jose rizal

12

Click here to load reader

Upload: glenn-g

Post on 26-Oct-2014

1.138 views

Category:

Documents


139 download

TRANSCRIPT

Anong pumapasok sa isip natin kapag nababanggit ang pangalang Jose Rizal? Ang matapang na nobelis ta ng Noli Me Tangere na gumising sa kamalayan ng mga Filipino. Ang bayaning binaril sa Luneta. Ang makata na nagsabing, Ang taong di marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isda. Pero sino ba talaga si Jose Rizal? Anong uri ng Filipinas ang kanyang kinagisnan? Anong mga ideya at prinsipyo ang kanyang isinabuhay at ipinaglaban? Ano ang kanyang tunay na pagkatao? Hanapin natin ang puso at kaluluwa ng dakilang Filipino sa loob ng rebulto sa Luneta. Hanapin natin ang ngiti sa matigas na mukhang nakaukit sa pisong barya. Sa pamamagitan ng pagtunghay sa mga orihinal na sulat, litrato at iba pang piraso ng ala-ala, subukan nating kilalanin ang isang Filipinong nagngangalang Jose Rizal. Taglay pa rin natin hanggan g ngayon ang isang kwadernong may pamagat na Memorias de un Estudiante de Manila . 17 taong gulang si Rizal nang tipunin niya ang kanyang mga ala-ala mula kapanganakan hangg ang sa una niyang pag-ibig sa kwadernong ito. Nagkubli siya sa pangalang P. Jacinto para manatiling pribado ang kanyang buhay. Pero sa dulo ng dokumento, matatagpuan din ang kanyang pirma. Heto ang sariling salaysay ni Jose Rizal:

Ayon sa kanyang mga kapatid, tahimik na bata si Rizal. Bagaman madaling mahalata sa panlalaki ng kanyang mga mata kung siyay natutuwa o nabibighani sa isang bagay. Mahilig siyang magpinta ng mga hayop, ibon at bulaklak gamit -gamit ang achuete, uling at iba pang katas ng halaman bilang pintura. Mahilig din siyang humubog ng pigurin at busto ng mga tanyag na taong nababasa niya sa kanilang mahigit 1000 mga aklat. Matapos kumain at magdasal ng rosaryo, dumadako kami sa

azotea o sa alin mang bintanang katatanawan ng buwan at magkukwento ang aking yaya tungkol sa mga nakalibing na kayamanan at kalansay, mga aswang, mga nuno, mga punong namumunga ng diyamante, mga taong nakatira sa buwan.Matamis ang oras sa tahanang iyon kaya mauunawaan ang lungkot na nadama ni Rizal nang sa napakamurang gulang na 9 na taon ay nalayo siya sa kanyang pamilya upang mag-aral sa Bian. Inihatid ako ng aking kapatid na si Paciano,

Ang Batang Si Moy Mercado Isinilang ako sa Calamba noong Hunyo 19, 1861 sa pagitan ng alas-11 at alas-12 ng gabi. Araw noon ng Miyerkules. At ang aking pagsilang sa daigdig na ito ng luha ay muntik nang ikasawi ng aking ina, nang di niya naipangako sa Mahal na Birhen ng Antipolo na dadalhin ako sa kanyang simbahan.Si Teodora Alonzo ang ina ni Rizal ngunit mas kilala siya noon bilang Lolay.

isang araw ng Linggo. 9 na taon pa lamang ako pero natutunan ko nang magpigil ng luha. Ipinakilala ako ni or Paciano sa aking maestro na siya ring nagturo sa kanya noon. Sa pamamagitan ni Maestro Justiniano Cruz, namulat si Rizal sa isang paraan ng pagtuturo na usong-uso noong panahong iyon. Ayaw ko nang bilangin ang mga palong natanggap ko. Lagi akong nangunguna sa klase pero sa kabila ng aking reputasyon bilang mabait na bata, bihira ang araw na hindi ako nakatatanggap ng 3 hanggang 6 na palo.Babahagya lamang ang sakit na nadama ni Rizal kung ihahambing sa mga sumunod na pangyayari na nag-iwan ng malalalim na sugat sa kanyang ala-ala. Sinubukan ni Doa Lolay na pagbatiin ang kanyang kapatid na si Jose Alberto at ang pabayang asawa nito na bukod sa nakiki-apid ay iniwan pa ang kanilang mga anak. Ikinagalit ng babae ang pakikialam ni Doa Lolay at pinaratangan siyang kasabwat ni Alberto sa tangkang lasunin siya. Sa tulong ng tiniente ng guwardiya sibil, na kaibigan pa man din ng Pamilya Mercado, inaresto si Doa Lolay sa kanilang bahay. Malupit ang naging pagtrato ng alkalde na inilarawan ni Rizal bilang isang panatikong tuta ng mga prayle. Pinilit niyang umamin si Doa Lolay kapalit ng pangakong agad siyang pawawalan. Pero tumagal ng 2 taon ang pagkabilanggo ng ina ni Rizal.

Hindi ordinaryo ang aking ina. Mahilig siya sa Literatura at mas mahusay magsalita ng Espaol kaysa sa akin. Siya ay isang Matematika. Ang kanyang ama, dating kinatawan sa kortes, ang una niyang guro. Bukod sa pag-aa sikaso sa11 anak, pinamahalaan ni Doa Lolay ang isang tindahan sa silong ng kanilang bahay at iba pang maliliit na negosyo. Dahil sa kanyang malakas na personalidad at pagsisikap, malaki ang nagawa ni Doa Lolay sa masigasig na paghuhu bog ng pagkatao ng kanyang mga anak at ng kanilang pag-ibig sa karunungan. Tinuruan niya silang bumasa at sumulat. Sinanay sila sa pagdarasal at pagtulong sa gawaing bahay at kabuhayan. Dahil dito, lubhang malapit si Rizal sa kanya. Kung di dahil sa kanya, ano

kaya ang kinasapitan ng aking pag-aaral at kapalaran? Talagang ang ina ang lahat sa isang tao, pagkatapos ng Diyos.Bagamat tahimik lamang ang ama ni Rizal na si Francisco Mercado o Kikoy, sensitibo siyat malapit sa kanyang mga anak. Mahigit 40 taon na siya nang isilang si Jose Rizal. Ang aking ama na huwaran ng mga ama ay nagbigay ng edukasyong

Hindi ko mailarawan ang dinanas naming pagdaramdam at kalungkutan. Mula nooy nawalan na ako ng tiwala sa pakikipagkaibigan. 9 kaming magkakapatid at kam iy pinagkaitan ng ina ng mga taong itinuring naming kaibigan at trinatong mga bisita.Ganoon na lamang ang lungkot na pinasan ni Rizal nang ihatid siya ni Paciano sa Ateneo Municipal sa Maynila na nakatirik noon sa Intramuros. At ditoy naranasan ng probinsyanong taga-Calamba ang tagumpay, pait, at pag-ibig sa buhay ng isang estudyanteng Maynila.

naaayon sa aming bahagyang kakayanan sa buhay. Sa pagsisikap ay nakapagpatayo siya ng bahay na bato at nakapagpundar ng isa pa.Parehong taga-Bian ang mga magulang ni Rizal ngunit lumipat sila sa Calamba at nangupahan sa lupang pag-aari ng mga prayleng Dominiko. Sa bahay kubo madalas maglaro ang isang batang kung tawagin nilay Moy.

