iv-b-3_pagkalinawan
TRANSCRIPT
ISANG MALIKHAING PAGTUTURO NG WIKA TUNGOSA PAGDEVELOP NG KASANAYANG PANGKOMUNIKATIVO:
MGA TUNGUHIN AT ESTRATEHIYA
Leticia CantalPagkalinawan, PhDUniversity of Asia and the Pacific
I. Panimula
May dalawang mahalagang konsepto o direksyon ang aking panayam, una ang malikhaing pagtuturo ng wika na siyang inaasahan sa mga guro ng wika, at ang madevelop o malinang ang kasanayang pangkomunikativo na inaasahang namang matatamo ng mga magaaral ng wika.
Sa pagbuo ng aking papel, isaalangalang ko ang mga sumusunod na layunin:
1. Matalakay ang mga batayang konseptong may kaugnayan sa pagtuturo at pagkatuto ng wika.
2. Maipaliwanag ang mga batayang konsepto sa komunikativong pagtuturo ng wika.3. Matukoy ang papel ng guro at magaaral sa isang klasrum pangwika.4. Makapagbahagi ng ilang estratehiya sa mabisang pagtuturo ng wika5. Magamit ang mga tinalakay na estratehiya sa pagtuturo ng wika.
Hahatiin ko ang kabuang panayam ko sa apat na kaugnay na paksa:
1. Batayang Sanligan/Konsepto sa Pagtuturo at Pagkatuto sa Wika2. Mga Teorya/Konseptong Batayan ng Komunikativong Pagtuturo ng Wika3. Ang Papel ng Guro at Magaaral sa Klasrum Pangwika4. Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika
II. PAGLALAHAD
A. Batayang Sanligan/Konsepto sa Pagtuturo at Pagkatuto sa Wika
Ang gawaing pagtuturo ay hindi madaling gawain. Hindi sapat na maituro ng isang guro kung ano ang mga araling/paksang nakapaloob sa kanyang silabus kundi kung paano niya ito maituturo at matutunan ng kanyang mga magaaral. Kaya nga sinasabi na ang kahusayan ng pagtuturo ay nasusukat hindi sa dami ng mga naituro kundi bagkus sa dami ng mga natutuhan ng kanyang mga magaaral.
Sa panahon ngayon ng globalisasyon, na ang mga magaaral ay nahaharap sa makabagong teknolohiya gaya ng internet at iba pang makabagong paraan ng komunikasyon, isa sa nagiging malaking sakit ng ulo ng mga guro ang mapanatili ang interes at atensyon ng mga magaaral sa aralin sa loob ng klasrum. Sangayon sa isang pagaaral, ang dating 3040 minutong tagal ng interes at atensyon ng isang adult learner ay nagiging 1520 minuto na lamang . Kaya nga madalas kong marinig sa guro na “ ang
9th Philippine Linguistics Congress (2527 January 2006)Organized by the Department of Linguistics, University of the Philippines
CantalPagkalinanwan/Isang Malikhaing Pagtuturo ng Wika
iingay, ang gugulo ng mga estudyante,” hindi kami ganyan noon,” iba na sila sa amin noon.….at kung anuanong pang pangkukumpara sa magaaral sa kanila”
Naniniwala po ako na ang mga makabagong teknolohiya at kalakaran ng kapaligiran sa ngayon ay hindi maituturing na BANTA sa isang efektivong pagtuturo bagkus ito ay magsisilbing HAMON sa isang guro, isang hamon upang makabuo ng isang malikhaing guro o creative teachers, para makabuo rin ng isang malikhaing magaaral at malikhaing klasrum pangwika o language classroom.
Ayon sa mga ekspertong sina Stevick, Curran at mga kasama, ang susi ng tagumpay sa gawaing pagtuturo at pagkatuto sa loob ng klasrum ay nakasalalay sa relasyon ng mga guro at magaaral. Madaling natututo ang magaaral kung sila ay nasisiyahan sa kanilang pagaaral, at higit na nagaganyak ang guro sa kanyang pagtuturo kung nakikita niyang nasisiyahan ang kanyang magaaral. Ang ganitong paniniwala/pananaw ang nagbigaydaan sa paglitaw ng iba’t ibang kaparaanang pedagojikal sa pagaaral ng wika sa loob ng klasrum gaya ng interaktivo at kolaborativong pagaaral.
