kabanata 1.1 panimula ng pagsasaling wika

17
Kabanata 1 KASAYSAYAN NG PAGSASALING -WIKA SA DAIGDIG

Upload: maria-cecilia-san-jose

Post on 28-Oct-2015

1.155 views

Category:

Documents


14 download

DESCRIPTION

introduksyon sa pagsasaling wika

TRANSCRIPT

Kabanata 1

KASAYSAYAN NG PAGSASALING-WIKA SA DAIGDIG

Panimula Halaw sa aklat ni Savory (The Art of

Translation,1968) ang naging kasayasayan ng pagsasaling-wika sa daigdig noong mga dakong una upang magkaroon ng higit na malawak na pananw sa larangang ito. Ayon sa mga aklat ay si Savory ang tumalakay nang higit na masusi sa kasaysayan ng pagsasaling-wika sa daigdig, bagamat ang kanyang talakay ay umabot lamang hanggang noong mahigit kalahatian ng kasalukuyang siglo o dantaon.

Ang Pagsasaling-wika sa Iba’t Ibang Panahon

Sa Europe, ang kinilalang unang tagasaling-wika ayon kay Savory, ay isang aliping Griyego na nagngangalang Andronicus. Isinalin niya ng patula sa Latin noong 240 B.C. ang Odyssey ni Homer na nasusulat sa wikang Griyego.

Ang unang pagsasaling ito ay sinundan pa ng ibang pagsasalin. Sina Naevius at Ennius ay gumawa ng mga pagsasalin sa Latin ng mga dulang Griyego, tulad ng mga isinulat ni Euripides. Si Cicero, bukod sa pagiging isang dakilang manunulat, ay nakilala rin bilang isang mahusay na tagasaling-wika.

Nakatulong nang malaki sa pag-unlad ng mga bansa sa Europe ang mga pagsasaling isinagawa ng iba’t ibang sangay ng panitikan.

Ang mabilis na pag-angat ng Arabia, halimbawa, noong ikalawa hanggang ikasiyam sa siglo mula sa kamangmangan ay dulot ng mga pagsasaling-wika sa isinagawa mula sa wikang Griyego na noon ay siyang prinsipal na daluyan ng iba’t ibang karunungan sapagkat ang bansang Gresya noon ang kinikilalang sentro ng sibilisasyon.

May isang pangkat ng mga iskolar sa Syria ang laging nababanggit kapag napag-uusapan ang pagsasaling-wika.

Ayon kay Savory, ang mga iskolar na ito ay nakaabot sa Baghdad at doon ay isinalin nila sa wikang Arabic ang mga isinulat nina Aristotle, Plato, Galen, Hippocrates at marami pang ibang kilalang pantas at manunulat.

Nakilala ang Baghdad bilang isang paaralan ng pagsasaling-wika na naging bukal ng kumalat ba karunungan sa Arabia.

Dumating ang paanhon na nawalan ng sigla ang tagapagsaling mga iskolar sa Baghdad sapagkat napabaling ang kanilang kawilihan sa iba namang mga bagay na pang-intelektuwal, tulad ng pagsususulat ng mga artikulong pampilosopiya.

Pagkaraan ng ng mga tatlong siglo, napalitan ng Toledo ang Baghdad bilang sentro ng karunungan sa larangan ng pagsasaling-wika.

Marami-rami ring salapi at panahon ang ginugol ng mga iskolar ng Toledo upang isalin naman sa Latin ang mga nasusulat sa wikang Arabic.

Ayon kay Savory,naganyak ang maraming iskolar sa Toledo upang maging tagasaling-wika sa mga aklatan. Isandaang taon din, humigit kumulang, na nagpatuloy ang gayon.

Sa pangkat ng mga tagapagsaling ito ay dalawa ang higit na napatanyag – sina Adelard at Retines.

Si Adelard ang siyang nagsalin sa Latin ng mga sinulat ni Euclid na noon ay naisalin na sa Arabic.

Si Retines naman ang nagsalin sa Latin ng Koran noong 1141.

Dahil sa palawak nang palawak na pag-uugnayan ng mga bansa, noong 1200 A.D. ay nakaabot na sa Toledo ang mga orihinal na teksto ng mga literaturang nasusulat sa wikang Griyego.

Dahil dito ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga tagasaling-wika na magsalin nang tuwiran sa Latin mula sa Griyego. Sa gayon ay nabawasan ang mga pagkakamali na karaniwang nagaganap kung ang pagsasalin ay di-tuwiran.

Sa mga panahong iyon lumabas ang naging dakilang salin ng Liber Gestorum Barlaan et Josaphat.

Ang orihinal na teksto nito’y nasusulat sa Griyego.

Nagkaroon ng iba’t ibang salin sa iba’t ibang wika sa Europe ang Barlaan et Josaphat, kaya’t napilitang kilalanin ng simbahang Latino bilang mga santo at santa sina Barlaan at Josaphat, dalawang tauhang uliran sa pag-uugali at sa pagiging maka-Diyos, kahit ang mga ito ay likhang isip lamang. Ang pangyayaring ito’y itinuturing na siya na marahil pinakadikaraniwang natamo ng alinmang pagsasaling-wika sa daigdig.

Naniniwala si Savory na umabot sa pinakataluktok ang pagsasaling-wika noong mga dakong ikalabindalawang siglo.