Jose Rizal Mercado: Atenistang Probinsyano 1 1 taong gulang pa lamang si Rizal nang siyay magpatala sa Ateneo. Noong unas diskumpiyado pa ang mga pari na tangga pin siya dahil bukod sa alangang

panahon siya nagpatala, sadyang napakaliit at napakatamlay ni Rizal. Kayat, taliwas sa inaakala ng marami, hindi aga d nakapagpakitang-gilas si Rizal bilang estudyante. Nooy hirap siyang magsalita ng Kastila, isang probinsyanong malayo sa kanyang bayan, napakaliit kung ikukump ara sa mga kaklase niyang Espaol at Meztiso, at malumbay dahil sa kapalarang sinapit ng ina. Ginugol niya ang kanyang panahon sa pagsisimba. Mangyari, sa aking pangungulila ay wala akong nalalamang sukatpagbalingan kundi ang Diyos. Naging masugid din siya sa pagbasa ng mga nobe la at akdang pang-Kasaysayan. Minsay nagawa niyang linlangin ang ama na bilhan siya ng Historia Universal sa pasubaling kailangan ito sa klase. Napalaya na si Doa Teodora, nang magtapos si Rizal ng kursong sekondarya at bumalik sa Ateneo upang mag-kolehi yo. Nang panahong ito ay umusbong ang talino niya sa pag-aaral. Tuwing semestre ay nakakapag-uwi siya ng mga premyo. Sa ilalim ng matiyagang pamamatnubay ng prope sor niyang si Padre Francisco de Paula Sanchez, pinatalas ni Rizal ang kanyang pagkatha sa wikang Espaol. Nakapagsulat siya ng ilang tula at nagsalin ng dulang banyaga na itinanghal sa gabi ng kanyang pagtatapos sa kolehiyo. Nang tangg apin ni Rizal ang kanyang diplomang Batsilyer en Artes at 5 med alya sa gulang na 15, sa halip na matuway lubha siyang nalungkot. Paalam,

Hab ang nagbabakasyon sa Calamba, naganap ang isa pang pangaalipusta na yumanig sa pagkatao ni Rizal. Isang gabi, habang naglalakad pauwi, nakaligtaan niyang saluduhan ang isang tiniente ng guwardiya sibil. 3 hagupit ang tinanggap niya. Inilapit niya ang kaso sa Malacaang ngunit hindi siya pinansin. Pero ang mga hagupit na itoy simula lamang ng iba pang latay na tatanggapin ni Rizal upang mamulat sa pang-aaping dinaranas ng mga Pilipino sa ilalim ng buktot na lipu nan at pamahalaan. Sumali si Rizal sa isang timpalak-pampanitikan. Nanalo ng unang gantimpala ang lahok niyang El Consejo de los Dioses. Nan g pumanhik siya sa entablado at nakita ng mga manonood na isang Pilipino na isang Indioang nanalo, walang pumalakpak. Gayunpaman, hindi nasiraan ng loob si Rizal. Nang mapagtanto niya na hindi kikilalanin at hindi sasapat ang kanyang pagaaral sa Sto. Tomas upang makapanggamot, nabuo ang kayang pasya na mag-aral sa Espaa. Tinanggap ni Rizal ang hikayat ng mga kaibigan, maging ng tiyo niyang si Antonio Rivera, ama ni Leonor. Pero walang kapantay ang ibinigay na suporta ng kapatid ni Rizal na si Paciano. Masinop niyang binalak ang pag-aaral ni Rizal at ipinamana ang pangarap na laan sana sa kanyaisang pangarap na ipinagpalit sa obligasyon ng panganay na lalake na pangasiwaan ang kabuhayan ng pamilya. Inilihim nila sa pamil ya ang mga balak. Patungo sa Liwanag ng Dunong at Daigdig

magandang panahong di ko malilimot. Sa karimlan ng aking buhay, ikaw ang sandaling bukang-liwayway na hindi na muling babati. Paa lam, maliligayang oras ng aking naglahong kamusmusan.Nang bumalik si Rizal sa Calamba, umasa si Doa Lolay na tutulungan na lamang niya si Paciano sa bukid. Ayaw na sana akong pag-aralin pa ng aking ina.

Anya, sapat na ang aking nalalaman at kapag nadagdagan pa itoy mapupugutan ako ng ulo. Pero nanghinayang si Don Kikoy sa talino ng kanyanganak kaya pinag-aral ito ng Pilosopiya sa Unibersidad ng Sto. Tomas. Kumuha din si Rizal ng kurso sa Land Surveying o Agrimensura sa Ateneo upang mapagbigyan ang kanyang ina. Pagkaraan ng 1 taon, nagpasiya si Rizal na mag-aral na lamang ng Medisina matapos matuklasang nabubu lag na ang kanyang ina. Nooy nakilala ni Rizal ang kanyang unang pag-ibig, isang kolehiyalang kasamahan sa dormitoryo ng kapatid niyang si Olimpia, isang binibining nagngangalang Segunda Katigbak. Siyay may

kababaan ng bahagya, may mga matang kung minsay makislap at nangungusap at kung minsan namay malamlam at malungkot, may mga pisnging mamula-mula, may isang ngiting nakakagayuma at nakakaakit. Habang kausap siya, wariy unti-unti kong nilalagok ang napakatamis na lason ng pag-ibi g. Ang mga sulyap niyay bumabaon na parang palaso sa kaibuturan ng aking puso. Naudlot ang suyuan nang pauwiin si Segunda ng kanyang ina upang alagaan angsanggol na kapatid. Ilan pang mga dalagita ang pinagka-interesan o naging interesado kay Rizal bago niya natuklasan ang pag-ibig sa kaanak niyang si Leonor Rivera.