B. Mga Teorya/Konseptong Batayan ng Komunikativong Pagtuturo ng Wika
Pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ang paglinang sa kakayahang komunikativo ng mga magaaral. Binanggit sa Batayang Edukasyon sa Level Sekondari ng Department of Education na ang isang mabisang komunikeytor sa Filipino ay yaong nagtataglay ng kasanayang makro – ang pagbasa, pagsulat, pagsasalita at pagkikinig. Bukod dito, may kabatiran at kasanayan din siya sa apat na komponent o sangkap ng kasanayanag komunikativo gaya ng gramatikal, sosyolingwistik, diskorsal at estratijik (Canale at Swain).
Ang kasanayang gramatikal ay ang kakayahang umunawa at makabuo ng mga istraktura sa wika ayon sa mga tuntunin sa gramatika. Ang kasanayang sosyolingwistik naman ay ang kakayahang magamit ang wika sa isang kontekstong sosyal. Ayon sa Fantini may mga salikpanlipunan dapat isaalangalang sa paggamit ng wika, ito ay ang ang ugnayan ng naguusap, ang paksa, lugar at iba pa. Ang mga salik panlipunang ito ay pinaikli at nilagom naman ni Hymes sa akronim na SPEAKING ( s – setting; p – place; eends/layunin; aact; kkeys; I instrument; nnorms; ggenre). Samantala, ang kasanayang diskorsal naman ay tumutukoy sa kakayahang mabigyang ng wastong interpretasyon ang napakinggang pangungusap/pahayag upang makabuo ng isang makabuluhang kahulugan. At ang kasanayang istratijik ay ang kakayahang kung paano niya gagamitin ang wika sa iba’t ibang sitwasyon.
Ayon naman sa teorya Notional –Functional Syllabus ni David Wilkins (Higgs at Clifford 1992, sa Badayos 1999), upang matamo ang kakayahang komunikativo kailangang pantay na isaalangalaang ang pagtalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian (gramatika) ng wikang ginamit sa teksto.
Naniniwala naman si Dr. Fe Otanes (2002), ang paglinang sa wika ay nakapokus sa kapakinabang idudulot nito sa magaaral, na matutuhan ang wika upang sila ay makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang kapwa at mapahalagahan nang lubusan ang kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan. Sa kabuuan, pangunahing mithiin sa pagtuturo ng wika na makabuo ng isang pamayanang marunong, mapanuri, kritikal at kapakipakinabang.
9th Philippine Linguistics Congress (2527 January 2006)Organized by the Department of Linguistics, University of the Philippines
2
CantalPagkalinanwan/Isang Malikhaing Pagtuturo ng Wika
C. Ang Guro at Magaaral sa Klasrum Pangwika
Sa tradisyonal na talakayan sa klasrum, ang guro ang laging sentro ng talakayan, siya ang may malaking bahagdan ng gawain lalo na sa pagsasalita samantalang ang mga magaaral ay tagapakinig o tagasunod lamang. Ang mahusay na klasrum pangwika ay yaong may aktivong interaksyon sa pagitan ng guro at magaaral at magaaral sa kanyang kamagaaral. Ang guro ang nagsisilbing tagapatnubay/fasiliteytor lamang sa iba’t ibang gawain sa klasrum at ang mga magaaral naman ay aktivong nakikilahok sa iba’t ibang gawaing pangkomunikasyon. SA interaksyon ng mga magaaral sa kapwa magaaral, kailangang bigyan sila ng pantay na pagkakataon na makilahok sa iba’t ibang gawain upang malinang kanikanilang kasanayan.
D. Mga Estratehiya sa Pagtuturo Wika
Marami nang paraan o estratehiyang nabuo ang ilang mananaliksik at dalubwika mabisang sa pagtuturo ng wika, ilan dito ang pamamaraang Audiolingual nina Prator at CelceMurcia, Pamamaraang Direct, Series Method, Grammar Translation at iba pa. May mga aklat na ring nalimbag na naglalaman ng iba’t ibang metodo sa pagtuturo gaya ng aklat na “Tips on How To Teach Effectively” ni Fe Hidalgo at iba pa, subalit hanggang sa ngayon patuloy pa rin tayong naghahanap ng iba pa at “makabagong paraan” o estratehiya para maging mabisa “raw” ang ating pagtuturo.