Ayon kay Savory, ang pagsasaling-wika ng mga panahong iyon ay maaaring napantayan na sa kasalukuyang panahon ngunit hindi pa nahihigitan.

Noong sinasabing nagsimula ang pagsasalin sa Biblia. Ang salin ni Wycliffe ay sinundan ng salin ni Tyndale at Coverdale.

Sa wikang Aleman, ang kinikilalang pinakamabuting salin ay ang kay Martin Luther (1483-1646).

Sa katotohanan ay dito nagsimulang makilala sa larangan ng pandaigdig na panitikan ang bansang Germany.

Sa mga panahong iyon lumitaw ang mga salin ni Jacques Amyot, isang obispo sa Auxerre na siyang kinikilalang " Prinsipe ng Pagsasaling-wika" sa Europe.

Ang pinakamahalagang utang ng pandaigdig na panitikan kay Amyot ay ang pagkakasalin niya noong 1559 ng Lives of Famous Greek and Romans ni Plutarch.

Ang saling ito sa wikang Aleman ang siya namang pinagkunan ng salin sa Ingles ni Sir Thomas North noong 1579.

Mula sa Ingles ay nagkaroon pa ng mga pagsasalin sa iba’t ibang wika sa daigdig ang nasabing akda.

Sa Inglatera ay nakilala naman noong 1467-1553 ang isang tagapagsaling si John Bourchier.

Karamihan sa kanyang mga salin ay mula sa wikang Kastila na sa ngayon ay hindi na kinawiwilihang basahin, ayon pa rin kay Savory.

Subalit si Bourchier ay nakatala sa kasaysayan ng pagsasaling-wika sa Alemanya bilang tagapagsalin ng Chronicles ni Froissart, isang awtor na ang paksa at estilo ay kanyang labis na kinagiliwan.

Ang panahon ng unang Elizabeth ang itinuturing ni Savory na unang panahon ng pagsasaling-wika sa Inglatera.

Ang panahon ng pangalawang Elizabeth ang kinikilalang pinakataluktok.

Ayon sa salaysay ni Savory, ang pambansang diwang nangibabaw ng panahong iyon ay pakikipagsapalaran at pananakop.

Ang mga tagapagsaling-wika ay kapapansinang may ganon ding layunin – ang pagtuklas sa anumang nababago sa panitikan.

Ayon pa din kay Savory, si Thomas North ang kinilalang pinakadakila sa mga tagapagsalin sa Inglatera nana panahong iyon.

Buod:HISTORI NG PAGSASALING-WIKAHalawin natin sa aklat ni Savory (The Art of Translation, 1986) ang

naggingkasaysayan ng pagsasaling-wika sa daigdig noong dakong una upang tayo’ymagkaroon ng higit na malawak na pananaw sa larangang ito.

Adronicus(Europe) – ang kinilalang unang tagasaling-wika na isang aliping Griyego -Isinalin niya ng patula sa Latin ang Odyssey ni Homer

Naevius at Ennius – gumawa ng mga pagsasalin sa Latin ng mga dulang Griyego

Cicero – nakilala bilang isang mahusay na tagasaling-wika at manunulat

Baghdad – isang paaralan ng pagsasaling-wika na nagging bukal ng kumalat na karunungan sa Arabia

-Isang pangkat ng mga iskolar sa Syria ang nakaabot sa Baghdad-Isinalin nila ang sa wikang Arabic ang mga sinulat nina Aristotle, Plato,

Galen, Hippocrates, etc.

Toledo – pinalitan nito ang Baghdad bilang sentro ng karunungan sa larangan ng pagsasaling-wika

-Isinalin nila sa Latin ang mga nasusulat sa wikang ArabicAdelard – nagsalin sa Latin ng mga sinulat ni EuclidRetines – nagsalin sa Latin ng Koran noong 11411200 AD – nakaabot sa Toleda ang mga orihinal na teksto ng mga

literaturang nasusulat sa wikang GriyegoLiber Gestorum Barlaam et Josephat – orihinal na teksto ay nakasulat

saGriyegoBarlaam et Josephat – nakilalang bilang santo ang dalawa dahil sa mga

salin nito-Dalawang tauhang uliran sa pag-uugali at sa pagiging maka-Diyos,

kahit ang mga ito ay likhang-isip lamangBiblia (Wycliffe, Tysdale at Coverdale) – pinakahigit na pagsasaling-

wika-Martin Luther: isinalin sa Aleman ang BibliaJacques Amyot – “Prinsipe ng Pagsasaling-Wika”-Lives of Famous Greek and Romans ni Plutarch

Sir Thomas North – isinalin sa Ingles ang Lives of Famous Greek and RomansJohn Bourchier – isinalin ang Chronicles ni FroissartGeorge Chapman – isinalin ang mga sinulat ni HomerJohn Florio – lumabas ang mga salin saEssays ni Montaigne, isang babasahing itinuturing na kasinghusay ng Plutarch ni North

Thomas Shelton – isinalin ang Don QuixoteHobbles – isinalin angThucydides atHomerJohn Dryden – isinalin angJevenal atVirgilAlexander Pope – isinalin angIliad atOdyssey ni HomerWilliam Cowper – isinalin ang Odyssey ni HomerA.W. von Schlegel – isinalin sa Aleman ang gawa ni ShakespeareAlexander Tytler – naglathala ng libro na Essay on the Principles of Translation

Maraming Salamat!!!

ELENOR A. CAPISTRANOMAT - Filipino