Ginising ako ni Seor Paciano ng alas-5 ng umaga upang maghanda para sa paglalakbay. Pupungas-pungas pa akong bumangon at nagayos ng aking dadalhin. Binigyan ako ni or Paciano ng 365 piso. Gising na ang aking mga magulang pero tulog pa ang aking ibang kapatid. Nilagok ko ang isang tasang kape. Malungkot akong tiningnan ng aking kapatid. Walang kaalam-alam ang aking mga magulang. Nang maisip ko na iiwan ko ang aking pamilya, bumalong ang luha sa aking mga mata. Wariy malulunod ako. Ay, kaylaki nitong sakripisyo para sa isang kabutihang ni hindi mo matanganan. Nagtungo si Rizal sa Maynila. Matapos humingi ng mga sulat ng rekomendasyon kay Pedro Paterno at sa mga paring Heswita, naglayag siya patungong Europa noong ikalawa ng Mayo sa edad na 20 taong gulang. Kumuha ako ng lapis at iginuhit sa

papel ang baybayin ng Maynila. Nanghihina man ang aking mga kamay tulad ng aking puso, patuloy ako sa pagguhit.Unti-unti ring naglaho ang lumbay ni Rizal, pinalitan ng pagkamangha sa pagtuklas ng bagong buhay at daigdig sa kabila ng mga alon. Iniwan sa atin ng

kasaysayan ang napakaraming larawan ng mga taot tanawin, mga sulat sa magulang at kaibigan, at mga ala-ala tungkol sa kanyang mga paglalakbay na masinop niyang sinulat sa mga papel at kwaderno. Ito halimbawa ang kanyang opinion sa bapor na Djemnah. Kumikinang ang lahat, mahangin, malinis ang mga kwarto. Nababalutan

Europeo. Tinipid ni Rizal ang sarili sa maraming bagay, maliban sa libro, tiket sa teatro, at kaunting paglilibang. Madrid, ika-30 ng Disyembre, 1882. Seora Maria,

ng alpombra ang lahat ng sahig. Malinis ang inidoro, ekselente ang mga banyo. At nang dumako siya sa Aden, May nagtitinda ng malalaking itlog at balat ng leon at tigre. Uminom kami ng limonada. Gumamit ang serbidor ng pako para biyakin ang yelo at kinamay ito sa baso bago ihain sa amin. Nakita rin niya ang bantogna Suez Canal, ang Villas ng Sicily at Naples, ang kastilyo sa tuktok ng bundok. Dumaong si Rizal sa Marseille, France at mula rooy sumakay ng tren patungong Barcelona, Spain kung saan siya namalagi ng ilang buwan upang palipasin ang bakasyong pang-tag-araw ng mga unibersidad. Unang araw pa lamang, nawalan na ng amor si Rizal sa Inang Espaa. Pumasok ako sa pinaka-pangit na dako ng

natanggap ko ang maikli ngunit malaman mong liham. Maniniwala ka ba na hindi pa ako naliligo mula noong Agosto at hindi ako pinagpapawisan? Ganyan dito: napakalamig at napakamahal ng paliligo. 35 sentimos ang bawat isa. Ang nagmamahal mong kapatid, Jose.Totoong hindi Madrid ang sentro ng karunungan sa Europa. Madalas ireklamo ni Rizal ang gawi ng mga estudyante doon na natutulog hanggang tanghali, kung gabi namay dumadalaw sa bahay ng mga kalapating mababa ang lipad. Pero mahirap ding sisihin ang mga kabataang mula Filipinas. Sa unang pagkakataon, malaya sila mula sa kanilang mga magulangsa isang napakalayong lugar kung saan mura ang aliw. Nakasama ni Rizal ang mga Filipinong intelektwal tulad ni Graciano LopezJaena, isang dating estudyante ng Medisina na unti-unting kinikilala sa kanyang pagsusu lat at pagtatalumpati at si Gregorio Sanciangco, may akda ng El Progreso de Filipinas. Sumapi siya sa Circulo Hispano-Filipino, isang samahan ng mga Filipino at Espaol na nagtitipon sa isang bahay upang pag-usapan ang mga bagaybagay na may kinalaman sa Filipinas at maglabas ng isang pahayagan o revista. Bukod sa mahusay na kombe rsasyon, malaki ang motibasyon sa p agpunta roon ni Consuelo Ortega, ang dalagang anak ng may-ari ng bahay. Niligawan siya ni Rizal at bagaman inakala ng dalaga na napakasaya niyang kausap, ang pinili niya ay si Eduardo de Lete, isang Kastilang ipinanganak sa Filipinas na magmula nitoy naging lihim nang kaaway ni Rizal. Namatay ang Ciculo dahil sa kakulangan ng pondo at paglaganap ng pulitikal na kulay na ikinailang ng matatandang Kastila. D i man nila napansin, tumatalab na ang mga liberal na ideya sa kamalayan ng mga Filipinong intelektwal, isang proseso ng pagbubukas ng isip sa pagkakaiba ng buhay sa konserbatibong Filipinas at Espaa kung saan napaka-liberal ng pagpapalitan ng mga ideya. Bunga din ito ng mga ideyang napulot mula sa mga klase sa Pilosopiya na nagpapahalaga sa katuwiran sa halip na relihiyon at bulag na panan ampalataya. Bunga rin ito ng pagpapalitan ng kuro-kuro sa pagitan ng pag- inom ng kape o pagkatapos manood ng mga dula sa teatro. Samakatuwid, naging napaka-natural ng pagpasok ng pulitika sa usapan. Halos hindi ito namalayan. Makikita ang pagsibol ng kamalayang-pulitikal sa isang talumpating binigkas ni Rizal bilang parangal sa pagkapanalo nina Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo sa isang timpalak sa pagpinta. Sina Luna at Hidalgo ay karangalan hindi

lungsod at namalagi sa fondang nakasiksik sa isang makipot na eskenita. Ang mga taoy walang pakialam sa isat isa. Tumatagos ang lamig hanggang buto. May panahon na nagsisiputok ang alipunga sa aming mga katawan.Hab ang nagpapalipas ng oras bago magbukas ang mga unibersidad, tinupad ni Rizal ang pangako sa ilang kaibigan na magsulat ng mga artikulo para sa Diariong Tagalog, ang unang pahayagan na nakasulat sa Tagalog at Kastila na pinamamahalaan ni Marcelo del Pilar sa Pilipinas. Patuloy din ang pakikipag-sulatan sa kanyang pamil ya, at mga kaibigan. Mahal kong kapatid, nang matanggap namin

ang telegrama na nagbabalitang nakaalis ka na, malungkot ang ating mga magulang, lalo na si Tatay. Siya ay naging balisa, ayaw bumangon sa kama, umiiyak sa gabi. Pinapapunta niya ako sa Maynila upang alamin kung paano mo nagawang umalis upang mag-aral. Sinabi ko sa kanya na tinustusan ito ng ilan mong kaibigan pero nang mapansin kong balisa pa rin siya at nanganganib magkasakit, pinagtapat ko sa kanya ang lahat sa pasubali na siya at siya lamang ang makakaalam niyon. Bumuti na ang matanda at ngayoy nakukuha nang tumawa. Ang yong nagmamahal na kapatid, Paciano. Iniibig kong kapatid, nasabi sa akin na gusto mo raw marinig ang wikang Tagalog upang hindi mo malimot ang iyong pinagmulan at kami na iyong mga kapatid. Tuwing binabasa ko ang iyong mga liham, hindi ko mapigil ang pagluha, lalo na yong sinulat mo bago ka umalis at sinabi mong dumaan ka dito upang magpaalam ngunit natutulog pa ako. At yong sabi ni Mama na kaunti lamang ang dala mong salapi kaya lagi kong iniisip kung paano ka nakakaraos. Gawa nito, padadalhan kita ng diyamanteng singsing. At isulat mo sa akin kung kanino ko ito maaaring ipadala. Ang iyong nagmamahal na kapatid, Neneng.Umabot din kay Rizal ang balita na ipinagdamdam ni Leonor ang kanyang paglisan. Hindi na sila nakapagpaalam sa isat isa. At iniulat ng isang kaibigan ni Rizal na malaki ang ipinayat ni Leonor dahil sa pag-aalala. At nagbabalak itong kulayan ng itim ang lahat ng kanyang damit. Mula sa Barcelonay lumipat si Rizal sa Madrid at magkasabay na nagpatala sa Kolehiyo ng Medisina at Kolehiyo ng Pilosopiya at Letras. Nakuha rin niyang ipagpatuloy ang hilig sa pagpipinta, pagsusulat at pag-aaral ng mga wikang