Naniniwala ako na wala naman talagang makabagong metodo o estratehiya na magiging efektivo sa pagtuturo. Ang mga dulog integrativ, interaktiv , kolaborativ at iba pa, sa unang pandinig ay waring bago subalit ang totoo, ang mga ito ay matagal nang ginagamit sa pagtuturo. Maaaring ngayon ay nagkaroon lamang ng panibagong katawagan. Anumang estratehiya o metodo ay mabisa kung ito ay naaangkop sa uri ng aralin, magaaral (edad, antas ng pagaaral, paraan ng pagaaral, motibasyon at kahandaang kognitivo at sosyo, emosyonal), kapaligiran at layunin ng pagtuturo.
1. Ang Pagtuturong Nakapokus sa Magaaral (Learner Centered Teaching) Binibigyanghalaga ang pangangailangan, tunguhin at istilo sa pagaaral
o pagkatuto ng mga magaaral.Sinabi ni Willing (1988; Nunan 1991; Badayos 1999) na ang isang gurong
sensitiv at isinasaalangalang ang estilo sa pagaaral ng mga magaaral ay makatutulong upang magkaroon ng isang matagumpay at mabisang pagkatuto. Sa pagaaral ni Willing, pinangkat niya ang mga magaaral sa apat at nagmungkahi siya ng mga naaangkop na estratehiya sa bawat uri.
Uri ng Magaaral Estratehiya ng Pagaaral
Magaaral na “concrete”
1. mga laro2. mga larawan3. VCR tapes4. Pair work5. Pagsasanay ng wika sa labas ng klasrum
9th Philippine Linguistics Congress (2527 January 2006)Organized by the Department of Linguistics, University of the Philippines
3
CantalPagkalinanwan/Isang Malikhaing Pagtuturo ng Wika
Magaaral na “analitikal”
1. pagaaral ng balarila2. pagaaral ng maraming aklat sa wika3. pagbabasa ng mga pahayagan4. pagaaral nang magisa5. pagalam sa pagsusuri ng mga kamalian
sa wika6. pagtuklas ng mga solusyon sa mga
suliraning inilahad ng guro
Magaaral na “authority oriented”
1. mas gusto ang magpapaliwanag nang lahat tungkol sa wika
2. may sariling batayang aklat3. isinusulat ang lahat ng impormasyon sa
notbuk4. pinagaaralan ang balarila5. nagbabasa para matuto6. natutuhan ang mga bagong salita kung
makikita ang mga ito
Magaaral na “komunikativ”
1. pagmamasid at pakikinig sa mga katutubong nagsasalita ng wika
2. pakikipagusap sa kaibigan na gamit ang wikang pinagaaralan
3. panonood ng programa sa TV sa wikang pinagaaralan
4. pagaaral ng mga bagong salita sa pamamagitan ng pakikinig dito at paggamit ng akwal na pakikipagusap
2. Ang Kooperativ at Kolaborativ na PagkatutoAng mga gawain sa loob ng klasrum ay nakatuon sa samasama at tulung
tulong na pagsisikap ng guro at magaaral upang matamo ang itinakdang gawain. Layunin ng KKP ay mabawasan ang kompetisyon at maragdagan ang kooperasyon ng mga magaaral. Napatunayan sa pagaaral nina Kagan, Slavin at Allport ang magagandang bunga ng kooperativong pagaaral sa mga pagaaral gaya ng mga sumusunod:
a. na malaki maitutulong ng kooperativong pagaaral sa paghubog ng magandang paguugali at pakikipagkapwa ng mga magaaral.
b. Napatataas din ang kanilang pagpapahalaga at pagtingin sa kanilang sariling kakayahan.
