ang ibang tao para sa Self-Exclusion?Hindi. Gaya ng iminumungkahi ng pangalan, ang Self-Exclusion ay boluntaryo at ang pagpasok sa programa ay maaari lamang na manggaling sa taong nais na magparehistro. Kung mayroon kang mga alalahanin tungkol sa pagsusugal ng isang mahal sa buhay, ang impormasyon at suporta ay makukuha sa pamamagitan ng ilang mga iba-ibang opsyon: mga Responsible Gaming Resource Centre sa mga lugar ng laruan sa Ontario, lokal na mga tagapayo sa pagsusugal o pinansiya, o sa pamamagitan ng Ontario Problem Gambling Helpline (1-888-230-3505 o mag-email o makipag-chat online sa www.problemgamblinghelpline.ca). Ang isang direktoryo ng mga lokasyon ng mga tagapagbigay ng serbisyo at mga programa at impormasyon ng kontak sa buong Ontario ay makukuha sa website ng helpline sa pamamagitan ng pagki-click sa buton ng Direktoryon.

Sinong makakaalam ng tungkol sa Self-Exclusion ko?Ang iyong personal impormasyon ay kumpidensiyal at gagamitin lamang ng kawani na kaugnay sa pangangasiwa ng programa. Ang tanging karagdagang tao na makakaalam ng tungkol sa iyong Self-Exclusion ay iyong mga pipiliin mong pagsabihan.

Makakatanggap pa rin ba ako ng marketing materials?Hindi. Sa oras na mag-enrol ang isang indibidwal sa Self-Exclusion na programa ang kanilang pangalan ay ipa-flag sa mga gaming marketing database at hindi na sila makakatanggap ng direct marketing materials. Ang “Do not Contact” na flags ay ilalagay din sa kanilang mga pangalan sa buong Lottery, Bingo, at mga Corporate Marketing database na namamahala ng direct marketing communications sa mga player.

Gaano katagal ang haba ng Self-Exclusion?Ang OLG ay nag-aalok ng pagpipilian na takdang panahon para sa Self-Exclusion na programa: anim na buwan, isang taon, o walang taning.

Kapag nagparehistro ka, ikaw ay mamimili ng takdang panahon na sa tingin mo ay tama para sa iyo. Maliban kung piliin mong pumasok na muli sa laruan ng casino sa pamamagitan ng pagre-reinstate, ikaw ay mananatiling nakarehistro sa Self-Exclusion na programa.

Maaari ba akong umalis sa Self-Exclusion na programa?Once na magrehistro ka sa Self-Exclusion, kailangan mong tapusin ang takdang panahon na pinili mo. Ang ilang mga kalahok ng Self-Exclusion ay nagpapasiya na manatili sa programa nang walang taning. Ang iba ay nagpapasiya na narrating na nila ang punto kung saan sila ay handa nang bumalik sa pasilidad ng laruan. Kung pinili mo ang “walang taning” bilang takdang panahon sa iyong Self-Exclusion, ikaw ay dapat na mag-self-exclude para sa pinakamababang anim na buwan.

Kung nais mong bumalik sa lugar ng laruan pagkatapos ng takdang panahon ng iyong Self-Exclusion, kailangan mong kontakin ang OLG at mag-apply para ma-reinstate.

Aling mga pasilidad ang bawal pasukin kapag nag-self-exclude ako?Ang iyong Self-Exclusion ay na-a-apply sa lahat ng mga lugar ng laruan sa Ontario. Ang Self-Exclusion ay na-a-apply sa lahat ng mga pasilidad kabilang ang mga restawran at mga lugar para paglibangan sa loob ng site.

Anong mangyayari kapag pumasok ako sa isang lugar ng laruan habang naka-self-exclude?Ang pagpili na mag-self-exclude ay seryoso. Ang mga lugar ng laruan ay nagsagawa ng facial recognition technology. Ang teknolohiyang ito ay tutulong sa pagkilala ng sino man na naka-enrol sa Self-Exclusion na programa na nagtatangkang pumasok na muli sa isang pasilidad ng laruan ng OLG sa pamamagitan ng paghahambing ng kanilang image ng mukha na nasa casino security cameras. Kung sakaling ikaw ay bumalik at natiktikan, isang kawani ang magdadala sa iyo papalabas, dadagdagan ng oras ang takdang panahon ng iyong Self-Exclusion at maaari kang masakdal sa pagpasok nang walang pahintulot. Kapag nangyari itong muli, ikaw ay maaaring multahan, at dadagdagan ng oras ang iyong takdang panahon ng Self-exclusion.

Mayroon pa akong mga tanong. Paano ko mas higit na malalaman?Ang Responsible Gaming Resource Centre sa mga pasilidad ng slots at casino sa Ontario ay isang mabuting lugar upang malaman ang tungkol sa Self-Exclusion, responsableng paglalaro at mga suportang programa sa iyong lugar. Ang mga RGRC ay independenteng pinangangasiwaan ng Responsible Gambling Council.