lamang ng Pilipinas kundi ng Espaa. Totoong silay isinilang sa Pilipinas ngunit maaaring isilang sila kahit saan sapagkat ang talino ay walang kinikilalang bayan. Itoy umuusbong kahit saan tulad ng liwanag ng karunungan. Uminom tayo para sa kalusugan ng ating mga dakilang artistang Luna at Hidalgo. Uminom tayo para sa kalusugan ng kabataang Filipino, ang banal na pag-asa ng lupang tinubuan. Naway pamarisan nila ang dalawang artistang ito at nang ibigay na ng Madre Espaa na maasikaso at maingat sa ikabubuti ng kanyang mga probinsiya ang mga repormang matagal nang binabalak para

sa Pilipinas.

Hindi inakala ni Rizal na mamasamain sa Pilipinas ang isang talumpating pinapurihan ng mga liberal na taot pahayagan sa Espaa. Mahal

kong kapatid, may karamdaman ang Nanay. Hindi siya makakain at makatulog. Matamlay at hindi makabangon. Ikaw ang dahilan nito. Kumalat dito ang balita tungkol sa talumpating ibinigay mo para sa dalawang pintor at may nakapagsabi na hindi ka na makakauwi dahil dito. Napakarami mo nang kaaway. Ang iyong kapatid, Paciano.Naging mahirap ang kabuhayan sa Calamba nang bumagsak ang presyo ng asukal sa pamilihan. Dahil dito, lubhang nahuli ang pagpapadala ng salapi kay Rizal. Nagprisinta naman siya na umuwi na lamang sa Pilipinas, yaman din lamang at nakuha na niya ang lisensiyado sa Medisina at hindi kakailanganing mag-aral ng doktorado dahil hindi naman niya balak magturo ng Medisina. Napagkasunduan ng pamilya na huwag pauwiin si Rizal at sundin ang mu ngkahi na magsanay muna siya sa optalmolohiya sa isang klinika sa Paris. Mga 50 hanggang 100 ang pasyente sa

ang isang larawang iginuhit ko sa lapis upang makilala ninyo ako sa istasyon. Masakit sa amin ang matagal mong hindi pagsulat. May sakit ka ba o may masamang nangyari sa iyo? Ngayong bisperas ng Bagong Taon, ang pamilya koy iinom ng punch para sa iyong kalusugan. Pinuno ako ng kaligayahan nang matanggap ko ang sulat mo. Sa labis na kasabikan, matagal akong hindi nakakain. Salamat sa Diyos at magaling ka na. (Blumentritt) Lumamig na ang sabaw sa pagkatulala ko nang mabasa ko ang dalawang sulat. Busog na busog ang puso ko. Naisip ko: anong kabutihan ang nag awa ko upang maging karapat - dapat sa pagkakaibigan ng tulad ninyong busilak ang puso?Sa panahong itoy tinatapos na ni Rizal ang Noli Me Tangere pero nahirapan siyang maghanap ng pondo upang ipalimbag ito sa mga imprenta ng Berlin. Hindi pa nabebe nta ang asukal sa kamalig ng mga Rizal at mahirap ang buhay ng pamilya. Sa kabutihang palad, nagpunta roon si Maximo Viola, isang kaibigang nakilala niya sa Barcelona. Agad na humanga si Viola kay Rizal dahil sa talino nito at dedikasyon sa mga gawain. Dinala niya si Rizal sa isang espesyalistang doktor na nagsabing nagkasakit ito dahil sa labis na pagtitipid sa pagkain. Inabonohan din ni Viola ang buong halaga ng pagpapalimbag ng Noli Me Tangere kahit na noong unay ayaw pumayag ni Rizal .

klinika ni Dr. Louis de Weckert. Maraming duling ang naitutuwid ang mata. Kahapon, inoperahan namin ang isang kusinera na mas duling pa kina Emilio at Mariano. 2 minuto lamang, naayos na.Madalas siyang maging panauhin ng pamilyang Pardo de Tavera, mga biyenan ni Juan Luna. Sakalit kapusin ako ng salapi, nagprisinta si Luna na

pautangin muna ako dahil mayroon pa raw siyang naitatabi. Dahil isang pintor, kung minsay pobre siya at kung minsan namay parang milyonaryo.Ginantihan naman ni Rizal ng pagkakaibigan ang kabutihan ni Luna. Naging modelo siya sa ibat ibang larawan ng pintor. Napagpasiyahan ni Jose na magtungo sumandali sa Heidelb erg, Germany upang magsanay pang lalo sa klinika ni Otto Becker. Pinagbuti rin niya ang pagsasalita at pagsulat ng wikang Aleman. Ngunit sadyang may lungkot na matatagpuan sa malalaking gusali at nagniyeniyebeng mga daan. Kaya, laging pinananabikan ni Rizal ang init ng pagtingin ng kanyang pamilya. Kahit kapos sa salapi, pinagsisikapan niyang bigyan ng aginaldo ang kanyang mga pamangkin. Isinalin niya at ginawan ng dibuho (sketch) ang mga kwentong pambata ni Hans Christian Andersen. Madalas din niyang ipagtampo ang katamaran ng kanyang mag-anak sa pagsul at.