c. Mataas na pagsulong sa pagkatutod. Malilinang ang matalino at mapanuring pagiisipe. Nagkakaroon ng positivong atityud sa pagaaral, mataas na motivasyonf. Mas mabuting relasyon ng guro at magaaral; magaaral sa kapwa
magaaral
3. Ang Pagkatutong Interaktiv ( Interactive Learning)
9th Philippine Linguistics Congress (2527 January 2006)Organized by the Department of Linguistics, University of the Philippines
4
CantalPagkalinanwan/Isang Malikhaing Pagtuturo ng Wika
Mahalaga ang interaksyon sa pagtuturo at pagkatuto ng wika. Hindi lamang pagpapahayag ng sariling ideya ang mahalaga kundi ang pagunawa sa mensaheng ipinahahayag ng iba pang kasangkot sa interaksyon. Ayon kay Wells (sa Rivers 1987), ang interaksyon sa klase ay kinapapalooban ng tatsulok na ugnayan ng tagapaghatid ng mensahe, ng tagatanggap at ng konteksto ng sitwasyon, maging pasalita o pasulat na komunikasyon. Sa loob ng klasrum, may tatlong uri ng interaksyon na maaaring lahukan ang magaaral: interaksyon sa guro, sa kapwa magaaral at sa teksto o kagamitang pampagaaral.
4. Ang Pagkatutong Integrativ ( Integrative Learning) Binibigyangdiin dito ang integrasyon ng paksangaralin sa pagaaral ng
wika. Ang paglalahad ng wika ay hinahango sa nilalaman o ng paksa. Taliwas ito sa nakagawiang pagtuturo na ang mga kasanayan sa wika ay itinuturo nang hiwalay at malayo sa konteksto ng paggagamitan nito.
Nakapalood din dito ang pagkatutong nakafokus sa magaaral at ang integrasyon ng apat na kasanayan. Ang mga estratehiyang partisipativ, fasilitativ at konsultativ ay mga katangian ng pagaaral na integrativ. Dito, ang guro ay tagapagdaloy lamang ng pagkatuto, ang mga magaaral ang nagsasagawa ng mga gawain. Ang guro ay tagagawa lamang ng iskrip ng pagkatuto; konsultant, tagagabay, tagakumpas, subalit sa kabuuan ng pagaaral ng isang aralin, ang magaaral ang sentro o ang bida: Siya ay aktibong nagsasalita, nakikinig, bumabasa at sumusulat kung kinakailangan. Ginagamit ng magaaral ang wika sa matalino, mapanuri at malikhaing paraan. Nagiging makabuluhan at kawiliwili ang pagaaral at pagkatuto sapagkat aktibong gumagana ang kanilang pandama at pagiisip
E. Mga Mungkahing Gawain sa Iba’t Ibang Aralin
Sa bahaging ito, magbibigay ang tagapanayam ng iba’t ibang mungkahing gawain sa iba’t ibang aralin – hango sa binubuong aklat ng tagapanayam.
Bibliografi
Badayos, Paquito B. 1999. Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika. Makati: Grandwater Publications and Research Corporation.
Espiritu, Clemencia C. (walang petsa) “Interaktibong Pagtuturo ng Filipino, “ Papel na Binasa sa Isang Pambansang Seminar sa Pilipino.
Fortunato, Teresita F. 1999. “Interaktibong Pagtuturo ng Wika,” Papel na Binasa sa Pambansang Seminar sa Filipino sa “PagpapalakasTibay sa Pagtuturo: Nilalaman, Metodo at Riserts, “ DLSU – Manila.
Nunan D. 1990. Designing Tasks for Communicative Classroom: Cambridge: Cambridge University Press.
9th Philippine Linguistics Congress (2527 January 2006)Organized by the Department of Linguistics, University of the Philippines
5
CantalPagkalinanwan/Isang Malikhaing Pagtuturo ng Wika
Pagkalinawan, Leticia C. 2004. Filipino Para sa Iskolarling Pagpapahayag. Makati: Inkwel Publishing House.
Resuma, Vilma M. “Lapit na Integratibo sa Pagtuturo ng Wika at Panitika: Pokus sa Ilang Mahalagang Kasanayan,” Sa Ang Wikang Filipino sa Loob at Labas ng Akademya’t Bansa, Benilda S. Santos (ed.) 2003. Sentro ng Wikang Filipino – Diliman at Pambansang Komisyon Para sa Kultura at Sining.
Wright Andrew. 1986. Games for Language Learning. Cambridge: Cambrige University Press.
9th Philippine Linguistics Congress (2527 January 2006)Organized by the Department of Linguistics, University of the Philippines
6