Propesor Ferdinand Blumentritt, kasama nito ang isang libro, ang kauna-unahan at matapang na libro tungkol sa buhay ng mga Tagalog. Makikita dito ng mga Pilipino ang kasaysayan ng nakaraang 10 taon. Marahil ay tutuligsain ito ng gobyerno at ng mga prayle pero nananalig ako sa Diyos ng katotohanan at sa mga taong nakakakita ng aming tunay na kalagayan.Nagpasya si Rizal na bumalik sa Pilipinas, sa kabila ng pagpigil ng lahat. Aniyay sinong maniniwala sa intensyon ng kanyang nobe la kung hindi siya uuwi sa kanyang bayan upang magsilbing halimbawa? Sasabihin nila na malakas lamang ang loob niyang magsulat dahil napakalay o niya sa panganib. Ang Lakbayin Patungo sa Ligalig Nang magbalik si Rizal sa Pilipinas, hindi pa gaanong napag-uusapan ang Noli Me Tangere. Bukod sa kakaunti ang kopyang nakapasok sa bansa, kasalukuyan pa lamang itong sinusuri ng mga prayle. Naging mainit ang pagtanggap kay Rizal ng mga karaniwang tao. Matapos kumalat ang balita tungkol sa kanyang husay sa pangg agamot, maraming bata, ale at matatanda ang sumusunod saan man siya magpunta. Pero makaraan ang 3 linggo, nagkatotoo ang hinala ni Rizal. Pinatawag siya ng gobernador-heneral sa Malacaang dahil sa reklamo ng mga prayle tungkol sa nobel a. Inilipat ng gobe rnador sa Komisyon ng Sensura ang pagpapasya sa nobela at nagtalaga ng 1 militar kay Rizal na di umanoy mangangalaga sa kanyang kaligtasan ngunit sa katotohanay isang bantay. Sinundan ni Taviel de Andrade si Rizal saan man siya magpunta. Nagkasundo silang 2 dahil siyay edukado at liberal. Tinulungan pa siya ni Taviel na pabulaanan ang mga mapanirang anas-anasang kinakalat ng mga prayle. Espiya raw ako ng mga Aleman,

Mga mahal kong magulang at kapatid, napuno ko ang apat na pahina kahit walang sinasabi na nagpapakita lamang na pwedeng sumulat ang isang tao kahit wala naman siyang malaking ibabalita.Sa panahong ito, nagsimula sa pamamagitan ng isang sulat ang matalik na pagkakaibigan nina Jose Rizal at Ferdinand Blumentritt, isang Austrian iskolar. Propesor

Ferdinand Blumentritt, nang mabalitaan ko po na pinag-aaralan ninyo ang aming wika at sa katunayay nakapagpalimbag na ng ilang akda tungkol dito, minabuti kong padalhan kayo ng isang aklat na sinulat ng isa sa aking mga kababayan. Gumagalang, Jose Rizal. Agad na sinag ot ni Blumentritt ang sulat. Pinakilala niBlumentritt si Rizal sa mga kilalang iskolar ng Europa, mga higante ng karunungan at siyensya. Bagamat sa simulay siyensya at Filipiniana ang nagbuklod sa kanila, sa pagtagal ng panahon, si Blumentritt ay naging ama-amahan, tagapayo, tagapagtanggol at tagahanga, ang tunay na kabiyak ng kanyang kaluluwa. Kasama ng sulat na ito

Protestante, Mason, mangkukulam. Pinagbabawalan ako ng aking ama na lumabas ng mag-isa o makikain sa bahay ng iba. Natatakot at nangangatal ang

matanda para sa akin. Hindi rin siya pinayagan ni Don Kikoy na pumu nta saDagupan upang makita si Leonor at gayun din naman ang ama ni Leonor sa kanya. Nang imungkahi ng Sensura na pigilin ang pamumu dmod ng Noli Me Tangere, pinagkaisahan ng mga prayle na pilitin ang gobe rnador na gumawa ng marahas na hakbang tulad ng pagpapakulong kay Rizal. Pinayuhan siya ng heneral at ng mga mahal sa buhay na umalis na lamang upang matahimik na ang lahat. Nilisan ni Rizal ang Pilipinas. Tumigil muna si ya sa Hongkong, Macau at pagkatapos ay sa Japan. Kakaunti lang ang magnanakaw sa Hapon. Sinasabi

Filipino laban sa panghahamak ng mga peryodi stang Espaol. Hindi tamad ang mga

Filipino. Tingnan niyo na lamang kung paano mamuhay ang mga Europeo ng nagpaparatang nito sa kanila. Napapaligiran sila ng mga alila na tagatanggal ng sapatos at tagapaypay. Ang tao ay hindi hayop, hindi makina. Ang mithiin niya sa buhay ay hindi ang gumawa para sa ibang tao kundi tuklasin ang kanyang kaligayahan at ikauunlad bilang nilalang. (La Indolencia de los Filipinos) Nagsulatdin siya tungkol sa mga karapatan na dapat sanay tinatamasa ng mga Filipino bilang lehitimong mamamayan ng Espaa na nagbabayad ng buwis at nagbibigay-serbisyo. Isa rito ang sikat na liham sa mga babae ng Malolos na pinapurihan niya sa kanilang pakikipaglaban upang bigyan ng pagkakataong makapag-aral ng wikang Espaol. Mahirap na hindi humanga sa kasipagan ni Rizal bilang iskolar at sa katapatan niya sa direksiyong itinakda niya para sa kanyang sarili, lalo na kung iisipin na sa buong panahong itoy ginigipit siya ng mga problema sa salapi at ng patuloy na pagpapahirap sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan sa Pilipinas, bunga ng kanyang mga akda at ng patuloy na suportang ibinigay nila ni Paciano sa paghahain ng kaso laban sa mga prayleng nagmamay-ari ng Hacienda de Calamba na datiy kapanalig ng pamilya Mercado. Ayon sa sulat ng bayaw niyang si Silvestre Ubaldo, Seor Jose Rizal, sa

na laging nakabukas ang kanilang mga bahay. Gawa lamang sa papel ang kanilang mga dingding. At sa mga hotel ay maaari kang mag-iwan ng salapi sa mesa ng walang pangan ib. Kaunti lamang ang mga pulubi. Walang nag -aaway sa daan. Malinis ang mga bahay. Nahumaling si Rizal sa Japan at maging sa isangHaponesang pinangalanang O Sei San. Walang naiwang salaysay tungkol sa kanilang pagniniig maliban sa ilang pangungusap sa kanyang mga tala. Walang sinumang babae ang nagmahal sa akin tulad mo. Hindi

magmamaliw sa aking ala-ala ang iyong larawan. Ang pangalan mo ay mananatili sa aking labi sa bawat buntong hininga. Taglay mo ang lahat ng kulay ng camellas, ang kanyang kasariwaan at karilagan. Sayonara, sayonara!Pagkatapos ay sa Amerika naman naglakbay si Rizal mula California hangg ang New York. Dinalaw ko ang pinakamalalaking siyudad ng Amerika,

kasalukuyan, 13 o 60 sakada ang nakademanda sa korte ng Hukom Tagapamayapa. Sakaling matalo, palalayasin sila at ipagigiba ang lahat, ang kamalig, ang asukalera, at lahat ng nakatirik sa lupa. (Silvestre) Ilang ulit dingipinatapon sa Tagbilaran ang bayaw niyang si Manuel Hidalgo, asawa ni Saturnina. Dinampot siya habang nagno- Noche Buena ang pamilya. At nang umabot ang kaso sa sukdulan, pinalayas ang mga magsasaka ng Calamba kasama ang pamilya Rizal.

ang kanilang naglalakihang gusali, mga ilaw na de kuryente. Walang duda na dakilang bansa ang Amerika bagamat marami pa rin itong depekto. Walang tunay na kalayaan ang mga tao. Sa ilang estado, halimbawa, hindi pwedeng magasawa ang isang negro at isang puti.Sa Inglatera susunod namalagi si Jose. Sa tulong ng isang sulat mula kay Blumentritt, nakilala niya doon si Dr. Reinhold Rost na mabilis din niyang naging mabuting kaibigan. Bukod sa palagiang pag-iimbita sa kanya sa bahay upang mag-tsaa kasama ng kanyang pamil ya, tinulungan siya nitong makakuha ng permisong gumamit ng aklatan ng British Museum. Doon natagpuan ni Rizal ang isang libro tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas (Sucesos de las Islas Filipinas) na sinulat ni Antonio Morga, isang tagapayo ng gobernador-heneral na namalagi sa Pilipinas ng 10 taon. Para kay Rizal, mainam na dokumento ang libro ni Morga upang pabulaanan ang paratang ng mga Espaol na walang sibilisasyon sa Pilipinas bago sakupin ng Espaa. Kaya sa halip na sumulat ng sarili niyang kasaysayan ng Pilipinas, ipinasya ni Rizal na muling ilimbag ang akda ni Morga kasama ang kanyang mga tala. Matiyaga niyang kinopya ang buong dokumento pagkatapos ay ikinump ara ang datos nito sa iba pang dokumento tungkol sa Pilipinas. Nang di tumupad ang kababayan niyang si Antonio Maria Regidor sa pangakong ipalilimbag ang aklat, nagtungo si Rizal sa Paris upang makamura sa palimbagan. Panahon din ito nang maging aktibo si Rizal sa La Solidaridad, ang pahayagang propagandistang inilalabas ng mga Filipino sa Espaa. Nagsulat siya sa paanyaya ni Graciano Lopez Jaena, ang una nitong editor at kahuntahan niya noong nasa Espaa. Karaniwang tema ng mga artikulo ni Rizal ang pagtatanggol sa kultura at pagkatao ng

Aking mahal na kapatid, napakasakit ng nag anap na pagpapalayas. Ang awtoridad, naroon silang lahat upang kamkamin lahat ng pag-aari ng mga pinalayas. Mga 300 pamilya ang inagawan ng kanilang lupa, bahay, hayop, ani ng asukal at bigas. Wala kaming magawa. Nagkalat ang mga guwardiya sibil, ginugulo ang lahat. Pati mga batang 12 taon ay pinabibili nila ng sedula. Ang iyong nagmamahal na kapatid, Narcisa.Ipinatapon si Paciano kasama ng kanyang mga bayaw sa Mindoro. Nang mamatay ang bayaw niyang si Mariano Herbosa, pinagkaitan ito ng Kristiyanong libing. Maging ang kanyang mu nting pamangkin na namatay sa sakit ay balak ding pagkaitan ng libing. Matagal na ibinurol ang bangkay ng bata habang hinihintay ang sagot ng arsobispo. Hindi mapanatag si Rizal, lalo nat totoong malaki ang kinalaman niya sa protesta ng Calamba at sa pagkatha ng nobe la. Umapela na ang kapatid ko

sa Korte Suprema at kailangan kong pumunta sa Espaa upang bantayan iyon o bumalik sa Pilipinas upang masubaybayan ang mga pangyayari. Nanaisin ko pang mamatay para sa aking mga kababayan kaysa mabuhay dito ng maginhawa. Pero pinigil siya ng kanyang mga kamag-anak at kaibigan. Ano pabang magagawa niya sa Pilipinas kundi dagdagan ang kanilang pasakit? Ang mga bagay na ito ang gumugulo sa isip ni Rizal nang mamalagi siya sa Espaa. Kaya, hindi kataka-taka na hindi niya gaanong nat anganan ang mga sumunod na pangyayari.

Nagkaroon ng kaunting intriga sa pagitan nina Rizal at Del Pilar tungkol sa organisasyon at pamamalakad ng gawain ng mga Filipino sa Madrid. Sinasabi na nagsimula lamang ito sa palagiang pagpapayo ni Rizal tungkol sa pamamalakad ni Del Pilar ng La Soli daridad. Bukod pa rito ang madalas niyang panunuligsa sa pagpapabaya at pambababae ng mga Filipino. Walang malisya ang mga payong ito ni Rizal. Siya ang tinitingalang pasimuno ng mga makabayang manunulat at hinirang na pinunong- pandangal ng La Soli daridad. Gayunman, nang bumalik siya sa Espaa matapos ang mahabang panahon, marami siyang ideya at pangarap para sa mga Filipino roon na inakala niyang hindi siya mahihirapan na ipatupad. Hindi niya naisip na posibleng naliligaw siya sa teritoryo ni Del Pilar na kinikilala din ng lahat, kasama na ni Rizal, bilang pangunahing tagapagsulo ng ng lahat ng gawaing pulitikal ng mga Filipino sa Madrid mula nang umalis si Rizal. Ayon kay Rizal, sinamantala ng kampo ni Del Pilar, lalo na ng dati niyang karibal na si Eduardo de Lete, ang isang eleksiyon para sa pagkapinuno ng mga Filipino sa Espaa upang hiyain siya. Inakala ni Rizal na pormalidad lamang ang eleksiyon. Pero ilang ulit na hindi sumapat ang botong nakuha ni Rizal sa napagkasunduang mayorya. Bagamat nanalo din siya pagkatapos ng ilan pang botohan, labis siyang nasaktan. Ginawa man ni Del Pilar ang lahat upang aliwin si Rizal, lubha itong pinersonal ni Rizal na lubhang nasugatan sa mga pangyayari. Pero mayroon

ay nat anggap din ni Luna ang mga bagay-bagay bagamat minsan nang malasing siya ay muntik na silang mag-duwelo ni Rizal. Nang lumaoy nagkabati rin ang d alawa at ipinaubaya ni Luna kay Rizal ang babae. Pero hindi maaa ring magpakasal si Rizal. Nakasangla ang puso niya sa kanyang mga gawain. Marami sanang dalaga na

sanay nakapagbigay-liwanag sa aking buhay kahit isang araw man lamang. Subalit, wala, wala. Tulad ako ng mga biyahero na dumadaan sa lugar na hitik sa bulaklak. Nilalampasan nila ito sa kaiisip na may hinahanap silang kung ano na hindi nila mawari. Subalit paglaon, ang natatagpuan nilay pawang disyerto at pagsisisi.Nagtungo si pangalawang nobela Rizal sa Belgium upang ipalimbag ang kanyang (E l Filibusterismo). Pero tulad ng dati, kinapos siya ng pondo.

akong isang kahinaan. Marunong akong magpatawad pero hirap akong makalimot. Kaya kung naaa lala kong ikaw noon ang aking tagapagtanggol, hindi ko rin malimot na ikaw ang unang taong ginamit nila upang patalsikin ako.Hindi pa man humuhupa ang kanyang poot, nakatanggap siya ng isang sulat mula kay Leonor Rivera na taglay ang kamandag ng isa na namang kasawian. Wala na ang sulat na ito pero nalalabi pa ang salaysay niya kay Blumentritt. Ang

Naisanla ko na lahat ng alahas ko. Tumitira ako sa isang maliit na silid. Kumakain sa isang dukhang restawran para lamang maipalimbag ang aking libro. Kung hindi lamang ako naniniwala na may natitira pang mabubuting Pilipino, iibigin ko pang lamunin ng diablo ang lahat. Kay raming nangako na magbibigay ng salapi para sa libro. Ano bang akala nila sa akin? Kung kalian pa kinakailangan ng isang tao na matahimik ang kanyang diwa at isip ay saka pa nila lilinlangin at aabahin. Manaka-nakay naiisip ko tuloy na sunugin ang aking isinusulat at akoy lilisan upang makapaghanapbuhay para sa aking sarili. Pero tulad din ngdati, may kaibigan siyang Valentin Ventura na nagpaluwal ng salapi para sa nobe la. Ang isa pa niyang kaibigang si Jose Basa ang nagpautang ng pamasahe patungong Hongkong. Ditoy muling nakatagpo ni Rizal ang kanyang pamilya. Dapithapon at Dilim Nang mabalitaan ng mga Espaol na pabalik na si Rizal sa Asya, minabuti nilang iliban si Paciano at ang kanyang mga bayaw sa Jolo. Sa kabutihang palad, nakatakas sila at nakapuslit patungong Hong Kong kasama si Don K ikoy. Sumunod na pinag-initan ang kawawang si Doa Lolay. Dinakip siya sa balighong paratang ng hindi paggamit ng tamang apelyido. Mula sa Maynila, pinaglakad siya ng 4 na

aking kasintahan na nanatiling tapat sa akin ng higit sa 1 1 taon ay magpapakasal na sa isang Ingles, isang inhinyero sa tren. Nang marinig ko ang balita, inakala kong mababaliw ako pero nakalipas na yon. Huwag mong pagtakhan na ipinagpalit niya ako sa isang Ingles na nagngangalang Henry K ipping. Ang mga Ingles ay malaya; akoy hindi. Nawaglit na sa kasaysayan ang mga sulat nina Rizalat Leonor sa isat isa. Ayon sa isang kwento, matagal na inilihim ng ina ni Leonor ang mga sulat. Natuklasan lamang ni Leonor ang lahat nan g malapit na siyang ikasal kay K ipping. Hindi niya inurong ang kasal pero nagbigay ng ilang kondisyon: (1) dapat niyang makatabi ang kanyang ina sa simb ahan, (2) hindi na siya kakanta habambuhay, at (3) habang panahong hindi patutugtugin ang kanilang piano. Tapos na marahil ang bagyo. Sisikat na ang araw

araw hanggang Sta. Cruz, Laguna. Isipin mo na lamang ang isang matandang babae na 64 anyos, umaakyat ng bundok at naglalakad sa kalye. Naawa anggobernadorsilyo, pinawalan ang matanda. At pagkaraay pinahintulutang pumu nta sa Hong Kong. At sa isang maamong panahon ng biyaya, muling nagkasama ang maganak na Rizal upang salubungin ang Bagong Taon. Nagbukas si Rizal ng klinika. Ang mga kapatid niyang babae ang namamahala ng mga gawaing bahay. Masaya ang kanyang mga magulang, lalo na si Don Kikoy na laging nakatanaw sa mga bapor sa dagat. Maligayang-maligaya na sana ang pamil ya pero hindi mapalagay si Jose sa kapayapaan, ngayong alam niyang napakaraming dapat gawin. Sinulat niya, inilimbag at ipinadala sa Maynila ang konstitusyon ng isang samahang tinawag niyang

dahil ang lahat, ang lahat-lahat, ay naglaho na. Nawala na ang lahat sa amin. Nawala na ang lahat sa akin. At wala nang maaaring mawala. Siguro namay bubuti na ang mga bagay.Ganoon nga ang nadama niya nang magtungo siya sa Biarritz, isang maayang bayan sa France malapit sa dagat. Biniyayaa n siya ng panahon upang haluhin ang sarili, upang ayusin ang kanyang ikalawang nobe la, upang umibig nang muli. Umibig siya kay Nellie Boustead na sinusuyo ng kababayan niyang si Antonio Luna. Tinanong kita ng maraming beses kung may pagtingin ka Nellie. At sinabi mong wala. Hinikayat mo pa nga akong ligawan siya.(Antonio) Noong lumaon

Liga Filipina na naglalayong himukin ang mga Filipino na magtulong-tulong upang gumawa ng mga kinakailangang pagbabago sa bayan. Nagpunta din siya sa Sandakan, North Borneo na ngayoy Sabah sa pagnanasang magtayo ng bayan-bayanang malilipatan ng mg Filipinong ipinatapon mula sa Calamba. Iniharap niya ang planong ito sa bagong Gobe rnador-Heneral Despujol kasama ng paghingi ng pahintulot na bumalik upang ayusin ang ilang personal na bagay. Pinahintulutan siyang bumalik pero walang ibinigay na garantiya sa kanyang kalayaan. Anot ano man, isa itong bagay na matagal na niyang napaghandaan.

ipinag tapat ni Rizal ang nilalaman ng kanyang puso. Josefina, Josefina, naparito

ka sa dalampasigan, naghahanap ng pugad, ng tahanan, tulad ng ligaw na ibon ng karagatan. Sakaling dalhin ka ng iyong kapalaran sa Hapon, Tsina o Shanghai man, huwag sanang mawaglit sa yong isipan ang puso kong tumitibok na ikaw ang dahilan. Bagamat tumutol si Mr. Taufer sa takot na mawawalan siya ngtagapag-alaga, nag awa rin ni Josephine na disp atsahin ito sa Maynila at bumalik sa Dapitan upang mamuhay kasama ng kanyang mangingibig na tinawag niyang Joe. Pinagkaitan sila ng kasal hanggat hindi pormal na nagbabalik-loob si Rizal sa simbahang Katoliko. Mahal kong ina, mabait siya, masunurin. Naglalaba siya,

Mga mahal kong magulang at kapatid, maligaya kong isusugal ang aking buhay upang iligtas ang napakaraming inosenteng tao. Mga giliw kong pamangkin, mga anak ng mga kaibigan na nagdurusa dahil sa akin, sino ba naman ako? Isang tao lamang, walang mag-anak, tinatabangan na sa buhay. Umaasa ako na matutuwa ang aking mga kaaway at ititigil na ang pagpapahirap sa mga inosente. Madilim ang aking kinabukasan. At patuloy itong didilim kung hindi masisinagan ng liwanag ng bukang-liwayway sa aking tinubuang lupa.At nakita niya ang liwanag na yon. Bagaman panandaliang nagpuspos ng kalungkutan nang ipatapon siya sa malayong bayan ng Dapitan na nasa probinsiya ngayon ng Zamboanga del Norte. Tumira si Rizal kasama ng komandanteng militar at ng kanyang maybahay na kapwa niyang nakagaa nan ng loob. Tumaya sila sa loterya (04441 ) ng magkabakas at nang manalo silay pinaghatian ang premyo. Dahil ditoy nakabili si Rizal ng lupain sa dalampasigan ng Talisay sa halagang 18 piso. Noong unay isang kubo lamang ang kanyang itinirik. Dooy nagpapalipas siya ng umagat maghapon, nagbabasa, nagsusulat at pagkatakay magbabalik na sa tahanan ng komandante. Noong tumagal ay nagtayo siya ng klinika na bukas sa mayaman at mahirap at nagtatag ng maliit na eskuwel ahan. Ditoy Europeo ang istilo ng pag-aaral. Itinuturo kasama ng wikang Espaol ang Ingles, palakasan at mga kakayanan sa paghahanapbu hay. Hindi siya pinabayaan nina Blumentritt sampu ng mga kaibigan nitong iskolar sa Europa. Lagi siyang nakakatanggap at sumusulat ng liham sa ibat ibang wika tungkol sa ibat ibang bagay. Nariyan na iulat niya ang bagong species ng palaka at insekto na ipinangalan naman ng mga Europeo sa kanya. Nariyang magpalitan sila ng mga kuro-kuro ni Blumentritt tungkol sa wikang Tagalog. Dumating din ang panahon na pinayagang tumira kasama niya ang kanyang ina at ilang kapatid na babae. Gayunman, hindi maikakaila na inag aw si Rizal na nakagawian niyang buhay at ang tahanang natagpuan niya rito ay walang iba kundi isang magandang hawla. Sa isang malungkot na tulang alay sa kanyang ina, isinulat niya ang kanyang damdamin.

nananahi, nagluluto, pinaliliguan at nilalaro ang kanyang mga pamangkin. Walang Filipinang makahihigit sa pag-aa lagang ginagawa niya sa akin. Kasal lamang ang kulang sa amin. Pero ikaw na rin ang nagsabi noon, Nanay, na mas mabuti pa ang mga nagsasama sa grasiya ng Maykapal kaysa sa mga kasal na nagkakasalang mortal. Gawin man ni Rizal ang lahat ng paliwanag,ikinahiya ng ilang miyembro ng kanyang pamilya ang kanilang pagsasama. Ayon kay Joseph ine, kung minsay pinagduduldulan pa ito sa kanyang mukha sa harap ng kanilang mga pamangkin. Gayunman, tiniis niya ang lahat ng pasaring. Pero, sadyang mahirap takasan ang mga kamay ng kasaysayan. Tinanggihan man ni Rizal ang plano ng mga Katipunero na itakas siyat gawing haligi ng himagsikan, hindi maikakaila na malaki ang nagawa ng kanyang mga sinulat, ginawa at sinabi sa kamalayan ng mga taong nagpasyang makibaka. Ang dahilay matagal na niyang itinakwil ang pulitika, matapos ang kapahiyaa n sa Madrid, ang pagkaudlot ng lahat ng kanyang plano upang bumangon muli sa Sandakan, at ang naunsiyaming pagpapalaganap sa Liga Filipina. Pinili niya ang kapayapaan, ang buhay na sa wakas ay tahimik, ang buhay na sa unang pagkakataon ay kanyangkanya. Sinunod niya ang payo ni Blumentritt na mag-boluntaryo bilang mangg agamot sa Cuba sa ngalan ng Espaa upang mawakasan ang kanyang pagkakatapon at kalaunay makabalik sa kalayaan ng Europa . Nilisan namin ang Dapitan. Namalagi ako sa distritong yon ng 4 na taon, 13 araw at ilan pang oras. Malayo na siya sa Pilipinas nang maibaba ang pasya na pabalikin siya sa Pilipinas upang humarap sa korte sa paratang na rebelyon at pagbubuo ng mga ilegal na samahan. Ipiniit siya sa Fort Santiago noong mga unang araw ng Nobyem bre. Nilitis siya noong ika-26 ng Disyembre. Pagkaraan ng 3 raw, binasa sa kanya ang hatol ng kamatayan. Mga mahal kong magulang at kapatid, gusto ko kayong makapiling

Akoy natapon sa kabatuhan ng bayan kong mutya. Wasak na ang kinabukasan at tahanan may wala. Kayat sanay magbalik dating pag-asat adhika. Yaong dalisay na pananalig ng tapat at musmos kong diwa. Na siya kong tanging yamang hindi nasasanla.Naibsan ang pangungulila ni Jose nang dumating si Josephine Bracken. Sinamahan ni Josephine sa klinika ang kanyang nabubulag na ama-amahang si Mr. Taufer. Nahulog ang loob nila sa isat isa. At sinasabi na sa dalampasigan

bago ako mamatay. Pumunta rito ang mga malalakas ang loob. May mahalaga akong bilin. Ang inyong anak at kapatid na taus-pusong umiibig sa inyo, Jose.Pinaka-unang dumalaw ang kanyang ina. Humingi si Rizal ng tawad para sa lahat ng paghihirap na idinulot niya sa pamil ya at hiniling na kunin nito ang kanyang bangkay. Gusto siyang yakapin ng kanyang ina ngunit pinaghiwalay sila ng mga guwardiya sibil. Sumunod na dumalaw ang kanyang mga kapatid na babae at mga pamangkin. Isa-isa niyang ipinamigay ang kanyang mga nalalabing gamit. Ipinagbilin niya kay Trining ang isang lamparang inihandog sa kanya ng mga Pardo de Tavera. There is something inside, ibinulong ni Rizal sa Ingles upang di maunawaan ng mga guwardiya. Doon niya isiniksik ang kanyang huling tula.

Sinulatan niya ang mga mahal sa buhay na hindi nakapag-paa lam, ang kanyang matalik na kaibigan na nagdadalamhati sa Europa. Kapag natanggap

mo ang liham na itoy pumanaw na ako. Paalam, pinakamatalik, pinakamamahal kong kaibigan. May iniwan akong librong para sayo bilang alaala mo sa akin. Gayundin ang amang hindi pinahintulutang dumalaw. Ipagpatawad ninyo ang sakit na siya kong isinukli sa inyong mga pagsisikap upang mabigyan ako ng edukasyon. Paa lam, Tatay, paalam. At ang butihing kapatid na malayo na 1/2 noon sa larangan ng digma. 4 taon na tayong hindi nagkikita at nagkakausap. Pero, hindi naman natin kailangan ng mga salita upang maunawaan ang isat isa, hindi ba? Masakit para sa akin na isiping iiwan kitang nag-iisa upang pasanin ang ating pamilya. Naiisip ko ang iyong mga sakripisyo mabigyan lamang ako ng kinabukasan. Alam kong nagtiis ka ng napakaraming hirap nang dahil sa akin. Patawarin mo sana ako. Ang iyong kapatid, Jose.Disyembre 30, 1896, binaril si Rizal sa Bagumbayan. Ang kanyang huling sinabi bago siya barilin ay Consummatum est. Nakabili ng kabaong ang pamil ya Rizal pero ipinagkait sa kanila ang bangkay. Inilibing ito ng lihim sa sementeryo ng Paco. Walang kabaong, walang pangalan.